Impression on the Heart

By _Isabelle_

261K 8.6K 1.9K

There would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also b... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Special Chapter
Chapter 40
Epilogue

Chapter 6

4.9K 155 28
By _Isabelle_

Dumako ang paningin ko sa sulok at nandoon nakita ko ang posturang si Sac. Disente ang itsura niya ngayon pero bukod pa doon halata ko ang galit sa mga mata niya.


"Go-good Morning po Ma'am, Mr. Villegas." Tumango sa akin ang principal at pinaupo ako. Pauwi na sana ako at papunta sa isa kong trabaho nang pinatawag agad ako sa Principal's office. Hindi ko alam ang rason ng pagsummon sa akin lalo na ng makita ko si Sac sa loob ng Principal's office.


"Rachel, nandito si Mr. Villegas ngayon para kausapin ka tungkol sa anak niya." Napatingin naman ako kay Sac dahil sa sinabi ng Principal. Nakita ko ang pagtiim ng panga ni Sac at ang talim ng mga mata nito. Nakakatakot.

"Do you know where is Gracie now?" Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Sac. Palagay ko ay nasa bahay pa si Gracie dahil hindi ito pumasok ngayon pero pakiramdam ko hindi iyon ang sagot na hinahanap ni Sac. "Gracie is in the hospital now." Mahinahon ang pagsasalita ni Sac pero halata ko ang diin ng bawat salita niya.

"Ho-hospital? A-ano pong nangyari?"

"Ah talagang sa akin mo pa tatanungin 'yan?" Nabigla ako sa sarkastikong tugon ni Sac. Hindi ko naman talaga alam ang nangyari. "Madam principal, I was in business trip last week and I left my daughter in perfect health condition but when I returned back just this morning she was having high fever, rashes and difficulty in breathing."


"A-anong nangyari kay Gracie?"

"Hindi ko alam kung anong nangyari at kaagad kong dinala si Gracie sa ospital at hanggang ngayon ay inoobserbahan ang kalagayan niya. Pero suspetsa nila severe allergic reaction. Hindi pa ako makapaniwala na allergic reaction iyon dahil hypoallergenic lahat ng gamit ni Gracie dahil na rin sa pre-existing condition ng Mommy niya. Pero nalaman ko na lang sa mga kasama ko sa bahay na may nagbigay pala ng aso sa anak ko."

"Pe-pero sabi ni Gracie pinayagan mo na siyang mag..." Hindi ko na napagpatuloy ang sasabihin ko. Alam ko na. Hindi nagpaalam si Gracie sa Daddy niya about sa tutang binigay ko. Hindi ko alam na may allergy pala si Gracie. Goodness, hindi ko alam! Kung alam ko lang hindi ko sana binigay si Milky.

"C'mon Rachel common sense naman. Huwag mong gamitin ang anak ko dahil sa kapabayaan mo."

"Hindi ko naman ginagamit..."

"Eh ano?!" Napapikit ako ng sumigaw si Sac. "Are you stupid? Yes, maybe you are stupid. Ay teka hindi, tanga ka nga talaga. Napakatanga mo na sa bata mo inasa na magpaalam at sobrang katangahan mo na maniwala. Stupid idiot!"


"Mr. Villegas. Naiintindihan ko po ang predicament pero sana po gumamit po tayo ng sibil na salita sa pakikipag-usap."

"So-sorry po, Mr. Villegas. Inaako ko po na kasalanan ko po---"

"Dapat lang. Sino pa ba? You know Madam I'm really disappointed that you hire this kind of people in your school. She is not competent and mature enough for the responsibility. Your industry is education and your primary clients are children and I think Rachel here cannot cater the children's needs and interest. She is a disgrace to your school."


"Mr. Villegas we are truly sorry from what had had happened. I assure you that this will be an isolated case and we will shoulder the hospital bills for Gracie."

"I don't need any help from the hospital bills. What I want you to do is to rectify this." Tinuro ako ni Sac.


"Sorry po Mr. Villegas. Hindi ko po kasi talaga lubos maisip na may allergy si Gracie. Akala ko po matutulungan ko siyang maibalik ang dati niyang sigla sa pamamagitan ng aso dahil nakita ko--"

"Stop helping her then! Hindi kailangan ni Gracie ng tulong mo. You are posing her more harm than help. Sino ka ba? You are just a teacher aide. Teacher aide ka lang hindi ka teacher at wala kang alam sa bata. Sa labas ng school wala ka ng kaugnayan sa kanya. Kapag may nangyaring masama kay Gracie hindi ko alam ang maaring magawa ko sa'yo Rachel."


Nanlamig ako sa sinabi niya. Nanlamig ako hindi dahil sa banta niya kundi sa sinabi niya kay Gracie. Diyos ko, huwag naman niyo sanang ipahintulot na may mangyari sa bata dahil sa kagagawan ko.

"Mr. Villegas, sabihin niyo lang po kung anong magagawa namin para po kay Gracie. Kung hindi po pinansiyal ano po bang maitutulong namin?"

"I want her to be sacked. At kung mas maganda kung maipapakulong niyo siya."

"Mr. Villegas. Huwag naman po sanang umabot sa pagpapakulong." Kulong? Siguro nga deserve ko iyon sa kapabayaan ko. Siguro nga.

"I am really disappointed and infuriated by this incident. I am hoping that you will do proper legal actions because of your incompetent employee. Kapag may nangyaring masama kay Gracie sa korte tayo magkikita." Nakuyom ko ang palad ko sa sinabi ni Sac. Mabilis itong naglakad palabas ng Principal's office. Nanghihina ako sa pangyayari. Kanina ko pa gustong umiyak dahil sa masasamang salitang binitiwan ni Sac pero pinigil ko at nilunok kong lahat ng masasakit na salitang sinabi niya.

"I...I am really sorry, Ma'am. I admit that it is all my fault..."  Tumayo na ako. Hindi ako makatingin sa principal sa kahihiyan. I brought shame to her school. Napakapakialamera ko talaga kasi kaya nangyayari ito.

"Kumalma ka muna, hija. Are you okay? You look very pale." Inalalayan pa ako ng principal  na maupo ulit at tinabihan ako nito. Hindi pa rin ako makatingin ng deretso sa kanya.

"Ma'am pwede niyo na po akong i-terminate. Deserve ko po talaga iyon. Pasensiya na po." Nagulat na lang ako ng hinawakan ng principal ang kamay ko. Napatingin tuloy ako ng tuluyan dito.

"Ano ba talagang nangyari, hija?" Malumanay ang pagsasalita ng principal kabaligtaran sa malakas na boses ni Sac. Galit na galit kasi ito sa akin at kulang na lang ay patayin na niya ako gamit ng mga salita niya.

"Na-naobserbahan ko po kasi ng bumalik noon last 3 weeks ago si Gracie matapos po iyon pagkamatay ng Lolo niya naging loner na po at tulala lagi si Gracie. Gusto ko lang naman po mapasaya ang bata. Nakwento ko po kasi sa kanya na may aso ako na nanganak at iyon mga tuta ay ipamimigay ko at nakita ko po sa reaksyon ng bata na gusto niya at interesado siya sa mga aso. Iyon nga po ang naging way ko para mas mapalapit sa kanya. So noon pong nakita ko siyang ganoon nabuo na po ang desisyon ko na ibigay sa kanya si Milky iyon po yun tuta. Hindi ko naman po aakalain may allergy si Gracie sa hayop at magkakaroon po ng masamang reaksyon po iyon sa bata. I just want her to be normal again pero alam ko pong negligence po sa akin iyon. Unang-una po dapat hindi po ako naniwala sa sagot sa akin ng bata na pumayag ang Daddy niya. Dapat ako po ang nagsabi noon. Pangalawa, hindi ko po inalam doon sa profile ng bata ang allergies niya. Maling-mali po ako doon. At pangatlo po, mali po na hindi ko pinaalam sa lead teacher na bumisita ako sa bahay nila. Aminado po ako na kasalanan ko po ito. Sana na lang po...wala pong mangyaring masama kay Gra-gracie" Hindi ko na mapigilan mapaiyak sa pagsambit ng pangalan niya. Gustung-gusto kong puntahan si Gracie sa ospital dahil sa pangyayari pero alam kong hindi ko iyon magagawa. Pagbabawalan ako ni Sac. "Pero Ma'am ginawa ko po iyon with the purest of intention. Gusto ko lang pong sumaya ang bata...I...I didn't mean to pose any harm."

Napatingin ako sa principal ng hinawakan niya ang kamay ko.

"Alam kong wala ka namang intensyon na masama. Iyon nga lang kailangan nating maging responsable sa mga bagay na ginagawa natin." Tumango ako. "Natutuwa ako at aminado ka sa pagkukulang mo Rachel. Natutuwa ako at tanggap mo ang pagkakamali mo. Hayaan mo susuportahan ka namin kung ano man ang gawing hakbang ni Mr. Villegas." Nagulat ako sa sinabi ng principal. "I've seen how you work and how you truly dedicate yourself to children Rachel, something that I am having difficulty to see to my teachers today. I really like you and I won't terminate you. The school will support you on this. Don't worry." Hindi ako makapagsalita sa sinabi ng principal. Natutuwa ako at naapreciate niya ang mga ginagawa ko pero mas maganda na umalis na lang din ako sa school. Para hindi na rin madamay sila sa demanda pagnagkataon. Ayoko ng umabot na may madamay pang ibang tao. At isa pa iyon ang gustong mangyari ni Sac ang matanggal ako sa school.

"Ma'am, salamat po at naappreciate ninyo po ang ginagawa ko. Pero siguro po mas maganda na lang po na umalis na po ako. Sa palagay ko po sa sitwasyon na pinasukan ko mas mabuti na mawala na iyon nagkamali sa school para hindi na magkaroon pa po  ng epekto sa future. Baka po kasi ako na ang maging lamat o dumi sa repustasyon ng eskwelahan kapag nandito po ako."

"Rachel...hindi ganoon."

"Ma'am salamat po talaga sa mga sinabi niyo pero buo na po ang desisyon ko. Aalis na lang po ako." Dahil sa kapabayaan ko kaya naging ganito si Gracie. Gracie...


...

"Rachel!"  Napatingin ako kay Ate Magda.

"Bumangon ka na nga diyan. Walang magagawa ang pagmumukmok mo diyan." Tumingin ako sa may bintana. Mukhang tirik na ang araw. Wala na naman akong pasok sa umaga. Mamayang hapon pa ang pasok ko sa flowershop. "Rachel! Kung hindi mo aayusin ang sarili mo walang mangyayari sa'yo. Ano 'to break-up with Dave part 2? Rachel, kung tinanggal ka sa trabaho hayaan mo. Makakahanap ka rin ng iba. Ano papasok ka ba? Iiwan ko muna sa'yo si Andrei kung hindi. Dadaan ako sa tindahan."

"Ate naman..." Nagtalukbong ulit ako ng kumot pero kaagad hinila ito ni ate.

"Rachel, hindi kita pinag-aral para sayangin mo ang isang araw mo na dapat para sa trabaho. Bangon Rachel! Hindi kita pinalaking mahina. Move on na teh!"

Tinitigan ko lang si Magda. She was always been a fighter. Sabi ng nga kamag-anak namin kagaya siya ni Nanay noong nabubuhay pa ito samantalang ako, ako iyon passive at tahimik na lang sa sitwasyon gaya ni Tatay. Pero dahil si Magda ang literal na nagpalaki sa akin dahil maaga kaming iniwan ng mga magulang namin kaya pinipilit niya sa akin maging kagaya niya. At naging ganoon ako. Pero may mga instances na bumabalik ako sa pagiging passive at mahina. At isa ang pangyayari na ito ngayon.


"Huwag mo ng iwanan sa akin si Andrei baka kung ano pang mangyari sa pamangkin ko dahil sa kapabayaan ko."


"Tanga! Anong pinagsasabi mo diyan. Inalagaan mo nga iyon isang pamangkin mo simula sanggol iyon hanggang magbinata tapos si Andrei lang takot ka. Huwag ka ngang umarteng tanga." Napailing na lang ako.

"Ate naman. Quota na ako sa pagtawag ng tanga. Tama na."


"At sino naman nagsabi sa'yo ng tanga ka? Iyan Sac na iyan? Bakit ka pumayag? Ako lang may karapatan tumawag sa iyo ng tanga. Gusto mo sugurin ko." Umiling na lang ako. Naalala ko naman na kapag may nang-aapi sa akin si Ate talaga ang makikipagbuno sa kanila.


"Tumigil ka na nga ate."


"Eh kasi naman andiyan ka naman sa pagiging mahina mo. Sinabihan kang tanga? Sabihan mo rin siya ng tanga. Tapos sabihin mo 1 + 1 = 2. Ewan ko na lang masabihan ka pang tanga ng lalake na iyon." Hindi ko mapigilan matawa sa sinabi ni ate. Napakapraktikal at simple talaga ng utak niya. "Ano iiwan ko muna si Andrei? Nandoon sa may kwarto natutulog. Nandito na ako before lunch. May siraulo daw kasing nagkeclaim na expired na iyon nabili niyang de lata sa tindahan at hindi masagot ng tamad na manager ko. Mga walang buto eh." Tumango na lang ako sa sinabi ni ate. Wala talagang preno ang bibig niya. Pero naiintindihan ko naman dahil na rin sa stress na pagkakaroon ng business. Meroon kasi itong grocery store na nagsimula lang sa tindahan hanggang sa lumaki. Nag-expand na nga siya ng isang branch at abalang-abala siya dahil rito. Doon ako binuhay ni ate. Hindi man tapos ng pag-aaral si ate dahil sa sakripisyo niya sa akin pero nagawa niyang maging successful. "Kung gusto mo sa akin ka na lang kasi magtrabaho. Ikaw lang naman. Naghahanap ako ng manager cum janitress. Ano?" Baliw talaga si Magda.

"Ayoko. Mukhang mag-aaway lang kami ng may-ari at ayokong mag-away kami."  Ngumiti sa akin si ate at nabigla ako ng niyakap niya ako.

"Rach...ikaw ang unang baby ko. Tandaan mo na di kita pababayaan kahit gurang ka na. Kung idemanda ka ng Sac na 'yan lalaban tayo. Gago pala siya. Kilala ba niya kung sino nakakabangga niya." Alam kong totoo ang sinasabi ni ate. Talagang ginapang niya kami sa hirap.

"Ate...hindi naman ako natatakot mademanda ni Sac. Wala rin akong pakialam kung makulong ako. Nag-aalala ako kay Gracie, ate. Nag-aalala talaga ako." Naiiyak naman ako.

"Allergy lang iyon Rachel kung makareact iyon lalake na iyon kala mo may malubhang sakit ang anak niya."

"Ate severe allergic reaction iyon."

"And so? Allergy lang iyon. Walang mangyayaring masama kay Gracie okey? OA lang yun lalake na iyon." Tumango na lang ako. Ayoko ng masyadong ielaborate kay ate hindi niya rin maiintindihan. "Sina Andrei nga 24 hours nandito walang allergy allergy na iyan. Eh napakarami nating aso. Kaartehan niya lang 'yan." Tumango-tango ako kay ate. "Huwag ka ng mag-alala. Walang mangyayari doon. O sige na doon ka na sa kwarto ni Andrei. At maghanap ka na ng permanenteng trabaho." Napailing na lang ako.

...

Mabilis ang oras sa flower shop. Napakaraming deliveries dahil malapit na ang Valentines day. Nag-overtime ako dahil sa dami ng gawain. Mabuti na lang din iyon. Ayoko na munang masyadong mag-isip.

"Rachel, are you still looking for a job?" Napatingin ako sa owner ng flower shop na si Mrs. Jam Rodriguez. Isa na siyang middle-ager pero mukha pa rin siyang bata.

"Opo, Ma'am."

"Permanent?" Nag-alangan naman ako kung anong sasabihin ko. Kapag sinabi ko na 'oo' alam na niya na aalis na ako rito.

"It's okay, Rachel. Alam kong aalis ka din sooner or later dahil sino ba naman ang may gusto ng part-time. Babalik na rin naman ang anak ko from her maternity leave kaya it's all right." Napatungo ako. Napakabait talaga ni Mrs. Rodriguez. Nakakalungkot lang na aalis din ako sa trabaho na ito gaya ng pag-alis ko ng school. "So ano? Are you interested? I know someone who wanted to have a trust-worthy permanent admin and I can recommend you." Napangiti ako sa sinabi ni Mrs. Rodriguez.

"O-opo, Ma'am."

"Good. Bukas papatawagan kita for the details of the interview. Be prepared, okay?"

"Salamat po, Ma'am."

"Don't mention it." Ngumiti pa sa akin ang mabait kong amo. "Wait, are you interested in arts?"


"Ahm..." Natigilan ako at hindi agad nakasagot. Sa totoo lang wala akong talento at hilig sa arts.

"It's a an art gallery. Iyon business na sinasabi ko sa'yo. But even if you are not into arts I think matutunan mong ma-appreciate doon." Kumindat pa ito sa akin na tila may ibang iniisip.


Continue Reading

You'll Also Like

756K 26.8K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
4.5K 232 11
"Little things would turn out to be the best things with the one you love." Dear Diary, Once upon a time, I became a stupid bitch for almost ruining...
65.2K 1.2K 53
Roa, a designer and boutique owner, wanted to move on from the man whom she courted and rejected her when she was in college. But years later, Nixon...
773K 37.7K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...