Lose to Win (Trazo Real Serie...

By ringthebelle_

27K 641 156

To save her brother from their father's wrath, Clara Priscilla Del Rio agreed to an arranged marriage planned... More

Lose to Win
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 27

449 10 6
By ringthebelle_

Chapter 27

I had to wake up early today to check on my things again. We'll start our first day of taping for our movie and I am excited to go back to work. I enjoyed my two months of vacation but I cannot deny that I missed acting so much.

It's Theo's off today so insisted on preparing my breakfast. I told him that there's no need to do that but he wanted to because he'll miss me raw.

"Ayaw mo talagang ihatid kita?", tanong niya nang ilapag ang kape sa kitchen counter.

"Hindi na. You came home late last night so rest", I said.

"Matutulog na lang ako pagkahatid ko sa'yo", pagpupumilit niya pa.

"Next time, love. Ang lalim na ng eyebags mo. You badly need to sleep", turo ko pa sa undereyes niya.

"Pangit na ako?", pagpapa-cute niya pa kaya natawa ako.

"No. Just haggard", saad ko at tsaka niya ako inirapan.

"Ganoon din 'yon"

He's been busy with work. I heard he's in charge of a very big project so he spends a lot of time in his office or attending meetings. Maraming inaasikaso dahil mahal ang bayad for that project and Trazo Real was chosen to be the project's developer. Si Xythos sana ang pakukuhanin ng project na 'yon but he chose the Riqueza Coast project instead. No wonder, anything for Cali.

"Promise, I'll bring you to work next time. I'm close naman sa director namin pero kailangan ko pang magpaalam. For now, I want you to rest Theo Nathaniel", bilin ko sa kanya bago niya ako ihatid sa van ko na lulan sina Kuya Lito at Ate Len.

"Alright. Update me", saad niya at humalik sa pisngi ko bago ako tuluyang umalis na.

Pagdating ko sa set, panay ngiti at pagbati agad ang natanggap ko. Kararating lang din ni Neil at agad niya akong inakbayan at inasar-asar.

"Blooming mo", saad niya kaya natawa ako.

"I'm in love...", sagot ko kaya umirap naman siya.

"Sana all"

"Any news about... you know", I said and he knows that I'm talking about Courney. Agad din naman siyang umiling. I tapped his back and smiled. I'm sure, mahahanap din niya ang mag-ina niya someday.

I greeted the director and finally went to my tent. Inayusan ako at habang ginagawa 'yon sa akin ay nagbabasa ako ng script. Sinisilip ko rin paminsan ang phone ko dahil baka may message si Theo pero wala naman kaya hinayaan ko na rin ang phone ko.

I spent the whole month for our taping. Hindi naman ganoon kabigat sa schedule dahil hindi naman kami palipat-lipat ng lugar kaya hindi ganoon ka-time consuming ang trabaho. Sa gabi, uuwi ako na nakahanda na ang pagkain namin. Sa umaga, gigising ako na may nakaluto na kaming almusal.

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang pinasalamatan ang Diyos dahil binigyan niya ako ng isang Theo. I feel like I don't deserve someone like him. Sa sobrang bait niya, no one deserves him and I am so lucky to have him.

"Hey", I called him after taking a shower.

"Hmm?", tanong niya at nag-angat ng tingin sa akin. Nasa kama na siya at nakapatong sa lap niya ang Macbook. Sobrang abala niya ngayon sa trabaho kaya nga hiyang hiya ako dahil nagagawa niya pang isingit sa oras niya ang magluto ng pagkain naming dalawa.

I handed him an invitation for our premiere night. It's going to be his first public appearance after I announced our relationship via social media. Gusto ko talaga siyang isama sa premiere night dahil alam kong matagal na niya 'yong gusto.

Dati, nakikita ko sa mga mata niya na gusto niyang samahan ako sa mga premiere night ng mga movies ko pero hindi ko naman magawa dahil hindi pa pwede. It just feels so much better now that I can bring him to any of my events without worrying about what people might think about us.

"Ang sosyal naman at may invitation pa", tawa niya habang binabasa iyon. "Ay! Wednesday?", tanong niya kaya nag-aalangan akong tumango.

"Yeah. Why, is there a problem?", I asked and sat beside him on the bed. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at agad naman niya iyong hinagkan.

"Hindi naman. I just... I think I have a meeting on Wednesday night", saad niya at tinitigan nang mabuti ang invitation.

"It's okay", I said and tried to sound cheerful.

"No, it's not. I'll move it", saad niya kaya sinimangutan ko siya.

"Paano kung importante 'yung meeting?"

"Mas mahalaga 'to", saad niya at ngumiti sa akin.

Nasa loob kami ng kotse at naghahanda nang lumabas para makapasok sa mall. Si Theo, mas mukha pang excited kaysa sa akin. Akala mo siya 'yong bida sa pelikula.

"Humanda 'yang mga bashers ko. Baka akalain nila ako ang leading man mo kaysa kay Neil", mayabang niyang sabi kaya tinampal ko ang braso niya.

"Tse! Okay, so pagbaba natin diretso lang lakad natin. Ngiti lang then may area naman kung saan pwede tayong interviewhin", paalala ko sa kanya at tumango-tango naman siya na para bang rinding rindi na siya sa mga reminders ko.

I admit that I've been reminding him about everything since morning. I am just so scared about what might happen later. What if a die-hard fan of me and Neil suddenly jumps out of the crowd and strangle him or something. Kaya paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na diretso lang kami at ngiti lang.

"Also, if you're not sure about what to answer sa mga reporters, just refuse to answer. Ha, love?" I asked him again and he sighed.

"Come on, I promise I won't say anything shitty. Pa-cool lang ako ganon. Baka nga may mag-alok sa akin maging artista. Depende sa talent fee pero mapag-uusapan naman 'yon kaya I might consider- aray!", piningot ko ang tainga niya at pinandilatan siya.

"Subukan mo talaga, Theo! Subukan mo!", pikon kong sabi. I honestly don't know what's going on in his mind. Hindi ko maintindihan kung nagbibiro lang ba siya dahil sa pagkakakilala ko kay Theo, 'yung mga akala kong biro lang niya 'e tototohanin pala talaga niya.

"Joke lang! Takot ko naman sa'yo, mahal", sagot niya at humalik sa kanang braso ko. I inhaled deeply and nodded at him, a sign that I'm ready to get out of the car.

Pagdating namin sa floor patungo sa reserved venue ng premiere night ay nagkalat ang mga fans. Mainit ang salubong sa amin at puro camera flash din sa kahit saan. May mga fans na panay ang kaway at tawag sa pangalan ko kaya kumakaway din ako at ngumingiti sa kanila. Theo was smiling and I even heard some fans calling him "gwapo" and such.

Oh gosh! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mas mukha pang artista ang boyfriend ko kaysa sa akin. I know he's really handsome but right now, with that tux, Theo's looking really formal and dashing. Hindi ko alam kung magfofocus ba ako sa red carpet na nilalakaran ko o rito sa katabi kong parang prinsipe.

Pagdating sa pwesto namin ay panay pa rin ang bati ko sa mga kilalang tao na imbitado sa premiere night. I also introduced Theo to them and they were all smiling at him. I can even see the glances of some of my co-actresses in the industry. Para bang ngayon lang sila nakakita ng katulad ni Theo.

I mentally groaned and just want to hide Theo's face from everyone.

"Ang gwapo ko raw narinig ko sabi nung isa", bulong niya sa akin at humagikhik.

"Oh lalaki na naman ulo mo niyan", sagot ko at tinaasan niya ako ng kilay.

"Malaki naman talaga", he smirked and his answer made my face red. Damn him!

"Shut up. The movie's about to start", I said.

"What, malaki naman talaga?", asar niya pa ngunit hindi ko na siya hinarap pa at diretso na lang na tumingin sa big screen.

Natapos ang pelikula at nasa kotse pa lang kami pabalik sa condo unit ay halata ko nang may toyo si Theo. Hindi ko lang alam kung bakit dahil good mood naman siya kanina noong nagsisimula ang movie.

"Theo", I called his name nang makapasok kami sa unit. Hindi niya ako pinansin at diretso siya sa kwarto namin.

Kunot noo kong sinundan si Theo at nakitang gigil na gigil siya sa necktie niya, halatang iritado.

"Theo", tawag ko ulit pero hindi niya talaga ako pinapansin. Inalis niya ang pantaas niya at pagkatapos ay nag-alis naman ng sapatos. Hindi man nga lang niya ako nililingon kahit na nakailang tawag na ako sa kanya.

"Theo Nathaniel!", tawag ko ulit at sa pagkakataong iyon ay humarap na siya sa akin, parang bata na napagalitan ng nanay.

"What's your problem?", naiinis kong tanong dahil kanina pa siyang parang bingi na hindi ako pinapansin.

"Wala", parang tanga.

"Hindi mo ako pinapansin. Walang problema? Talaga?", saad ko at naiinis na inalis ang heels ko. Kumalat 'yun sa sahig pero pinulot naman niya at siya na ang nagligpit.

Nakasimangot kami pareho. Siya habang nag-aalis ng pantalon niya at ako naman ay habang nag-aalis ng mga alahas ko.

"Ano nga? You really won't tell me, ha?", bwiset na bwiset kong saad. Pagkatanggal ko ng false eyelashes ko ay kumuha ako ng make-up wipes at marahang inalis ang make-up sa mukha ko. Habang ginagawa 'yon ay mariin ang titig ko kay Theo.

I just don't get why he's acting like a kid right now! May nagawa ba ako o nasabing mali? Sa pagkakaalala ko naman ay wala. We were in a good mood even after the movie started. Noong bandang gitna na lang biglang nanahimik 'yang kumag na 'yan at unti-unti nang nawala sa mood.

I saw him getting his Macbook and some work stuff. Lumabas siya sa kwarto na dala ang mga iyon at hula ko ay sa study room niya 'yon dinala. Wow!

Naghilamos na lang ako at nagpalit ng pantulog. Ilang minuto na tapos hindi pa rin siya bumabalik dito. Nagpunta ako sa kama at prenteng nahiga roon. I switched on the television and browsed for shows to watch but I ended up just browsing all the channels. Parang nalipat sa remote control ang galit ko.

"Why won't you give me something good to watch? Ano, napaka-unreasonable mo na rin katulad ng may-ari sa'yo?", gigil kong saad sa remote control.

Mainit ang ulo kong naghanap ng Korean drama na pwedeng panoorin sa Netflix. I finally found a good one kaya kahit papaano ay nakalimutan kong magkagalit nga pala kami ni Theo. I heard the study room's door creak so I assume, he's done doing his work stuff or whatsoever.

I immediately turned off the TV and pretended to be asleep. Narinig kong bumukas ang pinto at sumara iyon. May yabag ng mga paa at sa tingin ko, pinatong niya muna ulit ang mga gamit niya sa mesa niya rito sa kwarto.

Umuga ang kama kaya sigurado na akong nasa tabi ko na siya. I even felt the comforter move and his legs touched mine.

Akala ko ba magkagalit kami? Bakit siya nakiki-share sa comforter ko?

"Clara", tawag niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakapikit ang mga mata.

"Clara Priscilla", tawag niya sa buong pangalan ko. Marahan ang boses, akala mo hindi ako sinusungitan kanina. Bahala ka riyan!

"You're shrieking like some teenage girl a few minutes ago. Kilig na kilig ka sa pinapanood mo kanina lang kaya imposibleng tulog ka na", saad niya ulit pero hindi ko siya pinansin. My back was facing him and I can feel him really close to me, like he's checking me.

"I'm sorry. I was jealous. Tangina", saad niya at tsaka yumakap sa akin. Nakapulupot ang braso niya sa tiyan ko at pilit na sumisiksik sa akin.

"Oo na. Ang immature pero kasi... hindi naman ako nanonood ng mga kissing scenes mo sa TV. First time ko kaya makita. Nagselos ako kanina kaya... ang gago ng ugali ko kanina. Sorry na", malambing niyang suyo sa akin kaya hinarap ko na siya.

"You were jealous? But I told you na may kissing scene kami 'di ba?", sagot ko sa kanya ngayong magkaharap na kami.

"Hindi mo naman sinabi na ganoon katagal. Akala ko dinaya niyo lang katulad nung dati niyong ginagawa", katwiran niya pa kaya napairap ako.

Kapag kasi may kiss sa eksena namin ni Neil, inaanggulo lang ng director ang mga mukha namin para kunyari nagkiss. Minsan naman, nilalagay ni Neil 'yung thumb niya sa labi ko para matakpan 'yon tapos kunyari hinahalikan niya talaga ako. Ilang daya na ang ginawa naming dalawa at ngayon sa huling movie namin, naisip namin na totohanin na lang. Isang kiss lang naman 'yon.

"Ang OA mo naman. Saglit lang 'yon, ah? It didn't even last for 10 seconds", saad ko at kumunot na naman ang noo niya.

"You two locked your lips"

"Sinabi ko naman nga na may kiss", I defended again and he just gave up by hugging me again.

"Oo na. Nagselos pa rin ako. Damn it! The first time I watched your fake kiss with him, I almost punched Naxus' television"

"You know that I can't refuse to kissing scenes forever, right?", paalala ko sa kanya at bored naman siyang um-oo.

"Yeah. Yeah. Hindi ko lang akalain na ganoon. I thought I was ready to watch it for real but damn it! My dumbass just got really jealous. I fucking closed my eyes when I couldn't take it anymore. Naghiyawan pa ang mga tao parang mga tanga. Parang nanonood lang ng sabong ah?", he complained again. Pinanggigilan ko ang pisngi niya habang natatawa sa mga pinagsasabi niya.

"Sana sinabi mo kanina na nagseselos ka pala. I could have assured you earlier that there is nothing to be jealous"

"I know. I was just... ashamed of myself for acting like an ass. Sa edad kong ito, makakaramdam pa pala ako ng selos. Artista ka, dapat tanggap ko na ganoon talaga sa trabaho mo"

"Pwede mo namang unti-untiin. You can't just fix it overnight, you know? So, I understand if you still feel jealous about it"

"I told you, I am not perfect. Pero promise, aayusin ko talaga"

"I love you", I answered instead. He doesn't need to be perfect. I know that I always admire him but I am also not blind to not see his flaws. We're all flawed anyway and what I love about him is that he acknowledges his flaws. He owns up his mistakes and if he knows that he can still fix them, he will.

"I love you", he replied and showered me with kisses.

Kagagaling ko lang sa trabaho nang pag-uwi ko ay kumpleto ang mga kaibigan ko sa condo unit ni Theo. Naroon si Troy, Shawn, at Nicole. May mga balloon na nakashape ng HAPPY BIRTHDAY at puno ng decoration ang living room. May mga pagkain at alcohol din na nakahanda na sa mesa.

"Happy 21st Birthday!", they all greeted. May pa-party poppers pa sila. Nilingon ko si Theo sa likod ko na nakangisi at tsaka naglakad at bumulong sa akin.

"Enjoy the party, babe", bulong niya at tsaka ako hinatak nina Shawn. Ilang minuto pa ay dumating na si Kuya Pancho na kasabay yata ni Liannon. Maybe nagkasabay silang dalawa papunta rito. I'm glad Theo invited Liannon para naman hindi sila ma-out of place ni Kuya sa mga kaibigan ko.

Nag-aasaran na naman ulit silang tatlo at pilit na pinaamin si Troy at Nicole.

"Sabi mo 'di ba may crush ka from Accountancy? 'E 'di si Nicole nga?", asar ni Shawn at sinundot ang tagiliran ni Nicole. Namula agad si Nicole kaya nakisali ako sa asaran.

"Hindi nga. Parang gago 'tong mga 'to. Nahihiya na si Nicole. Mga siraulo!", saad ni Troy habang nilalantakan 'yong pasta.

"Kung hindi si Nicole, sino 'yung crush mo?", usisa ko. Mapapaamin din kita!

"Basta", iwas niya ng tingin sa akin kaya hinarap ko ulit ang mukha niya sa akin.

"Don't tell me, ako? Excuse me, I'm taking up Business!", saad ko kahit alam ko namang hindi ako.

Para namang sobra ko siyang na-offend noong sinabi kong ako dahil sa reaksyon ng mukha niya, parang hindi niya talaga ma-imagine na magkacrush sa akin. Ang kapal!

"Excuse me, hindi kita type", diretsong sagot ni Troy kaya humagalpak ng tawa si Shawn.

The night was chaotic. Sumama na sina Kuya, Liannon, at Theo sa aming apat. Naxus also came pati na rin sina Rafael at Pierson. Noong dumating si Rafael at Pierson, nagkagulo na talaga. Sobrang rowdy na kaya naba-bother ako at baka magreklamo na 'yung mga kapitbahay namin.

Habang naglalaro sila ng kung ano mang game na 'yon, nakatanggap ako ng tawag from an unknown caller. Kapag hindi ko kilala ang tumatawag, hindi ko talaga sinasagot. I declined the call but after a few minutes, the same number sent me a message.

Unknown Number:

I'm inside Theo's condo. I just dropped by to give you a gift since it's your birthday.

- Sofia

Nanlaki kaagad ang mata ko at napatayo. Napansin 'yon ni Theo kaya kaagad siyang dumalo sa akin.

"Hey, may problema ba?", he asked worriedly.

"N-no. Uhm, I'll just go out for a few minutes", I said. Nakuha ko rin ang atensyon ni Troy. Ang iba ay busy sa kung anong nilalaro nila. Na-out na kasi itong si Theo at Troy kaya wala roon ang atensyon nila sa game.

"Why? It's late"

"No, love. Diyan lang ako sa lobby. My sister... she brought her gift for me. Please, mabilis lang ako", saad ko at humalik sa pisngi niya.

Dali-dali akong bumaba para makita si Sofia.

Wow! Hindi ko ito ine-expect. Sofia and I were not close. We didn't get the chance to know each other as sisters since she spent her school life abroad. Kahit nga sa social media, hindi yata namin fina-follow ang isa't-isa. I don't even know her number dahil never naman kaming nagpalitan ng number. Sino kayang nagbigay? Maybe it's Kuya.

Hindi rin naman kami magkaaway ni Sofia. Hindi kami magkagalit. Sadyang, hindi lang kami nagkakausap kaya para bang ang awkward na lalo ngayong matatanda na kami.

She's actually my Ate, a year older than me. But because I was born in March, magkaedad kami ngayon.

"H-hi! Did I keep you waiting?", nahihiya kong tanong.

"Medyo. I've been calling you and you weren't answering. You declined my last call so I texted", para siyang yelo. She's as cold as ice.

"Oh! Sorry, we were playing party games inside. Gusto mong pumunta sa loob? Kain ka", yaya ko sa kanya, trying to break the ice but she remained stoic.

"Thanks, but I already had my dinner. I just... want to give this", saad niya at inabot sa akin ang paper bag.

"Uhmm... salamat. I appreciate the gift"

"You haven't even seen it"

"Kahit na", agap ko. Gosh! Parang bato.

"I don't know if you'll like it but a random person tipped me that you like perfumes", nag-iwas siya ng tingin. I even saw her licking her lower lip.

Some say that we look alike and I must say that we really do. Iyon nga lang, Sofia has this resting bitch face. Hindi siya ngumingiti at laging aakalain mong galit. Iyon ang kwento sa akin ni Kuya Pancho at iyon din ang nakikita ko ngayon.

Pero habang nagtatagal ang tingin ko sa kanya, pakiramdam ko mas maganda siya. Oo, mas maganda talaga siya sa akin. I'm not bitter or what. Her aura screams class and elegance like she's someone who you should respect and not mess with. Simple lang siya, hindi katulad ko na laging may ayos. Pero kahit na simple siya, ang ganda ganda niya.

I wish she'd smile often.

"Stop staring", she said and that made me go back to my senses.

"Oh! Sorry. Random person? Hindi si Kuya?"

"Random person nga", ulit niya at umirap.

"Ang mean mo", saad ko at ngumisi siya.

"I'm very aware of that", saad niya at sumulyap sa kanyang phone. She typed something, maybe replying to a text message. "I have to go. I still have schoolwork to do", saad niya pero bago umalis ay pinigilan ko siya; hindi ko rin alam kung bakit.

"What?", tanong niya, bakas ang gulat na hinawakan ko siya.

"Thank you... for this. And for seeing me", saad ko at ngumiti.

She just nodded and went out of the lobby. Hinihintay ko ang elevator nang biglang bumukas iyon at niluwa si Troy.

"Oh? Uuwi ka na?", tanong ko dahil dala na niya ang bag niya.

"Oo 'e. Happy Birthday ulit", saad niya na parang nagmamadali siya kaya hindi ko na rin masyadong tinanong pa.

"Alright. Thank you, Troy. Ingat ha?", saad ko at tinapik ang balikat niya.

Pag-akyat ko sa taas ay naglalaro pa rin sila. Si Nicole na lang ang hindi nakikisali. Mukhang nakita ni Shawn ang pagtataka sa mukha ko kaya sinabi na rin niya kaagad sa akin.

"May truth or dare kanina tapos tinanong si Troy ng mga kumag na pinsan ni Papa Theo kung may girlfriend ba si Troy, wala raw. Tapos tinanong kung type ba si Nics, hindi raw dahil kaibigan lang daw keme keme. Kaya ang Nicole, broken hearted yata", saad ni Shawn kaya napatingin ako kay Nicole na nakatingin lang sa phone niya.

"Hindi na nga naihatid ni Troy sa pag-uwi. Nagmamadali!", dagdag pa ni Shawn.

Sa huli, nayaya ko pa rin si Nicole na makisali sa games at madaling araw na ngang nakauwi ang mga bisita. Pagod kaming sumalampak ni Theo sa kama. Bukas ko na siguro bubuksan ang mga regalo sa akin. Iyong kay Sofia muna ang bubuksan ko para may dahilan para ma-text ko siya ngayong gabi.

"I thought you'll open the gifts tomorrow?", tanong ni Theo dahil bumangon ako.

"I'll open this now", saad ko at tsaka binuksan ang regalo ni Sofia. This is a limited edition! Grabe, she really bought this for me? I like this specific brand pero hindi ko na binili ang pabangong ito dahil namamahalan talaga ako.

"Did you tell her that I like this brand?", I asked Theo. They know each other because of our parents but they're not really friends, according to Theo. Masungit daw si Sofia at parang anytime ay sasapakin siya kaya hindi niya nagawang makipagclose dati.

"No. I don't know her number. Hindi ko pa 'yun nakakausap ulit. Nakakatakot 'yung babaeng 'yon. Parang robot. Walang emosyon. Ay! Meron pala. Akala mo laging galit at may kaaway", he said and even if I want to punch him now because of his comments about Sofia, hindi ko na lang sinayang ang energy ko.

I excitedly texted Sofia.

Ako:

Hi! I opened your gift. Thank you so much! I really like it. Ang galing naman 'nung nag-tip sa'yo.

She replied after a couple of minutes.

Sofia:

You're welcome.

Grabe! But still, that's better than not receiving any reply.

"Happy Birthday", saad ni Theo at yumakap sa akin.

"Thank you. You made my birthday extra special. You made me so happy tonight", I said and hugged him back.

"You deserve nothing but happiness", dumampi ang labi niya sa labi ko at pagkatapos ay tumitig sa mga mata ko, "I love you, Clara".

"I love you".

Continue Reading

You'll Also Like

313K 16.9K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
6K 77 27
A very sheltered and innocent young lady who lost everything in just one night. Her dreams and ideals was ruined after that one steamy night with a s...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
152K 3.3K 45
Wrath is an intense emotional state involving a strong uncomfortable and hostile response to a perceived provocation, hurt or threat. | Seven Deadly...