Living In A Closet (Published...

By CDLiNKPh

190K 4.1K 435

Isang closet lesbian na na-love at first sight sa isang stripper sa club. Mabibili kaya niya ng pera ang pag... More

Chapter 2: The Stripper (SAMPLE CHAPTER)
Chapter 3: Lily (SAMPLE CHAPTER)
Chapter 4: Breaking Free (SAMPLE CHAPTER)
Chapter 5: Jessie's Indecent Proposal (SAMPLE CHAPTER)
Chapter 6: Live In Partners (04/11/2016)
Chapter 7: Lesbian Friendship (04/12/2016)
Chapter 8: Getting Closer (04/13/2016)
Chapter 9: Jessie's Popularity
Chapter 10: Marco (04/25/2016)
Chapter 11: Jessie's Parents (05/01/2016)
Chapter 12: FemDom (05/03/2016)
Chapter 13: Birthday Party (05/06/2016)
Chapter 14: Lesbian Ties (05/16/2016)
Chapter 15: Gift Of Love (06/26/2016)
Chapter 16: Jealous Girl (07/01/2016)
Chapter 17: Her Suitors (07/02/2016)
Chapter 18: Jessie's Past (07/03/2016)
Chapter 19: The Truth Revealed (07/05/2016)
Chapter 20: I Want My Beloved To Be Happy (07/07/2016)
Chapter 21: Magkaibang Mundo (07/10/2016
Chapter 22: Dominic (07/17/2016)
Chapter 23: Lily's Family (07/19/2016)
Chapter 24: Bayad Utang (07/24/2016)
Chapter 25: You're Mine Now... (07/30/2016)
CHAPTER 26: Caught In The Act (07/31/2016)
Final Chapter: Getting Out Of The Closet (08/02/2016)

Chapter 1: Love At First Sight (SAMPLE CHAPTER)

25.4K 340 20
By CDLiNKPh

MASAYA ang lahat sa espidida party na iyon ng kaibigan ni Jessie na si Donna. Sa wakas kasi ay ikakasal na ito kay Dino na matagal na nitong kababata. Openly gay si Donna noon pa pero napagbago ito ng lalaki kaya ngayon ay isa na itong tunay na babae. Pero dahil dati itong myembro ng LGBT CLUB na siya ring kinabibilangan niya ay naririto sila ngayon sa isang sikat na club sa Quezon City kung saan mayroong mga babaeng naghuhubad. Disente naman ang lugar na iyon dahil lugar pa rin naman iyon ng mayayaman pero may extra service na kapag talagang malalim na ang gabi.
"Matanong ko lang, Jessie. Kailan mo ba balak na magladlad, ha? Kailan mo sasabihin sa mga homophobic mong parents na katulad ka rin namin? Isang lesbiyana." Parang lasing na si Harmony pero nagawa pa siya nitong tanungin ng gano'n. Napakaganda ni Harmony. Sophistikada ang dating pero isa itong lesbiyana.
"I don't know. Ni hindi ko alam kung matatanggap pa ba nila iyon. Saka hindi pa rin naman talaga ako sigurado kung talaga ngang ganito na ako. Tinutuklas ko pa rin ang sarili ko," sabi niya na uminom na lang.
Noon naman kasing bata pa lamang siya ay normal naman talaga siya. Pinalaki siyang feminine ng mga magulang dahil nag-iisang anak lang siya at hindi na nasundan. Pero no'ng makatuntong siya ng high school ay natutuklasan na niyang parang may nagbabago na sa kanya. Puro kasi babae ang mga nagiging crush niya at sa dami ng mga manliligaw niyang mga lalaki ay parang walang dating ang mga iyon sa kanya.
Hanggang sa tumuntong siya sa kolehiyo at ma-in-love siya sa bestfriend niya noong si Jen. Doon niya napagtanto na may kakaiba na talaga sa kanya. Pero playgirl ito at mahilig sa mga boys. Malabong pumatol ito sa isang katulad niya kaya hinayaan na lang niya ang nararamdaman niya. Tinago niya at hindi na ipinaalam dito kahit na kailan.
Hanggang sa mag-migrate ito sa States. Hindi na sila nagkita ulit at naiwan siyang broken hearted. Bilang pagtuklas sa sarili ay sumali siya sa LGBT CLub at nakilala sina Harmony at Donna. Palihim siyang sumali roon at naging masaya naman siya dahil totoong mga kaibigan ang mga ito. Hindi nga pinagkalat ng mga ito ang pinakatatago niyang sikreto e.
Natigil ang pag-iisip ni Jessie nang mag-umpisa nang magdilim ang paligid at lumabas na mula sa stage ang nagga-gandahang pole dancers ng club. Lahat ng nasa itaas ay sexy pero hindi naman lahat ay magaganda. Pero syempre, ang mga kaibigan niyang lesbiyana ay nag-umpisa nang magsipag-hiyawan. Nangunguna pa si Donna na mukhang nakakalimutan na naman na babae na nga pala ito.
Pero sa dami ng mga babaeng halos maghubad na sa gitna ng stage ay napukaw ang atensyon niya sa isang babae na nasa gitna at tila 'star' ng club na iyon. Nangingibabaw ang naiibang ganda nito at nagmukhang back up dancers lang ang mga kasama nito.
Napasinghap siya nang magtama ang mga mata nila. Mapang-akit itong sumasayaw sa buong stage at para bang inaakit nito ang lahat ng manonood. Kakapirasong tela na lamang ang suot nito at para bang pinatatakam nito ang mga manonood.
"Whoo!!! Hubarin na 'yan!" sigaw ng mga lalaking halatang mga lasing na.
"Bakit pa kayo nagtitira ng damit kung pwede naman ninyong hubarin na lahat? Hubarin na 'yan!" segunda naman ng kasama nito.
She just rolled her eyes. Mukhang disente at binata pa ang mga ito pero daig pa ang mga manyak sa laman kung magsisigaw.

Nang ibaling niya muli ang paningin sa stage ay nagsisipasukan na muli sa loob ang mga babaeng nagsayaw sa Stage kanina. Nahabol na lang niya ng tingin ang babaeng may nakakaakit na mga mata na sa tingin niya ay bumihag na sa napaka-pihikan niyang puso.

Ano kaya ang pangalan niya? Iyon ang kailangan niyang alamin...

- TO BE CONTINUED...

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 69.9K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
4K 183 11
"If there was one spontaneous thing I'd do, in all lifetimes, across all universes, I'd always choose to do it with you." One-shot compilations feat...
30.5K 1.3K 19
Ashley and her friend Elizabeth is engaged but it's arranged marriage, no feelings involved GXG VOTE COMMENT TAGALOG
103K 2.4K 43
DIS-EFFIN'-CLAIMER: SOME READERS HAVE ALREADY ADMITTED THAT THIS STORY IS A SERIES OF EMOTIONAL ROLLER-COASTER. YOU HAVE BEEN WARNED. All characters...