The Devil's Son

By Itst4sha

852K 11.6K 3.3K

"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
DO NOT PROCEED
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
BASAHIN NIYO :)
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
II : Ang Anim na Kasalanan
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
OLD MESSAGES FROM MY READERS
UPDATE
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY-ONE
CHAPTER FIFTY-TWO
CHAPTER FIFTY-THREE
TO ALL THE TDS FANS/READER

I : Ang Anim na Kasalanan

11.2K 191 35
By Itst4sha

[KATHY'S POV]

"Gumawa ka nang masama ... at unti-unti, babalik ang ala-ala niya."

Dapat ko ba iyong paniwalaan?

Kung si Damon nga na isa nang demonyo ay iniiwasang gumawa nang masama sa ibang tao ... ako pa kayang tao lang? Paano ko gagawin yon? Makakaya ko bang makasakit nang ibang tao para lang sa taong mahal ko?

Hindi ako mapakali. Kaya naman noong isang gabi ay naisipan kong puntahan si Damon. Gusto kong makausap at makita siya bago ko gawin ang isang bagay na alam kong hindi ko na maaaring baguhin pa.

Nagpatay-sindi ang ilaw sa aking kwarto. Napakapit ako nang mahigpit sa aking kama. Pinilit kong huwag pumikit at hinarap ko ang takot na nararamdaman ko.

"Alam kong ikaw yan! Anong kailangan mo!" Sigaw ko. Para akong baliw na nakikipag-usap sa kawalan.

At hindi nga ako nagkakamali.

Isang malakas na halakhak ang sumagot sa akin na umalingawngaw sa buong kwarto. Isang halakhak na ilang beses ko nang narinig at nakapagpatayo nang balahibo ko pero hanggang ngayon ay takot pa rin ako. Takot pa rin ako sa kanya at sa mga maari niyang gawin.

"Kumusta ... Kathy?"

Mula sa isang sulok nang kwarto ay namuo ang isang usok at naging isang maitim na maitim na anino. Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilin ang sigaw na gustong kumawala mula sa aking lalamunan. Tumulo ang mga luha ko sa takot nang makita ko ang nanlilisik at kulay pula nitong mga mata.

"A-anong kailangan mo?" Buong tapang kong tanong sa kanya.

"Ikaw ..."

"Anong kailangan mo sakin!"

Muli itong humalakhak nang malakas. "Handa ka na bang ibalik ang ala-ala ng taong mahal mo?"

Pinahid ko ang mga luha ko.

Gusto kong ibalik iyon - gustung-gusto.

"Ano bang napapala mo sa mga ginagawa mo? Wala kang puso! Pati sarili mong anak ginagamit mo sa kasamaan mo!"

"Marahil ay tama ka. Pero bakit hindi mo itanong sa sarili mo kung bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat? Hindi ba't kasalanan mo rin? Dahil sakim ka. Uhaw ka sa atensiyon at pagmamahal ng taong hindi naman nakatadhana para sa'yo."

Hindi ako nakasagot.

Kasalanan ko kung bakit nararanasan ito ni Damon ngayon. Kung nilayuan ko na siya noon pa ... eh di sana'y, ayos lang siya ngayon.

"Alam ko. Kaya gagawin ko ang lahat mabalik lang ulit ang lahat sa dati." Lakas loob kong sagot sa itim na anino.

"Kung gano'y pumapayag ka na ba sa kasunduang iniaalok ko sa iyo?"

Dahan-dahan akong tumango. "Oo."

"Sigurado ka?"

"Oo ... sigurado ako."


--------

Dalawang buwan na ang nakaraan. At eto, tulala pa rin ako. Iniisip ko pa rin ang lahat nang nagawa ko. Natatakot ako. Natatakot akong makita si Damon. Natatakot akong umasa ulit. Natatakot akong mas mahalin pa siya ulit. Dahil sa ngayon ... sapat na sa akin ang maibalik siya sa dating siya, sa kung ano talaga siya.

Ang anim na kasalanan - sumisimbolo ito sa anim na sulok nang devil star na kailangan kong mabuo para muling maging demonyo si Damon.

Nagawa ko naman ang anim na yon.
Nagawa ko.

Ang Unang Kasalanan.

Halos ayaw ko nang bumaba nang jeep nang muling sumagi sa isip ko ang itsura ko sa salamin kanina. Hindi ako sanay ng may kung anu-anong kolorete sa mukha. Pakiramdam ko'y daig ko pa ang isang payaso na pagtatawanan ng mga tao sa oras na makita nila ang itsura ko. Naka-heels din ako kahit hindi ako sanay.

Nang lumakad na ako sa hallway ay nakita ko ang mga naging reaksyon nang mga tao sa paligid ko. Lahat sila'y nakatingin sa akin. Yung iba nga halos mapanganga pa. Yung ibang nakakakilala sa akin ay napapailing. Siguro'y naitatanong nila sa sarili nila na, 'Anyare?' Napalunok na lamang ako habang naglalakad. Taas noo kahit hindi naman dapat.

"K-Kathy?" Narinig kong sambit ni Sthep sa pangalan ko mula sa malayo.

Naramdaman ko ding hinabol niya ako.

"Kathy!" Hinila niya ako sa braso.

"Bakit?" May katarayan kong tanong.

"Anong bakit? Bakit ganyan ang itsura mo?"

Tinignan ko siya nang masama. "Ano bang pakialam mo?"

"H-Ha?" Halatang nagulat siya sa asal ko. Hindi madali ang makasakit ng damdamin ng ibang tao pero kailangan kong gawin.

"Ayoko ng marinig ang mga sermon mo, Sthep. Kaibigan kita, hindi kita nanay." Saka ako nag-walk out. Hindi ko na siya binigyan pa nang pagkakataon na makapagsalita dahil hindi ko magagawa ang misyon ko pag nagkataon.

Nang pumasok ako sa unang klase ko sa araw na ito ay napako lahat ang tingin nila sa akin.

"Look who's here ... isang pokemon na biglang nag-evolve." Sabay tawa.

Lumapit ako sa kinaroroonan nila. "Anong sabi mo?"

Tumayo ang babae. "Bakit? Papalag ka na? Pikachu?" Tapos muli itong tumawa.

Sunud-sunod ang kabog nang dibdib ko. Alam kong mali ang mga ginagawa ko. Hindi ito tama pero ito ang dapat.
Dahan-dahan kong kinapa ang loob nang aking bag. Isang gunting ang nadampot ko mula roon.
Hinila ko ang babae sa braso papalapit sa akin. Pinilipit ko ang kamay niya sa kanyang likuran. Saka ko itinutok iyon sa tagiliran niya. Nanginginig ang mga kalamnan ko habang hawak-hawak ko ang bagay na iyon.

"Subukan mong pumalag at lalabas ang bituka mo sa classroom na 'to. Pikon na pikon na ko sa'yo. Kapag hindi mo pa itinigil ang kamalditahan mo, hindi ako magdadalawang isip na isaksak to sa tagiliran mo!"

"K-Kathy ... w-wag kang magbiro nang ganyan."

Tumawa ako ng malakas. "Kathy wag kang magbiro nang ganyan ... bullshit!" Itinulak ko siya palayo sa akin. Hindi na siya nakapagsalita pati ang mga kasama niya. "Hindi mo magugustuhan kapag ako ang nagbiro."

Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na sila pumalag pa. Naupo ako sa pinakadulong upuan. Layla yang balikat at nanginginig sa magkahalong takot at kaba.

"Para kay Damon 'to Kathy ... para sa kanya." Nasabi ko na lamang sa sarili ko.

"Ano ba ang unang kasalanan?" Tanong ko sa itim na anino.

"Simple lang ..." Sabi nang itim na anino. "Kailangan mong baguhin ang sarili mo, ang pananamit mo at ang pag-uugali mo. Wala akong pakialam kung paano mo gagawin iyon. Ang gusto ko lang ay ang mag-iba ang tingin sa'yo nang mga tao at kung paano mo sila itataboy sa buhay mo." Saglit siyang tumahimik. "Gusto kong iparamdam mo sa kanila ang lahat nang naramdaman mo. Kung pano ka paglaruan at ipagtabuyan. Kung paano ka apihin at itrato na parang isang basura." Atsaka ito saglit na tumawa.

Natahimik na lamang ako.


Ang Ikalawang Kasalanan.

"Gusto mong makilala sa klase hindi ba?" Tanong nang itim na anino. "Gusto mong maging ikaw ang pinakamatalino sa lahat. Gusto mong hangaan ka ng lahat ng tao sa paligid mo ... hindi ba't tama ako?"

Paano niya nalaman yon? Bata pa lamang ako ay pangarap ko na yon.

"Alam ko lahat. Hindi ako Diyos pero kagaya niya ... alam ko rin lahat nang kahinaan at kalakasan nang isang tao."

"A-anong kinalaman noon sa pangalawang kasalanan na gagawin ko?"

"Tulad nang nauna kong sinabi, simple lang ..."

"Ano yun?"

Semi-final exam.

Nang makarating ako sa classroom ay lihim akong napangiti. Kung dati rati'y tinitignan at minamata ako nang mga kaklase ko - ngayon, hindi na. Para silang mga dagang nagsisi-urungan kapag dumadating ako. Ni hindi nila ako tinitignan at higit sa lahat - kusa silang tumatahimik. Kung dati-rati'y nananalangin ako na sana mayroong isang bakanteng upuan para sa akin, ngayon ay ...

"Sinong may sabing umupo ka diyan? Lumayas ka nga! Diyan ko gustong umupo!"

... maari na akong mamili nang gusto kong upuan at kung saan ko gustong umupo.

Tumabi ako sa pinakamatalinong estudyante nang kurso namin. Hindi ko alam pero lihim akong napangiti. Unti-unting nagsisink in sa utak ko ang mga pwedeng mangyari kung saka-sakali.

"Goodluck." Sabi ko pa sa kanya.

"S-sa'yo din."

Nagsimula ang exam. Dinukot ko mula sa aking bulsa ang isang maliit na papel kung saan nakasulat lahat nang maaring maging sagot sa exam. Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuklat ang papel na iyon. At hindi rin mapakali ang aking mga mata habang kinokopya ang mga sagot mula dito.

Paano kung mahuli ako?

Nakakahiya.

Nakakatakot.

Napalingon ako sa aking katabi. At nakaisip ako nang paraan para makaligtas sa kahihiyan na pwede kong matamo kung saka-sakali. Nilukot ko ang papel at bahagya iyong ipinitik sa ilalim nang upuan niya.

Tumayo ang kaklase ko para magpasa nang exam. At nagulat ang lahat sa sunod na ginawa ko.

"Hoy! May nahulog kang papel oh." Sabi ko sa kanya. Naagaw ko ang atensyon nang buong klase. Napatingin sa amin ang aming proctor.

"Ito oh. Ano to?" Yumuko ako at kinuha ang nakalukot na papel. Binuklat ko yon at kunwari'y nagulat ako sa aking nakita. "N-nangongodigo ka?"

Sunud-sunod ang iling nang kawawa kong kaklase. "H-hindi. Hindi sa akin yan." Labag man sa kalooban ko ang ginawa ko ay ginawa ko pa rin dahil iyon ang kailangan. Kumbaga sa subject, requirement iyon para makapasa.

Lumapit sa amin ang aming proctor. Kinuha ang papel at binuklat. Pagkatapos ay muli niya iyong nilukot. "In my office - now!" Sigaw niya.

"S-sir! Hindi po sa akin yan! Sir!" Halos kaladkarin siya palabas nang classroom.

Lumapit ako sa table para ipasa ang aking papel tapos lumabas ako nang classroom. Naisip kong baka ipatawag din ako sa dean's office kapag ako ang nakakuha nang pinakamataas na score sa exam. Kaya naman kailangan kong magreview para kung saka-sakaling tanungin ako ay meron naman akong isasagot.

"Gawin mo ang lahat para makakuha ka nang pinakamataas na grado ..." Sabi nang itim na anino.

"Madali lang pala."

"... Sa pinakamasamang paraan!"

Natigilan ako nang marinig yon.

Ang Ikatlong Kasalanan.

Umuwi ako sa bahay namin sa Nueva Ecija. Matagal-tagal na din kasi simula nang umalis ako sa bahay at magboard sa Manila. Matagal-tagal na din simula nang takasan ko ang pinakamalaking problemang hinarap ko sa buong buhay ko - ang paghihiwalay nang aking mga magulang.

"Anak?" Ikinagulat ni Mama ang biglaang pag-uwi ko pagkatapos nang ilang taong pamamalagi ko sa Manila. Hindi na kasi ako umuwi sa bahay simula noon.

"Ma." Tipid kong sabi.

Kabilang ang pamilya namin sa isa sa pinakamayaman at pinakama-impluwensiya sa Nueva Ecija. Isang Barangay Captain si Papa at si Mama naman ay isang Principal sa isang pampublikong paaralan. Maayos naman ang pagsasama nila. Maituturing na masaya ang aming pamilya. Hanggang sa nasangkot si Papa sa nangyaring dayaan sa eleksiyon. Inamin naman ni Papa ang kasalanan niya. Pero bilang isang guro at isang principal sa kanyang pinagsisilbihang paaralan - naging taliwas iyon sa prinsipyong pinangangalagaan nang Mama ko. At naging dahilan iyon nang pag-aaway nila. Lumala iyon. At nagising na lang ako isang araw ... may dala-dala nang maleta ang Papa ko. Iniwan na niya kami ni Mama.

"Buti umuwi ka ... miss na miss ka na namin nang lola mo." Sabi ni Mama.

Hindi ako sumagot. Diri-diretso ako sa loob nang bahay. "Nasan na ang mga picture ni Papa? Inalis niyo?" Tanong ko kay Mama nang mapansin kong wala ni isa mang litrato si Papa sa loob nang bahay namin.

"Oo anak ... para saan pa't ilalagay ko ang mga litrato nang Papa mo kung hindi naman na siya dito nakatira? At kung mayroon na siyang ibang pamilya?" Sagot niya. May katandaan na si Mama. Kitang-kita ko ang mga linya sa kanyang noo. Pati na din ang pagbabago nang dati'y makinis niyang balat. "Kumusta ka na nga pala anak? Kumusta ang pag-aaral mo?"

"Ayos lang."

Labag sa loob ko ang pagsagot ko kay Mama. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Kung alam lang niya kung gaano ako nasabik sa kanya - sa mga yakap niya. Miss na miss ko si Mama ... miss na miss ko siya.

"Nag-aaral ka bang mabuti?"

"Ano sa tingin niyo?" Pikit-mata kong sagot sa kanya.

"Anak -"

"Naisipan ko lang umuwi dito. Gusto ko lang makita kung maayos kayo. Uuwi din ako nang Maynila bukas. Ayokong magtagal dito." Putol ko sa anumang sasabihin niya. Tumalikod ako sa kanya para ikubli ang totoong nararamdaman ko, ang mga gusto kong sabihin.

"Pero bakit?"

"Sino bang gustong magtagal sa isang bahay na puno nang masasamang ala-ala? Ha Mama?"

Hindi siya nakasagot.

"H-hanggang ngayon ba naman anak ay dinidibdib mo pa rin ang nangyari sa amin nang Papa mo?"

Napailing ako. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Alam kong masakit ang nangyari sa aming pamilya pero higit na mas masakit iyon kay Mama - alam ko ... alam na alam ko.

"Ma, nag-iisa niyo lang akong anak. Napakaliit nang pamilya natin kumpara sa ibang pamilya diyan. Pero bakit mas naging masaya sila kaysa sakin? Bakit kailangan kong lumaki na magkahiwalay ang mga magulang ko? Bakit?" Nanatili akong nakatalikod.

"Umuwi ka ba para lang isumbat sa akin iyan? Ha Kathy?"

"Nagsasabi lang ako nang totoo."

"Ipinaliwanag ko naman sa'yo ang lahat anak. At kahit naman wala ang Papa mo, hindi naman kita pinabayaan."

"Oo, tama. Hindi mo ako pinabayaan - hindi mo ako pinabayaang magutom pero pinabayaan niyo akong lumaking mag-isa!" Halos pasigaw ko nang sabi sa kanya.

"Aba't - saan mo natutunang sumagot sa akin nang ganyan? Ha?" Saglit siyang natahimik. Nagbuntung hininga. "Inalagaan naman kita nang maayos! Ibinigay naman namin sa'yo nang Papa mo ang lahat nang pagmamahal at lahat nang bagay na gustuhin mo noong nagsasama pa kami. Lahat-lahat!" Narinig ko ang impit na pag-iyak ni Mama. At para iyong isang blade na dahan-dahang sumusugat sa puso ko.

Mahal ko si Mama. Mahal na mahal ... alam nang Diyos iyon.

"Hindi ko kailangan ang mga iyon Mama! Ang kailangan ko kayo ni Papa! Hindi ko kailangan nang bagong damit tuwing pasko o mga mamahaling mga gamit at laruan! Hindi ko kailangan nang masasarap na pagkain! Yung kumpleto lang tayo ... yun lang! Bakit hindi niyo nagawa iyon?" Umiiyak ko na ding sabi.

Hindi nakasagot si Mama.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya.

"... at alam niyo kung bakit? Ha? Dahil diyan sa lintik na prinsipyo niyong iyan! Mas pinili mo ang pagkakaroon mo nang malinis na reputasyon bilang isang guro kaysa sa amin ni Papa! Inamin naman ni Papa ang kasalanan niya ah! Humingi pa siya nang tawad sa'yo! Pero anong ginawa mo?! Mas pinili mo ang sasabihin nang ibang tao kaysa sa aming pamilya mo! Makasarili ka Mama! Makasarili ka!!!"

Isang malakas na sampal ang isinagot ni Mama sa mga sinabi ko. Halos hindi na siya makahinga sa pag-iyak.

"Kahit sampalin niyo ako nang isanlibong beses, hindi pa rin niyan kayang tumbasan ang sakit na naramdaman ko ..."

"Lumayas ka ... LUMAYAS KA!!!"

Ipinagtabuyan ako ni Mama palabas nang pintuan.

Sinaktan ko ang nag-iisang taong meron ako. "Mama ..." Umiiyak kong sabi habang nakadikit ang noo ko sa pintuan. Gustung-gusto kong magsorry sa kanya. Hindi ko sinasadyang saktan siya.

Pero sa kabilang banda ay nakaramdam ako nang ginhawa sa aking kalooban. Nasabi ko kay Mama ang matagal ko nang kinikimkim sa dibdib ko.

"Patawad Mama ..."

Dahan-dahan akong lumakad palayo.

"Alam ko ang bigat na nararamdaman mo sa iyong pamilya Kathy ... alam kong hanggang ngayon ay hindi mo pa rin tanggap ang paghihiwalay nang mga magulang mo." Sabi nang itim na anino.

"Hindi totoo iyan! Wag mong idamay ang pamilya ko dito!"

"Talaga? Tinanggap mo na ba sa sarili mo ang pamumuhay mong mag-isa?"

Hindi ako nakapagsalita.

Dahil alam ko ...

... alam ko sa sarili kong hindi pa.

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...