Book 1: Ruthless

Da ShyManunulat

52.1K 2.4K 388

The person I care the most, is the person I'll let hurt me the most. _____ "I hate you." She always tells me... Altro

Ruthless
Simula
Kabanata 1 //FLASHBACK//
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
WAKAS
Author's Note
BOOK 2!

Kabanata 41

641 48 16
Da ShyManunulat

"Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" Tanong ni Carmelita. Magkasama kami ngayon sa cafeteria. Hindi ko naman mataboy dahil feeling close siya sa akin. Hindi naman kami masyadong nagkikita ni Olga dahil busy din siya sa klase niya.

"Wala akong gana." Sagot ko sa kanya. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang huling pag-uusap namin ni Zephyr. Simula nun hindi na kami nagkausap pa. Nagkikita kami, pero hindi kami nagpapansinan kahit na classmate and seatmate pa kami.

"Ano ka ba naman. Magkakasakit ka niyan. Tingnan mo nga ang putla-putla mo. Daig mo pa ang may sakit. May problema ka ba?" Aniya sabay nguya sa kinakain niyang burger.

"Wala. Kumain ka na nga lang. Tsismosa ka talaga." Inirapan ko siya.

"Sorry naman, hehe." Hindi ko na siya pinansin.

Hindi pa tapos sa pagkain si Carmelita nang iwan ko siya. I gave my foods to her kasi kaya ang tagal niyang matapos sa pagkain.

Mag-isa akong naglalakad sa campus. Gusto ko munang maglakad-lakad.

"Sobrang saya ko dahil pumayag ka na ma-engaged tayo." Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Ciara at Zephyr na nakaupo sa isa sa mga bench. Dito 'ata kumain. Para silang couple. Well, couple naman na rin talaga sila. Engaged na nga 'di ba.

"Ikakasal ako sa lalaking minamahal ko. Sobrang happy ko talaga. Hindi ako makapaniwalang abot kamay na kita. Parang dati sobrang layo mo sa akin. Nahihirapan akong abutin ka. Excited na ako sa engagement party natin bukas." Niyakap niya si Zephyr and that hits me. Bakit ba affected ako sa kanila? Damn! Ayaw ko nito. Sobrang hirap!

"Excited ka rin ba, Zephyr?" Tanong niya at hinarap si Zephyr.

"O-of course."

"Alam ko. Hindi tayo pareho ng nararamdaman. Ilang beses na akong nawalan ng chance sayo. Pero hindi pa rin ako susuko. Aasa pa rin ako na balang araw ay magiging pareho na tayo ng nararamdaman sa isa't-isa. Sana 'yong hindi na one sided love." Malungkot na sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Zephyr.

"H'wag ka sanang magagalit sa akin kung pumayag kaagad ako sa gusto ng Lolo natin. H'wag mo rin sanang iisipin na nag-take advantage ako. Pumayag ako na makasal sayo hindi lang dahil sa nararamdaman ko para sayo. Pumayag ako dahil iniisip ko rin ang kalagayan ng Lolo mo. Isa pa ayaw kong mabigo ang Lolo ko sa akin. Ayaw ko ring masira ang pagkakaibigan ng Lolo natin dahil sa akin."

"I understand you. That's what our grandfather wants. Ito ay hindi natin ginagawa para lang sa ating sariling kapakanan. Ginagawa natin 'to just for the sake of our families. Kilala mo ako at kilala rin kita. Mas okay na rin siguro ang naging desisyon ng Lolo natin." Saad ni Zephyr at bahagyang ginulo ang buhok ni Ciara. He accepted it. He is willing to marry Ciara and that's final. Bakit ang sakit? Iba 'yong sakit na 'to. Nasaktan na ako dati kay Zay at Thea. Pero mas masakit 'ata ngayon 'yong kay Zephyr at Ciara.

Kung kay Zay at Thea maiintindihan ko pa kung bakit ako nasasaktan dahil 'yon sa selos kasi mahal ko si Zay. Pero kay Zephyr hindi ko maintindihan. Hindi ko siya mahal at mas lalong hindi ako nagseselos kay Ciara para masaktan o maging affected ng ganito. Baka dahil sa pagbubuntis ko kaya ako nakakaramdam ng ganito. Tama 'yon nga wala nang iba pa.

I decided na bumalik na sa classroom. I look out of the window while waiting for our Professor. Napapitlag ako nang may biglang humawak sa kamay ko. Nilingon ko kung sino? At natigilan ako nang makita ko si Zephyr na mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Hindi pa man ako nakapagsasalita ay hinila na niya ako palabas ng classroom. May pagtataka tuloy sa mga mukha ng mga kaklase namin. Namalayan ko na lang na nasa loob na kami ng kotse niya.

"What are you doing?" Seryosong tanong ko. He did not answer me. Nakatitig lang siya sa akin. I can't stay staring at him. Lalabas na sana ako, pero mabilis niya akong pinigilan. He shut me here, damn!

"Ano ba?!"

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"What?"

"Ang putla mo. Kumakain ka ba ng maayos? Are you really okay? Bakit parang may sakit ka, Shan?" Damn you! Kung alam mo lang dahil sayo kaya ako ganito! Para kang pagkain na gusto kong matikman. Pinipigilan ko ang sarili ko na h'wag siyang yakapin, kurutin, amuyin at kahit na halikan siya. Bakit kasi sa dami ng p'wedeng paglihian siya pa na mahirap maabot...siya pa na hindi na p'wedeng makuha.

"What's the problem, Shan?" I did not answer him. I keep my mouth shut. I pretended that I did not hear him and even see him. Nakatingin lang ako sa gilid niya. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya dahil nakakapaso ang mga tingin niya.

"Answer me!" Nagulat ako sa pagsigaw niya.

"You don't have to shout." Kahit na ang sama ng loob ko ay pinilit kong maging kalma. I want to cry, pero ginawa ko ang best ko para h'wag umiyak sa harapan niya. Damn my emotions! And I hate you, Zephyr! Ginawa mo akong ganito!

"H'wag na h'wag mo akong sisigawan dahil wala kang karapatan."

"I-i'm sorry. Nabigla lang ako."

"Tsk, open the door. I want to leave."

"Shan."

"I don't want to talk to you."

"Tomorrow will be our engagement party." Natigilan ako, parang loading pa sa isip ko ang sinabi niya.

"Ano naman? Tinatanong ko ba? Hindi naman 'di ba." Taas kilay na sabi ko.

"Next month will be our wedding." Hindi niya pinapansin ang sinasabi ko.

"K'wento mo sa may paki." Saad ko saka siya inirapan.

"You're invited, Shan."

"Damn you!" Asik ko at sinapak siya sa mukha.

"Ang sakit nun." Reklamo niya habang nakahawak sa parteng sinapak ko.

"You deserve it, motherf*cker."

"Bakit ba high blood ka? Iniimbitahan na nga kita nagagalit ka pa."

"Dahil isang malaking insulto sa akin."

"Bakit naman?" Natahimik ako. Nabuntis mo ako! At isang malaking insulto sa akin na dumalo sa kasal mo. Magmumukha kaming katawa-tawa ng anak ko roon.

"Because...because... Err! Don't ask me. I'm super naiinis na sayo."

"If you stop me and give me a meaningful reason to cancel the wedding. Gagawin ko. I don't care whatever it takes."

"Bakit naman kita pipigilan? Kahit pa mayro'ng mahalagang rason para pigilan ka na pakasalan si Ciara. Hindi ko pa rin gagawin. Dahil alam ko ang pakiramdam na umasa sa kasal na inaakala mong mangyayari."

"Nag-aalala ka kay Ciara?"

"Hindi. Sinasabi ko lang ang opinion ko rito. Base na rin sa experience. Alam mo naman...engaged na rin ako dati... ikakasal na rin sana kay Zay, pero hindi 'yon nangyari."

"Everything happens for a reason. Maaaring hindi talaga kayo para sa isa't-isa. Biktima lang kayo ng mga pinagtagpo ngunit kailanman man ay hindi tinadhana. Just accept the fact na mayro'ng iba para sa inyo."

"Tsk! At sino naman ang para sa akin? Kung sino man siya? T*ngna niya! H'wag na siyang dumating dahil si Zay lang ang gusto ko para sa akin."

"Zayden will never be yours, again."

"Epal ka. Anong alam mo para sabihin sa akin 'yan? Hindi ka clairvoyant para sabihing hindi para sa akin si Zay. Mind your own business nga. Si Ciara ang intindihin mo lalo na ang nalalapit niyong kasal." Naiinis na sabi ko. Lihim akong nagpasalamat nang makalabas ako sa sasakyan niya.

_____

I don't understand myself why I'm standing now outside of the Cunningham's Mansion. I am holding my invitation card.

Miss. Shantal Delevigne, you are invited to Ciara Venice Cunningham and Zephyr Adair Ramsden's engagement party. Basa ko sa nakalagay sa invitation card. Card pa lang mukhang pinaghandaan na.

Nakasuot ako ngayon ng peach layered dress. Peach chunky heels with my jewelries. Kinulot ko ang hair ko at naglagay ng light makeup. Saglit lang naman ako rito. Kung hindi ibinigay sa akin ni Zephyr ang piraso ng invitation card I will not come here.

I took a deep breath bago ako pumasok. Cunningham's domiciles were bigger and classic than I thought. Katulad ng sinabi ko dati, lahat ng kaibigan ni Zay ay nagmula sa mayayaman at kilalang angkan. Sa garden pala ang venue. Masasabi kong magarbo talaga ang party na 'to.

"Shantal!" I saw Olga, kumakaway sa akin. Lumapit naman agad ako sa table nila.

"Wow! The very stunning woman. Oh my g! Ang gorgeous! Ang sexy! Ang glamorous! Ang diyosa! Ang hot! In short ang perfect mo na. Ehh!!! Why so gifted, Shan?" Aniya and make biso na sa akin.

"Nandito ka rin."

"Invited ang parents ko. Ayaw ko sanang pumunta kasi I hate that Ciara girl din. Kaso pinilit ako ni dad. Hindi ko raw dapat siya ipahiya sa mga business partners niya na pupunta rito. Ipapakilala niya raw kasi ako." Medyo naiiritang sabi niya. Nakita ko nga ang parents ni Olga na nakikipag-usap sa mga kakilala nila. At puro lang naman sa business at achievements ng family nila ang karaniwan nilang topic.

"At ikaw? Nandito ka rin."

"Business partners rin ng parents ko ang Cunningham. My parents were not here kaya ako na."

"That's better para hindi rin ako ma-out of place rito. Hey look, 'yan ang family ni Ciara and Zephyr, right?" Tanong niya at 'tinuro ang isang malaking table na nasa unahan.

Nakapuwesto roon ang mom and dad ni Ciara. They're talking to Zephyr's parents, too. Kamukha ni Zephyr ang daddy niya. Parang batang version lang si Zephyr. His mother was perfectly beautiful. Walang duda kung bakit almost prefect na ang isang Zephyr.

Nandito rin si Roux. Hindi siya nakikipag-usap sa mga kasama niya sa table nila. Sa halip ay nakikipagtitigan siya sa isang babaeng malapit sa table nila. Iyong malanding titig! Gano'n ang ginagawa nila. Kahit saan 'ata may babae 'tong si Roux. Hindi nauubusan.

May dalawang matandang lalaki rin na nag-uusap do'n. Iyon ay ang Lolo ni Ciara at Zephyr. Sa tabi nila ang asawa nila. Halatang matalik na magkaibigan ang dalawang matanda. The rest na kasama nila sa table ay hindi ko na masyadong kilala.

Hindi ko nakikita si Zephyr at Ciara. Maaaring naghahanda pa sila. Ang nakita ko lang ay ang mga kaibigan nila. Kompleto ang Dark Enigmatic Gang. Nasa isang table rin sila. Napaka-supportive nilang mga kaibigan. Gusto ko sanang lapitan si Zay. Kaya lang ayaw kong mapahiya. Magmumukha akong hangin kapag lumapit ako sa table nila.

After ng ilang minuto ay nagsimula na ang party. Ang nagsasalita ngayon ay ang Lolo ni Ciara. Sinasabi niya kung bakit ikakasal si Ciara at Zephyr. At hindi na bago sa mga nandito ang rason na sinabi niya.

Tinawag niya si Ciara at Zephyr. Lahat naman ay naghihintay sa paglabas ng dalawa. Umingay ang palakpakan nang lumabas ang dalawa. Si Ciara ay nakasuot ng white mermaid silhouette gown. Si Zephyr naman ay nakasuot ng black tuxedo. Mukha siyang Prinsipe. Ang nakasanayan kong bagsak niyang buhok na parang ginulo ng isang magaling na hairstyle ay mas lalong nagpadagdag sa appeal niya. Nakita ko na naman siya at nakaramdam naman ako ng saya. Parang nakuha ko ang bagay na gustong-gusto ko. Ang kaso nga lang hindi ko tuluyang p'wedeng angkinin bilang akin. Hanggang tingin na lang ako sa pinaglilihian ko.

Nakapulupot ang isang kamay ni Ciara sa braso ni Zephyr. Kinukunan sila ng pictures. Bakas ang matinding saya sa pamilya nila. How I wish ganyan ka-supportive ang pamilya. Nagbigay ng message ang dalawa, pero hindi ko na masyadong naintindihan 'yon dahil sa kantiyawan ng mga tao sa paligid.

Sabay nilang ipinakita ang suot na engagement ring. Nagpalakpakan ang mga tao. Narinig ko si Blaze na sumisigaw ng kiss. Nakigaya na rin 'yong iba. Namumula ang mukha ni Ciara habang si Zephyr ay nakangiti lang. Bakit gano'n? Nakangiti nga siya, pero bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya.

Yumuko si Zephyr habang nakaharap kay Ciara. Si Ciara naman ay naghihintay sa gagawin ni Zephyr. Akala ko hahalikan niya sa labi si Ciara, pero hindi niya ginawa. Sa halip ay hinalikan niya lang 'to sa pisngi.

"Let's just wait for the wedding. Papatayin ako ni Roux kapag hinalikan ko kaagad sa labi ang kapatid niya." Natatawang sabi ni Zephyr at saka binalingan si Roux na nakataas ang kilay ngayon.

Kahit na sa pisngi. Kilig na kilig pa rin si Ciara. Kinakausap na nila ang pamilya nila ngayon. Talagang masayang-masaya ang pamilya nila para sa kanilang dalawa.

"Sana all. Wahh! Sobrang lucky ni Ciara kay Zephyr. Kung ako 'yan baka nahimatay na ako. Biruin mo crush niya magiging asawa na niya. Sa kanya na si Zephyr. Kay Liam na lang ako. Baka may chance rin." Kinikilig na sambit ni Olga habang pinagmamasdan si Liam na seryosong nakatingin kay Zephyr at kay Ciara.

"Hindi masamang mangarap."

"Hmp. Let's eat na nga. Tara kumuha tayo ng foods." Hindi na ako umangal nang hinila ako ni Olga. Dinala niya ako sa catering. Ayaw ko naman talagang kumain, pero kumuha pa rin ako ng plate ko at pumili ng foods.

Wala man lang akong magustuhan. Ang sensitive ko sa foods. Ni hindi na ako makakain ng maayos dahil sa kaartehan ng sikmura ko. Kapag may naamoy akong pagkain na hindi ko nagustuhan ay nasusuka kaagad ako.

Nasa tabi lang ako ni Olga. May pagkain na siya sa plato niya habang ako ay wala pa rin. Bigla kong naamoy ang Ossobuco na nasa harapan ko mismo. It's Italian food. Bigla, parang gustong bumaligtad ng sikmura ko. Ayaw ko sa amoy.

"Ugh..." Natutop ko ang aking bibig. Nasusuka na talaga ako.

"Anong problema? Are you okay?" Tanong sa akin ni Olga. Wala na akong panahong sagutin siya. Ibinigay ko sa kanya ang plate ko at nagmadaling iwan siya.

"Sh*t!" I muttered a curse nang may mabangga ako. Si Cassidy 'yon, hindi niya kasama ang mga alipores niya. Pati pala siya nandito rin. But h*ck! Wala na akong pakialam. Nasusuka na talaga ako. Iiwanan ko na sana siya, pero hinawakan niya ako sa braso ko para pigilan ako.

"What the f*ck are you doing, Cassidy?" Nagawa kong itanong kahit ang sama na ng pakiramdam ko.

"Why so uneasy, Shan? Gusto lang kitang makausap." Ngumiti siya sa akin. Pero fake naman.

"Not now. I'm not in the mood to talk to you." Saad ko at inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"H'wag kang bastos. Kinakausap pa kita." Mabilis niya ulit akong nahawakan sa braso. Natutop ko ulit ang aking bibig dahil naduduwal na naman ako. Sa kagustuhan kong makawala ay naitulak ko siya. Medyo napalakas 'yon. Nasa tabi niya lang 'yong malaking cake kaya do'n siya bumagsak.

Natigilan lahat ng mga tao. Gulat na gulat sila habang nakatingin kay Cassidy na naliligo na ngayon sa cake. Hindi ko na kasalanan. Kitang nagmamadali ako humarang-harang pa siya.

"Arghhh! How dare you do this to me?!" Galit na galit siya. At the same time sobra ring napahiya.

"Hindi ko sinasadya."

"Sinadya mo!" Galit na sigaw niya. Napaawang ang labi ko nang bigla niya akong binato ng cake. Nasapol lang naman ako sa dibdib ko. Dahil mahaba ang buhok ko ay nagkalat din ang cake rito. Sa ginawa niyang 'yon nakalimutan kong nasusuka pala ako. Nabuhay ang matinding galit sa puso ko. Tangna niya! Nananahimik ako rito ginugulo niya ako! Epal na piste pa! Anong karapatan niyang batuhin ako ng cake sa harapan ng maraming tao? Itong dress ko, alam niya ba kung gaano 'to kamahal para lang malagyan ng cake?! Kahit gumulong-gulong pa siya sa cake hindi niya mababayaran 'tong ginawa niya.

"Hindi ko nga sinasadya. Humarang ka kasi. Saka hindi ka ba nahihiya? Hindi mo 'to party para gumawa ng eksena d'yan." Tinalikuran ko na siya. Kahit na gustong-gusto ko na siyang sugurin ay pinigilan ko. May buhay sa sinapupunan ko at ayaw ko siyang mapahamak dahil lang sa galit na 'to. May tamang oras para gantihan si Cassidy at hindi ngayon 'yon. Pupuntahan ko na sana ang family ni Ciara at Zephyr para ipaliwanag kung ano talagang nangyari, pero ang buwis*t na Cassidy bigla na lang hinila ang buhok ko. Sinabunutan niya ako kaya halos mapuno na rin ng cake ang buhok ko.

"Tama na. Ayaw kong makipag-away sayo." Saad ko habang pinipigilan siya. Ang mga tao sa paligid namin ay gulat pa rin. Ni hindi nila alam kung anong gagawin.

"Enough." Rinig kong sabi ni Zephyr na ngayon ay nagmamadaling lumapit sa amin. Medyo malayo kasi siya sa puwesto namin. Pero tila walang naririnig si Cassidy. Talagang gusto niya akong masaktan.

"I really hate you! Ipinahiya mo ako!" She said and pushed me with all her strength. Sa lakas ng pagkakatulak niya ay bumagsak ako sa sahig. Medyo napalakas 'yon. Masyado akong nagulat sa ginawa niya kaya hindi ako kaagad nakapag-react.

"Shan." Sa wakas ay nakalapit din sa akin si Zephyr. Biglang kumirot ang tiyan ko. Bumagsak ang tingin ko sa pagitan ng hita ko. Nanlaki ang mga mata ko at nanginig ang katawan ko nang makita ang dugo sa pagitan ng hita ko.

"S-shan, why are you bleeding? Bakit may dugo?" Nag-aalalang tanong ni Zephyr nang mapatingin siya sa hita ko.

"A-ang baby ko." Nanginig ako sa matinding takot. Nagpa-panic na rin ang iba. May narinig rin akong tumatawag ng ambulansya.

"F*ck?! Buntis ka?!" Nagmadali siyang buhatin ako. Hinawakan niya ako ng mahigpit. Sinisigawan na niya ang sinuman na nakaharang sa dadaanan niya. Sobra siyang natataranta. Takbo at lakad na ang ginawa niya makarating lang sa kotse niya.

Nang makarating sa kotse ay pinaupo niya ako sa front seat habang siya naman ang magmamaneho. Para kaming nasa isang karera sa bilis ng pagpapatakbo niya. Iyak lang ako nang iyak habang nakahawak sa tiyan ko. Sobra akong natatakot. Please, not my baby. H'wag ang baby ko ang singilin mo sa lahat ng mga kasalanan ko.

Continua a leggere

Ti piacerà anche

2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
3.7K 206 43
Painful Series #1 ----- "Painful Thing #1: Bringing back the feeling that you tried to forget." Loving can turn your world into a colorful one, but l...
29.6K 680 39
They are childhood bestfriends and they known each other for years. Simula noong elementary hanggang higschool laging magkaklase sina Andie Loucinda...
93.4K 1.2K 33
Icelyn Stewart or also known as Ice, is secretly in love with his childhood friend named Eion. She confessed her feelings towards Eion. But Eion, on...