In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [22.5]

72.8K 2.3K 318
By chiXnita

BINITIWAN NI Grant ang kamay ko't tumayo. "What is this, Ryder?" Kalmadong tanong niya. Pero dahil kilala ko siya alam kong kinikimkim niya lang ang inis sa kapatid.

"What?" Nagkibit-balikat si Green at ngumisi pa.

Napayuko naman ako sa kunot-noong titig nina Brix at Kuya Xyrus. Pakiramdam ko isasalang ako sa oven para tustahin at sunugin. Ang init sa pakiramdam. Sana matunaw na lang ako dito at mag-evaporate na parang yelo.

"Those fvcking flowers and damn chocolates." Napahawak ako sa nakakuyom na kamao ni Grant. Mabuti na lang malakas ang music kaya ang dating parang nag-uusap lang silang dalawa. Pero ang katabing table namin na sina Angel, nakatuon na ang atensiyon sa 'min.

Sinasabi ko na nga bang may gagawin at gagawing kalokahan ang pisting si Green.

"Why are you arguing, brothers?" kunot noong tanong ni Grey. Pero wala man lang ni isang naglakas loob na sagutin ang inosenteng tanong niya.

"Ryder!" Hinawakan ni Grant ang tuxedo ni Green, bandang dibdib. Hinila ko si Grant pero hindi niya ako pinansin. Pero ang ipis na si Green, imbes na sumagot nang matino, humagalpak at tinapik pa si Grant sa balikat.

"Easy, Grant..." Napairap ako. Wala talagang modo. "Alam mo namang crush ni Grey si Xhaiden. Nahihiya siyang magbigay ng fvcking flowers and damn chocolates sa kanya. That's why I told him to use my name. What's the problem with that? Why are you so possessive, brother?" Napapikit ako at napasapo sa noo.

Konti na lang mahuhubad ko na ang heels para paloin ang pisting ipis na 'to.

"What the fuck, guys?" Apila ni Cyclone. Umiiling. "Kalma!" Nagsalin ulit siya ng vodka at uminom. Inagaw ni Serg sa kanya ang kopita. "The hell, Serg?"

"Tsk." Tanging reaksiyon ni Serg. Humalukipkip naman si Dew at nakangisi na parang manghang-mangha sa kanyang mga nakikita.

Tumayo na ako habang wala pang gulo. Inilapag ang hawak na bulaklak sa upuan. Hinawakan ko ang kamay ni Grant. Ramdam ko ang panginginig niya. "D-Doon muna tayo." Hinila ko na siya palayo.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang makarating kami sa pasilyo ng hotel. Walang gaanong tao pero naririnig ko pa rin ang malakas na tugtog.

Sunod-sunod ang pagpakawala ko ng hangin habang tinitingnan siyang sinasabunutan ang buhok. Nagulo tuloy ang ayos. Napanguso ako.

"I'm not stupid, Heather. Ryder likes you." May diin sa kanyang bawat salita. Muli niyang ginulo ang buhok. Tinalikuran ako dahil mataman lang akong nakatingin sa kanya nang nagtataka. "First, my best friend. And now, my brother. Baka sa ilang araw lahat ng kaibigan ko may gusto na sa 'yo."

What?!

Napanganga talaga ako. Sinapo ko ang bibig dahil panay ang lakad niya sa harap ko. Kinagat ko ang labi para hindi matawa. Kaso hindi ko napigilan.

"And now, you're laughing. It isn't funny, Heather." He was gritting his teeth.

"Are you jealous, Grant?" Siya naman ang napaawang ang bibig. Mukhang naghahagilap ng sasabihin. Kasing bilis ng kidlat ang paglapit ko sa kanya. Nayakap ko siya sa sobrang saya. "Do you love me, now... Grant?"

"Heather..." Naririnig ko ang tibok ng puso niya. Malakas. Hindi lang ako sigurado kung sa kanya ba talaga dahil mukhang sa 'kin.

"I love you. Kahit ano'ng mangyari. Kahit sino pa ang dumating. Ikaw pa rin," turan ko. Naramdaman ko ang pagdapo ng mga palad niya sa 'king likod. He's hugging me back. Nakayuko siya sa 'kin. Nginitian ko siya. "I love you, Grant."

Humigpit ang hawak niya. Gumalaw ang isang kamay patungo sa bewang ko. "Heather... I—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang humina ang music at may nagsalita.

"Good evening ladies and gentlemen!" Nagkatitigan kami ni Grant. Nginitian niya ako. Hinawakan ang isang kamay ko para alalayan pabalik sa venue. "Are you excited to start the event?"

Nakatitig ako sa baklang nasa harap na may nakakabit na lapel microphone. Mukhang local actor, I mean, actress ang baklang nasa harap.

Iginala ko ang mga mata. Maraming tao. Marami ring table na ang motif ng telang nakacover sa mga ito ay kulay rose. May mga nakahilerang waiters sa magkabilang gilid na naghihintay lang na may kumaway sa kanila.

"I supposed that the thirteen families are already here," ani naman ng babaeng katabi ng baklang host. Local celebrity din yata siya. Isa-isa niyang binanggit ang labing tatlong mga apelyido na kabilang sa Trese. "Alba, Caballero, de Carpio, Del Rio, El Grandia, Flores, Fulgencio, Loriete, Montreal, Moravia, Roa, Tuazon and Wilson. So, let's get the party started." Nakisali kami ni Grant sa palakpakan. May mga nagtoss pa ng mga kopita ng alak.

Marami pang sinabi ang dalawang hosts. Hanggang sa may nagperfrom sa harap. Wala na akong pakialam sa mga nangyayari. Lahat ng atensiyon ko... napunta na kay Grant. Umupo kami sa table na medyo malayo sa Hot Dogs at Sexy Chicks. Umiiwas talaga siya sa gulo.

Nabalik lang ako kasaluyang nangyayari nang biglang lumakas ang music. Napatingin ako sa unahan. May tatlong sumasayaw. Nanlaki ang mga mata ko.

Sumasayaw lang naman kasi ang magaling na si Jerson Quin. May dalawa siyang back-up na mga nakasuot ng pula mula ulo hanggang paa. Mukhang plinano niya na naman ang magpasikat ngayon.

Jazz ang music. Sumasayaw si Jerson na parang nang-aakit. Naghiyawan ang mga Hot Dogs, nang-aasar. Magaling sumayaw si Jerson. In fact, dancer siya no'ng College kami. Kumindat siya at ngumisi kay Shantal na katabi si Caleigh sa table at ang kanilang pamilya.

"Gago talaga!" Komento ni Grant pero tumatawa.

Nagtatawanan na rin ang mga tao. Mukha kasing tanga si Jerson sa harap pero ang hot. Jusko! Pagtatawanan niya ako kapag nalaman niyang iniisip kong ang hot niya sa ginagawa niya. Nakataas ang kanyang mga kamay sa ere at dahan-dahang gumigiling. Nakangiti. May pakagat-kagat pa ng labi. Napapailing ako pero humahagikhik pa rin. Ang kulit niya talaga.

Naglakad siya pero gumigiling pa rin. Lahat ng mata sa kanya nakatingin. Lumapit siya sa table nina Angel. Tumigil sa gitna nina Keziah at Vlaire. Nagtatawanan sina Irish at Denice.

Hinawakan ni Jerson ang kamay ni Keziah at hinila patayo. "Hey!" apila ni Kez. Hinila ang kamay.

"I thought you love to dance, Kez." Natatawang turan ni Jerson. Sa nababasa kong aura ni Keziah gusto na niyang manapak. "Dance, Kez!"

"Dude, stop that shit," saway ni Dew. Magkatabi lang ang table nila nina Angel. Dalawang table naman ang layo nila sa 'min.

Nagpalit ang music. Bumilis. Natigilan kami. Pati si Jerson, nagtataka. Napatingin ako sa harap. Naghiyawan ang lahat. Umiling-iling si Grant pero hindi pa rin tinatanggal ang kamay sa bewang ko.

"Sorry, I'm late." Sumulpot sa harap ng Hot Dogs ang leader nilang si Zyle Aldrin de Carpio. Nakatuxedo. Nakawax ang buhok at bahagyang nakataas. Seryoso ang mga matang nakatuon kay na Jerson at Keziah.

"That's usual!" Komento ni Kuya Xyrus. Binalak na makipagfist bump pero nakatalikod na si Zyle. Nagtawanan sina Cyclone at Dew. Sina Brix at Serg, nakatingin lang. Habang si Green hindi ko tinitingnan. Si Grey naman mukhang enjoy na enjoy sa tabi ng ipis. Now, kumpleto na ang Hot Dogs dito sa venue. Siyam kasi sila lahat, eh. And yes, kasama ang cockroach.

Nagulat ako nang sumayaw sa harap ni Jerson si Zyle. Hindi ako sigurado kung hiphop style ba 'yon. Kasi hindi naman ako dancer katulad nila. Nagtilian ang Sexy Chicks maliban kay Angel at Keziah. Naghiyawan ang mga Hot Dogs, pang-asar, habang si Jerson biglang dumilim ang aura ng mukha.

Hanggang ngayon, hindi pa rin sila nagpapatalo kung sino'ng mas magaling sumayaw. Simula pa no'ng College, palagi silang magkalaban sa mga dance competitions. Kasama si Keziah.

"I just missed to dance, dude." Tinapik ni Zyle ang balikat ni Jerson. Hinila naman ni Cyclone si Jerson nang ikuyom nito ang mga kamao. Nagkibit-balikat si Zyle at bumaling kay Keziah. Napaurong si Kez nang bahagya.

Lahat ng tao, nakatingin sa kanila. Nangingiti. Akala yata nila kasama pa rin sa dance presentation ni Jerson ang pagsingit ni Zyle. Oh, oh. Something fishy spotted. Tinapik ko ang balikat ni Grant pero nakangisi siya. Mukhang nag-eenjoy sa mga nangyayari.

Malakas na nagsnap si Zyle sa ere. Umiba ulit ang tugtog, naging sweet. Napasulyap ako sa may speaker at nakangiti ang DJ. Mukhang kakutsaba ni Zyle. Nasabutahe yata si Jerson.

"Dance with me!" Inilahad ni Zyle ang kamay sa harap ni Kez. Ako ang napalunok sa nangyari. They all knew, we all knew, the history between Keziah and Zyle. They were an item. Yeah, were. Mag-ex sila.

"I missed them," bulong ni Grant, nakangiti. "Sana magkabalikan sila." Napailing na lang ako. Possible, pero malabo?

"Kuya, stop it!" saway ni Denice kay Zyle pero 'di man lang siya nito tiningnan.

Muling umatras si Kez nang humakbang si Zyle palapit. Akmang tatalikod pero nahawakan agad siya sa bewang ni Zyle. Idinikit ni Zyle ang bibig sa bandang tainga ni Kez. Mukhang may binubulong. Kinikilig ang tao sa paligid.

Namalayan ko na lang na si Keziah na mismo ang humihila kay Zyle papunta sa dance floor. May ngiting tagumpay naman sa mga labi si Zyle. What the hell happened?

Sabay na tumayo sina Kuya Xyrus at Grant. Lalo akong naguluhan nang inilahad ni kuya ang palad sa harap ni Angel at gano'n din si Grant sa 'kin. Kumunot ang noo ko nang umangat ang tingin sa kanya.

"What?" Kinakabahang tanong ko. Itinaas-baba niya lang ang mga kilay at ngumiti. Ipinagyayabang sa 'kin ang mga dimples niyang nakakabighani. Damn this handsome freak.

"C'mon, Heather!" Hinawakan ni Grant ang kamay ko kaya napatayo ako. Of course, I want to dance with him.

Tumayo si Angel. Akala ko papayag siyang makipagsayaw kay Kuya Xyrus pero tinabig niya ang kamay. Pumunta siya sa table ng Hot Dogs. Hinila si Brix patayo at kinaladkad sa gitna. Hindi naman nakapalag si Brix. Ano namang laban ni Brix sa kanya? Naikuyom ko ang kamao. Stop rejecting my brother, Gel!

Hinapit ako ni Grant. Inilagay niya ang dalawang kamay ko sa tapat ng kanyang dibdib. Damang-dama ko ang bawat pintig ng puso niya. Dama ko rin ang tigas ng dibdib niya. He smiled, exposing his petite dimples beside his lips.

Ang kamay niya sa bewang ko, gumapang sa 'king likod. Gumapang din ang kiliti sa buong katawan ko. Hinapit niya lalo ako palapit. Ang isang kamay niya, dumikit sa 'king pisngi. Inilagay ang iilang buhok sa likod ng tainga ko. Marahang humaplos.

Titig na titig siya. Pakiramdam ko pati siya naririnig ang mabilis na tibok ng puso ko. Pakiramdam ko rin ang dami niyang gustong sabihin. Pero tahimik lang siya. Sobrang titig na titig lang sa 'kin. Ni ang pagkurap niya, madalang. Kinakabahan ako, pakiramdam ko... ibang tao ang nakikita ko.

Nakakapanibago.

Si Grant ba talaga ang taong kaharap ko?

Gusto kong yumuko pero namamagnet ang mga mata ko sa abuhin niyang mga mata. Hinimas niya ang pisngi ko. Ingat na ingat, na pakiramdam ko, natatakot siyang hawakan ako. Nanginig ang mga labi ko. Ewan ko, pero naiiyak ako kahit walang dahilan.

Ang sarap titigan ng mga mata niya, pero may kakaiba. Parang mas basag pa siya kaysa sa 'kin. Parang mas nasasaktan siya kumpara sa 'kin. Gusto kong malaman ang mga iniisip niya habang nakatitig siya sa 'kin.

His eyes. They looked like a star. But a star with a dying spark.

What are you thinking, Grant? How are you feeling, Grant?

Are you okay?

You're smiling at me right now.

But are you really okay?

He gently stroked the side of my lips using his thumb. Pumikit siya. Ilang beses huminga nang malalim.

"Grant..." Humigpit ang hawak ko sa dibdib niya. "W-What's wrong?"

Dumilat siya. Saglit na tumingala bago ibinalik ang mga mata sa 'kin. Umiling siya. Patuloy sa marahang paghaplos ng pisngi ko at gilid ng labi ko. Umawang ang bibig niya... na tili may gustong sabihin... pero... huminga lang ulit siya nang malalim.

Tumigil kami sa pagsayaw. Humigpit ang hapit niya sa 'kin. "Heather..." Titig na titig pa rin.

God, Grant! You're scaring me. "Hmmm...?"

"Don't die with me," he mumbled, tila nahihirapan. "How can I save you from me?"

"G-Grant?" Nangunot noo ko. Ito na naman siya sa mga sinasabi niyang hindi ko maintindihan.

Sinakop na ng dalawang palad niya ang mukha ko. "I've been drifting the wheel. I don't care if I've been wandering or lost just to distance myself... away... but you're always pulling me back, Heather." Kinakabahan na talaga ako sa mga kinikilos niya. "Now, I've ruined the break... and it's speeding up... I don't know how to control the wheel anymore."

"Grant..." Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.

"Heather, stop me." Kinagat niya ang labi. "I don't want to crash you completely."

Nakatitig pa rin siya sa mga labi ko. Marahang hinahaplos. Unti-unti niyang ibinaba ang mukha. Nataranta ako. Hihimatayin yata ako. Nakita ko pa ang bahagya niyang pagkagat sa kanyang labi bago ako tuluyang pumikit. "Because... I can't stop myself now."

Tumatama ang hininga niya sa 'king pisngi. Magkadikit na ang mga ilong namin. Hindi na talaga ako humihinga. Then it happened.

"What the..." Reklamo ni Grant nang mabitiwan niya ako. Napadilat ako't tumambad sa 'king paningin ang nakangising ipis sa tagiliran ko. "What the hell, Ryder?"

"What? I didn't push you, brother. It was Grey," kibit-balikat ni Green. Si Grant naman kuyom ang mga kamao. Hinawakan ko ang braso niya. Baka kasi suntukin niya si Green. Matangkad si Grant mas matangkad lang si Green nang bahagya. Ayokong mag-away sila. Naiinis na talaga ako sa pisting ipis. Konting-konti na lang mapapalo ko na siya ng heels.

"I can't push him, Kuya Rydz. Kuya Turner is too big for my size," nakangusong angal ni Grey sa tabi niya. Kung hindi lang seryoso ang sitwasyon, mapapangiti ako sa kacute-an niya. Hindi talaga nakakapagsinungaling ang mga bata.

Nabura ang ngiti ni Green at pasimpleng hinawakan si Grey. "No, little freak, you pushed him, right?" Hinila na niya si Grey palayo. Sinundan ko sila ng tingin. Hanggang sa makarating sila sa table nina Mama Tracey. Iniwanan niya sa mga ito si Grey. Muli siyang humarap sa 'min. Nakangisi bago nagkibit-balikat.

Napalabi ako sa aura ng mukha ni Grant. Hinila ko siya at pinaharap. Gano'n pa rin ang hilatsa ng mukha niya. Tila namatayan. "Chill, Grant..." Pinisil ko ang kanyang pisngi. Bumuntong-hininga siya. "Because no one can stop me from kissing you, right now."

His lips parted in surprise.

Before he could protest, I wrapped the space between us. Hahalikan niya naman dapat talaga ako kanina. Eh, 'di gawin ko na. Wala na akong pakialam sa kung ano'ng gusto niyang sabihin. O sa mga taong maaaring nakatitig sa 'min.

I locked our lips. My heartbeats were loud and deafening. He closed his eyes. I parted our lips then whispered, "I love you, Grant..."

Nanigas ako nang ipulupot niya ang isang kamay sa bewang ko habang ang isang kamay sa ilalim ng baba ko. Then I found our lips colliding again. Pumikit na ako. I was holding my breath. His lips slightly moved. Tila nag-aalangan, but he smiled when I copied his action. Muling kumalabog ang lintik kong puso. God! Ngumiti siya.

"I'm nailing the hedge of my coffin. But what's the point of struggling to live when I'm already dead?" I don't know if I heard clearly what he said, before he claimed my lips for real.

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 45.5K 40
My name is Jared, and this is the story on how I fell in love with a stranger, which started with A KISS IN THE RAIN..
1.8M 30K 14
Collection of my one-shot stories written from 2011-2016. Book cover by Taryn [@soundthealarm]
124K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
283 110 45
[ON HOLD] LIFE ARC SERIES #2 "While trying to survive in her own little made up cruel world, comes a man having control in his own overtaxing dysfun...