Once in a Lifetime (Valdemora...

By anchoraigee

5.4K 184 11

The meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she... More

Once in a Lifetime
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Jacob Ezra
Author's Gratitude

Chapter 12

79 3 0
By anchoraigee

In months of having a relationship with him, we never did a kiss as intimate as that. Yes, we still kiss but not to the point where it led us to that. Parang kinapitan kaagad ako ng matinding hiya dahil sa biglang bumigay ang katawan ko.

Added by his coldness and his eagerness. Pareho kaming nawala sa isa't isa, hindi na napansin pa ang mga naging kilos.

I am aware with what's happening but I didn't got a chance to control myself. Nagtanong lang naman ako sa kanya pero ganoon kaagad ang kinalabasan.

Silence enveloped us after that. Pareho kaming walang kibo habang iyong mga braso niya ay nakapulupot na sa akin ngayon. I can feel his breath on my neck, sending some shivers to my body. Natutulala lang ako habang nararamdaman iyon.

Hindi ko alam kung paano na naman ako makakapagsalita. Earlier was my chance to ask him about everything. Pero dinala niya ako sa ganoong pangyayari. And he knows that I feel uncomfortable after doing that.

Isang nakakahiyang pangyayari.

"I'm really sorry," he apologized. Napatango ako saka marahang inalis ang isa niyang braso sa akin.

I sat on the bed. Napasunod siya sa naging kilos ko habang nakalapit pa rin ang sarili niya sa akin.

Isinuot kong muli ang pang-itaas na parang nakuha na ng oras kanina ang lahat ng hiya ko kaya na nagagawa iyon habang nakatingin siya. Napabuntong hininga ako saka tumayo. He followed me and then grabbed my wrist softly.

"Wait. Are you mad?" he asked using his soft tone. Walang bahid ng kahit na anong galit doon.

Pumunta ito sa harapan ko habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko. He stared at me, confused about what's my main reason why I am acting like this.

"No, I am not. Uuwi na lang muna ako siguro. You can call me later or text me. Magpapahinga lang ako muna." I grabbed my wrist from him but he pulled it again.

"Love, we can have a peaceful talk here. Are you afraid that I might do that again to you?" Hindi ako nakasagot at nanatiling diretso lang ang paningin sa kanya. His hands touched my cheek as if assuring me that it won't happen again.

Hindi naman iyon ang gusto kong masiguro sa kanya. I trust him and when he say that he'll not do it again, he will fulfill it. May tiwala naman ako sa kanya pero kasi, iba ang gusto kong marinig sa kanya.

"I'll just go home. Thanks for the dinner. I'm sorry if I can't stay here with you," saad ko bago gumawad sa kanya ng halik.

I bit my lip and then finally thought of my decision about the vacation abroad. I think, this is finally the time that I will say it to him. Ayokong umasa siya sa wala.

"And about the vacation abroad, I don't think I can go with you. I have fully loaded scheds at the last week of the month so huwag na muna nating ituloy this month," dagdag ko pa. His brows furrowed. Parang bigla itong nakarinig ng hindi magandang balita.

Totoo naman kasing busy ako sa huling linggo ng buwan. I can't just take some vacation and leave all of it. Malaking mawawala sa akin kung lumiban ako sa ganoong schedule kaya mas importante sa akin iyon.

Napahilamos ito sa mukha at itinuon sa ibang direksyon ang tingin. I can sense that he's a bit mad now but he's trying to control it since he's with me.

Hindi naman ako natatakot sa kanya. All he did to me for this entire months of relationship is he controlled himself to not be harsh to me as always.

"Tell me. Ang pag-aaral ko ba sa abroad ang dahilan nito? I already said that I still have no confirmation yet. Huwag naman ganyan, Phoebe. That's the only time we can have a week for each other." Iyong kanyang mukha ay tila nagmamakaawa na.

Buo na ang desisyon kong ayaw kong sumama. I just want to prioritize my needs first before going to that situation. Hindi ko rin naman mae-enjoy ang bakasyon kung puro pag-aaral ang nasa isip ko.

"Let's just talk some other—"

"Dahil ba sa pag-aaral ko sa abroad, ha?" He asked once again. Hindi na ako hinayaan pang tapusin ang sinabi. "Is that why you're getting upset now?"

"Yes," agaran kong sagot. "You have lots of time to say that to me but you chose to hide it. For what? Para masorpresa na lang ako isang araw?" I have no time talking for long to him now. Iisa lang naman ang gusto kong malaman at iyon ay kung bakit hindi niya man lang ako na-inform.

Of course, I need to know about it. I am not into long distance relationship and I swear, I can't handle that scenario if ever.

Mabuti sana kung sinanay niya ako, walang magiging problema.

He chuckled as if I said some joke. "Are you really serious? You won't let me study abroad for me to be able to be successful? Are you that selfish, Phoebe? You only think of what will be the ending of our relationship instead of supporting me on what I want?"

I gritted my teeth upon hearing that. Before he can say anything that can make my blood boil, my hands made a sound upon slapping his cheek. Namula iyon at tila naging hudyat iyon sa kanya na tumahimik.

I never slapped him for the entire months. Ngayon ko lang nagawa dahil hindi ko nagustuhan ang kanyang pananalita.

It was not right for me. Hindi naman ako ganoong tao kaya bakit niya ako aakusahan ng ganoon?

Isa pa, hindi naman ako galit. Inis siguro kasi ngayon ko lang nalaman ang tungkol doon.

"Ako? Selfish? Are you blind, Alonzo? Kung selfish ako, malamang sa malamang, buong buwan, magkasama tayong dalawa at mas iniintindi ko kung ano ba ang magiging itsura ng relasyon natin." I am not that kind of a woman. Patunay lahat ng pagiging suportado ko sa kanya sa kursong kanyang kinukuha. Though I want to be with him, to have a time with him, I chose to set aside all of those for his dreams, for his father's dream for him.

"Phoebe naman. That's just a week of vacation tapos hindi mo man lang maibigay sa akin?" he asked again.

"I know, pero katulad mo, may mga priorities din ako. We can do that some other month so why rush anything?"

"Tss. I don't know what I will gonna do with you," mahina nitong sambit. Mas lalong kumunot ang noo ko.

Wow. I didn't imagined him being like that. Parang sa ganoon lang, hahantong sa ganito ang magiging usapan namin?

"What, Alonzo? Can't you just support me? Iyon din naman ang ginawa ko sa'yo, ah? I supported you with all I can! Hindi kita kinulit na magkaroon ng oras para sa akin kasi alam kong busy ka sa pag-aaral, sa pag-abot ng pangarap mo. And now that I'll cancel the vacation for my needs, ikaw ang magagalit sa akin? Who's the selfish between us, huh?" tanong ko sa kanya.

I don't want to have a fight with him now. Mas lalong lalaki ang gulo at madadagdagan lang pareho ang inis naming dalawa. I just can't let him be more mad now. Ayoko.

"And you're asking me back that question. Fine then. I'll study abroad. And that's my decision. I hope you'll still support me?" Kumpara kanina, medyo mahinahon na ang kanyang boses ngayon.

There's a small pang of pain appeared inside me. Dahil alam kong kapag tuluyang nagdesisyon na ito tungkol doon, alam ko ang kahahantungan.

And that's more painful. Iyon ang katotohanan na ayokong magpapadalos siya ng desisyon kasi may kaakibat na kalalabasan ang lahat. Hindi pa man nangyayari ay nasasaktan na ako.

I love him... so much. Pero kapag inabot ng pangangailangan ang isang tao at mas pipiliin kung anong nakakabuti para sa kanya, I have no choice but to accept it wholeheartedly.

Wala akong laban sa unang minahal. At iyon ang iisang bagay na tuluyang magpapatalo sa akin.

"Ganoon naman lagi ang ginagawa ko, hindi ba? So why still asking me that?" matigas kong tugon. He didn't uttered some words after that. Tila nakalimutan na niya ang namumulang pisngi dahil sa sampal ko. "I guess, I can now leave you here? Tawagan o text mo na lang ako kapag maayos na takbo ng utak mo."

I went out to the hotel room after that. Sumara pa lang ang elevator ay hindi ko na natiis na umiyak. I silently cried inside, feeling the pain that he gave me.

Masaya sana ang kahihinatnan ng gabing ito. He prepared a dinner for me and then the sudden news ruined my appetite and mood.

Para akong hangin, nasa tabi niya lang naman pero kahit ramdam na ramdam ako, hindi pinapansin. Hindi nasabihan kung anong naging plano niya para kahit ano naman, maging handa ako balang araw.

Sanay kasi akong kahit wala siya sa tabi ko ng ilang oras ay bigla naman siyang nagpapakita. And then after that, we are happily living the moment. Kayang-kaya niyang isarado lahat ng lungkot na naranasan ko noong wala siya pero kapag sa mga ganitong ideya, tingin ko ay hindi ko na kayang magtiis.

Hanggang sa pag-commute pauwi ng bahay ay hindi ako tinantanan ng luha sa mukha. This night's been cruel to me. Ibinuhos lahat sa akin ang kalungkutan at sakit na hindi ko naman inasahan.

Nakakasira ng pakiramdam ang ilang salitang narinig ko sa ngayon. Lalong-lalo na iyong nanggaling sa kanya.

I supported him but still labeled as selfish. Kailan ba ako nagpatigil sa kanyang mag-attend ng class para lang sa time na gusto niya? Did I contradicted his decision? Kailan ako kumontra para sa pangarap niya? Wala akong naaalala kahit isa.

Hindi pa rin pala sapat. He's a good man but one single word ruined it all. Nag-iisang salita pero nagawang paibahin ang tingin ko sa kanya. I guess that's how relationship works.

Nakikilala mo ang isang tao kapag tumatagal kayo. In my case, hindi pa man kami nag iisang taon ay nakita ko na ang ibang side niya. That's an advantage for me because at least, I got a chance to know about him more.

Though the memory's still fresh, I still managed to attend my classes. And I got no text from him. Na maski tawag ay hindi ako nakatanggap mula sa kanya.

Hindi na ako nag-expect kasi ako mismo ang nasasaktan. I ignored all the possibilities and focused my mind to my studies.

Pero kahit ganoon man ang nangyari sa akin, hindi ko sinabi iyon kay Jacob. I didn't tell him about what happened because I don't want him to be involved in here. Gusto kong magsumbong kasi kahit ganito ito, handang-handa itong makinig palagi sa akin. Pero sadyang ayoko lang talagang pati siya ay mahirapan din sa sitwasyon ko.

Ngumiti ako kaagad nang papalapit na ito sa akin. As usual, nakasabit sa kanya ang bag habang hindi naaalis ang tingin sa akin.

I waved at him and waited for him patiently. Gusto kong makasama ito kahit ngayon lang. Gusto kong matanggal ang kaunting lungkot sa akin.

"Kanina ka pa? Sorry, ah? Si Miss kasi, na-busy kakakwento tungkol sa buhay niya kaya late na kami nakalabas," pagpapaumanhin niya.

"Okay lang. Hindi naman ako masyadong matagal na narito."

"So saan tayo kakain? Libre ko na agad, mukhang pagod ka na nga, eh," napatawa ito saka ko hinampas ng mahina. "Seryoso. Anong nangyari sa'yo? Bakit mukha ka naman yatang naiyak ng magdamag?"

I shook my head and then smiled widely at him. Naroon sa kanyang mukha ang bahid ng hindi pagpapaniwala sa naging kilos ko.

"Nothing's wrong with me. Can I request something?" pag-iiba ko ng usapan. Tumango ito ng mabilisan. "Inom tayo, sagot ko. Hindi ba, marami kang alam? Dalhin mo 'ko do'n."

Natigil ito ng sandali sa naging suhestyon ko. I held his wrist to convince him because I can't think anything to ease what I am feeling.

Gusto kong malasing na agad para pagdating mamaya ng bahay ay diretso tulog na kaagad. Ayokong mag-isip masyado sa mga pangyayari.

"Seryoso ka? Bakit ka nang-aaya?"

"Dali na kasi. Kahit ngayon lang. Gusto kong tumakas sa school saka gawin 'yon kasama ka," pagpupumilit ko pa sa kanya.

"Aba'y dapat lang na ako ang kasama mo. Baka mabastos ka ng iba riyan tapos ako sisihin ng boyfriend mo." Napakagat ako sa labi nang marinig iyon. "Sige na nga. Tara tara."

I maneuvered my car and followed his. Hindi masyadong malayo iyon sa eskwelahan pero sakto lang kasi kakaunti ang tao. I can pay for anything just for today. Gusto kong mawala ang lahat ng iniisip kahit sa ngayon lang.

"Sigurado ka ba talaga? Baka naman trip mo lang? May ilang minuto ka pa para mag-back out," mahina ko siyang siniko nang makarating na kami.

He just entered the place and took me somewhere far from other people. He got a room for ourselves and he insisted to pay just the room only. Ako na raw ang bahala sa mga inumin.

Madilim sa loob at kung hindi pa dahil sa pulang ilaw na nagsisilbing kaunting liwanag ay parang hindi na ito matatawag na room pa.

I sat on the long sofa and then I watched him doing something on the karaoke located just in front of me.

May kung anong ginawa ito doon bago tuluyang naupo sa akin at inilagay ang dalawang mikropono sa mesa.

"So tell me what's your problem? Care to share it, sseb?" he started. Napatingin ako sa kanya, may pagtataka sa mukha at tila nagulat pa na nalaman niya ang tungkol doon.

"Wala naman. Bakit mo naisip 'yan?" sinabayan ko iyon ng tawa. Napailing ito na para bang hindi naniniwala sa tinuran ko.

"You can't lie to me. C'mon, share it to me. Promise, hindi kita iju-judge," he raised his palm. Ako naman ang napailing ngayon nang dahil sa kanya.

"Wala nga. Bawal ka bang ayain ngayon sa inuman? Bawal ka bang makasama?" I asked softly. Ilang segundo itong hindi nagsalita bago ako niyakap.

The embrace that I wanted to feel now. Kakaiba ang yakap ng kaibigan kong 'to kasi parang iyon ang kanyang paraan para maibsan kung anumang nararamdaman ko. Gusto kong magsumbong pero ayokong maawa siya sa akin, ayokong pati ang problema ko ay isipin pa niya.

Jacob's too precious for me. Gusto kong huwag ako ang atupagin niya.

"Sseb? Nandito lang ako, ha? Kung may problema ka, sabihin mo sa akin. You can always rely on me. Hindi kita papabayaan at iiwan."

Continue Reading

You'll Also Like

446K 16.3K 192
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...
5K 128 14
I'm horrible at stuff like this, read...you'll like it 😭
4.9K 237 43
Delfino Series 2 | Completed Lovely Mercado is a cancer survivor, he suffered a lot before, and her life was relying on medications. She lived with...