Warning: Lame update ahead. (babawi na lang sa susunod.)
[Ch.18] One month.
// Ayanna's Point of View
"Tell me, Villafuerte, what really did bring you here?" tanong ni kuya kay Knave. Nanlilisik ang mga mata ni kuya. Hinawakan ko ang kamay niya ngunit binitawan niya ito. Knave's eyes were just looking at him, emotionless at times but with humiliation. "Vacation?" Knave simpered.
Kuya shrugged his shoulders and stepped nearer to Knave, "what really did bring you here?" ulit niya ng may mas malakas na boses. Bihira lang magkaganito si kuya at ayokong nakikita siyang ganito. Hindi kasi ito yung Kuya Paolo ko na sweet, yung palangiti, yung may mala-anghel na mukha. Nakakatakot siya magalit.
"To see how love conquers all," Knave roared into laughter. He's really weird. "Ano bang problema mo, Salvatorre? Wala naman akong ginagawang masama," mala painosente nitong sagot kay kuya. I wonder how Knave could just simply stay his coolness despite of the tension they had between the two of them. He was just so cool and yeah, weird.
Eto rin kasi yung mali kay kuya, minsan masyado siyang impulsive. Yung bigla na lang nagagalit dahil sa simpleng mga bagay, minsan nga hindi ko alam kung bakit talaga siya nagagalit o sadyang bipolar lang siya. Iniiwasan ko na nga na gumawa ng mga bagay na ikinagagalit niya eh dahil ayaw kong nakikita siyang ganyan. Hindi na ako nangungulit pag alam kong tama na, ayoko kasing makita yung bahagi niya na hindi ko kinakaya pag nakikita ko. Yung personality niya na masyadong protective, yung minsan wala na sa lugar. Pero eto na naman, nakita ko na naming muli yung bahagi niyang iyon… ng dahil kay Knave.
“I know you so well and you love playing games. Ngayon pa lang, sinasabi ko na sa iyo, wag kang magkakamaling gumawa ng bagay na alam mong hindi mo dapat gawin,” matapos niyang sabihin iyon ay hinawakan niya ang galanggalangan ko.
“Oui, Monsieur! Ne vous inquiétez pas, je vais prendre soin d'elle.”
Hindi ko alam kung nakaiintindi ba ng French si kuya pero nakita kong tumango siya kay Knave at hinatak ako palabas ng kwarto ko.
“Sortez,” Kuya Paolo said as we got out of the room.
“Kuya, marunong ka mag-French?” I asked in amazement.
“Not fluent,” yumuko na lamang siya at hinigpitan ang hawak sa wrist ko.
Dinala niya ako sa study room. “Hindi dapat ako umarte ng ganun. It’s your birthday today and I ruined it, I’m sorry, princess.” Nakayuko pa rin siya kaya iniagat ko ang ulo niya. “Ano ka ba, kuya? You made my birthday the best one. Wag ka nangang magdrama riyan! Di bagay,” I laughed. Ito na kasi siguro ang pinakamasayang kong kaararawan, yung moment naming kanina sa fine dining cruise ship, kahit sandali lang iyon, masayang magasaya ako dahil nangyari iyon.
“Are you sure?”
“Oo naman! Eto talagang kuya ko oh!” mahina ko siyang tinapik sa kanan niyang balikat.
“Ok, princess, turn that off and go to your room, ok? Sa baba ako matutulog eh.” Dahil nga si Knave na ang magookupa ng kwarto niya, kinailangan pa tuloy ni kuya matulog sa baba.
“Ok, good night, kuya.”
“Good night.” He kissed me on my forehead.
Napansin kong nakabukas pa yung desktop computer ko. Nakalimutan ko nga palang patayin iyon dahil dinala ako ni kuya sa cruise ship. Ginalaw ko ang mouse at muling nagbukas ang monitor, nagstandby kasi dahil matagal ko itong naiwan.
Isang mensahe ang bumulagta sa akin. Yung chat ni Ian na hindi ko na nabasa dahil pumunta ako sa kwarto ko. “Gabi na riyan, I miss you so much, Aya, pero I love you very much that I could resist not to chat with you just for you to have time to rest. Happy birthday. Matulog ka na. Always eat right, ok? I love you.”
Hindi ko alam pero napatingin na lamang ako sa keyboard… at patak ng luha ko agad ang napansin ko.
“Ang sama sama mo, Ayanna,” nasabi ko sa sarili ko sa pagitan ng aking mga hikbi. I wish I could just love Ian the way I love Kuya Paolo, pero hindi eh. At pag mas lalo mong pinipilit ang isang bagay na mangyari, mas lalo itong nagiging impossible.
Nakaramdam ako ng pag-alo mula sa likuran ko dahilan upang mapalingon ako. “Knave,” I murmured.
“Just let it be, you just can’t stop what’s bound to happen,” he sighed.
“Loving someone is such a complex thing, Celine. Loving means giving. Giving until it hurts, giving until we can endure no more. It’s selfless,” Diretso lang ang tingin ko sa kanyang mga mata, full of expressions. Full of emotions. “Love is not always mutual. It’s an element as complex as the human body. As complex as how we’re able to digest food, how we’re able to understand each other, how we’re able to walk. Loving is great when the person you love loves you back but when it’s other way around, then loving is like a road. Isang daan na alam mong ihahatid ka lang sa dead-end pero patuloy mo pa ring tinatahak.”
“But it’s not love after all,” I managed to say. Hindi ko kasi talaga alam kung ano bang tawag sa pakiramdam na ito. Sa pakiramdam ng pagmamahal sa sarili kong kadugo. Sa sarili kong pinsan.
“How could you say it’s not love? When I myself, had knew it from the very first time I saw you both.”
“What do you mean?”
“You know what, Celine. You don’t really know how surprising this world is. Life is just fair sometimes pero may kakaiba rin itong bawi sa inyo. That’s why you’re into this situation.” He smiled, a smile I found sincere and not like the ones he used to give and show.
“I don’t really understand you.”
“I’ve heard that a lot of times, copine! (sweetheart) But just don’t worry; I’m here for you while Paolo’s away.” That was the first time I felt safe with him. Para namang mabait kasi siya may pagka misteryso lang siya pero mabait siya, ramdam ko iyon. Masyado lang talaga siyang malalim mag-isip, minsan nga sa mga sinasabi niya, parang siya lang iyong nakaiintindi sa sarili niya.
Ѽ
“Good morning, Aya,” agad na bati sa akin ni mama pagbaba ko. Agad kong hinanap si kuya pero naka-alis na raw ito. Sumama rin daw pala si Knave sa kanya pabalik sa Vigan upang kunin ang ilan niyang mga gamit ngunit babalik din bukas ng umaga.
“Good morning, Ma.”
Everything that day went well.
Not until an anonymous sender sent me an e-mail… containing Kuya Paolo and Abby’s intimate scenes.
They hugged. They held hands. They were almost kissing.
And yes, it definitely wrenched my heart.
Hindi ko alam kung kanino nanggaling yan o ano man ang motibo niya kung bakit niya ipinadala sa akin ang mga litratong iyon, pero kung sino man siya… Salamat!
Mahal niya pa nga siguro si Ate Abby. Siguro nga. Oo, why would he fall out of love with Ate? Napakaganda nito. Mabait pa! Complete package. Gaano na ba ako nabulagan sa pamamahal ko sa kanya na hindi ko naisip iyon nung simula pa lang?
Siguro nga, it was my eye-opener.
Magandang chance na rin ito para kalimutan ang lahat. Ngayong malayo siya, ngayong hindi ko siya makaka-usap at makakasama. Ngayong hindi magtatama ang mga mata naming. Tama, ngayon nga.
I smiled bitterly.
“Wake up, Ayanna Celine. Wake up. The pictures say it all!”
Ѽ
Kinabukasan ng umaga, dumating na si Knave galing sa Vigan. I actually liked Knave, even though I could not understand him at some times, he spoke with substance. Mabait siyang tao.
“Are you ok, Celine?” he asked me. Hindi pa rin ako sanay na tinatawag ako sa ganoong paraan. Siya lang naman kasi ang tumatawag sa akin noon. But I know I’ll get used to it.
Tumango ako sa kanya bilang tugon. Wala ako sa sarili ko upang sabihin sa kanya kung bakit ako nagkakaganito ako. I doun’t even know if I could trust him. “You’re not,” agad niyang kontra sa akin.
“Like what I have told you, I’m here for you, copine.” Tinapik niya ako sa likuran ko, isang bagay na langing nagpapagaan sa loob ko.
“I know that,” napayuko ako. Trying to hold back my tears. Ayokong maalala ang mga litratong iyon. Ayokong isipin yun dahil nasasaktan ako. Oo, ako, ako na pinsan niya.
“Then why can’t you tell me wha—“ Naputol ang pagsasalita niya ng biglang magring ang telepono na nasa tabi lang niya. Nagtinginan muna kami at sinagot niya ang tawag na iyon.
“Hello. Good morning!” Tinititigan lang ako ni Knave habang may kausap siya sa telepono. Hindi ko alam kung bakit ganun yung nararamdaman ko, mabait siyang tao. Alam ko iyon pero, pero may kakaiba sa kanya.
“Si Celine? She-she’s— He was still looking at me. Then he sighed. “She wants to talk to you.”
Iniabot niya ang telepono sa akin. “Sino yan?” tanong ko sa kanya ngunit walang boses bago ko tanggapin ang telepono. He did not answer me, he just signaled me to talk with that person.
“He-hello.”
"Princess!" Halos tumalon ang puso ko noon mairinig ko ang boses niya pero bigla kong naalala, etong lalaki nga palang ito ang dumudurog sa puso ko, at pati na rin sa pagkatao ko. Nang dahil sa kanya hindi ko na ata kilala ang sarili ko. Nang dahil sa kanya nahihirapan ako. Dahil sa kana nagging kumplikado ang buhay ko. Pero ano nga naman bang kasalanan niya? Wala naman siyang kinalaman sa takbo ng baliw kong utak.
“Kuya,” it was almost a whisper.
"Don’t be sad, princess. I’ll always call you." He tried to comfort me. He was wrong. I’m not sad. I’m torn. I’m wrenched. I’m broken. Because of him, because of those pictures.
“You don’t need to do that. I’m perfectly ok. I can manage myself.” Pinilit kong sabihin ang mga katagang iyon sa boses na hindi niya mahahalatang nasasaktan ako. Sa boses na aakalain niyang masaya ako kahit wala siya. Iyon ang gusto kong tumatak sa isip niya, sa gayon hindi na niya ako tawagan pa at para mas mapadali ang paglimot ko sa kanya.
"Oh," parang nagulat siya. "G-ganun ba?" He asked as if he was wishing for me to retract what I have said.
“Yeah. So, enjoy your vacation, Couz.” Binaba ko na ang telepono.
Knave was looking intently at me. His eyes were blank.
“A-anong tinitingin tingin mo riyan?” I asked him. Parang nakakaloko kasi kung makatingin, wala naman akong ginagawa pero kung makatingin akala mo eh nakapatay ako! Grabe lang, Knave.
“Why did you say that to him?”
“Sinabi ko lang ang totoo, Knave. Ginawa ko lang ang tama.” I smiled bitterly.
“Vous n'avez pas.”
Ano man ang sinabi niya ay hindi ko na inintindi, nagbihis na lang ako at nag-ayos ng sarili ko. Pupunta nga pala ako kay Ella ngayon para maka-usap si Ian.
“Hatid na kita,” Knave offered as I was about to get out of the house. Hindi ko na siya sinagot, pinangunahan na lang niya ako sa garahe at binuksan ang pinto ng kotse niya para sa akin.
Ѽ
Naka-stop kami dahil na rin sa traffic ng bigla niyang hawakan ang kamay ko na kasalukuyang nasa lap ko noon. “You’re a lot stronger than what you think, copine.”
Hinawakan niya ang pisngi ko at bahagya itong tinapik, “smile, copine.” He smiled at me too. Pinilit kong ikurba ang mga labi ko. I managed to smile. Kahit nasasaktan ako, kailangan kong nguniti. Life must keep going. Nakatatawa mang isipin pero oo, ang pinsan ko ang una kong heart break. At alam kong hindi ito ang huli, tulad nga ng sabi ni mama noon, bata pa ako. Marami pa akong pagdadaanan. Marami pang sakit ang mararanasan ko at ano na lang mangyayari sa akin kung ngayon pa lang susuko na ako?
Ѽ
Itinuro ko kay Knave ang daan papunta sa bahay nina Ella.
Nakarating na kami at muli niya akong pinagbuksan ng pinto.
“Anong oras ka uuwi?” tanong niya sa akin.
Tumingala ako sa kanya, mas matangkad kasi siya sa akin. Mas matangkad nga rin si Knave sa kanya. Hay! Bakit ba nasali na naman siya rito?
“Hindi ko sigurado.”
“Text mo na lang ako, ok? Susunduin kita.”
“Una sa lahat, hindi ko alam ang number mo. Pangalawa, no need to. Kaya ko namang umuwi.” Napangiti ako dahil sa mga ginagawa ni Knave. Nakuha pa niya akong ihatid dito kina Ella at susunduin niya pa raw ako. How thoughtful of him. Pero ayos lang, kaya ko namang umuwi mag-isa. Siya nga hindi ako naihatid o sinundo man lang eh. Buti pa si Knave.
“I have your number here. I can call you. Are you sure you don’t want me to pick you up here?”
“Yeah. Sige, bye.”
“Bye.” Hinawakan niya ako sa wrist ko. Then he kissed my forehead.
“Ingat ka.” Okay, that was weird.
“Oh talaga? Pasalubong!” I was sure that was Ella. Diretso na akong pumasok sa bahay nila. Ganun naman talaga ako rito. Para ko na ring bahay ‘to, ganun din si Ella pag nasa amin.
“Uy,” kinalabit ko siya. She was talking to someone through phone.
“Ay, Aya! Eto na pala si Ian.” Ibinigay niya yung telepono sa akin. Si Ian na pala yung kausap niya. Natuwa naman ako dahil sa tingin ko ay nagkakasudo sila.
“Belated Happy birthday!” agad niyang bati sa akin.
“Thank you, Ian.”
We continued to talk… about random things. Si Ella naman, nagcocomputer lang. I told Ian na pwede na siyang tumawag directly sa bahay, wala na naamn yung epal kong pinsan and besides, wala na naman akong pakialam kung magalit si kuya o hindi. Ayos lang naman kina mama at papa si Ian eh. No need to worry.
“Aya, uuwi na nga pala ako next month.”
And the fulfillment of my promise shall begin.