Fontabella 1: The Businessman...

By TheButterflyReturns

107K 4.1K 414

The Businessman's Trap In an incident where Tristan Barcelona was caught in the act. He had no other choice... More

Fontabella Brothers Series
The Businessman's Trap
Introduction
Prologue [Enough]
Chapter 1 [Lupa]
Chapter 2 [Lubricant]
Chapter 3 [Coincidence]
Chapter 4 [Ginabi]
Chapter 5 [Caught]
Chapter 6 [Gentle]
Chapter 7 [Gusto]
Chapter 8 [Ride]
Chapter 9 [Nakatakas]
Chapter 10 [Ice-cream]
Chapter 11 [Bitch]
Chapter 12 [Lips]
Chapter 13 [Cart]
Chapter 14 [Abot-tanaw]
Chapter 15 [Hihintayin]
Chapter 16 [Bradly]
Chapter 17 [Mangga]
Chapter 18 [Mitsa]
Chapter 19 [Sex]
Chapter 20 [Jowain]
Chapter 21 [Soul]
Chapter 23 [Adobo]
Chapter 24 [Polaroid]
Chapter 25 [Maisan]
Chapter 26 [Figure]
Chapter 27 [Easy]
Chapter 28 [Clear]
Chapter 29 [Restaurant]

Chpater 22 [Aalis]

1.2K 76 15
By TheButterflyReturns

Chapter 22

Wilbert dragged me out of the mansion, making me yell at him things I don't mean to. Nang madala niya ako sa mismong sasakyan ay pinakatitigan niya ako sa aking mga mata. Hinabol ko ang aking hininga at nang tumingin ako sa kaniyang mga mata ay napansin kong hinihingal din siya.

"Why did you do that?!" His voice thundered inside the car. I turned the other way and chose not to pour my rage all over him. Ayaw kong may magawa akong bagay na pagsisisihan ko rin sa bandang huli.

"Tristan, please, I'm asking you. Why did you do that? You punched Luke right in front of his face, in front of us." He calmly uttered but a sense of disbelief is present on his face. "I didn't expect you'll ever do that." Nakailang beses pa akong huminga nang malalim bago nagkaroon ng lakas na loob na harapin siya.

"I worked for Luke as his sex slave months ago to get back the title of our land. Then our life was happy. Natanggap sila mama sa factory nila Fhil and hindi ko na kinakailangang bumalik sa trabaho ko kay Luke." Tiningnan ko si Wilbert para basahin ang ekspresiyon sa mukha niya kung galit ba siya o hindi.

After making sure he's not reacting negatively, nagpatuloy ako sa sinasabi ko. "Later that, he left this town for like days or even weeks, right?" He nodded. "That's when you started courting me and remember when he got back, he thought everything was just fine. Akala niya kaniya pa rin ako."

"Luke wanted your parents to be removed from their work?" tanong ni Wilbert.

I heaved a sigh. "Kanina ko lang nalaman. I've been noticing his actions these days and he's acting differently when you're around and when you are not. Gusto niya lang na bumalik ako ulit sa kaniya nang gano'n-gano'n na lang."

Mukhang hindi mapakaniwala si Wilbert sa mga itinuran ko sa kaniya. He slammed the steering wheel with both of his hands frustratedly.

"Fuck. Fhil must be worrying about you and your parents now." Pinaandar niya ang sasakyan at umikot kami pabalik sa bahay. Habang iniisip ko ang mga nangyari kanina, hindi ko pa rin maatim na magagawa ni Luke iyon. Such a desperate man.

Tiningnan ko ang kamao kong nakakuyom pa rin at nakitang may dugo rito. Siguro ay dugo ni Luke nang sinuntok ko siya. I could have done more if Wilbert just let me to. Alam kong hindi ako kayang saktan ni Luke dahil ako ang gusto niya.

To my surprise, Wilbert brought me home. Parang walang nangyaring iyakan kanina ngayong nakabalik na ako kasama si Wilbert. Lola's watching television, while mama is sipping her coffee with papa and Tito.

"Mano po." Nilapitan sila ni Wilbert na nagmano saka kami naupo sa papag.

"Anong nangyari, anak? May maganda bang balita?" Bumuntung-hininga ako kay mama at binigyan sila ng hilaw na ngisi.

"Sinuntok po ni Tristan si Luke kanina," Wilbert stated that made everyone gasped. Alam ko namang mali iyon, pero mas mali ang ginawa niya. Hindi ko talaga masikmura na kung ano lang ang gusto niyang gawin ay kaya niyang gawin. Siguro dahil may pera siya. Isa na iyon o iyon talaga ang malaking dahilan at rason kung bakit niya iyon ginagawa.

"Anak, baka mas lalo tayong mapahamak. Wala na tayong pagkukunan ng pera pagkatapos nito," nag-aalalang ani ni mama. Pinatay ni Lola ang tv kaya pumailanlang ang ingay ng electric fan sa sala.

Tumingin ako kay mama. "..."

Oo nga… paano na lang kami kung patuloy ang matatanggap naming galit mula kay Luke? Paano sila Mama, Papa, Tito at Lola na puros matatanda na rin? Laking dismaya ko sa aking sarili nang walang namutawing salita sa aking dila. Naramdaman ko na lamang ang mainit na kamay ni Wilbert sa likod ko na hinagagod ako.

"I can't promise you this, Tita, but our small business could be a great help for you. Or kung gusto niyo po, ipahanap ko kayo kila Mom ng trabaho." Tumingin ako sa gawi ni Wilbert at sabay pa kami ng paglingon. "I know that Tristan doesn't want to see you all suffer here, so I am. We can work things out kung magtutulungan naman po tayo."

Papa sighed. "Wilbert anak, nakakahiya na sa mga magulang mo," ang malumanay na sabi ni papa. Maging si Tito na nasa tabi niya ng upuan ay bagsak ang ekspresiyon sa kaniyang mga mata.

"Ayaw naman namin na umasa na lang sa pamilya ninyo. Masiyado na iyong nakakahiya, wala kaming maisusukli."

Wilbert chuckled calmly like it's fine for him. "Ako na po ang bahala ro'n, Tito. Mahal ko po si Tristan maging kayo kaya kung ano ang sa'kin, kaniya rin."

Kinahapunan ay nanatili ako sa bahay para makapag-isip ng kung ano nga ba ang puwede kong gawin sa ngayon. Hindi lang ako pwedeng malugmok dito dahil sino ba naman ang gusto ng naiiwan, hindi ba?

Kinabukasan.

"Nabalitaan ko mula kay nanay sinuntok mo raw si Senyorito sa mukha?" kuryuso tanong ni Rowena. Matagal-tagal na noong huling nakasama ko siya, maybe it's time to be with her again this time.

"Oo. He's being too much with his obsession. Ayaw ko na," I replied and continued walking. Papauwi na kami sa bahay dahil natapos ang klase. Every time I'm having my issues that I didn't created, palaging nasa akin ang atensiyon ng eskwelahan.

But well, let me have it. I love attention and I hate drama, but it loves me.

Siguro nga kakain lang ako ng hamburger eh baka ma-headline na kaagad ako. They hate me. Everyone in school hates me and I don't even give a fucking fuck.

"Bakit naman? Hindi ba you worked for him naman na dati? Bakit nga pala natanggal sila Tita kila Fhil?" Umikot ang mata ko sa pagkairita.

"I can't tell you the whole thing, but tinanggal ni Luke sila mama para magtrabaho ako ulit sa kaniya. Basically, Luke has his shares on Fhil's growing company. He threatened Fhil that he'll pull out his investments if he's not going to make my parents unemployed. Then it happened."

Nagkibit-balikat ako at nagbaba ng tingin sa kalsadang dinaraanan.

"Oh, dito na lang pala ako kila Fe. May assignment kaming gagawin mamaya," turan ni Rowena at pumasok na sa isang bahay na hinintuan namin. Nakabalik din naman ako agad sa sarili kong ruta pauwi sa bahay.

I remember a song. It is really a long road when you face the world alone… Paano na lang kung wala riyan si Wilbert para sa akin at sa pamilya ko? Kung sabi nila na everything happens for a reason, siguro, maniniwala na lang ako na may reason kung bakit ganito.

"Oo, everything happens for a reason." Napagawi ang tingin ko sa katabing lumalagok sa milktea. Ewan ko ba rito kay Bradly na mukhang tanga sa sinisipsip niya.

"Kanina ka pa?" tanong ko at umayos na ng tindig habang naglalakad.

"Well, oo. Kung hindi mo naitatanong, kinalabit kita kanina." Tumaas ang kilay ni Bradly at humigop ulit.

"Wala akong time sa mga ganiyan mo, Bradly." Umirap ako at naunang maglakad para naman malagpasan siya. Akala ko ba ayaw niya sa gaya kong difficult at slapsoils? Bakit naman niya ako hinahabol ngayon at mukhang gusto pa niyang makipagkaibigan sa akin?

"Alam mo, I don't know the entire story, but lemme tell you something, dahling." Tumakbo si Bradly patungo sa isang basurahan na madadaanan namin at tinapon ang hawak na empty bottle.

"Okay, so where was I? Oh, so hindi ko alam pero Luke's really addicted on you like he literally will do everything to have you." Nawala ang tingin ko kay Bradly at bumalik ito sa kalsada. "I mean, may iba naman diyan na maganda, sexy, mayaman at ma-appeal. Hindi ko naman sinasabing ako ito pero parang gano'n na nga." Humalakhak siya.

"But Luke still chooses you. Ewan ko ba bakit hindi mo siya gusto. Sabagay, kung sino pa 'yong ayaw mo, siya 'yong gusto ka. Shet, ayawan ko na kaya si Luke para naman gustuhin niya rin ako?"

"Psshh." Umirap ako. "Tigil-tigilan mo pag-iilusiyonada, Bradly. Nakakamatay 'yan, sinasabi ko sa 'yo," biro ko at nang mapansin na papalapit na kami sa bahay ay tiningnan ko siya. "Nandito na 'ko sa bahay, baka gusto mong pumasok?"

Ngumisi siya sabay iling. "Nope, darling." Itinuro niya ang kotseng nasa bandang unahan namin. Anong meron?

"That's my car that has been following us. Baka may maghintay." He tapped my shoulders before running towards his luxurious car waiting for him. Nauna pa siyang umalis kaysa makapasok ako sa bahay namin.

Pumasok ako sa bahay at nasalubong sila Tito at Tita na nakikipagkwentuhan kila mama. Masaya nga ang kuwentuhang iyon, tipong hindi na nila ako napansing pumasok sa loob ng bahay. Maganda na iyon dahil nagpalit na ako ng pangbahay na damit para hindi ako mag-amoy pawis at araw.

Saktong paglabas ko naman ay siyang pagdaan ni Wilbert sa harapan ko. He's holding his glass full of orange juice in it.

"Hey, babe." Humalik siya sabay yakap. "Nauna na 'ko rito. I was about to surprise you with my family." Itinuro niya sila Tita na abala pa rin sa pag-uusap.

I sighed softly. "Bakit pinapunta mo pa rito sila Tita? Nakakahiya, sobrang pangit ng bahay namin at kalat—"

"Shh… it doesn't matter." He held on to my cheek and caressed it gently. "They wouldn't be happy if they don't like this kind of accommodation, but look at it." Nilingon namin sila mama na nag-uusap. "They are still chit chatting for like half an hour now."

I smiled and walked towards Wilbert's parents to greet them. Nagmano ako sa kanila pati kila mama.

"Ayos lang ba na kahit sa Manila kayo magtrabaho? Ano? May kakilala ako ro'n." Napalingon ako kay Tita dahil sa sinasabi niya.

Don't tell me…

Nilinga ko si mama. "Aalis kayo, Ma?"

Tumingin siya nang diretso sa mata ko at kay papa kinalaunan. "'Nak, kailangan naming magtrabaho para sa 'yo. College ka na at alam naman namin na hindi kakayanin ng pera sa pagbubukid ang tuition mo."

"Mahihiwalay na naman tayo. Ayaw kong nahihiwalay tayo nila papa." My tears are in the verge of streaming down my face when I reach them for a hug. These four arms around me are home. This is home where I feel safe, I can be who I am without being judged.

"Kailangan namin, Anak. Pasensiya ka na…"

"Tristan hijo, your parents don't want to accept our offer from the farm. Baka mamasukan sila sa isang kakilala ko sa Manila. Iyon daw ang mas gusto nila." Bumitaw na ako ng yakap at pinalis ang kaunting luha sa aking mga mata.

Nilingon ko si Tita at ngumiti. Hindi ko naiwasang hindi siya yakapin maging si Tito dahil sa kabutihan nila sa pamilya namin.

"Maraming salamat po."

TheButterflyReturns © 2022

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...