Saxia's POV
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko na wari koy puputok na kakatunog.
Namulat ako at kaagad na inabot iyon sa side table, mabuti nalang at hindi nagising si Chrism na hanggang ngayon ay mahimbing pa din ang tulog.
Aba ay panong hindi hihimbing e napuyat pa yan lalo na ako dahil ayaw matulog gusto lang manuod ng cocomelon.
Ako naman para makapikit pikit at pahinga dahil sa pagod ay hinayaan ko siyang manuod pero hindi talaga ako manalo sa batang ito dahil panay din ang tingin sa akin pag natutunugan na tulog ako.
"hello"
Inaantok na sagot ko sa cellphone
Laking gulat ko ng mabosesan si Dave natingin ako sa wall clock at bintana
Madilim pa din at nakakapag taka na tumawag siya ng 3am ng umaga.
"We need you here"
Madaling sabi niya
"what? May problema ba? 3 am palang ng umaga Dave"
I said for him to realize na nagpapahinga pa ang mga tao ng ganitong oras
"Ate may problema kasi please I need you right now"
Nag mamakaawa pa nitong sabi
Natango naman ako at mariing napapikit bago sumagot
"fine, I'll be there in 30 mins"
I said bago patayin ang tawag
Binalik ko sa side table ang cellphone bago marahang tumayo
Hinalikan ko muna si Chrism sa noo at kinumutan ng ayos
Mabilis ang galawan dahil mukhang importante nga ang tinawag niya, hindi na ako naligo dahil maaga pa din at late ako natulog kanina.
Konting pulbo at lipstick lang ang nilagay ko sa aking mukha at tamang mataas na pusod lang.
Muli kong hinalikan si Chrism sa noo bago tuluyang lumabas ng kwarto
Laking gulat ko pa ng makita ko si Mommy na palapit sa akin
"Mommy naman"
Bulong kong sabi dito
Sabay kaming naglakad pababa
"Bakit ba para kang mag nanakaw na lumalabas ng kwarto at tsaka bihis na bihis ang aga mo ata"
Nag tataka nitong sabi habang nag aasikaso ng breakfast
Infairness kay Mommy talagang gusto makabawi dahil madalas ay busy din siya kaya madalang na makapag prepare ng breakfast.
"Eh Mommy maagang tumawag si Dave may problema daw sa office kaya kelangan ko umalis na"
Malamya kong sabi
Gusto ko pa kasi makasama si Chrism.
Mag lilimang buwan na ako sa office pero hindi ko pa din matantsa yung mood ko mas madalas na gusto ko kausap ko si Daddy para makakuha ng update kay Chrism kung ano ginagawa.
Mabuti mabait si Dave may time na dinadala niya si Chrism sa office to visit me.
"hay naku natawag nga sa akin kagabi yan, sabi ko humingi ng tulong sayo nahihiya ata kaya ngayon nalang nakapag sabi siguro hindi na kinaya"
Pag buko pa nito sa isa
Naku lagi ko naman sinasabi sa batang yun na huwag mahihiya sa akin e.
"hay wala na ako magagawa diyan, alam mo naman yun Mommy hindi ba haha pero kala ko maalis na siya"
I asked
Ang alam ko kasi ay maalis na ito para sa study niya abroad
Nakunot ang noo nitong napatingin sa akin
"ewan ko lang, may inasikaso pa din ata pero sure ako by this month aalis na siya, dadating ata si Ate Ky mo"
Nakangiti niyang sabi
Omg!!!
Seryoso ba? Babalik na sila?
Parang ang tagal ng huli ko siyang nakita e. For sure matutuwa sila Yena.
"seryoso ba Mommy, mabuti naman kung ganun naku matutuwa sila Yena niyan pag nakita si Ate Ky"
Masaya kong sabi dito
"oo pero ang weird nga kasi hindi niya alam na patay na si Santi, ewan ko o baka mali lang ang pag kakaintindi ko"
She said
Naguluhan naman din ako sa sinabi niya pero sinawalang bahala ko ng tumunog ulit ang phone ko.
Hindi ko na sinagot pa at nag paalam na kay Mommy para makapag drive ako ng ayos.
Halos paliparin ko ang sasakyan para makapunta kaagad sa office
"finally"
Sigawan pa nila ng makapasok ako sa office ni Dave
Halos lahat ng mga involved sa project ay nandoon sa office niya maliban sa akin na medyo natagalan ng konti
Anong magagawa ko kung traffic kahit ganito kaaga!
"Ano na?"
I asked ng makalapit sa kanila
I check the papers for the meeting okay naman even the presentation of the building okay.
"nandito naman na ang lahat ha ano pang problema?"
I asked
Nandito ang mga kailangan yung mga papers na ibibigay sa mga client nandito kumpleto pati yung miniature ng mga building nandito din naman.
"we still have ONE problem na ikaw lang ang makakatulong ate"
Kinakabahan na sabi ni Dave habang lahat sila ay nakatingi sa akin
Kunot ang noo na tiningnan ko sila isa isa hanggang sa natigil ako sa titig ni Dave
"We need you to present this one because...."
"NO"
Mabilis kong sagot bago naupo sa swivel chair
Kaagad na lumapit sa tabi ko si Dave at parang batang nag mamakaawa.
Ayoko kasi!
Hindi ko kaya!
"Ate please I know we know that you can do it please ate"
Pag mamakaawa pa nito
Nalibot ang mata ko sa mga taong kasama namin at halos lahat ng mga ito ay parang mga batang nag mamakaawa na mabigyan ng candy
"I can't Dave sorry"
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko
"Mam Saxia alam po namin at naniniwala po kami sa inyo na kaya niyo"
Ani ng secretary ni Dave
"yes po Mam, sa limang buwan na kasama ko kayo kita ko po ang galing at pah pupursigi niyo sa work na ito sobrang galing niyo po sa lahat ng bagay"
Its my secretary
"Ms. Saxia, we believe that you can do it"
Ani Diego Dave's best friend
Oo magaling na ako kung magaling sa mga bagay na ginagawa dito sa office kasi I have my experience doing it pero ang mag present hayst hindi ko alam kung kaya ko!
I don't want to put this company in a complicated situation just because I don't know how to do pag katapat ko na mga tao.
Im a singer and I performed in front of thousands of people pero iba naman kasi yun!
"I don't know how okay"
Malamya ang boses kong sabi
Naglakad si Diego sa harapan ko at hinawakan ang magkabila kong kamay
"Ate, please we got your back all you have to do is to believe in yourself that everything is going to be alright for you and for the company. We support you"
Kalmado ang boses niyang pag papalakas ng loob sa akin.
Nangiti ako kahit kinakabahan ako.
Ever since isa na ito sa mga taong naaasahan ko pag kinakabahan ako.
He's gay okay kaya hindi ito pinag seselosan ng magkapatid at parang pamilya na din ang turing namin sa batang ito.
"thank you Diego"
I said
"So ano ate? Okay na ha ikaw na ang mag pe-present hindi kasi talaga ako handa e"
Kinakabahan nitong sabi
Sinamaan ko siya ng tingin na mas nag palaki ng mata nito at siyang kinatawa naman ni Diego.
Alam kasi niya na pinag titripan ko si Dave.
"Ate"
Saway pa nito
Napahagalpak naman ako ng tawa dito
"Ate naman e pinakakaba mo ako lalo"
He said
"Sige na ako na bahala hayst sana makapasa ang kagandahan ko sa mga yun mamaya"
Maloko ko pang sabi.
"naman ikaw pa ba Ate ko, for sure mag uumpisa palang ila-lock na kaagad nun ang deal haha ate kaya kita"
Excited nitong sabi
Diego is such a mood.
Wooohooo you can do it Saxia!
Parakay Erick so kahit wala siya dito alam ko na nanunuod siya sa taas at magiging proud sa akin.
THIS IS FOR YOU LOVE!
Kinakabahan na pumasok ako sa conference room and most of them are new to me but the girl wearing a maxi dress ang siyang mas nakakuha ng atensyon ko maybe because of the emerald color of her dress.
Pinutol ko ang paningin ko sa kaniya at nag simula na sa presentation ko.
"Sir you won't be able to have this kind of work if weren't able to make our clients happy and satisfied. Our service isn't perfect but WORTH IT"
Taas noo kong sabi para mas mahumaling sila sa aming gawa.
If I am one of them hindi na din ako mag dadalawang isip na piliin pa ito kasi nandito na lahat ng kailangan at pulido ang pag gawa nila. Kilala ang company nila Erick sa pinakamagagaling na architecture and engineering.
"If that's the case Mrs.Santos then its a Yes for me"
Ani ng lalaking mukhang isa sa mag papasya
Nanlaki naman ang mata sa tinawag niya sa akin.
Parang never ko narinig yun sa ibang tao ha.
Mrs. Santos.
Not bad tho.
"Thank you Sir"
Malapad ang ngiti kong sabi
"It's a yes for me also"
Pag agree naman ng medyo may edad na lalaki at babae
Tatlo nalang ang kailangan na boto para makuha na namin ang buong OO nila.
"We also do agree tito"
Sabay na taas kamay ng dalawang lalaki na wari koy kaedadan ko lang din.
"okay, what about you sweetie"
Tanong pa ng may edad na babae
Nadapo ang tingin ko sa dalaga na kaedad ko lang ata.
Nagtama pa ang aming paningin ewan pero parang may something sa kaniya.
Mula ulo hanggang paa niya akong tinitigan.
I don't know but its kinda rude tho!
naitaas ko naman ang isa kong kilay habang nakatitig sa kaniya
She chuckled before she raised her left hand
"its a yes for me also Mrs. Santos"
Maarte nitong sabi pero sa pag tawag niya sa akin ay ramdam ko ang bigat at diin ng bawat salita
Pinanliitan ko siya ng tingin na, siyang nilabanan niya ng titig.
This girl!!
Sherep tampalin!
"okay so its a deal for me Mrs. Santos,"
Masiglang sabu ng may edad na lalaki
Kaagad naman na nag pasalamat ako at malapad na ngiti ang pinakawalan ko.
"Thank you sir, I promise that you'll never regret na kami ang napili niyo"
Matapang ang loob kong sabi
Nalingon ako sa labas na nakaabang sila Dave at wari koy nalaman na nilang naclose ko ang deal kaya malalapad ang ngiti.
"CONGRATS"
sigawan pa nila
"grabe pinabilib mo na naman kami ate, sabi sayo kaya mo e"
Ani Dave na sinasabayan akong maglakad papasok sa office ko
"Oo nga, congrats to oyr forever Queen grabe lang"
Dagdag pa ni Diego
"Naku congrats sa ating lahat kasi kung wala ang tulong ninyo hindi ko naman yun mape present hindi ba"
Pag bati ko sa lahat.
It's a group win win for me.
Lahat kami deserve na mapuri dahil they're the reason kung paano ko nalamapasan at nakuha ang deal.
"thank you Mam"
Sabay pa nilang sabi
"Okay then I have to go, bukas na flight ko so mauna na ako"
Paalam pa ni Dave
"Bukas na kaagad"
Nalungkot kong sabi
"Oo ate bukas na niya tayo iiwan"
Pabebeng sabi ni Diego
Nalulungkot na naman ako!
Ayoko kasi talaga siyang umalis actually natatakot ako, ewan ko ba pero ayokong may naalis sa kanila.
Nadala na kasi ako natatakot ako na baka maulit ulit ang nangyari kay Erick.
"Don't worry babalik ako and Ate alam ko na sasabihin mo so please trust me na mag iingat ako at babalik ng buo at buhay ha"
Pag papagaan pa nito ng loob namin.
"promise me Dave, I don't want to lose you"
Madrama kong sabi
Natango tango naman siya na kaagad kong niyakap
"pasama naman"
Ani Diego
Sabay sabay kaming napahagalpak ng tawa dahil sa kajejehan namin!
Masasabi ko na this day was such an emotional day for all of us.
Well tulad nga ng sabi mo author, hindi sa lahat ng bagay sa lahat ng oras masaya tayo hindi din naman malungkot. Minsan nagkakataon talaga na nag hahati ito pero hintayin mo at sa buong araw lamang ang masaya ang puso ng bawat isa.
Kasi sa bawat araw na ginagawa ng ating tagapagligtas.... sinisigurado niya na handa tayo para sa panibagong araw na bubuksan niya.
💚