Once in a Lifetime (Valdemora...

By anchoraigee

5.4K 184 11

The meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she... More

Once in a Lifetime
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Jacob Ezra
Author's Gratitude

Chapter 10

95 4 0
By anchoraigee

Pagkadating sa bahay ay naroon na nga ito, masayang nakikipag-usap kay lolo't lola. My mother arched her brows as if reminding me about his presence in here.

Nang sandaling napadako ang tingin ko sa kanya ay matatalim ang mga iyon. He smirked and then my cousins jumped on him happily. Hindi na nito ako nagawang malapitan pa dahil sa sinunggaban siya kaagad ng mga pinsan ko.

"Hindi mo naman sinabing pupunta pala ito rito?" usisa sa akin ni lola, ang mga mata ay nasa kanya na.

"Biglaan nga rin po. Naimbita ng magagaling kong pinsan," sagot ko rito saka siya napatayo. I advised her to go upstairs and just let herself rest.

Paniguradong magiging maingay na ang mga ito mamaya. They really like making some noise. Mambubulabog sila hangga't kaya.

Napaupo ako saka sila tinitigan. My eyes suddenly roamed around and then I found what he brought.

Mamahaling alak tapos marami pa iyon. He also got some foods which I think they will eat later. Puro chips ang mga iyon.

"Ayos 'yan pre! Dami nito, ah?" saad ni Sam habang tinitignan isa-isa iyong mga alak. My other cousins also got interested so their eyes went on it.

Nagniningning ang kanilang mga mata. Parang isang grasya kung ito ay ituring nila.

"Oy gago, daming pulutan! Ayos na ayos ka sa akin brad!" Chance uttered. Isa sa mga dahilan kung bakit gusto nilang maging kainuman si Jacob.

"Walangya! Magsitigil nga kayo sa pagpapantasya riyan. Kakarating lang nung tao," itinabi ni Kaiser iyong mga alak. Jacob's eyes were on me.

Dapat ko bang ipagpasalamat na narito siya o dapat akong matuwa? Gusto ko na itong batukan tuloy.

Lumapit ito sa gawi ko saka naupo sa tabi. Hindi pa rin nawawala sa akin ang kaunting inis.

"Hindi ka na-text ni Alonzo, ano? Ang asim ng mukha mo," that may be one of the reason. Mas lamang lang ang inis dahil ako na naman ang mahihirapan dito mamaya.

"Hindi. Alam mo namang ang hirap mong malasing tapos nagpadala ka naman sa sulsol ng mga pinsan ko? Baka pagtripan ka lang ng mga iyan!" mahina kong singhal sa kanya. He laughed and then shook his head.

Umiinom naman ito pero minsan, kapag nasosobrahan ay kung ano-ano na ang pinaggagawa.

"Kaya ko naman ang sarili ko. I can handle myself so stop worrying, my dear friend. Nakita mo na bang napahiya na ako ng mga pinsan mo?" I made a face. Ibinaling ko ang tingin sa mga pinsan kong tila uhaw sa alak.

I sighed deeply as if I can push him and let him out of here. Malayo pa ang kanyang ibinyahe at nakakabastos naman kung pauuwiin ko lang.

Part of me wanted to push him away but my conscience says not. Na huwag akong masyadong mainis nang dahil lang dito. If it is not because of his class for tomorrow, I won't be worried like this.

"Siguraduhin niyo lang talaga na hindi kayo gagawa ng kahit na anong ingay mamaya. Kapag nalaman kong nagkalat kayo rito, sinasabi ko sa'yo Jacob, hindi ka na makakatapak pa ulit dito," panakot ko sa kanya. Seryoso kong sinabi iyon sa kanyang mukha.

He raised his hand as if like he's promising. Pinandilatan ko siya ng mga mata bago ko tinawag ang mga pinsan.

"Dalhin niyo na 'yan doon sa taas. At huwag na huwag kayong gagawa ng ingay mamaya." I warned them.

"Cous naman. Masyado kang istrikta. Under mo pala si Jacob? Parang tuta na sumunod bigla, oh," nginuso ni Jhared si Jacob sa tabi ko.

"Kayo rin, kaya kong paamuhin. Ano? Simula na ba ng inuman session niyo?"

"Hindi pa nga. Baka gusto mong daluhan kami? Punta ka lang doon mamaya," I ignored it and stood up.

Wala akong balak uminom lalo pa't narito ako kina lola. I can drink but not here.

"Kayo na lang," iniwan ko sila roon saka lumabas ng bahay. I went to my grandmother's garden and sat on the hammock.

Hindi hamak na mas maganda ang buhay dito sa probinsya. Bukod sa sariwa ang lahat, narito rin ang kasiyahan na minsan ay hindi mo makikita sa syudad.

I grew up here. Nang nakapag-asawa lang si Mama nakaalis dito. And it will take me months before I can finally visit here again.

Kung piyesta naman ay naririto rin ako, nakikipagsaya sa mga pinsan ko. I can't really imagine myself not visiting here for once in a while. Parte na iyon ng buhay ko.

I wanted to be here as long as I want. Hangga't kakayanin at hangga't nabubuhay pa ako.

Though I know that Alonzo can do his best for what he promised, I am still waiting for that time to come. Na magkakaroon siya ng medical mission dito at kahit papaano ay makapagpatayo ng hospital. I love that idea, actually. Matagal na rin naman kasing walang naglalakas-loob na magpatayo ng hospital dito.

I love his dedication to his career. Hindi ko naman kinokontra iyon lalo pa't iyon talaga ang kanyang kagustuhan.

I want to witness him wearing his official uniform someday. May stethoscope na nakasabit sa leeg habang malapad ang ngiti sa kanyang labi. I can be more satisfied because of that.

Makita ko lang talaga siyang natupad na ang mga pangarap ay masaya na ako. Supporting him all the way is the least I can do for him. Kapag nagtagumpay na, doon na ako mas sasaya pa.

I can't wait to call him Dr. Castellano. Sana, kahit ilang taon pa ang dumaan ay ako pa rin ang para sa kanya. He's the man that everyone's wishing for. Nasa kanya na ang lahat. Wala ka nang hihilingin pa.

Nanatili ako roon sa duyan at nalibang sa kakatitig sa mga bulaklak na naroon. I watched how the flowers were swayed by the fresh air. Naging mas matagal ang pananatili ko roon hanggang maghapon.

With the calm environment that surrounds me, I managed to watch the sunset. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw na tanaw ko ang papalubog na araw.

How I wish that I am with him now. Habang patagal ng patagal kasi kami, parang unti-unting nawawalan na kami ng matagal na oras sa isa't isa. Nang dahil sa pangarap kaya iyon nangyayari.

We both wanted to finish all our studies and let ourselves savor the moment after that. Sana nga ay mangyari pa iyon na kaming dalawa ang magkasama. Na magtatagal pa kami kahit alam ko mismong parang katulad ngayon ng araw.

Medyo papalubog na.

My thoughts are harsh today. Epekto ba ito ng pagpunta ng Jacob dito?

Napatawa ako sa mga naiisip. Kung meron mang suportado sa aming dalawa ni Alonzo, bukod kay Mama, si Jacob iyon.

Though I can sense some bitterness sometimes from him, it still cannot change the fact that he's there to support us. Una pa lang ay siya na ang nagsuporta sa amin. He really is my friend after all.

Pakadating ng gabi ay sama-sama kaming naghapunan sa hapag. Si Mama na ang nagluto ng makakain at syempre, tumulong ang mga pinsan ko. I was busy watching the sunset earlier so I didn't got a chance to help her.

Naabutan ko na lang na nasa hapag na silang lahat at tanging sa tabi ako ni Jacob naupo dahil doon lang naman ang bakante.

He smiled at me and even offered me a plate with full of rice. Tinanggap ko iyon at hindi na nag-inarte pa dahil gutom naman na ako.

I noticed some stares from my cousins and their wide smirks. Pansin kong iyong sa itaas kung saan sila mag-iinuman mamaya ay may ilaw na. Doon kasi sa bandang iyon ay tila isang veranda tapos tanaw ang mga dumaraan sa harap ng bahay.

"Ma, gisingin niyo bukas si Jacob ng maaga. Papasok pa 'yan," paalala ko kay Mama. Hindi katulad ko, dalawang araw akong mananatili rito. And him, he's just being invited by my cousins for some drinking sessions.

"Oh? Gago may pasok ka pa raw bukas," singit ni Chance na kaagad tinakpan ang bibig dahil sa mura.

"Oo at kung hindi dahil sa pang-aaya ninyo, hindi 'yan pupunta rito," nginuya ko ang pagkain.

Parang nag-iba kaagad ang isip ko dahil mukhang kanina ay tila balak ko pang i-text ito kung makakahabol ba tapos ngayon...

"Hayaan mo na. Pumapasyal lang naman ang batang 'yan dito," saad pa ni lola. I heard Jacob's low laughs so I eyed him.

"Op. Tama naman ang lola mo. Gusto kong makapasyal saka wala naman kaming pasok bukas. Akala mo ba, kayo lang?" pang-iinis niya sa akin.

I continued eating and didn't gave him my attention. Hindi na nadugtungan pa iyon at minadali ko ang kain.

I don't know why I am upset. I just felt really not comfortable now knowing that he'll drink. O dahil ba sa pagiging busy ni Alonzo?

Gosh. I'm missing him. Para akong isang batang iniwan ng ina kahit ilang araw lang. Tapos ngayon ay sina Jacob ang pinaparamdaman ko niyon.

I sighed in disbelief and continued eating until I finished. Ako na rin ang nagpresintang maghugas ng pinggan dahil pagkatapos niyon ay magpapahinga na sina lola.

Si Mama na ang nagkusang dalhin sila sa kwarto pagkatapos nilang magpahinga ng kaunti. Ako naman ay dinala ang lahat ng huhugasin sa lababo.

"Ako na dyan.," Jacob's voice followed me as I carry those plates. Aangal pa sana ako ngunit mabilis niyang naagaw sa akin ang mga iyon.

I can already hear my cousins' voices upstairs. Tingin ko ay nag-uumpisa na itong gumawa ng mga ingay.

"You should join them. Ako na ang maghuhugas dito."

"No. Ako ang maghuhugas. Kaya ko naman."

Napabuntong hininga ako. Wala na akong naging palag pa dahil sa kagustuhan nga niyang makatulong sa akin.

"Galit ka ba talaga sa pagpunta ko rito? Gusto mo umuwi na ako?" he asked in the middle of washing. Napahilamos ako sa mukha.

Well, maybe part of me didn't liked his idea of coming in here. May parte rin na sadyang gusto ko lang makasama si Alonzo. How I wish he's not busy right now.

"Not really. I just miss Alonzo," sagot ko na ikinatigil niya.

He stopped washing and then faced me. Nakatukod ang kanyang kamay sa lababo habang ang tingin ay nasa akin.

Walang namutawing kahit anong salita mula sa kanya sa loob ng ilang segundo. Tila binalewala ng mga pinsan ko ang kanyang presensya.

"Really? Bakit hindi ka pumunta sa kanya?" naupo ako sa silya. Parang wala pa rin itong kahit na anong ideya sa nagiging schedule ni Alonzo. Pabor na nga sa akin kung tutuusin na narito siya. At least, I can have someone to talk to aside from my cousins.

"Busy. Alangan namang istorbohin ko?" he laughed a bit and then shook his head. Doon lang ito tumalikod ulit saka naghugas ng pinggan.

"You know that I am always here to support your relationship with him, right? Simula pa lang, sinuportahan na kita sa kanya kasi alam kong mahal mo rin siya. Looks like he's got no time for you now, huh?" hindi ko alam kung anong ipinupunto niya sa akin.

Iyong boses niya ay seryoso at ngayon ay wala akong nababahirang kahit na anong biro.

"Naiintindihan ko naman. Bakit? Ayaw mo bang nakikita siyang nag-aaral?"

"Hindi naman sa ganon. Para naman kasing nawawalan na siya ng oras sa'yo? I mean, hindi naman sa naninira ako, ah?" he said.

"Naiintindihan ko naman siya. Why? Concern ka na niyan sa akin?" I teased him but he never smiled or even laugh. Ni hindi man lang ito nagpakawala ng kahit na anong ngiti.

"Bawal na ba? You know, I always wanted to see you happy. Hindi iyong tila nalulungkot ka pa."

Ako ang natawa sa uri ng kanyang pananalita. Naririnig ko na ang tinig ng mga pinsan kong tinatawag siya pero tila binabagalan niya pati ang uri ng kanyang paghugas.

"Naks. Coming from you? May napasaya ka na ba sa buhay mo, ha?" usisa ko sa kanya.

"Oo naman. Bukod kay Mama, kasama na doon iyong babaeng gusto ko," napaismid ako sa naging turan niya.

Bukambibig minsan kapag tinatanong ko pero hindi man lang maipakita sa akin ang mukha ng babaeng gusto niya. Ilang taon na 'yan pero kahit minsan, wala akong naalalang may sinabi itong pangalan o kaya may ipinakita itong larawan sa akin.

"You're funny," pinigilan ko ang mapatawa ng malakas. He wiped his hands and began arranging the plates.

"Talaga? Eh ba't sa iba ka sumaya?"

"Gago. Kaya mo bang palitan si Alonzo?" hirit ko pa sa kanya.

He sighed. "Funny nga tayo pero hindi naman ynnuf. Why Lord?" mahina ko itong sinuntok sa braso dahil umaaktong tila sumasalo ng grasya mula sa itaas.

Napaaray siya nang dahil doon saka natawa.

"Ayusin mo nga 'yan. Hugot ka ng hugot, hindi mo naman magawang mapakilala ang babaeng gusto mo."

"Ako nga rin. Hindi niya ako kilala kahit ilang beses na kaming nagkita. Parang hangin ba. Alam mo 'yon?" inirapan ko ito.

"Umayos ka nga. Tapusin mo na 'yan dyan tapos punta ka nang taas. Kanina ka pa hinahanap ng kalahi mo doon," panaboy ko sa kanya. He nodded his head and then I went upstairs, to my room.

Napahiga na lang ako sa kama at dinama ang lambot niyon.

If ever I'll meet that girl who made my besfriend be loyal to her, I don't think I am ready to surrender Jacob. Naiisip ko pa lang ang araw na walang Jacob na magpapakita sa akin, parang isang napakatagal na panahon ang ipinagkait sa akin, makita ko lang siya.

Hindi ko yata kakayaning maghihiwalay din kami bilang kaibigan kasi mayroon na siyang pasasayahin.

I mean, kaming dalawa ang unang nagkakilala, eh. Katulad niya, susuportahan ko rin ang relasyon nila kung sakali. Iyon nga lang, parang napakahirap sa parte ko. 

Continue Reading

You'll Also Like

Alina By ihidethisapp

General Fiction

1.5M 37.3K 75
The Lombardi family is the most notorious group in the crime world. They rule both the American and Italian mafias and have many others bowing at the...
589K 27K 42
Needs editing [ the destiny series #1] 𝑻𝒉𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆 𝒑𝒖𝒔𝒉𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒂𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒃𝒖𝒕 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒚 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏 𝒑𝒖𝒍𝒍𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒕𝒐𝒈...
4.9K 237 43
Delfino Series 2 | Completed Lovely Mercado is a cancer survivor, he suffered a lot before, and her life was relying on medications. She lived with...
355K 21.7K 37
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...