Fontabella 1: The Businessman...

By TheButterflyReturns

107K 4.1K 414

The Businessman's Trap In an incident where Tristan Barcelona was caught in the act. He had no other choice... More

Fontabella Brothers Series
The Businessman's Trap
Introduction
Prologue [Enough]
Chapter 1 [Lupa]
Chapter 2 [Lubricant]
Chapter 3 [Coincidence]
Chapter 4 [Ginabi]
Chapter 5 [Caught]
Chapter 6 [Gentle]
Chapter 7 [Gusto]
Chapter 8 [Ride]
Chapter 9 [Nakatakas]
Chapter 10 [Ice-cream]
Chapter 11 [Bitch]
Chapter 12 [Lips]
Chapter 13 [Cart]
Chapter 14 [Abot-tanaw]
Chapter 16 [Bradly]
Chapter 17 [Mangga]
Chapter 18 [Mitsa]
Chapter 19 [Sex]
Chapter 20 [Jowain]
Chapter 21 [Soul]
Chpater 22 [Aalis]
Chapter 23 [Adobo]
Chapter 24 [Polaroid]
Chapter 25 [Maisan]
Chapter 26 [Figure]
Chapter 27 [Easy]
Chapter 28 [Clear]
Chapter 29 [Restaurant]

Chapter 15 [Hihintayin]

1.7K 100 5
By TheButterflyReturns

Chapter 15

Nang magising ako kinabukasan ay isang pamilyar na pabango ang pumasok sa ilong ko habang nagliligpit ng higaan. Pumanhik ako pababa ng hagdan at nasaksihan si Wilbert na nakasuot ng simpleng damit. Not too much fashion, not too casual, just a plain white shirt and his shorts.

"Anong ginagawa niyan dito?" tanong ko sa sarili at tumungo muna sa kusina. Abala pa siya masiyado kay papa at tito kaya hindi na niya ako napansing dumaan sa harap niya. Nagmumog, toothbrush at hilamos ako saka nagpunas ng tuwalya sa mukha.

Pagkaharap ko sa salamin ay saktong daan ni mama sa gilid ko.

"Psst! Andoon 'yong binata sa labas. Kaano-ano mo ba iyon?" Tiningnan ko siya sa aking tagiliran saka nagbuntong-hininga.

"Manliligaw ko, ma. Hindi ko naman alam na pupunta pala rito." Halos mapasigaw ako nang biglang kinurot ni mama ang singit ko. Muntik nang madali ang bayag, mabuti nakaiwas. "Ano ba 'yan!"

"Puntahan mo na roon at mukhang naiinip na sa papa mo. Kanina pa 'yan alas sais na nandito."

"Anong araw ba ngayon?"

"Sabado."

"Ay shet." 

Tumakbo ako sa sala at ngayong pagkakataon, nakita agad ako ni Wilbert. Napansin ata nila papa na nawala sa kanila ang tingin ni Wilbert kaya ito'y kanilang sinundan at natunton ako.

"Hi, kamusta tulog mo?" bati bi Wilbert na abot tenga ang ngiti. Dahil hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko ay siya na mismo ang lumapit sa akin. He wrapped his broad and wide arms around me. Dumikit ang mukha ko sa matigas, maskulado at mabango niyang dibdib.

Shit talaga, Lord. Ang sarap ni Wilbert.

"O-oo masarap naman tulog ko. Let m-me go, napipi katawan ko." Itinulak ko ang katawan ni Wilbert papalayo sa akin dahil masiyado na itong nagtagal na nakayakap. Baka akalain nila papa na naglilibugan kaming dalawa rito kahit na gusto ko ang yakap niya.

"Oh, hehe, sorry." Bumitaw siya at inakbayan ako paupo sa mahaba naming upuan na gawa sa kahoy. Minamasdan lang kami nila papa at tito na hapit na hapit sa isa't-isa.

"Ipaliwanag mo nga sa 'kin 'to, Tristan." Paninindak na bungad ni papa. "Ano ito at manliligaw ka raw niya?" Tinuro ni papa si Wilbert na nasa gilid ko.

"Eh, ano kasi, pa, ang kulit tapos hindi ko naman alam na pupunta pala rito sa bahay. Sabi ko oo ayos lang manligaw pero gusto ko kayo ligawan niya kung magugustuhan n'yo siya bilang boyfriend ko," paliwanag ko sa kaniya.

"Sklodowska ang isang 'yan. Diyan kami madalas bumili ng ulam natin," dagdag ni papa. "Wilbert, papayag ka ba na mag-asin kapag kinapos tayo ng pera? Tandaan mo, mahirap lang pamilya namin at baka mag-asam ka ng marangyang pagkain."

Nakangiting umiling si Wilbert. "Kaya nga po ako nag-aaral para magkaroon ng maayos na kinabukasan ko para sa magiging pamilya namin ni Tristan, eh. Ano po? Ayos lang din ba 'yon sa inyo, Tay?"

Umayos ng upo si papa at sumandal sa rocking chair ni lola. "Aba'y siyang-siya ako r'yan. Sino ba namang hindi? Ang akin lang ay mayaman kayo, mahirap kami, ano naman sasabihin ng magulang mo kapag nalaman na nangliligaw ka sa tulad naming isang kahig, isang tuka? Minsan nga'y wala pang laman ang mga sikmura."

Natawa ang katabi ko. "Kung alam lang po n'yo na hindi rin kami mayaman kagaya ng iniisip n'yo. Sakto lamang po pangkain sa isang araw, kung may sosobra e malaking pasasalamat na po 'yon."

Tumayo si tito at binato sa sahig ang diyaryo niyang hawak. "Wala na 'to, tapos na ang interbyu. Tanggap ka na bilang manugang nitong kapatid ko." Hindi makapaniwalang tiningnan ni papa si Tito Rodel. "Oh siya, sa labas lang ako magbubungkal." Sinundan ni papa ng tingin si tito.

"Siguraduhin mong hindi magagalit ang magiging balae ko." Tumayo si papa at umalis na sa harap namin. "Simula ngayon, kapag pupunta ka rito ay tutulong ka sa bahay. Halika sa labas at nang makita mo kung anong hirap ang araw-araw naming hinaharap."

Nagkatinginan pa kami ni Wilbert nang lumabas si papa ng bahay. Nagmadali kami at sinundan siyang lumabas sa bakuran.

"Dito sa bukid, putik ang iyong kaharap. Magtanim ka lang ng gulay mabubuhay ka na," kwento pa ni papa at sinundan si tito na malapit sa kawayan, nagbubungkal ng kung ano.

Nilapitan namin siya saka tiningnan kung ano ang binubungkal niya sa lupa.

"Ano ba 'yan, tito?" usisa ko.

"Ube. Magluluto ang lola mo mamaya ng halaya." Huminto si Tito sa ginagawa niya at hinarap si Wilbert. "Ikaw naman ang magpatuloy nito. Simula na ng duty mo ngayon." 

Binigyan ni Tito ng gulok at pala si Wilbert at sinimulan na niya ang pagbubungkal ng ube sa lupa. With all of Wilbert's strength, he managed to harvest two kilos of ube. Maliliit pa nga ang nakuha niya pero ayos lang daw 'yon at tuturuan siya nila papa sa susunod para alamin kung ano ang maganda nang maani.

"'Nak, dalan mo 'yong manliligaw mo ng melon juice." Napalingon ako kay mama na nasa bintana. "Nasa loob."

Pumasok ako sa bahay at nagsalin ng juice sa tatlong matataas na baso. Akin itong dinala sa bakuran gamit ang plato para hindi matapon.

"Juice kayo r'yan…" Nilapag ko ito sa papag na gawa sa kawayan. 

Kanina ko pa tinatanaw-tanaw ang hubad na katawan ni Wilbert mula rito sa inuupuan ko. Sa tuwing tatama ang sinag ng araw sa kaniyang katawan ay kikislap ito at makintab dahil na rin sa pawis niyang mas lalo siyang pinagmukhang masarap.

Masiyado akong nanghihina at nananabik kay Wilbert kapag nakikita ko siya sa ganoong estado. Mas nakakapanabik siya hindi hamak kay Luke. Malayong-malayo pa sa buwan, mas maalab pa sa sinag ng araw, at mas marami pa ang bilang sa bituin na nagniningning sa kalangitan ang nadarama ko kay Wilbert kumpara kay Luke.

Hindi ko batid kung tama pa ba na pinagkukumpara ko silang dalawa pero ganoon ang nararamdaman ko. Mas matimbang si Wilbert.

"Masarap?"

"Ang sarap mo." Natutop ang dila ko nang huli ko na mapagtantong kausap ko pala si Wilbert. Tangina naman kasi, nangangarap ako nang gising.

"Masarap ako?" natatawang tanong ni Wilbert.

"Oo, masarap martilyuhin ulo mo," ismid ko. Inabot niya ang basong puno ng melon juice na gawa ni mama. Kung gusto n’yo ng recipe, mayro'n sa Google.

"Ito naman, pinapangarap mo naman akong masiyado. Don't you ever worry, sa iyo lang ako." Ang makakapal na kilay ni Wilbert ay nagtaas-baba sa akin.

"Ang landi mo!" sigaw ko at duro sa kaniya. "Maligo ka na nga ro'n sa poso, ang lagkit-lagkit na tingnan niyang katawan mo, oh. Pawis na pawis ka na."

Naupo siya sa aking tabi at inakbayan ako. Oo na, inaamin ko na, ang bango pa rin niya kahit pawis pero ang lagkit! Itinaboy ko siya at umiwas.

"Ang lagkit mo, Bert. Mamaya ka na yumakap kapag nakaligo ka na," nandidiri kong sabi. Tiningnan ko ang kabuuan ng katawan niya saka sinuri. He has a lean build, mas muscular nang kaunti si Luke pero masarap pa rin si Wilbert. Pinkish ang utong, fetish ko 'yan lalo na kapag hairy ang armpits tapos mabango.

Hindi na ako magrereklamo pa kung gaya lang ni Wilbert ang ibibigay sa akin. I heard something snapped in front of me and I noticed it was Wilbert's fingers.

"Nakatulala ka na naman sa 'kin. Ano ba 'yan, Tristan, 'wag ka naman masiyadong pahalata na nahuhumaling ka na agad sa akin. Hindi pa nga kita sinasagot pero hulog na hulog ka na."

Ano raw? Hindi pa raw niya ako sinasagot? Ang kapal ng face!

"Para sa iyong kaalaman, Wilbert Ashley Skłodowska, ikaw po ang nangliligaw sa 'kin. Mayroon akong karapatan upang hindi ka pansinin. Gusto mo ba?" Humalukipkip ako.

"'Di na, boss. Ano ba gusto mo? Kiss?" Hinalikan niya ang noo ko. "Hugs?" Niyakap niya ako. "Handsome boyfriend? I'm here. Ano pa ba? Gusto mo cuddle tayo mamaya sa kama n'yo?"

"Gago! Hahaha. Umayos ka baka tagpasin ni papa ng gulok ang leeg mo." Humagikgik si Wilbert.

"Kung ayaw mo ng cuddle, gawa na lang tayo baby sa kama mo? Bahay-bahayan? Ako tatay tapos ikaw asawa ko." Lumapit Si Wilbert at idinantay ang braso sa balikat ko.

"Darating din tayo sa punto na magkakapamilya tayong dalawa. Aalagaan natin mga anak natin na makukulit. Papasok sila sa eskwelahan na private kasi mayaman na tayo. Every weekend, kahit abala ako sa work ko, mag-di-dinner tayong lahat sa magarang restaurant." Napatingin ako sa mukha ni Wilbert at napansin na malayo ang tingin niya. Nang magtagpo ang titig namin ay sabay pa kaming napangiti.

"S'yempre, sa bahay ka lang kasi ikaw mag-aalaga sa anak natin. Ikaw?" Niyugyog niya balikat ko. "Ilan ba gusto mong anak?"

"Dalawa—"

"Okay, dalawang dosena ayos na. Awww shit!" Hinampas ko ang hita niya.

"Dalawang dosena ang puta. Anong akala mo sa 'kin, baboy?"

"Ito naman, hehe syempre kung ilan kaya mo, ayos lang. Titirahin kita nang titirahin hanggang sa malupaypay ka." Pingot naman sa tenga ang natanggap niya. "Totoo naman, ah! Hahaha baka kapag natikman mo 'to ikaw pa maghanap sa 'kin sa kama."

"Tse, kahit anong sarap mo eh ikaw pa rin ang maghahabol sa akin." Tumayo ako at dinala kay papa ang inumin at kay Tito bago bumalik kay Wilbert na nilagok ka ang lahat ng laman ng baso.

"Tara sa loob, lutuin na natin itong ube." 

Isinalin ko sa malaking basket ang maputik na ube at dinala ito sa loob ng bahay. Sa likod-bahay ay naabutan ko si mama na nagpaparingas ng kalan.

"Maraming salamat po, tita, sa inumin." sabi ni Wilbert na narinig ko.

"Marami pa kung gusto mong uminom. Nandiyan lang."

"Opo, busog na po ako."

"Sa'n ko ba 'to huhugasan?" tanong ko kay mama sa hawak kong ube. Ingunuso niya ang poso sa labas.

"Doon na lang, sayang tubig at sobrang putik niyan."

Binuhay ko na ulit ang basket at dinala sa poso dala ang eskoba para matanggal ang mga putik. Nilingon ko si Wilbert na umisa pa ng juice na gawa ni mama.

"Bert! Ikaw nga magbomba rito," tawag ko. Mistulang nagulat siya at bumalik sa loob dahil hawak niya ang baso kanina. Paglabas niya ay humahangos na siyang tumakbo sa gawi ko.

"Huhugasan mo?"

"Oo. Magbomba ka muna. Pampadagdag ng muscle para mas lalo ka sumarap," biro ko. Shit, kahit wala na siyang muscles eh complete package na siya. Mabait, pursigido, mapagmahal naman, ata, hindi ko sure. Additional na lang siguro 'yong guwapo siya, may kaya at ako ang nililigawan niya.

"Crush mo 'ko, 'no?" asar ni Wilbert. 

"Ano naman?" Tinaasan ko siya ng kilay at nagsimula nang kuskusin ang putik sa ube. Maganda sana 'yong ube na gumagapang lang pero mas malaki kasi ang root crop na ube kaysa sa mga vines.

"Crush mo naman pala, eh! Bakit hindi mo pa 'ko sagutin?" tanong ng nagbobombang si Wilbert.

Sumulyap ako sa kaniya nang panandalian at nagpatuloy sa ginagawa. "Wala kang pake, 'no. Kung gusto na kita ngayon, gawin mong mas gustuhin pa kita. Simple lang naman 'yon." Nagkibit-balikat ako pagkatapos.

"Kung gano'n pala, edi liligawan pa kita nang liligawan." Mas lumakas ang pag-agos ng tubig mula sa poso kaya na alerto ako.

"Bert!! Baka masira 'yan!! Hinay-hinay din!" 

"Sorry." 

Nang matapos ako sa paghuhugas ng ube ay dinala ko na ito sa loob. As usual, nakasunod sa akin ang buntot kong si Wilbert. Nilapag ko sa lamesa ang pinatiktik ng basket na may ube para hindi ito tumulo. Kaming apat nila mama, lola, Wilbert at ako ang narito ngayon sa lamesa.

"Sa inyo na 'tong peeler at baka mahiwa pa kayo ng kutsilyo." Sabay abot sa amin ni mama. Sila ni Lola ang team kutsilyo at kami ni Wilbert sa peeler.

"Wilbert, anak, sigurado ka na ba sa anak ko?"

Napunta ang tingin ko kay mama imbis na sa ube na hawak. Nagsimula kaming apat na magbalat para maluto na ni lola.

"Opo, siguradong-sigurado 'ko kay Tristan." Sa akin naman nagbaling ng tingin si Wilbert na may nakakalokong ngisi sa labi. Tinitingnan ko lang ang binabalatan niya kung puro laman ang nakukuha niya pero mas magaling pa ata siyang magbalat kaysa sa 'kin.

"Mahirap lang kami—"

"Sabay po kaming magpapayaman ni Tristan," putol ni Wilbert sa sasabihin ni mama. "Ako na po ang bahala sa anak n'yo kung bibigyan n'yo ako ng pagkakataong mahalin siya."

"Asus! Mga bata talaga ngayon. Magsitapos muna kayo ng pag-aaral at balakid lang 'yang pag-ibig na 'yan sa pag-aaral n'yo." Bumuntung-hininga tuloy si mama kay lola.

"Ma, ayos lang naman 'yan. Bata pa naman sila, bakit hindi natin bigyan ng pagkakataong sumaya, 'di ba?"

"Kaya ko pong pagsabayin ang pag-aaral at pag-aalaga kay Tristan," matapang na sagot ni Wilbert. "Kung hindi n'yo po natatanong, sanay akong magsabay-sabay ng mga bagay."

"Aba, baka bigla mo kaming pagsabayin ng babae mo," nakangisi kong tanong. Nanlaki ang mata ni Wilbert na tumingin sa akin.

"Hoy hindi ah!" angal ni Wilbert kaya nagtawanan kaming tatlo nila lola. "Promise po si Tristan lang nag-iisa kong mamahalin."

Tumango ang tumatawang si Lola. "Oo na, hijo… 'Wag kang masiyadong kabahan. Nagbibiro lang itong apo ko."

"Akala ko po, eh…"

Nang matapos naman kami sa pagbabalat ay sunod naming pinakuluan ang ube sa malaking pressure cooker sa kahoy. Baka matagalan kaya nagkahoy kami para tipid ng gasolina.

Dahil matagal pa ang paglaga, tumungo kami ni Wilbert sa poso saka sabay na maligo. 'Wag kayong malisyoso at parehas naman kaming nakadamit. Nang malapit na lang akong matapos saka pumunta sa cr namin na may tagpi-tagping sako. Ganito pa rin mula noong unang dating ko rito. Nakasanayan ko na.

Akmang magsusuot ako ng brief nang makarinig ako ng sumisipol mula sa likod ko. Si Wilbert puta!

"Hoy! Bakit ka naninilip?!" singhal ko. Tinakpan ko gamit ng brief kong hawak ang pwet ko ngunit hindi iyon sapat. Shet, bakit ko kasi sinampay agad sa labas 'yong tuwalya!

"Wilbert! Ano ba! Manyakis ka ba?!" Sinundan ko ang mata niya at nakatingin pa rin siya sa heavenly gorgeous body ko!

"Eyes on me!" sigaw ko. Mabuti nag-angat na ang mata niya ngayon.

"You look stunning," may ngisi niyang puri.

"Nangboboso ka ba?! Umalis ka rito, magsusuot na 'ko ng damit!" 

Imbis na umalis, pumasok pa sa loob si Wilbert. Tanging tapis lang ng tuwalya ang nakabalot sa hottie and ozzing niyang katawan.

"Wilbert!!"

"What?!" Aaaaa!! Kasarap punitin ng ngisi sa labi niya.

"Nagbibihis ako sabi eh!" 

Hindi pa rin natinag ang kumag at halos lumuwa ang mata ko nang tanggalin niya ang tapis ng tuwalya. Hindi ko mabilang kung ilang beses na ba akong napalunok dahil sa longgadog na nasa harap ko.

Oh, Dios ko. Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako?

"You're spacing out." 

I shook my head and tried to avoid the temptation in front of me. Tinalikuran ko siya para hindi madistract sa kargada niyang dala. Shit naman talaga oo. Lord, help me huhu. Tinitigasan ako kay Wilbert sorry na po.

Kahit na nakatalikod na ako sa kaniya ay malinaw pa rin ang imahe ng kaniyang malambot at natutulog na ari sa aking isipan. Bagong shave, mukhang mabango kahit na hindi na siya maligo pero ngayong bagong ligo siya sigurado akong mas mabango pa 'yon sa downy.

Maugat, parang braso niya pero hindi ko sure kung ga'no kahaba. Wait titingnan ko nga—

"Fuck!!" mura ko nang muntik na akong ma out of balance. Mabuti at may yumakap sa akin. S-si Wilbert.

Umayos ako ng tayo at yumuko. 

Palihim akong tumingala sa langit para magdasal. Huhu Lord, hindi naman siguro 'yong talong ni Wilbert naramdaman ko sa likod ko, 'di ba? Ang laki, mainit tapos mataba huhu.

"I'm sorry for my dick." I heard Wilbert.

LORD NAMAN?!

Nagmadali akong nagbihis at bumalik sa loob ng bahay. Parang na imprenta ang bakat ng burat ng putanginang Wilbert na 'yon sa likuran ko. Tipong kahit halos sampong minuto na ang nakalipas, nararamdaman ko pa rin ito kung gaano kalaki at kainit. Mabuti ay hindi sa butas ko sumuot at kung hindi baka nag-ungulan kami sa barong-barong na 'yon.

Sinisimulan na pala nila mama ang pagdurog sa ube kaya tumulong na ako rito. Hindi naman mahirap dahil malambot na ito kaya mabilis namin natapos lahat ng batch.

"Ako na po ang maghahalo." Sinubukang kunin ni Wilbert ang siyansi kay Lola dahil hinahalo niya ang ube sa malaking kawali. 

"Naku, ako na rito. Baka mangalay ka."

"Ako na po. 'Di hamak na kayo ang mahihirapan kaysa sa 'kin. Ako na po." 

"Minamaliit mo ba ako, hijo?" patutsada ni Lola kay Wilbert. Napangiti ako dahil natakot si Wilbert sa kaniya.

"Hindi ko naman po 'yon sinabi. Baka mahirapan po kayo maghalo kaya ako na." Hindi rin nakatiis si Lola at binitawan na ang hinahalo. Si Wilbert na ang nagpatuloy nito at naglakad papunta sa gawi ko si Lola para pumasok sa loob.

"Halika sa loob, apo."

Inakay ako ni lola papunta sa loob at naabutan kong naroon silang tatlo nila papa, mama at tito.

"Ikaw ba, sigurado ka na ba sa binatang 'yon?" tanong ni lola. Just be referring to Wilbert. Sinulyapan ko ang pinto na pinasukan namin kanina lang.

"O-opo, lola."

Nagbuntong-hininga siya at naupo sa rocking chair. "Siguraduhin mo. Pursigido ang batang 'yon at halatang puro ang intensiyon niya sa 'yo kaya mag-isip ka nang mabuti. Baka pinaglalaruan mo lang siya?'

Umiling ako. "Hindi, la."

"Ayusin mo ah. Labis labis mong masasaktan ang binatang 'yan kapag hindi ka sigurado sa kaniya."

Tumango ako at pinuntahan si Wilbert sa likod. Pawis na pawis siyang naghahalo ng ube halaya sa kawali. 

"Towel, oh." abot ko sa kaniya at nagpunas siya ng pawis.

"Kaya mo pa?"

"Oo. Ako pa ba?"

Masiyado akong naawa kay Wilbert dahil ang hirap ng paghalong ginagawa niya. Nakatapat siya sa kalan, sobrang init at nakakangalay iyon sa kamay. Kahit na ilang beses niya akong ipinagtatabuyan na pumasok na sa loob ng bahay dahil mainit ay hindi ko siya sinusunod.

I want to be with him when he's dealing with something like this. Ayaw kong maramdaman niyang nag-iisa siya sa paghihirap gaya nito. 

After five more minutes of mixing the ube in low fire, naglagay kami ng tatlong condensed milk at one fourth na asukal para tumamis ito. Sa lumipas na trenta minutos ay halo lang nang halo si Wilbert sa halaya.

"Masakit na braso at balikat mo, 'no?" Taas kilay kong tanong.

"Yeah… it will be worth it in the end, wala 'to."

"Sigurado ka bang ayos na 'yan, hijo?" tanong ni mama kay Wilbert. Binigyan namin siya ng dalawang tupperware ng ube para may iuwi siya kila tito Fed.

"Opo, tita. Sobra-sobra pa nga po." Wilbert gazed into me and wiggled his brows. Nilapitan niya ako at bumulong, "Thank you for giving me your whole time this day." 

Aaminin kong kinilig ako kaya magiliw ko siyang tinanguan.

"Wala 'yon. Tara sa labas, hatid na kita." 

Nagmano muna siya kila lola bago kami pumunta sa labas. Isinilong nila papa rito sa isang gilid ang motor niyang dala para hindi mainitan kanina. 

"Pa'no ba 'yan…" Nakadama ako ng lungkot. Hindi ko alam bakit pero… shit. Matagal na naman siguro ko siya ulit makikita.

"Uhm," tumikhim siya. "Puwede ba kitang halikan?"

Hindi na ako nagpatumpik pa at ako na mismo ang humalik sa kaniya. "Salamat, Wilbert."

Ngisi lang ang ginawad ni Wilbert sa akin at namula ang kaniyang mukha. "Salamat din, Tristan."

Pinanood ko siyang sumakay sa kaniyang motor at pinaandar ito.

"Babalik ako rito."

"Hihintayin kita," sabi ko bago siya umalis.

TheButterflyReturns © 2022

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...