Fontabella 1: The Businessman...

By TheButterflyReturns

107K 4.1K 414

The Businessman's Trap In an incident where Tristan Barcelona was caught in the act. He had no other choice... More

Fontabella Brothers Series
The Businessman's Trap
Introduction
Prologue [Enough]
Chapter 1 [Lupa]
Chapter 2 [Lubricant]
Chapter 3 [Coincidence]
Chapter 4 [Ginabi]
Chapter 5 [Caught]
Chapter 6 [Gentle]
Chapter 7 [Gusto]
Chapter 8 [Ride]
Chapter 9 [Nakatakas]
Chapter 10 [Ice-cream]
Chapter 11 [Bitch]
Chapter 12 [Lips]
Chapter 13 [Cart]
Chapter 15 [Hihintayin]
Chapter 16 [Bradly]
Chapter 17 [Mangga]
Chapter 18 [Mitsa]
Chapter 19 [Sex]
Chapter 20 [Jowain]
Chapter 21 [Soul]
Chpater 22 [Aalis]
Chapter 23 [Adobo]
Chapter 24 [Polaroid]
Chapter 25 [Maisan]
Chapter 26 [Figure]
Chapter 27 [Easy]
Chapter 28 [Clear]
Chapter 29 [Restaurant]

Chapter 14 [Abot-tanaw]

1.6K 111 4
By TheButterflyReturns

Chapter 14

"Kamusta naman ang grade mo, 'nak?" usisa ni mama as akin. Narito kami sa kusina na nag-aagahan.

"Baka sa Friday daw may assembly para sa distribution ng grades for this sem, hindi ko lang sure. Ang sigurado ko ay mataas mga grado ko. May dos siguro pero iilan lang." Tumango-tango siya sa akin.

"Kayo naman, ma, anong balita sa trabaho n’yo kila Hyden? Madali lang ba?" Bumaling ang tingin ko kay Tito. "Bakit hindi po kayo sumama kila mama sa factory?"

Isang buntong hininga ang natanggap ko mula sa kaniya. "Mahal ko ang pagbubukid, pamangkin. Siguro, kapag wala na akong buhay na mahanap sa putikan saka lang ako lilipat sa mga factory na 'yan." Bigla namang siniko ni papa si Tito Rodel. Magkapatid silang dalawa.

"Asus! Ang sabihin mo eh pinopormahan mo 'yong byuda roon! Pipili ka lang eh hindi pa virgin." Napailing si papa saka natawa bago sumubo ng kangkong na ginisa. Masarap na ito sa bagoong at talong kapag niluluto ni lola.

Napanguso si tito at napansin kong namula ang kaniyang tenga. "Tigil-tigilan mo nga ako, Cezar!" Sinunggo rin ni tito ng kaniyang balikat si papa dahilan ng lalo nitong pagngisi. Napailing at tumayo na ako dala ang plato sa lababo dahil baka mahuli pa ako sa klase ngayon.

"Naku, 'tol, kung ako sa 'yo, maghanap ka na lang ng iba d'yan. 'Wag na 'yong may anak na kasi sinasabi ko sa 'yo papahirapan ka lang niyan."

Kinuha ko ang bag sa mahabang upuan at isinukbit sa aking balikat. Nakipagbeso na ako kay lola at kay mama dahil ako'y papasok na.

"Pasok na po ako."

Lumabas ako ng gate at naglakad nang mag-isa sa daan. Tiningala ko ang kalangitang nagdidilim at nagbabadyang ulan. The sky seems gloomy. Who would have thought that something as colorless as water could make the clouds dark.

"Wala pa naman akong payong. Tsk." Binilisan ko nang kaunti ang lakad ko dahil malayo pa ang distansiya ko mula sa unibersidad.

Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nang nagsimulang umiyak ang langit. Napatakbo ako nang mabilis sa isang malaking silong ng puno saka napamura nang sunod-sunod.

"Fuck, malalate na naman ako nito…" bulong ko sa aking sarili.

Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at para ma-chat sila mama kaso saka ko lang napagtanto na hindi pala ako nag-lol-oad man lang para magkaroon ng internet. I also noticed that it's already Wednesday.

Apat na araw nang wala si Luke.

Bakit ko naman siya iniisip? Gago ba siya.

Humalukipkip ako at nagdasal sa isip na sana tumila na ang ulan. Imbis na humupa ito ay mas lalong lumakas ang pagpatak ng ulan kaya nabalot ng putik ang kalsada. Suddenly, it turned into an endless music of water droplets hitting the hard ground.

Wala pa namang dumadaan na sasakyan. Paano na ako nito?

Muli kong tiningnan kung anong oras na at aking namataan na alas otso trenta na. Halos kinse minutos na akong huli sa klase. Mawawalan na sana ako ng pag-asa ngunit may isang kotse ang huminto as harapan ko.

"Sumakay ka na."

Sinubukan kong kilalanin ang boses ng lalaki ngunit hindi ko masiyado itong naintindihan dahil sa lakas ng ulan. Kaninong kotse ito?

"Sasakay ka o iiwan kita rito!?"

Nang dahil sa sigaw na iyon ay mabilis kong sinuong ang ulan at sumakay sa back seat ng sasakyan. Pagkapasok ko ay isinara ko rin agad ang pintuan at nakita sa passenger seat ng kotse si…

"Bradly…" i softly uttered.

Akala ko ba kasama siya ni Luke na umalis? Nandito pa rin pala ito?

"Daan muna tayo sa college," pakiusap ni Bradly sa driver at nagsimula nang umandar ang sasakyan.

"Ano ba kasing ginagawa mo roon? Nagmukha ka ng basang sisiw," patutsada ng lalaking nakatingin sa akin sa salamin matapos niyang pakiusapan ang driver.

"Naglalakad ako papasok tapos naabutan ako ng ulan. Anong akala mo, susuungin ko 'yong ulan? Waterproof?" Umikot ang mata naming dalawa.

"Wawa ka naman…" Naramdaman ko ang pagtataray ni Bradly sa akin. "Mabuti nga at hinintuan pa kita, kung hindi at baka naging lantang kangkong ka na sa gilid ng kalsada."

"Edi iniwan mo na lang sana ako ro'n kanina." Humalukipkip ako at pinagkrus ang hita.

Prenteng natawa si Bradly sa harap. "Ayaw ko nga."

Huminto ang sasakyan at tumingin ako sa labas ng bintana. "Baba ka na," utos ni Bradly ngunit tiningnan ko siya.

"Hindi ka sumabay kay Luke pumuntang Manila?" tanong ko.

"Bumaba ka na."

"Hindi ka nga sumabay?"

"BUMABA KA NA!" Halos matawa ako sa ginawang pagsigaw ni Bradly kaya bumaba na rin ako ng sasakyan. Padarag kong isinara ang pinto at naglakad papasok sa subject kong na-late na ako.

Gagang Bradly na 'yon. Mabuti at naisipan niya akong pasakayin. Mabuti na rin at hindi na masiyadong malakas ang ulan at kaunting pag-ambon na lang ito ngayon.

Buong maghapon akong nagtataka dahil hindi ko man lang nasilayan kahit isang beses ang mukha ni Wilbert. Si Fhil naman ay nakita ko kasama si Elina na kumakain sa kantina noong katanghalian, si Andrius sure akong wala at si Wilbert ay wala rin sa paligid.

Dahil next week na ang laban ng school namin sa kabilang school ay wala si Jaycee para samahan ako dahil abala sila sa practice ng team. Si Rowena? Wala rin, eh. Mabuti pa itong si Maria na aaligid-aligid sa akin.

Akala mo talagang close kami, eh! Tingnan mo, nakaupo rito sa bench kung saan ako naghihintay na maghapon para umuwi.

"Oh, sino hinihintay mo rito, bakla?" Tinaasan ako ng kilay ni Maria. Si Alena naman na nasa tabi niya ay lumalagok sa C2 niyang inumin.

Hinimas ko ang noo ko at sumimsim sa sprite kong hawak. "Nagpapalipas oras lang," buryong tugon ko sa kaniya.

"O naghihintay ka lang ng lalaki para pampalipas libog mo?" mataray na tugon niya.

Nakarinig ako ng singhapan ng tao na nakarinig sa aming dalawa. Ibang klase talaga ang isang ito. Umayos ako ng upo at binitawan ang isang hilaw na ngiti para lamang sa kaniya.

"Alam mo, Maria, nagiging kawawa ang dating mo sa 'kin. Hindi na ako masiyadong nasisindak sa mga paratang mo na wala namang katuturan."

Umirap ako sa hangin.

"Eh, ano naman sa 'yo kung naghahanap nga ako ng pangpalipas libog ko?" I raised my right brow. "Kaysa naman sa 'yo na kahit anong gawing pagpapapansin eh walang lalaking tatangkain ang libugin ka." It's better this way. Pulling Maria's trigger is such a fun moment for me.

And what now? Tingnan mo kung sino ang mukhang asar sa aming dalawa. Kung magpapatalo ako sa bobo na 'to, ako lang ang mas maaasar. Kapag asar ka, mas lalo ka lang aasarin.

"Sinasabi ko na nga ba! Pokpok ka lang na nakikipagkantutan sa mga mayayaman!" Napansin ko ang kumpulan ng mga tao sa paligid namin ni Maria na sabay-sabay pang napasinghap. Pasimuno ng kumusyon talaga ang babaitang 'to! Argh!

"Kung pang palipas ng libog lang, Maria, kaya kong magjakol, magsalsal. Ano pa ba gusto mong marinig? Nagpipinger ako ng pwet ko kapag bored ako gusto mo na rin bang marinig 'yon?" Natawa ako sa sarili ko dahil sa mga kabalbalan na lumalabas sa dila ko. Hindi ko naman ito ginagawa pero natatawa ako sa reaksiyong binitawan ni Maria.

Tumayo si Maria sa kinauupuan niya kaya sinundan ko siya ng tingin. "Marami pa akong gustong marinig!" Dinuro-duro niya ako. "Si senyorito Luke ba? Tapos ka na ba n'on kantutin kaya si Wilbert naman ang tinitira mo? Sino sunod? Si Hyden? Si Andrius? My God! Hindi ka na nagtira!"

"Pake mo ba? E 'di makipagkantutan ka rin kung sino man ang mayaman diyan!" singhal ko kay Maria at tumayo na sa pwesto ko para pantayan ang mga nanlalaban niyang titig.

"As if naman may papatol sa gaya mo na mayaman? Luke Collins? Ano, kantot lang ba ang habol ko like what you are referring to? Then be it. Si Wilbert? Hyden and Fhil? Edi kahit mag-foursome pa kaming apat, isama pa niya si Elina. I can fuck every guy that I wanted, but you cannot. Kahit pa ilantad mo ang puke mo riyan sa kalsada, walang papatol sa 'yo."

Nang suongin ko ang dagat ng tao na nagtipon sa paligid namin ay malaya nila akong binigyan ng daan upang makaalis.

Doon ko lang nakita si Wilbert na naghihintay sa kotse niya. He has white thin sando on, his simple shorts, a pair of slippers and shades. Looking cool ang lolo n’yo.

"What's not clicking, baby?" bungad niya at nilagay sa ulo ang shades. Para bang napunta ang lahat ng dugo ko sa aking pisngi nang marinig ang baritoni niyang pananalita.

"Wala. Nakakainis si Maria, sarap pakainin ng palakang karag."

Umikot ako sa passenger seat kahit na hindi naman sinabi sa akin ni Wilbert na sumakay. Ano pa ba ang gagawin niya rito bukod sa akin? Masiyado na siyang nabighani sa gaya kong maganda.

"What happened with Maria? I thought she's cool with you?" tanong ng naupong si Wilbert. Hinubad ko ang bag ko at nilagay sa aking paanan bago siya hinarap.

"At kailan naman kami naging maayos, aber? Hindi pa nga ako nakakalapit, kumukulo na agad dugo niya sa akin."

Nagtagpo ang mga kilay ni Wilbert. "Ano ba sinasabi sa 'yo ng babae na 'yon? Matagal ko na nga rin naririnig na binubully ka raw dito."

"Pakarat daw ako—"

Biglang bumaba ng sasakyan si Wilbert at tumakbo papasok ng eskwelahan. Ay shit gago!

Mabilis kong itinulak ang pinto at bumaba. Narito pa lang ako sa gate ngunit natanaw ko na si Wilbert na kinakausap ang grupo nila Maria. Sa angkin niyang tangkad at matikas na katawan ay madaling kilalanin kung kaninong katawan ang nasa harap nila.

Mabilis lang ang pag-uusap nila at kalaunan ay humarap sa gawi ko si Wilbert at ngumiti nang pagak. He ran towards me with a victory smile on his face that made me curious.

"Anong nangyari?"

"Kinausap ko lang. Tara na."

Huminto kami sa tapat ng isang ihawan dito sa bayan. Minasid ko ang paligid at marami na ang nagtatayo ng kaniya-kaniyang stalls na pwedeng bilhan. Marami na ang mga estudyante ang nakakalat sa daan dahil kanina pa uwian.

"Gusto mo n'on?" itinuro ng nguso ni Wilbert ang ihaw-ihaw na tinda ng isang ale katuwang ang anak.

"Maraming nakapila, eh. Iba na lang kainin natin."

Sinubukan kong maghanap ng iba pang pwede naming makainan ni Wilbert. Ang isa ko lang na nakita ay ang fishballan, may cotton candy, scramble, at sorbetero.

"Ayon, baka gusto mo ng cotton candy?" Inangkla ko ang braso ko sa braso ni Wilbert at tinuro sa kaniya ang direksiyon ng cotton candy. Nag-angat ang tingin ko sa kaniya at bakas ang ngiti sa mukha ni Wilbert.

"Sige ba."

Nilapitan namin ito at ang tindera naman ay nagkaroon ng malaking ngisi sa labi.

"Ano ang sa inyo, mga pogi?"

"Dalawang kulay blue nga po na cotton candy." Turo ko sa mga cotton candy na nakasabit sa isang metal rod. Kumuha siya ng dalawang supot saka binigay sa akin.

"Sampung piso lang 'yan, hijo."

Ako na ang dumukot ng pera sa aking bulsa saka binigay sa tindera.

"Saan mo gustong pumunta?" naka-akbay na tanong ni Wilbert. Ang ibang tao na nasa aming paligid ay may nangungutyang tingin ngunit hindi na namin ito pinapansin.

"Kahit saan. Gusto mo bang kumain? Marami pang bumibili eh."

"May makakain naman akong dala sa sasakyan, kung ayos lang sa 'yo." Ipinalibot ko ang kaliwa kong braso sa balakang ni Wilbert at tiningala siya.

"That's fine. Tara sa sasakyan mo."

Naglakad ulit kami papunta sa sasakyan niya at sumakay sa loob nito. He started the car's engine and drove off the swarming people around us. Tinahak namin ang daan palabas ng siyudad na dinaanan namin kahapon.

"Hindi ka na pumasok kahapon?" tanong ko at nilantakan ang cotton candy sa supot. Sinusubu-subuan ko rin siya paunti-unti para ma-enjoy niya rin.

"I went home crying," said Wilbert.

"Edi kung hindi ka na nagpumilit pa na pumunta ro'n e 'di ka sana umiyak," biro ko. Alam kong mabigat ang pinagdadaanan niya kaya idadaan ko na lang sa ganito.

"I thought I was strong enough to face that. I was wrong and sorry you've seen my side. I never make anyone see me in that state. Ikaw pa lang ang una." Nilingon ako ni Wilbert na nalulumbay ang ekspresiyon sa mata. Marahan kong hinimas ang kaniyang hita upang ipaalam na ayos lang at nandito lang ako.

"Sometimes, it's okay to be vulnerable in front of the people you trust. Ayos lang 'yon, 'no ka ba." Tinaas-baba ko ang kilay ko sa kaniya.

Inabot ni Wilbert gamit ng kaniyang kanang kamay ang kaliwa kong kamay saka ito hinawakan nang mahigpit. Nilagay niya ito sa kaniyang dibdib at dama ko rito ang malakas nitong pagkabog.

"Sa iyo ko lang ito nadarama, Tristan. Sobrang galak, kaba at takot ang nararamdaman ko tuwing malapit ka sa 'kin. Galak na magkaibigan tayong dal'wa, kaba sa tuwing lalapit at kakausapin mo ako gaya nito at takot na baka maagaw ka ng iba sa akin." Hinalikan niya ang likod ng aking maya saka dahan-dahan itong binitawan.

"I'm begging you, Tristan. Just say yes to me and I'll show you my love forever and always." Mabilis ang pagsulyap na nilaan sa akin ni Wilbert bago ito nagbalik sa daan.

Tila ba ay nahulog na sa ulap ang aking puso dahil sa tuwa nito. Hindi ko akalain pero… minsan ko lang din maramdaman ito. I've never felt this way for no one.

Kumaliwa ang sasakyan namin at naaninag ko ang malalaking puno mula sa labas ng kotse. Kapansin-pansin na palayo kami nang palayo sa siyudad kung saan marami ang mga tao, gusali at maiingay na sasakyan.

Kabaligtaran ang lahat ng nandito sa daan na aming tinutungo. Kami lang ang tao na aking natatanaw, ang nagtatayugang puno na siyang magsisilbing silong sa init ng araw at ang mumunting huni ng ibon na aking naririnig mula sa labas.

Ilang sandali pa ay tumigil na ang aming sasakyan kaya bumaba kaming dalawa. Ang una kong ginawa ay suminghap nang malalim at dinama ang kapayapaan sa paligid. Ganitong klaseng buhay ang ninanais kong kalagyan.

Payapa, simple at walang istorbo.

"Come on." Wilbert took my hand in his and walked me through the forest-like area that brought me to a clear view of the sunset facing us. Nang tingnan ko ang mukha ni Wilbert ay nagkulay itong kahel dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Ang mga mata niya ay nagmistulang ginto naman.

"Lovely, isn't it?" he asked.

Tumango ako at nagbalik tingin sa paglubog ng araw. "Oo, sobra."

Binitawan ni Wilbert ang kamay ko at narinig siyang tumakbo pabalik sa sasakyan. "Saan ka pupunta?"

"May kukuhanin lang!" sigaw niya pabalik.

Wala akong nagawa kung hundi ang tumakungko at damhin ang sirenidad. Nakabalik din agad si Wilbert na may dalang pagkain at beer sa isang maliit na plastik.

"This is my favourite spot. Palagi akong pumupunta rito kapag naisipan ko," kwento ng katabi ko sa akin. Nakita ko siyang nagbukas ng isang canned beer saka inabot naman ang sandwich sa akin.

"Parati kong pinagdarasal na bigyan Niya ako ng gaya mo," dagdag pa ni Wilbert.

Hindi ko napigilang hindi ngumiti sa kalandian niya. "Wilbert, ha! Humaharot ka na naman, wala ka bang malandi na ibang babae d'yan at ako ang napapagdiskitahan mo ngayon?" biro ko dahil baka nga biro lang ang lahat ng ito sa kaniya.

Gaya ng isa d'yan.

Natawa siya sa itinuran ko at nahiga sa madamong lupa. "Ako? Nakita mo ba akong may kasamang babae o kung sino man?" Umiling ako. "See, wala nga kasi akong mga ganiyan kagaya nila Fhil, Hyden at Luke na puro fling at landian lang."

"Totoo ba? Baka naman pinagloloko mo 'ko," biro ko ulit at tinusok ang tagiliran niya. Hindi man lang siya umismid o natawa sa ginawa ko.

"I'm fucking serious, Tristan. Kung pwede nga lang kitang pakasalan ngayon bakit hindi, eh." Binitawan ni Wilbert ang beer niyang hawak at inunan ang kaniyang dalawang palad. Masiyadong na flex ang kaniyang biceps at triceps kaya lumitaw dito ang mga muscle niyang malaki.

"Gaga. Ang sabi mo liligawan mo pa lang ako tapos ngayon aasawahin mo na?" Prente akong natawa. "Ang bilis mo naman."

"Doon din naman tayo pupunta, eh," sagot niya. Umayos ng upo si Wilbert at inakbayan ako saka namin hinarap ang araw. Hindi na ito masakit tingnan ng mata kaya amin itong pinakatitigan.

"Masiyado na akong nahuhumaling sa 'yo, Tristan. Hindi ko alam ano gagawin ko kapag pinakawalan pa kita. Nasa iyo na ang lahat ng kalidad na hinahanap ko. Mapagmahal, maaruga, mataray, maldita, suplado at mabango—" Nakatanggap siya ng kurot sa tagiliran sa akin.

"Ano nga ulit 'yon?"

"A-ang sabi ko mabait ka." Sabay hilot sa kaniyang tagiliran kaya natawa ako. "Nasaan na nga ba? Oh, ahm, gaya ng nasabi ko kanina, kung gusto mo lang n magpakasal na tayo eh bakit hindi? Gusto naman kita, mahal na nga ata eh. Sigurado akong mahal mo na rin ako."

Hinapit ako ni Wilbert papunta sa katawan niya at hinalikan ang aking pisngi.

"Ano? Mahal mo na ako, 'no?"

Umirap ako. "Ewan ko. Basta, sa ngayon, sasagutin na kita na ligawan mo ako, ayos na sa akin 'yon. Ang sa akin lang, sila mama at lola ang ligawan mo."

Bumunghalit ng tawa ang katabi ko. "Masiyado na matanda lola mo sa 'kin! Hahaha! Baka sagutin ako n'on eh edi magiging lolo mo ako."

Natampal ko tuloy ang hita niya. "Bobo hahaha. Ang ibig kong sabihin, sila ligawan mo. Kuhanin mo loob nila para payagan nila ako para sa 'yo."

Payak na ngiti ang binitawan ni Wilbert sa akin." Oh, sige ba, madali lang 'yon."

"Siguraduhin mong hindi ka susuko." Nagtawanan kami ulit at muli kaming nabalot ng katahimikan. Nagtagal kaming nakasandal sa isa't-isa habang naka akap ang balikat ni Wilbert sa akin.

Hindi ko namalayan na tuluyan nang lumubog ang araw sa abot-tanaw.

TheButterflyReturns © 2022

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...