Fontabella 1: The Businessman...

By TheButterflyReturns

107K 4.1K 414

The Businessman's Trap In an incident where Tristan Barcelona was caught in the act. He had no other choice... More

Fontabella Brothers Series
The Businessman's Trap
Introduction
Prologue [Enough]
Chapter 1 [Lupa]
Chapter 2 [Lubricant]
Chapter 3 [Coincidence]
Chapter 4 [Ginabi]
Chapter 5 [Caught]
Chapter 6 [Gentle]
Chapter 7 [Gusto]
Chapter 8 [Ride]
Chapter 9 [Nakatakas]
Chapter 10 [Ice-cream]
Chapter 12 [Lips]
Chapter 13 [Cart]
Chapter 14 [Abot-tanaw]
Chapter 15 [Hihintayin]
Chapter 16 [Bradly]
Chapter 17 [Mangga]
Chapter 18 [Mitsa]
Chapter 19 [Sex]
Chapter 20 [Jowain]
Chapter 21 [Soul]
Chpater 22 [Aalis]
Chapter 23 [Adobo]
Chapter 24 [Polaroid]
Chapter 25 [Maisan]
Chapter 26 [Figure]
Chapter 27 [Easy]
Chapter 28 [Clear]
Chapter 29 [Restaurant]

Chapter 11 [Bitch]

1.7K 100 4
By TheButterflyReturns

Chapter 11

"You were with Wilbert yesterday, huh? How sweet you two were having ice cream in the shop?" A tsk came out of Luke's mouth after that. I also noticed that his tone sounded bitter.

"Ano naman sa iyo kung magkasama nga kami ni Wilbert kahapon? It's not like we were doing wrong?" naguguluhan kong tanong. At saka, bakit nga pala siya naroon as harap ko kahapon, hindi ba?

"Malamang baka naparaan lang," my second thought told me.

"You're my servant, Tristan. You can't be with him or any other guy other than me. Ang gusto ko sa akin lang palagi ang atensiyon mo. Lahat-lahat." Napairap ako sa katangahan nitong katabi ko.

Nang magtagpo ang mata namin sa salamin ay inirapan ko siya. "Hep! You're gatekeeping me too much, Luke. Can't you remember that it was my day off yesterday? I was free whatever I would like to do, where I would like to go and whoever I want to be with. You couldn't control me. You don't own me and most of all, I am not yours to keep."

I started feeling the lividness in Luke's eyes when he gazed into me. Nagngangalit ang kaniyang mga mata sa hindi ko alam na kadahilanan. Nagalit ba siya na sinabi kong day off ko kahapon?

Mabilis kong tiningnan ang cellphone ko at nakitang Friday naman pala ang araw kahapon. Day off ko naman eh!

"Teka, magaling na ba ang sugat mo?" Tiningnan ko ang braso niya at inangat ang manggas ng damit. Nakita kong may tahi rito at gasa.

"Stop acting like you fucking care." Nagugulumihan akong tumingin kay Luke.

"Do I look like I don't care?" tanong ko habang itinuturo ang sarili.

He tsked again.

"You do."

My eyes widened. "Kailan ko naman sinabi? Wala naman akong sinabing wala akong pakialam sa 'yo, ah?"

"Just now. You just said that thing, Tristan. Don't act like you didn't because you did."

I rolled my eyes. "Wala akong sinabi. Saan ba tayo pupunta?" Binaba ko na ang manggas ng shirt niya saka umayos sa upuan. His phone started ringing. Napatingin siya sa compartment ng kotse sa gilid at kinuha niya ito.

"Hey, man."

"Fuck you! I've been texting you since earlier and you're not replying. Bradly's been waiting in the lounge of your building for almost a fucking hour now! Damn, Luke!" a familiar voice spoke.

"Oo na, pupuntahan ko na. He's fine staying in my house, right?"

"Oo, gago. Bilisan mo, kanina pa naiinip 'yon doon."

"Sige. Fuck you!"

"Fuck you, too!"

Ibinaba ni Luke ang cellphone kaya nilingon ko siya. "Sino 'yon?"

"Lorenzo. Nandiyan na raw 'yong sinabi niyang pupunta para matingnan kung ano na nangyayari sa orphanage. Bradly has great plans for the ranch and my friends' businesses here. I'm sure Bradly would be a great help." Upon hearing the name that Luke was uttering, my blood started to boil.

I was like, "Okay?"

Ang dapat na pupuntahan namin na pagbisita sa construction site ng orphanage ay nauwi sa paggawi sa building ni Luke. Apparently, palabas na sana kami ng town nang matanggap niya ang tawag kaya kailangan naming bumalik.

I have this bad feeling na baka hindi kami magkaayos ng susunduin namin ni Luke. Wala lang. Something is just off. You know, when you feel like someone is going to annoy you so you are already pre-annoyed. Is that even a word? Lol!

Naunang bumaba si Luke ng sasakyan ngunit nang ako naman ang bababa ay binawalan niya ako.

"Just stay right here, it will be quick." I nodded and watched his back as he slowly vanished from my sight. Ilang sandali pa ay nakita ko siyang may kasamang lumabas ng building. Masaya silang nagtatawanan habang bitbit ni Luke ang maleta nito.

"Yeah, yeah, Collins… haha you are too sweet for my taste." Binuksan nito ang pintuan at nagsalubong ang mga mata naming dalawa. Nakita ko kung paano kumorte ng 'O' ang bibig niya nang makita ako.

"Hey…" bati nito sa akin ngunit wala sa kaniya ang atensiyon ko. Pinanood ko si Luke na ilagay sa likod ng sasakyan ang maleta bago nakabalik sa loob.

"Collins, saan pala ako matutulog ngayon?" tanong nito nang makaupo si Luke sa driver's seat. And what did he just call him? Collins? I've never heard anyone call him by his second name, even his friends don't.

They must be close kaya ganito ang tawag ni Bradly sa kaniya?

"You can sleep in my house."

"Or we can share the same bed!" Mabilis na napalaki ang mata ko sa narinig. Same bed daw?!

Luke chuckled. "Hahaha. You're so funny, Bradly. Umuwi muna tayo sa bahay para makapagpalit ka na ng damit mo."

Umayos si Bradly ng upo sa likod at kinuha ang cellphone niya para abalahin ang sarili. Minamasdan ko lang siya sa front mirror ng sasakyan kaso biglang umangat ang tingin niya at nagkita kami.

"I might also ask you, Collins…"

"Hmm?" Sinulyapan ni Luke nang sandali si Bradly sa likod.

"Who is this guy in the front seat? Magsasaka?" tanong ni Bradly habang itinuturo ako.

"He's my personal assistant."

Napatango-tango si Bradly habang nakanguso ang mga labi. "Sana lahat may PA na nakasakay sa loob ng sasakyan tapos katabi pa 'yong boss niya. Walang hiya talaga…" Hindi nakatakas sa tenga ko ang huli niyang sinabi.

Judgemental ang puta.

Okay, Tristan, hingang malalim at ikalma mo ang sarili mo. Remember, he's Luke's visitor. Hindi ka pwedeng gumawa ng kung ano man gayong na sa iisang saradong silid kayo.

Nabalot ng katahimikan ang kotse hanggang makauwi kami sa mansiyon. Siyempre, ayaw ko na sila pang panoorin kaya nauna akong bumaba at hinanap si Manang Imelda. Natagpuan ko siyang nagsasampay ng damit sa sampayan dito sa labas.

"Tulungan ko na po kayo, Manang…" Kumuha ako ng ilang gamit ni Luke at isinabit ito sa mga hanger at isinampay.

"Nako, hijo, ako na riyan… baka magalit pa si senyorito kapag nakitang ganiyan ang kalagayan mo rito. Doon ka na lang sa loob," bawal sa akin ni Manang pero matigas ang ulo ko. Hindi ko siya sinunod at pinagpatuloy ang pagtulong.

"Ayos lang po. Hindi naman magagalit si Luke, may bago nga po siyang kasama, eh. Inaasikaso po niya ata sa loob." kwento ko sa kaniya saka napairap. Ewan ko bal

Napaharap sa akin si Manang Imelda. "Hala! Sino ang bisita ni Senyorito?! Marami ba?! Hindi pa ako nakakapagsaing, sandali lang, babalik muna ako sa loob." Nakangiting tumango ako sa kaniya para magpatuloy sa ginagawa.

Sa tantiya ko ng oras, baka nasa alas dies pa lang ng umaga. Hindi pa naman gaanong mainit ang sinag, yeah mainit naman na pala kaya na siya nagsasampay. Nang matapos ako ay tumungo ako sa isang kubo kung saan nakaupo ang mga magsasaka nila Luke.

"Kamusta, mang Tome? Masagana ba ang ani ng palay?"

Hindi natutuwang umiling si Mang Tome. "Maliit nga lang ang tubo na inani namin sa paggapas ng palay, anak…" Nakaramdam ako ng kalungkutan sa kaniyang tono.

"Bakit, mang Tome? Ang balita ko maganda raw ang ani ngayong taon kumpara sa nakaraang ani, ah?" Malalim na buntong hininga ang pinalabas ni Mang Tome mula sa kaniyang bibig. Umayos siya ng pagkakaupo at pinunasan ang kaniyang luha. "Oh, bakit po kayo umiiyak? Hindi po ba dapat masaya kayo dahil maraming naani?"

Umiling siya. "Unti-unti nang napapalitan ng malalaking makinarya at traktora ang mga magsasaka mula sa kanilang gawain, anak. Gaya ng pagsaka at pagtanim ng binhi, nariyan ang mga kurimaw at hand tractor na nagpapadali ng mga gawain ngunit sa kabilang palad, maraming buhay ang naaapektuhan ng mga ganitong kagamitan."

"Pakiramdam ko isa ako sa mga magsasakang mawawalan ng trabaho dahil sa inobasiyong ito. Balang araw ay mapapalitan ng makinarya ang bawat manggagawa na ang kaya lang ay trabahong-kamay para kumayod. Paano naman kaming walang kaalaman at hindi nakapagtapos ng pag-aaral? Saan na kami kukuha ng perang pangkain nito sa pang-araw-araw?"

Lumandas ang mainit na luha mula sa aking mata nang marinig ko ang saloobin ni mang Tome. Niyakap ko siya nang mahigpit para kumalma ang puso niyang natatakot sa maaaring mangyari. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat na magiging reaksiyon ko.

Tumahan din naman agad siya dahil sa yakap ko pero alam kong may takot pa rin sa akin kaniyang dibdib. "Mang Tome, balang araw, isipin na lang natin na darating din ang araw na hindi na tayo maghihirap, okay? Magiging ayos ka rin. Bubuti rin ang kalagayan natin dito sa bukirin."

Nanatili pa ako ng ilang sandali sa tabi ni mang Tome at nang masigurado kong ayos na siya, nagpaalam akong babalik na sa loob.

Nakakahalina ang tanawin sa labas. Ang masarap na ihip ng mainit-init na hangin ng katanghalian ay hinehele ako na tila ba ay gusto nito akong matulog sa isang duyan. Gustuhin ko man ang magtagal pa sa labas kaso baka hinahanap na ako ni Luke.

Kaso ulit, mukhang hindi naman dahil abala siya. Abala silang dalawa.

Naabutan ko sila Luke na kumakain sa kusina at masayang nakikipagkwentuhan. Boses pala ni Bradly ang naririnig ko mula sa labas habang naglalakad ako papasok sa loob ng mansiyon.

Napalinga ang sumusubong si Luke sa akin at tinaasan niya ako ng kilay. "Anything you need?" Luke asked me.

"Ikaw ba? You need anything else I can do for you?" Umiling siya.

"Are you sure he's really your personal assistant, Collins? Looks like he's a visitor, roaming around your ranch, with you in your car, and can enter your house freely. Pinapapasok mo rin ba siya sa kwarto mo?" Luke stared into Bradly.

"Yeah, why not?"

"I thought he was a businessman except the fancy clothes because yeah, akala ko nakikipag-usap ka lang sa mga mayayamang tao, Collins. Why are you talking to someone else who is…"  tiningnan ako ni Bradly mula ulo hanggang paa. "below the average." Natamaan ako bigla sa pagbanggit niya ng below the average.

"Bradly… that's not what you came here for," bawal ni Luke sa kaniya ngunit hindi rin ata magpapatinag ang isang ito.

"No, Collins. Something wrong din kasi na mahirap lang siya, pulubi, rather, tapos nandito sa bahay mo at may gana pa talagang makisakay sa kotse mo. Gracious! If I was you, I would mind having someone like him inside my car. He can't touch it. He can't even lay his fingertips on it."

"Brad-" I was about to explode when someone barged in. Glad it was Wilbert who was smiling from ear to ear when he saw me. Una niya akong nilapitan para hawakan sa bewang at ibeso sunod si Luke. Nakita ko kung paano rin nag-iba ang postura ni Bradly.

He's such a bitch. I can't even bring myself to level our bitchness. I mean, I was a bitch like him who likes to judge people, but ganito nga ba kasama ang ugali ko noon? What the fuck?!

"What brought you here, man?!" natutuwang bati ni Luke sa kaibigan saka nag-bro hug.

"Just feels like my own feet brought me here. Hi," binati ni Wilbert ang nagmamagandang si Bradly. Magiliw siyang tumayo, ay, malandi pala siyang tumayo saka inabot ang kamay kay Wilbert.

"I'm Bradly Barcelona. Ugh…" he sounded like a stray cat from the street. Para siyang sinasakal na pusa dahil sa kalandian niyang taglay. Nakakainis at ang sarap kalantariin ng leeg nitong si Bradly, Putangina!

"I'm Wilbert Skłodowska." Wilbert beamed a smile at him, making Bradly giggle in so much flirtation. Such a thick face!

"Marie Curie?" tanong ni Bradly.

"Ha? I'm not a singer." Tumawa sila habang ako ay umiikot ang mata sa inis.

"Ahm, my man, can I talk to you pala? Alone?" Nilingon ni Wilbert si Luke. Tumango si Luke sa kaniya.

"What for? Yeah, yeah, tara sa office." Binalingan ako ng tingin ni Luke. "Tristan, igala mo muna si Bradly sa labas. Please, no war." Halos matawa ako sa sinabi ni Luke, maging si Bradly ay narinig ko rin na tumawa. Gago talaga ang isang ito.

Subukan lang niya akong kantiin at baka sa putikan siya pupulutin.

TheButterflyReturns © 2022

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...