Ominous Melody

By WaxJin

589K 20.8K 8.9K

San Soriano Series 1 I once heard different kinds of lullaby. I familiarized the sound of harmony. And with h... More

SANYA MONDIEGO (SIMULA)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
PRIMITIVO SIWON SORIANO (WAKAS)

CHAPTER 9

11.2K 408 135
By WaxJin


"Kaibigan mo na rin ako, katulad mo lagi lang akong andito para sayo." Hindi na lamang ako nakapagsalita, patuloy ang pag-iyak ko sa kanyang dibdib habang siya naman ay hinahaplos ang aking buhok.

Hindi ko maisip, alam ko ang pagkukulang ko sa kanya kahit wala kaming label ngunit alam ko naman sa sarili ko na gusto ko siya. With or without label I promise to stay committed to him, only on him.

Wala akong magagawa, walang kami kaya naiintindihan ko pero bakit ganito? Bakit sobrang sakit? Wasn't I enough to make him stay commited only on me?

"Hindi ba maganda ang ugali ko, Primo?" Tiningala ko siya habang kaming dalawa ay magkalapit pa rin, maluha-luha pa rin ang aking mata at habang siya naman ay natagalan sa pagsagot habang ang mga mata namin ay magkatitigan.

"I love your personality, Anya. You're like the lady of sunlight, you always bring light to everyone in every aspects." Pinahid niya ang luha ko at ang kanyang parehong kamay ay nakahawak lamang sa aking mukha upang maharap siya. "Whatever the reason why you're insecure right now, I just want to let you know that in my whole twenty years in this world, you're second to the most beautiful woman i've ever seen. Of course my Mom is the first one."

"Salamat, salamat dahil andito ka ngayon Primo."

"Hindi lang ngayon, Anya. Pangako ko yan sayo." Ngumiti siya at muling pinahid pa ang mga luha sa aking mata. "Kung kailangan kong ipaalala sayo araw-araw kung gaano ka kaganda, gagawin ko, Anya. Huwag ka lang ulit ma-insecure."

Kumawala na ako sa kanyang yakap at nakaramdam na ako ng hiya dahil sa aming pinagsaluhang yakap, na-ilang ako kaya agad akong lumayo ng bahagya sa kanya.

"I already told you, wag kang mahiya o ma-ilang na sa akin, Anya." Ngumiti na lamang ako at hinawi ang buhok ko na humaharang sa aking mukha. "Gusto mo na magpahinga?"

"Oo."

Dumiretso ako palabas ng kwarto oras na matapos akong maligo, nakatulog naman agad ako kagabi dahil pinilit ko ang sarili ko kahit na gusto kong isipin ang nakita ko kagabi. Walang tigil ang pagtawag sa akin ni Dominique kaya naman pinatay ko na lamang ang aking cellphone.

Kumunot ang noo ko nang may salamin na bumungad sa akin, sa tapat mismo ng pinto kahit wala namang ganoon dati.

"Para saan po ito?" Tanong ko sa katulong na malapit sa akin.

"Pinalagay po ni Don Siwon yan." Tumango-tango na lamang ako kahit ako'y nalilito pa rin, dumiretso ako sa kainan at naabutan kong andoon silang lahat.

"Primo, para saan yung salamin sa tapat ng pinto ko?"

"Diba ang sabi ko sayo na araw-araw kong ipapaalala sayo kung gaano ka kaganda?" Natawa na lamang ako ng bahagya at na-upo sa kanyang tabi. "Do you have plans for today?"

"Wala naman, bakit?"

"We're going to Manila." Biglang sambit ni Psalm kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Para saan?"

"It's just for the event that a friend of our family hosted, matalik na kaibigan ni Malia o ang Mama nila Siwon ang gumawa ng event kaya kailangan namin na pumunta lalo na yung tatlong 'to." Nakangiting wika ni Don Hacinto.

"Yeah, even though I have tons of fucking things to do, no worries, I will." Sumandal si Hades sa kanyang upuan at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay.

"Sige, ingat na lang kayo-"

"Kasama ka." Napatingin ako kay Primo at uminom muna siya bago tumingin sa akin.

"Siwon doesn't want to leave you here alone." Komento ni Don Hacinto kaya naman napatingin agad ako sa kanya. Hindi ko alam ang dapat kong isipin dahil siguro ako na nag-aalala lamang si Primo. "We'll leave at 10AM."

"Sige po." Hindi naman na ako nakatanggi, sa totoo lang ay hindi pa ako napupuntang Manila, tanging dito lamang ako simula pagkabata sa San Soriano kaya wala akong kaalam-alam doon.

Sa paghinto at pagbaba namin sa aming sinasakyan ay agad na lumibot ang mata ko sa mga nagtataasang gusali, ang tanging mataas na gusali lamang sa San Soriano ay ang building mismo nila Primo at ang ganda pala nitong pagmasdan pag mga dikit-dikit.

"Now do you feel like Princess Jasmine? Where Siwon will sing you the song 'I can show you the world.'" Natatawang tanong ni Hades at ngumiti lamang ako. "I'm going to the nearest club here, cover up for me."

"Ano? Gusto mo ako na magsinungaling?"

"No, I just want you to tell them that I have some business here in Manila.."

"Pero paano pag tinanong ako kung ano 'yon?"

"Fuck, tell them I went for a dryhump." Binabato-bato niya pa ang susi bago siya umalis at ako naman ay natingin kay Primo na kausap sila Don Hacinto at Psalm.

Binuksan ko ang pinto kung saan ako matutulog, kanya-kanya kami ng mga kwarto at sa pagpasok ko ay agad akong namangha dahil sa salamin bilang harang ng kwartong ito kung saa kita ang napaka gandang view at ewan ko ba, gusto ko na kasama ko ngayon si Lola para makita niya ang mga ito.

"Sasamahan ka ng kaibigan dito ni Hades habang nasa party kami, Sanya." Napatingin ako kay Primo na nasa tapat lamang ng pinto at pinapanuod ako, nakafocus ako sa tanawin kaya hindi ko siya nililingon. "I'll give you a card, you can use it to buy anything you want."

"Kahit hindi na, Primo. Ayos lang ako kahit dito ako maghapon."

"That's not necessary."

"Ayos lang talaga, promise. Tingnan mo naman oh, ang ganda!"

"Pwede ba akong pumasok?" Tumango ako sa kanya at agad naman siyang lumapit at humarap sa salamin. "I still have plenty of hours before I get ready for the party, pwede kitang ilibot."

"Talaga?" Nawala na ang hiya ko kay Primo kahit na pakiramdam ko ay nakikita niya na ang mga mata kong kumikinang sa sobrang kasiyahan.

"Yeah."

May hawak akong ice cream ngayon habang magkasabay kaming naglalakad ni Primo dito sa Manila bay, nakatingin lamang siya diretso sa aming nilalakadan habang ako ay palibot-libot ang aking mata.

"Ang daming tumitingin sayo, Primo." Singit ko dahil napapansin ko ang mga taong tumitingin sa kanya. "Baka mga gusto nilang magpapicture? Kilala maging hangang dito ang pamilya niyo diba?"

"Ayaw nila eh." Natatawa niyang wika. "Unlike Hades. Psalm and I are not that approachable. Some says that we're too intimidating."

"Parang lahat naman kayo." Natawa siya at hinarap ako.

"Do you get intimidated on me?" Tumango ako ng bahagya, sa totoo lang ay oo naman talaga, parang minsan ang hirap gumalaw sa tabi ni Primo dahil parang sobrang perpekto niya. "Tell me how I can make it stop."

"Stop from what?"

"From making you feel intimidated on me, I want you to be comfortable on me." Tumawa lamang ako habang naiiling.

"Ayos lang naman, siguro dahil na lang din sa age gap natin."

"Age gap?" Kumunot ang kanyang noo at ako naman ay nailing na lamang habang bahagyang natatawa. "Wait for me here."

Tumango na lamang ako at nagfocus sa magandang tanawin, sobrang ganda rin pala dito. Sobrang ganda rin naman ng San Soriano pero siguro ay bago lang talaga itong tanawin na 'to sa paningin ko kaya manghang-mangha ako.

"Anya." Hinarap ko si Primo at nagulat ako sa kanya. Tinanggal niya na ang kanina ay suot niyang puting polo, ngayon ay white tshirt na lamang ang suot niya at ang kanyang itim na pantalon. May hawak na rin siyang ice cream at ang dahilan ng bahagya kong pagkatawa ay dahil may naiwan pang ice cream sa kanyang labi.

"Baliw ka talaga." Natawa siya at naupo sa tabi ko. I can't help but to get worried for the sleeve of his white shirt, it looks like it's about to rip because of his muscles.

"Anya, tell me something about you." Tumingin ako sa kanya ngunit naka focus lamang siya sa tanawin. "What's your favorite color?"

"Yellow, ikaw?"

"I don't know, white maybe?" Ginawi niya ang kanyang tingin sa akin at ngumiti, hindi ko maiwas ang aking tingin. Hindi ko maalis ang aking tingin sa kanya, ngayong tila ginintuan ang sinag ng araw at mas kinaganda pa ang pagiging moreno niya sa sinag ng araw. "May problema ba?"

"Wala." Umiwas ako ng tingin at inayos ang hawi ng buhok ko.

"What's your ideal guy?" Natawa ako sa tanong niya.

"Ano 'to? Slam book?"

"Anya, just answer my question, I want to get to know you more." Natatawa na lamang ako na umiling dahil sa pagiging seryoso niya bigla.

"Hindi ko alam, wala akong masasagot diyan. Kasi alam ko naman na mababalewala rin yang mga yan pag nahulog na ako sa isang tao." Tumingin ako sa kanya. "Ikaw? Sigurado ako mala Samira yan!"

"She's way too far from a girl that I could like. I want a girl who sees the best in everything, a girl who knows how to enlighten everyone. A girl like you, Sanya." Nanlaki ang mata ko at natawa naman siya sa akin. "Chill, i'm not saying that I like you. It just happened that you have everything that I like on a girl. And aside from our age gap, you're way too perfect for a guy like me."

"What do you mean way too perfect? Na-intimidate nga ako sayo kasi ang tingin ko sayo ang perpekto mong tao eh." Natatawa kong sambit.

"You're trying to oppose the idea of us not being capable for each other?" Nanlaki ang mata ko at umiling.

"No! I'm too young for you." Pagdepensa ko sa kanya at natawa siya, katulad ng palagi niyang ginagawa ay muli niya na namang ginulo ang aking buhok.

"Are you suggesting that I should wait?" Alam ko namang nagbibiro lang siya ngunit natataranta talaga ako.

"Hindi sa ganon, ang sa akin lang ay may babaeng mas nakalaan para sayo."

"Hmm, then i'll wait." Naguluhan ako sa kanyang binitawang mga salita at umiling-iling na lamang siya. "Tara na, baka magalit na si Papa dahil buntis ka at kung saan-saan kita nililibot, hindi maganda ang hangin dito hindi katulad sa probinsya."

Hindi na ako napuntahan nung kaibigan ni Hades dahil sa emergency kaya naman tulog lang ako ng ilang oras at nagising na lamang ako at gabi na pala. Mas lalo akong namangha dahil mas maganda pala ang syudad lalo na pag gabi dito, dahil sa mga nagtataasang gusali at mga ilaw nito.

Muli kong naalala ang rooftop, plano ko nga pala na gumawi doon. Lumabas ako ng pinto at bahagya akong nagulat nang makita ko si Primo na bubuksan na ang kanyang pinto. Tanging puting polo na long sleeves na lamang ang suot niya at bukas ang tatlong butones nito, habang ang kanyang coat naman ay nakasampay sa kanyang balikat.

"Anya? Late na, bakit ka pa gising?" Napansin ko na bahagya na siyang nahihilo dahil nakahawak pa siya sa kanyang sintido. "Matulog ka na, hatid na kita sa kama mo."

"Primo, kagigising ko lang."

"Ganon ba? Saan ka ba pupunta? Samahan na kita."

Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango sa kanya.

Para akong bata na tumakbo papunta sa harang ng rooftop, tuwang-tuwa ako sa nakikita ko. Sobrang gandang tanawin at para bang hindi ito nakakasawa na titigan.

"I know you'd enjoy this view." Nakangiting wika ni Primo ngunit ako ay nakafocus lamang sa magandang tanawin habang may malapad na ngiti sa aking labi. "San Soriano is already amazing but there's just something morethan San Soriano, this kind of scenery."

"Salamat, salamat dahil sinama niyo ako."

"We should, a family should always be together." Napatingin ako sa kanya na may gulat sa aking ekspresyon ngunit siya ay nasa mga gusali lamang ang tingin. "Pinalaki kami na lahat ng gusto namin o kailangan nabibigay sa amin, pero nakaka furstrate pala sa pagtanda. Meron kang gustong-gusto pero hindi mo naman makuha."

"Ang negative mo naman, Primo! Sabi ko naman sa'yo magiging konsehal ka, mananalo ka!" Tumawa siya at umiling-iling.

"I'm not talking about that, Anya." Natatawa niyang wika at hinarap ako. "I'm talking about life, there's just things I want to change so bad."

"What's wrong with your life? May kulang pa ba?" Hinintay ko na sumagot siya ngunit ang kanyang mga mata ay nakapokus lamang sa akin, ang kanyang mga labi ay magkahiwalay sa isa't isa.

"Anya." Ngumiti ako sa kanya, ngayon ko narealize na wala naman palang dahilan para ma-ilang pa ako sa kanya. Napakabuti niyang tao at alam ko na nasa tamang tatay ang magiging anak namin. "Ugh, tangina."

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya ngunit umiling na lamang siya at ginawi ang tingin sa mga nagtataasang gusali. "Primo, may tanong ako sayo."

"What is it?" He asked without even looking at me, na para bang iniiwasan niya ang mata ko.

"Paano mo malalaman sa sarili mo na masaya ka na?" Kumunot na ang kanyang noo at agad na gumawi ang tingin sa akin. "Don't get me wrong, masaya ako ngayon, lalo na may mga taong kagaya niyo sa paligid ko tapos magaling na ang lola ko."

"Ang babaw naman ng mga sinabi mo para maging masaya."

"Ha?" Nagulat kong tanong sa kanya, umiling-iling siya.

"Kung magiging masaya ka dapat dahil sa sarili mo hindi dahil sa mga tao sa paligid mo." Sumandal siya sa harang at ang mga mata ay naka focus lamang sa sahig. "Masyadong maikli buhay natin, piliin mo lagi kung saan ka sasaya."

"Masaya ako ngayon."

"Bakit iba pinapakita ng mga mata mo ngayon?" Biglang tanong niya at umiwas na lamang ako ng tingin matapos niya akong titigan. "Bawat araw na dumadaan gumagawa ako ng paraan para maging masaya ka lagi tapos sasaktan ka lang ng kung sinong gago yon? Tss."

"Ha? Anong sinasabi mo?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, alam niya kaya yung tungkol kay Dominique?

"Nothing, I just guessed that maybe you were crying and hurt because of a certain guy. I mean you have a life before our baby." Nagkibit balikat siya at ako naman ay nakatingin lamang sa kanya.

"Wala lang 'yon, wag mo na isipin yon." Natatawa kong wika sa kanya. "Ikaw? Pagkatapos kay Samira?"

"Ano meron?" Natawa ako ng bahagya dahil para siyang nairita sa tanong ko.

"Bakit?" Natatawa kong tanong dahil para siyang irita na tinanong ko lovelife niya. "Hindi naman kita pagtatawanan kung hangang ngayon hindi ka pa nakakahanap ng iba pagkatapos ni Samira."

"Hindi ko hinanap, kusang dumating." Lumapit ako sa kanya at tinusok-tusok ang kanyang braso gamit ang aking hintuturo na para bang kinukulit siya.

"Kwento naman diyan, saan mo siya nakilala?"

"Sa bar." Tumango-tango ako sa kanya, doon naman siguro talaga lagi na nagkikita ngayon. Naka-tingin lamang siya sa akin. "Ano iniisip mo?"

"Kung bakit lagi sa bar unang nagkikita yung mga nagiging magkarelasyon ngayon. Ayaw ba nila sa lugar na memorable?"

"Places becomes memorable because of the people in it, it doesn't matter what kind of place it is, Anya." Tumango-tango ako sa kanya, para bang sa araw na mga nagdadaan lagi akong may natututunan kay Primo. "Nagugutom ako."

"Gusto mo pagluto kita?" Napatingin siya sa akin at napakagat na lamang ako sa aking labi nang marealize ko ang sinabi ko. "Sorry, nadala lang-"

"Cook for me, please?"

Inangat ko ang tingin ko ngunit agad ko rin itong iniwas, paano ba naman habang nagluluto ako ay nakatitig sa akin si Primo. Andito kami sa kanyang kwarto dahil may kusina dito.

"Primo, hindi naman ako makakasunog wag mo na akong bantayan." Natawa siya at pumitas ng isang ubas na nasa lamesa at agad na sinubo iyon. "Bakit ka ba kasi nakatingin?"

"First time kita makitang magluto eh." Natawa na lamang ako sa kanya at pinagpatuloy ko na lamang ang pagluluto ko. Hindi ko alam kung magugustuhan niya itong luto ko na Kare-Kare, luto kasi 'to ng pamilya namin.

Nilapag ko sa kanyang harapan yung pagkain at agad naman siyang kumuha, hinintay ko ang reaksyon niya at kumunot lamang ang noo niya sa akin habang nasa gitnang ere ang kutsara niya.

"Dali na gusto ko malaman kung nagustuhan mo!"

"Just by the smell of it, I already know it'll be delicious."

"Eat na." Pinatong ko ang aking baba sa aking kamay habang pinapanuod siya, mukhang nasarapan naman siya at hindi ko mapigilan na ngumiti. "Recipe ng pamilya ko yan."

"Ang sarap."

Naka-ilang kuha siya ng kanina at nung pagkain habang nagkwekwentuhan lamang kami minsan ay tungkol sa pangangampanya niya minsan naman ay tungkol sa childhood naming dalawa.

"Akala ko diretso uwi na?" Naasar na tanong ni Hades bago bumaba ng van at sumunod naman sila Don Hacinto at si Psalm.

"Dito na lang ako, Primo." Kumunot ang noo niya sa akin.

"No, sumama ka."

"Ayos lang ako dito, tsaka nahihiya ako eh." Mayor kasi sa isang bayan dito sa Nueva Ecija ang pinuntahan nila, magtatayo ng isang branch ng Mall ng mga Soriano dito. Ang galing nga eh, sa kanila na yung mall tapos karamihan pa sa mga products sa market tatak Soriano rin.

"Are you sure?" Tumango na lamang ako, lumabas na siya at yung driver naman ay sumunod din sa kanila.

Tahimik ko na pinagmamasdan ang lugar na ito nang biglang may bumangga sa likod ng van. Mabuti na lamang ay hindi nakarating sa akin ang impact nito, agad ako na bumaba dahil sa takot at nakakita ako ng dalawang babae at isang lalake.

"Tangina naman Eloisa, yung motor ko." Wika nung lalake na blonde ang kulay ng buhok. "May tao sa loob!"

"Hala ate, sorry! Ayos ka lang ba?" Tanong agad sa akin nung babae na nagdrive nung motor, siya ata yung Eloisa.

"Tangina kasi ni Eloisa, sabi mo sanay ka magdrive ng motor?" Wika nung isa pa na babae na mukhang kaibigan din nila.

"Sanay nga ako magdrive ng motor, sa tom's world nga lang."

"Tangina yung motor ko."

"What happened here?" Napatingin ako sa nagsalita, isang lalake na nasa harapan lamang ng mga Soriano. "Eloisa Andrada-"

"Pa, nagtry lang naman ako magmotor hehe." Nagkamot pa ang babae ng kanyang batok.

"Are you alright?" Tumango ako kay Primo nang lumapit siya sa akin para tanungin ako.

"Kayo talagang tatlo kayo, matatawag lahat ng santo pag magkasama kayo." Hinihilot na ng lalake ang kanyang sintido at nagtutulakan pa silang tatlo kung sino ang haharap.

"Damn, that was hardcore." Tinuro ni Psalm ang motor na may mga gasgas na. "That'll sure cost a lot to repair the front."

"Mayaman ka naman Hollando, tsaka madami-dami pa kaming sisirain ni Eloisa na mga kotse at motor mo."

"Tss, shut up."

"Don Hacinto, pasensya na kayo sa nangyari sa van niyo, ipapaayos agad namin 'yan." Nakangiting wika nung lalake.

"Mayor." Napatingin kami sa kaibigan nung Eloisa nang tawagin niya yung tatay ni Eloisa. "Anong pangalan nilang tatlo? Parang mahal ko na sila."

Natawa ang mga Soriano at agad naman siniko ni Eloisa ang kanyang kaibigan.

"Ikaw talaga Gale, wala kang kahihiyan."

"Anong ako lang? Sabi mo nga ano kaya pangalan nung naka hoodie eh." Si Hades ang nakahoodie at mukhang walang pake dahil badtrip na badtrip na habang nakahawak sa phone.

"Tanga, yung nakawhite sabi ko."

"O siya, hindi naman kami nagmamadali. Tara na muna kayo sa loob, Mayor." Nakangiting wika ni Mayor at papasok na sana kami ng hatakin ako pabalik ni Primo.

"Madaming maganda libutan dito, tara?" Napatingin ako sa mga papasok na mga tao sa bahay.

"Sabi sayo jowa eh!" Wika nung Gale at ako lamang ata ang nakadinig dahil hindi naman pinansin ni Primo.

"Sige."

Na-upo agad ako nang magkaroon ng bakante, napapagitnaan kami ng madaming mga stalls ng mga pagkain. Sa totoo lang ay ang ganda nitong pinuntahan namin na ito, siguro na mas maganda ito pag gabi.

Nilapag ni Primo ang mga pagkain na binili niya karamihan ay mga street foods at may mga chicken wings din.

"Primo, c.r. muna ako."

"Samahan na kita, malayo pa ata."

"Walang maiiwan dito."

"Okay, just be careful." Tumango ako sa kanya at agad naman akong naglakad papunta sa C.R.

Malayo pa iyon kaya naman nang makapag C.R. ako ay agad ako lumabas ng cubicle. May kasabay ako na babae na nakatingin sa salamin at nag-aayos, ang ganda niya grabe.

Lumabas ako at kumunot ang noo ko dahil sinundan pa rin ako ni Primo.

"Primo, sabi ko sayo wag ka na sumunod ah? Walang maiiwan don." Kinalabit ko siya dahil nakatalikod siya at pagharap niya ay napaatras ako dahil hindi iyon si Primo.

"Hindi po ata ako 'yon Miss." Nahihiya niyang wika habang bahagyang nakangiti.

"Hala sorry po-"

"Migo." Napatingin ako sa tumawag, yung magandang babae kanina na kasabay ko sa C.R. Tumingin siya sa akin at bahagya akong natakot nang tumaas ang kanyang kilay sa akin. "Who are you?"

"Dior, akala lang ni ate ako lang yung hinahanap niya."

"You're so innocent, Migo. She's obviously flirting on you." Napakagat ako sa aking labi nang direkta iyong sabihin nung babae, tumalikod na siya at nanlaki ang mata ko.

"Ate!" Tinaasan niya ulit ako ng kilay. "May stain po kayo."

Agad na kumilos yung lalake na kasama niya at tinali sa bewang ng kanyang girlfriend ang jacket. Kamukhang-kamukha niya talaga yung mga Soriano, kaya ko rin siya napagkamalan na si Primo dahil sa kanyang katawan.

"Thanks, sorry for being mean at you." Wika niya habang nahihiyang nakangiti at ngumiti na lamang ako sa babae at biglang may tumawag sa akin.

"Hala! Sorry kailangan ko na umalis." Ngumiti pa sila sa akin na dalawa bago ako nagmamadaling naglakad papunta kay Primo at nakahawak siya sa phone niya mukhang tinatawagan pa rin ako.

"What took you so long?"

"May nakausap lang ako, akala ko nga ikaw yung lalake na kasama eh." Wika ko sa kanya at na-upo ako sa kanyang harapan.

"You shouldn't be talking to strangers, Anya." Gumawi ang tingin ko sa mga rosas sa ibabaw ng lamesa. "A kid sold me these."

"Talaga? Ang dami naman?"

"Binili ko na lahat para maka-uwi na siya." Inabot niya sa akin yon at nagulat ako dahil para sa akin pala 'yon.

Ngumiti ako at agad na inamoy iyon.

"Salamat, pero para saan 'to?"

"Small things makes you smile, so I thought that it'll make you smile." Wika niya at tumingin na sa kanyang pagkain. "I love seeing your sweet smile everyday, it's like a lips of an angel."

Continue Reading

You'll Also Like

5M 15.8K 8
Meet Yelena Rae Falcon, the substitute bride, kayang gawin lahat para sa pinakamamahal na lolo't lola niya na nag-alaga sa kanya mula noong bata pa s...
454K 12.2K 32
Fearless, bold, vicious and hostile. Ganoon kung ilarawan ng iba ang mapangahas na si Aleera Miguelle Valerious. Sa dating nitong kakaiba at nakakaki...
1.3M 54.6K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
1.4M 38.3K 44
Brittany Paris Donovan always had it all. A thriving career, supportive parents, a brother who spoils her, and friends that she can always lean on. S...