Obsessed Kale

By Ajai_Kim

440K 13.7K 3.1K

Dahil sa pagiging pursigido ni Bliss Santiviel na mapalapit sa tahimik at misteryosong transferee student na... More

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Epilogo
Author's Note

Kabanata 11

12.5K 458 168
By Ajai_Kim

Ngayon ay lunes na at kumakain ako sa Cafeteria kasama ang kaibigan ni Ash na si Kevin. Wala ngayon si Ash dahil pinatawag ito ng Principal namin at hindi ko alam kung bakit. Pinababantayan niya ako kay Kevin dahil baka lumapit na naman daw sa akin si Kale at guluhin ulit ako hays.

Ang isa namang kaibigan nilang si Loen ay wala ngayon dito sa school dahil nagpunta ito sa probinsya nila sa Samar dahil biglaan daw ang pagkamatay ng lola niya. Baka sa susunod na linggo pa raw ito makakabalik.

Napapansin ko na habang kumakain ako ay panay ang sulyap sa akin ni Kevin. Lumingon naman ako sa kanya at kaagad siyang nag-iwas ng tingin sa akin.

"Alam mo Kevin, kung may gusto kang sabihin sa akin e, sabihin mo na." Diretsahan kong tanong sa kanya.

Bumuntong-hininga naman siya na parang susuko na.

"Okay. May sasabihin ako sa'yo pero 'wag kang magagalit, ha? 'Wag mo rin sasabihin 'to kay Ash dahil alam kong magagalit siya kapag nalaman niyang sinabi ko 'to sa'yo." Seryoso niyang sabi.

Tumango naman ako bilang sagot.

Uminom muna siya sa hawak niyang juice in can bago siya nagsalita.

"Nung nag-away kasi sina Ash at Kale ay nakita ko 'yung buong pangyayari. Hindi sa kinakampihan ko si Ash dahil kaibigan ko siya pero nakita ko talagang si Kale mismo ang nagsadyang mabangga ni Ash dun sa Gymnasium. Kahit nga 'yung iba naming kasama sa P.E class e, nakita 'yon." He said.

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Really? Sigurado ka ba talaga diyan?" tanong ko. Tumango si Kevin.

"Bliss, nagsasabi ng totoo si Ash. Uminit lang talaga ang ulo niya dahil sa ginawa ni Kale sa kanya. Kaya ko sinasabi sa'yo 'to para maging aware ka sa lalakeng 'yon. You don't know him yet at sana kay Ash ka lang makikinig at maniniwala." Nagkibit-balikat siya saka niya inilabas ang cellphone niya.

Mas lalo lang akong naguluhan dahil sa sinabi ni Kevin.

Pero ano namang dahilan ni Kale at bakit niya ginawa iyon?

Ilang saglit pa ay nakita ko si Kale na papasok ng Cafeteria. Nakita niya ako at maging pati na rin si Kevin.

Bigla nalang sumama ang tingin niya dito at pagkatapos ay umupo na siya sa isang bakanteng upuan. Hindi naman siya napansin ni Kevin dahil naging busy na ito sa paggamit ng kaniyang cellphone.

Natapos na kaming kumain at ngayon ay nasa hallway na ako at naglalakad papunta sa susunod kong klase. Bigla ay may humila sa isang braso ko at nagulat nalang ako nang si Kale iyon.

"Kale? Ano-"

Hindi pa ako tapos sa pagsasalita nang kinaladkad niya ako hanggang sa makarating kami sa likod ng school.

"Ano bang-"

"Why are you with him?" Mariin niyang sabi.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang isinandal niya ako sa pader at ikinulong sa mga bisig niya.

"A-ano? Ano bang pinagsasabi mo dyan?" Tanong ko.

Sumama bigla ang tingin niya sa akin na ikinabigla ko.

"That guy in the Cafeteria. That's Ash friend, right? Bakit kasama mo siya?" seryoso niyang tanong.

Napailing naman ako na tila naguguluhan sa inaakto niya. "Wait, Kevin is my friend, okay? Wala ngayon si Ash kaya siya ang kasama ko. What's the matter if I'm with my friend?" Tanong ko at sinamaan siya ng tingin.

Inilapit naman ni Kale ang mukha niya sa akin.

"You already know why. Kukunin kita mula sa lalakeng 'yon." May diin niyang pagkakasabi.

May kung ano na naman akong kakaibang nararamdaman pero pilit ko nalang iyong hindi iniintindi lalo pa't nalaman ko na sinadya niya talagang mabangga siya ni Ash sa gymnasium. Nagsisisi tuloy ako na nagalit ako kay Ash at nasuntok niya itong si Kale.

Napailing ako.

"You're crazy. I need you to stay away from me at sana k-kalimutan mo na 'yang nararamdaman mo para sa akin dahil may boyfriend na ako. You can find another girl-"

And the next thing he did is,

He kissed me.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin lang kay Kale at halos hindi ako makagalaw habang siya naman ay patuloy pa rin sa paghalik sa akin. Bago pa ako mawala sa sarili ko ay kaagad ko siyang itinulak at sinampal.

"H-how dare you to kissed me?" Sigaw ko at napahawak sa labi kong hinalikan niya.

He's my first kiss for sake!

He stared at me with his blank face then he smiled suddenly.

"Why not? You're too annoying that's why I kissed you." Nagkibit-balikat lang siya.

"You're unbelievable! You can't do that to me!" Galit kong sabi at pilit na nilalabanan ang emosyon ko.

"I already did." Sabi pa niya.

Hindi ko na mapigilang mapaiyak. Hindi ko na alam ang iisipin at gagawin ko. Gulong-gulo na ako sa nararamdaman ko. Hindi pwede ito dahil alam kong mali ito.

"P-pwede bang tigilan mo na ako, Kale? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na si Ash ang g-gusto ko at hindi ikaw? Mahirap bang intindihin 'yon?" Umiiyak kong sabi.

Nakita ko pagtiim ng bagang ni Kale at malalalalim niyang paghinga na para bang pinipigilan ang sarili niyang huwag magalit.

"It's your fault why I'm like this. Ni maski sa sarili ko hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito ako. Simula nang dumating ka sa buhay ko ay hindi mo na ako pinatahimik!" Sigaw niya na ikinahinto ko.

"Ginulo mo 'yung tahimik kong buhay, Bliss. Kung hindi mo ako ginulo, sana hindi 'to nangyayari sa akin. Pinaasa mo akong gusto mo ako pero hindi pala. You played my feelings so don't blame me why am I doing this!"

Bigla niyang sinuntok ang pader sa likuran ko at nakita ko ang pagdugo ng kamao niya.

He glared at me.

"Are you happy now? I'm not in my usual self right now dahil kahit saan ako magpunta ay palaging mukha mo 'yang nakikita ko. You're always in my mind and I think mababaliw na ako kapag hindi kita nakikita..." Humina ang tono ng boses niya at bigla nalang itong napaupo sa sahig habang nakatayo pa rin ako.

Sinabunutan niya ang kaniyang sarili at umiling siya ng paulit-ulit.

"Kale..." Tanging nasabi ko nalang.

Tumingin siya sa akin at bigla nalang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.

"Hindi ba pwedeng tayong dalawa nalang?"

His words was full of sincerity. Nakikita ko sa mga mata ni Kale na totoo siya sa mga sinasabi niya.

Napayuko ako. Siguro ay lolokohin ko lang ang sarili ko kung sasabihin kong hindi ko gusto si Kale. I like him at hindi nagbago iyon.

It's my fault that I accepted Ash to be his girlfriend kahit hindi ko talaga siya gusto. Umaasa akong mababago ang pagtingin ko kay Ash pero nagkakamali pala ako dahil hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.

Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi ni Kale. Gulong-gulo ang puso't-isipan ko.

I heard him chuckled. "How can I forget you, Bliss? You're already ruining my life and I don't like this."

"Bliss!"

Napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Kevin na tumatakbo papalapit sa amin. Nang makalapit na siya sa amin ay bigla niya akong itinago sa likuran niya at tinitigan ng masama si Kale.

"Alam mo pre, girlfriend na 'to ng kaibigan ko kaya pwede bang lumayo-layo ka na sa kanya? Akala mo rin ba hindi ko napansin na sinadya mo talagang mabangga ka ni Ash nung P.E class? Ano ba talagang motibo mo kay Bliss?" Tanong ni Kevin ng sarkastiko kay Kale.

"Why would I do that? Hindi ba pwedeng malaki lang talaga ang galit ng kaibigan mo sa akin?" Sabi naman ni Kale at dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sahig.

"May gusto ka ba kay Bliss?" seryosong tanong ni Kevin.

"It doesn't matter to you if I like her or not." Sagot naman ni Kale hanggang sa nag-umpisa na siyang maglakad papalayo.

Akmang susugurin pa sana siya ni Kevin nang pinigilan ko ang braso niya.

"Kevin, hayaan mo na siya." Sabi ko.

Tinignan naman ako ni Kevin. "Ginugulo ka ba ng lalakeng 'yon, Bliss? Gusto mo bang sabihin ko 'yon kay Ash para-"

"No need to do that. Ayokong mag-away at magkasakitan pa ulit sila ni Ash dahil malaking problema lang ang dulot nun." I sighed.

Hangga't maaari ay kailangan ko na talagang iwasan ni Kale at kalimutan ang nararamdaman ko at mga sinabi niya sa akin. This can cause a problem at alam kong maaapektuhan rin doon si Ash.

"Are you sure about that?" tanong pa ni Kevin.

Tumango ako.

"Okay then. Tara na at ihahatid na kita sa next class mo." Sabi niya.

"Salamat." Ngumiti ako kay Kevin na bigla nalang namula at umiwas ng tingin sa akin.

"T-tara na nga!" Sabi niya at mas nauna pa siyang maglakad sa akin.

Anong nangyari dun?

Natapos ang isang buong araw ko sa Southern Academy at naihatid naman ako ni Ash ng maayos sa bahay. Tinanong ko siya kung bakit siya pinatawag ng Principal at ang sabi niya ay nagpapatulong pala si Principal kay Tito Wilbert para sa donation sa charity event na mangyayari sa school.

Nasa loob lang ako ng kwarto ko habang kumakain ng potato chips nang may biglang kumatok sa pintuan ko.

Pagkabukas ko ng pintuan ay si Kuya Andrei iyon na nakangiti sa akin.

"Oh kuya, pasok ka." Sabi ko at pinapasok si Kuya Andrei at pinaupo sa single sofa na nasa tabi lang ng bedside table ko.

"I'm sorry kung hindi na tayo nakapag-usap the other day." Sabi naman niya saka ito lumapit sa akin.

"Okay lang 'yon, kuya. Tell me kung ano ang problema mo at kung bakit wala ka sa mood noong Sabado?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Maniniwala ka ba sa akin sa lahat ng sasabihin ko ngayon?" Tanong ni Kuya Andrei.

Kaagad naman akong tumango.

"Oo naman, no. Spill it." Nakangiti kong sabi.

He nodded at pagkatapos ay sumeryoso naman ang tingin niya sa akin.

"Bliss, my classmates saw Ash na binubugbog si Argel kasama ang mga tauhan ni Tito Wilbert. He's in the hospital right now." Nabigla ako sa sinabi ni Kuya Andrei.

"What? P-pero bakit ginawa ni Ash 'yon kay Kuya Argel?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

I know Kuya Argel because that's Kuya Andrei's best friend na minsan ay nagpupunta rin dito sa bahay namin.

"We still don't know the reason, Bliss but I think it's all about you because you know that Argel had a crush on you and Ash knows that since then."

It's all about me?

Sino na ba talaga ang dapat kong pagkatiwalaan?

Si Kale o si Ash?

---
#

Continue Reading

You'll Also Like

His Silent Desire By Jai

General Fiction

542K 14.3K 33
"Y-Yuri? Anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong habang nakatingin sa lalakeng ilang araw nang ginugulo ang buhay ko. "Is that how you welcomed...
1K 59 77
Zhang Hao and Miciela Eris are bandmates from the popular band during their highschool. Just when the band was at their peak, Eris' departure from th...
Danger Alley By Jai

General Fiction

789K 18.8K 52
Sarina Vicencio is a beautiful 16-year-old girl who's a happy-go-lucky, kind-hearted, and humble girl. When she met her new best friend Macy's older...
580K 12.3K 43
I was a rape victim. A woman who has a dark history. No one knows. No one can ever know that crime apart from my broken self and him. It was an...