MARRIED At First Sight

Oleh Brad_Poison_Ivy

29.4K 666 65

VICERYLLE STORY Lebih Banyak

EXPLANATION
INTERVIEW
MATCHMAKING
THE WEDDING DAY
THE HONEYMOON ( 1st night)
1 WEEK HONEYMOON
7 DAY OF MARRIAGE (Rated SPG)
PAALAM NA!
5 YEARS AFTER
NICE TO MEET YOU....AGAIN!
MULING IBALIK
PUSANG GALA!
ANG PAGBABALIK
SPY VICE
#ALAMNA
NEW HOME, NEW LIFE, NEW BEGINNING
ASAR TALO!
BE PATIENT
ISTORYA
Selfish Alert
Happy Moments
-_- MALING AKALA -_-
MALING AKALA TALAGA
THE MAGIC WORD

THE TRAGEDY

944 28 1
Oleh Brad_Poison_Ivy

Araw ng Linggo...

Kapag ganitong araw na walang trabaho si Karylle ay tanghali na siya nagigising. Dalawang linggo na rin ang lumipas simula ng magbago ang schedule ng duty niya sa ospital. Karaniwan ring nauuna ang anak niyang magising kaysa sa kanya.

Inaantok pa siya nang maulinigan ang anak na pumasok sa kanilang kwarto at patalong sumampa sa kama upang siya'y gisingin. Nanggaling na ito sa labas ng kanilang bahay at binabati ng magandang umaga ang lahat ng nakikitang dumadaan sa tapat ng kanilang bahay.

"Mommy, wake up. It's Sunday." Niyuyugyog siya nito sa balikat. Inaalis ang kumot na nakabalot sa kanya.

"Hmmmm...."

"Magsisimba po tayo. Wake up."

Pinilit niyang idilat ang mga mata. Maliwanag na ang buong paligid. Pumapasok na rin ang sinag ng araw sa bintana ng kanilang kwarto.

Nilingon niya ang anak na masayang nakatunghay sa kanya. "Good morning baby!!" Bati niya rito.

"Good morning too Mommy" Inilapit nito ang mukha sa kanya upang i-kiss siya sa lips.

"Ang sweet talaga ng baby ko" Nakangiting wika niya.

"Syempre po! Sweet ka rin po kasi sa aming lahat" Bibong sagot nito.

Isa sa nagustuhang ugali ng kanyang anak ay ang hindi nito pagbi-baby talk. Kaya aliw na aliw siya lagi sa pakikipag-usap dito dahil parang matanda na ito kung magsalita minsan. Hindi naman sa ayaw niyang marinig itong nagbi-baby talk,pero dahil siguro madalas na pulos matatanda ang kausap nito,kaya naging matured na rin ang pag-iisip.

"Bangon na Mommy. Baka ma-late na tayo sa church" Anito.

Ano pa nga ba ang magagawa niya? Sadyang makulit si Nathalie kaya bumangon na sya ng tuluyan.

Alas-siyete na ng umaga. Ang susunod na mass nalang ang a-attend-an nila.

○◆○♡○♡○♢●♢○○♧[○♡○♤○■○♤¤~~《♢○♡•《》○○[○[▪▪¤○♡♢○•♡○¤¤○○》♢○○《○》○♧○♧○♧○♧○《○¤♤°♤○《○♢○♢○♢♢○

Sa Bahay Ng Mga Viceral...

Pababa na ng hagdan si Vice upang kumain ng agahan. Naabutan niyang tumutulong ang kanyang ina sa paghahanda ng mesa.

"Good Morning Ma," Bati niya sa kanyang ina.

"Good morning rin. Wala ka namang opisina ngayon ah, 'bat maaga yata ang gising mo?" Tanong nito pagkaupo niya.

Nasanay na ang mga kasama niya sa kanilang bahay na ten o'clock na sya nagigising kapag walang trabaho.

"Maaga po kasi ako umuwi kagabi. Hindi na kami gumimik ng mga bakla."

"Aba himala yata 'yon" Biro ng kanyang ina.

Lumapit kay Vice si Lalaine upang ibigay ang black coffee na tinimpla nito para sa kanya na tuwing umaga nitong ginagawa.

"Thank you" - Vice

"Okay po" - Lalaine

Nauna nang kumuha si Vice ng gusto nyang kainin sa hapag. Apat lang sila sa kanilang bahay kaya sabay-sabay na sila kung kumain.

"Sya nga pala Ma, may lakad ako ngayon. May pupuntahan lang po kami nina Archie at Buern." Aniya bago humigop ng kape.

"Saan naman? Di yata't napapadalas ang pag-alis-alis mo. Akala mo ba, hindi ko nababalitaan na umaalis ka sa opisina sa gitna ng trabaho mo? Aba naman anak, baka naman sa sobrang busy mo sa pagliliwaliw ay mapabayaan mo na ang mga negosyong ipinamana sa ng lolo mo." Litanya nito.

"Ma, ang iksi lang po ng sinabi ko. 'Bat ang haba naman po ng sagot mo?"

"Naku, kayo talagang mag-ina oh. Minsan na nga lang kayong magkita at magkasalubong dito sa bahay eh hindi pa kayo magkasundo." Sabat ni Manang Puring.

"Ito kasing alaga mo Manang eh. Tama ang sinabi mong minsan nalang kami kung magkita dito sa bahay pero ayan, palagi namang may lakad. Ito na nga lang ang araw ng bonding naming mag-ina kaso aagawin pa ng iba" May tampo sa boses na wika ng Ginang.

"Naku,naku,naku..si Mama talaga oh, ang hilig magdrama. Ma, promise, ngayon lang 'to. Next week magbababad tayo sa salon para magpaganda. Mother and daughter time" Nakangiting wika niya sa ina.

"Tagala ha? Sige, pagbibigyan kita ngayon" Masayang sagot nito.

"Promise po 'yan" - Vice

¤○}○♡~♡\●♢\《~○》》○♧○○♢●¤\¤~♤○}○》~》♢○•♢●《《~♡♢°○♤~¤■○>•♤¤♡●}●♢♡◇♢○♢○2♡《2●}●♢\[○[[○[○♢\\》\●}●♤《♢

Kalalabas lamang ng simbahan nina Karylle. Kasama nilang nagsimba ang mag-amang Dingdong ay Nathan pati na rin ang kanyang ina.

May nakitang mga nagtitinda ng lobo ang dalawang bata. Nagyaya ang mga ito sa kanila na bilhan sila ng lobo.

"Daddy, didiretso na po ba tayo sa sementeryo para dalawin ang puntod ni Mommy?" Tanong ni Nathan sa ama. Alam nito ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina nang minsang magtanong ito tungkol dito ay agad naman nilang sinabi sa bata ang totoo.

"Yes, Anak" Sagot nito. "Ma, Sasama ba kayo sa amin?" Anito sa Ina ng kanyang yumaong true love.

"Tamang-tama, balak talaga naming dalawin si Zayne sa next week. Eh kung pupunta rin pala kayo ngayon, aba'y sasama na kami." Sagot ni Ginang Chacha.

"Oo nga, hindi kasi namin nadalaw last week ang puntod nya. Tara, habang hindi pa gaanong masakit sa balat ang araw" Yakag ni Karylle.

Malapit lang naman ang sementeryo sa simbahan. Fifteen minutes kapag nilakad. Pero dahil may kotse naman si Dingdong at may bata silang kasama ay sumakay nalang sila dito.

Pagkarating sa sementeryo ay agad na nagsindi sila ng kandila na binili kanina sa simbahan. Inilapag naman ni Nathan ang dalang bulaklak sa nitso ng ina.

Saglit silang nagdasal sa puntod nito. Matapos makapag-alay ng dasal ay nagsalita si Nathan.

"Mommy, alam mo po. Lagi po akong top 1 sa klase namin. Nag-aaral po akong mabuti kasi sabi po ni Daddy kapag nag-aral raw po akong mabuti at magpakabait, magiging proud ka raw po sakin. I miss you Mom. Sayang po at hindi kita nakita. Pero kapag nami-miss po kita, tinitingnan ko lang po ang mga pictures mo. Alam ko po na lagi mo akong binabantayan pati si Daddy, si lola si Tita Mommy at si baby Nathalie. Thank you Mommy. I love you" Wika nito saka hinawakan ang nakaukit na pangalan ng kanyang ina sa lapida.

Ginulo naman ni Karylle ang buhok ng pamangkin. Napakabuting bata nito kaya sigurado siyang masaya ang kapatid niya kung saan man ito naroroon ngayon.

"Hi Zayne, tulad ng anak mo, miss na rin kita. Alam ko na gusto mong magkaroon ng magiging Mommy si Nathan na mamahalin sya at aalagaan hanggang sa paglaki. Ito na Zayne, three months nalang at ikakasal na ako kay Bea. Hindi mo man sya kilala ng personal, alam ko na nakikita mo sya ngayon. Darating na sya next month from states at dito na rin sa Pilipinas mag-i-stay kasama namin ng anak mo. Thank you sayo kasi, kung hindi ka nagpakita sakin sa panaginip ko gabi-gabi upang iparating ang gusto mong sabihin, hindi ko pa maiisipang buksang muli ang pag-ibig ko sa ibang babae. Sa panaginip mo ako tinuruan kung pano makapag-move on sa nakaraan ko. Kaya malaki ang pasasalamat ko sayo Zayne. Pero kahit makapag-asawa na ulit ako, mananatili ka paring nandito sa isip at puso ko." Madamdaming pahayag nito.

Niyakap si Dingdong ni Nathan. Tinapik naman ni Karylle ang balikat nito bilang pag-alo. Maging si Ginang Chacha ay masaya rin para kay Dingdong. Taos puso nitong ibinigay ang basbas sa lalaki nang humingi ito ng permeso sa kanya tungkol sa pagpapakasal kay Bea.

Hindi rin naging mahirap para kay Nathan na tanggapin si Bea para sa Daddy niya dahil malapit ang dalaga sa mga bata. Unang beses pa lamang na nagkita si Bea at Nathan ay agad na nagkasundo ang mga ito.

Syempre happy rin si Karylle para sa binata. Hindi naman nila ito pwedeng dektahan na huwag na itong maghanap pa ng ibang babae. Tulad sa sinabi ni Dingdong, minsan nya na ring napanaginipan ang kapatid. Nakuha naman agad nila ang gustong iparating nito. At 'yon ay ang mag-asawang muli si Dingdong.

Kinausap rin ng kanyang ina ang puntod ni Zayne. At maging sya ay may mga sinabi rin tungkol sa mga nangyayari sa kanila araw-araw. Maging si Nathalie ay nakisingit na rin na ikinatawa nilang lahat. Nagkwento rin kasi ito tungkol sa pagbakasyon sa Amerika at sa mga kalarong nang-aaway sa kanya.

Sabay-sabay na silang nagpaalam sa puntod ni Zayne. Nagpabuhat si Nathalie kay Dindong pabalik sa pinaradahan ng kanilang sasakyan. Malapit na sila sa kinaroroonan ng kotse nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok malapit sa kanila.

Nagulat silang lahat. "Oh My God! Ano 'yon?" Bulalas ni Karylle. Mga limang hakbang ang layo ni Dingdong sa kanila kasama si Nathalie. Napaatras sina Karylle habang mahigpit ang hawak kay Nathan at sa kanyang ina. Nagkubli sila sa ilang puntod na malapit sa kanila.

"Putok ba ng baril 'yon? Mukhang malapit lang dito sa atin" Kinakabahang wika ng ina niya.

May nakita silang tumatakbo patungo sa kanila na hinahabol ng mga pulis.

"Dingdong! Bumalik kayo dito! Papunta sa inyo ang lalaking hinahabol ng mga pulis!" Sigaw niya.

Ngunit bago pa makabalik si Dingdong ay nasa harap na nila ang lalaki. Huminto ito sa kanila at itinutok ang dalang baril. Sa kaliwang kamay nito ay may hawak na granada.

Nakita iyon nina Karylle. "Diyos ko! Si Nathalie!"

"Tita Mommy sina Daddy at baby Nathalie baka saktan ng bad guy" Umiiyak nang wika ni Nathan.

"Sssshhh..'wag kang maingay Kuya ha? Baka makita tayo ng bad guy" Pilit na pinapakalma ang sariling wika nito sa pamangkin.

Niyakap naman ng naiiyak na ring si Ginang Chacha ang apo upang hindi nito makita ang nangyayari.

Todo-todo na ang pagkabog ng dibdib ni Karylle. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ang ina niya'y nanginginig na sa takot.

"Huwag kayong lalapit! Nakita nyo itong hawak ko ha!" Itinaas nito ang kamay na may hawak na granada. Ginagawa nitong pang-cover sa mga pulis sina Dingdong at Nathalie.

"Ga-granada 'yan pare ah." Kinakabahang tanong ni Dingdong sa lalaki.

" Oo! Kaya isang pagkakamali lang ng mga pulis na 'yan, Boom!!! Sabay-sabay tayong tatlong sasabog! Hahahaha!" Sagot nito. Halatang high ito sa droga. Mapula ang mga mata nito at tila wala na rin sa tamang pag-iisip.

"Pa-pare parang-awa mo na. Huwag mong idamay ang bata. Pare, baka pwedeng pag-usapan natin ang problema mo" Pangungumbinsi ni Dingdong. Nasa likod niya ito at nakatutok parin ang baril sa kanila ni Nathalie.

" 'Wag mo 'kong mapare-pare! Pari-pariho lang kayo! Ano!? Kukumbinsihin mo akong sumuko? Pagkakatapos 'non anong mangyayari? Papatayin parin nila ako diba!!?" Galit na wika nito. Mas lalo pa nitong idinikdik ang baril sa batok ni Dingdong.

Ang mga pulis naman ay dumistansya sa kanila. Kailangan nilang pagplanuhan ang dapat nilang gawin upang hindi mapahamak ang hostage nito.

Lingid sa kaalaman ng lalaki ay napapalibutan na siya ng mga pulis. Hindi nga lang maka-aksyon ang mga ito dahil may hawak itong granada at kahit anong sandali ay pwede itong sumabog.

"Ano!!? Hindi kayo aalis!? Isa! Nangangati na ang kamay ko! Baka hindi ako makatiis at maisipan ko nalang na pasabugin itong hawak ko! Umalis kayo!" Sigaw nito.

Hindi pa nakuntento ang lalaki. Pilit nitong inaagaw si Nathalie kay Dingdong.

"Akin na 'tong batang 'to!" Gamit ang kamay na may hawak na baril ay pilit nitong kinukuha ang bata sa pagkakabuhat ni Dingdong.

"Pare 'wag! Maawa ka sa bata. Ako nalang nalang ang saktan mo." Mahigpit niyang niyakap si Nathalie para hindi ito makuha sa kanya.

"Bitawan mo sabi eh!" Pinalo siya nito sa ulo gamit ang hawak na baril. Sa lakas ng pagkakapalo ay nakaramdam siya ng hilo kaya lumuwag ang pagkakahawak kay Nathalie. Nakuha ng lalaki ang bata sa kanya.

Lalo namang lumakas ang iyak ni Nathalie dahil nasasaktan na siya.

"Tito Daddy!!! Mommy!!" Malakas na iyak nito.

Sa murang edad nito ay alam na niya ang nangyayari. Napapahikbi siyang lalo kapag nakikita niya ang mukha ng lalaki na galit na galit sa mga pulis.

May tumulong dugo sa ulo ni Dingdong ngunit hindi niya alintana ito. Lakas-loob parin siyang lumalapit sa lalaki upang pakiusapan ito na bitiwan na ang bata. Dumidestansya na ito sa kanya.

" Huwag kang lalapit! Papatayin ko ang batang ito." Banta nito. Patuloy lang sa pag-iyak si Nathalie. "Tumahimik ka! Naiirita ako sa kaiiyak mo!" Sigaw nito sa bata. Palipat-lipat ang pagtutok ng baril nito sa mga nakikitang pulis at kay Dingdong.

Pinipilit naman ni Nathalie na huwag umiyak.

Naalarma si Karylle nang makitang pilit na inaagaw ng kriminal si Nathalie kay Dingdong. Naaawa na siya sa kanyang anak. Bahala na, lumabas siya sa pinagtataguan upang pakiusapan ang wala sa sariling lalaki. Kanina pa rin siya umiiyak sa pinaghalo-halong nararamdaman.

Pinigilan pa siya ng kanyang ina pero kailangan niyang tulungan ang anak niya. May isang pulis na di kalayuan sa kanila ang sumenyas na huwag na siyang magpakita sa kriminal. Pero hindi parin niya sinunod ito.

Ang ina niya at si Nathan ay maingat na nilapitan ng isang pulis upang ilayo sa pinangyayarihan ng krimen.

"Nathalie!" Tawag niya sa anak. Nakita siya ng kriminal.

"Mommy!"

"Kuya please! Parang awa mo na, wala naman kaming kasalanan sa iyo. Huwag mo nang idamay ang anak ko." Naluluhang pakiusap niya habang maingat na lumalapit sa mga ito.

"K, huwag ka nang lumapit dito." Awat ni Dingdong.

"No! Anak ko ang nasa panganib. Hindi ko kayang nakikita syang natatakot at nasasaktan" Sagot niya. Tuluyan na siyang nakalapit sa tabi ni Dingdong. Isang dipa ang layo nila sa kriminal.

"Bibitiwan ko lang ang batang ito kapag umalis na ang mga pulis! Ano ako gago na basta ko nalang ibabalik sa inyo ang batang ito? Aba'y para na akong nagpakamatay nyan." Saad nito.

Si Karylle na mismo ang nakiusap sa mga pulis na umalis na. Sumunod naman ang mga ito. Umatras ang iba, pero may ilang pulis namang nasa tamang pwesto na hindi umalis.

"Wala na sila, kaya malaya ka nang makakaalis. A-akin na po ang anak ko" Ani Karylle.

Ngunit tila walang balak itong ibigay sa kanila si Nathalie.

"Salamat sa pagpapaalis sa mga pulis pero mukhang maganda itong anak mo ah." Makahulugang wika nito.

Mas lalong kumabog ang dibdib ni Karylle sa sinabi ng lalaki. "Sumunod ako sa sinabi mo! Kaya ibalik mo na sakin ang anak ko!" Sinugod niya ang lalaki at pinaghahampas sa braso. "Bitiwan mo ang anak ko!"

Sinasalag naman ng kriminal ang bawat paghataw ni Karylle sa kanya. Nang maubos ang pasensya sa ginagawa niya'y malakas siya nitong itinulak kaya napaupo siya sa lupa.

Itinutok ng lalaki ang baril kay Karylle at akmang papuputukin ito pero mabilis na hinawakan ni Dingdong ang kanang kamay nitong may hawak na baril. Pumutok ito. Natigilan si Dingdong at mabilis na sinulyapan si Karylle na nabigla rin pagkarinig ng putok ng baril. Mabuti na lamang at nakaalis agad siya sa pinagbagsakan niya dahil kung hindi ay malamang na natamaan na siya ng bala. Napaatras siya at bahagyang dumistansya.

Napalakas ang iyak ni Nathalie dahil buhat parin siya ng lalaki na ngayo'y nakikipagbuno kay Dingdong. Dahil isang kamay lang ng kriminal ang nakahawak kay nathalie ay naisipan niyang kagatin ang balikat nito.

"Aaahhhh!!! Put*ng-in*!!!" Sigaw nito.

Sa lakas ng pagkakakagat ni Nathalie ay nabitiwan siya ng lalaki. Pagkatapak ni Nathalie sa lupa ay hindi ito umalis sa kinaroroonan nila kahit na naritinig na nitong tinatawag siya ni ng kanyang ina.

Palipat-lipat lang ang tingin niya sa kanyang mommy at sa dalawang lalaking nag-aagawan ng baril.  Hawak parin ng kriminal ang granada sa kaliwang kamay nito.

"Nathalie, tumakbo ka na papunta sa Mommy mo bilis!!" Ani Dingdong sa gitna ng pakikipagbalyahan sa kriminal na doble yata ang lakas sa kanya.

Ngunit tila walang narinig si Nathalie at nanatili lang na nakatayo sa tabi nila. Hindi na rin ito umiiyak. Tahimik lang itong nakatingin sa nangyayari sa harap niya.

Ilang beses nang tinatawag ni Karylle ang kanyang anak na lumapit na sa kanya ngunit hindi siya sinusunod nito. Kaya nama'y siya na mismo ang lumapit sa anak upang kunin ito. Patakbo niyang nilapitan ang anak. Pero bago pa niya nabuhat ito palayo sa dalawa'y isa pang muling putok ang pumailanlang.

Napasigaw si Karylle. Tsaka niya nakita ang nanghihinang si Dingdong na nakahawak sa tagiliran at may dugo sa kamay.

"Oh my god!!" Nabulalas ni Karylle. Hawak na niya ngayon si Nathalie sa kamay. Dinaluhan niya ang natumbang si Dingdong. Paluhod siyang umupo sa tabi nito at nagpapanik na tinatawag ang pangalan ni Dingdong. Si Nathalie nama'y nakamasid lang sa kanila.

"Hahahaha!!! Wala ka palang sinabi sakin eh!! 'Yan ang bagay sayo! Gago!" Wika ng lalaking high sa druga. Wala na talaga ito sa sariling pag-iisip. "Huwag kang mag-alala! Dadamayan ka namin sa kabilang buhay!" Wika nito. Inipit nito ang hawak na baril sa kaliwang kili-kili.

Nahihintakutang tiningnan ni Karylle ang lalaki. Nakahawak na ito sa pin ng granada.

"Magsama-sama tayo sa imp-"

Hindi nito natapos ang sasabihin. Napaatras ito na parang lasing. Iyon pala'y ginamitan na siya ng sniper ng mga pulis. Tinamaan siya sa bandang dibdib. Matagal bago natumba ang kriminal. Umaatras lang ito hanggang sa napasaldal sa isang puntod.

Bago ito tuluyang malugmok sa kinatatayuan ay itinaas pa nito ang kanang kamay upang ipakita ang hawak niya saka ngumiti.

Nanlaki ang mata ni Karylle sa nang makitang natanggal pala nito ang pin ng granada. Ang sunod na ginawa ng lalaki ay ang hayaang malaglag sa lupa ang hawak nito.

Mabilis pa sa alas-kwatro ang ginawang pag-cover ni Karylle sa anak na nakatayo. Sinunggaban niya si Nathalie upang pumailalim ito sa kanya. Ilang hakbang lang ang layo nila sa lalaki kaya alam niyang maaabot sila ng pagsabog.

Ilang segundo nga ay dumagundong ang paligid dahil sa lakas ng pagsabog. Naramdaman ni Karylle na may nag-cover rin sa kanya. Si Dingdong na noo'y nawalan na ng malay.

Bago pa siya makahuma sa pagsabog ay unti-unti nang dumilim ang kanyang paningin. Tunog ng ambulansya ang huli niyang narinig bago siya nawalan ng ulirat. Ang sumunod na pangyayari ay hindi na niya nasaksihan.

◆○¤♡}●♡○》○♢\♧●♢•》¡○♧●♧●}•♡●《○♢~♧~♡●¤○¤¤~○♡》○》~♢○○♡•♡♤○¤○》○♢○[[○♧~¡¡~♧○♧○♢¤¤《~♢♢○♢○¡○》○}♡○

Isang breaking news ang tumambad sa magkakaibigang sina Archie, Buern at Vice nang makapasok sila sa bahay nina Bernard. May sakit ang huli kaya naisipan nila itong dalawin at dalhan ng mga pagkaing paborito nito.

Pasalampak ang pagkakaupo ni Archie sa sofa habang sina Vice at Buern ay dumiretso sa kusina upang kumuha ng malalagyan ng kanilang mga dalang prutas sa kaibigan. Ang may sakit na si Bernard ay nakaupo rin at nanunuod ng balita.

"Isang lalaking lango sa druga ang nang-hostage sa sementeryo. Isa patay, tatlo ang sugatan" Malakas na basa ni Archie sa caption ng balita.

Hindi pa ipinapakita ang video kaya baliwala lang sa kanila ang balita.

"Hay naku! Laganap na talaga ngayon ang mga adik. Pati ba naman sa simenteryo? Ano 'yong hinostage nya 'don? Mga bangkay?" Natatawang wika ni Buern.

"Kaya kayo mga sister, mag-ingat sa mga boylet ha? 'Wag basta-basta sumama sa mga lalaki. Mamaya nyan adik pala ang sinamahan nyo tapos pagdating sa eskinita eh hu-hold-up-in lang kayo. Alam nyo naman ang panahon ngayon." Sabat ni Vice.

"Vice!!!!! Halika dito bilis!!!" Nagpapanik na sigaw ni Archie.

Patakbo namang sumugod sa sala sina Vice at Buern.

"Bakit!? Anong nangyayari sayo? Nakakita ka na naman ng gwapong pulis sa tv?" Ani Vice.

"Tingnan mo 'yong babaeng isinasakay sa ambulansya. Si Karylle 'yan di ba?" - Archie

Napatitig ng mabuti si Vice sa ipinapakitang Video ng mga sugatan. Tila bumigat ang pakiramdam niya nang mapagtantong si Karylle nga 'yong babae.

Isa pang lalaki at batang babae ang ipinakitang walang malay na mabilis na isinakay sa ambulansya. Namumukhaan niya ang mga ito.

Kanunod nito'y ipinakita rin ang naka-blured na video ng namatay na kriminal dahil sa pagsabog.

Pakiramdam ni Vice ay tumigil ang mundo niya. Tila naging tahimik ang buong paligid para sa kanya. Nanghihinang napaupo siya sa sofa sa tabi ng mga kaibigan. Tapos na ang breaking news.

Nag-aalalang dinaluhan si Vice nina Archie at Buern. Mabilis namang iniutos ni Bernard sa kanilang kasambahay na ikuha ng tubig na maiinom si Vice.

"Okay ka lang ba? Namumutla ka." Ani Archie.

"Ang lamig ng mga palad mo Vice" Saad ni Buern.

"Ito tubig, uminom ka muna. Ano ba kasi ang nangyari sayo? Kilala mo ba ang mga biktima sa balitang 'yon? Tsaka sino si Karylle?" Naguguluhang tanong ni Bernard.

"Si Karylle! Hindi mo natatandaan? May lagnat ka lang pero hindi ka ulyanin! Si Karylle! 'Yong kasama natin noong pumunta tayo sa Bulacan. 'Yong ex-wife ng kaibigan natin! Oh ano? Natatandaan mo na ba?" Malakas na wika ni Buern.

"Ah si Karylle!" - Bernard

"Oo! Si Karylle nga!" - Buern.

"Ano ba kayong dalawa? Tigilan nyo nga ang kakabanggit sa pangalang ni Karylle. Nakita nyo na ngang halos himatayin na sa balita si Vice oh!" Awat ni Archie.

"Bat binanggit mo rin ang pangalan nya." Saad ni Bernard.

Hindi na lamang ito pinansin ni Archie. Binalingan niya ang natahimik na si Vice. "Vice, natulala ka na dyan. OA ka makapag-reak ha. Oo, kaibigan na rin natin si Karylle pero bakit ganyan ka-tindi ang reaksyon mo?"

Doon nahimasmasan si Vice. Huminga siya ng malalim. Tumingin sa Tv.

"Kaibigan nga natin sya. At hindi naman lingid sa inyo na ex-wife ko sya di ba? May pinagsamahan rin kami. At sa saglit na panahong nakasama ko sya...." Muli siyang huminga ng malalim bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "..naging mahalaga na sya sa'kin. May puwang na sya sa puso ko na hindi nawala kahit limang taon na ang lumipas" Walang pag-aalinlangang wika niya.

Nagkatinginan sina Archie, Buern at Bernard. Sabay-sabay rin silang tumingin kay Vice na hindi makapaniwala sa narinig.

"Tomboy ka?" Malanding tanong ni Buern.

Inirapan lang ni Vice si Buern.

"Ano pang hinihintay nyo dito? Hindi ba dapat ay tumatakbo na kayo papunta sa ospital kung saan dinala sina Karylle!?" Ani Bernard.

"Tama! Halika na Vice!" Aya ni Archie.

"Tatakbo talaga? Hindi sasakay?" Singit ni Buern.

"Ewan ko sayo! Maghanap ka nga ng kausap mo!" Nakangusong sagot ni Bernard.

Nagpaalam na sina Archie, Buern at Vice kay Bernard. Hindi makakasama ang huli dahil masama parin ang pakiramdam nito. Kaya mabilis na tinungo nina Vice ang nakaparada nilang sasakyan upang tumungo sa ospital kung saan isinugod sina Karylle.

◇○■♤•♡•♡●♢○》《¤○{○♡~◆•♤♤~¤○♢○♢•♡■•>○♤~♢~○[○[}《~♢~~]○}○♡○《~♡♢~♢♧~[○]•[○♤~《○♧♧●●♡♤♢~♧○■◆○♡♢○

Sa ospital kung saan isinugod sina Karylle...

Aligagang tinanong ng magkakaibigang sina Vice kung nasaan na ang mga biktima ng pagsabog na naganap sa sementeryo kani-kanina lamang. Agad namang nakilala ng mga nurse si Vice kaya hindi na ito nagtanong kung kaano-ano sila ng biktima.

"Si Miss Ana Karylle Tatlonghari po at si Mr. Dingdong Yuzon na biktima ng pagsabog ay kasalukuyang nasa operating room habang ang batang si Nathalie ay nasa room 143." Magalang na sagot nito.

"Oh sige,sige. Salamat!" Wika ni Vice sabay takbo sa operating room.

"Your welcome sir!" Habol na sagot ng nurse.

Sa labas ng operating room ni ay naabutan nina Vice ang umiiyak na si Ginang Chacha. Nasa tabi nito ang batang lalaki na halatang katatapos lang rin umiyak dahil humihikbi pa ito.

Nang makita ni Ginang Chacha si Vice ay napahagulhol ito ng malakas.

Mabilis namang lumapit si Vice sa ina ni Karylle upang yakapin ito. Hindi niya namalayan na maging siya ay lumuluha na rin.

Mahigpit ang pagkakayakap ni Ginang Chacha kay Vice. Wala nang mas bibigat sa pakiramdam ng Ginang ngayon, dahil tatlong tao na mahahalaga sa kanya ang nasa kritikal na kondisyon.

Si Karylle ay nawalan nang malay nang matamaan sa ulo ng lumipad na simento mula na nawasak na puntod. May ilang maliliit na sugat rin sya sa kanyang mga braso at binti na nabagsakan ng mga nagliparang pira-piraso ng simento.

Si Nathalie naman ay nawalan rin ng malay-tao dahil sa nahirapan itong huminga dahil sa pagsalakay ng sakit na hika. Idagdag pa na dalawang tao ang dumagan sa bata kaya lalo itong nalagay sa panganib.

Habang si Dingdong ang mas kritikal sa tatlo. Bukod sa tama ng bala sa tagiliran ay siya rin ang sumalo ng mga nagliparang simento nang mawasak ang dalawang puntod na sinandalan ng kriminal. Pinilit niyang bumangon upang protektahan sina Karylle at Nathalie.

"Ano po ang nangyari?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Vice kay Ginang Chacha.

Sina Archie at Buern ay nakatayo lang sa gilid ng pintuan ng operating room. Hindi nila masilip ang loob ng kwarto dahil sa nakatakip na kulay berdeng tela.

Hindi makapagsalita si Ginang Chacha. Iyak lang ito ng iyak habang yakap parin ni Vice. Si Nathan naman ay nakaupo lang sa isang tabi. Maya-maya'y nagyaya ito na puntahan ang kwarto kung saan naroroon si Nathalie.

"Sya nga pala Vice, si Nathan, apo ko. Pamangkin ni K" Sabi ni Aling Chacha sa gitna ng paghikbi.

"Hi" nginitian niya ito at paluhod na umupo sa tapat ng bata upang kahit papano'y mapagaan niya ang loob nito. " Huwag kang mag-alala. Magiging okay ang Tita Karylle mo"

"Pati po si Daddy at Baby Nathalie?" Malungkot na tanong nito.

Tumingin muna si Vice kay Aling Chacha bago sumagot. "Yes! Pati ang daddy mo at ang kapatid mo"

"Hindi ko po kapatid si Baby Nathalie. Pinsan ko po sya. But I love her like my real sister." Malungkot paring sagot nito.

Bago pa may masabing iba si Nathan ay agad na pinutol ni Aling Chacha ang pag-uusap nina Vice at Nathan.

"Nathan, apo, halika na sa kwarto ni Baby Nathalie" Hinawakan ni Aling Chacha ang kamay nito.

Nagpaalam saglit si Aling Chacha kina Vice upang puntahan naman ang apong si Nathalie.

Hindi na nagtaka si Aling Chacha kung bakit nasa ospital ngayon si Vice. Napanood malamang nito ang nangyaring trahedya kaya napasugod rin ito doon.

Ang ikinatakot lang niya ay kapag nalaman nito ang tungkol kay Nathalie. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Bahala na. Basta sa mga oras na ito'y isa lang ang dasal niya. Ang mailigtas sa kritikal na kondisyon ang mga mahal niya sa buhay.

Exit---------------------------------------->>>>>>>>>>>>>

Itutuloy.....

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

81.7K 1.9K 35
Paano kapag ang Enemy mo ang mapapakasalan mo? Makakaya mo kaya? Makakaya mu bang makibagay sa kanya kung puro away, bangayan, sigawan, murahan at as...
71K 908 24
- Sofia Lopez & Gino Park - " Hoy! Ikaw.. halika nga rito. Ulitin mo nga ito, " wika ni Gino ky Sofia, sabay hagis sa hawak nitong mga papers sa kany...
365K 7.9K 28
Highest rank #2 in short story. lyr father wants to marry her to his bestfriend son and shes not agree with it.. she get drunk on a bar and give her...
127K 2.3K 58
My isang babae ubod ng ganda sa probinsya ng bacolod na ma iinlove sa isang lalaking Mayaman Gwapo Na ang pangalan ay JOSE EZEKIEL 'ruru ' MADRID wha...