ISTORYA

1.2K 31 3
                                    

Dalawang araw matapos ang pag-uusap nina Vice at Karylle sa mini bar ay pareho na nilang iniiwasan ang isa't isa. Hangga't maaari ay gumagawa sila ng paraan para hindi magkasalubong sa loob ng bahay.

Alam ng mga kasama nila sa bahay na may tampuhan ang dalawa. Si Manang Puring naman ay walang magawa na mapag-ayos sina Karylle at Vice dahil magsasalita pa lamang siya ay inuunahan na ito ni Vice ng pag-alis.

Hindi iyon alam ng ina ni Karylle. Dahil nang magpaalam ito sa kanila na uuwi na sa Pasig ay naging maayos ang pagharap nila sa isa't isa. Hindi kasama ng kanyang ina sa pag-uwi ang kanyang pamangkin dahil nakiusap ito na maiwan na muna doon dahil bakasyon nya na rin naman raw sa iskul. Wala namang nagawa ang daddy nito kundi payagan nalang ang anak nang tawagan nila upang ipagpaalam muli ang pag-stay nito sa bahay nina Vice.

NAKANGITING pinagmamasdan ni Karylle sina Nathalie at Nathan parehong nakasalampak sa sahig ng kanilang kwarto habang nagkukulay ang mga ito sa coloring book na binili ni Vice para sa anak.

Simula nang dumating ang kanyang pamangkin sa bahay ni Vice ay nakikitaan na niya ng pagbabago ang kanyang anak. Hindi na ito tulad ng dati na hindi talaga umiimik o sumusunod kapag may sinasabi siya. Ngayon kasi ay tumutugon na ito sa kung ano man ang kanilang sabihin.

Naalala rin niya na kung minsan ay bigla nalang nagigising ang anak sa kalagitnaan ng pagtulog at tila takot na takot at balisa. Siguro ay dapat na niyang sundin ang sinabi ni Bea na kumuha ng trauma therapists para mas mapabilis ang paggaling ng anak.

Nasa malalim siyang pag-iisip habang nakatingin parin sa mga bata nang may kumatok sa pinto ng kanilang kwarto. Tumayo siya upang pagbuksan ang kumakatok. Nabungaran niya si Lalaine na may dalang tray ng pagkain.

"Ate K, pinapahatid po si Kuya Vice. Meryenda po para sayo." Anito saka iniabot sa kanya ang dalang tray na may lamang isang slice ng pizza,burger at orange juice.

Napakunot siya ng noo. Bakit kaya pinahatiran siya ng pagkain ni Vice? Napaisip siya. Oo nga pala, matapos ang tagpo sa mini bar ng bahay ni Vice ay hindi na siya nakakakain ng maayos. Pero paano nya naman 'yon nalaman? Tsaka concern ba ito sa kanya? Imposible!

"At pinapababa po ni Kuya, sina Nathan at Nathalie para makapag-meryenda rin raw po."

Naputol ang pag-iisip ni K nang magsalitang muli ang dalaga.

"Ate K? Ok ka lang ba?"

"Pasensya na, may naalala lang ako. Ano nga ulit ang sabi mo?"

"Pinapababa po ni Kuya Vice ang mga bata. At ubusin mo raw po ito kasi baka raw po magkasakit ka. Alam po kasi ni Kuya na hindi ka kumakain sa tamang oras."

"Paano nya nalaman 'yon?" Nakakunot noong tanong ni Karylle.

"Kay Nanay Puring po. Pinababantayan ka kasi ni Kuya kay Nanay Puring kung kumakain ka sa tamang oras." Mahinang sabi nito na tila ba takot na may makarinig sa kanilang pag-uusap. "Sige na ate K, kainin mo na 'to. Kailangan ko na pong bumalik sa kusina. Baka magtaka si Kuya Vice kung bakit matagal ako dito. Isasama ko na rin po sa baba ang mga bata."

"Hindi ako nagugutom. Pakisabi nalang kay Vice na busog ako." Seryosong wika ni K at pinuntahan ang anak at pamangkin.

"Pero Ate K-"

"Wala nang pero pero Laine. Hindi pa talaga ako nagugutom." Awat niya sa sasabihin pa ng dalaga.

"Kuya Nathan, stop na muna 'yan. Meryenda muna kayo ni Baby Nathy." Aniya sa mga ito.

"Sige po. Baby Nathy, tara kakain muna tayo." Masiglang wika nito sa pinsan.

"Sabay na kayong bumaba ni Ate Lalaine ha? Magliligpit lang ako dito sa kwarto." Ani K sa pamangkin.

MARRIED At First SightWhere stories live. Discover now