7 DAY OF MARRIAGE (Rated SPG)

1.6K 26 0
                                    

PAALALA : Ang bahaging ito na inyong mababasa ay hindi angkop sa mga batang katulad mo. Patnubay at gabay ng kapitbahay ang kailangan. Hindi naman kasi pwedeng sina nanay at tatay ang kasama mo habang nagbabasa ka nito,kung ayaw mong kurot at sabunot ang makuha mo sa kanila✌

TRIVIA : Alam mo ba na ang pagbabasa ng palihim sa mga rated SPG part ay masama sa kalusugan? May mga bahagi kasi ng ating katawan na mabilis ang reaksyon sa ating nababasa. Nagiging green minded ang isang tao at mabilis na gumagana ang ating utak upang ma-imagine ang ginagawa ng mga tauhan sa iyong binabasa. Lumalabas rin na nagmumukha kang baliw sa reaksyon mo sa mga weird na salitang iyong mababasa. Kaya mga kids, maaaring lumipat na kayo sa kabilang pahina upang hindi na ninyo mabasa ang mga hindi nyo dapat mabasa.Makinig kay ate ha? Wag kang ano jan...

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Sa pagpapatuloy....

Updated ang Lolo ni Vice sa lahat ng mga nangyayari sa kanila sa isla. Humingi ito sa pamunuan ng show ng kopya ng mga live video sa lahat ng ginagawa ng kanyang apo at nang babaeng pinakasalan nito.

Maging ang matanda ay nababahala na rin sa kalalabasan ng pagsasama ng dalawa. Ayaw nitong mauwi lang sa lahat ang pagpilit niya sa kanyang apo na magpakasal ito sa isang babae. Nang mapapayag niya ito ay gusto niyang siguraduhing magiging maayos ang pagsasama ng dalawa hanggang sa huli.

Alam niyang matalino ang kanyang apo. Kaya nitong pamahalaan ang lahat ng negosyo niya. Natatakot lang ang matanda na kapag dumating ang araw na mawala siya sa mundong ito ay maiiwang mag-isa ang kanyang apo. Oo ngat nandito pa ang kanyang ina. Ngunit iba parin kapag may sarili itong pamilya.

May naisipang gawin ang Lolo ni Vice para sa huling araw ng mag-asawa sa isla. Nag-request ang matanda sa pamunuan ng show na siya ang magbibigay ng maaaring gawin ng dalawa.

Hindi naman nakatanggi ang nasabing show sa matanda dahil malaki ang naitulong nito sa kanila noong nagsisimula palang ang married at first sight. Isa ang matanda sa sponsor ng show,hanggang ngayong season 3.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"GOOD MORNING!!!" Masiglang bati ni Vice nang makita si Karylle na pababa ng hagdan. Maaga siyang nagising upang magluto ng kanilang almusal. Last day na nila ngayong araw sa isla kaya gusto niyang maging masaya ang araw na ito para sa kanilang dalawa.

"Anong nakain mo at ikaw ang nagluto ng agahan natin samantalang ako lagi ang gumagawa nyan?" Tanong ni Karylle ng makalapit siya sa dining table at umupo.

"Good morning too. Oh ito coffee for you" Ani Vice. Iniabot niya kay Karylle ang bagong timplang kape.

Napangiti naman si Karylle sa walang direksyong mga sinasabi nila.

"Salamat" Humigop siya ng kape. Muli siyang nagtanong. "Bakit?"

Napakunot naman ng noo si Vice. "Anong bakit?"

"Bat mo 'to ginagawa ngayon? Nag-iba na ba ang ihip ng hangin?"

"Dahil gusto kong gawin. Dahil gusto kong matikman mo rin ang luto ko. Dahil huling araw na natin dito kaya gusto kong maging masaya lang tayong dalawa. At dahil ayaw kong magbangayan tayo ngayon." Paliwanag ni Vice.

"Dahil sa gusto mo lang? Pano naman ang gusto ko? Lahat ba ng gustuhin mo dapat magawa at makuha mo? Siguro spoiled ka noh? Solong anak at apo ka lang eh" Sunod sunod na tanong ni Karylle.

MARRIED At First SightNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ