A/N: Hi! Eto na po yung chapter 6.
Pero sorry kung medyo magulo. .kagigising ko lang po hehehe ^_^V
Enjoy.
---------
Zenjie POV ~~~
"PRINCE ZENJIE VELARDEZ! KAPAG HINDI KA BUMANGON! PAPASABUGIN KO TONG PINTO NG KWARTO MO!"
Tsk. Hindi ko pinansin si ate at natulog ulit. Grabe ang aga aga pa. Inaantok pa ako.
*Boooogs*
Agad akong napamulat sa narinig ko at halos lumabas ang mata ko sa pag kagulat. .
Si Ate sinira ang pintuan ng kwarto ko.
"PRINCESS ZEYLIN VELARDEZ! ALAM MO BANG KAPAPALIT KO LANG NG - -
" A-aray! aray! ate masakit!"
"Sinisigawan mo ako ha? "
habang pinipilipit ang tenga ko. Shit naman! napakasadista talaga,
"Hi-hindi A-aray ! ate bitawan mo na ang tenga ko.!"
Binitawan nya ang tenga ko at ramdam ko ang pumumula nito.
Hindi ba nya alam na masakit? puyat pa ako, tapos pag gising ko isang may sungay na babae ang makikita ko? (not literally) Naman kainis!
"Oh anong sinisimangot mo dyan? Bilisan mo at bumaba kana! tawag ka ni daddy at kung ako sayo magmamadali na ako. . Kilala mo si daddy ayaw ng pinaghihintay."
sabi nya at lumabas ng kwarto ko. .
Si daddy? naandito? Wow! himala eh sa pag kakatanda ko hindi umuuwi si daddy sa bahay at bakit? hindi ko alam ang dahilan.
At dahil sabi nga ng aking sadistang ate ay tawag ako ni daddy, dali dali akong bumangon sa kama at kung hindi, hindi lang pintuan ng kwarto ko ang masisira. at kung mas mamalasin pati narin ang gwapo kong mukha.
Dali dali akong pumasok sa kwarto at ginawa ang morning ritual ko, napasigaw pa ako sa lamig ng tubig nakalimutan kong gumamit ng heater.
Nasa hagdan pa lang ako ramdam ko na ang kakaibang presensya sa bahay, sobrang tahimik ang maririnig mo lang ang mga bahagyang pag galaw ng mga katulong. ibang ibang pag wala si dad.
Pumunta ako kung saan naandon si daddy at tahimik na kumakain kasabay si ate at si mommy. Tumigil muna ako sa paglalakad at nagpawala ng malalim na paghinga.
"Come here son."
Isang malamig na boses ang narinig ko na mas lalong nagpakaba sa akin. Bakla man kung tatawagin pero kung may bagay akong kinatatakutan.
Yun ay Si Alezandro Velardez ang daddy ko.
Tahimik akong naglakad at umupo sa upuang katapat ni ate. Pati siya halatang kinakabahan, napansin ko si mommy na walang emosyon sa mukha. Di ako magtataka dahil ganyan si Mom pag naandito si Dad.
"How's school?"
Napatingin ako kay dad ng muling magsalita hindi sya nakatingin sa akin pero alam ko na ako ang tinutukoy nya.
"O-okay lang dad"
pinilit ko na huwag ipahalata ang nanginig kong boses.
"Really?"
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi kaya alam ni dad ang mga ginagawa ko sa school?
"Alam mong ayaw ko ng tarantado sa eskwelahan ko."
Shit! alam nya nga.
"I know dad"
"Good, alam mo nasiguro ang gagawin,"
tumingin sa akin si dad at kung kanina ay nakokontrol ko pa ang kaba ko, ngayon ay nanginig na ako sa takot. . Dahil sa mata niya, sa mata nyang kahit sino ay matatakot tignan.
"Oras na suwayin mo ulit ako. .
I'll kill you."
ang huling salita na yun ang lalo nag panginig sa akin. .dahil alam kong kaya nyang gawin yun kahit sa sarili nyang anak.
Hindi na ako nakasagot at pakiramdam ko halos hindi na ako makahinga.
"Alezandro tama na. Sige na zenjie pumasok kana. Malalate ka"
Tumingin ako kay Mommy, kahit walang emosyon ang pagkakasabi nya alam kong tinulungan nya akong makaalis sa bahay na to.
"ye-yes mom,dad I'll go ahead. "
Alam kong wala akong matatanggap na sagot mula sa kanila,
Ganyan ang nangyayari pag nauwi si daddy lahat nababago dahil sa nakakatakot nyang aura, wala halos na hinga, at walang nais gumawa ng ingay.
Hindi ko alam kung bakit ganyan si daddy, pero nag simula syang maging ganyan ng mamatay ang bestfriend nya. Kahit si mommy nagbago pero mas malala si daddy, itinuring na kasi nilang kapamilya ang taong yun kaya ganoon na lang ang epekto noon sa kanila bata pa ko ng mamatay ang bestfriend nya, naalala kong minsan ko na silang nakita pero hindi ko tanda kung anong itsura nila. . He even killed, at hindi ako tanga para hindi malaman na isa rin syang mafia boss at isa akong mafia prince sa ayaw o sa gusto ko.
Habang nag dadrive ako pilit kong kinalma ang sarili ko,sa school doon ko lang nararamdaman ang pagiging isang velardez, hinahangan at minamahal.
*Ring*
"Hello Rex"
sagot ko sa kabilang linya.
"Hey bro! Nasaan kana? kanina pa naghihintay sayo ang mga magagandang binibini"
sabi sa kabilang linya.
"Hahaha I know malapit na ako sa school. Wait lang sila at dadalhin ko silang lahat sa langit! hahahaha"
sagot ko sa kanya narinig ko rin ang tawanan ng iba kong kaybigan. Nakaloud speaker ang mokong! haha
"Hahaha sige! Share-share sa chix ha!hahaha"
narinig ko pang sagot nya bago pinatay ang tawag na pangiti nalang ako.
Sa school doon ko nalalasap ang kaligayahan. Hahaha!
-----------
Paglabas ko ng kotse halos mabingi ako sa mga tilian ng mga babae, ngumiti ako ng pag ka tamis tamis. .hahaha iba talaga ang gwapo!
"Whaaaaaah! Prince zenjie merry me!"
"Prince Zenjie ang pogi mo talaga!"
"Zenjie my babylove, my heart, my life, my world, my everything!"
halos matawa ako habang naglalakad sa narinig ko. Hahaha my everything? Hahaha
Natatanaw ko na ang barkada ko ng mapatigil ako sa paglalakad.
"Sino yung babae pre?! Ang ganda nya!"
"Ngayon ko lang sya nakita, grabe ang ganda nya!"
"Shit pre! parang angel"
"Witwiw! ang sexy mo miss! akin kana lang!"
Narinig kong sigaw ng mga schoolmate kong lalaki, nakita ko rin ang mga barkada ko na parang natulala, teka? Maganda daw! lilingon na sana ako ng maramdaman kong may bumanga sa akin ayy! Hindi! may nauntog sa likod ko.
"Sorry"
Narinig kong sabi nya, Gamit ang mala- angel na boses pero malamig
Dahan-dahan akong humarap at nakita ko ang babaeng dahan-dahang inangat ang mukha.
Shit!
Angel to!
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala, bumalik lang ako reyalidad ng may tumapik sa braso ko.
"Hoy bro! Earth to! gising!"
Sabi ni rex, lumingon lingon pa ako para makita ang hinahanap ko pero wala na.
"Teka! nasaan yung babae?!"
Tanong ko sa mga barkada ko.
"Bro naka alis na! grabeng tulala ka! Tinamaan ka ano?"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni josh at pilit kong hinanap ang babae.
" Saan nagpunta? "
tanong ko. Takte! bakit pa kasi ako natulala sa angel na yun. Ang ganda nya grabe.
"Malamang! pumasok na!"
Sagot ni rex.
Pumasok? ibigsabihin dito sya nag aaral? Bakit di ko napansing nakauniform sya? ay bobo! natulala nga pala ako.
"Good! papasok tayo. Hahanapin natin sya"
sabay ngiti ko. Wala na akong narinig na tutol sa kanila dahil alam kong interasado rin sila dun sa babae.
"Miss Angel, magiging akin ka"
A/N: HELLO READERS! AYOS BA? nakakatakot ang daddy ni zenjie!
haha anyway Miss. Angel daw? Haha
Thank you for reading.
Vote and comment. Pleaseeee.
-YummyPandaBear