A Women's Pain (Pain Series #...

By twiinnyyyqueen

148K 4.7K 1.7K

Sabi nila pag nagmamahal ka dapat handa kang masaktan, pero hanggang saan mo kayang magtiis para sa taong mah... More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36

CHAPTER 24

2.2K 70 25
By twiinnyyyqueen

Third Person's POV

Halos mapaupo na sa kinakatayuan niya ang isang lalaki habang nakatingin sa isang bahagi nang park kung saan katapat lang nang restaurant na pinag kainan nilang mag kakaibigan, naramdaman nito ang panginginig at pangingilabot na dumaloy sa buong katawan niya.

"Dre?" Agad itong napalingon sa kanyang kaibigan nang tawag siya nito pero agad ding bumalik ang tingin niya sa park kung saan nito nakita ang isang bulto nang babae, ganun nalang ang pagkakunot nang noo niya nang ibalik ang tingin sa may park at wala na dun yung babae.

Unti unti nitong naramdaman ang panginginig nang kanyang tuhod kasabay nun ang dahan dahan nitong pag dausdos, buti nalang at naging alerto ang dalawa nitong kaibigan dahilan para masalo siya agad.

Nagmadali itong sinakay sa sasakyan nang kanyang kaibigan at pilit na kinakausap pero nakatulala lang ito sa kawalan. "Hey! Are you okay?"

"Fuck! Kevin, kausapin mo kami." Puno nang pag aalalang sabi nang isa niyang kaibigan at bahagya pa siya nitong sinampal dahilan para matauhan siya.

"H-ha?"

"Ayos ka lang ba? Kanina kapa namin kinakausap pero nakatulala ka, ano bang nangyayare sayo?"

"W-wala, uwi na tayo." Agad na nagkatinginan ang dalawa niyang kaibigan dahil sa inasta nito

Naguguluhang sumakay sa sasakyan ang dalawa niyang kaibigan habang siya ay nakatulalang nakatingin sa bintana nang sasakyan, naipikit niya nalang ang kanyang mata kasabay nun ang pag agos nang kanyang luha.

Hindi maaari ito, dahil ang babaeng nakita niya kanina lang sa may park ay patay na at hindi na kailanman babalik pa.

Kevin's POV

Tulala lang akong nakatingin sa labas nang bintana habang pauwi sa bahay namin ni Katherine, napansin kong tumingin sa akin si Alexander dahilan para agad kong pinunasan ang luhang umaagos sa pisngi ko.

Ramdam ko padin ang panginginig nang katawan ko, hindi ako halos makapagsalita at para bang may batong bumara sa lalamunan ko.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na din kami nang bahay, agad kaming kumuha nang maiinom at dumeretso sa graden tutal mag aalasais na nang gabi kaya di na mainit sa labas.

Habang nasa kalagitnahan kami nang pag iinom ay naririnig kong masayang nag kwekwentuhan ang dalawa kong kaibigan habang ako ay diko maiwasang isipin ang babaeng nakita ko kanina, napaka impossible man pero parang totoong siya talaga yung nakita ko.

Natauhan nalang ako nang kalabitin ako ni James dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Ayos ka lang dre?" Nag aalalang tanong nito sakin pero diko iyon sinagot at agad akong nag iwas nang tingin sa kanya.

"Oo nga, ayos ka lang ba? Kanina kapa tulala." Nagtatakang tanong naman ni Alexander sa akin pero diko siya magawang tapunan nang tingin.

"O-oo."

"Anong oo? Kanina pa kami nag aalala sayo ha, wala ka sa sarili mo." Napapikit nalang ako dahil agad na rumihistro sa isip ko ang mukha niya, napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang luha kong nag babadyang bumagsak.

Shit ano ba tong nangyayare sa akin? Naramdaman ko nalang na may bahagyang yumugyog sa balikat ko dahilan para maimulat ko ang mata ko. "Ayos ka lang?"

Tumango lang ako dahil feeling ko may kung anong bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapag salita. "Ano ba Kevin, anong nagyayare ba talaga sayo? Pagkalabas natin nang restaurant kanina nakatulala kang nakatingin sa park, sino ba yung tinitignan mo dun kanina? Ilang beses kana kaya namin tinawag ni Alexander pero parang wala kang naririnig."

"Nakita ko siya." Wala sa sariling bigkas ko, naguguluhan naman akong tinignan nang dalawa kong kaibigan.

"Sino?" Sabay nilang tanong.

"Nakita ko siya, nakita ko si Katherine." Biglang nangilabot ako at tumaas ang balahibo ko nang banggitin ko ang pangalan niya.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nila lalo sa si Alexander. "W-what?" Halos pabulong na sabi ni James dahil sa gulat at bahagya pa itong nakakunot ang noo.

"Napaka impossible man pero nakita ko talaga siya mga dre." Napayuko nalang ako at napasabunot sa buhok ko. "Nakita ko siya, nakita nang dalawang mata ko." Hindi ko na napigilan ang pag agos nang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"P-pero wala na siya Kevin, patay na siya." Agad kong naramdaman ang tindi nang kirot sa dibdib ko nang sabihin sa akin iyon ni James.

"Sa sobrang kakaisip mo lang yan kaya kung ano ano nalang nakikita mo, kailangan mong ipahinga yan dahil baka kulang ka lang sa tulog kaya ka nag kakaganyan." Dugtong pa ni James, hindi naman ako sumagot sa kanya at agad kong kinuha ang isang bote at itinungga iyon.

Nang maubos ko ang laman nun ay napatingin nalang ako sa langit at mapait na ngumiti. "I wish you were here so I could tell you how much I need you right now and how much I love you Katherine." Wala sa sariling bigkas ko at naibato ko nalang ang boteng hawak ko dahilan para mabasag iyon.

"I-i miss you." Halos habulin ko na ang hininga ko dahil sa paninikip nang dibdib ko, napapikit nalang ako habang nakatangay parin sa langit at hinayaang umagos ang mga luha ko. "I miss your voice. I miss your smile. I miss your smell. I miss your hug. I miss your laugh. I miss how you made me feel how much you love me. I fucking miss everything about you Katherine, I miss you so much."

Naramdaman ko nalang ang pag hagod sa likod ko dahilan para mas lalo akong mapaiyak, yumuko ako at sinakop nang dalawa kong kamay ang mukha ko.

It hurts, sobrang sakit na nang nararamdaman ko Katherine. Sobrang sakit na halos mamatay nako sa sakit, hindi ko alam kung hanggang saan ko makakayanan itong sakit na nararamdaman ko.

NAGISING nalang ako dahil sa sinag nang araw na tumama sa mukha ko, agad akong napahawak sa ulo ko nang makaramdam ako nang pagkahilo.

Shit, ano bang nangyare kagabi? Wala na ako halos maalala dahil sa kalasingan ko. Pilit akong umupo sa kama at hinilot ang sintido ko, naparami ata inom ko kagabi.

Napatingin nalang ako sa wall clock dito sa dating silid nang asawa ko at mag aalas otso palang nang umaga, ang aga ko naman nagising tch.

Tatayo na sana ako sa pagkakaupo ko nang biglang tumunog ang cellphone ko, napakunot nalang ako nang noo nang makita ko kung sino ang tumatawag.

Angel's calling. . .

Diko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil simula nung nag usap kami sa park na malapit sa subdivision namin ay yun na ang huling araw na nakita at nakausap ko siya.

Napag disisyunan kong sagutin iyon. "H-hello?" Ramdam ko ang pag aalinlangan sa boses niya nang mag salita ito.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko, ayaw kong mangunahan nanaman ako nang galit ko. "Anong kailangan mo?"

"Puwede ba tayong mag kita at mag usap?"

"Para saan pa?" Mag usap? Para saan pa? Ano pa ang dahilan bakit kailangan pa namin mag usap?

"P-please?" Napapikit nalang ako, siguro kailangan ko ito ngayon at yun ang makausap ko siya nang maayos at matapos na nang tuluyan ang namamagitan sa aming dalawa.

"Fine, kita nalang ulit tayo sa park na malapit sa subdivision namin." Sabi ko at agad kong binababa ang tawag, napabuntong hininga nalang ako at tumayo na.

Hindi ko alam kung papaano ko siya pakikitunguhan pagkatapos nang lahat nang ginawa niya sa akin, hindi ko alam kung ano ang mararamdam ko pag nakaharap ko siya muli.

Ilang buwan na din ang nakalipas nang huli ko siyang nakita at nakausap, dahil pagkatapos nang pagkamatay nang asawa ko ay naging mailag ako sa lahat nang tao.

Hindi ako lumalabas nang bahay at mas piniling magkulong nalang at umiyak habang yakap yakap ang litrato nang asawa ko.

Agad akong nakarating sa park kung saan ko siya huling nakita, umupo ako sa isang bench sa ilalim nang puno kung saan madali niya akong makikita pag dumating na siya.

Sakto ang pag uusap naming ito dahil ako lang ang tao ngayon dito sa park, panigurado sa mga oras na ito ay nasa eskwelahan ang mga bata.

"Kevin." Agad akong napatingin sa direksyon kung saan ko narinig ang isang boses na tumawag sa akin at dun ko nakita si Angel.

Tinignan ko lang ito habang papalapit sa akin, tahimik lang akong pinagmamasdan siya. Agad itong umupo sa bench na inuupuan ko dahilan para mapaiwas ako nang tingin sa kanya at tumingala ako sa puno tsaka ko pinagmasdan ang mga dahong samasayaw dahil humahangin, habang pinag mamasadan ko ang mga ito ay hindi ako nag sasalita at pinapakiramdaman ko lang siya.

"I'm sorry. Patawarin mo ako sa lahat nang nagawa ko sayo, patawarin mo ako kung nasaktan kita nang sobra pero maniwala ka hindi ko iyon sinasadya." Narinig ko ang marahang pag hikbi nito. "May sakit sa puso ang anak ko at kailangan niyang maoperahan sa lalong madaling panahon, napilitan akong makipag relasyon sa iyo para makakuha nang pera para sa pampagamot sa anak ko. Ina ako Kevin, ina ako na lubos na nag mamahal sa anak."

Bigla namuo nalang ang luha sa mata ko nang may mabuong malaking katanungan sa isip ko. "Did you ever love me?" Wala sa sariling sabi ko dahilan para marinig ko itong natigilan sa pag iyak. "Minahal mo ba ako o pera lang talaga ang habol mo sa akin?"

"H-how can you even ask that?"

"Just tell me the truth."

"About what?" Hindi ko alam pero bigla nalang uminit ang ulo dahil sa tanong nyang iyan.

"Did you ever love me?!" Dahilan para hindi ko na mapigilan ang siriling kong mataasan siya nang boses.

"I'm sorry." Napapikit nalang ako dahil sa narinig ko, diko alam pero bigla nalang akong mahinang natawa habang inalala ang mga panahong kung gaano ako katanga.

"Thank you . . . For finally telling me." All this time ako lang pala ang nag mamahal sa aming dalawa? Na pera ko lang ang habol niya sa akin? Na kailanman ay hindi niya ako nagawang mahalin? Isa lang masasabi ko, napakalaki kong tanga.

"Sana humingi ka nalang nang tulong, hindi yung ginago mo ako nang ganito." Mahinang bigkas ko at pilit na pinakalma ang sarili ko.

"Patawarin mo ako pero dipa huli ang lahat para sa inyo ni Katherine, buntis siya Kevin. Buoin mo ang pamilya mo, bawiin mo ang mag ina mo." Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o masasaktan dahil sa sinabi niya.

Tangina paano ko babawiin ang mag ina ko? Paano ko bubuoin ang pamilya ko kung wala na sila? Paano ko magagawa yun kung patay na silang dalawa?

"Ginagago mo ba ako?" Galit akong napatingin sa kanya at ganun nalang gulat niya dahil sa naging reaksyon ko.

"H-hindi Kevin."

"Paano ko pa bubuoin ang pamilyang sinasabi mo kung patay na silang dalawa ha!?" Hindi ko maiwasang mapagtaasan ko siya nang boses at kita ko ang pagkakunot nang noo niya, takang taka itong nakatingin sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa binitawan kong salita sa kanya.

"H-ha? Paano nangyare yun? Kasi-" Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nang biglang mag ring ang cellphone nito na agad din niyang sinagot, tinitigan ko lang ito habang may kausap sa telepono.

Habang tumatagal na kasama ko siya ay unti unting lumilinaw ang nararamdam ko, isa lang ang masasabi ko ngayon. Wala na akong nararamdaman para sa kanya dahil natabunan na iyon nang pag mamahal ko kay Katherine, pag mamahal na habang buhay kong babaunin hanggang sa huli nang hininga ko.

Nabalik nalang ako sa reyalidad nang tawagin ako nito. "Ha?" Wala sa sariling bigkas ko.

"Sabi ko aalis na ako." Pag papaalam nito at tumayo tsaka marahang pinagpagan ang puwetan niya.

"Pero di pa tayo tapos mag usap."

"I know pero kailangan ako nang anak at asawa ko ngayon, mag usap nalang ulit tayo sa susunod." Tumango nalang ako bilang sagot ko, nag umpisa na itong mag lakad papalayo nang may maalala ako.

"Angel." Agad itong tumingin sa akin. "Pinapatawad na kita."

"Salamat Kevin." Kita ko ang pag patak nang luha sa mata niya, nginitian ako nito kaya ngumiti din ako sa kanya tska ito nag umpisang maglakad papalayo sa akin.

When a deep injury is done to us, we never heal until we forgive and I believe that everyone deserve a second chance. I forgive not because I forget what they did, I forgive because I deserve peace.

Alexander's POV

Ang hirap na kailangan mong magpanggap sa iba na okay ka lang kahit na alam mo sa sarili mo na hindi, mapapaniwala ko man ang iba pero kailanman ay hindi ko madadaya ang sarili ko.

*Flashback.*

"Hello? Sino to?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Ako ito Alexander si Katherine, kailangan ko nang tulong mo andito ako ngayon sa hospital."

Agad nalang akong napatayo sa narinig ko. "What?!" Napansin kong nakatitig sa akin ang dalawa kong kaibigan.

"Wag mong sabihin kahit kanino na buhay ako please, itetext ko sayo kung nasaang hospital ako ngayon." Kahit naguguluhan ako ay pilit kong pinakalma ang sarili ko para hindi ako mahalata nang dalawa kong kaibigan.

"Ok, papunta nako." Wala sa sariling bigkas ko at binaba ang linya nang telepono.

"Sino yun?" Agad na kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba nang tanungin ako ni Kevin.

"A-ah, si Mom nabutasan daw siya nang gulong kaya kailangan ko nang umalis." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at nag madali akong umalis sa harap nila, Shit!

Nanginginig akong naglalakad papalabas nang mansyon nila, nang saktong matapatan ko ang pintuan kung saang tanaw ko ang kabaong ay agad akong nangilabot. Kung si buhay si Katherine, sino yang nasa loob nang labaong na yan?

Nang makarating ako sa sasakyan ko ay agad ko itong pinaandar at tumungo sa hospital na tinext sa akin ni Katherine.

Hindi ko alam kung anong nangyayare dahil gulong gulo ako ngayon, ang daming katanungan na nabubuo sa isip ko at gusto ko nang kasagutan tangina. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating ako sa hospital na sinasabi ni Katherine at nagmadali akong tumungo sa information desk. "Katherine Kaye Mondragon-Lopez." Sabi ko sa nurse na agad din niya namang tinignan sa computer.

"Room 08 po Sir." Agad nalang akong napatakbo patungo sa room 08, nang marating ko ang silid na iyon at nanginginig ko itong binuksan.

🎶You and me, we got along just fine
But deep inside I know there is more
Right next to you
I know you're the right one
Can't fight this feeling
I'm taking chances now🎶

Pagkapasok ko sa loob ay ganun nalang ang gulat ko na totoo nga, buhay si Katherine. Marahan kong sinara ang pinto at lumapit sa kanya, hindi ko na napigilan ang sarili kong mapayakap sa kanya.

"Buhay ka." Naramdaman ko nalang ang pamumuo nang luha ko, di ako makapaniwalang buhay ka nga Katherine.

🎶In my heart I feel
That this is something real
I don't wanna let this moment go🎶

"A-ah Alexander, h-hindi ako makahinga." Agad akong napabitaw sa pagkakayakap sa kanya tsaka nagmadaling tumalikod at pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko.

"Uy ayos ka lang?"

Pilit kong pinakalma ang sarili ko at nakangiti akong humarap sa kanya. "Akala ko wala kana, tinakot mo kami nang husto."

"Akala ko din mamatay nako pero hindi ko pa ata oras kaya hanggang ngayon buhay pa ako."

"Paano? I mean ang buong alam namin ay namatay ka dahil sa insidente, paanong nakaligtas ka? Yung baby mo?" Dirediretsong tanong ko sa kanya.

"Mahabang kwento e pero wag ka mag aalala ok ang baby ko." Nakangiti nitong bigkas habang hinimas pa ang tyan niya, diko alam pero bigla nalang akong napangiti habang pinag mamasdan ko siya.

🎶Why, oh, why do I feel this way
When I'm with you
I feel so alive
Why, oh, why will I hide away
I can't help it
I'm falling in love with you🎶

Ang ganda niyang pagmasdan, alam ko magiging mabuti kang ina sa magiging anak mo Katherine at alam ko din na may plano pa ang diyos sa iyo kaya buhay ka ngayon.

*End of Flashback.*

Agad kong tinungga ang basong may lamang alak na nasa harap ko, napamura nalang ako sa pait nito.

Alam ko sooner or later magkakatagpo nanaman ang landas niyong dalawa, hindi pa man dumadating yung araw na iyon pero sobra na akong nasasaktan.

Sa ilang buwang ako ang kasama ni Katherine ay diko maiwasang mas mahulog ang loob ko sa kanya, pero sa tuwing napapatingin ako sa paglobo nang tyan niya ay pinipigilan ko ang sarili kong mas mahalin siya.

"Umiinom ka nanaman?" Agad akong napatingin sa pinto at dun bumungad sa akin si Katherine na nakangiti, pumasok ito sa loob at umupo sa sofa.

"Nag papaantok lang."

"Sus, wag nga ako dahil alam ko may bumabagabag sayo kaya ka umiinom." Sabi naman nito at bahagya pang inayos ang buhok niya, dun ko lang nakita ang kabuoan niya at masasabi kong napakaganda niya.

Nakasuot ito nang one shoulder red dress na may belt na itim, litaw na litaw ang makinis at maputi niyang balat. "Ang ganda mo." Wala sa sariling bigkas ko.

Agad itong tumingin sa akin at ngumiti na siyang nagpabilis nang tibok nang puso ko. "Salamat Alexander."

Napaiwas nalang ako nang tingin sa kanya nang mapagtanto ko kung ano yung sinabi ko, shit nadala nanaman ako na bugso nang damdamin ko.

Andito kami ngayon sa sala nang bahay ko na kakabili ko lang nung nakaraang araw, si Katherine ang unang nakaalam nito dahil siya naman ang tumulong sa akin para mabili ito.

Nag salin ulit ako nang alak sa baso ko na nakapatong sa center table at mapait na napangiti. "Nakita ka niya." Sabi ko at agad kong ininom iyon.

Narinig ko itong mahinang natawa sa sinabi ko. "Sinadya ko yun Alexander."

Napakunot noo ko itong tinignan. "Bakit? Bakit mo ginawa yun? May balak ka bang mag higanti sa kanya?"

"Maybe?" Patanong nitong sabi sa akin na agad itong tumingin sa akin at dun ko nakita sa mga mata niya ang lungkot at sakit. "I'll give him a sweet revenge at iyon ay gusto kong makita niya kung ano ang sinayang niya."

"P-pero."

"Kaya ko Alexander, oo andito padin yung sakit dulot nang ginawa niya pero kaya ko na ang sarili ko. Hindi naman puwedeng habang buhay nalang akong iiwas at mag tatago sa kanya."

May point siya, hindi niya kayang habang buhay na mag tago nalang at umiwas dahil ramdam ko na kahit hindi niya sabihin sa akin ay mahal niya parin si Kevin.

Nakakatawa lang na ako yung andito sa tabi niya at laging nakaalalay sa kanya pero hindi niya man lang ako makita bilang isang lalaki. Tanggap ko naman na e, tanggap kona na hanggang kaibigan lang talaga ako para sa kanya pero di ko parin kayang isuko ang nararamdaman ko para sa kanya.

Hintayin ko nalang din siguro yung oras na yung puso ko na din mismo ang mapagod na mahalin siya.

~To Be Continued. . .~

🎶 Falling In Love by Six Part Invention

(A/N: Please don't forget to VOTE and COMMENT and also follow me on my wattpad account for more update. Thank you! ❤)

Continue Reading

You'll Also Like

57.5K 3.9K 11
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
1.6M 78.7K 56
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...