Once in a Lifetime (Valdemora...

By anchoraigee

5.4K 184 11

The meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she... More

Once in a Lifetime
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Jacob Ezra
Author's Gratitude

Chapter 9

89 5 0
By anchoraigee

I did a break. Inanyayahan ako ni Mama na magbakasyon kahit dalawang araw lang sa probinsya namin. It is where my grandparents are living. Iyong magulang ng Mama ko ay doon nakatira.

Looks like Alonzo's been busy lately because last night, I didn't get a text from him. Hindi ko na tinawagan dahil maski ako, inantok nang kakahintay sa kanya.

Gusto ko nga sanang isama kaso napasok na sa isipan kong baka mas kinakailangan nga siya ng pamilya niya.

I packed my things and decided to drove my car. Kagabi pa nakapaghanda si Mama samantalang ako ay madalian lang ang ginawa. There's nothing much in our province aside from the green sceneries so I only brought a single back pack.

Iyong mga dinala ko lang ay ang mga kakailanganin ko talaga.

"Do you have something for your grandparents? Baka magtampo ang mga iyon sa'yo," tanong ni Mama sa akin na may halong biro sa tono.

Napapailing ako habang natatawa. There's no reason for me to not bring anything for them.

"Of course. Nandyan na iyong paborito nilang lanzones, saka iyong piaya. Matutuwa ang mga iyon panigurado," saad ko. We decided to stay there because my mom misses them so much.

Pumayag na lang ako upang kahit papaano naman ay makaiwas sa buhay sa syudad. Too dusty there. Sa probinsya, halos napapaligiran ng bukid tapos hindi pa maingay, ibang-iba sa buhay ko ngayon.

My grandparents took care of me when my mom worked abroad. Doon ako nag-aral ng elementarya ko at doon rin nakakita ng halos lahat na magandang asal.

I owe them. Hindi naman problema sa akin ang bisitahin sila kahit minsan. Ilang buwan na rin naman ang nakalipas matapos ang huling pagbisita ko roon.

Nang makarating na ay kaagad kong dinala iyong mga pasalubong sa kanila. My mom walked straightly as if wanting to surprise them. Hindi naman nila kasi talaga alam na bibisita kami ngayon.

When she opened the door, their surprised look greeted us first. Napangiti ako nang makita iyong iba kong pinsan na naroon sa kanilang sala, tahimik na nanonood ng isang movie.

"Hija! Napadalaw kayo?" tanong sa akin ni lola nang matapos yakapin si Mama. Nagmano ako rito bago hinalikan silang pareho ni lolo.

"Naisipan lang po. Namiss ko kayo, eh," sagot ko bago ibinigay sa kanila iyong dala ko.

My cousins also greeted me with a widing smile. Sa aming pamilya, halos lalaki ang mga apo ni lola. Kakaunti lang kaming mga babae tapos magkasing-edad pa kaming lahat.

Nilapitan ako ni lolo saka nangingiting hinaplos ang buhok ko. I smiled and then hugged him.

"Namiss niyo ba ako, lolo? Pasensya na po kung natagalan ang pagpunta ko rito," hingi ko ng pasensya rito. Simula naman kasi noong una, siya ang tila nagtayong bilang tatay ko. And I appreciated how they took care of me back then. Sila ang pangalawang magulang ko.

"Namiss ko ang mga dinadala mo sa akin. Alam na alam mo talaga ang paborito namin ng lola mo," saad pa niya.

"Wala po iyon. Hindi nga po namin pinaalam na pupunta kami rito kasi gusto naming masorpresa kayo."

Kumpara kay lola, medyo nanghihina na ito pero bakas pa rin sa katawan ang kaunting kasiglahan lalo na nang makita ako. They missed me. Madalang lang din naman kasi ako kung pumunta rito dahil sa pag-aaral.

I guided him to the table only to find them all already eating what I brought. Nakatipon silang lahat sa mesa, lalo na iyong mga pinsan kong lalaki na takam na takam sa lanzones.

Si lola ay nakikisaya sa kanila na para bang alam na alam ang pinag-uusapan ng mga pinsan ko.

Of course, they're talking about something that only them can understand. Sa aming lahat, sa akin sila mas pinaka-close. Malapit din naman sila sa iba ko pang pinsan pero sa akin talaga sila nagiging komportable. Maybe because in our family, I am the only one who's the only child?

Saglit akong nakidalo sa kanilang naging usapan. Naudlot ang kanilang panonood dahil sa pagdating namin at mas piniling ilaan ang nalalabing oras sa hapag habang kinakain iyong mga dala ko kanina.

Parang ilang taon ang nakalipas dahil sa pansin kong ang ilan sa kanila ay medyo may nagbago. Five cousins of mine are here. Hindi ko alam kung bakit narito ang mga ito sa bahay nina lola.

"Kumusta pala iyong nobyo mong magdodoktor? Hindi na nakapunta iyon dito, ah?" napalingon ako sa naging tanong ni lola sa akin.

I brought Alonzo here last few months. Nagustuhan siya ng lola at lolo ko kaya naging magaan ang loob nila sa kanya.

"Busy po. Hindi makakapunta lalo na't kinakailangan po siya ng dad niya," paliwanag ko na hindi na nasundan pa ng ilang tanong ni lola.

Of course, Alonzo promised them to have a medical mission here in the future. Bukod sa malayo sa hospital ang lugar, balak din ni Alonzo na sa susunod na mga taon, kapag naging doctor na siya ay makatulong din dito kahit papaano.

"Sayang. Hindi ba't babalik iyon dito?"

"Ilang taon pa siguro ang aabutin, lola. Alam naman niya kasing maghihintay kayo," sabi ko. I glanced at my cousins who's eyeing me suspiciously now. Palihim akong napairap sa kanilang lima.

If I know, they're also waiting for Alonzo to be here so that they can make him drunk again. Painumin ba naman ng alak noon? Lakas ng mga trip, eh.

I joined for some of their topics. Iniwas ko na ang usapan dahil ayokong pati rito ay pinag-uusapan si Alonzo. Not that I do not like hearing his name. Napapasok lang talaga sa isipan ko ang hindi niya pag-reply sa akin.

We spent our time just by talking. Sinulit ko ang oras sa kanila hanggang sa napagpasyahan naming magpipinsan na gumala.

Dahil maaga pa naman, napagkasunduan naming lahat na pumunta ng sapa malapit lang ng kaunti sa bahay nina lola. They will going to stay here for days kaya may mga dala rin pala silang mga damit.

Nilakad na lang naming anim papunta roon. Malakas ang naging ulan kahapon kung kaya't sigurado ang mga ito na malalim ang sapa at inanod lahat ng mga dumi.

"Saan si Jacob? Ba't hindi mo sinama 'yon?" inakbayan ako ni Jhared. He's taller than me and one year older. Sa city din ito nag-aaral at kumukuha ng kursong marine engineering.

"Hindi ko nga nadala. Ewan. Text ko na lang mamaya kung makahabol," bukod kay Alonzo, malapit din sila kay Jacob. Ilang beses na yatang nakapunta iyon dito dahil mukhang pati sa mga pinsan ko, nakahanap siya ng barkada.

"Padalhin mo nga ng alak 'yon. Party tayo mamaya," Bryan suggested. Hinampas ko ito sa braso na ikinatawa niya lang.

He's also studying. Magkasing edad lang sila ni Jhared.

Iyong tatlo kong pinsan ay nauna na. Masayang naghahampasan ang mga ito na parang mga bata.

When we're still kids, we used to go in here. Dito kami minsan naliligo sa sapa. Hinihintay naming umulan ng napakalakas bago tuluyang maligo rito noon.

Feels like nothing changed at all. Lalo na sa kanilang mga ugaling mukhang simula pagkabata, nadala pa hanggang ngayon.

"Hahabol 'yan. Basta ba inuman, hindi magpapahuli," Jha added as we continued walking. Nang makarating na kami sa sapa ay malakas ang nagiging agos ng tubig.

Iyong tatlo ay naroon na, nagtatawanan habang nakalubog na ang katawan sa tubig.

I chose to sit beneath it. Sa tuyong parte lang ako naupo at nakuntentong nakapanood lang sa kanila.

Sam, Chance and Kaiser seems like enjoying their stay in here. Inaya ako ng mga ito pero nakailang iling ako habang hawak hawak ang phone, umaasa sa magiging text ni Alonzo.

"Hindi 'yon pupunta si Alonzo. Tara na!" aya ulit sa akin ni Sam pero umiling lang ako.

I opened my phone when it vibrated. My lips moved as I saw Alonzo's name on it.

Tila nagdiwang ang katawan ko nang mabasa ang kanyang text sa akin.

Sorry for not texting you last night, love. I'm just really busy. Hoping that we can have our time together sometimes. I miss you.

I typed a message. Sinabi ko sa kanyang nasa probinsya ako at dalawang araw akong mananatili rito.

Though I spent a short time with him on our monthsary, part of me wanted to be with him as much as I can. Iyon nga lang, natataon din naman na kinakailangan siya ng magulang niya. Wala akong laban. Hindi ko rin naman ipinagdadamot ang kanilang anak.

I sighed as I read his message again. After what I texted him, hindi na ako nakatanggap pa ng reply ulit.

My phone beeped but another name appeared. Nanliit ang mga mata ko nang mabasa kung kanino galing iyon.

I glanced at my cousins who's busy laughing and telling some stories of their own. Sinagot ko iyong tawag at hinintay na magsalita si Jacob.

"Grabe, di ka nang-aaya papunta sa probinsya niyo?" nahihimigan ko ang tono ng disgusto sa kanya.

Hindi ko alam kung paano niya nalamang nandito ako ngayon. Of course, I didn't informed him because I will only stay here for two days. Maliban na lang talaga kung isa sa mga pinsan ko ay inaya nga siya rito.

"Paano mo nalamang nandito ako?"

"Sabi ni Jha sa akin kanina. Nang-aayang mag-inuman eh wala naman akong ginagawa kaya bakit hindi?" napatayo ako saka binigyang tingin si Jhared. I glared at him when his stares finally went to me.

Napatalikod ako saka hindi mapigilang medyo ilayo ang sarili doon sa sapa.

"Hoy. Alam mong matindi ka kung malasing kaya huwag na huwag kang pupunta rito, sinasabi ko sa'yo." I warned him but I only received a laugh.

Sanay naman akong nakikita silang nag-iinuman pero huwag lang talaga ngayon. May pasok pa iyon kaya ayokong maging dahilan ang kanyang paglasing na hindi ito makapasok kinabukasan.

Knowing Jacob, he's very terrible when he's drunk.

"Sus, ito naman. Kaya nga ako hindi nag-girlfriend para walang sumuway sa akin tapos ikaw naman..."

"Ano? Gago, hindi mo alam kung anong nangyayari sa'yo kapag nalalasing ka. Kapag nagsama kayo ng mga pinsan ko, parang rambulan kaagad ang magaganap," saad ko pa.

It was true. Walang aawat lang din sa kanila mamaya kundi ako lang, depende kung mayroon pang matino.

"Lapit na nga ako, eh. Ano? Dami kong dalang alak dito, pakisabi sa kanila na parating na ako," inignora niya ang mga sinabi ko.

Kung sa bahay na tutulugan ay walang problema dahil malaki naman ang bahay ng lola ko. Kasya kaming lahat doon at may kanya-kanyang kwarto.

" 'Pag 'yan tinuloy mo, Jacob, bahala ka mamaya. Papahirapan niyo pa talaga ako," pinatay ko ang naging tawag niya saka bumalik sa kinauupuan.

Tinawag ko si Jhared na ngingiti ngiti pa.

"Hoy, ba't mo tinawagan ang hunghang na 'yon? Naghahasik talaga kayo ng lagim niyo, ano?" reklamo ko pa.

He grinned and shouted at my other cousins happily. Tila naging isang magandang balita para sa kanilang sinabi kong pupunta rito si Jacob.

"Kaunti na lang talaga, maniniwala na ako sa speculations ko. Ganda ng pinsan ko!" he hugged me which resulted in pushing him. Hindi pa rin nawawala sa akin ang kaunting inis dahil walang hatid ang mga ito sa akin kundi sakit ng ulo.

"Pinagsasabi mo? Teka nga. Kaya ba kayo nandito para ayain si Jacob ng inuman? Hanep plano niyo, ah?" he smirked at me. Para sa akin, hindi naman pinaglihi sa kagwapuhan ang mga ito pero tuwing nangingiti, nakakalaglag ng panga.

I mean, they have an average look. Sadyang naging nakakainis lang talaga sila sa akin sa ngayon.

"Malamang, kung nasaan ka, nandoon din si Jacob. Tignan mo, sinusundan ka na ngayon."

"At mas ikakatuwa ko pa ba iyon? Ikaw ang mag-asikaso sa kanya mamaya kapag nalasing. Wala akong balak alagaan 'yan," saad ko pa. That's my final words. Sisiguraduhin kong matutulog ako ng maaga mamaya.

He sat next to me. Wala itong pang-itaas at masasabi kong mayroon namang ibubuga. Pinupunasan niya ang sarili habang hindi matanggal ang pagkangiti.

"Kaibigan ko ba iyon? Sa'yo nga lang sumusunod iyon tapos ako ang pag-aasikasuhin mo?" hinampas ko ito ng malakas. Napaaray ito na hindi ko pinansin.

Sina Sam, Bryan, Chance at Kaiser ay tila alam na alam ang pinag-uusapan naming dalawa.

"Kayo nag-aya doon, eh! May pasok pa iyon kinabukasan!"

"Grabe. Concern na concern ka kay Jacob, ah? Pahinging kaibigan na katulad mo," hirit niya pa.

I punched him. This time, it was harder. Dinaluhan kami ng mga pinsan ko at hindi mapigilang hindi na rin makisali.

If they are with Jacob, they perfectly vibe with each other. Naging malapit lang sila sa isa't isa dahil kaibigan nga niya ako. Hindi ko naman alam na ang isang mayaman na katulad niya ay magkakaroon ng tyansang maging kaibigan na rin ang mga pinsan kong hindi pa umaabot sa kalahati sa kanya ang mga napag-ipunan.

Pagdating naman talaga sa mga nagiging barkada niya, wala siyang pili. Kung saan siya nagiging komportable, nagiging kuntento na siya roon.

Wala namang masama. Sadyang namamangha lang ako sa ugaling mayroon siya.

Napatayo na ako. They followed my steps going back. Hindi lang kami nagtagal doon dahil sa mukhang mas naging magana sila nang malamang pupunta si Jacob dito.

My phone beeped again and it was from him. My teeth gritted.

I'm here already. Bought some foods also for your grandparents :) Baka sabihin mo na naman, alak lang dinala ko? Mapag-alala din po ang kaibigan mo (^_^)

Continue Reading

You'll Also Like

589K 27K 42
Needs editing [ the destiny series #1] 𝑻𝒉𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆 𝒑𝒖𝒔𝒉𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒂𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒃𝒖𝒕 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒚 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏 𝒑𝒖𝒍𝒍𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒕𝒐𝒈...
Gentle touch By K

General Fiction

49.5K 1.1K 32
It had been mere months after her eighteen birthday, when she was pulled from the safe haven of her life and forced into the fantasy the women had cr...
443K 16.2K 192
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...
4.9K 237 43
Delfino Series 2 | Completed Lovely Mercado is a cancer survivor, he suffered a lot before, and her life was relying on medications. She lived with...