Wreck The Game (COMPLETED)

By beeyotch

11.5M 470K 277K

(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karap... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue - Part 1
Epilogue - Part 2
Epilogue - Part 3
Epilogue - Part 4
Epilogue - Part 5
Epilogue - Part 6
Epilogue - Part 7
Epilogue - Part 8

Chapter 09

176K 7.8K 3.2K
By beeyotch

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG09 Chapter 09

"Kayo ba ni Sir?"

"Kailan ka pa naging chismoso?"

Tumawa si Clark. Miyerkules kasi ngayon kaya wala masyadong tao sa bar. Kaninang mga 10pm ay dumating si Nikolai at saka dumiretso doon sa office ko at doon nag-aral. Dati kasi ay pinu-puntahan niya lang ako rito kapag pauwi na kaya lang ay napagod ata na uuwi siya tapos babalik dito kaya pagkatapos ng klase niya ay diretso na siya dito at dito na rin siya nag-aaral.

"Ilang taon na 'tong business nila pero ngayong buwan ko lang nakita si Sir ng maraming beses. Dati mga twice a month ko lang nakikita dito 'yan."

"Ang walang kwentang owner naman."

"Di naman. Marami kasi silang business nung mga kaibigan niya. Saka ayos naman dito kahit 'di sila duma-dalaw," paliwanag ni Clark. "Kayo nga ni Sir? Curious lang."

"Friends kami, okay?" sagot ko pero sa mukha pa lang niya ay alam kong 'di siya naniniwala sa akin. Basta friends kami ni Nikolai. 'Di naman ako umaasa na magkaka-something. Na-realize ko lang na mabait talaga siya lalo na sa mga kaibigan niya. Mukha lang akong tanga kung iisipin ko na may something-something e sa kanya normal lang 'yun.

"Sus, friends!" pagsigaw ni Clark nang iwanan ko siya at naglakad ako papunta sa hagdan para pumunta kay Nikolai tutal wala namang customer masyado.

"Chismoso! Ma-issue!" sagot ko sa kanya pero tinawanan lang ako.

Dahan-dahan kong binuksan iyong pintuan kasi nag-aaral siya. Ayoko namang maging bastos. Nung huli kong tinignan iyong binabasa niya akala ko nagka-nosebleed ako sa mga salita, e. Naiintindihan kaya niya iyong mga binabasa niya o nagpapanggap lang siya?

Mukhang seryoso talaga si Nikolai kaya hindi niya napansin na pumasok ako. Naupo lang ako roon sa sofa at saka tinignan siya. Bahagyang naka-kunot ang noo niya at naka-tuon ang mga mata sa kung anuman ang naka-sulat sa papel na nasa harapan niya. Pinaglalaruan ng mga daliri niya iyong pencil na hawak niya.

"What the fuck—" gulat na sabi niya nang makita niya ako. Mga sampung minuto na ata akong nandoon nang mapansin niya ako. "Jesus, you scared me!"

"Ako na nga nag-effort na maging tahimik!"

"How long have you been there?" tanong niya habang naka-hawak sa dibdib niya iyong kamay niya. Mukhang nagulat nga si gago.

Nagkibit-balikat ako. "Ewan. Mga 10 minutes."

"You've been staring at me for 10 minutes?"

Tumango ako. "Bago mo sabihin na tinititigan kita dahil naiinlove na ako sa 'yo, naka-titig ako kasi mukhang litung-lito ka sa binabasa mo. May naiintindihan ka ba d'yan o nagpapanggap ka lang?"

Inirapan ako ni gago. "It's hard—" Ngumisi ako sa kanya. "Your mind is a dirty, dirty place."

Tumawa ako. "Parang siya hindi."

Sumandal siya sa swivel chair at biglang nag-inat. Leche! Nakita ko na naman 'yang v-line na 'yan. Parang mas masama kapag naka-damit si Nikolai, e. Mas nacu-curious ka kasi kung ano iyong nasa ilalim niyang epal niyang damit. Pero... masama rin kapag wala siyang damit. Kasi ang naiisip mo lang ay parang ang sarap niyang sakyan palagi.

"Why are you here? Shouldn't you be working?" tanong niya.

"Walang tao masyado," sagot ko. Tumayo ako at saka nilapitan siya. Tinignan ko kung ano iyong binabasa niya. "CrimRev?"

Tumango siya. "Yeah. Review for Crim Law I and II. Bane of my fucking existence," reklamo niya. Hinatak ko iyong isa pang upuan at saka tinignan iyong binabasa niya. "So many elements to fucking remember. My brain's gonna explode."

"Tulungan kitang magmemorize, gusto mo?" tanong ko sa kanya.

"Nah, it's good," sagot niya.

"Sure ka? Mabilis akong magmemorize."

"Really? How?" interesado niyang tanong.

Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko. Kapag nabasa ko na iyong isang page tapos tinanong ako, naaalala ko kung ano'ng page iyon naka-lagay tapos makikita ko sa isip ko kung ano iyong naka-sulat."

"That's unfair!" reklamo niya. "I have to torture myself trying to remember all the elements."

Nagkibit-balikat ulit ako. "Ano'ng magagawa ko? May mga taong blessed talaga."

Inagaw niya iyong pahina na binasa ko. "Elements of Article 130?" tanong niya habang naka-tingin sa akin na parang pinagdududahan iyong sinabi ko sa kanya.

Inirapan ko muna siya bago inisip kung ano ba iyong binasa ko kanina. "Yan ba 'yung sa searching domicile without a witness?" tanong ko. Umawang iyong labi ni Nikolai. Umirap ako muli sa kanya. "Kaya kong i-recite, pero 'di ko rin naman naiintindihan iyong binasa ko, okay?"

"How do you do that?" interesadong-interesado na tanong niya.

"Hindi ko alam."

"That's unfair."

"Ganon talaga ang life," sabi ko habang tina-tapik iyong ulo niya. "Mag-aral ka na lang. Makaka-bisado mo rin 'yan," pagpapa-tuloy ko. "Gusto mong snacks?" tanong ko sa kanya kasi mukhang mababaliw na siya sa dami ng inaaral niya. E wala naman akong ginagawa.

Umiling siya at saka tumayo. "Let's walk. I need a breather."

Kita ko iyong tingin sa akin ni Clark nang makita niyang sabay kaming bumaba ni Nikolai. Ang dumi ng isip nito—I mean talaga namang may kahalayan kaming ginagawa ni Nikolai, pero friends pa rin kami! Meron naman talagang mga friends na guma-ganyan! Basta walang jowa at walang pilitan, pakielam ba ng iba?

"Is there any technique I can practice so that I can do that, too?" tanong niya.

"Feel ko kaya mong ma-develop kapag nagmeditate ka," seryosong sabi ko sa kanya. Mukhang naniniwala si gago kaya hindi ko napigilan at natawa ako. "Joke lang! 'Di ko alam. Basta ganon ako."

"Tsk. I need that skill."

"Naka-rating ka namang fourth year. Kaya mo 'yan."

"There's too much going on right now—sometimes I really feel like I'm going insane," seryosong sabi niya. Parang pagod na pagod na talaga siya sa life niya.

"Bakit ka ba kasi naglaw school?" seryosong tanong ko kasi curious din ako. Kasi halata naman na hirap na hirap na siya sa ginagawa niya pero ginagawa niya pa rin. E ang yaman-yaman niya na! 'Di naman niya kailangang maging abogado. Kung ibang tao 'to malamang nag-asawa na lang 'to tapos nangolekta ng kabet. Ewan ko kay Nikolai at trip na pahirapan ang sarili.

Nagkibit-balikat siya. "At first it was just for fun."

"Tanginang for fun 'yan," natawang sabi ko. "Masokista ka ba?"

Natawa rin siya. "Looking back, yeah, it was ridiculous. But my friends are going to law school, so I thought what the hell?"

"Bakit 'di na lang kayo nagtravel o kung anuman? Kakaiba naman ata trip niyong magkakaibigan?"

Kung ako nasa posisyon nila, baka 'di na ako bumalik sa Pilipinas at sa ibang bansa na lang ako tumira. Ewan ko pero feel ko mas masaya roon kasi dito napaka-pakielamera ng mga tao. Akala mo bored na bored sa mga buhay nila kaya kailangan pati buhay ng iba e may say sila.

"Been there, done that. We did Semester At Sea," sabi niya na para bang dapat gets ko iyon. Naka-tingin lang ako sa kanya na confused. "It's kind of a school, I guess? But instead of classroom, you stay on a ship and you stop in different countries and immerse in their culture. Things like that."

Napa-kurap ako.

Sobrang simple lang ni Nikolai na tao... pero ngayon ko lang na-re-realize na ibang-iba talaga iyong mundo niya sa akin. Buong buhay ko nasa probinsya lang ako at nung tumanda ako at saka lang ako naka-rating sa Maynila. Pero siya...

Parang may pader talaga.

"We did that after college, so we were kinda over traveling at that time. And I believe we went crazy for a while because thinking about it now, why the hell did I let them persuade me into enrolling and basically torturing my brain every single day?" seryosong tanong niya na para bang ngayon niya lang kinu-kwestyon iyong mga life choices niya.

Hindi ko alam kung saan kami papunta—tahimik lang akong naka-sunod sa kanya.

"How about you?" tanong niya. "Any plans?"

Nagkibit-balikat ako. "Di uso sa 'kin magplano."

"Why?"

"Plano ko lang mabuhay araw-araw," simpleng sagot ko. Totoo naman. Sa mga taong gaya ko, hassle na iyong pang-araw-araw kaya iisipin ko pa ba kung ano ang mangyayari sa isang taon? E 'di kung umabot next year, e 'di thank you. Kung hindi, e 'di at least tapos na.

"No dreams?"

"Pass."

"Why?"

"Mangangarap tapos 'di naman matutupad. Pinapaasa ko lang sarili ko."

"Humor me," sabi niya. "What's your dream?"

"Bakit? Tutuparin mo ba?" tukso ko sa kanya.

Siya naman ang nagkibit-balikat. Napa-tingin ako sa kanya. Naka-suot siya nung polo-shirt na may logo ng school niya at naka-sulat sa likuran na Brent University School of Law. Buong araw na ata siyang nasa school niya tapos diretso agad siya sa bar, pero parang ang bango pa rin niya.

"Pangarap kong maging mayaman."

Sabay kaming naglalakad. Hindi siya nagsalita. Naka-lagay lang iyong mga kamay niya doon sa bulsa ng pantalon niya.

"Iyong mga tao na nagsasabi na hindi nabibili ng pera ang kaligayahan, sigurado ko never pa nila naranasan magutom—'di pa nila naranasan na tubig lang iniinom mo sa buong araw kasi wala kang pambili ng pagkain. Iyong tipong bente na lang pera mo kaya bibili ka ng skyflakes tapos pang isang buong araw na 'yun. O kaya lalakarin mo na lang kahit malayo kasi sayang naman 'yung pamasahe," tahimik na sabi ko sa kanya habang inaalala iyong ibang mga nangyari sa akin nung bata pa ako. Huminga ako nang malalim. Baka kung ano pa masabi ko. "Saka sigurado ako na lahat ng problema ko masasagot ng pera."

Hindi ko alam kung saan kami papunta ni Nikolai. Patuloy lang siya sa paglalakad. Tumingin ako sa kanya. Medyo kunot ang noo niya.

"You're right—money's great."

Natawa ako. "Akala ko sasabihan mo ako ng mukha akong pera."

"I'd be a hypocrite if I say that," sabi niya at saka tumingin sa akin at ngumiti. "I definitely enjoy all the perks money has given me."

"Swerte mo."

"I know," sagot niya. "Any other dream?" tanong niya. "Like... do you wanna be a singer? Dancer? Cook? Pilot? I don't know. Anything you wanna be?"

Umiling ako. "Why?"

"Ayoko lang," sagot ko. "Pangarap ko lang talagang maging mayaman."

Pero wala talaga akong pangarap kasi bata pa lang sinasabihan na ako na wala akong mararating. Na tumigil na raw ako sa ilusyon ko at mag-asawa na lang daw ako para may mag-aalaga sa akin. Na iyon lang daw ang role ko sa buhay.

Kaya nilayasan ko, e. Mas marunong pa sa 'kin e buhay ko 'to. E 'di sila mag-asawa d'yan! Mga epal.

"Ikaw na lang," sabi ko. "Ano'ng pangarap mo? Maging abogado?"

"I seriously don't know."

"E matatapos ka na sa course mo, ah?"

"Yeah."

"Pero 'di mo gusto?"

"Not that I don't like it... I just... don't love it, I guess."

"E bakit nandyan ka pa?"

"Fear of missing out," sabi niya at nginisian ako. "I hate studying but I enjoy studying with my friends. Is that weird?"

Umiling ako. Wala akong friends, e. Pero siya, ramdam ko na mahal niya talaga iyong mga kaibigan niya kaya gets ko siya... medyo. Kung meron din akong friends gaya niya, baka maglaw school din ako para lang sumunod.

"If you find anything you wanna do, tell me."

"Bakit naman?"

Nagkibit-balikat siya at ngumiti. "I'm rich. Maybe I'll put my money into some good use."

Tinignan ko siya. "Weh? Paano kung sabihin kong maglo-law school din ako?"

Tumawa siya. "I really won't recommend it."

"Sabi mo kahit anong gusto ko."

"Law school is hell."

"Mabilis akong magmemorize."

"It's more than memorizing—it's analyzing."

"Blessed akong tao."

Mukhang napipikon na siya sa akin. Tinawanan ko siya. Mukhang naiinis talaga siya na mabilis akong magmemorize.

"Fine. I'm gonna enroll you. Don't come whining when things get hard," sabi niya na parang bina-balaan ako.

Inirapan ko siya. "Wag kang maiinggit kapag mataas ang grades ko," sabi ko at natawa ako dahil mukhang masasagi ang pride nitong tao na 'to kapag mas mataas nga ang grades ko sa kanya. Tsk. 'Wag ko na nga masyadong galingan at baka may umiyak.

***
This story is chapters ahead on Patreon x

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 70K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
3.9K 220 10
This is a special book for all the extras and snippets of my stories.
21.4M 698K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
15M 584K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...