ViceJack One Shot Stories

By missafreen

3.2K 104 19

Lambingan, lampungan lang and pede din may sense na one shot stories ganon hahahaha. Namimiss ko na harutan n... More

Wazzup
Social Distancing
5-Word Story
50k Comments
Trainees

The One That Got Away

273 17 5
By missafreen

Vice's POV



Naglalakad ako papunta sa DR ko para mag-ayos nang makasalubong ko si Jackie. Kasama niya si Tom. Mukhang kakadating lang nila.




"Ay ang sweet, may pa hatid." Biro ko kay Tom. Tumawa lang ako at tumingin kay Jackie. Bahagya siyang nakayuko.




"Sige Ate Vice, una na kami." Ani ni Tom at ngumiti sa akin.





"Oki, bye. See you later Jackie!"























....



















Me and Vhong are currently hosting in TNT. We're talking about this what you call playtime or in other words, biruan.





"Alam mo, yung mga pineplay time mo.. Magugulat ka, yun pala yung totoong seryoso. Tapos ang masakit, yung sineryoso mo, yun pala yung play time lang." Sabi ko.





"Oo nga."




"Pero natakot din ako sayo ah." Ani ni Vhong at umakto pang nanlaki ang mata.





"Bakit?" Curious na tanong ko. Usapan namin playtime tapos napunta sakin? Wao.






"Pinlaytime mo si Jackie 'kala ko magkakatuluyan kayo." Habang sinasabi ni Vhong yun ay natawa na agad ako. Naalala ko na naman yung mga kaganapan noon. Yung mga panahong hinaharot harot ko si Jackie.. Playtime kung tawagin.






Sa kalagitnaan ng tawanan namin nina Vhong, pinatugtog ni DJ Mod yung intro ng theme song namin ni Jackie. Saglit akong napatigil at napaisip. The usual sound that plays whenever I call her name. Naalala ko na naman yung mga kaganapan noon. Yung mga panahong nagbibiruan kami Jackie.. Yung mga panahong naguluhan ako. Mga panahong nasaktan ako, umiyak, nalungkot at sumaya nang sobra dahil kay Jackie. I know those times, I felt something deep towards her. The most unusual thing I felt. Deep inside myself I knew it was love. Kung naging mabait lang si tadhana at pinagbigyan ako noon e.. Only if she wasn't with Tom. Only if I could tell her how much I love her... Only if there wasn't a big boundary between us.. Maybe things would've turned out different.





Masyadong mapaglaro ang tadhana e, kung kailan totoo at sinsero yung nararamdaman mo para sa isang tao, saka naman magiging mali yung oras at madaming hahadlang sa nararamdaman mo. But we can't stop destiny.. What's not meant for us, will never be meant for us.






"Pero alam mo sincerely, seriously, those times, naaappreciate ko talaga si Jackie.. Oo."





"Nilolove ko si Jac----love ko si Jackie until now pero... Ibang love.."





"Ibang love.."






Reminiscing those times made me love Jackie even more. Masaya yung mga kaganapan noon. Napapasaya at napapaligaya niya ako noon. Pero alam ko din namang masaya na din naman siya sa kung sino man ang meron siya ngayon..



Don't get me wrong.. Yes, I love her.. but not the same as before. I'm not romantically attached to her anymore. Ganun naman lagi diba? Once you loved that person, never nang mawawala yung care mo sa kanya. Mahal mo pa din yung specific na taong yun pero hindi na magiging katulad ng pagmamahal na naramdaman mo sa kanya noon.









...






























Bumalik na ako sa DR nang matapos yung show. Nakita ko naman si Jackie na padaan sa hallway, magkakasalubong kami.






"Jackie.." Tawag ko sa kanya. Nilingon niya naman ako agad.





"Bakit 'te Vice?"





"Can we talk? Mabilis lang. I just need to tell you something.." Sabi ko sa kanya. Kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha pero agad din namang nawala.





"Sige Ate Vice. Wait lang hatid ko lang si Neri sa DR namin." Nakangiting sabi ni Jackie. Tumango ako sa kanya at pumasok na sa DR ko.






Ilang minuto pa ang nakalipas at may kumatok na sa pintuan. Hinayaan ko lamang na buksan nito at nakita ko si Jackie na hinahanap ako.





"Jackie."





"Ate."






Tumingin ako kay Ion. Yung nangungusap na tingin.. Na iwan muna kami saglit. Nginitian niya ako at ganun din naman ang ginawa ko. I'm so happy for having Ion. He's the most understanding man I've ever been with. He knew about what I felt for Jackie before.. Nung mga panahong nanliligaw siya sakin, yun din yung mga panahong mahal ko pa si Jackie. I wanted him to stop.. Na tigilan na niya ang panliligaw sa akin kasi alam ko sa sarili kong maling gawing panakip butas si Ion.. But he insisted na ligawan ako. Sabi niya sa akin pagpupursigihan daw niyang siya ang mahalin ko.. And look where we are right now.. 2 years and counting. Sobrang thankful ako kay Ion kasi hindi niya ako sinukuan. Kasi kung sinukuan niya ako, baka hanggang ngayon umaasa pa din ako kay Jackie.






Nakita kong sumunod ang tingin ni Jackie habang lumalabas si Ion. Nangunot ang noo niya. Malamang nagtataka siya kung ba't iniwan kami ni Ion dito na kaming dalawa lang.







"Ba't umalis si Ion?" Tanong sa akin ni Jackie.





"Hayaan mo na lang." Sabi ko sa kanya. Tumango na lang siya at umupo sa sofa sa may gilid.






"Ano sasabihin mo sakin 'te??" Tanong sa akin ni Jackie. Natawa na lang ako. I can't believe I let her call me Ate nung mga panahong si Jackie yung laman ng puso ko.






"Sira ka 'te? Ba't ka tumatawa mag-isa d'yan?" Sabi niya sa akin at tumawa.





"Gaga ka."







"Pero Jackie.." Seryosong tawag ko sa kanya. Natigilan siya.





"Hmm?"





"I wanted to ask you something."






"Ano yun?"






"Nung mga panahong nagbibiruan tayo, was there a time na..." Hindi ko madiretso yung gusto kong sabihin. Hindi ko alam kung bakit umuurong yung dila ko kahit na gusto ko lang naman sabihin kay Jackie na all those time, nung mga panahong yun.. All of the sweet words I told her was true.






"Na?" Takang tanong niya. Huminga ako ng malalim.






"Was there a time na naging totoo yung mga sinasabi mo sa akin non?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong natigilan siya. Alam kong walang sense nang sabihin sa kanya ngayon lahat ng mga naramdaman ko para sa kanya noon kasi tapos na naman ang lahat. She's with Tom, and I have Ion.






Nakatitig pa din ako sa kanya. Bahagya siyang napanguso at nagisip-isip. Nakita ko din ang bahagyang pag-ngiti niya.





"Oo naman." Sabi niya sa akin. Mata sa mata.






Napangiti ako..





"Vice.." Tawag niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan.





"Aaminin ko, nung mga panahong yun, nung una biro-biro lang yung sinasabi ko sayo.. Gusto lang kita sabayan sa trip mo kasi nga diba, yun naman ang trabaho mo.. Natin.. Ang pasayahin ang madla. Pero syempre tao lang din naman ako. May emosyon, may nararamdaman. Yung mga binibitawan mong salita sakin noon. Naguluhan ako. Hindi ko alam kung totoo ba yun o para lang din sa ikakasaya ng madla. O baka naman assuming lang ako. Ikaw naman kasi e. Grabe ka magpakilig. Grabe yung mga binibitawan mong salita. Pero di naman kita masisisi.. Trabaho mo naman ang mapasaya, kaya lang grabeng confusion ang binigay sakin non e. Hanggang umabot sa punto na.." Saglit siyang tumigil.






"Na?"






"Na naging totoo na."






Hindi ko alam pero naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. The feeling was mutual all the time. Bigla akong nakaramdam ng panghihinayang.. What if? What if I tried telling her? What if I took the risk? What if I tried to fought for her?





What if.. I have way too many what ifs because of Jackie. Masyado kasi ako naging duwag noon. And now I'm having regrets.. Pakiramdam ko ang laki ng nawala sakin dahil hindi ko sinabi yung nararamdaman ko sa kanya noon.





"Ginusto kita, Vice." Napatingin ako sa kanya. Bahagya siyang ngumiti. Hindi ko alam pero nakakakita ako ng lungkot sa mga mata niya.. Parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi lang niya masabi.





"Actually, hindi lang naman kita ginusto eh. Minahal kita. Sobra.. Pero sobrang mali lang talaga ng timing ng mga panahong yun.. Mali kasi e. Maling-mali." Tumayo ako sa kinauupuan ko at niyakap si Jackie.






"I'm sorry Jackie." Mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kanya.





"If only I had the courage to fight for you.. Kung hindi lang ako naging banban, maybe things would've turned out different. Maybe if I tried to tell you how much I loved you, siguro tayo ang magkasama ngayon.. Maybe I can call you mine.." Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.






"Shh.. Vice." Sabi niya habang hinahaplos ang likod ko.






"Masayang-masaya ako sa nakikita kong meron ka ngayon. Ibang ligaya ang binibigay sayo ni Ion at ayoko na hadlangan pa yun.. Sobrang happy ko knowing na masaya ka.. Yun lang naman ang hinihiling ko noon pa e. Yung kasiyahan mo." Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi ni Jackie. Naririnig ko din ang pagsinghot niya, a sign that we are both crying..





"I love you. I loved you so much Jackie."
















"Mahal din kita Vice. Minahal din kita."

















I could've called her mine only if I had the courage to tell her how much I loved her. Pero hindi naman natin mapipilit ang isang bagay na hindi nakatakda para sa atin..









Jackie, kung pinagbigyan lang tayo ng tadhana malamang masaya ako ngayong kapiling ka.. Pero hindi e...





I was a fool for thinking I could live with letting you be the one that got away..






I won't ever forget you.. And maybe.. that is the only forever the two of us together were ever meant to have.






































A/N

Sorry hindi ko napanindigan na purong kilig lang tong librong to. Ako kasi nanghihinayang hanggang ngayon para kay Vice e. Sobrang dami kong what if para sa kanila. Haha I miss them. So much. And no words can express how much I miss and long for their sweet moments.

But I'm happy for the both of them. Nalulungkot lang ako sa part na they were possible to be together but sobrang mali lang talaga ng timing e no. Hahaha lecheng tadhana. Dejoke.

Anniversary month na no. Aguy, magt-2021 na hindi pa din ako maka move on sa dalawa.

I miss you Vice & Jackie! Sobrang happy ko sa kung anong meron man kayo ngayon. I will always support you two no matter what.

































Layag Pusong Asul! 💙

Continue Reading

You'll Also Like

57.5K 2K 54
A love letter, a confession, and a blossoming heart. I got nothing to lose, only my heart to break.
383K 10.8K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
187K 6K 50
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
1M 33.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...