Once in a Lifetime (Valdemora...

By anchoraigee

5.4K 184 11

The meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she... More

Once in a Lifetime
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Jacob Ezra
Author's Gratitude

Chapter 8

81 2 0
By anchoraigee

The big day came. Dahil sa hindi ko ma-contact si Jacob, ako na mismo ang pumunta sa bahay nila.

I already reminded him! Kahapon ko pa siya sinabihan at paulit-ulit na pinaalalahan pero ngayon, mukhang nakalimutan na niya.

Nag-commute lang ako papuntang subdivision nila. Wala akong balak na dalhin ang sasakyan dahil mayroon naman si Jacob, doon na lang ako sasakay sa kanya.

When I finally arrived, his mother greeted me. Hindi na ako masyadong nakipag-usap sa kanya dahil iisa lang naman talaga ang pakay ko.

"He's in his room. Kanina ko pa nga ginigising, ayaw namang gumising. Wala ba kayong pasok ngayon?" she asked me. Pansin kasi niyang hindi ako nakasuot ng uniporme.

Maghahapon na at iyong oras ay tumatakbo. Ilang beses na akong nakapagsinungaling kay Alonzo para lang masorpresa siya.

"Wala naman po, tita. Uh, pwede ko po ba siyang gisingin? May pupuntahan kasi kami ngayon," saad ko pa. She nodded her head and with that, I went to his room.

Totoo nga ang sabi ni tita dahil tulog mantika ito. Nakahiga ng pabaliktad tapos walang suot na pang-itaas.

He's only wearing some boxers and he's even snoring!

Mahina kong tinapik ang kanyang balikat upang magising ito. Talagang pinapunta pa ako rito?

I tapped him once more but he just keeps on moving and fixing his position. Mahina akong napamura.

"Jake! Gising!" mahina kong utos na para bang mapapasunod ko ito.

Hindi ko alam kung nagtutulog-tulogan lang ito o ano.

"Hoy! Gising na nga! Kanina pa ako rito, ah?" reklamo ko pa bago niyugyog ng malakas ang kanyang katawan.

He woke up by that. Kinusot pa nito ang mga mata bago ako natignan ng maayos.

His eyes widened and covered himself by the comforter. Napairap ako nang mapansin ang ganoong kilos niya.

As if I can see his naked body? Hindi naman ito nakahubad at mas lalong wala naman dapat siyang itago sa akin.

"Manyak mo, Phoebe! Sinong nagpapasok sa'yo rito?"

"Si tita. Bilisan mo na nga dyan. Maghahapon na tapos tulog ka."

"Inantok ako, eh. Nandoon na ba si Alonzo?"

Napairap ako ulit. Imbes na dapat ay nag-aayos na siya, nakuha pang makipag-usap sa akin. Masyadong humahaba ang oras.

"Wala pa. Magbihis ka na nga. Hintayin kita sa labas. Bilisan mo," utos ko pa sa kanya bago lumabas na.

Sa baba ay naroon pa rin si tita, mukhang hinihintay din akong makalabas. She prepared something which I think for me.

Nakasilid na iyon sa isang food container at mukhang alam niyang may pupuntahan nga kami ni Jacob.

"Hmm. Special occasion?" napatango ako nang magkatapat na kami.

"Monthsary po, tita."

"And Jacob's there to celebrate with you?" she asked me.

"Well, sort of."

Ibinigay niya sa akin iyong hawak. It's a dessert for sure. Hindi ko naman maikakailang masarap siyang magluto. I mean, she's always making something for me whenever I am here.

"Pasensya ka na talaga dyan. Kanina pa walang ganang umalis sa kwarto niya kaya akala ko nga, lumiban sa klase."

"Ganon po ba? Actually, humingi lang naman po ako ng favor sa kanya. May problema po ba siya?"

She sighed and then shook her head.

They have a bit of resemblance. Iyong si tito naman, halos doon nakuha ni Jacob ang kanyang features. Hindi ko lang alam kung kanino niya namana ang pagiging kwela.

"He's not sharing anything to me. Wala naman siyang problema talaga," napatango na lang ako. Mahigpit kong hinawakan iyong container na nakasilid sa isang paper bag.

Our simple talk didn't lasted for about couple of minutes because Jacob is now suddenly walking downstairs.

Nagpasalamat na lang ako sa kanyang ina bago kami tuluyang nakasakay sa kanyang kotse.

Inilagay ko sa likuran iyong bigay ng nanay niya. He wore something decent and even took his camera. Sinabi ko kay Alonzo na punatahan na lang ako doon na may kasamang anong oras para naman hindi magmukhang siya pa ang nagsorpresa sa akin.

Ayokong ma-late.

"Wala ka raw ganang umalis sa kwarto mo sabi ni tita. Do you have a problem?" I sincerely asked him. Napatawa ito ng kaunti.

"Nope. Inantok ako kaya kumuha ako ng kaunting tulog. Ayoko namang hindi ka masilayang maging masaya maya-maya."

"Oh? Kanina pa kita tinitext at tinatawagan, hindi mo naman sinasagot. Na-remind na kita kahapon."

"Sorry na. Silent kasi phone ko saka ayoko ng maingay kapag natutulog."

I nodded my head and didn't asked some questions again. Pansin niya ring halos masyadong nakaayos ako sa ngayon.

I'm wearing a dress and I even styled my hair into bun. Nag-apply rin ng kaunting make-up para kahit papaano ay masabing nakapaghanda ako.

"Ganda, ah? Talagang nag-effort kang mag-ayos?" he teased me as he drove. I arched my brow because he's starting again.

"Oo naman. Gusto ko lang maging presentable ang mukha ko ngayon."

"Weh? Kahit ano naman yatang ayos at itsura mo, may magmamahal sa'yo," he said. Masyado siyang nagiging kampante ngayon.

Why he's been saying I'm beautiful lately?

"Tsk. Picturan mo kami mamaya, ah? Sayang camera mo kapag hindi nagamit," patukoy ko sa kanyang dala.

"Oo naman. Ganyan ako ka-supportive sa'yo."

Siguro dahil kaibigan niya ako kaya nagagawa niya akong paboran sa lahat. It is okay for me if he says no. Hindi naman ako mamimilit kung ayaw niyang gawin ang isang bagay.

He has a choice. Hindi naman ikakasira ng pagkakaibigan naming dalawa kung iyon ang dahilan.

"Actually, we have an outing together with my friends at the last week of the month. You wanna come with me?" napabaling ang kanyang tingin sa akin.

I forgot to tell him that me and Alonzo has plans to go abroad. Wala pa akong ideya kung makakapunta pa ba ako kasi mukhang malabong mangyari iyon.

Ni hindi ko pa nga nasasabihan si Alonzo tungkol sa magiging schedule ko. Baka ang ending ko, hindi rin makakapunta.

"Hindi lang ako sure. I'll just look for my scheds again," tugon ko rito.

Hindi lang nagtagal ang kanyang byahe at nakarating na rin kami kaagad. Halos lahat ng kanyang request na pagkain ay naroon na sa iisang table.

Good thing that Alonzo's not here. Baka kung nauna pa iyon kaysa sa amin, sira lahat ng naging plano.

Jacob chose to sit on the other table. Ngunit hindi katulad ng sa amin, walang nakahain maski ano sa kanya.

He requested not to put some foods and became contented on sitting on the chair. Tinext ko na rin si Alonzo na narito na ako, dinahilan na wala akong masakyan pabalik.

"Ayos ka lang ba talaga rito?" tanong ko sa kanya. He began capturing some pictures already.

"Oo naman. Kuhanan ko nalang kayo picture mamaya."

"Papunta na rin naman siya. Sorry Jake, ah? Kung hiningi ko pa talaga presensya mo rito."

He smiled and shook his head.

"Ayos lang. Malakas ka sa akin, eh."

In life, I always wish that if we'll get older, he'll still my best friend. Na kahit hanggang sa pagtanda naming dalawa, mananatili kaming magkaibigan sa kabila ng lahat.

Kung hindi siya dumating sa buhay ko, hindi ko alam kung ano ba ang magiging posisyon niya. Kung isa ba siyang estranghero o hindi ko alam na nabubuhay pala sa mundo ang isang katulad niya.

I may hate him sometimes, but the love will always be the biggest thing that matters. He's one of the best things that happened to my life.

Ilang sandali pa ay nakarating na si Alonzo. I can see the confusion in his face as he saw the designs. Sinenyasan ako ni Jacob na salubungin ito.

"Go. Looks like he has no idea."

Napansin ko ang tila hindi niya pagkakaalam kung anong araw ba ngayon. Of course, he didn't greeted me earlier so I think, he really has no idea at all.

I smiled and as he walked in the bridge, I welcomed him with a hug and a kiss. Malakas ang naging tahip ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

"Happy 10 months to us, love," I whispered. Nang maitigil na ang naging yakap ay doon ako ulit napatingin sa kanya.

"Oh? I forgot that it's our monthsary today. I'm sorry. Are you mad?"

That explains all. Hindi naman ako galit at hindi naman talaga ako magtatampo. I understand his schedule. Siguro nga ay puno lang ang isip ng pag-aaral.

"No. It's okay. I made a surprise for you," hinatak ko siya papalapit sa table. I glanced at Jacob who's now taking a picture every moment of us.

He let me sit on the chair. Hanggang sa pag-upo ay tila nagugulat pa ito sa kung anong okasyon ba ngayon.

"Happy monthsary to us. I don't have a gift for you," he shook his head. Nahihiya dahil mukhang guilty na hindi naalala ang okasyon.

Napailing ako sa sobrang pag-aalala niya sa ireregalo.

I don't need some gifts now. Sa totoo lang ay marami naman na siyang naibigay sa akin. That's too much for me.

Ngayon na nga lang ako nag-effort kaya ayokong siya na lang palagi ang nagbibigay.

"Your presence is enough. Salamat din sa tulong ni Jacob. This will not be successful if it is not because of his help."

Napalingon siya sa kinaroroonan ni Jacob na medyo malayo sa amin. He's holding his camera and looks like taking a picture of us two.

The set is too romantic and yet, he's there, sitting alone while taking a picture of his best friend. My poor Jacob. Ako na ang naaawa sa kanya sa hindi paghahanap ng girlfriend.

"That's why there are some sunflowers here, huh? Sinadya niya ba?" he laughed.

"Hindi naman. He likes sunflowers so I allowed him na lang. Alam mo namang wala akong masyadong ideya pagdating sa ganito."

"Hmm. That's totally okay."

"Wala kang pasok kanina?" I asked.

"I have. Pero dahil araw naman natin ngayon, I can take some single absence. Hindi naman ako ibabagsak doon."

Napatango ako saka itinuloy ang pag kain. We started talking about something.

Iniwas ko na rin muna ang pagtatanong tungkol sa pag-aaral niya dahil ayoko namang pati dito ay iyon ang pinag-uusapan namin. It's not an appropriate topic talking about how stressful our studies.

I don't want our minds to be crowded just because of that.

He cleared his throat and held my hand. I can see the hint of his eagerness to say something to me but it looks like something's pulling him.

Iyong kamay niyang malambot na pinipisil din ang kamay ko, malamig. Walang bahid ng kahit na anong gasgas o kakapalan man lang.

"You need to tell me something?" ako na ang nangunang magsalita sa kanya.

Napatitig ito sa akin ng malambot. His facial expression is too fragile like even me, can see the inner meaning of it.

Siguro dahil sa alam na nakaligtaan nga niya kung anong araw ngayon, nakikita ko ang kaunting lungkot na namumutawi roon.

Of all our dates and celebrations, I've never seen him like this, wearing that expression. Sa katunayan ay lagi kaming masaya tapos parang halos hindi na kayang patapusin ang isang araw para lang makapagsaya kami.

Now's totally different.

"No, nothing. It's just that... I felt guilty of not greeting you first. I am really sorry, love. My mind's too occupied with my studies. Tutok na tutok lang talaga ako doon," he squeezed my hand. I did the same thing but only to assure him that it's okay.

"Tsk. You're not here to apologize. We're here to celebrate so stop saying some sorry."

I continued eating. Paminsan-minsan akong napapatingin kay Jacob upang siguruhing okay lang ito sa kanyang pwesto.

I smiled weakly when his eyes met mine. Isang thumbs up lang ang kanyang itinugon at bumalik sa kakatingin ng mga litratong kanyang nakuha.

Alonzo cannot be that long with me now though he promised to be with me. Biglaan kasi siyang nakatanggap ng text sa kanyang dad na kailangan ito sa kanilang hospital. Something emergency that needs his presence.

Hindi naman ako makakasama roon dahil bukod sa walang alam sa ibang ideya sa pagdodoktor, ayoko namang iwan dito si Jacob.

"Bawi ako sa'yo. We can have some dates on other time. I'll text you, okay? I'm sorry about my dad. Emergency lang talaga," sambit niya na binigyang ngiti ko na lang.

After finishing our food, he stood up. Suot ang kanyang uniporme saka iyong kanyang bag.

That's enough for me. Sobra na sa akin iyong oras na kanyang nilaan.

"Sure. Aasahan ko 'yan?" paninigurado ko pa sa kanya.

"Of course. I'll promise that we can spend some time for us. Buong araw, kasama kita," he assured me before applying some kiss to my lips.

Nagmamadali na nga ito dahil nagri-ring ang kanyang cellphone na sa tingin ko ay dad niya nga. I nodded my head as a sign that he should go.

He bid his goodbye first to Jacob before finally getting out of our sight.

Kahit kaunting oras lang, ayos lang sa akin. At least, may panghahawakan ako doon sa sinabi niya.

"Iyon na 'yon? Iniwan ka kaagad, ah? Ganoon ba kayo mag-celebrate ng monthsary niyo? Boring, ah?" Jacob's voice echoed. Nasa tabi ko na ito ngayon habang hawak pa rin ang camera.

Napabuntong hininga ako. Is that too short for him?

"May emergency lang. Kailangan siya ng dad niya kaya ayoko namang pigilan."

"Eh? Mukhang limot nga ang monthsary niyo tapos ganon ganon na lang? Kung ako boyfriend mo, higit pa rito ang gagawin ko, masorpresa ka lang," hirit niya pa na naging dahilan upang mahina ko itong hinampas.

He groaned at that before I went back to the chair. He took a stolen picture of me which I didn't dare to see. Naupo ito sa tapat ko at mahinang napapailing ang ulo habang nakatingin sa akin.

"You don't deserve a guy like him. 10 months pa lang kayo, paano na kung isang taon? Masasanay 'yan tapos kapag nagsawa na, iiwan ka rin," seryoso niyang saad sa akin.

He's just bitter because he has no someone to date to.

"Know what? If someone's feelings started to fade, matik nang nawawala ng paunti-unti ang nararamdaman niya sa'yo. You can say that I am not an expert when it comes to relationship but trust me, lalaki rin ako, alam ko galawan at ugali ng kapwa ko. Brace yourself, Phoebe."

Napasimangot ako sa kanyang sinabi. That won't happen anyway.

Continue Reading

You'll Also Like

592K 27.1K 42
Needs editing [ the destiny series #1] 𝑻𝒉𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆 𝒑𝒖𝒔𝒉𝒆𝒅 π’•π’‰π’†π’Ž 𝒂𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒃𝒖𝒕 π’…π’†π’”π’•π’Šπ’π’š π’‚π’ˆπ’‚π’Šπ’ 𝒑𝒖𝒍𝒍𝒆𝒅 π’•π’‰π’†π’Ž π’•π’π’ˆ...
Ice Cold By m

General Fiction

2.2M 83.6K 49
[boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feelings for so...
357K 21.8K 37
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...
449K 32.1K 43
α€•α€²α€•α€Όα€―α€α€Ία€žα€Šα€Ία€„α€•α€Όα€°α€Έα€”α€²α€· α€†α€­α€―α€€α€Ία€€α€¬α€Έα€†α€›α€¬α€„α€œα€°α€Έα€α€­α€―α€·α€›α€²α€· story α€œα€±α€Έα€α€…α€Ία€•α€―α€’α€Ί