Hanggang Sa Maaari (PKK: Book...

De nishiyan

2M 29.1K 4.5K

Mai multe

Hanggang Sa Maaari (Paano Kaya Kung: Book 2)
CHAPTER 1: Lights On (Cut 1)
CHAPTER 2: Lights On (Cut 2)
CHAPTER 3: Lights On (Cut 3)
CHAPTER 4: A Wife, A Mother
CHAPTER 5: Her True Calling
CHAPTER 6: Baby's Day Out
CHAPTER 7: A Hard Bargain
CHAPTER 8: Here Comes The Blog...
CHAPTER 9: It Ain't Over Yet
CHAPTER 10: Helter Skelter
CHAPTER 11: One on One
CHAPTER 12: HullaBalloos
CHAPTER 13: Impending Dilemma
CHAPTER 14: The Other Man
CHAPTER 15: Firsts
CHAPTER 16: Questions. Answers.
CHAPTER 17: More Questions
CHAPTER 18: The Answer
CHAPTER 19: Hearsay
CHAPTER 20: A Day in the Life
CHAPTER 21: A Shift of Emotions
CHAPTER 22: Celebrations
CHAPTER 23: What Really Happened
CHAPTER 24: What Happens Next
CHAPTER 25: What They've Done
CHAPTER 26: Tatay
CHAPTER 27: Lullaby
CHAPTER 28: Best Nanay Ever
CHAPTER 29: 'Pinaka' Best Tatay Ever
CHAPTER 30: The Great Pretender
CHAPTER 31: What Hurts The Most
Chapter 32: Frustrations And Promises
CHAPTER 33: Back To Square One
CHAPTER 34: Quality Time
CHAPTER 35: Best Birthday Gift Ever
CHAPTER 36: Papa's Girl
CHAPTER 37: C K
CHAPTER 38: Uneasy
CHAPTER 39: 20th
CHAPTER 40: Surprise! Surprise!
CHAPTER 41: Points To Ponder
CHAPTER 42: The Start of Something New
CHAPTER 44: Home Service
CHAPTER 45: Leather And Lace
CHAPTER 46: Late Night Dinner
CHAPTER 47: It's A Metaphor
CHAPTER 48: Dilemma
CHAPTER 49: A Sister. A Wife. A Confrontation
CHAPTER 50: The King's Queen
CHAPTER 51: Tamang Hinala
CHAPTER 52: Mga Banta
CHAPTER 53: A Bravely Fought Battle
CHAPTER 54: Fighters
CHAPTER 55: The Perfect Fan

CHAPTER 43: Starting To Walk In His Shoes

24.2K 491 64
De nishiyan



*************

Hindi na nadatnan ni DJ ang kanyang mag-ina sa kanilang kwarto nang nagising sya kinaumagahan. Pagkabangon ay agad syang pumunta sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Mga bagay na hindi na nya nagawa bago siya natulog. Pagkalabas ng banyo ay pumasok naman sya sa kanilang closet para magpalit ng cargo shorts at puting kamiseta.

'Good morning Mama Min.' Magiliw na bati nya sa biyenan na naghahain ng kanilang breakfast sa hapag kainan. 'Yung mag-iina ko po?' Tanong nya matapos magbeso sa ina ng asawa.

'Naglalakad sa labas.'

'May kasama po?'

'Si Ganda tsaka si Kevin.'

'A sige po. Sundan ko na lang po muna sila.'

'Mabuti pa nga. Pabalikin mo na lang muna dito si Ganda. Dyan lang naman siguro sila kasi wala pang 10 minutes mula nung umalis sila.'

'Sige po Mama Min.'

Sa park na hindi kalayuan sa bahay ng mga Bernardo nakita ni DJ ang asawa na nakaupo sa bench habang pinapanood si Danilo na hinahabol habol sina Snow at Cola. Ang kanya namang bayaw ay abala sa paghahagis ng bola para kuhanin ito ni Cloud.

'Ganda.' Tawag ni DJ sa babaeng katabi ni Kathryn.

Natawa si DJ nang lumingon din si Kathryn.

'Oy, feel na feel.' Pagbibiro nya habang umuupo sa tabihan ni Kath. 'Hindi ikaw ang tinatawag ko.'

Umirap na lamang si Kath.

'Tawag ka ni Mama Min. Umuwi ka daw muna dun.' He then turned to Ganda.

'Umuwi na tayo lahat.' Masungit na sabi ni Kathryn bago tumayo.

'Huy, teka muna.' Nangingiting sabi ni DJ habang hinihila sa kandungan ang asawa. 'Kakarating ko lang, uuwi na agad?'

'Nagugutom na ko DJ.' Kath stood up again and walked to Danilo. She then picked him up.

'O, ako na kay Danilo. Ang bigat nyan e.' Naguguluhan na si DJ sa kung anong nangyayari.

'Dun ka kay Snow at Cola. Sa akin si Danilo.' She looked at him squarely.

'Ba, ano ba na naman to?' He whispered, obviously trying to be discreet from his brother-in-law who just stopped at mid-throw to watch the married couple.

'You want to eat breakfast na?' Kath cooed at Danilo habang papalayo sila mula kina DJ. 'We'll eat breakfast na ha.'

Danilo smiled and bumped his nose to Kath's.

'Ap-pol.' He said.

'You want apple? Ok.' Tuloy tuloy lamang sa paglalakad si Kathryn at naiwang nakatunganga na lamang si DJ. Nasa likod naman si Kevin.

'Ano na naman kayang nangyari?' Kakamot kamot na naman si DJ sa ulo.

'Hala ka DJ. May kasalanan ka na naman.' Natatawang sabi ni Kevin.

'Hindi ko rin alam kuya.' Umiling sya. 'Okay naman kami kagabi nung dumating ako. Nakayakap pa nga sya sa akin hanggang madaling araw.'

'Sigurado ka bang wala kang kasalanan? Isipin mo DJ. Mukhang hindi simpleng topak lang yun.' He passed by DJ as Cloud followed him. 'Umuwi na lang muna tayo. Breakfast.'

Napabuntong hininga na lamang si DJ bago sumunod sa bayaw.

***********

'Ako na Ba.' DJ told Kath habang inaabot ang bandehado ng kanin mula sa asawa.

'Ako na.' Binawi ni Kath ang bowl dahilan para malaglag ito sa sahig. 'Sinabi ng ako na e!' Hindi na nito napigilang magtaas ng boses.

Nagulat si Min at Kevin sa nangyari. DJ had to close his eyes so to control his temper.

'Manang Nancy, pakilinis na lang po.' Tawag ni DJ sa kasambahay na nasa kusina. Tumayo ito mula sa upuan pagkatapos. 'Kukuha lang po ako ng rice.'

'Wala na akong gana.' Tumayo na rin si Kathryn. 'Ate Ganda, pakainin mo na lang si Danilo. Tapos pakisunod na lang sya sa taas para mapaliguan ko na. Ma, Kuya, akyat lang po ako.'

Nagtatangis ang mga bagang ni DJ sa klase ng treatment na pinakita sa kanya ng asawa. Hindi pa rin nya maintindihan kung saan nanggaling ang hugot ni Kathryn. Pinabayaan na lang muna nyang makaakyat si Kath bago sya nagdesisyong sundan ito.

'Sandali lang po Mama Min, Kuya Kevin. Kausapin ko lang po yung asawa ko. Danilo.' He bent down and kissed Danilo's forehead before he left.

Bago kumatok sa pintuan ng kanilang kwarto, huminga muna ng malalim si DJ at pumikit.

'Ba...' He carefully knocked.

Hinawakan nya ang door knob at iniikot yon.

Hindi nya nakita ang asawa sa loob ng kanilang kwarto ngunit narinig niya ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa kanilang banyo. Napansin din nya ang nakabukas na cellphone ng asawa sa ibabaw ng kama nila. Dinampot nya iyon at napa-buntong hininga na lamang sya sa nakita. Nagbukas na naman pala si Kathryn ng Twitter at may mga kung ano ano na namang naka-tag sa kanya.

FIRST LOOK: Daniel Padilla and Gabby Araneta To Do A Movie Together.

On the photo was the stolen one where Gabby had her arm anchored on DJ.

Kumunot na lang ang noo ni DJ sa mga komentong nabasa.

*Bagay sila.

*Kung kelan pa nag-asawa, saka naisipang itambal sa iba.

*Harot ni Girl! Ankla kung ankla? Huy! May asawa't anak yan uy! Buntis pa sa pangalawa yung misis!

-E hinayaan din ni Padilla na maanklahan sya. Sinong mas maharot?

*Landi pa more!

*Mukhang dito na magkakasubukan kung gaano talaga kalalim ang pagmamahalan.

-Wala na pong kailangang subukan. Napatunayan naman na nila.

*Buti hindi legal ang divorce sa Pilipinas.

-Uso naman daw ang extra-marital affair.

*Magmu- Muslim na rin yan.

Kailangang higpitan ni DJ ang hawak sa cellphone ng asawa dahil parang mabibitawan nya ito sa galit na nadarama. Nagagalit sya sa mga taong makikitid ang utak. May konting inis din sya sa asawa dahil nagpapaapekto sya sa mga taong yun.

'Ba...' Tawag nya kay Kathryn na kakalabas pa lamang mula sa kanilang banyo. 'Ba, mag-usap naman muna tayo o.' Hiling nya nang lampasan lamang sya nito.

'Cellphone ko.' Inilahad ni Kath ang kamay kay DJ nang nakitang hawak na nito ang kanyang cellphone.

He reluctantly gave it back to her and she saw the site that he was checking.

'Ankla pa more!' She added. 'Gustong gusto naman!'

Hindi alam ni DJ kung matatawa ba sya sa asawa o mas lalong maiinis. Lumalabas na naman kasi ang side nito na gustong gusto nyang nakikita.

'Selos ka naman agad?' Bawi nya.

'Tang ina oo!' Kath bursted out. 'Ayokong may hahawak sayo na iba. Ayokong may tinitingnan kang iba. Ayokong...'

DJ pulled Kath to his arms and hugged her tight.

'Mahal na mahal kita Kath. Ikaw lang. Promise yan. Ikaw lang talaga.' He whispered.

'Kahit lumaki na uli ang tyan ko tapos yung leading lady mo, seksing sexy?'

'Syempre.'

'Kahit magkaroon kayo ng kissing scene?'

'Sure akong hindi sya magaling humalik.'

'Bakit? Kasi natikman mo na?' Kath sniffed.

Umiling si DJ.

'Dahil hindi maganda ang shape ng labi nya.'

'So chineck out mo na sya agad?' Kath pushed DJ away and stomped her feet.

'Bakit ba mas inuunahan mo pa ako? Walang ganun Kathryn, ok. Wala talaga.'

'Hindi pa nga nagsisimula ang shooting ng pelikula mo, ganito na ako. Paano pa pag nagsimula na? Saan na ko pupulutin nito DJ? Bakit kasi...'

'Bakit ano?' Nakalapit muli si DJ kay Kathryn at nayakap na naman nya ito.

'Bakit ang lakas ng appeal mo? Kulang na lang sakmalin ka ng buhay nyang Gabby na yan e.' And she wiped her cheeks.

'Sus naman o.' He wrapped his arms around her waist and pulled her closer to him. 'Ngayon ka pa ba magdududa matapos ng lahat lahat, Kath? Ano pa bang gusto mong gawin ko para lamang maging masaya ka? Mag-quit ako sa movie? Sige, sasabihin ko agad kina Tita Luz at Mr. M.'

Kathryn stared at DJ and held his cheek before she shook her head.

'Wag ka lang mapuno sa akin. Wag mo lang akong tigilang mahalin.' She told him.

This time, it was him who shook his head.

'Kahit magka- zombie apocalypse, hinding hindi mangyayari yan Ba. Basta ba after lumabas ni Chandri e...' At pinaglaruan nya ang kanyang kilay.

'What?'

'Alam mo na.'

'Hindi.'

'Basta ba araw araw may birthday cake.'

Kathryn chuckled.

'Gusto mo, ngayon na e.'

Napahalakhak na lamang si DJ sa narinig.

'Kumain ka muna ng breakfast baby ko. Tapos, magkulong na lang tayo dito sa room buong araw.' He suggested.

************

***AUTHOR'S NOTE***

Not beta'ed.

PS
Gabby Araneta is a fictional character.

Continuă lectura

O să-ți placă și

134K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
122K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
175K 6K 26
A collection of one shots of scenes written and inspired by the series. Everything written here are pure product of my imagination. Keep on watching...