Epitome Of Revenge (Scarred H...

Por iDontBelongInThisEra

113K 3.5K 3K

People who did you wrong will call you heartless when you didn't forgive them, but isn't it more heartless br... Más

AUTHOR'S NOTE
THE SERIES
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
14
15
16
17
18
19
20?
21
22
23
24
25
26
27

13

2.3K 92 121
Por iDontBelongInThisEra

Saturday came and Nathan on his motorcycle welcomed my sight. Ngiting ngiti sya ng tinanaw ko mula sa terrace ng aming bahay.

He's leaning on it.

He got a motorcycle? I didn't knew he will get one.

Pinapasok sya ni Manang habang ako ay nag ayos ng sarili sa kwarto ko. I almost forgot our date. Mabuti nalang at pumunta sya kung hindi baka hindi ko sya nasipot.

"Marunong ka?" Tanong ko ng lumabas na kami sa bahay

He's grinning when he showed me his license. Damn boastful! Hinampas ko sya ng mahina bago umangkas.

"Kelan ka kumuha at nagpractice ng pagmo-motor? Bat di mo sakin sinabi?" I asked while he's driving

"Surprise ko 'to sayo, para mas mabilis kitang mapuntahan" he answered casually then glance at me through the side mirror

I just smiled at him.

"Kapit ka sa'kin, higpitan mo" utos nya na nagpatawa sakin

"Your moves are too cliché! Think of something else, gasgas na yung ganyan" tawa ko sa kanya na sinabayan nya rin

We stopped in Antidotea, it was a milk tea shop at Paete. Kabilang bayan na ito. Meron din namang ibang offer na pagkain dito kaya lang ay sa milk tea talaga sila patok.

We ordered some milk tea and chicken fillet. I'm not that choosy in eatery, as long as they offer a clean food I'm fine with it.

"Ang ganda mo araw araw..." he said while we're waiting for our order

I rolled my eyes. That made him chuckled.

"Wait..." Kinuha nya ang cellphone sa bulsa  at may kinutinting na kung ano bago iyon itinapat sa'kin

"Smile" he said and I obliged

Iba't ibang pose pa ang ginawa ko bago sya tumigil kaka picture sakin.

Our orders are finally here so we started eating.

"Pinagalitan ka?" Basag nya sa katahimikan habang kumakain kami, umiling nalang ako

I know he's pertaining to what happened last Wednesday.

"Kelan ka bumili ng motor? Bigay ba yon ni Tita or ni Tito?" I asked curiously

"Hindi. Ako bumili no'n. Tinulungan lang ako ni Papa sa pagpili" kaswal na sagot nya

I pout and stare at him.

"E saan galing pinambili mo?" Naguguluhan kong tanong

"Someone's belittling me huh?" Patutyada nya gamit ang matigas na ingles

Mabilis akong umiling tsaka nag peace sign para ipakitang hindi ganoon ang intensyon ko. Simula nung nag Liceo sya ay madalas na syang nag e-english, pero hanggang ngayon napapahanga pa rin ako sa t'wing gano'n ang paraan nya ng pagsasalita.

"Nagtatrabaho ako tuwing bakasyon 'di ba? The money I used is my savings" paliwanag nya

"Your house is too near at Liceo, wala ka rin namang pinupuntahan na malalayo kaya para sa'n 'yon?"

"May girlfriend kasi ako na sa ibang school nag aaral, gusto kong masundo sya lagi at maihatid sa bahay nila araw araw" he said mockingly while looking at me

"Tsaka para na rin makapag date kami sa mas marami pang lugar" he grinned

I pout and continue eating. I don't know what to feel. I'm happy that Nathan's really doing efforts just so we can always see each other but I'm somehow against that he bought a motorcycle. I know how hard he's working every vacation, and seeing him spending money like this is somehow hurting me. Okay lang naman sakin na maglakad kami kagaya ng dati, sana yung pera ay inipon nya nalang para sa sarili nya.

I sighed deeply and looked at him. I don't deserved this man. He's too good for me.

Matapos kumain ay lumabas na rin kami doon.

"May gusto ka pang puntahan?" Tanong ni Nathan habang naglalakad kami pabalik sa pinag parking-an nya.

"Kahit saan okay lang" sagot ko at kumapit sa kamay nya

He was stilled on what I did but eventually recover and hold my hand firmly too.

Nakarating kami hanggang sa Sta. Cruz at nagpasyang tumigil sa SM doon para magpalipas ng oras.

His phone beeped in the middle of playing a claw machine, hindi nya tuloy nakuha ang teddy bear na gustong gusto ko.

"Who's that?" Tanong ko na medyo nalulungkot

Iniangat nya iyon at sabay kaming tumitig sa screen ng cellphone nya.

It's Blair.

"Sagutin ko lang" sabi nya tsaka lumabas dahil masyadong maingay ang lugar

Pagbalik ay tila problemado sya sa kung ano.

"Bakit?" Tanong ko

"Hindi pa pala ako nakakapag contribute sa research namin, bukas na 'yon" kumakamot na sabi nya

"Uwi nalang tayo tapos sa bahay ka nalang gumawa, tutulungan kita" I offered. His face brighten on what I said, mabilis syang lumapit sa'kin tsaka ako hinalikan sa noo.

I don't know why he did that but I just let him and hold in his hand.

Nathan and I drove back to Pakil.

Nang makarating kami ay halos alas tres na ng hapon. Blair is at the couch typing something in her laptop. Nag angat sya ng tingin at mabilis na natuwa ng makita si Nathan na kasama ko.

"Finally! Buti naman at naisip mo pang umuwi para gawin ang research natin. Yung part mo nalang ang wala" paalala nya kay Nathan

"Yeah, gagawin ko na" tipid na sagot ni Nathan tsaka bumaling sa'kin

"Dito mo na gawin sa laptop ko para deretso na" sabi nya tsaka iniharap ang laptop sa amin

We are left with no choice but to follow what Blair has told. Mas convenient rin naman talaga na gano'n, mas mapapadali iyon para sa nag eedit ng research— kay Blair.

I sat beside Nathan and watch him search for some related literature first. Ipinakuha ko ang laptop ko kay manang at tinulungan na sya roon.

Si Blair ay umakyat muna sa kwarto nya para ata maligo.

Nang matapos kami ay saktong baba na rin ni Blair.

"Okay na?" Bungad nya

Tumango lang si Nathan at iniusog ang laptop sa kabilang panig ng lamesa, but Blair sat beside Nathan.  Kaya hinila nya rin iyon at iniharap sa kanya tsaka binasa.

"Ang galing mo!" Masaya nyang sabi tsaka tinapik ang hita ni Nathan

I was waiting for her to removed her hand but she didn't remove it. I shifted on my seat uncomfortably, hindi ako sanay na may kung sino sinong humahawak kay Nathan. Pero siguro ay sanay na talaga sila sa ganoon dahil magkaklase sila? At halos magkaibigan na rin?

But a part of me badly want to stand and put her hand out of Nathan's lap. Damn, Nathan do something! My eyes is too fixed on it. Kumukulo ang dugo ko sa isipin na okay lang kay Nathan na hinahawakan sya roon ng ibang babae. But I'm too scared to make an action, I don't want to look like a desperate and crazy woman in front of my cousin.

"Si Nami halos ang gumawa, all I did is to research" sagot ni Nathan tsaka tumingin sakin at ngumiti, I forced myself to smile

Binura ko sa isip ang pagiging hindi komportable sa kamay ni Blair na nasa hita ni Nathan. She's my cousin! Why the hell I'm thinking this way?

"Taas lang ako, maliligo lang" sabi ko na tinanguhan naman nilang dalawa

I stayed for quite long under cold shower. The coldness of the water calmed my malicious mind. Ayoko ng ganoon akong mag isip kaya siniguro kong wala na sa mindset ko iyon bago tuluyang lumabas sa kwarto.

Blair and Nathan are classmates I should not think ill about their closeness, maging ako ay minsan rin namang napapalapit sa ilang mga lalaki kong kaklase. Pero hindi ko naman hinahawakan ang hita nila...I closed my eyes firmly to erased my last thought.

Besides, Nathan is faithful on me, I'm confident with my man's loyalty.

I started walking downstairs. To my surprised the sala was left with no one. Naroon ang mga laptop namin pero sina Blair at Nathan ay wala.

"Manang nasan po sina Nathan?" tanong ko ng tuluyang makababa.

"Ay lumabas sila saglit iha, nagpasama ata si Blair na bumili. Hindi ba sayo nakapag sabi?" Tanong nya na inilingan ko nalang, matapos yon ay bumalik na sa kusina si Manang

I went outside to check Nathan's motorcycle but it's not there. Mukang malayo ang binilihan nila at kailangan pang mag motor.

I turned on the tv to make myself busy and occupied. Ayoko nalang mag isip pa.

Minutes later Blair's laughs are echoing from outside. Umayos ako ng upo para sa pagpasok nila.

"Sa'n kayo nagpunta?" Tanong ko sa walang bahid na kahit anong tono

They stopped laughing and looked at me. Bigla akong nacurious kung ano ang pinagtatawanan nila bago sila pumasok

"Sa plaza lang, bumili ng bond paper. Ubos na kasi stock ko" sagot ni Blair

"I got bond paper, dapat sa akin ka nalang humingi" sagot ko at pinilit ang sariling ngumiti

Nathan sat beside me and watched the movie as well.

Matapos ang ilang oras ay nagpaalam na rin sya at umuwi. Mabigat ang loob ko na kumaway at nagpaalam. I want to confront him and tell him that I don't want him going somewhere without telling me, but I don't wanna sound like an obsessed dog.

Masyado ring mababaw na sabihin ko sa kanya na hindi ko gustong may iniaanggkas syang ibang babae sa motor nya. But it's him, he bought it. Sya lang ang may karapatan na magdesisyon kung sino ang mga aangkas doon.

"Ano 'yang aura mo girl? LQ kayo ni Daddy Nathan?" Bungad ni Rox ng buksan ko ang camera ng cellphone ko

"Agang aga, tigilan mo ako" saway ko tsaka kinusot ang mata

"Linggong linggo hoy, bakit muka kang Biyernes santo dyan?" Pandadagdag pa ni Lycy sa pang iinis sakin

"Ewan ko sa inyo, bakit kayo tumawag?" Balik tanong ko tsaka naglakad papunta sa lababo para maghilamos

I put my phone on the side of the sink. Kita pa rin namin ang isa't isa kaya lang ay nasa baba ang anggulo ko.

"Tara gala tayo?" Aya ni Lycy

"Tinatamad ako" simpleng sagot ko

"Edi dyan nalang tayo sa inyo? Namimiss ko na rin si Grandma" si Rox na naglalagay ng kung ano sa pilik mata

"Oo nga no.  Punta nalang kami dyan ng mga alas tres Nami" pag sang ayon ni Lycy

I rolled my eyes. Kung makapag desisyon talaga ang dalawang 'to ay akala mo sumang ayon na ako. But on the other hand, I also want someone to talk with. Hindi ako sanay na sinosolo ang mga gumugulo sa akin.

"Yeah yeah, whatever" sagot ko tsaka pinatay ang tawag

"Grandma pupunta po sina Rox at Lycy mamaya" I informed her while we're eating breakfast

Masaya syang tumango at ngumiti.

Lumipas ang maghapon at naririnig ko na ang malakas na bunganga ni Rox at Lycy sa sala ng aming bahay. Nagmadali akong dumungaw mula sa ikalawang palapag at nakita doon sina Rox at Lycy na nakikipag tawanan kay Grandma. Mukang aliw na aliw si Grandma sa mga biro ni Rox.

Tumunog ang aking cellphone bago pa ako makababa, kaya sinagot ko muna iyon.

"Yes Mom I'm fine. Grandma is fine too"  sagot ko ng kamustahin nya kami

"Pag uwi namin ng Daddy mo magsasama na kami ng event planner para asikasuhin na rin ang debut mo..." She paused "You're ’bout to turn 18 dear,parang kelan lang nung ipinanganak kita" Mom says, her voice is a little dramatic

"Mom, November pa po ang birthday ko. It's just September, don't be too excited. Sa October nalang po tayo magpatawag ng event planner" suhestyon ko

"But that's your debut, I want it to be perfect Nami. Kaya paplanuhin na kaagad 'yon. Start thinking of your theme" Mom said, finality is very evident

"Okay okay, bye Mom. I love you" pag papaalam ko, nang makasagot sya ay ibinaba ko na rin ang tawag

I was about to reach the last step in our stair when the door opens, It was Blair with her classmates. Nathan was there too, naggagala ang mga mata nya at nang magtama ang amin ay agad syang ngumiti.

I smiled back and continue walking.

"Girl may bisita rin pala ang pinsan mo?" Rox asked

"Hindi ko alam e, ngayon ko lang din nalaman" sagot ko

Pumasok sina Blair at naupo sa katapat naming couch. They are five including Blair. Dalwang lalaki tapos tatlong babae. The other guy is wearing the same jersey that Nathan has, I assumed he's also a player. Ang dalawang babae naman ay parehas may makapal na salamin.

"Si Nami pinsan ko, tapos mga kaibigan nya sina Roxford at Lycy" tukoy nya samin matapos ipakilala sila isa't isa

We all smile at each other.

Nathan is observing me like I did something wrong. I raised my brow and mouthed ’why?’.

Iginalaw nya ang labi pakanan habang nakatingin sa'kin. Lalong kumunot ang noo ko. What the hell does it mean?

"Guys Nami is not just Blair's cousin. She's also my girlfriend" biglang sabi ni Nathan tsaka tumayo sa kinauupuan nya at lumapit sa tabi ko

Now I know what he meant when he moved his lips to the right, pinaiipod nya pala ako dahil may plano syang tumabi sakin.

"Hi" bati ko ulit sa kanila

"Kaya naman pala loyal na loyal ka pare, and ganda naman pala kasi ng girlfriend mo" puri ni Laim sa akin

I smiled at him awkwardly.

"Nonood ka sa finals?" Tanong nya na tinanguhan ko

Nathan already tell me about the finals, pahihiramin nya ako ng pang P.E para makapasok ako sa school nila at makanood.

"Akala namin noon ay tinotokis nya lang kami na may girlfriend sya, yun pala ay meron talaga" He said then laughed a little

Si Nathan ay mukang nahiya sa sinabi ni Laim kaya napakamot nalang. I smiled shyly.

Matapos iyon ay nagsimula na sila sa gagawin, kami ng mga kaibigan ko ay nagpunta nalang sa second floor para masolo nila ang sala at maging komportable.

"Kelan ang finals? Sama kami" si Rox, habang tinatanaw sina Blair mula sa pwesto namin

May tanggapan din ng bisita dito sa second floor at bahagyang tanaw ang bahagi ng sala mula rito.

"Last week of October pa. I'll asked Nathan for more P.E uniforms" sagot ko tsaka dumampot ng ilang chips

"Ang gwapo ni Laim ano?" Nangingiting sambit ni Rox

"Landi mo. Isumbong kita dyan kay Ty e" pananakot ni Lycy

Naglalaro nalang kami ni Lycy ng chess habang si Rox ay nakaobserba pa rin sa mga bisitang nasa sala.

"Ay teka gurl! Tingnan mo o!" Tila nagsusumbong nyang tawag sakin

Sinundan ko ng tingin ang itinuturo nya at nakitang nakapatong ulit ang kamay ni Blair sa hita ni Nathan.

Pain crossed my chest with what I saw, idagdag pa dyan ang hindi pagpuna man lang ng mga kaklase nya roon. Gano'n ba sila lagi kaya hindi na halos binibigyang pansin ng mga kaklase nila?

"Alin?" I asked innocently but the pain is starting to lingers in my system

"Gaga! Tamo yung kamay nung pinsan mo nasa hita ni Nathan" sabi ni Rox at mas hinila pa ako para makita ko

"And?" Tanong ko, pinipilit ang sarili na isiping okay lang na ganoon

"Anong and? Hoy Nami, babain mo 'yon at ipatanggal mo ang malikot na kamay ng pinsan mo doon sa hita ng syota mo. Hindi na uso ang martyr sa panahon ngayon 'no" si Lycy na iritado na rin

I looked at them and just shake my head, saying no.

"Magmumuka naman akong praning 'pag gano'n" tanging nasabi ko nalang

I'm trying my very best to hide the bitterness. Kaunti nalang ay lalabas na iyon. Lalo na at mali rin pala ang tingin ng mga kaibigan ko roon sa paghawak ni Blair sa hita ni Nathan.

I thought I'm just being jealous or whatever.

"May karapatan ka sa ganong bagay dahil boyfriend mo 'yon. Tsaka anong praning do'n? Ipapatanggal mo lang naman hindi ka naman bigla nalang mananampal. Girlfriend ka ni Nathan at nasa'yo lahat ng karapatan para sabihin ang mga bahay na hindi ka komportable " Lycy reasoned out

Muli akong umiling at iginalaw ang kabayo sa board.

She got a point but I trust Blair and Nathan. Kahit na maldita si Blair ay hindi ko naman sya nakikita as someone na maninira ng relasyon. Maybe she's just really touchy?

"Blair might get embarrassed" tipid na sagot ko

They both sighed in disapproval but didn't talk more about it. Mukang nakuha nila ang ipinupunto ko. Pinsan ko si Blair at ayoko naman ng ganoon ang mangyari.

"Ganyan ba sila lagi? Nakakainis tingnan ha" si Rox tsaka umirap sa hangin

"Hayaan mo na..." Mahinang sagot ko

"Ayoko 'no. Sasabihin ko kay Nathan, nakakairita 'yang pinsan mo" sagot ni Rox tsaka mabilis na tumayo at naglakad papunta sa hagdan

I tried to called him but he just ignored me. Lumapit sya sa lamesa nila Blair sa sala tsaka may kung anong sinabi kay Nathan dahilan para bumaling sya sa kinaroonan ko.

I almost jumped when our eyes met. Tumayo sya at naglakad pataas,si Rox ay nanatili roon at inokupa ang naiwang pwesto ni Nathan.

"Let's talk" sabi nya ng makarating sa harap ko

I just nodded. Naglakad ako papunta sa kwarto ko habang sya ay nakasunod sa'kin.

We stopped at my room. Nauna akong pumasok doon at naupo sa couch na nasa bungad.

"Bakit?" Tanong ko ng makaupo rin sya

"Galit ka?" Balik na tanong nya habang sinusuri ako gamit ang mga mata

I immediately move my head to say no. He sighed and held my hand.

"What's making you upset then?" He asked

Seryoso ang kanyang muka habang mahigpit na nakakapit sa mga kamay ko.

I was so hesitant to tell it so I ended up swaying my head again. I don't want Nathan to know that I'm upset that he's letting other woman ride with him in his motorcycle. That's too immature! Pero kasi sabi nya binili nya yun para samin...

Ayoko rin namang sabihing nagagalit ako dahil sa hinahawakan sya ni Blair sa hita. Baka isipin nya lang na napapraning ako. I mean, sinong nasa matinong pag iisip ang mag iisip ng ganoon sa pinsan nya? For God's sake!

"Ano bang sabi sa'yo ni Rox?" Pag iiba ko ng topic

"He said you're upset on what I am doing" his stare becomes dark "Which one is making you upset? Tell me so I can change it" He said with finality, he also caress the back of my hand with his thumb

Pumungay ang mga mata nya habang naghihintay ng sagot ko. Ang makapal nyang pilik mata ay malumanay na bumababa at tumataas kasabay ng marahang pagkurap nya. Binasa nya ang pang ibabang labi tsaka pinisil ng bahagya ang kamay ko.

His words just proved how shallow my mindset is. Nahiya ako na nakapag isip agad ako ng masama, nakalimutan ko na mahal na mahal nga pala ako ni Nathan at hindi nya naman magagawa ang mga bagay na makakasakit sa'kin.

I'm just thinking too much and giving exaggerated definition on a single gesture.

"Sorry..." I whispered, malungkot akong tumungo at napanguso

"No, don't apologize" hinawakan nya ang pisngi ko dahilan para mapaangat ulit ako ng tingin sa kanya

"I want my baby to tell me what's making her upset...hmmm?" His voice was commanding me gently while his eyes are pleading for something

He put some of hair at the back of my ears before removing his hand on my cheek.

"Nami tell me" ulit nya

Umiling nalang ako dahil sa hindi ko alam ang gagawin. I close our distance and just hug him instead. Sya ay mukang nagulat sa ginawa ko pero mabilis rin namang nakabawi at niyakap ako pabalik. Marahan nyang hinimas ang likod ko.

"Why are you not telling me that you're already upset on something?" He asked in a deep tone

"I'm just being immature, don't mind it...." Balik ko sa maliit na tinig, tsaka mas inilapit ang sarili sa kanya

I'm leaning at his chest already. I feel so safe in Nathan's arms as always. Parang sa t'wing narito ako ay nagiging kalmado ang sistema ko at nawawala ang mga ipinag aalala ko.

"Baby I'm yours, you can tell me everything and expect me to do it for you gladly" muling bulong nya tsaka ako hinalikan sa noo

Mas lalong humaba ang nguso ko sa ginawa nya. I looked up and give him a quick kiss at his lips. Halos dalawang segundo lang ang halik kong iyon subalit ramdam na ramdam ko pa rin ang kalambutan ng mapupula nyang labi.

Parang ang sarap nyang halikan lagi. I almost cursed on my last thought, I just bite my lower lip and looked at him.

Nathan looked so stunned on what I did, matagal nya pa akong tinitigan na parang hindi makapaniwala bago sya nakabawi.

"Damn..." He cursed softly

He looked at my lips and cleared his throat. Matapos iyon ay nag iwas tingin na lamang sya sa akin.

"Are you close with Blair?" Nahihiyang tanong ko na nagpabalik ng tingin nya sa'kin

Kunot ang noo sya habang nakatingin sa akin at tila pinoproseso kung bakit ganoon ang tanong ko, pero kalaunan ay sumagot pa rin naman.

"Medyo, madalas ko kasi syang kasabay mag lunch noong Grade 11 dahil pinabantayan mo sya sa akin. Bakit?" Tanong nya tsaka ako tiningnan sa mga mata

"Wala lang, akala ko lang kasi sobrang close nyo talaga..." Wala sa sariling sagot ko, takot na masabi ang tunay na dahilan kung bakit ko iyon naitanong

My mind started to think stupid things again. Medyo lang pala sila close? Yet Blair is able to rest her hand on Nathan's lap, pa’no pa kaya pag close na talaga sila? Damn, I hate my mind!

I shut my eyes to removed the toxic thoughts that are playing there.

"May problema ba sa kanya? Hindi naman na sya nagcu-cutting simula nung Grade 11. Is she messing up again?" Kyuryosong tanong ni Nathan

Umiling nalang ako at nagdesisyon na hindi na sabihin kay Nathan ang iniisip ko dahil mukang wala lang naman iyon sa kanya. Right, jealousy is just creeping on me. Kung meron mang dapat sabihan dito ay ako iyon at ang pag iisip ko. I should be more understanding.

Nathan loves me. I know he do. And he will always do.

Dinner came and everyone is at the dining table already, except Daddy who's still in his room. Naliligo pa ata.

Umuwi sya kanina. Babalik rin sya sa isang araw dahil may kukunin lang ilang papeles dito sa bahay, at sa pag uwi nya ulit ay sabay na sila ni Mommy.

After more minutes Daddy finally go out in his room. Nagsimula na rin kaming kumain.

"Nami" Blair called me in the middle of our dinner

Napa angat din ng tingin sina Grandma at Daddy dahil doon.

I swallowed the food in my mouth first before responding.

"Bakit?"

She eyed me. "I know Nathan is your boyfriend..." panimula nya na nagpakunot sa noo ko, I never expected Nathan will be the topic in here.

"Pero sana naman sa susunod wag mo syang tawagin nalang bigla bigla. We're studying and doing our research earlier, napatagal tuloy kaming matapos kanina dahil hinintay pa naming matapos kayong mag usap" reklamo nya ng hindi tumitingin sa akin

Nanliit ako sa kinauupuan lalo na ng ang nangengwestiyong mata ni Daddy ay nagtagal sa akin.

"Sorry..." Tanging nasabi ko nalang tsaka uminom ng tubig

Grandma smiled at me, reason why the embarrassment went down a little. Bumuga ako ng hangin matapos iyon.

"You can always asked for your time at Nathan, so please spare him when we're doing our school works" she said lazily

Tumango nalang ako at hinayaang mamayani ang pagkapahiya sa katawan ko. Blair's words just proved how immature I am. Kahit si Rox ang tumawag sa kanya ay dapat pinabalik ko nalang sya kaagad at di na inentertain pa dahil aware naman akong may ginagawa sila.

I was guilty and hit by her words. Nakaabala pala ang pag uusap namin ni Nathan kanina sa ginagawa nila. I wonder if her classmates are mad at me too?

"Saan kayo nag usap kanina ni Nathan?" Kyuryosong tanong ni Daddy na nagpatigil sa pagpapagalit ko sa aking sarili

"In her room Tito" Blair answered

I cleared my throat. Nagulat ako na si Blair ang sumagot no'n. Sasabihin ko rin naman na doon talaga kami sa kwarto nag usap kaya lang ay naunahan nya ako. And her tone is somehow off. Para tuloy may malisya bigla na nag usap kami ni Nathan sa kwarto ko.

"Boys are not allowed in your room Nami", Daddy said in a hard tone

I know that he's pissed, he didn't call me ’princess’.

"Nag usap lang naman po kami Daddy" I reasoned out

"You can talk with him outside your room" Daddy said, trying to point out something

Nagsisimula ng mag init ang ulo ko sa paraan ng pagsasalita ng aking ama. Hindi naman ganoong klaseng lalaki si Nathan. Hindi ko maintindihan kung bakit ang taas lagi ng tensyon sa amin 'pag sya ang napag uusapan.

"We didn't do something immoral in my room Dad, if that's what you're thinking. I know my limits Dad." I fired back irritably

"I never said you are doing something immoral in your room Nami, I'm just telling you that you must not let any man stay in your bedroom" He said and looked at me with his fiery eyes

"Next time don't interrupt when your boyfriend is here for his school works. Your cousin is right" habol pa nya tsaka bumaling kay Blair

I forced myself not to give any response anymore. Ayoko ng humaba ang usapang iyon kaya nagmadali na lamang akong kumain.

Nakakainis.

Seguir leyendo

También te gustarán

9.5M 287K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
32.9K 1.7K 19
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
74.3K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
109K 3.8K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...