"Re-write." (sequel)

By LaysaChaan

110K 6.3K 3.5K

🔴 Read the first book - " stay with me " before step in this story. thanks! 🔴 ✨" FANFICTION."✨ Ps: pl... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
12
13
14
15
16
17
18
19
20
"Under."
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35.
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52

11

2.3K 128 55
By LaysaChaan

"Wag na ulit kayong magtatangkang mag cutting kung ayaw niyong mas madami pa dito ipagawa ko sainyo."





"Opo, sir." Sabay namin sagot.





Agad rin kaming lumabas sa office na yon pagkatapos ipasa yung mga papel na pinagawa samin.





"Babalik ka ba sa room?" Biglang tanong ni Coleen.



"Bakit?"




"Wala na kasi sila ate sela dun, nasa court stadium sila." Nakayukong sabi niya.




"Anong meron?"



"Finals na kasi ng laban nila ano-" nagaalinlangan nitong sabi.



"Nila?" Tanong ko.



"Nila C-cole."




Nakita kong padaan samin yung mga babaeng naka black na jersey at hindi ako nagkakamaling na yun yung team nila Cole.



"Mauna ka na, hindi ako manonood." Sabi ko.



"Gabo?"  May tumawag sa pangalan ko, usually mga ka close ko lang yung tumawag sakin ng gabo, kaya agad ko itong nilingon.




"What?"kunot noo kong tanong.





"Anong what what ka diyan? Si Dana to!" Salubong nito at inakbayan ako.





"Shaks! Evans!"





"Long time no see! Dito ka na rin pala nag aaral?" Malakas na sabi nito at ginulo pa ang buhok ko.




"Hmm, yeah."




"Capt, una na kami don ah." Pagpapaalam ni Cole at nauna na silang maglakad kasama si Coleen.
Nakahawak siya sa balikat ni Coleen habang naglalakad. Hindi ko maiwasang  tingnan sila habang palayong naglalakad.





"Hoy! Kanina pa ko salita ng salita dito, tulala ka lang diyan."  sabi ni ate dana.




"Uh? Ano ba yun?"





"Ang sabi ko, Sumali ka sa team namin." Excited na sabi niya.




"Pass."



"Dali na Gabb, gusto kitang maging kateam ulit, tulad ng dati." Pamimilit nito.



"Nalimutan mo na ba kung anong ginawa ni Dad nung huling sumali ako sa mga sport na yan?"






Dati na kaming magkateam ni ate dana, nung highschool. Lahat ng pinapasukan naming club laging isa samin ang nag mvp at ace player.  I considered myself as a secret member. Dahil alam kong hindi payag si Dad sa mga athletic doings na yan.

The last time na nanalo yung soccer team namin, ako yung mvp. I received a trophy, medal at iba pang certificate awards. Sa sobrang excited ko agad akong umuwi ng bahay namin para ipagmalaki kayla dad itong nakuha ko.




- Flashback. -


"Dad!" Agad na sigaw ko ng makapasok na sa pintuan.



Agad kong nakuha ang atensiyon niya. Biglang kumunot ang kaniyang noo habang pinagmamasdan ako mula ulo hangang  paa.



"Anong ginawa mo? Bakit ganyan itsura mo?"



Pinagmasdan ko ang sarili ko, may mga putik sa damit ko at gasgas sa braso dahil nga sa soccer. Muli kong binalik ang tingin sa kaniya. Pinilit kong ngumiti at pinakita itong trophy at medals ko.




Agad siyang naglakad papalapit sa pwesto ko kung saan ako
nakatayo, naghihintay ng isang yakap at papuri pero hindi nangyari ang inaasahan ko.




kitang kita ng mata ko kung pano mabasag ang trophy sa harapan ko. Kung pano ibasura yung mga medals, at punitin ang mga papel.




"Sino nagsabi sayong pwede kang sumali sa ganyan?! Sino!?"


....

"Gabo, bat hindi ka na dumadalaw sa club? Hinahanap ka na ng mga kateam natin, nag celebrate pa naman kami nung isang araw para sa pagkanalo ng team, ikaw yung mvp ikaw yung wala?"




"I quit." Maikling sagot ko.




"Ha!? Hoy? Nagjojoke ka ba? Haha?"
Pilit na tawa ni ate dana.





Deretso lang akong naglakad, at nakasunod rin siya.



"Teka? Gabb? Parang biglaan naman? Hindi ba sabi mo gustong gusto mo mag soccer."




"Hindi na ngayon, ayoko na."




"Geez, ang bilis mo naman mag desisyon? Pero may volleyball at women basketball  pa naman diba? Baka gusto mo dun tayo?"




"Sorry but I don't really like sport."





"G-gabo." Hindi makapaniwalang sambit nito.





" But I'm thankful na nakilala kita, don't worry kaibigan pa rin kita, kayo. Kahit wala na ko sa team, Sana ganun pa rin tingin niyo sakin." Ani ko at sinimulan na ulit maglakad.




Napalingon ako ng mapansin kong tumigil siya sa paglalakad.

"Fuck, umiiyak ka ba evans?"





"Malamang! Ano tingin mo sa mata ko, waterproof?"



"Gusto mong yakap?"




"Tinatanong pa ba yan?" Agad niya kong niyakap at ganon rin ang ginawa ko.




"Basta Gabb, hindi ako naniniwalang ayaw mo sa sports, Sinungaling ka pa naman."




Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
Lahat ng gusto ko kinaayawan ni dad.
Hindi na rin ako makapagdecide kung anong gusto ko.


Pinipilit kong gawin ang lahat ng gusto ni dad hangang sa nagmumukha na kong sinungaling sa sarili ko.




-End of the flashback-






"Tss! Wag na natin yun pagusapan, kakakita pa lang natin oh! Namiss kaya kita? Libre mo ko!" Sabi ko dito.



"Oo ba, tara after game." Aniya.
Agad niya akong hinatak papunta na stadium.




"Oh Gabb, nandun sila sela, una na ko."
Sabi niya at sumama na sa mga kateam mates niya.




Dumeretso naman ako sa bench kung saan nakaupo sila ate sela. Yung tabi na lang ni Coleen ang bakanteng upuan kaya Wala na akong ibang choice kundi umupo.






DANA's POV.

Mas lalo akong ginahan nung makita ko si Gabb at sure akong manood yun.
Kaya dapat ipanalo ko to.



Biglang lumapit si Frances sa akin.
"Capt! Hindi pa rin dumadating yung tatlo nating players."



"Bakit daw!? Late ba sila?" Tanong ko.




"Injury pa rin yung dalawa, yung isa naman nilalagnat na dahil sa sunod sunod na laban."




Nilingon ko sila, at halatang pagod na pagod na ang iba sa kanila.




"Kaya pa rin naman natin diba? May pang sub pa naman tayo." Sabi ko.




"Dalawa lang rin yung bangko." Mahinang sabi ni Ella.




"Kaya yan! Lets give our best! Last game na to! Kaya natin to." Pag eencourage ko sa kanila, dahil mukhang nawawalan na talaga sila ng pag asa.




Sa sunod sunod na game namin, alam kong grabe na yung pagod na nararamdaman nila at ganoon rin ako.
This will be our last game against differents school. At homecourt pa namin kaya kaylangan naming ipanalo ito.



Lumapit sakin si Cole, isa sa mga ace player dito.  "Capt, hindi natin kaya." Mahina nitong sabi.




"Kulang na kulang tayo." Sabi naman ni gia.




"Wag kayong magaalala akong bahala, Pumasok na yung anim, kasama ka sa anim na yon Cole, frances at Ella, gagawa ako ng paraan."



"Ako capt?" Gia.



"Mamaya, pang last set tayo."



Agad akong lumabas para kausapin yung coach namin.




COLEEN's POV.

Black mamba ang name ng team nila,
Kasama dito si Ella, Gia, frances, cole at ang captain nilang si Ate Dana.



Halos magsigawan ang mga tao, dahil obvious na obvious na may dayaang nagaganap sa loob ng court. this is basically happened pag sobrang dense na nilang manalo.



Nakita kong kumakaway si ate dana, banda samin. Busy sa pag checheer ang mga ate kaya ako lang yung nakapansin.




"I think she's calling you." Sabi ko kay Gabb pero hindi niya manlang ito pinansin.



Naubusan na ng pasensya si ate dana kaya tumakbo na ito palapit sa amin.



"Gabb, abby, lara!, Kaylangan ko kayong tatlo!" Hingal na hingal na sabi nito.



"Bakit zer?" - Lara.

"Ayoko." - Gabb.


"G ako diyan." - Abby.




"Kulang kami sa player, kayo lang yung mahihingan ko ng tulong, please." Sabi ni ate dana.



"Game!" - Lara.

"Ayoko." -  Gabb.


"Para sayo Danababes." - Abby.




"Please, Gabo." Pagmamakaawa niya kay Gabb.




"Hindi kami official member, hindi ba pandadaya yun?" Sabi ni gabb.




"Nandadaya na rin sila, kaya kaylangan na rin naming mandaya." Sabi naman ni ate dana.




Napayuko na lang si Gabb ng bigla itong batukan ni ate sela. " sasama ka o hinde?"






3RD POV.

"Oh, Gabb. Suotin mo tong extra jersey ko, malinis pa yan, sayo ko lang ipapasuot yan." Sabi ni dana.



Agad  naman itong tinangap ni Gabb at binasa yung nakalagay na name sa likuran nito. "Jemimah? Sinong jemimah?" Tanong ni Gabb.



"Wag mo na tanungin."



Agad na lumapit yunt coach nila kay Dana. "Dana, seryoso ka ba diyan? Sa mga pinasok mo?"



"Opo, coach! Sure win to."




Nagsimula na ang 4rth set, 2-1 ang score. Lamang ang kalaban. At Ito na yung lang yung chance nila.


Agad na pumasok sa loob ng court si Gabb, lara at abby.  Halos mapuno ng sigawan ang buong stadium.



Sumunod naman si dana, Cole at gia.
Silang anim ang last na maglalaro dahil injured na yung ibang teammates nila.





"Oh! yung mga top niyo oh, maglalaro." Malakas na sigaw ni Daryll.



Sabay sabay  napalingon sila Coleen, brei at Sela sa pwesto nito.



"Oh bat namumula kayo diyan? Bat pati ikaw Colee-" agad itong hineadlock ni Sela.



"Hawakan mo sa paa brei, iitcha natin to." Utos naman ni Sela.




"Aray! Ate sela! Brei! Aray!" Sigaw ni daryll.




"Taenaka, pasmado talaga bunganga mo eh no?" - brei.



...

"Outside!" Sigaw ng referee.



"Abelaine! Bat mo iniiwasan yung bola!?" Inis na sigaw ni Sela.



"Ihh baka tamaan ako." - abby.




"Huy, abby umayos ka nga."  - Dana.




"Bat kasi si ate abby pinasok mo, sabi ko si ate Sela." Bulong ni Cole kay dana.




"Hayaan mo na." Pag buntong hininga na lang ni dana.




"laraaaa!!" Biglang sigaw ni brei. Halos magtawanan ang mga manonood dahil nakapikit pa ito at namumula habang sumisigaw.




"Jusko, boang talaga." Bulong na lang ni lara sa sarili niya.




Agad natambakan ang score ng kalaban ng nagpaulan ng spike si Gabb.
Halos magsigawan ang lahat ng audience.




"Nice gabb! Di ka parin nagbabago!" Sabi ni dana at nag thumbs up.






COLEEN's POV.

Halos kagatin ko na yung labi ko dito sa sobrang pag ngiti.


Tuwing nakakascore si Gabb yung dahilan. Gusto ko siya i cheer, tulad ng ginagawa ni brei at ate sela kay lara at ate abby.


Narinig kong naguusap yung tatlong mean girls kaya hindi ko maiwasang makinig.





"Woah, she's hot." Sabi nung Mikha habang nakatingin ng deretso kay Gabb.

"Mikha, Bini."

Isa siya sa mga famous student dito sa all girls campus. Maraming nagkakagusto  sa kaniya dito kahit na aware silang straight siya.






"She's Gabrielle "Gabb" Skribikin, from section B, transferee lang siya dito. hindi siya friendly hindi rin siya nanamansin, but she's popular enough because of her natural charisma." sabi ni gwen.

"Gwen, Bini."


Isa siya sa mga pinakakilalang stalker dito, hindi na ako magtataka kung pati info ko kabisado niya na.








"Can I simp for her?" Sabi naman ni Aiah.

"Aiah, Bini."

Siya naman yung pinakamaligalig sa kanilang magkakapatid, siya rin yung tipong lahat ng maganda sa paningin niya ay  gusto niyang mapasakaniya.






Kaya tinawag silang mean girls dito sa allgirls campus. Dahil pag nagsama sama silang tatlo siguradong delubyo.



Nung first time kong pumasok dito, nakuha ko agad ang atensiyon nilang tatlo at hinding hindi ko ikinatuwa iyon.



Mikha used to hate me because I'm prettier than her.

Gwen stalked my personal life and spread an annoying humor about me,

and last, the girl name Aiah told me how she likes me and she wanted to be my girlfriend. But her ass get rejected. Kaya nagpakasadgorl si ate mo, para mag mukhang kaawa awa at ako ang magmukhang masama.





They tried to ruin my reputation but they failed.  Dahil sarili ko lang ang kayang gumawa nun sakin.



Entitled silang tatlo because they know they are the  richest and powerful student here in this school. But later  Nalaman ko na lang, na nagtratrabaho lang pala yung parents nila sa Dad ko. How funny? Diba?



I told them who I am, and the bini sister immediately cleaned the mess,  binawi na rin nila yung mga humor na kinalat nila about me.




Papahalikan ko sana yung paa ko for apology pero hindi naman ako ganon kasama para ipagawa sa kanila yun.






Hindi ko namalayang tapos na yung game dahil kakakwento tungkol sa mga babaeng to.




"Panalooo!" Biglang sigaw ni ate sela, at  bumaba na ng court, ganun rin si brei.




"Teka, san sila pupunta?" Tanong ko kay daryll.



"Dadalhan ng towel yung mga top nila." Chill na sabi nito habang umiinom ng softdrinks.

"Ikaw, bat hindi mo pa dalhin sa kaniya yan?" Tanong niya habang nakatingin sa white towel at bottled water na hawak ko.




"K-kanino?" Nauutal na tanong ko.




"Sa top mo." Mabilis niyang sagot na kinainit ng mukha ko.



"Can you please stop saying that word! Para sabihin ko sayo hindi ako bottom!"




"Talaga lang ha? Bumaba ka na nga dun! Bigay mo na yan." Sabi nito.



"Kanino ba kase?"




"Sino ba sa kanila mas deserving? Si Cole o si Gabb?"



H-how did she fucking know?




"A-anong p-pinagsasabi m-mo, Shut the fuck up! Daryll!"




"I'm not daryll, I'm the real."



Bumaba na ako ng court at baka mas lalo lang ako maasar kay dada. Hindi ko pa rin alam kung kanino ko iaabot tong towel at saktong magkatabi pa si Gabb at Cole.



"A-ano." Sabay silang napalingon sa pwesto ko.




Halos palipat lipat ang tingin ko sa kanilanh dalawa, parang gusto ko na lang lumubog sa lupa, bat kase hindi pa dalawang towel dinala ko.




"Alis na ko." Biglang sabi ni Gabb at naglakad na paalis.




Wala akong nagawa kundi panoorin na lang siyang umalis, halos maligo na siya sa sarili niyang pawis, at sure akong hindi pa rin ito umiinom ng tubig.




"Oh, Coleen." Biglang salita ni cole kaya agad ko itong nilingon.




"Oh." Abot ko sa kaniya ng tiwalya at tubig dahil wala naman na akong ibang pagbibigyan nito, at alam kong hindi rin tatangapin ni Gabb to.




"Huh? May towel na ko dito. Bigay mo na lang kay ate abby." Sagot ni Cole.



"Tangapin mo na lang."



GABB's POV.

Pagtapos magpalit agad akong bumalik sa bench kung saan kami nakaupo kanina, sila ate sheki, ate alice at daryll lang ang naroon.




"Nagpalit ka agad?" Tanong ni daryll.





"Oo." Maikling sagot ko at umupo na sa tabi niya.





Pinanood lang namin, yung pagbigay ng trophee at pagsabit ng medals sa team nila ate Dana.




"Ibigay mo na kaya number mo sa kanila?" Biglang sabi ni daryll.




"Kanino?"




"Sa tatlong babaeng yun oh, kanina pa sila sayo nakatingin." Turo niya sa tatlong babae pero hindi ko ito tinignan.




"Talaga, bakit daw?" Tanong ko.




"Ewan ko, bet ka ata." Sagot naman ni Daryll.




"Tss. Wag mo na lang pansinin."



Loyal ako sa isa diyan.




"Nice game." Biglang sulpot ni Coleen.



Tinanguan ko lang ito, at naupo siya sa tabi ko dahil yun na lang ang bakanteng upuan.




"Sabi mo hindi ka interesado sa volleyball." Biglang salita nito.




"Wala akong sinabi."




"Hoy! Tara na! Manlilibre si Dana." Sigaw ni ate abby kaya agad kaming tumayo para sundan sila.





Naglakad na kami palabas ng stadium. Binabagalan ko ang lakad ko dahil gusto ko silang paunahin, at ayokong makisabay sa ingay nila.




"Coleen." Biglang tawag ni Cole at lumapit kay Coleen na nasa harapan ko.





"Salamat nga pala dito sa towel." Sabi nito.




I see, so para sa kaniya nga talaga yung towel? Bat ba ako nag assume na para sakin yun? Tss.




"H-hindi sayo na yan." Sabi naman ni Coleen.





"Luh, binabalik ko na nga e." - Cole.





"Sayo na yan, regalo ko sayo yan. Galing mo kasi e." - Coleen.




"Tss, sakit niyo sa mata."




Lumiko muna ako ng daan, at huminto muna sa may vending machine. naghulog ako ng coins para makainom ng tubig dahil Kanina pa ko nakakaramdam ng uhaw dahil wala namang nagbigay sakin ng tubig.



Sinimulan ko na ulit maglakad pero hindi ko na sila nadatnan, Nauna na silang lahat.






COLEEN's POV.

"Wait lang ah, tawag ako ni capt." pagpapaalam ni cole at nauna ng maglakad.




Napansin kong wala ng presensya ng tao sa likod ko kaya agad akong lumingon, Nilibot ko ang tingin.




Wala na si Gabb.




Biglang sumulpot si Daryll at hinawakan ako sa leeg. "Huli ka! Tatakas ka pa ahh!"



"Ano ba mga letche?!"



"Ano ba mga nyenye."pang aasar ni brei na nakahawak naman sa braso ko.



"Bitawan niyo nga ko!"



"Tara na, baka kung san ka pa pumunta." -  Brei.




"Si Gab- arggh!! Ano baaaa!"






GABB's POV.

Naupo na lang ako dito sa bench sa field. Habang tahimik na iniinom tong tubig.




"Lonely?" Biglang sulpot ng tatlong babae at nakiupo na rin sa bench.




"Hello, Im Aiah." Ngiting sambit nito sabay abot ng kamay sa akin.



"I'm Mikha."



"Hi , I'm gwen."



Pagpapakilala nilang tatlo, hindi ko alam kung ano magiging reaksiyon ko. Dahil halata namang hindi sila lalapit kung wala silang kaylangan sa akin.



"Anong kaylangan niy-"



"Youre Gabb right?" Pagputol ni gwen sa tanong ko.



"Where's your friends? Iniwan ka ba nila?" Tanong ni Aiah.



"You want to come with us?" Pag aya naman ni Mikha.


"Saan?  Para saan?"



If these girl asked me out for a drinks i will definetly say yes .





"Hi! Babe!" Biglang sulpot ni lara at yinakap ako.




"Yuck! Kadiri! Anong ginagawa mo?" Bulong ko dito.




Hindi pa rin siya humihiwalay ng yakap. "Gago, nililigtas lang kita dito." Bulong rin nito.




"Sorry girls, may pupuntahan pa kami e, bye." Sabi ni lara at hinatak na ko palayo doon.




"See you again Gabb." Huling sabi ni Aiah.




"Sure- ouch!." Sagot ko ng bigla akong batukan ni lara.




"Anong sure ka diyan? Sumbong kaya kita kay Coleen."




"Bakit? Anong meron? Bat mo ko isusumbong? At sa babaeng yun pa?"
Sunod sunod na tanong ko dito.




"Nambabae ka diba? Bakit hindi pa ba kayo ni Coleen?"




"A-anong pinagsasabi mo?"




"Uh? Akala ko, sabi kase ni daryll e."




"Bakit nandito ka nga pala? Umalis na sila brei ah?" Balik na tanong ko sa kaniya.




"Iniwan nila ko." Maikling sagot ni lara.




"Bakit?"




"Ewan ko, naidlip lang ako sa locker room tas pag gising ko wala na kayo."
Sabi nito at napakamot na lang sa ulo.




"Gusto mo magkape?" Aya ko.




"Bakit?"




"Wala, antok ka pa ata e."





COLEEN's POV.

"Anueba!" Pagpupumiglas ko sa dalawang to.



Biglang bumitaw si brei at tumigil sa paglalakad. Napakamot na lang ito sa ulo niya habang tinatandaan yung nalimutan niya.




"T-teka? Parang may naiwanan ata ako?" Sabi ni brei.



"Talagang meron! Naiwan natin si Ga-"




"Lara! Naiwan ko si Lara, mauna na kayo." Sabi nito at tumakbo na pabalik ng school.



"Hays! Ang corny talaga ng mga tao pag  inlove-aray!" Sabi ni daryll kaya agad ko itong binatukan.



"Manahimik ka jan! Wala kang jowa." Sabi ko at sumunod na kay brei.




"Bakit ikaw meron? Teka? May babalikan ka rin?" Tanong nito pero hindi ko na lang pinansin.









Agad kong naabutan si brei at patuloy pa rin kami sa pagtakbo.



"Bat ka pa sumunod? May babalikan ka rin?" Tanong niya.



"M-meron." Sagot ko.




"Si lara, Kaylangan kong makita yun! Kung san san pa naman yun natutulog." Tarantang sabi nito.




"Nung nagpunta nga kami ng batangas e. Sa sobrang pagod niya nagpahinga muna siya loob ng jeep habang ako bumibili ng palamig, tas paglingon ko umandar na yung jeep." Seryosong kwento nito kaya agad kong pinigilan ang tawa ko.



"Wtf?"




"Tas kinwento niya pag gising niya daw, nasa ibang lugar na siya. Kaya nga! Alalang alala ako dito e." Dugtong ni brei.






LARA's POV.

Nandito kami ngayon sa Coffee shop.



"Seryoso? Tatlong oras na pinakamahabang tulog mo?!" Gulat na tanong ko dito kay Gabb at tumango lang ito.




"Ang sakit sa ulo nun, kaya pala ang lusog lusog ng eyebags mo." Dugtong ko.




Biglang may lumapit saming dalawang
Babae, at nakangiti ito samin, pero mas iba ang ngiti nito kay Gabb.


Ewan ko ba? Kung bakit napaka lapitin ng babae tong si Gabb?



"Hi? Can we share a table?" Pagpapaalam ng isang babae.




"U-uh hindi pwe-"




"Sure." Mabilis na sagot ni Gabb.




" hoy! Gabrielle! Mayayari ako kay brei pag nakita tayo nun." Bulong ko dito.





"Ako bahala." Sagot lang nito sabay kindat.



"Hi! My name is sheena, and she's my friend, Colet." Pagpapakilala nila.




"I'm Gabb, and she's lara."




"Woah, nice to meet you then." - sheena



"Yeah same here." - gabb.




"let me order some drinks for you guys." - colet.




"Uh, nakakahiya naman." Mahinang sambit ko.




"Don't worry, treat namin." - sheena.





"Sure if you insist." - gabb.








3rd pov.

"Coleen, ilabas mo yung baril ko." Biglang sabi ni brei.




"Huh? Pinagsasabi mo?" Takang tanong ni Coleen.



"May babarilin lang ako dito."



Agad naman tumingin si Coleen kung saan nakatingin si brei.




"Oh em gee? Si lara ba yun? Nakikipag blindate ba siya?" Mapang asar na tanong nito kaya mas lalong naginit ang ulo ni brei.




"Blindate pala huh?"




"Chill, brei, chill." Pagpapakalma ni Coleen, habang pinipigilan ang tawa.




"Anong stay chill? Nakita mo na ba yung isang kasama niya?" Sabi ni brei kaya muling tinignan ito ni Coleen.




"G-gabb."




"So lara, anong favorite mong coffee dito?" Tanong ni Colet habang nilalaro ang daliri ni lara.



"Espresso lanahaisjbsWa! A-anowalapa laakongpeyburitkwkowbdbdiekwm" magkanda bulol bulol na sagot nito ng makita niya si brei na nakatayo na sa likod ni Colet. Maliit lang ito, pero feeling niya kaya siyang ibaon nito sa lupa.




"Take off your hand if you don't want to get boiled like a coffee." Bulong ni brei kay Colet.




Dahan dahan itong lumingon sa kasama niya at halos manginig na sa takot. "S-sheena, tara na, u-umalis na tayo dito."




"Mamaya na, lets enjoy ourselves muna, right gabb?" Sagot ni sheena habang deretso pa ring nakatingin kay Gabb.




"Oonga sis, mamaya na. Nageenjoy pa tong friend mo e, can I join?" Biglang salita ni Coleen at umupo sa tabi sheena.




"Sure, the more the merrier." Walang kamuang muang na sagot ni Sheena.





"Coleen? Anong ginagawa mo." Bulong ni brei pero hindi siya pinansin nito.




"So your name is Coleen?" - sheena.




"Yes and you are?" - Coleen.



"I'm sheena, did you know each other?" Tanong ni sheena.



"No, I dont know her." Biglang sagot ni Gabb habang deretsong nakatingin kay Coleen.




"I dont know her too." Taas kilay na sagot ni Coleen habang deretso ring nakatingin kay Gabb.





"Hi, I'm coleen." Biglang sabi ni Coleen sabay abot ng kamay kay Gabb.




"I'm Gabb." Agad na tinangap ni Gabb ang hand offering ni Coleen.

At nagusap sila sa pamamagitan lamang ng mga mata.

"Babaero ka talaga." - coleen.

"Bat hindi ka sumama kay Cole?" - gabb.





Halos mamula si brei at lara dahil sa pagpipigil ng tawa. Habang si Colet halos maihi na sa takot.




"So sheena do you have a boyfriend?" Panimulang tanong ni Coleen.




"Nahh actually I'm single and I'm not looking for a boyfriend." - sheena.




"Oh?" - Coleen.




"I was looking for a girlfriend." Sagot ni sheena at binaling nito kay Gabb ang tingin.



"How about you gabb?" - sheena.




"Yeah, I have a girlfriend." Sagot ni Gabb habang deretsong nakatingin pa rin kay Coleen.




Biglang nawala ang ngiti ni sheena.
"O-okay g-good for you then haha?" Akward nitong tawa.




"H-how bout you Coleen?" - sheena.




"I have a girl also." Sagot ni Coleen habang nakatitig kay Gabb.





"Ow? Ako lang pala yung single dito haha?" Sabi nito at biglang tumayo.

"W-wait c.r lang kami ah." Agad niyang hinatak ang kaibigan niyang si Colet.




Ng makaalis ang dalawa, sabay na bumuntong hininga si brei at Coleen.

Agad naman sumiksik si lara kay Gabb.
"Tangna, Gabb. Yari na tayo."




"Now, explain." Biglang salita ni brei habang pinapaikot ang tinidor sa kamay.




"I-Ikaw rin, mag explain ka, tulungan mo ko huy." Kabadong sabi ni lara kay Gabb.




"Why do I need to explain? Its not like i have girlfriend who get jealous-"




"Meron!" Sabay na sigaw ni brei at lara kay Gabb.




Agad na  napatingin si Gabb kay Coleen walang ekspresyon ang mukha nito na nakatitig sa kaniya.




"F-fine, Nagkwekwentuhan lang kami dito ni lara ng biglang nakiupo samin yung dalawang babae." Pagpapaliwanag ni Gabb.




"At pinaupo mo naman?" Deretsong tanong sa kaniya ni Coleen.




"Syempre, hindi naman kami may ari ng upuan-"  sabat ni lara.




"Manahimik ka diyan." Tinitigan ito ni brei kaya agad itong nagtago sa likod  i Gabb.




"They said they treat us some drinks, saktong wala kaming dalang pera pareho, kaya pumayag kami." Kalmado nitong sabi habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Coleen.




Sabay na tumayo si brei at Coleen at nauna ng lumabas ng Coffee shop.




"G-galit pa rin ba sila?" - lara.




"Hindi na yan." - Gabb.





Patago silang nag hand appear.
"Hoooo! Kala ko mapipiga na ko ng buhay." - lara.



"Don't worry, ligtas ka sakin." - Gabb.



Agad na rin silang lumabas ng coffee shop at sumunod na sa dalawa.

Nauunang maglakad si Lara at brei dahil hindi parin tapos ang away nito at naiwan naman si Gabb at Coleen.




Habang naglalakad, Nakahawak lang ang dalawang kamay ni Gabb sa batok niya habang nakatitig sa buwan




Maliit lang hakbang at hindi gaano kabilis ng paglalakad nila. Hindi tulad ng nakaraan na laging nag iiwanan.



Napayakap na lang si Coleen sa kaniyang sarili dahil sa lamig ng simoy ng hangin.




"Y-yung sinabi mo kanina, Totoo ba yon?" Biglang salita ni Coleen kaya agad niyang nakuha ang atensiyon ni gabb.




"Ang alin?"




"Na may g-girlfriend ka na?"




Parehas silang tumigil sa paglalakad, tanging street lights at buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa madilim na daan kung saan sila nanatiling nakatayo.








>>Remedial test<<

COLEEN's POV.

Moooo! Bakit walang pumapasok sa utak ko!"



"Okay Coleen focus! Focus!"



Kaylangan kong ipasa tong test dahil dito nakasalalay ang credit card ko, pati yung bet namin nila brei.



I need to pass this exam.



Should I pray?




"Ms, trinidad? Bat ka nakapikit? Natutulog ka ba? in the middle of exam?"




As you can't see na I'm trying to pray these answers I wrote. Since I'm not confident enough kung tama pa ba tong pinaggagawa ko.




Eto yung last day ng remedial test, pitong subject ang tinake ko ngayong araw dahil bawal na daw sa lunes.




Hindi ko na alam kung anong piga pa ang dapat gawin ko sa utak ko, dahil wala talagang lumalabas.




Tanging yung mga tinuro lang ni Gabb yung natatandaan ko, yung philosophy tsala 21st literature. The rest burado na.
Hindi ko na rin matandaan yung mga nireview namin Cole.




Ugh!




After long many hours, tumunog na rin yung bell hudyat na tapos na ang buong araw na klase. Sakto naman tapos na ko sa last subject ng test.




"Im done na po."agad kong pinasa kay sir yung papel.




"Finally!"sigaw ko dito.



"Makakauwe ka na."





"Thankyou, sir." Agad akong lumabas ng room at tumambad sakin si ate abby.




"Kamusta gyera?"



Agad akong yumakap sa kaniya.
"A-ate abby? Buy me something sweet. Tuyot na tuyot na utak ko." Pagpapa cute ko dito.




"Starbucks?" Ngising tanong nito.




"Yass!"






GABB's POV.

Nandito kami ngayon sa library.
Pinatawag yung mga students na nakaperfect ng exam para mag check nung test paper ng mga nag remedial.



Sabay sabay ng pinasa samin yung nga test papers.



Saktong nakuha  ni daryll, yung papel ni Coleen. Katabi ko nga pala si daryll.
Sa pagkakatanda ko bagsak rin siya sa test, kaya nagtataka pa rin ako kung bat siya nandito.




Nagsimula na kaming magcheck. Sunod sunod lang ang pagcheck kaya mabilis rin natapos. Sinulat na namin yung over all scores ng students.




Lumingon sakin si daryll ng abot tengang nakangiti.




"Tingnan mo score ni Coco, bagsak." Natatawang bulong ni daryll.




Pano siya bumagsak? Nagreview naman siya ah? What kind of review she done with cole?




"Bagsak na nga yung tao, masaya ka pa?" Irap ko dito.




"Panong di ako sasaya? Diba? Nag bet kami? Na pagbumagsak siya mag papaswimming siya?"





Agad kaming lumabas ng library. Biglang nawala si daryll kaya nauna na akong lumabas ng campus.


Biglang humarang sila mikha, gwen at aiah sa dadaanan ko.





"Hi, Gabb. Its us again?" - Aiah.





"What?" Kunot noong tanong ko.





"We just want to ask you out for drinks."- Gwen.



"Sinabi kase ni daryll, na drinks lang makapagpapayag sayo." - Mikha.

"Shhhii, Mikha." - Gwen.





"Sure, I would love to." Ngising sagot ko.




Agad akong sumakay sa mamahaling kotse nila. Pasimple ko lang silang pinagmamasdan.





Hindi ko alam kung anong hidden agenda nila sakin, pero kung balak man nila akong lokohin, kaylangan ko silang unahan.





Naalala ko naman bigla yung kwento tungkol sa magkakapatid na to  ni lara nung nasa coffe shop kami.



"She is Aiah, shes one of the popular girl in the campus, she maybe look like a sweet person but she's really dangerous." Lara.



"Why?" I asked.



"She's good at manipulating people."




"Mukha lang siyang normal pero isa siya sa pinakakilalang stalker, siguradong walang kawala bawat detalye ng info mo, baka nga mas kilala ka pa niya, kesa sa sarili mo e." Lara.




"What a creep."




"And last girl name Mikha, siya lang yung straight sa kanilang tatlo, maraming nagkakagusto sa kaniyang babae dahil sa napakaganda niyang mukha." Lara.




"I see, halata nga."





"Pag alam niyang bisexual ka, tingin niya may gusto ka sa kaniya." Lara.




"Pano mo nasabe?"




"Based on experience." Lara.



"Assuming pala huh?"




"Totoo, kaya be careful. Ang chaotic pa naman ng magkakapatid na yun." Lara.



Hindi ko alam kung ano motibo nila pero sapat na yung malaman ko kung sino sila, Kaylangan kong pumili ng isang target sa kanila.



I choosed the last girl. Which is mikha.



Like lara said. Straight siya at feeling niya lahat ng bisexual automatic na gusto siya. I took that as a chance. Since I'm a gender bender.




Huminto kami sa starbucks, ang akala ko sa bar nila ako dadalhin, pero okay na rin to. Para mas safe.




Agad kaming pumasok sa loob, at naupo. Umorder na si Gwen at Aiah. Kaya kaming dalawa na lang naiwan ni Mikha dito sa table.




"So, whats up? Transferee."




"Transferee huh? Sayang naman yung maganda kong pangalan kung hindi mo gagamitin?"




"Oh yeah, you're Gabb as in Gabrielle right?"




Agad na umupo na rin sila gwen at Aiah kasama yung drinks and donuts.




"Hey Gabb, you only talking mikha, nandito rin kami no? Hello?" Biglang sabi ni Aiah.




"Ah? hahaah sorry."




"Stfu Aiah, kasalanan ko bang sakin lang siya interesado?" Mataray na sabi nito.





"You really a bitch are'nt you?" Rinig kong bulong ni gwen kay mikha.





"Yeah you're right. You seem so interesting for me." I said while starring at her.




"So aalis na ba kami?" Aiah.




"Yeah, go! Buti naisip mo yan." Mikha.




"Fuck you, Mikha. Let's go, Aiah." gwen.




"They are truely annoying." Irap niya sa dalawa.





"Kapatid mo sila diba?" Tanong ko.




"Yeah, and I dont know how?" Natatawang sabi niya.




"What do you mean?"



"You know, they are gays, actually our school are full of gays. Ewan ko ba bat ako nag aral dun." Mikha.




"Why? What's wrong with that?" I asked.




"As you can see I'm hella straight."



Hindi ka sure.




"So you don't like bisexual people?" deretsong tanong ko dito.




"Uhm yeah? Because its seems so wrong."




"So what do you think of me?" I asked while directly looking in her eyes.




"I think your gay too, but its fine. You look weirdly handsome as a girl."
She answered.




"Do I?" Ngisi ko dito.




"Parang hindi mo naman alam?" Natatawang sambit niya.






"Shees, what's with that lip bite?" Tanong niya.





"Manerism." Ngiting sambit ko.





"Your manerism is kinda hot, to be honest."





"You think so?" Natatawang sambit ko at kinagat ulit ang aking ibabang labi.





"Gosh, don't do it again."bulong nito kaya mas lalo akong natawa.





"Hindi ko mapigilan e?"



"Don't bite your lip again, kung hinde hahalikan kita." Confident na sabi niya.




"You can't." Panghahamon ko dito.




Bigla niyang hinatak ang kwelyo ko at agad na dinampi ang labi niya sa labi ko. Hindi na ko nagulat dahil alam kong kaya niyang humalik.




Ang nakapagtataka lang, wala  akong naramdaman na kahit anong weird, o kilig. Nanatiling bukas ang mata ko habang hinihintay siyang humiwalay sa labi ko.




Biglang may humatak sa damit ko, at halos dalin na nito ang buong katawan ko palabas ng starbucks.





"H-hoy! Ano ba! Mapupunit yung damit ko." Sigaw ko dito.





Huminto na siya sa paglalakad pero hindi niya parin inaalis ang mahigpit na pagkahawak sa mangas  ko.




Nakatalikod lang siya habang nakayuko ang ulo, tatangalin ko na sana ang pagkakahawak sa damit ko ng  makita kong nanginginig ang kamay nito.




"C-coleen."





"Fuck." Mahinang sambit niya at dahan dahan ng bumitaw sa damit ko.





Bahagya niya akong nilingon na para bang hiyang hiya akong tingnan ng deretso.





Para akong binagsakan ng isang malaking bato sa ulo ng makita kong namumula at luhaan ang mga mata nito.




"S-sorry. I d-didnt mean to do that, I'm sorry." Huling salita niya bago tumakbo at iniwanan akong mag isa.




Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko habang deretso lang nakatingin sa direksiyon kung saan siya tumakbo.




"Hindi ko na gagawin yung mga bagay na nagdudulot ng sakit sayo." Mga salitang nag eechoe ngayon sa loob ng utak ko.



"A-ano to?"




Dahan dahan kong hinawakan ang bandang dibdib ko. Dahil sobra ang pagkirot nito.



Hinawakan ko rin ang pisngi ko dahil basa na ito.



tumulo na lang ang luha sa mata ko ng hindi ko namamalayan.





"B-bakit ako nakakaramdam ng ganito?"














A/N: hi! Salamat sa pag hihintay.

Sinama ko pala yung new ppop girl group na Bini. Wala lang ang gaganda rin kasi nila atsaka natuwa lang ako kase magkaroon sila ng interaction sa MNL48 nung isang araw.

Stan MNL48

Stan BINI

PPOP rice!




Literally no one:

"Author update agad!"

Me:  *pinader yung suntok*

Continue Reading

You'll Also Like

37.8K 1.1K 72
Compilation of Vhoice stories.
7.8K 433 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
2.6K 577 130
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
3.5K 209 43
What are the odds that Kervy (FJS) will meet the twin stranger of someone he used to love dearly? Will the feelings be the same or will it cause con...