23

2.8K 116 62
                                    

GABB's POV.

"Ate Gabby!"





"Ate Gabo!"






"Lexi, Hainess ang bigat niyo!" Reklamo ko dito.






"Hindi naman po kami nakadagan sa inyo." Sagot ni Lexi kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.





"U-uh si Coco pala..." Sambit ko. Nang tanggalin ko ang kumot, may malaking baby na nakahiga sa ibabaw ko.





"Sino po siya?" Tanong ni Lexi.






"Baby ko." Tuwang-tuwa na sabi ko.






"Anak niyo po?" Tanong naman ni Hainnes. Unicoco Mag-ama daw?






"Hayss! Mga batang ‘to oo." Natawa na lang ako sa mga iba pa nitong tanong sa akin.








Maya-maya naalimpungatan na si Coleen dahil sa ingay namin.

"Hmm... Sinong kausap mo?" Pikit na tanong niya.







"Wow, ang ganda niya po!" Manghang-manghang wika ni Lexi.







Agad na dumako ang tingin niya sa dalawang bata. Nanlaki ang mata nito at agad siyang nagtakip ng kumot at sumiksik sa leeg ko.

"Gago ka? Bakit nandito yung mga bata? Dapat ginising mo ako agad." Mabilis na bulong nito sa’kin.








"Gigisingin pa lang sana kita. Tara na breakfast na tayo? Hindi ka pa ba gutom?" Tanong ko.






"Teka. Kunin mo yung damit ko." Utos nito sakin at umusog na sa kabilang side ng kama habang nakabalot pa rin sa kaniya yung kumot.








"Huh?" Takang tanong ko, dahil kanina pa siya pabulong-bulong.






"Nakahubad ako, bobo." Inis na bulong nito at umirap sakin.





"A-ah kiddo! Mauna na kayo doon, susunod na lang kami ni ate Coleen niyo, okay?" Agad kong sabi sa dalawang bata.







"Okay po!!" Sigaw ng dalawa at lumabas na ng kwarto.








Muli kong ibinalik ang tingin kay Coleen. Nakangisi lang ako habang siya ang sama na ng tingin sa akin.

"Yung damit ko! Pakuha!" Inis na bulong nito sakin, at mukhang asar na asar na.








"Ba’t ka kasi natulog nang nakahubad? Hindi naman mainit dito." Ani ko habang kinukuha sa drawer yung damit ko.

Wala kasi siyang dalang damit kaya syempre damit ko.









"Yang kamay mo! May sariling isip! Kung san san napupunta hanggang sa mawalan na ko ng suot! Ikaw yung naghubad sa’kin! Kapal ng mukha mo."
Sigaw nito pero pabulong pa rin.








"Ahhh... HAHAHAHAH AKO PALA?" Natatawang tanong ko. Inirapan na naman niya ako ulit.






Agad niyang inagaw sa kamay ko ang towel at dumiretso na sa bathroom.

Nakaayos naman na yung susuotin niya kaya naisipan ko munang bumaba.





"Coco, bababa muna ako." Paalam ko.

Agad akong bumaba ng hagdan at nagpunta sa dining room.








"Good morning guys–hoy! Teka! Ba’t nandito kayo?!" Sigaw ko dala ng excitement.







"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now