3

2.3K 149 34
                                    

GABB's POV.

"Bakit pa kasi kaylangan pang kasama ako?" Tanong ko dito.







"Ito na yung chance mo to meet a new friends." Sagot naman ni Ate sela.










Agad kong binagsak ang katawan ko sa kama. "ayoko! Matutulog na lang ako."











"Wag mo kong inaartehan, alam kong hindi ka makatulog." Sabi naman nito.








"Saan ba kase yun?"tanong ko dito.










"Sa bar nga!" Sagot niya na ikinasabik ko.









"Oh! Bat hindi mo agad sinabi?" Agad akong tumayo at nagsuot ng long sleeve na stripes at black fitted pants.









"Pag alak talaga ang bilis mo eh no?"
Ngiting sabi ni ate sela.








"Tara na nga."









*AT THE BAR*

Agad kaming umalis at nagtungo na dun sa nasabing bar. Hindi nanamin ginamit yung kotse dahil ayaw ni ate sela at para na rin iwas aksidente incase na malasing kami.










Nang makarating pumasok na agad kami sa loob. Usual bar lang rin siya kung saan napakaingay ng tugtog, may mga nagsasayawan. kaliwat, kanan ang nagpapausok, at umiinom.








"Nasan na sila?" Tanong ni ate sela.









Medyo madilim kasi dito kaya medyo mahirap maaninag yung mga mukha ng tao. Tanging mga laserlight at disco ball lang ang nagsisilbing liwanag.

"I think na sa second floor." Ani ko.










Agad kaming pumanik sa hagdan. At nakita nga namin sila.

"Ayan na sila!" Sigaw ni ate Sheki.








"Woooh! Shot na!" Sigaw rin ni Daryll.









"Oh Gabb! Buti sumama ka?" Tanong sakin ni Brei. Tinanguan ko lang ito at umupo na sa bakanteng upuan.









Kung pagmamasdan mo silang magbabarkada sobrang nag eenjoy sila. Puro asaran, Banat, At tawanan.








Habang ako tahimik na nakaupo dito habang iniinom tong malamig na alak. Dahil ito lang naman talaga yung pinunta ko.








"You're so quiet? Nahihiya ka ba samin?" Biglang tanong ni ate alice.









"No I'm not, Tinatamad lang ako magsalita." Ani ko.








Kaya ko namang mag stay ng ganto pero feeling ko sila na yung naiilang para sakin dahil sa pagiging tahimik ko.










"Uhm magsi cr lang ako." Pagpapaalam ko sa kanila.









"Samahan na kita?" Tanong ni Ate sela.








"No, ako na lang mag isa." Sabi ko.









Agad akong bumababa sa first floor ng bar at naghanap ng tahimik na pwesto.
Hindi naman sa literal na tahimik talaga. Gusto ko lang yung walang taong nakapaligid sakin habang umiinom.








"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now