Win Back The Crown

By Brave_Lily

148K 5.8K 349

(COMPLETE) BOOK 1 She's Disha, a girl who loves partying, hanging out with friends. But in just a single acci... More

Prologue
Chapter 1: Unexpected Death
Chapter 2: The Emperor
Chapter 3: In The River
Chapter 4: She's The Headline
Chapter 5: It Was Her
Chapter 6: Hyun
Chapter 7: What's their real motive?
Chapter 8: Where's the Prince?
Chapter 9: Painful Night
Chapter 10: Weyla
Chapter 11: Xu'en
Chapter 12: Xu'en's Father
Chapter 13: Preparation
Chapter 14: The Festival
Chapter 15: Dream
Chapter 16: She's Back
Chapter 17: The Queen's Son
Chapter 18: Emperor Wei Jin Hang
Chapter 19: Haya
Chapter 20: The Man in the Mask
Chapter 21: Save Him
Chapter 22: Garden
Chapter 23: Outside The Palace
Chapter 24: The Thief
Chapter 25: King's Anger
Chapter 26: A Mother's Love
Chapter 27: General's Heart
Chapter 28: Lady Violet
Chapter 29: Lady Violet II
Chapter 30: The Plan
Chapter 32: Ginoong Chiao Bei Kang
Chapter 33: Find Her
Chapter 34: Danger
Chapter 35: The Truth Must Reveal
Chapter 36: Hunt
Chapter 37: The Bandits
Chapter 38: The Shaman
Chapter 39: Tears and Pain
Chapter 40: The Queen's Comeback
Chapter 41: Betrayal
Chapter 42: The Beginning
Chapter 43: Goodbye
Chapter 44: The Night Of Judgment
Chapter 45: My Real Identity
LAST CHAPTER
Epilogue
ANNOUNCEMENT

Chapter 31: Escape

1.6K 57 0
By Brave_Lily


Disha's POV

Balisa pa rin ako. Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad. Kinakabahan ako. Makakalabas pa ba ako nito? Hindi sumusunod ang kapalaran ko ngayon. Nasa loob ng silid ang Hari nagbibihis at sa kamalas-malasan pa ay biglang umulan. Pati langit ay pinipigilan akong lumabas. Nasaan na ba siya? Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Mahal ko, ano't pabalik-balik ka riyan?" tanong sa akin ng Hari na kakatapos lang magbihis ng kaniyang pantulog.

"Wala ito." sabi ko. Niyakap niya na lamang ako mula sa likod sabay halik sa aking leeg. Medyo gumagaan na ang pakiramdam ko. He really does know how to be gentle. Ngumiti na lamang ako.

"Magpahinga na tayo." bulong habang sinisimot niya ang moy ng buhok ko. Di ko maiwasang hindi mapapikit sa panglalambing niya.

"Sige, magpahinga na tayo." tugon ko.

"Sabay na tayong maglakad." sabi niya. Nakayakap pa rin siya kaya natawa na lamang ako ng mahina dahil sa nais niya. Hindi na lamang ako umangal at sumang-ayon na lamang sa nais niya.

Para kaming mga isip-bata sa ginagawa namin. Sabay ang dalawa naming paa sa paghakbang.

Nagpatuloy lamang ang aming tawanan hanggang sa umabot kami sa kama. Humiga na kami at sabay na tumingin sa kawalan. Bukas na ang uwi ng Inang Reyna balita sa akin ng Hari, kaso nga lang hindi ko na ito masasalubong pa dahil tutuloy rin ako sa plano. Kailangan ko lang hintaying matapos ang ulan at gano'n din sa Hari, hihintayin ko siyang makatulog.

"Kamahalan?" tawag pansin ko.

"Hmm?"

"Naniniwala ka ba sa pangalawang buhay?" tanong ko.

Napansin ko ang pagtingin niya sa akin gamit ang peripheral vision ko. Kaya tumingin ako sa kaniya.

"Oo naman." sagot niya sabay hawak niya sa kamay ko. Pinikit niya na ang mga mata niya habang hawak kamay kaming dalawa. Ngumiti na lamang ako habang pinagmamasdan siya. Hinaplos ko ang malambot niyang pisngi.

"Matulog ka na, Kamahalan. Sana magkita pa tayo sa susunod nating mga buhay." mahina kong saad.

"Walang sino man ang makakapaghiwalay sa tadhana nating dalawa. Kahit ilang buhay pa ang ibigay sa atin ng pagkakataon, ikaw at ikaw lang ang pipiliin ng pusong ito." sabi niya habang nakapikit pa rin ang mga mata.

"Mamahalin kita habang-buhay." dugtong niya.

"Mamahalin din kita nang panghabang-buhay, Kamahalan." sabi ko sabay siksik ko sa bisig niya.

***

*Tok-tok*

Bigla akong napamulat nang may narinig akong tunog mula sa labas. Muli kong naaalala ang mga planong gagawin namin ni Lady Violet. Kaya napatingin ako sa katabi kong Hari. Huminga na lamang ako nang maluwag nang makita ko siyang mahimbing pa ring natutulog. Dahan-dahan na lamang akong kumawala sa kaniya at maingat na lamang akong tumayo.

"Kamahalan, 'wag kang magagalit o maghahanap sa akin, ha? Babalik din ako sayo agad. Kailangan kong hanapin si Haya. Hindi rin ako magtatagal. Pangako ko sa iyo, babalik din ako dito at kasama na si Haya pagbalik ko. Ikaw na ang bahala sa dalawang bata lalo na si Xu'en, ang anak natin. 'Wag mo silang pababayaan, mahal ko..." paalam ko sa kaniya sabay halik ko sa noo at labi niya.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa na lumabas nang silid. Nang makalabas na ako, bumungad sa akin si Lady Violet. Tumango ako at lumakad na nga kami palabas ng palasyo. Pero bago ang lahat, nagpalit muna ako ng kasuotan sa may bodega. Nagtago pa ako ng maliit na kutsilyo sa ilalim ng kasuotan ko. Kung sakaling manganib ang buhay ko kakailanganin ko rin ito. Magaling naman ako sa martial arts kaya, kaya kong protektahan ang sarili ko.

"Tapos na ako." saad ko sa kaniya. Tumango lamang siya at nauna na sa paglalakad. Nakasunod lamang ako sa kaniya. Maiiba ang plano ngayong gabi pero gano'n pa rin ang kalalabasan. Dahil sa pag-ulan kanina naroon ngayon sa bahay-inuman ang kapatid nitong si Ginoong Chiao Bei Kang.

Nakarating na nga kami sa entrada ng kaharian. Maraming mga nagbabantay sa paligid lalo na sa tarangkahan. Buti na lamang at wala rito ang Heneral. Inutusan kasi siya ng Hari. Hindi ko lang alam kung ano baka dahil iyon sa pinag-usapan nila sa punong bulwagan kanina. Kaya nga maagang umuwi ang Hari kanina. Buti na lang naabutan ko pa ang Heneral kanina. Naibigay ko pa ang sulat. Hindi ko lang alam kung ano iyon hindi ko naman binasa ang laman. Paano niya kaya nalaman ang tungkol sa hinahanap na babae ng Heneral?

"Lady Violet, ikaw pala iyan? Ano't nasa labas po kayo? May pupuntahan po ba kayo?" tanong ng isang kawal. Hindi ako kumibo nang nagsilapitan ang dalawang kawal. Yumuko lamang ako at hinayaan ko lamang si Lady Violet na magsalita.

"Makikipagkita lamang ako sa aking kapatid. Nais niya kasing magkita kami upang magdiwang kami sa kaniyang nakuhang marka. At meron na rin siyang natitipuhang babae kaya nais ko siyang bigyan ng regalo. Alam niyo na, minsan lamang kami magkita kaya pagbibigyan ko na lamang. Tsaka bibili rin ako ng susuotin kong kasuotan bukas." sabi ni Lady Violet. Napakurap-kurap pa ako nang biglang nag-iba ang pag-uugali niya. She's different. Such angelic.

"Ganoon ba? Sino naman itong kasama mong binibini, Lady Violet?" usisa ng isa.

"Bago kong tagapagsilbi. Hindi ko na pinasama ang iba dahil baka doon na ako sa amin tutuloy ngayong gabi." sagot niya.

"Sayang naman! Sige, mauna na kayo, Lady Violet. Hindi na namin aabalahin pa ang inyong pag-alis. Mag-iingat po kayo sa daan, Lady Violet." sabi nila. Ngumiti ng matamis si Lady Violet. Naguguluhan na tuloy ako sa kaniya. Mabuti ba siya gaya ng sinasabi ng mga tao sa labas or masama gaya ng ginagawa niya dito?

"Maraming salamat! Sige, mauna na kami." sabi niya at muli na kaming nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko pa rin maalis ang paningin ko sa palakang 'to. How can she act like a good person when she's evil inside the palace? Is she just pretending?

"Nandito na tayo, ikaw na ang bahalang makipag-usap sa kapatid ko, Kamahalan. Hindi na muna ako magpapakita sa kaniya may kailangan pa akong bagay na pupuntahan. Sige, mag-iingat ka, Kamahalan. Bumalik ka ng ligtas." sabi niya. Ilang minuto ko siyang tinignan. Naguguluhan ako sa pag-uugali niya.

"Sige, maraming salamat. Ako na ang bahala simula dito." sagot ko.

"Tandaan mo, nasa malaking inuman ang kapatid ko. Hanapin mo na lamang siya. Sigurado akong naghihintay na siya sa iyo." huli niyang saad bago niya ako iniwan sa daan. Hinanda ko na lamang ang aking sarili at nagsimula na akong maglakad patungong inuman nila. Bakit kailangan pa doon?

Marami pa ring mga tao sa daan. Buhay na buhay ang paligid. Ang dami ng mga nagtitinda ng mga pagkain na matatamis sa paligid. Marami ring mga gamit, sandals, mga bracelets, at mga pampaganda sa paligid. Hindi naman magkamayaw ang mga babae dito na mag-agawan ng mga panindang pampaganda.

Malapit na ako sa lugar na tinutukoy niya. Hindi naman malayo sa pinag-iwanan niya at talagang hindi ka mawawala dahil maliwanag at malaki ang bahay-inuman nila. Dalawang palapag ang building kaya klarong-klaro sa daan.

Pumasok na ako sa loob at saka nagtanong-tanong sa mga taong naririto.

"Maaari po bang magtanong? Nakita niyo po ba si Ginoong Chiao Bei Kang dito?" tanong ko pero wala silang sagot.

"Maaari po bang magtanong?"

"Maaari po bang magtanong?"

"Nakita niyo po ba si Ginoong Chiao Bei Kang?"

Makailang ulit na akong nagtanong-tanong sa mga tao dito pero halos hindi nila alam kung nasaan si Ginoong Chiao. Nauubusan na ako ng pasensya. Pinaglalaruan ba ako ng babaeng iyon? Eh wala naman dito si Ginoong Chiao eh.

"Binibini?" napalingon ako sa babaeng nagsalita kaya agad akong lumingon.

"Bakit?" tanong ko.

"Nagpag-alaman kong hinahanap mo raw si Ginoong Chiao Bei Kang?" tanong niya.

"Ah, oo, kanina pa ako dito tanong nang tanong pero walang nakakaalam kung nasaan ang Ginoo. May pag-uusapan kasi kami." sabi ko.

"Ikaw pala iyong hinihintay niya! Halika, dadalhin kita sa kaniya ngayon din. Kakailanganin din namin ang tulong mo." sabi niya. Hila-hila niya akong dinala sa dulo ng pasilyo papasok sa isang silid.

"Nandito na tayo, Binibini. Pasensya na hanggang dito lamang ako. Medyo nakainom na kasi ang Ginoo. Sinabihan ko namang 'wag siyang lasingin dahil hindi ito nakakatagal sa alak. Naku naman, talagang sakit sa ulo ang mga iyon eh. Sige, mauna na ako sa iyo, Binibini." paalam niya.

Hindi na ako naghintay pa na pagbuksan, pumasok na ako agad sa loob at bumungad sa akin ang isang lalaki na nakikipaghalikan sa isang babae. Napaiwas ako kaagad ng tingin.

"Ehem!" tikhim ko nang malakas para marinig nila.

"Ahh, paumanhin!" agad na tumakbo ang babae palabas ng silid at tanging kaming dalawa na lamang ang nandito sa loob. Napairap na lamang ako sa ere.

"Ginoong Kang, mabuti't nagkita na rin tayo sa wakas." sabi ko. Umupo na ako sa may harapan niya.

"Sino ka?" tanong niya.

"Hindi mo ako kilala pero nandito ka para tulungan ako. Hindi mo naman nakakaligtaan ang mga pinahiwatig sa iyo ng iyong kapatid? Kailangan ko ngayon ang tulong mo, Ginoong Kang." panimula ko. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy dahil wala na akong oras. Nasisigurado kong kapag nagising na ang Hari ay magkakagulo na ang mga tao sa palasyo.

"Hm? Te-Teka, nakikilala ko ang iyong wangis. Kaano-ano mo si Ginoong Liam? Di ko inaasahang may kapatid siya. Alam mo ba, muntik na akong mahulog sa ganda niya kahit na lalaki pa siya. Buti na lamang at nakita kita." sabi niya habang nakangisi dahil sa kalasingan. Pinanlakihan ko iyon ng mata. Whut?! Did he just confessed his feelings? No way! Nagkagusto siya sa fake identity ko kahit na ilang oras lang kami nagkasama noon?

Hindi ko nalamang napigilan ang sarili ko na bumulwak ng tawa. Masyado ba akong maganda para magkagusto siya sa fake identity ko? Pfftt...

"Binibini? Maaari ba tayong magsama ng matagal? Mahal na ata kita." di ko na talaga kinaya pa. Lasing na talaga siya. Hahahahahaha!

Pinitik ko ang noo niya at nang matauhan siya pero knockout na siya agad. Lakas ng tama niya sa alak. Anong gagawin ko dito? Masyadong delikado para sa amin ng baby ko ang buhatin siya. Hihintayin ko na lang siyang magising mamaya. Bakit ba kasi siya uminom?

Humiga na lamang ako sa may gilid. Pinagdikit-dikit ko ang mga unan at ginawa ko itong higaan. Magpapahinga na lang din ako tutal gabi na.

Third Person's POV

Umaga na at pasikat na ang araw nang magising ang Hari. Kinapa niya ang higaan kung saan doon humihiga ang Reyna. Naimulat niya na lamang ang kaniyang mga mata nang hindi niya naramdaman ang Reyna. Wala na ito sa kaniyang tabi.

"Kamahalan?" tawag pansin niya pero walang sumagot. Tumayo na lamang siya upang hanapin ang Reyna sa labas, pero wala pa rin siyang nakikitang Reyna. Nagsisimula na siyang kabahan kaya agad siyang nagtungo sa silid ng kaniyang anak.

"Nakita niyo ba ang mahal na Reyna? Nasaan ang mahal na Reyna? Hanapin niyo ang Reyna ngayon din!" nagsisimula na ngang mag-hysterical ang Hari. May naaalala kasi siyang isang bagay na alam niyang nangyari kagabi lamang pero dahil dala na rin ng pagod ay binaliwala niya ito.

"Babalik din ako sayo agad. "

"Hindi rin ako magtatagal."

"Wag mo silang pababayaan, mahal ko."

"Ipatawag niyo ang Heneral sa punong bulwagan." utos ng Hari.

"A-Ama? A-Ano pong nangyayari? Nasaan po ang Ina kong Reyna?" tanong ng paslit na halatang natatakot na sa mga nangyayari.

"Weyla, ikaw na muna ang bahala sa Prinsipe." utos ng Hari sa batang si Weyla na agad namang tumango at nilayo si Xu'en para aliwin sa paglalaro. Alam ni Weyla kung anong nangyari. Alam niyang umalis na naman ang Reyna para hanapin ang nawawala nitong kapatid. Hindi na siya magtataka pa kung anong sunod na mangyayari ngayon dito sa loob ng palasyo.

"Anong nangyayari, Weyla? Galit ba ang aking Ama? Nasaan na nga pala si Ina? Natatakot na ako." malungkot na saad ni Xu'en.

"Wag kang matakot. Naniniwala akong babalik din ang mahal na Reyna kasama ang aking kapatid. Tara, kain na tayo. Ako na lang ang magsusubo sayo." saad ni Weyla. Pinunasan niya rin ang butil na luha sa pisngi ni Xu'en upang mapagaan man lang niya ang kalooban nito.

Hindi naman maalis sa Hari ang galit sa sarili niya dahil naging pabaya siya. He let his guard down and never thought that this would happen again. He rashly walked until he reached the main hall of the palace.

"Nasaan na ang Heneral?!" galit na ang Hari. Agad namang lumapit ang eunuch nito.

"Malapit na po, Kamahalan. Kababalik niya pa lang kaninang madaling araw mula sa kaniyang pag-iimbestiga." saad ng eunuch nito. Hindi na makapaghintay ang Hari. Wala na siyang oras dahil baka hindi niya na maabutan pa ang kaniyang mahal na Reyna. Nagsisisi siyang hinayaan niya ang sarili na maging kampante.

Ilang segundo pa ay biglang nagbukas ang pinto ng punong bulwagan. Lahat ay napatingin sa pagdating ng Heneral na hangos na hangos pa dahil tinakbo niya ng mabilis ang lugar na ito makarating lamang sa oras.

"Kamahalan, anong nangyayari?" tanong ng Heneral.

"Tumakas na naman ang Reyna." ang lahat ay nagulat.

"Ano na ba ang nangyayari sa pag-iimbestiga ninyo? Kailangan na nating malaman kung nasaang lupalop na ang tagapagsilbi ng Reyna bago pa mahuli ang lahat." saad ng Hari.

"Kamahalan, may nalaman na po kaming impormasyon na maaaring makakapagturo sa kinaroroonan ng tagapagsilbi. Sa tulong ni Ginoong Chiao Bei Kang may nalaman kaming isang bagay na hindi namin inaasahan. Isang bata ang nagturo kung anong klaseng tao ang kumuha sa tagapagsilbi ng Reyna. Iisang tao lamang ang pagkakalarawan ng bata. Natatandaan mo pa ba ang iniulat ko sa iyon, Kamahalan? Ang lalaking nakamaskara na pumatay ng limang tao sa may kakahuyan at ang dumukot sa tagapagsilbi ng Reyna ay iisa lamang. Hindi siya isang ordenaryong tao lamang dahil malakas siya at kaya niyang tapusin ang ang limang tao sa isang iglap, Kamahalan. Kung totoo ang sinasabi ng batang iyon ay may tatlo lamang na direksyon tayong pupuntahan kung saan maaaring naroroon ang tagapagsilbi ng Reyna." ulat ng Heneral.

"Kung gano'n ay ikaw na ang mamumuno sa paghahanap sa batang iyon at ang Reyna. Hatiin mo ang iyong grupo at magdala ka ng sapat na kawal upang tahakin ang lugar na iyon. Wala tayong dapat isayang na oras dahil nasa panganib ang buhay ng Reyna." utos ng Hari.

"Masusunod, Kamahalan." sagot ng Heneral.

"Magpapaiwan na muna ako dito upang hintayin ang pagdating ng Inang Reyna at nang makasunod ako sa inyo. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa Prinsipe." saad naman ng Hari.

"Ngayon din po ay pagpa-planuhan namin agad ang paghahanap. Mauuna na po ako, Kamahalan." paalam ng Heneral. Tumango lamang ang Hari.

"Nawa'y mahanap niyo agad ang Reyna at ang mahalaga sa kaniya." bulong ng Hari. Nangangamba siya sa kaligtasan ng kaniyang asawa. Bumabagabag din sa kaniya ang napansin niya sa Reyna matapos silang magtalik no'ng gabing iyon. May kung ano siyang naramdaman pero hindi niya pa rin ito mahulaan. Kaya kailangan niyang makita muli at makausap ang Reyna upang kumpirmahin ang bagay na hindi niya mahulaan.

"Talaga ba?" hindi makapaniwalang tanong ng isang matanda na nagngangalang Hanbek.

"Tama ka sa pagkakarinig. Isang malaking pagkakamali ang ginawa ng Reyna. Muli na naman siyang tumakas ng kaharian. Dahil sa ginawa niya ay natutuwa ako. Ahahahaha! Hindi niya alam mas lalo niya lang pinadali ang mga binabalak natin. Buti na lamang at hindi pa natin siya tinapos. Hindi ko inaasahang magiging malaking tulong siya uoang mas lalong masira ng tuluyan ang kaharian. Ahahahahaha!" saad ni Pinunong Ying sa kaniyang nga kasama.

"Pero, Pinuno, nais ko lamang itanong, ano na ang susunod nating gagawin?" tanong naman ni Pinunong Qi.

"Sa susunod na pagbilog ng buwan tatapusin na natin ang ating nasimulan. Maliban na lang kung nahanap na nila ang Reyna, pero kung mahahanap pa nila? Uunahan na natin sila sa paghahanap at tatapusin na natin ang buhay nila. Ang Prinsipe na ang bahalang tumapos sa Reyna. Hindi na iyon magiging mahirap dahil alam kong tinapos na rin niya ang babaeng nakarinig sa usapan natin noon. Wala ng maiiwang ebidensya at pagkatapos ay isisisi natin sa Reyna at sa Prinsipe ang lahat ng pagtataksil sa kaharian. Hindi naman iyon mahirap dahil may bakas na ng dumi ang Reyna dahil sa pamilya Kang. Kukunin din nating alyansa ang mga Kang para mapadali ang lahat tutal kalahati ng mga opisyales ay nasa panig ng mga Kang. Madumi ring maglaro ang mga Kang kaya magagamit natin sila sa labanan." saad ni Pinunong Ying.

"Nasasabik na ako sa araw na iyon, Pinuno." masayang saad ni Pinunong Seon.

"Iisa-isahin natin ang pamilya nila hanggang sa maubos natin buong angkan nila sa pamumuno. Panahon na para sa pagbabago." saad ni Pinunong Ying. Mukhang hindi na nga mapipigilan ang apat na pinunong ito sa kanilang mga binabalak na pabagsakin ang pamununo ng angkan ng Hari.

Continue Reading

You'll Also Like

32M 817K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
3.2M 167K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
80.1K 3.3K 71
COMPLETED [Under Revision] She was not inform Born to be weak Until she lost everything Everyone betrayed her And then, she met the princes She's us...
64.9K 2.7K 55
(2/3) A bedridden. Can't walk, talk, even move. My hearing is not clear, my sight is blur, my taste is, nothing. A problem to my family for years. I...