Perfectly Imperfect

By kisindraaaa

88.4K 2K 66

Jasmine came from a traumatic heartbreak. Naroong isumpa nya ang lahat ng lalaki sa mundong ibabaw. Sa mga o... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
AUTHOR'S NOTE

Chapter 5

3.9K 99 4
By kisindraaaa

This chapter is dedicated to AnnMcIntyre. (Did I get your name right?) Anyway, thank you so much for reading my works. God bless!

Chapter 5

"Hi, gorgeous..."

Lumingon ang ginang at agad na napangiti nang malingunan ang anak. Agad na humalik si Jake sa pisngi ng ina.

Mrs. Janice Alegre is a picture of sophistication at the age of 60. Hindi halata dito ang edad nito dahil palaging nakaayos at masaya ang aura. Malamang na dito nakuha ni Jake ang pagiging masayahin.

"What brought you here? Hindi pa ngayon ang schedule ng bisita mo sa akin." Puna ng ginang habang busy sa pagbuklat ng papeles sa mahogany table.

"I just miss you. I am actually thinking that I should visit you more often. Like... let's say every day." Dahil doon ay napaangat muli ang tingin sa kanya ng ina.

"There's something strange about you, son. May dinadalaw ka siguro sa building na ito. May bago ka na naman bang girlfriend?" Natawa ang binata sa sinabi ng ginang. What she said hit him bull's eye.

Pag-aari ng ina ni Jake Alegre ang building kung saan naroon ang opisina na pinapasukan ni Jasmine. His mom is a businesswoman at doon ang location ng opisina nito. Si Jake ang inatasang magtayo ng building at ito ang pinakaunang project nya mula nang maging licensed engineer sya. Ang ibang natitirang floor ay pinapaupahan para sa iba pang opisina. Sa penthouse naman nakatira ang mommy nya.

"Wala pa akong girlfriend, Ma. But I met someone very interesting. But of course, mas interesting kayo." Kumindat pa ito sa ina.

"Biased. Of course, you'll say that. I'm your mother and you are my son." Nagkatawanan ang dalawa.

"Mom..."

"Yes, hijo?"

"Are you happy living here alone?"

Natigilan ito saglit pero agad din ngumiti.

"Of course, I'm fine here. Mas malapit sa opisina." But he knew his mother. Nagdadahilan lang ito.

"Mom... I think you and dad should talk about this again. Baka maayos pa..." Napabuntong hininga ang ginang sa sinabi ng binata.

"Our situation is different from anybody else's, son. And you know that. If there's really a chance that we can fix this, we should have done it before." Natahimik ang binata. Matagal nang hiwalay ang magulang nya at saksi sya doon.

"Nakakalungkot lang na wala na nga akong kapatid tapos hindi pa kayo okay ni Daddy."

"There you go again, son. Never in our lifetime naman na pinabayaan ka namin ng daddy mo. We may not live under the same roof, but my heart is always into you."

Napangiti na lang si Jake sa sinabi ng ina.

He's been close to his parents ever since he was a child. Kaya nang naghiwalay ang mga ito, sobrang nahirapan syang mag-adjust. Pero tulad nga ng sinabi ng mommy nya, ni minsan ay hindi sya pinabayaan ng mga ito.

He was fifteen when his parents got separated. Matagal na palang may problema ang dalawa sa pagsasama ngunit hindi ipinaalam ng mga ito sa kanya. They were acting so casual kapag magkakasama silang tatlo. Until one day, naabutan nya ang dalawang nag-aaway pag-uwi nya galing sa school.

Iyon ang unang pagkakataon na nakita nyang nagtatalo ang mga magulang. Days after that incident, he saw her mother packing her things and went out of the house. Nagkulong sya sa kwarto ng ilang araw at hindi nakikipag-usap sa ama. Ito ang sinisi nya sa lahat ng nangyayari. But eventually, he learned to forgive and understand things. Na may mga bagay talaga na hindi consistent. Hindi naman nagkulang ang mga ito sa kanya. Ramdam pa rin nya ang pag-aalaga ng mga ito sa kanya. Yun nga lang, hindi na sila magkakasama sa iisang bahay. He chose to stay with his father during school days at kapag friday hanggang weekend naman ay sa place ng mommy nya natutulog. That setup went for quite long. Natigil lang noong nag-college sya at nagkaroon na rin ng sariling condo unit.

"Anyway, this girl you're into... What is she like?" napabalik sa kasalukuyan ang isip ni Jake nang marinig ang boses ng ina.

"She's... something special, Ma." dahil doon ay natawa ang ginang.

"Every girl's special, honey."

"Yeah. But she's different..." tumingin ang binata sa relo at tumayo na. "It's almost five. I should be going, Mom. She might be going home by now."

"At tagasundo ka na rin ngayon ha?" pang-aasar pa ng ina. "Well, whoever she is. I want to meet her one of these days..."

"Of course, Ma. Bye." humalik muna sya pisngi ng ina saka lumabas sa opisina nito at dumiretso sa may elevator.

Bumukas ang elevator sa 17th floor at pumasok ang tatlong babaeng familiar sa kanya. Pero sa isang tao lang nakatutok ang tingin nya. Napatitig din sa kanya si Jasmine nang makita sya nito. Ngumiti sya dito pero hindi gumanti ng ngiti ang dalaga. Okay lang sa kanya dahil inaasahan na nya ang ganung reaksyon dito. Umusog sya ng kaunti sa gilid ng elevator para makasiksik si Jasmine. Doon nya naramdaman ang mga braso nilang nagkadikit. Nagsimula nang bumaba ang elevator nang mapansin nyang hindi ito pumindot sa buttons.

"2nd floor?" Tanong nya na ang tinutukoy ay ang karaniwang floor na binababaan palagi ng dalaga matapos ang trabaho.

"No. Ground..." Matipid na sagot nito.

"What happened to the car?"

"Coding..."

Lihim na napangiti si Jake sa nakuhang sagot. Tahimik nya lang itong pinagmamasdan mula sa salamin na nasa pinto ng elevator. Her friends were talking happily. Paminsan minsan ay nakikisali din si Jasmine pero mas madalas, nakikinig at nakikitawa lang. Maya-maya ay bumukas na ang elevator sa ground floor. Isa-isa nang naglabasan ang mga sakay noon.

"O paano, Jas, mauna na ako sayo. Kailangan kong makarating sa restaurant before 7pm. Baka maipit ako sa traffic at mainip ang loko." Sabi ng isang babaeng kasama ni Jasmine.

"It's okay, Kim. Ingat sa pagda-drive." Nagbeso ang dalawa at sa isa pa nilang kasama.

"Bye, Mamang Pogi." Hindi inaasahang babatiin sya ng babae. Pero sinuklian nya rin ito ng ngiti at kaway.

"Ingat." Sagot nya bago ito umalis.

"Mauna na rin ako sayo, girl. Si mudrabels kasi inaapura akong sunduin na sya sa spa dahil may pinuntahan si Popsie."

"Sige lang. Ingat kayo ni Tita. See you tomorrow."

"Thank you, ikaw din." Tapos tumingin ito sa kanya. "Ikaw na ang bahala sa kaibigan namin a. Bye!"

Hindi na nito hinintay na sumagot sya dahil lumabas na agad sa building ang babae. Naiwan silang dalawa doon. Mukhang kilala na sya ng mga ito. Baka naikukwento sya ni Jasmine sa mga kaibigan. Lihim na ikinatuwa iyon ng binata.

"Nagmamadali ka rin ba? Can we have a cup of coffee?"

"Only if you let me pay for my order." She answered.

"Am I allowed to say 'no'?" He answered amused.

"Nope..."

Natawa sya saka nilapitan ito.

"Let's go then..."

***

"Have you thought about it already?" Napaangat ang tingin ng dalaga sa kanya.

"Are you really serious about it?" Pinanood nya ito nang uminom ng karaniwang tsaa na inoorder nito.

Jasmine is pretty. Well, not the usual beauty na makikita sa tv or commercials. Hindi rin pangmodel ang ganda. Her beauty is simple. Yung tipong mas gumaganda habang tinititigan ng matagal. Dark brown eyes, long lashes, small pointed nose and small sensual lips. Bumagay ito sa maliit nyang mukha.

"Are even listening?" Untag nito sa kanya.

"Of course. And yes, I'm pretty serious about it." Napailing ito sa sagot nya.

"Nababaliw ka na talaga. After my analysis, ako lang ang mas magbe-benefit sa kalokohang ito kapag pumayag ako. Bakit handa kang magpagamit sa isang stranger?" Napaisip ang binata sa sinabi ni Jasmine.

She got the right word. Handa syang magpagamit. At kapag pumayag si Jasmine, ito na ang pangalawang beses na gagawin nya iyon. Una ay iyong ginawa niyang pagtulong kay Clarisse. He helped her so that Ice will realize how important Clarisse is. At para kahit papano, makalapit naman sya sa babaeng minamahal nya matagal na. Pero ngayon, ano nga bang magiging dahilan nya?

"Then consider me as Cupid. I'm here, willing to help you. Kapag pumayag ka, dalawa lang ang kakalabasan. That ex-boyfriend of yours will win you back or he'll forever be the idiot that he is."

"Mapagkawang gawa ka pala." She said sarcastically. "Dati mo na bang ginagawa ito?"

"Well, to tell you honestly, I'm just trying to see if this thing really works. And we all have our own way of helping others." napaangat ang kilay ni Jasmine sa narinig.

"Siguro wala kang magawa sa buhay mo no? Kaya nang-iistorbo---" bigla na lang napatigil sa pagsasalita si Jasmine at kung ano man ang balak nyang sabihin sa kaharap ay naglahong lahat nang makita nya ang dalawang pareha na kakapasok lang sa coffee shop na iyon.

Bahagyang nanginig ang kamay nya na nakahawak sa tasa ng tsaa. Bahagya pa iyong natapon nang ibaba nya iyon sa mesa. Kunot noong napatingin sa kanya si Jake.

"Hey, you okay?" he asked worriedly. Nasa mukha ng dalaga ang matinding sakit at poot at parang iiyak na habang nakatitig sa entrance ng shop. Kaya napalingon sya sa likuran at sinundan ang direksyon ng mata nito.

Nakita nya ang dalawang pareha na kumuha ng mesa na pupwestuhan. Ipinaghila pa ng lalake ang kasama nitong babae ng upuan at mukhang masayang-masaya ang mga ito. Hindi na nya kailangan itanong kay Jasmine kung kilala nya ang mga bagong dating. Her facial expression tells it all. Ibinalik nya ang pansin kay Jasmine at inabot ang kamay nito na nakapatong sa mesa at hinawakan. Napatingin ito sa kanya na parang nagulat. This time, mukhang malapit na talaga itong umiyak.

"Don't let it fall..." napatitig ito sa kanya kasabay ng pagkunot ng noo. "Hindi ka dapat umiiyak kapag nakikita ang ex-boyfriend mo na may kasamang iba."

"And what do you expect me to do? Magpaparty?" she said sarcastically at walang babalang binawi nito ang kamay na hawak nya. Pero naging maagap sya at hinawakan ito ulit.

"If you can, why not? In fact, that would be better. You know that guy is one hell of a jerk. Don't let him see that he's God's gift to women na dapat iyakan ng mga iniwan nya. And then what? Sya magpapakasaya while watching you crying over him? That would make his ego even bigger. Kung tulad ko ang iiyakan mo, pwede pa. Di hamak naman na mas gwapo ako sa kanya."

Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtalim ng mata ni Jasmine.

"O teka, binibiro lang kita. Masyado kang seryoso eh."

Inirapan lang ni Jasmine ang kaharap then she took a deep breath. Tama si Jake. Hindi nya dapat ipinapakita sa ex nya na miserable ang buhay nya ngayon.

"Will you help me?" she asked. Sinuklian naman iyon ni Jake ng matamis na ngiti.

"All you have to do is ask. Now here's the first step..." napatingin dito si Jasmine pero mataman na nakikinig. Kahit pa nakaka-bother ang magkahawak nilang kamay kanina pa. "We'll walk out of this shop like a happy couple. It's time to wear your 'mask'. Smile and try to look as happy as you can. And most importantly, do not look at them... Just look at me."

"Why do I have to look at you?" tanong nya habang inaayos ang gamit.

"Just trust me with this. Now, let's go." tumayo na ito at inalalayan sya. Kinuha ulit nito ang kamay nya at ikinawit sa braso nito.

She composed herself and started to wear her 'mask' – just like what he said.

"Smile, love..." bulong sa kanya ni Jake habang naglalakad na sila papunta sa may entrance kung saan nakapwesto ang dalawang taong iniiwasan nya. Sinunod nya naman ito at lumingon sa binata.

Palabas na sila ng shop ng may tumawag na waiter.

"Sir, excuse me..." napapikit ang dalaga sa inis.

Sabay silang napalingon sa tumawag. Dala nito ang cellphone ni Jasmine. "Naiwan po ng asawa nyo ang cellphone nya." sabi nito saka inabot sa kanya.

"Oh, thank you..." Bagaman nagulat sa sinabi ng waiter na 'asawa' sya ni Jake ay nagawa pa rin nyang sumagot. Mula sa peripheral view nya, nakita nyang lumingon ang taong hindi nya gustong makausap sa mga oras na iyon.

'Dont talk to me, please... Please...', lihim na dasal nya habang mahigpit na napahawak sa braso ni Jake. Umangat naman ang isang kamay nito at ipinatong sa nanlalamig nyang kamay.

"Relax. Everything will be fine." bulong nito sa kanya.

"Jasmine?" halos manlumo sya nang tinawag pa sya nito.

Relax, Jasmine. Keep calm. With a bright smile, nilingon nya ang taong nagsalita.

"Brian, hi..." wala na yatang mas paplastik pa sa ngiting ibinigay nya dito.

"You know her, hon?" maarteng tanong ng babaeng kasama ng ex nya.

'Malamang... He called me by my name pa nga diba?' gusto nyang sagutin ang babae.

"Yes. She's... an old friend." Old friend mong mukha mo! Dumako ang tingin nito sa magkahawak nilang kamay and he gritted his teeth.

Aba, at sya pa yata ang galit!

"Hello, Bryan. It's nice to see you again." Best actress na nga yata siya sa palabas nilang iyon. "By the way, this is Jake Alegre." agad naman nagkamay ang dalawa.

"Bryan, pare. And this is Greta..." isang tipid na ngiti lang ang ibinigay ng babae sa kanila. "And I heard from the waiter, mag-asawa na kayo. When was the wedding? Hindi mo man lang ako ininvite, Jasmine." right there and then, gusto nya itong sampalin ng malakas. Ang kapal ng mukha nitong sabihin ang mga iyon sa kanya.

"Well... hindi lahat ng 'friends' kailangan invited sa isang sacred na event. I never wanted to ruin it." dire-diretsong sagot nya.

"Don't worry, we'll get married again soon." Salo ni Jake sa sinabi ng dalaga. "We'll surely invite you both this time. It's nice to see my wife's friends around this area. Why don't catch we up sometime? Right, love? You know, get together?" pasimpleng siniko ni Jasmine si Jake para pigilin na ito. "We'll keep you posted. Mauna na kami..."

Kung paano sila nakalayo ng mabilis sa lugar na iyon ay hindi maalala ng dalaga. But the moment they got into Jake's car, nag-unahan nang pumatak ang luha nya. Good thing, naroon ang binata at bakante ang balikat nito para damayan sya. She really needs somebody to hold on during these times.

Continue Reading

You'll Also Like

327K 6.3K 12
Playboy... yun ang tamang description kay Yi Jeong. Hindi siya kuntento sa iisang babae at lalong hindi siya nagseseryoso sa iisang relasyon. Pero a...
2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
79.2K 2.4K 27
"Para kang 3-in-1 coffee sa buhay ko. May lover na ako, may best friend pa. May bonus pang overprotective bodyguard." Snicker was labelled as the res...
2.8K 83 31
Hello Army's! Ginawa ko ang story na ito dahil baliw ako this days sa BTS. especially kay V XD kaya inspired sa kanya ang first story na 'to :) Wala...