Chapter 1

5.2K 128 6
                                    

Chapter 1

"Happy birthday, Helga!" Masayang hiyawan ng officemates ni Jasmine ang humalo sa ingay ng bar na pinuntahan nila.

"Thank you! Come on, let's dance!"

Hinila ni Helga ang boyfriend sa gitna ng dancefloor. Maya-maya pa ay sumunod na doon ang iba nya pang katrabaho at sumabay sa maharot na tugtog sa bar. Naiwan si Jasmine at Kim kasama ang boyfriend nito.

"Let's go, Jas. Sayaw tayo!" Pasigaw na sabi ni Kim sa kanya dahil hindi marinig ang boses nito sa lakas ng tugtog.

"You go ahead. Dito lang ako." Ganting sigaw nya.

"Are you sure?" Tumango sya bilang sagot. "Okay. But if you want to dance, just join us."

Tumango lang si Jasmine bilang sagot. Hinila na rin ni Kim ang boyfriend na si Romeo papunta sa dancefloor.

She felt like an idiot. Lahat ng tao sa bar na iyon ay nag-eenjoy. Sya lang ang hindi. Sumasakit ang ulo nya sa malikot na ilaw sa bar at sa malakas na tugtog ng sound system. Feeling nya ay mababaliw sya. Yun ang dahilan kung bakit ayaw nyang nagagawi sa ganitong lugar. She hates this kind of lifestyle.

Inabot ng dalaga ang baso ng mojito na halos nangangalahati pa ang laman at saka tinungga ng diretso. Ni hindi na nya ginamit ang straw na nasa baso. Napapikit sya ng maramdaman ang kaunting pait at init na gumapang sa lalamunan nya.

Halos dalawang oras na sila sa bar na iyon at medyo napaparami na rin ang inom nya. Bagaman panay cocktail drinks lang ang tinitira ni Jasmine ay mabilis pa rin syang tinamaan. Hindi naman kasi sya umiinom.

Maya-maya ay naisipan nyang pumunta sa rest room. She searched for her officemates from the dancefloor pero nag-eenjoy pa ang mga ito sa pagsasayaw. So, she decided of going there alone.

Muntik pa syang matumba sa bigla nyang pagtayo kaya marahan nyang binalanse muna ang sarili. Dahil kung magpapadala sya sa hilo, siguradong mauuna ang mukha nya sa pagbagsak sa sahig dahil sa mataas na stilletos na suot nya. Nang masigurong kaya na nya maglakad, she started walking.

"HEY, SINO'NG tinitingnan mo dyan?" Puna ni Dave kay Jake na nakatanaw sa hamba ng VIP lounge mula sa itaas ng bar.

"A familiar sexy walk." He grinned. Hindi pa rin sya umaalis sa pwesto nya habang nakatanaw sa babaeng naglalakad papunta sa restroom.

"Hanga na talaga ako sayo, dude. Ang daming babae sa bar na 'to pero gumagana pa rin ang linaw ng mata mo." Natatawang sabi ni Lincoln. Nakatayo na rin pala ito sa kaliwa ni Jake at napapagitnaan nila ang binata.

"Who is she?" Tanong ni Payne na bagaman prenteng nakaupo lang sa couch ay nakikinig pala sa kanila.

Humarap si Jake sa kanila at sumandal sa pasimano ng VIP lounge.

"I don't know her either..." He twisted his lips and took a gulp of his beer.

"That's new. Hindi mo kilala ang babae." Nang-aasar na wika ni Dave. Nagbukas na naman ito ng panibagong bote ng beer.

And he admits. Dave was right. Hindi man sya kasing babaero tulad ng barkada nya, pero kapag may natipuhan sya, unang araw pa lang, alam na nya agad ang karamihan ng bahay tungkol sa babae. Pero hindi nya basta ibinibigay ang titulo 'girlfriend' sa mga babaeng dumadaan sa kanya. For him, it was a sacred title. Isang babae lang ang pag-aalayan nya ng title na iyon.

He smiled bitterly.

Akala nya maibibigay na nya ang titulong iyon sa babaeng matagal na nyang gusto. Pero nagkamali sya.

Clarisse was his first love. He was eighteen nang personal nyang makilala ito. Clarisse was barely sixteen at that time. Nakikita na nya ito sa mga pictures ng Tito Fernan nya, ang daddy ni Clarisse, na kaibigang matalik ng kanyang ama. Iyon ang unang pagpunta ng dalagita sa Robles Construction Firm, Inc. Dahil isa sa shareholder ang daddy ni Jake, may pwesto ito sa kompanya at nagkataon na naroon sya para sa OJT nya. He was taken by her stunning looks. Dahil doon ay automatic na naniwala ang binata na totoo ang love-at-first sight.

Hindi nya nagawang kausapin ng matagal si Clarisse noon, maliban lang sa simpleng 'hi' at 'hello' noong ipinakilala sila sa isat-isa ng kani-kanilang ama. Mula noon ay inalagaan na nya ang damdamin para dito. She was too young at that time kaya hinintay nya ang tamang oras para maligawan ito. Pero hindi pa man sya gumagawa ng move, failed na pala sya agad. Dahil may iba nang gusto ang dalaga.

He tried to fight his feelings for her pero nakita nyang hindi naman ito magiging masaya sa kanya. Kaya kahit masakit, he let her go. Kaya ngayon ay miserable sya.

"Namanhid na yata ang sugatan nyang puso, tol." Ginatungan pa ni Lincoln ang sinabi ni Dave na ikinatawa ng lahat.

"Ipagpasalamat na lang natin na kahit broken hearted yang si Jake ay sumama pa rin sya ngayon gabi sa atin. Akala ko nga hindi nya papatulan ang invitation ko." Nakangising wika ni Payne.

Payne, in his mid-thirties, owns that bar. Madalas itong seryoso pero kapag tinamaan ng kalokohan, walang sinasanto. Dave owns a resto con bar somewhere in Libis. Kaya mas nagkakasundo sila ni Payne. Iisa lang ang line of business nila. Lincoln, on the other hand, is a pilot. His family owns an airline company. Rich bastard. Kung gaano ka-amo ang mukha nito, ganun naman kaloko ito sa mga babae.

"Well, I think this is the right time to ask for her name. I'll be right back." Wika ni Jake at ibinaba ang hawak na bote ng beer sa mesa.

"Whooo! That's my boy!" Nag-apir sign ang mga kaibigan nya.

"WHAT the hell is wrong with you?!" Galit na bulyaw ni Jasmine sa lalaking bumunggo sa kanya dahilan para matapon sa damit nya ang baso nitong may lamang vodka.

"Bakit kasi nakaharang ka dyan?" Ganting bulyaw nito.

"At ako pa ang may kasalanan ngayon, ha? Mga walanghiya talaga kayong mga lalaki! Pare-pareho lang kayo!" Galit na sigaw ng dalaga dito. Akmang sasagot pa sana ang lalaki ng senyasan sya ni Jake na tumigil na. Napapailing na lang na umalis ang lalaki.

"You need a hand?" Tanong nya sa dalaga.

"I dont---" pero natigilan ito nang may marealize. "I know you." Namumungay ang mata nitong tumingin sa kanya.

"Of course, love. We met yesterday." He smiled at inalalayan niya ito sa braso. Pero agad din nitong iwinasiwas ang brasong hawak nya.

"Hands off, I'm okay. I don't need your help." Matigas na sabi nito at akmang lalagpasan na sana sya. Pero hindi pa man ito nakailang hakbang at natapilok na ito dahil sa mataas nitong takong. Agad naman nyang naalalayan ang dalaga.

"You're drunk. Come on. Let me take you upstairs para mawala ang kalasingan mo. Nasaan ang mga kasama mo?" Aakayin sana nya itong tumayo pero nagpumiglas ulit ang dalaga.

"I said, I don't need your help!" Bahagya syang nagulat sa pagsigaw nito. Magsasalita na sana sya nang may mga dumating mula sa likuran nya.

"Jasmine! Oh god, nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap. Come on, let's go home." Napatingin si Jake sa babaeg umalalay sa babaeng kausap nya.

"Pasensya ka na, pare. May problema kasi yan. Kung may nagawa man sya---" pinutol nya ang sinasabi ng lalaking nagsasalita.

"No harm done. I was just trying to help. "

"Pasensya na talaga. Thank you sa concern." Sabi ulit ng babae at inalalayan na si Jasmine. "Let's go, Jas."

Palayo na sana ang mga ito nang magsalita sya.

"Hey, if you need any help, don't hesitate to call me." Kinuha nya ang calling card ang inabot sa babae.

Tinanggap iyon ng kaharap at ngumiti. "Thank you. But she'll be fine. She's just drunk."

Marahan syang tumango at sinundan ang mga ito ng tingin. For an instance, gusto nyang protektahan ang babae. Hindi nya ito kilala. At mukha itong tigre sa tuwing may nakikitang lalaki. Man-hater yata. Pero sa halip masindak ay lalo pang nabuhay ang interes nya sa babae. No woman can make her feel like this.

Jasmine.

Bagay sa mukha nya ang pangalan.

Napangiti ang binata. He felt the sudden urge to come near her. In any way he can.

Pabalik na ang binata sa pinanggalingan nang mapatingala sya sa VIP Lounge. Nakadungaw doon ang mga kabarkada nya at pare-parehong may nakakaasar na ngiti sa mga labi. He smirked and raised his middle finger. Nagtawanan ang mga ito.

Perfectly ImperfectWhere stories live. Discover now