Chapter 5

3.9K 99 4
                                    

This chapter is dedicated to AnnMcIntyre. (Did I get your name right?) Anyway, thank you so much for reading my works. God bless!

Chapter 5

"Hi, gorgeous..."

Lumingon ang ginang at agad na napangiti nang malingunan ang anak. Agad na humalik si Jake sa pisngi ng ina.

Mrs. Janice Alegre is a picture of sophistication at the age of 60. Hindi halata dito ang edad nito dahil palaging nakaayos at masaya ang aura. Malamang na dito nakuha ni Jake ang pagiging masayahin.

"What brought you here? Hindi pa ngayon ang schedule ng bisita mo sa akin." Puna ng ginang habang busy sa pagbuklat ng papeles sa mahogany table.

"I just miss you. I am actually thinking that I should visit you more often. Like... let's say every day." Dahil doon ay napaangat muli ang tingin sa kanya ng ina.

"There's something strange about you, son. May dinadalaw ka siguro sa building na ito. May bago ka na naman bang girlfriend?" Natawa ang binata sa sinabi ng ginang. What she said hit him bull's eye.

Pag-aari ng ina ni Jake Alegre ang building kung saan naroon ang opisina na pinapasukan ni Jasmine. His mom is a businesswoman at doon ang location ng opisina nito. Si Jake ang inatasang magtayo ng building at ito ang pinakaunang project nya mula nang maging licensed engineer sya. Ang ibang natitirang floor ay pinapaupahan para sa iba pang opisina. Sa penthouse naman nakatira ang mommy nya.

"Wala pa akong girlfriend, Ma. But I met someone very interesting. But of course, mas interesting kayo." Kumindat pa ito sa ina.

"Biased. Of course, you'll say that. I'm your mother and you are my son." Nagkatawanan ang dalawa.

"Mom..."

"Yes, hijo?"

"Are you happy living here alone?"

Natigilan ito saglit pero agad din ngumiti.

"Of course, I'm fine here. Mas malapit sa opisina." But he knew his mother. Nagdadahilan lang ito.

"Mom... I think you and dad should talk about this again. Baka maayos pa..." Napabuntong hininga ang ginang sa sinabi ng binata.

"Our situation is different from anybody else's, son. And you know that. If there's really a chance that we can fix this, we should have done it before." Natahimik ang binata. Matagal nang hiwalay ang magulang nya at saksi sya doon.

"Nakakalungkot lang na wala na nga akong kapatid tapos hindi pa kayo okay ni Daddy."

"There you go again, son. Never in our lifetime naman na pinabayaan ka namin ng daddy mo. We may not live under the same roof, but my heart is always into you."

Napangiti na lang si Jake sa sinabi ng ina.

He's been close to his parents ever since he was a child. Kaya nang naghiwalay ang mga ito, sobrang nahirapan syang mag-adjust. Pero tulad nga ng sinabi ng mommy nya, ni minsan ay hindi sya pinabayaan ng mga ito.

He was fifteen when his parents got separated. Matagal na palang may problema ang dalawa sa pagsasama ngunit hindi ipinaalam ng mga ito sa kanya. They were acting so casual kapag magkakasama silang tatlo. Until one day, naabutan nya ang dalawang nag-aaway pag-uwi nya galing sa school.

Iyon ang unang pagkakataon na nakita nyang nagtatalo ang mga magulang. Days after that incident, he saw her mother packing her things and went out of the house. Nagkulong sya sa kwarto ng ilang araw at hindi nakikipag-usap sa ama. Ito ang sinisi nya sa lahat ng nangyayari. But eventually, he learned to forgive and understand things. Na may mga bagay talaga na hindi consistent. Hindi naman nagkulang ang mga ito sa kanya. Ramdam pa rin nya ang pag-aalaga ng mga ito sa kanya. Yun nga lang, hindi na sila magkakasama sa iisang bahay. He chose to stay with his father during school days at kapag friday hanggang weekend naman ay sa place ng mommy nya natutulog. That setup went for quite long. Natigil lang noong nag-college sya at nagkaroon na rin ng sariling condo unit.

Perfectly ImperfectOn viuen les histories. Descobreix ara