My Arrogant Patient ( On Goin...

By MsMhaiA

39.7K 1K 292

( A story of Shakeera's sister and James brother. THE MAN BEHIND THE MASK) This is a love story of Shaina Alc... More

Author's Note
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48

Chapter 6

910 26 4
By MsMhaiA

At halos  sumabog na ang dibdib ko ng makita ko at makasalubong ng mga mata ko, ang mga matang matalim na nakatingin sa akin. Matalim na Nakatitig na parang nanunuot sa buo kong pagkatao. Kamuntik pa akong matumba dahil sa biglang nanlambot ang mga binti ko. Para akong tinakasan ng lakas, mabuti nalang at nakaalalay sa akin si ate.

"Ina ok lang ba? Namumutla ka, masama bang pakiramdam?"  Nag-aalalang tanong ni ate sa akin, napansin pala niya ang mabuway kong paghakbang.

"Biglang sumama ang pakiramdam ko ate, nahihilo ako, pero ok lang ako ate." Mahinang sabi ko sa kanya. It's a lie. I'm sorry ate, bulong ko na lang sa sarili ko.

"Sigurado ka? Halika maupo ka na muna rito. O baka naman gutom ka, kumain na ba kayo? Magpapahanda ako ng makakain niyo." Nag-aalala pa ring sabi ni ate sa akin. Saka ako inalalayan nitong maupo. "Promise ate, ok lang po ako." Nakangiting sabi ko sa kanya, ayaw ko kasing nag-aalala ito sa akin.

"TSK... Ang lakas ng loob na uminom hindi naman pala kaya ang hung over at ngayon mag-iinarte pa! Naturingan pang nurse! Tsss." Gulat akong  napalingon dito. Dahil sa padabok nitong pagtayo at mabilis na naglakad papasok ng bahay.

"Jason!" Gulat na sabi Kuya rito.
 "Bro!" Sabay naman na sabi ng mga kaibigan nila kuya.

Pero ang mas nakakagulat sa akin ay ang mabilis nitong paglalakad. Hindi na ito nakaupo sa silyang di gulong na remote control lang ang gamit para umandar. Ibig sabihin magaling na ito ngayo? Pero kailan pa? Wala man lang akong alam. Ni hindi man lang nabanggit sa akin nila ate. Napatanga akong nakatingin pa rin sa pintong pinasukan nito.

"Nakakalakad na siya." Mahinang sabi ko sa sarili ko.

"OO Ina, magaling na si Jason nakakalakad na siya ng maayos ngayon." Nakangiting sabi sa akin ng ate, narinig pala nito ang sinabi ko.

Kahit ganon pa man, bigla akong nakaramdam ng takot at saya sa nalaman ko. Kinabahan na naman akong bigla. Nagbalik lang ang atensiyon ko ng dumating si Manang Linda kasunod ang dalawang katulong na may dala dalang tray ng pagkain.

"Shaina hija,  kumain na kayo ng kaibigan mo habang mainit pa. Pinainit ko pang muli itong  tinulang manok, sabi kasi si Jason kailangan mo raw ito. At saka nagbilin pa na inumin mo raw iyang  gamot pagkatapos kumain, ng mawala raw iyang hung over mo. Batang ito talaga oo nagbiro pa." Natatawa ring sabi ni Manang.

Parang may kung anong mainit na kamay ang humaplos sa puso ko. Dahil sa sinabi ni Manang sa akin. Kaya lang hindi ko maiwasan ang mainis sa  kanya. Pinangangalandakan talaga nito na may hung over ako.

"Ah Manang, pakisabi nalang po sa kanya na hindi ko po kailangan ng gamot niya, at paki sabi na rin po na wala po akong hung over at kaya  ko pong alagaan ang sarili ko. Kaya ko nga pong mag-alaga ng ibang tao, sarili ko pa po kaya ang hindi ko kayang alagaan. Nurse po ako pakisabi po." Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa sobrang inis.

Napailing iling na lang si Manang. "Hay naku talaga kayong dalawa, wala pa ring pinagbago. Siya sige na kumain na kayo bago pa lumamig muli ang pagkain niyo. Marcy hija,sige kumain na kana, huwag mo na lang pansinin iyong dalawa. Para talaga iyang mga aso at pusa." Sabi  pa  ni Manang.

"Salamat po Manang, ok lang po." Sagot naman ng kaibigan ko, na halatang parang balisa rin ito. Napakunot noo rin akong napatitig sa kanya. At hindi ko sinasadyang sa paglingon ko ay nakita ko ang isa sa mga kaibigan ni Kuya na titig na titig rito. Halos hindi na kumukurap sa kakatitig sa kaibigan ko. Si Daniel Christ Ford, I smell something fishy. Dahil sa ibang klase ng titig nito.

"Hey! Dude, baka naman matunaw na yan sa kakatitig mo. Kumurap ka naman, parang ngayon ka lang nakakakita ng maganda at sexy ah." Narinig kong sabi ng isa pang kaibigan nito. Ito iyong maluko sa kanila, Si Miguel Andrew Cortes.

"You shut your fucking mouth Miguel, or else hindi kana makakapasok sa Billionaire's Bar  ko for the rest of your whole life!" Inis naman na sabi nito, biglang ikinatahimik naman ng isa.

"Ito naman hindi na mabiro, bakit ba ang iinit n mga ulo ninyo." Sabi pa nito.

Billionaire's Bar? Ito yong bar na pinuntahan namin ni Mars kagabi. IBig sabihin si Daniel ang may ari non. Posible ring nandoon si Jason sa bar kagabi at nakita niya kami ni Mars. Kaya ba ganoon na lang niya ipinag didiinan na may hung over ako? Lagot na, baka kung anu ano ng sinasabi nito kay ate. Nako Jason huwag na huwag lang akong makakarinig ng kung anu anong kasinungalingan na ikaw ang may gawa. Makakatikim ka talaga sa akin na damulag ka!

Hindi ko maiwasang mainis na naman sa isiping iyon. Kaya nawalan ako bigla ng gana sa pagkain. Ni hindi ko ito halos magalaw.

"Hoy beshy! Huwag mo ng hintayin na kusang tatalon papunta sa bibig mo iyang pagkain, dahil hindi talaga mangyayari yan." Narinig kong sabi ni Mars.

"Busog lang ako Mars." Nasabi ko lang sa kanya.

"Anong busog iyang sinasabi mo ha? Eh coffee at bread nga lang ang laman ng tiyan natin kanina. Tapos sasabihin mong busog ka. Hay naku Shai, huwag ako. Ang  sarap kaya ng pagkain oh." Sabi pa nito.

"Eh sa busog nga ako, anong magagawa ko." Sabi ko sa kakulitan nito. Totoo dahil sa bigla akong nawalan ng ganang kumain dahil sa inis ko kay Jason.

"So ayaw mo talagang kumain?" Naninigurong tanong nito uli sa akin, I just nodded at her.

"Ok kung ayaw mo talaga, salamat dahil akin na ito lahat. Ang sasarap kaya  ng mga ito, favorate ko pa naman lahat ito. Walang sisihan ha pagnaubos ko to. Thank you beshy, your so thoughtful talaga." Kaagad na hinila nito ang tray palapit rito at at saka nilantakan na ang pagkain.

Para itong walang kain ng isang buong taon at gutom na gutom ito. Napanganga na lang ako sa ginawa nito. Kahit na ang mga kasama namin na nakatingin rito ay gulat na gulat sa ginawa ng kibigan ko. Maliban kay Daniel na napapailing na lang. Ilang saglit pa, simot lahat ng pagkain pati na rin ang nasa plato ko.

"BURP! Excuse me." Nakangiti pa ito.

"WOW!"

"UNBELIEVABLE!" Iba iba ang reaksyon ng mga tao sa paligid namin.

"Grabe itong kaibigan mo Shaina ang lakas kumain, pwede itong panalaban sa kainan. Pang mukbang. Grabe." Narinig kong sabi naman ng isa pa si Michael Angelo Corpuz.

"Tsk. Kahit kailan talaga ang takaw takaw pa rin." Mahinang sabi ni Daniel na halos pabulong ng pagkakasabi nito pero hindi pa rin ito nakaligtas sa pandinig ko. Kaya napatingin ako rito, iiling iling pa ito habang sinasabi iyon. Magkakakilala  ba ang dalawang ito?

"Tita Marcy how did you do that?" Narinig kong  Tanong ng pamangkin kong si Shawn, na halatang curious na curious.

"Favorate  ko kasi lover boy." Nakangiting sabi pa nito sa kay Shawn.

"Tita Marcy, where did you put them all. Your tummy were so small." Curious din na tanong ni Shawntel. Puno talaga ng pagtataka sa mukha nito.

"She put them all in the toilet, baby girl." Si Daniel na ang sumagot sa tanong ni Shawntel.

"How did you know Tito Daniel? Do you know her?" Tanong uli nito.

"NO!" Panabay pang sabi ng dalawa.

"Really?" Sabay ding sabi ng mga kaibigan nito.

"YES!" Sabay uli na sabi ng dalawa.

"Oh!"

"Hindi daw pero sabay na sabay." Hindi naniniwalang sabi pa ng mga ito.

"Tsk.. You shut up!" Inis na sabi pa nito sabay alis. Napahalakhak naman ang mga kaibigan nito. Ang lakas maka pang-asar ng mga ito.  

"Excuse me ihahatid ko lang tong pinagkainan ko." Paalam naman ng kaibiga ko.

"Naku hayaan mo na lan yan diyan yan Marcy ipapakuha ko na lan yan." Sabi naman ni KUya. 

"Ok lang po ako na, magaan  lang naman ito." Sabi ng kaibigan  ko na tumayo na rin at binitbit ang tray.

"Samahan na kita Mars." Sabi ko at tumayo na rin ako.

"Mars?" Tawag ko sa kanya ng medyo nakalayo na kami.

"Hmm ano yon Shai?" Sabi naman nito.

"Meron ka bang hindi sinasabi sa akin Mars?" Napatingin naman ito sa sinabi ko.

"Hmm, wala naman. Bakit mo naman nasabi yan." Sabi pa nito.

"Sigurado ka wala talaga?"

"Yes wala talaga."

"I don't believe you Mars. I know kahit na hindi  mo sabihin, alam kong magkakilala kayo ni Daniel."I told her.

Bigla naman itong napahinto sa paglalakad at tumingin sa akin.

"Bakit mo naman nasabi yan beshy?"

"The way he looks at you, at napapansin ko rin na balisa ka. Hindi ka mapakali kanina pa. Napansin ko rin na panay ang titig niya sayo. And the way he talked, parangg kilalang kilala ka niya. Parang matagal na kayong magkakilala." Natahimik naman ito sa sinabi ko.

"Tama ako diba? Magkakilala kayo ni Daniel, And I guess hindi lang basta magkakilala." Sabi ko pa. Napabuntong hininga naman ito. Matagal bago magsalita.

"Yeah, tama ka nga Shai. Magkakilala kami, but that was before. Matagal na panahon na rin. I was became his sex slave." Malungkot at mahina na sabi nito sa akin. Na shock naman ako sa narinig ko, hindi ako halos makapaniwala.

"Please, don't judge me Shai."

"No! Mars hindi kita hinuhusgahan, alam ko  may mabigat kang dahilan." Sabi ko and I want to hug her. Kaya ba wala itong pinapansin sa mga lumalapit sa kanya. Dahil kay Daniel? I saw pain in her eyes.

"Thank you beshy, I'll tell you everything Later." Sabi pa nitong pilit na ngumiti sa akin. Kaya pala parang naramdaman ko ang panlalamig ng kamay nitong  nakahawak sa akin kaninna pagdating namin dito sa may pool area. At parang natigilan rin ito, pero hindi ko lang pinansin. Kaya pala, At ganon din ang nararamdaman ko.

"I understand you Mars kaya lagi mong tandaan, andito lang ako lagi sa tabi."

"Naku ate Ina bakit kayo po ang nagdala niyan dito, sana tinawag niyo na lang po ako para kunin iyan." Sabi ng kasambahay nila ate at agad na inagaw nito ang dala namin.

"Ay sos dai, huwag ka masiyadong mag-abala sa amin ha. Hindi naman kami spesyal para pagsilbihan mo ok. Carry na namin ito saka hindi naman ito nakakabinat. Hindi rin kami mayaman tulad tulad ng mga amo mo para pagsilbihan mo pa. Kaya relax ka lang diyan, ano ngang pangalan mo?" Sabi naman ni Mars dito.

"Nina po, bisita po kayo rito kaya  dapat lang po na pagsilbihan namin kayo." Sabi rin ni Nina, si Nina ang naging yaya n mga pamangkin ko. At anak ito ni Manang Linda.

"Ang bait mo naman Nina." Sabi uli ni Marcy. Ngumiti lang naman si Nina sa kanya.

"Beshy, saan banda ang CR dito? Iihi lang."

"Samahan na kita, halika." Sabi ko sa kanya. Saka ko siya sinamahan papuntang CR, dito lang din sa ibaba.

"Ok na ako rito beshy, hindi mo na ako kailangan pang samahan sa loob" Natatawang sabi nito sa akin.

"Bakit sa akala mo ba sasama ako sa loob? Eh alam ko naman na iba ang gagawin mo, masofocate pa ako." Ang lakas naman ng tawa nito sa sinabi ko.

"Baliw, sa sala na lang ako maghihintay." Sabi ko pa uli sa kanya. Then I headed my way papuntang sala. Pero bigla akong napahinto ng may maulinigan akong boses. Tila may kausap ito sa phone.

"Yes babe, ok I'll come tonight. Yes of course, I miss you so much too. Yeah, just hold on babe. Yes babe, you can have me tonight. I won't allow you to sleep. Yes yes babe. Hmm, I can't wait to be with you again babe. Promise, ok bye for may tatapusin lang ako."

Bigla akong nakaramdam paninikip ng dibdib ko dahil sa narinig ko. And I wanted to cry, dahil parang pinipiga ito. It was Jason napakalambing nito sa kausap nito, napahawak na lang ako sa dibdib ko habang nakasandal sa wall. Hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha ko. Naramdaman ko na lang na basa na pala ang pisngi ko.

DAli dali ko iyong pinunasan ng makarinig ako ng mga papalapit na yabag patungo sa kinaruruonan ko. May kung ano nalang biglang pumasok sa isip ko. I immediately take ou my phone at nagsalita na lang akong bigla.

"Hi baby, I miss you too baby. Ito naman masiyado mo na akong inispoiled niyan ha. Sige ka ikaw rin. Syempre naman noh, alam mo namang mahal na mahal kita baby ko. Ikaw lang naman ang baby ko wala ng iba promise.

Kahit itanong mo pa kay Marcy, alam mo namang butong buto sayo ang kaibigan kong iyon diba? Kasi naman ALAM niyang HINDI MO AKO SASAKTAN. Opo kahit ilang libo pa yang mga lalaking humarang sa dadaanan ko wala akong papansinin sa kanila.

Bakit pa ako maghahanap ng iba eh andiyan ka naman na mahal na mahal ako at hinding hindi ako sasaktan at iiwan. Hmp, HINDI TULAD ng IBA DIYAN! Walang ibang kayang gawin kundi ang manakit ng damdamin, magpaikot at maglaro ng mga babae.

Baka naman ikaw diyan, baka magwala ka diyan ha dahil nandito ako. Ikaw rin, hindi mo na matitikman ang sarap ko. Iyan ang gusto ko sayo eh, KAYA LOVE NA LOVE KITA, HINDI MO AKO SINASAKTAN!" Gusto kong matawa sa mga sinabi ko.

Huminto lang ako sa pagsasalita ng maramdaman ko ang papalayong mga yabag. Narinig ko pa ang mga pagmumura nito. Ang galing ko talaga pang best actress ang drama ko. Ewan ko ba bakit bigla nalang pumasok sa isip ko ang bagay iyon.

"Wow beshy, grabe ka. Pang famas ang acting mo! May pa baby baby ka pang nalalaman ha. Sino ba yan si baby mo na yan ha?" Natatawang sabi pa nito sa akin. Nagulat pa ako sa biglang pagsulpot nito. Agad kong tinakpan ang bibig nito baka marinig pa ni kumag at mabuking pa ako.

"Marcy naman, hinaan mo nga yang boses mo. Baka marinig ka ng kumag na iyon mabuko pa ako. I have no choice lang talaga kaya ganon." Sabi ko sa kanya.

"But in fairness Beshy, ang galing mo. Ang galing mo talaga, sos kung nakikita mo lang ang reaksyon ni demonyo. Matatakot ka! Naku, nagtatagis pa ang mga bagang, halos madurog na ang mga kamay sa sobrang higpit ng pagkakakuyom. At para bang gustong manapak. Ay grabi ang itsora niya nakakatakot. Hay, magaya nga." Sabi nito.

Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi ni Marcy. Parang bigla akong nakaramdam ng panlalamig ng katawan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...