Love in 24H (Filipino)

By RomanSSmith

4.3K 191 109

Sa huling araw ng pasukan, nagdesisyon ang grade 12 na si Lauren na mapalapit sa kanyang crush. Pero sa dulo... More

Contents
Dedication
7 AM
8 AM
9 AM
10 AM
11 AM
12 NN
1 PM
2 PM
3 PM
4 PM
5 PM
6 PM
7 PM
9 PM
10 PM
11 PM
12 MN
1 AM
2 AM
3 AM
4 AM
5 AM
6 AM
Epilogue
Book 2 Teaser
Acknowledgements
About the Author
Copyright

8 PM

108 6 8
By RomanSSmith

Dahan-dahan akong inikutan ng makailang beses ni Tita Rej habang tinitingnan mula ulo hanggang paa. Nakatayo lang ako, mata lang ang gumagalaw, habang pakiramdam ko ay sinuri niya ang buong pagkatao ko, pati na din ang kaluluwa.

Mula sa aking likod ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pagkatapos ay idinulas ang kanyang malalambot na kamay sa tagiliran ko. Maselan niyang idinulas ang mga palad at daliri sa katawan ko, tinahak magmula sa tagiliran ng aking mga dibdib hanggang sa aking mga baywang. Pagkatapos noon ay maingat niya akong niyakap ng maluwag sa bandang taas ng aking mga hita, na sinundan niya naman ng pagpatong ng kanyang mga kamay sa ang aking puson. Sa ilang sandali ay idinulas niya naman ang mga palad sa tagiliran ng aking balakang hanggang sa umabot ang mga ito sa aking mga puwet.

Ito ang unang beses na mahawakan ako ng isang lalaki sa maseselang bahagi ng katawan ko pero wala akong naramdamang pagkailang o malisya. Ang nakikita ko sa salamin ay isang matipuno at maitsurang lalaki na hinihipuan ako, pero ang nararamdaman ko na humahaplos sa akin ay isang mapagmahal na ate.

Pumunta si Tita Rej sa harapan ko at dahan-dahang ini-angat ang panga ko gamit ang mga daliri at maingat na inilingon ang ulo ko ng magkabilaan. Tiningnan niya ako sa mata at sinabing "I know what will make you look your best!"

Sa isang iglap pagkatapos niya sabihin iyon ay dali-dali siyang pumunta sa mga naka-hanger na mga damit at pinadaan ang dulo ng mga daliri doon na parang ginitara ang mga dulo ng hile-hilerang mga tela. May hinahanap siya habang kumakantang nakasara ang mga labi at minsanang patalon-talon.

Parang bagyo sa bilis, pumunta si tita Rej sa iba't-ibang sulok ng walk-in-closet. Kinuha niya ang isang hagdan na gawa sa makintab na bakal na hanggang leeg ko ang taas. Inabot niya ang isang kulay itim na tela mula sa second level ng mga naka-hanger na damit. Kumaripas siya sa isa pang banda ng walk-in-closet at ngayo'y kumuha naman ng isang itim na bag na may gintong kadena na strap. Mabilis niyang sunod na pinuntahan ang isang drawer, binuksan ito, at mula doon ay bumunot ng mga hikaw.

Inilapag niya ang mga nakuha sa isang lamesang de-gulong. Nilapitan niya ako na halos tumatakbo at nagmadaling hubarin ang mga damit ko nang may pag-iingat na parang iniwasang huwag magusot ang mga ito. Noong panty at bra na lang ang natira kong mga saplot ay hinila niya ang lamesa papunta sa akin at iniutos niyang isuot ko ang mga kinuha niya. Lumuwa ng kapiraso ang papel na isiningit ko kanina sa pagitan ng bra at dibdib ko, na agad ko naman ibinalik sa pagkakatago.

Nang matapos ako ay pinaupo niya ako sa silya sa gitna ng ga-bahay na aparador. Binuhat at pagkatapos ay binuksan niya sa lamesa ang isang malaking maleta na dala-dala niya kanina. Tumambad sa amin ang samu't-saring mga make-up, lipstick, brush, pabango, at lahat ng uri ng pampaganda, na napakaayos ng pagkakalagay.

Mabilis niyang pinintahan ang mukha at leeg ko gamit ang iba't ibang brush at pampakulay. Pakiramdam ko ay isa akong canvas na pinipintahan ng isang maestro na pintor. Ang buhok ko ay inayusan niya din, pinainitan at inispray-han ng mga produkto. Wala pang limang minuto ay natapos na niya na ang kanyang obra maestra. Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahang pinatayo, inalalayan papunta sa tapat ng salamin sa harap ko, at iniunat ang kabila niyang kamay patungo sa direksyon ng repleksyon ko para ipresenta sa akin ang likha niya.

Tumingin pabalik sa akin ang isang babaeng halos hindi ko nakilala, na sumabay ang bawat kurap at paghinga sa may-ari ng repleksyon. Ako iyon, pero mas pinaganda pa.

Napaka-elegante ng haltered little black dress na nagtapos ang haba ilang inches mula sa taas ng tuhod ko. Lalo pa itong pinaganda ng mga bulaklaking lace applique sa harapan. Niyakap ng damit ang katawan ko, habang sinundan nito ang hubog ng malulusog kong dibdib at puwet, at bawat kurba ng aking mga baywang at balakang. Ang gintong hoop earings na pwede maging pulseras sa laki ay bumagay sa gintong kadena ng itim na bag, na kumportable namang sumandal sa aking tagiliran.

Napakanatural at hindi halata ang pulbos at make-up na inilagay sa akin. Ang makintab kong buhok ay hindi lang bastang nakalugay, ito ngayon ay may kaunting soft wavy curls. Pwede pala akong mag model?

Pumasok si Kimberly de la Vega sa walk-in-closet niya at tuwang tuwa sa nakita. Tinabihan niya ako, ang isang kamay nilagay sa aking baywang, at sabay naming tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Para akong kiniliti sa singit nang sabihin niya-si Kimberly de la Vega-na ang ganda ganda ko daw. Mabuti raw ay parehong pareho kami ng hubog ng katawan at size. Kinuwento din niya kung saan-saang mga pelikula niya ginamit ang mga pinasuot nilang damit sa akin, na mas lalo pang nagpataas ng pagkamangha ko sa mga damit.

"Do you wear heels? Tanong niya sa akin na sinagot ko naman ng pag-iling. "That's okay," sabi niya at pagkatapos ay yumuko at binunot ang isang itim na sapatos na agad ipinasuot sa akin. "I'm sure these will be perfect!" Deklarasyon niya.

Tumayo ulit ako para pagmasdan ang kabuuhan ng aking anyo, na ngayo'y nakumpleto ng ankle strap block heels niya.

"Do you like it?" Tanong sa akin ni Kimberly de la Vega.

"Oh, yes, these are amazing! Thank you so much for letting me borrow them." Halos mangiyak-ngiyak kong pasasalamat sa kanya.

"Great... borrow? No, Lauren, they're yours."

Nagulat ako at paulit-ulit, na halos nagmamakaawa na, na sinabi sa kanya na hihiramin ko lang ang mga iyon.

Nginitian niya lang ako at sinabing, "please, it's my gift to you."

Abot-langit ang pagpapasalamat ko sa kanya. Sa iyo na po ang buhay ko, kamahalan. Ano po ang ipag-uutos ninyo?!

Tumabi silang dalawa sa akin at nakangiting tumango-tango sa napakagandang babaeng napagitnaan nila.

"Well, it's my turn, now." Sabi ni Kimberly de la Vega, at sa halos isang iglap ay naihubad na niya ang pangbahay niyang damit at inikot ng mabilis ang lahat ng sulok ng dambuhalang aparador para makuha ang lahat ng damit na kailangan niya.

Habang isinuot niya ang mga damit, pulseras, hikaw, anklet, at sapatos, ay minake-up-an at inayusan siya ng buhok ni Tita Rej. Ang mga galaw nila ay parang mga makina sa pabrika na hindi nagkakamali at walang kahirap-hirap. Ang mga mukha nila ay kalmado, walang ni-isang bakas ng tensyon. Ito siguro ang nakasanayan nilang gawin tuwing shooting ng pelikula or kapag may fashion show, kung saan dapat mabilisan at walang mali ang mga kilos para agad gumawa ng mga bagay na masarap panoorin ng mga fans.

Pinagmasdan ko siyang magbihis.

Perpekto sa kanya ang isinuot niyang spaghetti strapped, laced, emerald green na silk camesole na kumikintab sa liwanag. Ang harap ng damit niya ay maselang itinulak paangat ng kanyang mga hitik na dibdib, na lalong pang pinag mukhang mas malulusog dahil sa breast lift nipple tape na idinikit niya. Ini-match niya ang pangtaas sa isang itim na leather mini skirt at stiletto. Nag-accent din siya ng mga cute na silver na kwintas at bracelets na may mga buwan at bituin na palamuti. Ang chandelier earings niya ay kumumpas, sumabay sa bawat galaw niya. Nakaka-in-love ang ka-sexyhan niya, napaka-elegante, pero hindi malaswa sa paningin. Iba talaga mag-dala ng kasuotan ang mga batikang modelo.

Sa ilang sandali lang, na mas mabilis pa kaysa sa pag-ubos ko ng isang baso ng mainit na cup noodles, ay nakapag-ayos na si Kimberly de la Vega. Kahit na mas napa-ganda ako kaysa sa dati kong itsura dahil sa pag-aayos nila, kilo-kilometro pa din ang agwat ng kagandahan niya kaysa sa akin, lalo na ngayong sinadya siyang ayusan.

Paglabas namin ng walk-in-closet ay nandoon si Jasper na nakupo sa sofa, nagse-celphone. "Ano, tara na?" Tanong ni Jasper, na naka-polo, ripped jeans, at Jordans.

Sinalubong niya si Kimberly de la Vega, nagdikitian silang dalawa ng ilong, nagtawanan, at hawak-kamay na naglakad palabas ng kuwarto. Nagpasalamat ako kay Tita Rej, na ini-abot sa akin ang pahiram...bigay pala... na bag pang-alis at isang paper bag kung saan nakalagay ang mga pinaghubaran kong damit. Binigyan niya ako ng flying kiss, na sinalo ko naman at idinikit sa may puso ko.

Maya-maya pa ay nasa van na kami papunta sa bahay nina Andrea. Pumayag si Kimberly de la Vega na sunduin sina Bevs, bago pumunta kina Colin, dahil malapit lang doon ang bahay ni Andrea. Sinigurado niya din sa akin na ihahatid niya ang mga damit ko sa bahay namin pagkatapos niya ipalaba, sabihin ko lang daw kung kailan ang pinaka-convenient time para sa akin. Inilipat ko naman sa bago kong bag ang mga laman ng bulsa ng punong-puno kong pinag-hubaran na maong.

Sa loob ng van ay umupo kami sa mga dati naming pwesto kaninang hapon, at gaya kanina, naglalampungan pa din ang dalawa sa harap ko.

Napa-ngiti ako nang inalala ko ang buong araw ko na nagdala sa akin dito. Nagsimula lang ang lahat sa pag-hamon sa akin ng dalawa kong kaibigan. At dahil din sa mga payo ng ilang mga guro ay nagkaroon ako ng lakas loob na gumawa ng mga desisyon na nagdulot ng mas may exciting na mga experiences. Kung hindi dahil sa mga iyon ay hindi ko magiging kaibigan si Kimberly de la Vega. Hindi ko madadalaw ang bahay niya, at hindi din ako mabibigyan ng mga damit na nakikita ko lang dati sa mga lifestyle magazines na binabasa ko.

Para bang nakaramdam na iniisip ko siya, maya-maya ay nilingon ako ni Kimberly de la Vega. "Excited?" Tanong niya sa akin.

"Yes, very... and nervous." Sagot ko, sabay bungisngis.

"Why?" Nilagay niya ang kamay niya sa hita ko.

"Well, I don't really go to parties..." Sagot ko.

"I see... plus there's Colin, right?" Kinindatan niya ako habang cute na nakangiti.

Hindi ako nakasagot at tumango-tango lang sa kanya.

Sa dami ng mga nangyari sa akin mula sa pag-alis ko ng bahay, na halos hindi ako makapaniwala, ay nakalimutan ko na ang buong dahilan kung bakit ako nagpumilit na makasama sa party nila ay para lang mapalapit kay Colin, kahit ilang sandali lang. Ang saya at pagka-mangha na naramdaman ko kanina, ngayon ay napalitan na ng kaba, at bigla na ako nag-alangan kung tutuloy pa ba akog pumunta sa party. Parang gusto ko buksan ang pinto ng van at tumalon mula sa paparating na tulay.

Mukhang naramdaman ito ni Kimberly de la Vega dahil tumayo siya mula sa upuan niya at lumipat sa tabi ko kung saan nakaupo si Colin kanina. Hinimas-himas niya ang hita at leeg ko at pinakalma na para akong kabayo na nagwawala.

"Lauren, everyone there is nice, you don't have to worry. Also, you're with me." Assurance niya sa akin. Dinagdagan niya ito ng "just have fun. Enjoy. Let loose. Okay? Remember, this is a graduation party. It's a celebration of your... our success!"

Nabawasan ang anxiety ko sa pag-iisip na ang mga tao doon sa party ay mga kasing bait ni Kimberly de la Vega at ang lahat ay nandoon para mag-saya. Ngumiti ako at tumango para sabihin na okay na ako, kahit hindi pa gaano.

Sa ilang sandali ay biglang nag-iba ang dating niya at naging seryoso. Yumuko siya at inilapit ang mukha sa akin. "I love Colin, he's a great guy, and he's a very special friend of mine... but, just enjoy his company and think of him as a very big puppy who loves to play with everybody, okay? Just go play with the puppy tonight. You understand what i'm saying, right?"

"Yes." Sagot ko sa kanya at nagkunwaring naintindihan ko ang encrypted message niya sa akin. Tinapik niya ako sa ulo na parang nagtapik ng na-ulilang kuting at bumalik sa pakikipag-harutan kay Jasper.

Patago kong inobserbahan ang mga naglalampungan sa harap ko at nakaramdam ng pagka-inggit. Nilingon ko ang bakanteng upuan sa kaliwa ko na kanina lang ay kinalong ang mga puwet at hita ni Colin. Nilipat ko ang paningin ko sa kaliwang kamay ko. Nakapatong ito sa arm rest, nangungulila, gustong mahawakan ulit ang kamay na kabuhol nito kanina.

Anong ibig sabihin ng magka-hawak kami ng kamay kanina? Tanong ko sa sarili ko.

Naalala ko din na bago ako bumaba ng van kaninang hapon ay kinawayan lang ako ni Colin. Masyado pa bang maaga para magpalitan kami ng halik, kahit sa pisngi man lang?

Bumalik ang pag-aalala ko tungkol sa party. Pag nagkita ba ulit kami ni Colin mamaya, kailangan ba ay hawakan ko ang kamay niya? Hahalikan ko ba siya? Paano ba ang ginagawa ng mga mag-M.U.?

Habang bumibiyahe kami papunta sa bahay nina Andrea ay sinubukan ko isipin kung ano ang kahulugan ng mga sinabi sa akin ni Kimberly de la Vega. Paulit-ulit na nag-replay sa isipan ko ang ilan sa mga sinabi niyang tumatak sa akin.

Enjoy. He's like a puppy. He plays with everybody. Just play with the puppy.

Good! I like puppies!

Continue Reading

You'll Also Like

158K 8.7K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
85.7K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
806K 10.9K 24
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.