Sapphire Diamond Academy 2: T...

By Sorraya_angel

111K 3.7K 258

The new Legendary twin.. The son and daughter of the long lost princess and now the new Queen Czaquia Dannaya... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Author's Note
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Author's note
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Author's Note!!!
Chapter 18
Characters
Chapter 19
Chapter 20
Announcement?!!
Attention!!!
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue
Author's Note

Chapter 30

1.5K 80 1
By Sorraya_angel

Chapter 30: Sapphire World War II

'Third person's pov'

Malalim na ang gabi ng makabalik sa Fireperous kingdom sina Eury at Dannaya. Bahagya pang nagulat ang lahat dahil sa mismong dining area sila biglang lumitaw.

Bahagya pang namilog ang mga mata ni Czack habang nakatitig sa mahal niyang asawa.

"Czack, mahal ko."- tawag ni Dannaya sa asawa. Napakurap naman si Czack at sinugod niya ng yakap ang mahal na asawa.

"Nagbalik ka na, mahal ko."- masayang turan ni Czack sa asawa habang yakap yakap niya ito.

"Oo, mahal ko. At hindi na tayo maghiwalay pa."- aniya sa mababang boses na puno ng pangako.

Pina-upo ni Czack ang asawa at nabaling naman ang kanyang tingin kay Eury na nasa malayo ang tingin. Kaya pasimpleng kinalabit ni Czack si Dannaya at kinausap.

"Diba, mahal, isa siya sa mga guardians mo?"- mahinang tanong ni Czack kay Dannaya. Tumango naman ang reyna at tumingin kay Eury.

'Malungkot siya.' Sa isip ni Dannaya. Kaya tumayo ito at nilapitan ang dalaga.

"Eury, ayos ka lang ba?"- tanong ni Dannaya.

"Hmm. Ayos lang ako, Queen. Ahm pwede po bang magpahinga na ako?"- tanong nito. Alam ni Dannaya na hindi maayos si Eury. Alam niya na nasasaktan ito ngayon.

"Babalik ka sa mundo mo?"- tanong ni Dannaya. Naging mailap naman ang mga mata ni Eury kaya kinutuban si Dannaya sa plano nito.

"Eurybia."- may diin na tawag ni Dannaya sa guardian niya. Tumingin naman ito sa kanya.

"Ahm dito lang sana ako magpapahinga, Queen. Nais ko na manatili dito hanggang sa matapos ang digmaan."- nakikiusap na aniya sa kanya. Matiim naman itong tiningnan ni Dannaya bago tumango.

"You can use the guest room, Eury. I bet you already know the way."- aniya sa dalaga. Tumango naman ito.

"Salamat, Queen. King, mauna na ako."- aniya sa hari at reyna.

"Kain ka muna, Eury."-  aya ng hari sa kanya.

"Hindi na po, King. Salamat po."- aniya at yumukod ito muli bago tuluyang umalis.

Napabuntong-hininga naman si Dannaya at parang nanghihina na umupo sa tabi ng asawa.

"Ayos lang ba si Eury, mahal?"-tanong ni Czack makalipas ang ilang sandali.

Umiling naman si Dannaya."She's not fine. She's in pain right now."- aniya sa mahinang boses.

Naguluhan si Czack sa sinabi ng asawa at hindi nakapag pigil tinanong niya ito.

"Bakit?"- tanong niya sa asawa. Huminga ng malalim si Dannaya bago sumagot sa asawa.

"She's falling in love-"

"It's a best feeling, mahal."- pagputol ni Czack sa sasabihin sana ni Dannaya. Umiling si Dannaya at malungkot itong tumingin sa kanya. Bago sumagot.

"Yeah, it's a best feeling ever. But sa maling tao siya nahulog eh. Sa kalaban pa."- napaawang ang labi ni Czack sa narinig ng maintindihan niya ang nais na ipahiwatig sa asawa.

"K-kay Hades?"- gulat niyang tanong. Tumango naman si Dannaya bilang sagot.

Napailing si Czack sa nalaman at natahimik ang buong paligid. Hanggang sa pumasok na sila sa kanilang silid. Walang nag salita sa kanila.

Lumipas ang ilang sandali ay nagtanong si Czack sa asawa.

"Tawagan ba natin ang mga bata upang maka uwi?"- tanong niya. Napalingon naman sa kanya si Dannaya at bahagyang namutla.

"Hey, ayos ka lang ba?"- tanong niya dahil parang nawala sa sarili si Dannaya. Umiling si Dannaya saka nagsalita."Tipunin mo ang lahat ng hari at reyna sa bawat kaharian. Bukas susugod na si Hades."- anito sa natarantang boses.

Nawala bigla ang antok na naramdaman ni Czack sa narinig. Kaya ba ito umuwi ngayon? Sa isip ng Hari.

Nagmamadaling lumabas si Czack sa silid nila at tinawag ang mga mensahero.

Ilang sandali pa ay nagsidatingan na ang mga ito at bilang paggalang ay yumukod ito kay Czack.

"Puntahan niyo ang bawat kaharian dito sa Sapphire World at sabihin niyo na pinatawag ko sila ngayon din."- utos ng hari.

"Masusunod po, mahal na hari."- wika ng mga ito at muling yumukod bago tuluyang umalis.

Hindi na bumalik si Czack sa kanilang silid. Sa halip ay umupo na lamang ito sa kanyang trono at hinintay ang ibang mga hari.

'Dannaya's pov'

Hindi talaga ako mapakali at hindi rin ako dinalaw ng antok. Natatakot ako sa posibleng mangyayari bukas. Oh God! Sana walang mapahamak bukas.

Mas mabuti pa siguro na puntahan ko na lang si Czack.

Sa may trono ko natagpuan si Czack naka-upo ito at tila malalim ang iniisip. Kaya nilapitan ko ito at niyakap.

"Ayos ka lang ba, mahal?"- tanong ko sa kanya.

"Nag-alala ako, mahal. Sana nakapaghanda na ang mga bata."- mahinang usal ni Czack. Napabuntong-hininga naman si Dannaya dahil pareho lang ang naramdaman nila sa ngayon.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nagsidatingan na ang mga kaibigan namin.

"Dannaya? Ikaw na ba yan?"- tanong ng mga kababaihan. Tumango naman ako at napaigik na lang ako ng sugurin nila ako ng yakap.

"H-hey, i can't breath."- reklamo ko kaya natatawa sila saka ako pinakawalan.

Napako naman ang aking tingin sa aking mahal na kakambal na bakas sa mukha nito ang matindi niyang pangulila sa akin. Kaya nginitian ko siya.

"Hi, Kuya. I miss you."- mahinang wika ko. Lumapit naman sa akin si kuya at niyakap niya ako ng mahigpit. Binaon ni kuya sa aking leeg ang kanyang mukha at nagsalita.

"Na miss din kita, little sis."- aniya at hinalikan niya ako sa noo bago kumalas sa yakap.

"Sa conference room tayo."- wika ni Czack makalipas ang ilang sigundo.

Naka-upo na kaming lahat sa conference room ng magsalita ulit si Czack.

"Nakita niyo naman na bumalik na ang aking mahal na asawa. Ngunit sa kanyang pagbabalik ay ang Pag-usbong naman sa ikalawang digmaan. At magsisimula na bukas."- wika nito na ikinagulat ng mga naroon at sa akin natuon ang kanilang atensyon. Nagtatanong ang kanilang mga mata na nakatingin sa akin.

"Totoo. Narinig ko si Hades. Kaya kailangan natin ngayon ang ibayong pag-iingat."- ani ko sa kanila.

"Kung ganon? Mapasabak na sa totoong digmaan ang mga anak natin?"- may pag-alalang tanong ni Iceanna.

"Yeah. Sana handa na sila. Kaya sige na lumisan na kayo. Baka ngayon na umatake ang mga kalaban. Please mag-iingat kayo."- pakiusap ko sa kanila.

"Kayo rin. Mag-iingat kayo. Sana ito na ang huling laban."- ani Czacky. Na sinang-ayunan ng lahat.

Nagpaalam na ang aming mga kaibigan hanggang sa kami na lang ang nandito sa conference room. Kasama pa namin si Kuya at Iceanna.

"Little sis, mag-iingat ka ha."- bilin ni Kuya sa akin at tumayo ito at lumapit sa akin.

"Ikaw rin, Kuya. Mag-iingat ka. Kayo."- sabi ko rin sa kanila. Niyakap niya naman ako at nagpaalam na rin.

Hindi na kami natulog pa sa halip ay tinipon namin ang lahat ng kawal at pinagmamatyag sa paligid. Alam ko ilang patak na lang sa  orasan at susugod na ang mga tauhan ni Hades na inasign niya na lumusob sa amin.

Kailangan mabigyan ko ng babala ang mga bata upang makapaghanda sila.

'Cristel's pov'

Nandito kaming lahat ngayon sa sala. Dahil ni isa sa amin ay hindi dinalaw ng antok. Iba ang ihip ng hangin at iba ang tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung ngayon na ba magsimula ang kinakatakutan naming digamaan.

"Hey, ayos ka lang ba?"- tawag pansin ni Blaze sa akin. Kaya nilingon ko siya at nginitian ng tipid.

"Yeah, ahm medyo nag-alala lang."- sagot ko sa kanya.

"Don't worry. Alam ko na mananalo tayo. Dahil nasa atin ang mabuti at liwanag."- aniya sa akin. Tumango naman ako at tumahimik na lang.

Ilang saglit pa ay may gustong pumasok sa aking isipan. Isang malakas na kapangyarihan at iisang tao lang ang alam ko na may ganitong diwa. At si ina yon. Kaya hinayaan ko na ito.

'Mabuti naman at hinayaan mo akong makapasok sa iyong isipan anak.'- sambit ni mommy sa akin.

'Bakit mom? Hindi ba't madali ka lang naman makapasok sa aking isipan? Tulad no'ng nagdaang buwan?'- tanong ko kay mom dahil yun ang totoo.

'Noon anak. Ngunit tila nahasa mo ng husto ang iyong kapangyarihan ngayon. Hindi na ako madaling makapasok hindi na tulad noon.'- oh! So nakatulong pala yung mga pag sasanay namin? Teka. Nakauwi na kaya si mom? Bakit parang naramdaman ko ang diwa niya dito sa Sapphire?

'Mom? Nakabalik ka na ba?' tanong ko sa kanya. Alam ko na hindi pa niya pinutol ang kumunikasyon namin.

'Oo, anak. At may babala ako. Please anak mag-iingat kayo. Dahil bukas susugod na si Hades. At d'yan sa academy ang target niya. Tulad no'ng una.'- nagulat ako sa tinuran ni mommy. Mas natatakot ako ngayon. Gusto kong umiyak ngunit alam ko na man na hindi ito makatulong. Kailangan kong maging matapang at matatag.

'Salamat, mom. Mag-iingat kayo. I love you po. Please tell dad that we love him.'- ani ko kay mom. Naramdaman ko na man ang pa unti-unting pagkawala ni mom.

"Hey! Cristel?! What happened?"- nagulat pa ako sa pagtawag ni Kuya sa akin. Kaya napalingon ako sa kanila at na sa akin ang kanilang paningin at puno ito ng pag alala.

"K-kuya. Ahm i'm fine po."- nasabi ko na lang.

"No. You're not fine, baby. Umiyak ka eh."- sabi ni Blaze. Kaya hinawakan ko ang aking pisngi and yeah may luha nga. Kaya napaiwas ako ng tingin.

"Ahm... Kuya, nakauwi na si mom. But may bad news.. Bukas na daw lulusob si Hades."- sabi ko sa kanila. Napanganga naman silang lahat sa gulat.

"No... I mean halina kayo! Puntahan natin si Hm. Dapat ma secure natin ang kaligtasan ng mga estudyante na hindi pa handang lumalaban!"- Nagmamadali na turan ni kuya makalipas ang ilang sandali. Kaya nang tumayo ito ay agad namin siyang sinundan.

Nasa labas na kami ng pintuan ni Hm. Si Kuya na ang kumatok. Katok na halatang nag mamadali kaya hindi na nakakapagtaka na lumabas si Hm na tila galing pa sa mahimbing na tulog.

Bahagya pang namilog ang kanyang mga mata ng makita niya kaming lahat at parang nahimasmasan at napakurap kurap.

"Your majesties? Ah pasok po kayo."- aniya sa amin. Pumasok naman kami at nagpaalam siya saglit sa amin at pumasok ito sa isang silid na nasa loob rin ng opisina niya. Ilang sandali pa ay lumabas na ito at nakaayos na ang sarili. Umupo ito sa swivel chair niya at humarap sa amin.

"Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo, your majesties?"- magalang niyang tanong sa amin. Huminga naman ng malalim si Kuya bago sumagot kay Hm.

"Hm, gisingin mo ang lahat ng estudyante at papuntahin niyo sila sa gymnasium."- malamig na turan ni kuya. Napatanga naman si Hm kay kuya. Akala siguro niya na nagbibiro lang ito. Ngunit makalipas ang ilang sigundo ay napagtanto ni Hm na hindi kami nakipagbiruan.

"Bakit po?"- naguguluhang tanong nito. Pasimple ko tiningnan ang aking pambisig na relo at nakita ko na ilang minuto na lang ay mag-uumaga na. Kaya ako na ang sumagot.

"Doon na namin ipaliwanag. Sige na Hm. Wala ng oras pa."- nakita siguro ni Hm ang aking pagmamadali agad itong tumayo at kinuha ang microphone at nagsalita ito.

"Wake up, students of Sapphire! Lahat ng estudyante ay pinatawag sa mga Prinsesa at Prinsipe. Deretso kayo sa gymnasium. Again students of Sapphire. Wake up! In 10 minutes dapat nasa gym na ang lahat!"- anunsyo ni Hm. Tumayo naman ako at kinuha ko kay Hm ang microphone.

"Kung gusto ninyo na maligtas at makaligtas ay susundin niyo ang sinasabi ni Hm! Bilis! Wala na tayong oras!"- sambit ko dito at sinadya kong lagyan ng emosyon para mas magmadali sila.

"Tayo na!"-  tawag ko sa aking mga kasama. Nagteleport na lang kami.

Pagdating namin sa gym ay marami-rami na ang mga estudyante. Kaya dumeretso ako sa microphone.

"Hi! Andito na ba ang lahat?"- tanong ko sa kanila sa nakasanayan kong boses kaya bahagya pa silang napaigtad ng magsalita ako bago sumagot ng sabay sabay.

"Yes!"- sigaw nila. Napatango naman ako.

"Good. Now listen carefully. Students na hindi pa kayang lumaban ay dito kayo na side. Please faster! And to those students na kayang makipaglaban ay dito naman kayo. Now, ginawa ko ito dahil bukas ng umaga lulusob na si Hades. Magsisimula na naman ang digmaan. Teacher Gem please iguide mo yung mga students na hindi pa makalaban. Itago niyo sila sa under ground nitong paaralan. Now na please."- sabi ko sa kanila. Agad namang tumalima si Teacher Gem. Nang makalabas na ang lahat ng hindi pa makalaban ay muli akong nagsalita.

"Tayong mga warriors na ay sa labas tayo mag abang sa kanila. I'm pretty sure na hindi nila mababasag ang barrier natin. And also Nature users kayo na ang bahala sa paglagay ng mga patibong sa paligid. Magtatago tayong lahat at kung maari atakihin natin sila ng palihim. Ang makagawa lang nito ay yung may mga invisibility powers. Kaya kayo alam niyo na ang inyong gagawin. Healers. Please on stand by kayo. Kailangan na hindi kayo makita nila okay? Sword warriors or Fighters kayo o tayo ang mangunguna. And follow na yung mga mage user with technics. Also panghuli yung mga expert sa pana. Okay? Now. Let's move."- sigaw ko pa sa kanila. Agad naman silang lumisan at napahinga naman ako ng malalim. Hinarap ko ang aking mga kasama laking gulat ko na lang na matiim nila akong tinignan kaya tinaasan ko sila ng kilay.

"Relax lang, Flare. Alam ko na kakayanin nati to okay?"- wika ni Enna at niyakap ako.

"I can't help it. Basta na lang kasi siyang lumabas eh. Tayo na?"- aya ko sa kanila.

"Okay, please guys mag-iingat kayo ha. Dapat kompleto pa rin tayo."- paalala ni kuya.

Nag group hug naman kami at tapos ay niyakap kami ng aming mga iniirog. Napalingon naman ako kay Knight at hindi ko mapigilang mag komento.

"Hmm. Knight and Shine? Bagay."- tukso ko sa dalawa. Namula naman ang pisngi ni Shine ng pakawalan siya ni Knight.

"Kayo na?"- tanong ni Stone ng kumalas siya sa yakap nila ni Hera.

"Oh, Kayo na rin?"- tanong din ni Hero kay Stone. Kaya napaiwas ito ng tingin. Tsk..

"Enough, tayo na."- aya ko sa kanila.

Nasa labas na kami ng gate lahat. Kailangan na naming gawin ang plano bago dumating ang kalaban.

'Third person's pov'

Tulad ng plano ay ang mga nature mage users ay kanya-kanyang taktika sa paglalagay ng patibong sa lahat ng sulok sa kapaligiran ng buong academy. Samanatala ang mga may invisibility magic ay siya naman ang nangunguna sa hanay. Tulad ng mga expert sa sword. Na nasa ikalawang hanay ngunit nagtatago. Sumunod ang mages na mas hasa sa magic at ang mga bow expert.

Pagsikat ng araw ay siya namang paglitaw sa mga hukbo ng kalaban. Puno ng kaba ang dibdib ng mga mag-aaral na handang makipaglaban. Nanalangin ang bawat isa na sana ay manalo sila sa laban na ito.

Nang nasa malapit na ang mga hukbo ni Hades ay kitang kita ang gulat sa kanilang mga mata ng makita nila ang napakatibay na barrier ng paaralan. Ngunit wala sa kanilang bokabolaryo ang sumuko kaya sumugod na ang ilan ngunit hindi ito tuluyang makalapit dahil nahulog ang mga ito sa isang hukay na puno ng matatalim na mga espada na gawa sa mga nature user. Nagulat naman ang pinuno ng hukbo.

"Natunugan nila tayo! Ngunit walang susuko! Sugood!!!"- sigaw nito. Agad namang sumugod ang mga hangal na sundalo ng kadiliman kaya hindi na Nakakapagtaka kung namatay ang mga ito sa mga patibong. Nagulat at nabahala man ngunit patuloy parin ang mga hangal na sundalo sa pagsubok na wasakin ang barrier kaya naman pina liwanag na ni Cristel ang nag-iisang bituin na tanging light mages lang ang nakakakita sa buong kalawakan na siyang tanda na magsisimula na ang gyera.

Ang may mga invisibility powers ang unang umatake. Pinugutan nila ng mga ulo ang mga ito na walang kamalay-malay. Marami-rami na ang mga namatay kaya nang lumingon ang kanilang pinuno ay mababasa mo ang labis na galit sa kanyang mga mata.

"Mga duwag na Light Sapphirian! Lumabas kayo at labanan niyo kami ng patas!"- sigaw nito. At ito na ang hudyat na lumabas na ang iba sa kanilang tinataguan.

"Huwag kang maingay panot! Kayang-kaya namin kayo!"- sigaw ng isang estudyante na galing sa higher school.

"Sinong panot?! At sino ang may sabi na kami lang? Hahahaha nagkakamali ka! Hahahahaha*ting*"- sabi nito at ikinumpas ang kamay at dumating ang isang batalyon ng mga halimaw na lumilipad at isa pang batalyon ng kalaban.

'Oh God! Please help us!' sa isip ni Cristel.

Napaatras naman ang mga estudyante ngunit wala sa plano nila ang sumuko.

"Laban!!!!"- sabay na sigaw ng mga light sapphirian at black sapphirian. At sabay na sumugod.

Seryosong nakipaglaban ang mga estudyante para sa kaligtasan ng lahat kaya walang awa nilang pinaslang ang lahat ng mga sundalo ng kadiliman. Ang nakipaglaban naman sa mga halimaw na lumilipad ay ang mga may kakayahan na lumipad. Kasali na si Cristel. Winasiwas ni Cristel lubid ng liwanag na katotohanan o Rope of Light Truth. Sa tuwing madaplisan ang isang kaaway nito kahit daplis lang ay automatic magiging abo ito. Kaya ang ibang estudyante na nakikipaglaban sa himpapawid ay hindi masyadong nahihirapan. Lalo na ng sumikat na ang haring araw. Lumipad si Hera palapit sa araw at ginamitan niya ito ng kanyang special abilility na siyang nagpapatingkad lalo sa liwanag ng araw kaya naging abo ang mga nilalang na mga halimaw na lumilipad.

Sa palasyo naman. Dalawang batalyon ang sumugod sa kaharian nina Dannaya. Ngunit kayang-kaya nila itong sugpuin. Lalo na at labis na makapangyarihan ang mag-asawa. Tulad din ng iba pang kaharian. Tumulong na rin si Eury sa pakikipaglaban. Nang malapit ng Sumapit ang tangahali ay bigla na lamang dumilim ang buong kalangitan at lumitaw ang pulang buwan na siyang palatandaan na dumating na si Hades.

"Queen, lumitaw na ang buwan na pula. Nandoon na tiyak sa paaralan si Hades."- nangagambang aniya ni Eury.

"Kailangan na natin silang puntahan!"- sabi ng Reyna.

Kaya naman kinausap ng reyna ang hari na sila na lamang ang magpapatuloy sa pakikipaglaban at sumunod na lamang ito pag natapos na.

Sa paaralan naman ay halos puro sugatan na ang mga mag-aaral ngunit hindi parin ito tumigil sa pakikipaglaban. Patuloy parin ang mga bow expert sa pagpapalipad ng kanilang mga pana na hinaluan nila ng kanilang magic.

Patuloy naman sa pakikipaglaban ang mga royalties. Klase-klase ng mga ability at magic ang kanilang ginawa upang mapatay ang kanilang mga kaaway kaya hindi na nakakapagtaka na sobra na ang kanilang pagod. Kaya ng maubos na ang kanilang kaaway ay bahagya silang nakaramdam ng kasiyahan. Ngunit agad din itong napawi ng biglang dumilim at lumitaw ang pulang buwan.

"Hahahahaha!!! It's a prank! Akala niyo na ubos na kami noh? Well surprise!"- sigaw ng pinuno na hindi nila napatay. At tawang tawa ito. Kaya sa sobrang pikon ni Cristel ay binato niya ang bungaga nito ng espada kaya namatay ito at naging abo.

Ilang sandali pa ay lumitaw si Hades at ang clone ni Dannaya kasama at isa pang batalyon na mga sundalo.

"Shit!, kuya."- tawag ni Cristel sa kapatid.

"We're here, baby."- sabay na sabi ni Blaze at Cristan.

"Oh, hi, Cristel, Cristan. Ang mommy ninyo oh. Hindi ba kayo lumapit sa kanya? Hindi niyo ba siya na miss?"- natatawang wika ni Hades.

"Tsk. Hangal ka pala eh! Akala mo si mom yan? Well suit yourself, demon."- malamig na turan ni Cristel.

"Hahaha... Iha, tanggapin niyo na lang na sa akin na ang mama ninyo."- nangungutyang ani ni Hades sa kanila.

Pero nawala rin agad ang mapangutyang ngisi at tawa ni Hades ng lumitaw sa kanyang harapan si Dannaya. Ang kaninang ngisi ay napalitan ito ng sakit at kalaunan ay naging matinding galit.

"Now, Demon? What can you say? Ahh. Cat got your tongue, eh?"- asar ni Cristel kaya sumabog ang tawanan sa hanay nina Cristel.. Kaya mas lalong nagalit si Hades..

"You! Cunning woman! Papatayin kita!"- sigaw ni Hades at biglang lumitaw sa harap ni Dannaya at sinaksak ito.

"Noo! Mom?!"- sigaw ni Cristel at Cristan at dahil sa gulat ay walang naka imik.

"Pinagmukha mo akong tanga, mahal ko."- bulong ni Hades at mas lalong binaon ang espada sa dibdib ni Dannaya. Umagos na man ang masaganang luha ni Cristel kaya biglang umulan ng niyebe. Ngunit laking gulat ni Hades ng  unti-unting nagbabago ang anyo ng Dannaya na sinaksak niya at naging si Eurybia ito. Kaya napaatras siya at bakas sa kanyang mukha ang gulat.

"Hades, mahal na mahal kita."- nanghihina na anas ni Eurybia kay Hades at mas lalong nagpagulat sa lahat ay ang pag iyak ni Hades.

"Eurybia, ikaw. Bakit?"- hindi matuloy tuloy ang nais na sabihin ni Hades dahil sa pagkalito at pagkagulat. Lalo na ng lumitaw ang totoong Dannaya.

"Oh? Hades? Marunong ka palang umiyak? I'm not informed. Hm! Alam mo minahal ka talaga ni Eury eh. Kaya sabi ko sa kanya bigyan kita ng pagkakataon na mag bago. Mabubuhay si Eury, Hades kung mahal mo siya."- malamig na turan ni Dannaya.

"Hindi na ako maniniwala pa sa iyo! Niloko mo ako ng paulit ulit, Dannaya! Sa tingin mo? Maniniwala pa ako? Kaya pala iba ang pintig ng puso ko dahil si Eury pala ang tunay kong mahal at hindi ang kagaya mo!"- sigaw ni Hades at kunwari namang namangha si Dannaya.

"May puso pala ang katulad mo? Wow. You're full of surprises, Hades."- sabi ni Dannaya at malamig itong tumawa.

"Sugod! Patayin ninyo ang lahat ng mag-aaral!"- sigaw ni Hades kaya na alerto naman sina Cristel at naghanda na sa paglalaban.

Sa lahat na sumubok na lumapit kay Cristel ay tinirahan niya itong ng apoy at tubig na may lason. Ang iba naman ay pinagsasaksak niya at pinugutan ng ulo. Ganoon din ang ginawa ng ibang mga royalties at estudyante.

"Freeze."- sabay na bulong nina Ice at Icey. Nang naging ice na ang mga ito ay agad nilang pinugot ang leeg nito kaya nabasag ang kanilang katawan.

"Die."- bulong ni Cristel. Kaya sa lahat ng malapit sa kanya na kalaban ay namamatay.

Nagtutuos naman sina Hades at Dannaya. Nang maka tempo ang isa't-isa ay saksakin sana nila ang isa't-isa ng may biglang sumigaw.

"Dannaya, Hades! Tigil!"- napatigil naman ang dalawa at lumingon sa sumigaw. Bahagya pang nagulat si Dannaya sa nakita.


--------------------
End of Chapter 30

Hahahaha bitin muna ha. Para may thrill hahaha joke.. Yeah it's 3700 words guys so enjoy! See you next update... The Revelation2... Thank you!!! Love yah all...😘😘

Pasensya na sa typos ha.😅






Sorraya_angel

Continue Reading

You'll Also Like

436K 18.2K 123
SYPNOSIS Reading Purifying Love made Rachelle D'magiba feel very insulted. The ending that the author had written didn't go well with her expectation...
159K 9.9K 45
Elizabeth has been ruling her kingdom for 3 years now. She's gone through countless advisors in those 3 years. When she's finally ready to give up on...
662K 23.8K 200
[FIXED/FAN TRANSLATION] A student who was preparing for the Civil Service examination for 4th year suddenly found himself in an unfamiliar body 3 yea...
344K 10.4K 51
•this is the story of the girl who learns to live from the boy who learns to love• fred weasley x oc completed