Obsessed Kale

De Ajai_Kim

439K 13.7K 3.1K

Dahil sa pagiging pursigido ni Bliss Santiviel na mapalapit sa tahimik at misteryosong transferee student na... Mai multe

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Epilogo
Author's Note

Kabanata 7

14.9K 510 135
De Ajai_Kim

Natapos rin ang isang linggo at masasabi kong naging maayos naman ang lahat. Noong sabado ay sinundo ako ni Ash sa bahay namin at dinalaw ko ang parents niya sa bahay nila.

They are so happy nang malaman nilang may relasyon na kami ni Ash at boto sila sa akin para sa anak nila lalong-lalo na si Tita Alora.

One thing that I'd noticed from Ash ay masyado pala itong seloso. Dahil alam niya ang lahat ng accounts ko sa social media ay iniiwasan ko na ring makipag-usap sa mga lalake maging pati na rin sa mga lalake naming kaklase o mga kakilala.

Nung minsan na may nagcomment sa profile picture ko na kakilala kong guy ay nagalit si Ash doon at kaagad binura ang comment nun na hindi ko na nakita pa.

I was worried sa inaasal niya pero mas pinili ko nalang siyang intindihin na masyado niya lang akong mahal kaya nagseselos siya ng ganoon.

Nagpunta ako sa library para magreview sa exam namin bukas. Hindi ko kasama ngayon si Ash dahil may practice ito sa basketball team niya.

Nang makapasok na ako sa loob ng library ay sobrang daming estudyante ang nandito at halos ng upuan ay punuan na. Mabuti na lamang at may isang bakanteng upuan pa ang mayroon sa bandang dulo kaya nagpunta ako doon.

Hindi ko naman napansin kaagad na may nakaupo pala sa katapat nang bakanteng upuan at si Kale pa iyon na ikinagulat ko.

Lumingon naman siya sa akin na busy sa pagbabasa ng kaniyang libro nang makita niya ako.

"I-Ikaw pala, Kale. I'm sorry, hindi ko napansin na nandito ka pala. Maghahanap nalang ako ng ibang mauupuan-"

"You can sit there," Sabi naman niya at itinuloy ulit ang pagbabasa niya.

Dahil sa wala na rin naman akong choice at punuan na ang mga upuan sa library ay umupo na ako sa upuang katapat niya at inilapag ang dala kong notes at mga libro sa lamesa.

Kahit may ilang pa rin akong nararamdaman dahil nagkita lang kami noong friday at nakilala ko pa ang mother niya ay ipinilig ko nalang ang ulo ko at nagsimula nang magreview.

Ilang minuto lang ay naging abala na rin ako sa pagbabasa ko at hindi ko na pinansin si Kale sa kung anumang ginagawa niya.

Nang saglit naman akong mapatingin sa kanya ay nahuli ko pang nakatitig siya sa akin na ikinagulat ko.

"Is there something wrong?" Tanong ko.

"Why do you like me at first?"

Mas lalo pa akong nagulat sa itinanong niya.

"Ha? B-bakit mo naman naitanong 'yan? K-kalimutan mo na lang 'yung sinabi ko sa'yo dati. Boyfriend ko na rin naman si Ash kaya hindi ko na uulitin pa ang ginawa ko sa'yo dati."

Kahit medyo nauutal utal pa ako sa pagsasalita dahil sa kabang nararamdaman ko ay nasabi ko pa rin iyon kay Kale.

He looked at me seriously.

"You said that you like me at first then all of a sudden, Ash is now your boyfriend? So you played?" He said sarcastically.

I gritted my teeth secretly.

Dahil rin naman sa kanya kaya mas pinili ko nalang si Ash. Pinagtabuyan na niya ako at hindi niya rin ako gusto kaya aasa pa ba ako sa kanya?

"I just realized that I already l-love him. Infatuation lang siguro ang nararamdaman ko sa'yo noong una." Sabi ko kahit hindi naman talaga iyon totoo.

I really like him but he can't like me back.

Itinuon ko nalang ulit ang sarili ko sa pagre-review at hindi na siya muling pinansin pa.

Alam kong kapag nakita na naman ako ni Ash na kasama si Kale ay paniguradong magseselos iyon pero mabuti nalang at wala pa siya ngayon at mamaya pa siyang 5pm matatapos sa pagpapractice ng basketball para sa competition ng team nila kasama sina Kevin at Loen na gaganapin next month.

Hours passed at natapos na rin akong magreview. Nang tumingin ako sa lalakeng nasa harapan ko ay may galit na itong ekspresyon habang nagbabasa pa rin siya ng libro.

Kahit hindi ko alam ang dahilan ng biglaang pagbabago ng mood niya ay tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at nagpaalam nang aalis.

"Thank you for allowing me to accommodate this seat. I gotta go." Sabi ko at aalis na sana nang biglang magsalita si Kale.

"My Mom missed you so much. She's asking me if you're free later? She wants you to go in our house." He said.

Napahinto naman ako.

"Me? I'm sorry pero hindi pwede dahil ihahatid na ako ni Ash pauwi mamaya at sabay rin kaming magdi-dinner. Pakisabi kay Tita Josephine na next time nalang." Sabi ko at tinanguan siya pagkatapos.

Hindi na nagsalita pa si Kale sa sinabi ko kaya tuluyan na akong umalis sa library.

It's already 5pm at natapos na rin ang buong class hours ko. Nagtext sa akin si Ash at sinabi niyang hintayin ko siya dito sa huling klase ko kaya nandito ako sa labas ng classroom namin.

While I was waiting for him ay nagulat ako nang makita ko si Kale na bigla nalang akong hinila papaalis.

"Kale? What are you doing? Hinihintay pa ako ni Ash sa-"

"Shut up." Sabi niya lang hanggang sa makalabas na kami ng school at itinulak niya ako papasok sa isang kotse na may driver sa loob.

Nakaupo kami sa backseat habang iyong driver naman ang nasa driver's seat.

"Teka, Kale! Bakit bigla mo nalang akong hinila at isinakay dito? Ash is waiting for me!" naiirita kong tanong.

"My Mom will beat me kapag hindi kita nadala sa bahay." Sabi naman niya at sinenyasahan iyong driver na patakbuhin na ang kotseng sinasakyan namin.

The car looks so expensive at naalala ko nga pala ang sinabi ni Ma'am De Leon na taga Northwest Academy itong si Kale at lumipat lang siya sa Southern Academy kaya expected ko nang mayaman talaga ang pamilya niya.

Halata rin naman iyon dahil hindi na nila pina-report ni Tita Josephine sa mga pulis iyong nangyaring nakawan. Sinabi na lang noon ni Tita Josephine na freebies nalang daw iyong nakuhang bag at pera sa kanya ng snatcher pero sa susunod ay kakarmahin na raw ito ng sobra-sobra at magkakaroon ng maraming pigsa sa mukha kapag inulit iyon.

Natawa ako noong sinabi ni Tita Josephine iyon dahil mapagbiro rin pala siya hindi katulad ni Kale na hindi man lang ngumingiti at hindi rin mabiro.

"Ganon ba? Maybe I should call Ash para hindi siya mag-alala sa akin." Sabi ko at inilabas ang cellphone ko mula sa bag ko.

Akmang tatawagan ko na sana si Ash nang biglang hinablot ni Kale ang cellphone ko dahilan para manlaki ang mga mata ko sa pagkagulat.

"Wait? Bakit mo kinuha 'yang phone ko? Akin na nga 'yan!" Naiinis ko nang sabi at akmang kukunin na sana ito nang iniwas niya ang kamay niya sa akin.

"You don't need to call him. Ihahatid naman kita pauwi sa inyo." Sabi niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Nakita mo naman 'yung nangyari noong friday 'di ba? Ash didn't want to see you dahil sa ginawa mo sa akin noon. Give me my phone now!" I said.

"Who cares?" Sabi niya lang at itinago na ang cellphone ko mula sa bulsa ng suot niyang coat.

I'm still glaring at him pero hindi niya ako pinapansin.

I don't know why is he acting this way e, parang noon nga lang ay halos ipagtabuyan na niya ako, ni ayaw niya nga akong makita at kulang nalang ay isuka na niya ako pero bakit ngayon ay parang siya naman itong lapit ng lapit at nangungulit sa akin?

"Pwede mo namang tanggihan si Tita Josephine at sabihin mo nalang sa kanya na busy ako kaya hindi kami makakapagkita. Ayaw mo rin naman akong nakikita, 'di ba?" Sabi ko saka humalukipkip at dumungaw nalang sa bintana ng kotse.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko.

Hindi ko nalang rin pinansin si Kale dahil useless lang ang pakikipagtalo ko sa kanya. Hinila na niya ako dito kaya wala na akong magagawa pa.

After some minutes ay nakarating na rin kami sa bahay nila at literal na napanganga nalang ako sa pagkamangha dahil hindi na bahay kundi parang isang palasyo na ang bahay nila.

Lumabas na kami sa loob ng kotse at kaagad niya akong hinila papasok sa loob ng bahay nila.

Nakarating kami sa isang malawak na garden area at nakita ko kaagad si Tita Josephine sa isang table na may punong-puno ng mga pagkain ang nasa lamesa at may kasama rin itong batang lalake na mukhang nasa 5 years old pa lamang.

Lumapit kami ni Kale sa kanila at kaagad akong bineso ni Tita Josephine pagkakita niya sa akin.

"Bliss, hija. Mabuti naman at pumayag kang magpunta dito sa amin. How are you?" Nakangiting tanong ni Tita Josephine sa akin.

"Ayos lang naman po ako." Sabi ko at nginitian rin siya.

"Namiss kasi kaagad kita at hindi ko pa rin malilimutan 'yung pagtulong mo sa akin ng manakawan ako kaya nagpahanda ako ng makakain for you. By the way, this is Klauss. Younger brother siya ni Kale." Pagpapakilala naman ni Tita Josephine sa batang lalakeng nakaupo lang sa silya at nakangiting naglalaro ng Gundam toy na hawak niya. He looks like a special child or may autism but he's still look cute.

Tumango naman ako at pagkatapos ay pinaupo na kami ni Tita Josephine sa lamesang punong-puno ng mga pagkain. Parang may fiesta lang akong pinuntahan sa sobrang dami ng mga pagkaing nakalatag sa harapan namin.

Katabi ko si Kale sa upuan habang nasa harapan naman namin si Tita Josephine at si Klauss.

"Alam niyo, bagay na bagay talaga kayong dalawa!" Biglang sabi ni Tita Josephine na ikinapula naman ng buong mukha ko.

"Tsk. What are you saying, Mom?" Inis na tanong ni Kale sa Mom niya.

"I'm just saying the truth, son. Napakaganda nitong si Bliss kaya imposibleng hindi ka nagagandahan sa kanya, no!"

Parang gusto ko nalang lumubog sa upuan dahil sa mga pinagsasabi ni Tita Josephine ngayon.

Hindi niya lang alam pero gustong-gusto na nga akong ipatapon noon ni Kale sa ilog o sa kahit saan para lang hindi na niya ako makita.

Umiling lang si Kale sa sinabi ni Tita Josephine. Bigla ay inilabas ni Tita Josephine ang kaniyang cellphone mula sa suot niyang dress at itinapat iyon sa amin ni Kale.

"Let me take a photo of you, Bliss and Kale. Hindi ako papayag na wala kayong picture together." Masayang saad ni Tita Josephine habang nakatutok pa rin sa amin ang hawak niyang cellphone.

"Mom, can you stop that? I'm just doing your favor kaya-"

"Akbayan mo si Bliss. Dali!" biglang utos ni Tita Josephine kay Kale.

"What?" Gulat namang tanong ni Kale sa Mom niya.

"Just do it, son. You like it, too." Nakangisi pang sabi ni Tita Josephine.

"You're ridiculous." Iling ni Kale.

Wala namang nagawa si Kale kundi ang sundin ang utos ng Mom niya.

Inilapit nito ang upuan niya sa akin at inakbayan ako dahilan para pumula na halos ang buong mukha ko.

Kale Marco, don't do this to me, please.

"Okay, 1.. 2.. 3.. smile!"

Tita Josephine take a photo of us kaya ngumiti nalang ako at nagpeace sign sa camera. Pagkatapos nun ay napangiti si Tita Josephine at tinitigan nito ang kuhang litrato namin ni Kale sa cellphone niya.

"Done. Let's eat na." She said at nag-umpisa na rin kaming kumain.

Napapikit nalang ako dahil sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.

Katabi ko naman si Kale na parang wala lang sa kanya ang nangyari kanina. Ako lang naman talaga ang apektado dito dahil ako lang ang- nevermind.

May boyfriend na ako at dapat ay si Ash lang ang iniisip ko.

Pagkatapos naming kumain ay nag-usap pa kami ni Tita Josephine hanggang sa nagpaalam na rin akong uuwi na.

"Thank you again for this day, Bliss. Take care. Okay?" Tita Josephine said to me.

"Salamat rin po, Tita." Nakangiting sabi ko naman.

She nodded.

"Ihatid mo na siya pauwi, Kale. Ingatan mo ang future daughter-in-law ko." Pabirong sabi ni Tita Josephine na ikinagulat ko at tinapik pa nito ang balikat ni Kale.

Pumasok na rin si Tita Josephine sa loob ng bahay nila kasama si Klauss.

Sinundan ko naman si Kale na naglakad kaagad hanggang sa makarating na kami sa tapat ng kotse nila. Pinapasok niya ako sa loob at nandoon na rin ang driver nila.

"Your phone." Sabi niya at inabot na sa akin ang cellphone ko.

Tahimik lang kami buong biyahe at wala ni isang nagsasalita sa amin. Sa mga nangyari ngayong araw ay naging masaya naman ako kahit papaano dahil mabait sa akin si Tita Josephine at gusto niya lang akong makita.

Alam ko namang pinakikisamahan lang rin ni Kale ang Mom niya dahil nakikita kong mahal na mahal niya ito kaya kahit ayaw niya sa akin ay sinunod niya pa rin ang favor ng Mom niyang dalhin ako sa bahay nila.

Nang makarating na kami sa bahay ay bumaba na kami sa loob ng kotse. Nasa tapat na kami ngayon ng gate ng bahay.

"Salamat sa paghatid mo sa akin." Sabi ko kay Kale.

Hindi naman siya sumagot doon.

"Papasok na ako sa loob." Sabi ko nalang at tatalikod na sana nang hinawakan niya ang isang kamay ko kaya lumingon ako sa kanya.

"Ano 'yon?" naguguluhan kong tanong.

I was shock when the next thing he did is,

He hugged me.

"Thank you, Bliss. Thank you for making my mother happy..." He sincerely said.

Itanggi ko man o hindi pero sa kanya lang talaga naghuhurumentado itong puso ko.

---
#

Continuă lectura

O să-ți placă și

107K 688 27
Story of a girl. Her Fvck Love No she meant her First love. SPG.
911K 24.2K 45
Miraela Albañez woke up with a mysterious gorgeous man in her life named Josiah Avenido claiming that she was his wife. But what will happen if there...
718K 17.7K 32
Allison Lim is a 20-year-old girl who lives with her uncontrollable mother and older brother. Her life was always dictated by them but what will happ...
580K 12.3K 43
I was a rape victim. A woman who has a dark history. No one knows. No one can ever know that crime apart from my broken self and him. It was an...