10 Ways How to Make Him Stay

By enieral_27

3.8K 352 62

Hanggang saan ang kaya mong gawin para manatili ang taong mahal mo? Ilang beses kang magtitiis at magsasakrip... More

PROLOGUE
Chapter 1:The List
Chapter 2: First Day
Chapter 3: The Party
Chapter 4: Bad Day
Chapter 5: Incest
Chapter 6: Monthsary
Chapter 7:The Secret
Chapter 8:The hidden truth
Chapter 9: Spill it
Chapter 10:Broken
Chapter 11: Help
Chapter 12:Tasha's Birthday
Chapter 13: Sorry
Chapter 14: Outing
Chapter 15: Sad Trip
Chapter 16: Ignore him
Chapter 17: He's leaving?
Chapter 18: Promises
Chapter 19: Suitor
Chapter 20: Almost
Chapter 21: Message
Chapter 22: Escape
Chapter 23:A week with you
Chapter 24: Graduation
Chapter 25: Fall inlove or fail inlove?
Chapter 26: Earl's loyalty
Chapter 27: Those Nights
Chapter 28: I thought
Chapter 30: He has a secret
Chapter 31: She is...
Chapter 32: Anniversary
Chapter 33: Their Problem
Chapter 34: Avoiding the Problem
Chapter 35: I Know
Chapter 36:The Message
Chapter 37: I'm back
Chapter 38: The struggles
Chapter 39: She Found out
Chapter 40:They Found Out
Chapter 41:Should I give up?
Chapter 42: Baby Yana
Chapter 43: Christmas Part 1
Chapter 44: Christmas Part 2
Chapter 45: A memorable night
Chapter 46: Fights
Chapter 47: It Hurts
Chapter 48: Changes
Chapter 49: Regrets
Chapter 50: Lies?
Chapter 51: Engaged
Chapter 52: Engaged life
Chapter 53: Wedding Day
Chapter 54: Memories
Chapter 55: Hatred
Chapter 56: Other's relationship
Chapter 57: Blame Me
Chapter 58: I'll keep it
Epilogue
Author's Note

Chapter 29: Guilt

33 4 0
By enieral_27

Chapter 29: Guilt

Dave's POV

(Uhm.. B-babe?)-sya

(B-bakit?)-ako

(Pwede ba tayong magkita?)-sya

(H-ha?)-ako

Naramdaman ko ang pagtapik nila Earl at Grey sa balikat ko. Halatang pressured ako sa pakikipag-usap.

(Pwede ba tayong magkita?)-sya

(Sige. Saan?)-ako

(Sa bahay.)-sya

Pinili kong patayin ang call dahil mas kinakabahan ako. "Pupuntahan mo?" Tanong ni Grey at agad akong tumango. Kinuha ko ang mga dala kong gamit at sumakay sa kotse ni tito. Pinuntahan ko si Tasha sa kanila at tahimik na pumasok.

"Dave, nasa likod si Tasha." Sabi ni Kuya Rei. Dumiretso ako sa likod nila at naabutan ko si Tasha na tahimik na kumakanta.

"Just say you won't let go..
Just say you won't let---"

Agad ko syang nilapitan at tinabihan. Nilagay ko ang ulo nya sa balikat ko. Palubog na ang araw at mas lalong gumaganda si Tasha tuwing nasisinagan ng araw ang mukha nya.

"Bakit ka tumigil sa pagkanta?" Tanong ko. "Sorry kung malapit nang mag-August. Babe, dalawang buwan nalang di ko nagagawa lahat. 10 ways lang hinihingi mo di ko pa maibigay." Niyakap ko sya dahil ayokong nakikitang umiiyak sya.

"Gusto kitang pagalitan dahil sa drama mong yan. Kaya ko yun ipinapaayos sayo kasi gusto kong matuto ka. Hindi nga sa lahat ng oras nandyan ako sa tabi mo. Babe, I love you--"

"Dave..."

Nakatitig sya nang seryoso sa akin. Pinipigilan ko ang sarili ko mula sa pag-iyak. "Sorry kung ganito lang ako."

"Tasha, itigil mo nga yan!" Mas lumala ang pag-iyak nya. "Isa!"

"Babe--"

"Dalawa."

"Kahit umabot pa yan ng sampu hindi ako titigil. Masakit Dave. Ang sakit eh. Ilang beses mo na akong binigyan ng chance. Palagi mo akong iniintindi pero wala eh. Ang immature ko." Lumunok ako para hindi ako pumiyok kapag nagsalita na ako.

"Oo nga immature ka. But that immaturity doesn't stop me from loving you. May times na naiinis talaga ako. Ang ingay mo eh. Ang daldal mo. Ang tigas din ng ulo mo. Pero ikaw yung nakikita kong pakakasalan ko. Ikaw yung nagpatibok ng puso ko nang ganito. Ang dami kong dahilan para iwanan ka pero hindi ko ginawa. Wag mong nila-lang ang sarili mo. Hindi ako mababaw na tao para magmahal ng taong mababa rin. Tuwing sinasabi mong ganito o ganyan ka lang nasasaktan ako kasi parang dinodown mo na rin ako. Ayoko rin na dinadown mo ang sarili mo. Those 10 ways are my ways for you to make you more independent."

Hindi sya nagsasalita pero nakangiti lang sa akin habang umiiyak. Mas niyakap ko pa sya. "Tumigil ka sa pag-iyak kung ayaw mong iwanan kita. Sige ka hindi ako magi-stay." Pinipilit nyang pigilan ang pagtulo ng luha nya pero rinig ko ang pagsinghot nya.

"Dapat wala akong maririnig na singhot. Isang singhot mo iiwanan talaga kita." Binuka nya ang bibig nya para makahinga at hindi ko napigilan ang sarili ko kundi mapangiti. Inangat ko ang mga kamay ko para punasan ang mga luha nya.

"Kumusta pala yung inuman nyo kagabi?" Tanong nya. "A-ahh... A-ayun ok naman. Nagkita ulit kami ni Nico." Kailangan kong itago ang kaba ko.

"Pano kaya sa college? Di mo na ako maihahatid at sundo?" Tanong nya sa akin. "Responsibilidad kong bantayan ka. Kung kaya ng schedule, edi go, pag hindi, pipilitin ko." Nakita ko ang pagtatago nya ng kilig kahit na mugto ang kanyang mga mata.

Naririnig ko ang singhot nya. "Sisinghot ka?" Tanong ko pero nagpout lang sya at umiling. "Singhot ka, gusto kitang iwan eh." Namumuo nanaman ang luha sa mga mata nya kaya palihim akong tumawa.

May mga stars na at maliwanag ang buwan.

"Oh kay sarap sa ilalim ng kawalakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at butuin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa.."

"Billions of stars but I chose the moon."

"Who is that moon?" Agad syang tumingin sa akin.

"Tasha?"

"Not sure?"

"More sure than sure." Agad kaming nagtawanan dahil hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko. "Basta sigurado." Pagdugtong ko.

"Bat mo pala ako pinapunta rito?" Tanong ko sa kanya. "Hmm..."

"Tasha, Dave, halina kayo!" Ahh oo nga pala, anniversary nga pala ng mga magulang nya at birthday ng pamangkin nya. "Happy anniversary po!" Pagbati ko sa kanila. "Salamat."

Kumuha lang ako ng kaunting handa at kinuhanan ko ng cake si Tasha. Habang kumakain kami ay hindi ako makatingin nang maayos sa magulang nya. Sobrang nakakaguilty.

"Alam mo na ba kung saan ka mag-aaral?" Tanong ni tita. "A-ahh hindi pa po." Hindi ko alam paano pipigilan ang kaba. "Pero baka po sa Manila or sa University sa city." Dugtong ko pa.

Nakatingin lang ako sa kinakain ko habang iniisip kung makakapag-anniversary pa kami nang maayos. Ano kayang feeling?

Biglang may pumasok sa bahay nila at nilingon namin yun. "Happy anniversary po, tito and tita!" Nakipagbeso-beso sya sa kanila. Naupo naman sya sa tabi ni Tasha.

"Ikaw, Nana, san ka mag-aaral?" Tanong ni tita. "Baka po kasama ko si Tasha or isama ako ng pinsan ko sa kabilang bayan." Sagot ni Viena.

"Si Winzie ba?" Tanong ni tito. "Hindi po namin macontact." Sabay nilang sagot. "A-ahh, may ginagawa po sila sa kanila kanina baka po busy." Sagot ko naman.

Natapos na kaming kumain at nagpaalam na kami ni Viena. Sinabi ko rin kay Earl na sa kanila ako matutulog at pumayag na rin naman sila mama.

Nasa kotse na ako at si Viena ay balak maglakad. "Nana, sabay ka na." Alok ko at nagkibit balikat lang sya tsaka sumakay.

"Dave."

"Ano yun?"

"Anong nangyari kagabi?"

Agad akong napalunok at medyo nawala ako sa focus sa pagdadrive. "B-bakit? Pinaghihinalaan mo ba si Grey?" Tanong ko pabalik. "Hindi naman na ok na kami. Pero ikaw ang iniisip ko." Lumalalim ang bawat paghinga ko.

"Dave, alam kong may problema. Kilala kita, kapag may okasyon madaldal ka rin lalo na at ilang buwan mo rin silang di nakakwentuhan pero iba kanina eh ang tahimik mo. Pati si Tasha ang tahimik din."

"A-ahh, wala-- U-uhmm.." Huminga ako nang malalim. Agad naman nyang tinapik ang balikat ko. "Seems like you're out of focus. Dito lang yung bahay namin. Dave, i-open mo kila Grey yang problema mo dahil si Tasha ang iintindihin ko. Mag-ingat ka salamat sa paghatid."

Bumusina lang ako at agad nang nagdrive papunta kila Earl. Tahimik lang akong pumasok sa bahay nila. Naabutan ko silang umiinom at napailing ako.

Naupo lang ako sa isang sulok at nanahimik. "San mig?" Umiling lang ako at tumalikod. Nagfe-facebook lang ako at napapatingin sa couple photos ng friends ko. Nakita ko ang myday ni Tasha.

"I wish I'll become better."

Agad naman akong nagreply doon ng "Ano nanaman yan?"

Naghintay ako ng ilang minuto pero wala pa rin. Agad na akong tumawag at sinagot din naman nya. Hindi naman maingay ang dalawa kaya hindi na ako lumabas.

(Babe?)-ako

(H-hello?)-sya

(Burahin mo yung myday mo.)-ako

(Bakit?)-sya

(Wala naman silang pake sayo kung magdadrama ka. Kung may problema ka sa akin mo sabihin o kila tita or kay Viena at kay Winzie.)-ako

(Hayaan mo na.)-sya

(Isa pa, babe naman, tigilan mo yang pag-iyak mo.)-ako

(Nun bang pinatigil kitang uminom, sumunod ka ba?)-sya

Hindi ako nakakibo dahil sa sinabi nya.

(Kailan mo ba ako sinunod ha?)-sya

(Tasha!)-ako

Medyo lumakas ang boses ng dalawa kaya lumabas ako.

(Ano? Kita mo ngayon hindi mo ako sinunod.)-sya

(Hindi ako umiinom.)-ako

(Kahit hindi ka umiinom! Umiwas ka sa ganyan. Dave, isipin mo yung mararamdaman ko.)-sya

(Tasha, bago mo sabihin yan, minsan hindi mo rin ako iniintindi.)-ako

Pinatay ko na ang call at pumasok. Matamlay akong naupo sa pwesto ko kanina at dumukdok. Nagvibrate ang cellphone ko at binasa ko ang text nya sa akin.

From:Tasha

Babe, sorry. Sorry kung di ko man lang naisip yun.

Sige, magpakasaya ka na muna.

Bukas nalang tayo mag-usap.

Blangko lang ang emosyon ko. Dumukdok ulit ako at tahimik na nagmumuni-muni. Mali yung ginawa ko eh, kasi bakit nagtataas ako ng pride? Oo masakit na masumbatan nya nang ganun pero mas masakit sa part nyang sumbatan ko rin sya kahit na ako yung may kasalanan sa kanya na hindi ko man lang maamin.

"Dave!"

Lumapit ako sa kanila habang nakatitig silang dalawa sa akin. "Nakakaguilty. Hinahabol ako ng konsensya ko. Inaway ko pa sya kahit na ako yung may mas malaking kasalanan."

"Paano mo aaminin?" Nagkibit balikat lang ako. "Hindi ko alam kung sasabihin ko kila Viena." Umiling si Grey. "Hindi sa wala akong tiwala sa kanila pero pag dating sa ganyan, mas mabuting wag mong sasabihin. Di bale nang kami ang may alam kasi kilala ko si Viena, sobrang mahal nyan si Tasha at sure ako sasabihin nya para di masaktan ang kaibigan nya."

"Grey, ikaw ba yan?" Tumingin nang masama si Grey kay Earl.

"Kahit kay Winzie lang sana." Pahabol ko pang sabi pero sabay silang umiling. "Paano pag sinabi mo sa kanila tapos nabanggit nila kay Tasha? Diba mas ok na sayo mismo manggagaling?" Sabi ni Earl.

Lumabas muna ako at tahimik na nag-isip. Sobrang mahal ako ni Tasha pero bakit ganun yung sinusukli ko sa kanya? Bakit hinahayaan kong palagi syang umiiyak dahil sa akin? Pero di ko naman kaya dahil may problema rin ako at di ko pwedeng ibuhos lahat ng atensyon ko sa kanya.

Agad kong tinawagan si Tasha at sa pangalawang tawag ay sumagot sya.

(Hello?)-sya

Napangiti ako nang marinig ko ang malambing nyang boses.

(Babe.)-ako

(Bakit? Diba galit ka?)-sya

(Oo nga. Diba kami bukas nalang tayo mag-usap. Bakit sinagot mo?)-ako

(Baka mas magalit ka kapag hindi ko sinagot. Ayoko namang madagdagan pa. Baka sabihin mo nanaman di kita iniintindi.)-sya

(Tasha...)-ako

Hindi sya kumibo pero nakinig lang ako sa mahihinang hikbi nya.

(Wag mong iiyakan yung mga away natin. Hindi pwedeng habang buhay mo akong iiyakan sa ganyan. Babae ka, hindi mo dapat iniiyakan ang isang lalaki.)-ako

(P-pero narealize ko rin kasi, tama ka.)-sya

(Na?)-ako

(Na hindi kita iniintindi. Sorry kung ganito lang ako. Sinusubukan ko naman yung best ko eh.)-sya

(Tasha, wag kang umiyak.)-ako

Mas nasasaktan ako sa ginagawa nya. Ang sakit marinig yung mga sinasabi nya ngayon. Ang sama ko sa part na sinasaktan ko sya lalo.

(Tasha, please, tumahan ka na.)-ako

(Oo. Sige na matutulog na ako.)-sya

Nakakaguilty nang sobra. Hindi ko na alam anong dapat kong gawin.

(Tasha, sorry. Alam kong mali ako dun. Mas marami akong pagkukulang sayo lately hindi dapat ako nagtataas ng pride. Naalala mo nung sinabi ko sayong hindi habang buhay susuyuin kita? Uulitin ko yun, Tasha, hindi habang buhay susuyuin kita. Pero hindi ko naman hahayaang masaktan ka nang sobra dahil sa akin. Ayokong tapusin yung relasyon na to kasi mahal kita. Pero wag kang gumawa ng dahilan para di ako magstay.)-ako

(Kasi di ka naman talaga magi-stay!)-sya

Hindi ako nagulat sa sigaw nya, kundi sa sinabi nya.

•••••

Idk why pero naiyak talaga ako habang nagtatype. I felt so emotional kasi may irereveal talaga ako after ng story na to. Sasabihin ko bakit ako naiiyak.

Vomment
Support
Follow










Continue Reading

You'll Also Like

25.5K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
367K 24.7K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
488K 13.8K 3
His story is not complete without her...