Beauty and the Beki

By Night_White1114

2.1K 216 18

"I Love You... Gurl." Series #1 "She's my frenemy, I hate her and like her as well. Nakakainis!" Date posted:... More

B&B
1
2
3
4
5
6
7
7.5
8
9
10
10.5
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
20.5
21
21.5
22
22.5
23
Extra
25
26
27
28
29
30
30.5
31
32
33
34
35
36
37
37.4
37.5
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47

24

26 4 0
By Night_White1114


"Real talk nga. May gusto ka ba kay Daezen?"

Napakurap ako sa biglaang pasabog ni Leila. Literal na tumahimik ang buong paligid ko.

Parang biglang may dumaang anghel sa harapan namin. Tanging ang ihip lang ng hangin ang naririnig ko.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Iba naman sigurong pagkagusto ang sinasabi niya.

"Ang totoo, hindi ko naman talaga siya hate. Pinaninindigan ko lang talaga na sundin 'yong steps kaya—"

Sinapawan niya ang sinasabi ko ng mga salitang inaasahan ko na rin naman, "I mean, romantically."

Kahit na alam ko nang iyon ang ipinupunto niya kanina pa ay nagulat pa rin ako at pinagpawisan. "Alam mo Leila, napapansin ko na palagi mo na lang akong pinaparinggan ng ganyang mga bagay patungkol kay Daezen lately. Ano ba ang gusto mong marinig, ha?"

Palagi niya akong tinatanong indirectly pero napapansin ko pa rin naman. Kesyo nagseselos daw ako kapag may kasama siyang ibang lalaki at may gusto raw ako sa kanya, na hindi naman totoo. Nagiging Albrent-Daezen shipper na rin yata itong si Leila kagaya ni Manang Eva na kasambahay nina Daezen.

"Sagutin mo na lang yung tanong ko nang diretso, palagi mo na lang kasing dina-divert sa ibang usapan kaya kino-conclude ko na totoo talaga 'yong hinala ko." Tinitigan niya ako at tinaasan ng kilay, "Siguro may gusto ka talaga sa kanya, pinapanindigan mo lang talaga 'yang pagiging bakla mo."

Kumunot ang noo ko, "Hindi naman sa gano'n. Kilala ko ang sarili ko, okay?"

"Kung gano'n nga, sabihin mo kung bakit ka palaging nagseselos, tapos nakatitig pa palagi sa kanya habang namumula at nangingiti?"

"What the F?!" Hindi na siguro maipinta ang mukha ko ngayon, "Gawa-gawa mo lang 'yan 'no?! Huwag mo nga akong niloloko."

"Hindi kita niloloko, okay? Remember 'yong ikinuwento mo kanina? I think hindi ka naman ata totoong bakla, ginagawa mo lang 'yan para sa mama mo."

Tinaasan ko siya ng kilay, "And what's your basis na hindi ako bakla? Eh halata naman sa akin oh." Kumembot-kembot pa ako sa harapan niya para ipakita ang aking totoong kulay. Naiinis na ako sa bruhang 'to ah. Kanina pa siya.

"Well, unang-una is 'yong pananamit mo, ayaw mong nagsusuot ng damit pambabae. Second, snob ka, suplado, at madalas tahimik sa ibang tao kaya maraming nagkakagusto sa 'yo kahit na knows naman nila na hindi ka talaga straight. And lastly, sa mga ka-close mo lang ikaw nagiging beking-beki talaga, parang sa kanila mo lang ipinapakita or parang sa kanila mo lang ipinapamukha na bakla ka."

I was taken aback about what she said pero humalukipkip ako at inirapan siya, "FYI lang ha, porket hindi na nagsusuot ng damit pambabae ay hindi na bakla, sinabi ko naman kaninang makati nga 'di ba? Pangalawa, hindi ako snob, wala lang sense ang sinasabi ng iba kaya hindi ko na masyadong pinapansin. At pangatlo, I'm gay everywhere, every time, noon pa, matagal na."

"Hey, nag-aaway ba kayo?" Natigil lang kami nang dumating sina Lerdon sa kinaroroonan namin. "Nakita namin kayo rito kaya lumapit na kami."

"Sorry, medyo natagalan kami," sagot ni Leila.

"Okay lang," nakangiting sabi nito at tumingin sa 'kin. Inabot ko naman na 'yong bag niya, "Thanks, bro."

Tumango lang ako at ngumiti nang tipid. Napatingin naman ako kay Daezen na hinihila mula sa 'kin ang strap ng bag niya. Napalunok ako nang makaharap ko na siya.

Hinigpitan ko ang hawak sa bag niya, "Ako na ang magbubuhat."

Umismid siya, "Magaan lang naman, kaya ko nang buhatin."

"May sugat ka," sabi ko at umiwas ng tingin. Hindi talaga ako makatingin nang diretso. "Uhm, sasabay ka ba?"

"Mhm," sagot niya at nauna nang maglakad. Nagpaalam na kami kina Lerdon at sa bruhang si Leila na iba na naman kung makatingin. Malisyosa talaga.

Sumunod na ako sa likuran ni Daezen. Medyo lumalayo muna ako nang kaunti dahil tinatantya ko pa ang mood niya kung okay na bang kausapin ko siya.

Nang nasa sasakyan na kami ay pasulyap-sulyap ako sa kanya. Hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi ni Leila kanina.

"Real talk nga. May gusto ka ba kay Daezen?"

"Siguro may gusto ka talaga sa kanya, pinapanindigan mo lang talaga 'yang pagiging bakla mo."

"Kung gano'n nga, sabihin mo kung bakit ka palaging nagseselos, tapos nakatitig pa palagi sa kanya habang namumula at nangingiti."

"I think hindi ka naman ata totoong bakla, ginagawa mo lang 'yan para sa mama mo."

Argh! Shet ka talaga, Leila! 'Yon tuloy ang paulit-ulit na nagpe-play sa isipan ko habang nasa tabi ko si Daezen!

Iniling-iling ko ang ulo ko at tinapik-tapik ang pisngi ko. Pumikit pa ako nang mariin at kinurot ang sarili para magising na ako mula sa mga kabalbalan ng bruha kong kaibigan.

Nang sumulyap ulit ako kay Daezen ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Nakakunot ang noo niya at tinignan ako na para akong isang weirdo.

Umubo ako at umupo nang maayos. Para siguro akong sira sa paningin niya.

Umiwas ako ng tingin, "Uhm, kumusta 'yang sugat mo?"

"Okay na. Tumigil na rin sa pagdurugo," maikli niyang sagot.

"Matatapos mo ba ngayon 'yung props na pinapagawa sa 'tin?"

"Magpapatulong na lang siguro ako kay mommy."

"Excuse ka naman siguro dahil sa nangyari diyan sa kamay mo."

"Maybe," sabi niya at nagkibit balikat.

Napapangiwi ako sa matitipid at cold niyang mga sagot sa 'kin. Gusto ko pa sana siyang kausapin konti kaso wala na akong maisip na topic.

"Alam niyo, ang weird niyo ngayon. May nangyari ba?" nakangisi at pataas-taas kilay na tanong ni Kuya Jason. Hindi ko na naisip na nandito rin siya dahil masyado akong preoccupied.

"Wala," sagot ko. Hindi rin sumagot si Daezen kaya napasimangot na lang siya sa 'min. May pagkatsismoso rin kasi itong taong 'to eh, baka itsismis pa kami kina mama.

**********

Nang bumaba na si Daezen ay bumaba rin ako. Bago pa siya makapasok sa gate nila ay hinila ko ang walang sugat niyang kamay.

"Hoy!" palag niya pero hindi ko siya binitawan.

"Sa'n kayo pupunta, Albie?!" sigaw ni Kuya Jason mula sa loob ng kotse.

"Diyan lang, kuya!" sagot ko at naglakad na papunta sa playground na malapit lang sa 'min.

Pinaupo ko siya sa duyan, ako naman ay humalukipkip sa harapan niya, "Mag-usap tayo." Ayaw ko nang pahabain pa ang pagtatalo namin. Pinag-isipan ko na rin ang mga sasabihin ko kanina sa kotse. Medyo kinakabahan nga ako sa magiging resulta ng pag-uusap namin pero kailangan na talaga naming ma-resolve ang hidwaan sa pagitan namin. "Ngayon lang ako nakahanap ng pagkakataon dahil kanina mo pa ako iniiwasan."

Umikot ang mga mata niya, "Masisisi mo ba ako? Napupuno na kasi ako sa kalokohan mo eh. Matagal na, pero hindi ko na talaga na-control kahapon."

Huminga ako nang malalim at kumalma, "S-Sorry."

Napatikom ang bibig ko nang makitang kumunot ang noo niya. Shete, bakit ako nautal?! Baka isipin niyang hindi tagos sa puso ang paghingi ko ng patawad.

Huminga ulit ako nang malalim, tinitigan ko siya, diretso sa mata para makita niyang sincere talaga ako, "Aware ako sa lahat ng ginawa ko, and... I'm really sorry for that. Nagsisisi talaga ako na inaaway kita palagi kahit na wala ka namang ginagawang masama."

Sinuklay niya ang buhok gamit ang kamay out of frustration, "Alam mo, naiinis talaga ako sa 'yo. Sobra. Sa lahat ng ginagawa mo sa 'kin. From going to our house para makinood, makikain, makipag-asaran, and the like. You were acting like we are really close, like friends, pero by the end of the day, tinatarayan and ipinagtatabuyan mo naman ako. You don't even consider what I feel. Huwag mo naman sanang kalimutan na nakakaramdam din ako."

Tahimik lang ako sa harapan niya at nakinig. Nakikita ko sa mata niya na malungkot talaga siya sa nangyari sa amin.

"Pati sa pagpa-prank mo sa 'kin, hindi ako nagsasalita at sinasabayan na lang kita. Iniintindi ko rin ang lahat ng mood swings mo. I sometimes even enjoy teasing and annoying you because in some way, nakakabawi ako sa mga kalokohang ginawa mo sa 'kin. Pero kahit na gano'n, kapag may problema ka, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa 'yo. Because after all, naging magkaibigan pa rin naman tayo. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit and para saan 'yang ginagawa mo?"

Maggagabi na kaya lumalakas na ang ihip ng hangin. Napakamot ako sa batok, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa ikukwento ko.

Pero kahit na gano'n ay umupo na lang din ako sa harapan niya at sinabi ang lahat.

"I sort of understand your reason, pero bakit parang sa akin ka lang naiinis or nagagalit?" tanong niya pagkatapos niyang marinig ang lahat. "Your rule said 'You have to like guys', not hate women. Kahit saan ko tignan, mali ang ginawa mo."

Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Para tuloy akong bata na pinapagalitan ng magulang. Medyo nahihiya rin kasi ako sa kanya, "Well, masyado pa tayong bata noon kaya hindi ko na masyadong pinag-isipan. Ginawa ko nga 'yung plano ko, and then no'ng mas tumanda na tayo, doon na ako nagsisi sa ginawa ko. Pero hindi ko alam kung pa'no ibabalik 'yong dating pagkakaibigan natin kaya hinayaan ko na lang na hindi tayo magkaayos."

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga, "We're such a coward. Matagal ko na ring gustong makipag-ayos sa 'yo but I'm afraid that you're gonna reject me. So, in some small ways, I'm trying to get close to you as much as possible pero tinatarayan mo naman ako. I'm close to giving up pero napupurnada kapag nagiging mabait ka sa 'kin."

Iyon siguro 'yong times na nakikisabay siya sa lahat ng trip ko. Pero nao-overlook ko ang lahat ng efforts niya para mapalapit ulit sa 'kin.

"Sorry talaga. Ako na nga ang may kasalanan, ako pa ang walang ginawa para magkaayos tayo. Pero ngayon, haharapin ko na ang lahat ng ginawa ko."

Tumahimik siya pero sumagot din naman pagkalaon.

"Talaga?" May himig ng pang-aasar ang tinig niya kaya napaangat ako ng tingin.

Nanlaki ang mata ko at napaupo sa lupa nang makitang ang lapit na ng mukha niya sa 'kin! Mygosh!

"Pft, hahaha! Ano'ng nangyari sa 'yo?"

Hindi ako nakagalaw kaagad dahil natulala ako sa totoong tawa na ipinapakita niya ngayon. Ang lagi ko kasing nakikita ay ang sarkastiko at pang-asar niyang mukha, pero ngayon ay ibang-iba. Ito 'yung ngiti at tawa na palagi niyang ipinapakita sa 'kin noong mga bata pa kami.

"Hoy! Earth to Lu—err—saang planeta ka na napunta?"

Napakurap-kurap ako nang lumapit siya sa harapan ko. Agad naman akong tumayo at inayos ang sarili.

Kung hindi lang madilim ngayon ay siguradong makikita niya ang pag-iinit ng mukha ko. Pero teka, madilim?!

Nag-aalala ko siyang tinignan, "A-Ayos ka lang ba?! 'Di ba takot ka sa dilim?"

"It's okay. Nagpa-panic lang ako kapag nasa close space ako and pitch-black talaga 'yung paligid. Tsaka nakabukas na rin naman 'yung ilaw sa mga poste, I can manage."

Inaya ko na siyang umuwi dahil baka nakaabang na naman si Tita Dane sa bahay nila. Nakakatakot kasi siya kapag seryoso.

"So, bati na tayo? Friends ulit?" nangingiti kong tanong at sinabayan siya sa paglalakad. Kung alam ko lang na gagaan ng ganito ang pakiramdam ko sa pagbabati namin ay noon ko pa ginawa. Ang saya sa feeling.

Lumingon naman siya sa 'kin at tinaasan ako ng kilay, "Nope, hindi pa kita lubos na napapatawad sa ginawa mo." Ngumisi siya, "Sa loob ng ilang taong pagtataray mo, gano'n lang kadali na magbabati tayo? No way! Dapat maghirap ka muna."

Napanganga ako sa sinabi niya. Akala ko ay magkakaayos na kami dahil sabi niya ay matagal na rin niyang gusto na matapos ang pag-aaway namin. 'Yon pala ay paghihirapan ko pa muna ang paghingi ng tawad. Well, deserve ko rin naman. Pero para naman akong nanunuyo ng galit na girlfriend sa gagawin ko.

"Then what should I do to earn your forgiveness?"

Tumingala siya sa langit, tumama sa mukha niya ang liwanag ng buwan kaya nakita ko nang malinaw ang pagngiti ng kanyang labi. "Simple lang." Lumingon siya sa 'kin na suot pa rin ang ngiting iyon, "You just have to do what I say."

"What?!" Umarte akong nagagalit at sumimangot. "So hindi ako pwedeng mag-no?!"

"Yep," she said popping the 'p'. "And you'll start now, ikaw ang gumawa ng props ko."

She shoved a paper bag to me and suddenly ran towards their house.

"Bye!"

Natuod pa ako ng ilang segundo hanggang sa nag-sink in na sa akin ang ipinapagawa niya.

Ang babaitang 'yon, gagawin ba naman akong yaya?! Unbelievable!

Umuwi na lang din ako sa bahay. And surprisingly, hindi ako masyadong nainis sa kanya. In fact, I am relieved na medyo naging light na ang mood namin kanina.

And I'm happy that we are near to being close friends again.

__________________________________________________
A/N: Happy new year everyone! And happy birthday to our dearest Kim Jisoo! I pray na sana makayanan ulit nating lampasan ang mga struggles na kakaharapin natin this year. Sana matapos na itong pandemic para makabalik na tayo sa dati nating life. May we all have a healthy, productive, and blessed year everyone! Lovelots ❤️❤️.

Continue Reading

You'll Also Like

23.4K 1K 10
PANTHERAS Leo, Phardus, Tigris and Onca.
103K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
19.6K 813 40
Ako si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila...
23.1M 590K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...