Obsessed Kale

By Ajai_Kim

439K 13.7K 3.1K

Dahil sa pagiging pursigido ni Bliss Santiviel na mapalapit sa tahimik at misteryosong transferee student na... More

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Epilogo
Author's Note

Kabanata 6

15.1K 506 155
By Ajai_Kim

"Kung hindi lang talaga dumating itong si Bliss ay baka hindi na ako nakauwi ng bahay, Kale. Nakita niya lang ako sa daan at kahit parang baliw akong umiiyak doon dahil nanakawan pa ako at naligaw ay hindi siya natakot lumapit sa akin. She's my angel na talaga!" Nakangiting sabi ni Tita Josephine kay Kale na tahimik lang  habang kumakain.

Nandito kami ngayon sa restaurant at kumakain. Gusto ko na sanang umuwi dahil baka sabihin na naman ni Kale na sinusundan ko siya pero wala naman talaga akong ideya na si Tita Josephine pala ang mother niya tsaka naawa lang talaga ako kay Tita Josephine kanina kaya ko siya nilapitan at tinulungan.

Hindi naman sumagot si Kale sa sinabi ni Tita Josephine habang ako ay pilit nilalabanan ang pagkailang ko sa kanya.

"Bliss, maraming salamat ulit, ha? Kami na rin ang maghahatid sa'yo pauwi pagkatapos nating kumain." Sabi ni Tita Josephine sa akin.

Umiling kaagad ako. "Hindi na po, Tita Josephine. Kaya ko naman pong umuwing mag-isa. Malapit lang po ang bahay namin dito." Sabi ko.

"No. Hindi pwedeng umuwi kang mag-isa. Ihahatid ka namin. Oh wait- tumatawag ang secretary ko. I will borrow your phone lang muna Kale, okay? Wait lang, Bliss." Sabi ni Tita Josephine sa amin na kaagad tumayo at sinagot na niya ang tawag sa cellphone ni Kale saka ito nagmadaling magtungo sa restroom.

Nang kaming dalawa na lang ni Kale ang naiwan sa table ay katahimikan ang bumalot sa amin. Pero syempre ay kailangan kong magsalita at masabi ang dapat kong sabihin.

"I really don't know that Tita Josephine is your mother kaya baka sabihin mo na naman na kinukulit at ginugulo kita. I saw her earlier and I'm just concern about her. After this ay uuwi na rin ako." Seryosong sabi ko.

Hindi naman sumagot si Kale sa sinabi ko.

Dahil alam ko namang walang sasabihin sa akin si Kale ay akmang tatayo na sana ako para umalis nang bigla siyang magsalita.

"Thank you for helping my Mom."

Napahinto ako sa sinabi niya.

Ito ang unang beses na nagpasalamat siya sa akin at medyo gumaan ang loob ko sa sinabi niya.

I erase that thought at tumango na lang.

"I only did what's right dahil nanakawan ang Mom mo at umiiyak pa siya sa daan. Sabihin mo nalang kay Tita Josephine na aalis na ako. Paalam." Huling sabi ko bago umalis at lumabas na mula sa loob ng restaurant.

Pero nanlaki ang mata ko nang hinawakan ako ni Kale sa braso ko at sinundan pala niya ako hanggang dito sa labas ng restaurant.

Tila nakuryente naman ako sa biglaang paghawak niya sa akin kaya napabitaw ako sa kanya.

"M-may kailangan ka ba?" Nauutal ko pang tanong.

"My Mom will get mad at me kapag hindi kita hinatid hanggang sa inyo. Stop talking and let me be your companion going home." Sabi niya at nauna na siyang maglakad sa akin.

Kahit may kung anong nagkakarera sa dibdib ko ay pilit kong pinipigilan iyon.

Hindi pwede itong nararamdaman ko dahil alam kong aasa lang ako sa wala kung ipagpapatuloy ko pa ito.

Tahimik lang kaming naglalakad pauwi ng bahay habang sinusundan ako ni Kale. Nasa likuran ko siya habang ako naman ang nauunang maglakad.

This is very awkward for me dahil hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung paano niya ako ipagtabuyan, sigawan at itapon sa sahig ng kalsada ang mga pagkaing ginawa ko para sa kanya.

That was the most hurtful things that I'd encountered in my life at sana ay hindi ko na maalala pa ulit iyon.

Mahigit 10 minutes rin kaming naglakad hanggang nasa tapat na kami ng bahay. It's almost 6pm na at malapit na ring maggabi.

"Dito na 'yung bahay namin. Thank you sa paghatid sa akin." Yumuko pa ako at maglalakad na sana papunta sa gate namin nang biglang magsalita na si Kale.

"I'm sorry."

Lumingon naman ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

He's saying sorry to me?

Hindi kaagad ako nakapagsalita doon dahil sa pagkagulat.

Lumapit siya sa akin habang pabilis naman ng pabilis ang pagtibok ng puso ko.

"I'm sorry, Bliss. I hope you will forgive me." He's sincerely said.

Nang makabawi ako sa pagkagulat ay napakamot nalang ako sa ulo ko at tumango-tango.

"Apology accepted. Kasalanan ko rin naman dahil kinukulit at sinusundan pa kita para lang mapalapit sa'yo. Hindi ka sanay sa ganon kaya nagalit ka sa akin and I understand. Don't worry, lalayuan na kita at hindi ko na ulit gagawin 'yon." I said at pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya.

"Bliss, nandito ka na pala-"

Nagulat naman ako nang makita ko si Ash na papalabas ng bahay namin kasama si Kuya Andrei.

Nang makita niya na kasama ko si Kale ay kaagad niya akong hinila papalapit sa kanya.

"What are you doing here?" Tanong ni Ash habang nakatitig siya ng masama kay Kale.

"Hinatid ko lang dito si Bliss dahil mag-gagabi na. She helped my Mom na naligaw dito sa lugar na 'to that's why," Sabi naman ni Kale kay Ash.

Ash nodded. "Helped your Mom? Okay, thank you then. Makakaalis ka na." Mariing sabi niya.

"Ash, stop it." Mahinang bulong ko kay Ash pero hindi niya ako pinansin.

Tinanguan naman ako ni Kale at nag-umpisa na nga siyang maglakad papaalis.

Hinarap naman ako ni Ash.

"What are you doing with that guy? Nakalimutan mo na ba kung paano ka niya pahiyain at ipagtabuyan? Kanina pa akong naghihintay sa'yo dito tapos kasama mo lang pala siya?" He's almost shouting na ikinatakot ko.

"Ash, enough. Dito kayo sa loob ng bahay mag-usap ni Bliss." Pagsabat naman ni Kuya Andrei nang makita niya ang natatakot kong ekspresyon.

Umiling lang si Ash at nauna pa itong pumasok sa loob ng bahay namin. Sinabayan naman ako sa paglalakad ni Kuya Andrei.

"Kanina pa naghihintay sa'yo si Ash dito sa bahay dahil iimbitahan ka sana niyang magdinner sa kanila." He said.

I sighed.

Mukhang nadissappoint ko si Ash at nakita pa niyang magkasama kami ni Kale kaya naiintindihan ko kung bakit siya nagagalit ngayon.

Sa sala na kami nag-usap ni Ash at ikwinento ko sa kanila ni Kuya Andrei ang mga nangyari kanina at kung bakit kasama ko si Kale.

"I'm sorry kung nagalit kaagad ako, Bliss. Nagulat lang talaga ako na kasama mo pa talaga 'yung lalakeng 'yon. Hindi talaga ako makakapayag na makalapit pa siya ulit sa'yo." Sabi ni Ash habang nakatiim-bagang ito.

"I'm sorry rin, Ash. Hindi ko talaga alam na Mom pala ni Kale 'yung babaeng tinulungan ko kanina. Please don't be mad at me." Nalulungkot ko namang ani.

He nodded at nginitian ako. "Okay. I'm sorry again, Bliss." Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinalikan iyon.

"Okay. Bati na kayo kaya aakyat na ako sa kwarto ko. Ikaw, Bliss kapag aalis ka ay magpaalam ka diyan kay Ash para hindi na siya mag-alala pa sa'yo sa susunod." Sabi sa akin ni Kuya Andrei.

"Opo, Kuya." sabi ko.

Tumango siya sa sinabi ko at pagkatapos ay umalis na ito at umakyat na sa kwarto niya.

"Did you already eat?" Tanong sa akin ni Ash.

Tumango naman ako. "Yes. Nilibre ako ng dinner nina K-Kale at ng mother niya." Sabi ko at yumuko pagkatapos.

Hindi naman kaagad nakasagot si Ash sa sinabi ko.

"Ganon ba? Then we should eat together next time?" Tanong niya sa akin.

"Okay, sige." Sagot ko.

He smiled at me at bigla ay ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya habang nakaupo kami dito sa sofa.

"I'm so happy right now dahil kasama kita at nagagawa ko na ang mga bagay na 'to sa'yo, Bliss." Nakangiting sabi ni Ash habang hinahaplos-haplos niya ang buhok ko.

Napangiti naman ako at hinawakan ang kamay niya at pinagsalop iyon sa kamay ko.

"Me, too. Masaya rin ako dahil masaya ka." I said.

He kissed my temple.

"I've never been in love like this, Bliss. Thanks to God that I already got you. Hindi ako makapaniwalang girlfriend na kita." He faced me and he caress my face.

He's really handsome and kind. I'm so lucky that Ash is my best friend for a long time and at the same time, my boyfriend, too.

I smiled at him.

Akmang hahalikan na sana niya ako nang bigla akong umiwas sa kanya.

"I'-I'm sorry."

Ngumiti naman siya ng pilit at mukha itong napahiya sa ginawa ko.

Bliss naman! Bakit ka ba umiwas nang akmang hahalikan ka na ni Ash? Boyfriend mo na siya kaya normal lang iyon. Ang tanga mo talaga!

"It's okay. Mukhang hindi ka pa ready sa bagay na 'yon and it's okay to me. I will wait." Nakangiting sabi ni Ash.

"Sorry talaga, Ash." Paghingi ko ulit ng paumanhin sa kanya.

Hindi na siya sumagot sa sinabi ko at nakita ko pa ang galit niyang ekspresyon na napalitan rin naman kaagad ng ngiti.

"By the way, uuwi na ako. Susunduin nalang kita ulit bukas dito sa inyo." Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako.

"Sige, hihintayin kita bukas." Sabi ko naman.

"Uhm, Bliss aware ka naman sigurong boyfriend mo na ako, 'di ba?" Tanong niya.

Tumango naman ako.

Ngumiti naman siya at inabot ang cellphone niya sa akin.

"As your boyfriend, may karapatan naman siguro akong malaman ang mga accounts mo sa social media. You can put all of your social media accounts right in my phone. Wala ka namang itinatago sa akin, right?" Sabi niya.

Ano? Bakit kailangan pa niyang malaman ang mga social media accounts ko?

"Teka Ash, wala ka bang tiwala sa akin? Bakit kailangan mo pang malaman ang-"

"It's not that I don't trust you, Bliss pero hindi ako nagtitiwala sa mga lalakeng kakilala mo. I'm just doing this for you at para na rin mailayo kita sa masasamang tao lalong-lalo na kay Kale." Seryosong sabi niya.

Gusto kong tumanggi doon pero dahil boyfriend ko naman si Ash at baka ma-offend siya kung sakaling hindi ko ibibigay ang social media accounts ko sa kanya ay pumayag nalang ako. Wala naman akong itinatago sa kanya at may tiwala ako dahil bestfriend ko rin siya.

Pagkatapos kong mailagay lahat ang accounts ko sa cellphone ni Ash ay hinalikan niya ako sa pisngi at nagpaalam na itong aalis.

Nang makaalis na si Ash ay kaagad akong nagtungo sa loob ng kwarto ko at nilock ang pintuan.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may nag-iba kay Ash. Pilit ko nalang iniintindi na normal lang iyong ikinikilos niya ngayon bilang isang boyfriend ko. Hindi talaga maiiwasan ang pagseselos sa isang relasyon kung minsan.

Humiga ako sa kama ko at pumikit. Naalala ko kanina iyong paghingi ng sorry sa akin ni Kale at aaminin ko na natuwa at naramdaman ko na hindi pala siya ganoon kasama gaya ng iniisip ko.

Thanks, Kale. Napanatag na ang loob ko dahil sa'yo.

---
#

Continue Reading

You'll Also Like

32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
His Silent Desire By Jai

General Fiction

541K 14.3K 33
"Y-Yuri? Anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong habang nakatingin sa lalakeng ilang araw nang ginugulo ang buhay ko. "Is that how you welcomed...
580K 12.3K 43
I was a rape victim. A woman who has a dark history. No one knows. No one can ever know that crime apart from my broken self and him. It was an...
107K 688 27
Story of a girl. Her Fvck Love No she meant her First love. SPG.