The Ruthless CEO (Savage Beas...

Da Maria_CarCat

10.9M 354K 150K

What he wants. He gets... By hook or by Crook Altro

The Ruthless CEO
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Special Chapter

262K 8K 2.6K
Da Maria_CarCat

Inlove





Maaga akong umuwi galing sa trabaho. Kung hindi lang ako pinilit ni Tathi ay hindi kaagad ako babalik sa pagiging CEO ng companya namin. Mas gusto ko sanang magfocus sa kanya at sa anak namin. Halos  magiisang buwan pa lang ng manganak siya.

Bumukas ang gate ng aming bahay. Pinagawa ko ito para sa amin, sa iisang subdivision kung nasaan ang ang bahay nina Mommy at Daddy, maging ng nga kapatid ko. Malaki ang garden, dahil iyon ang gusto ni Tathriana.

Hindi ko pa man naayos ng pagpapark ko ng sasakyan sa aming garahe ay nakita ko na kaagad ang paghihintay sa akin ng isa sa aming mga kasambahay. Mabilis akong bumaba, sa kanyang itsura kasi ay mukhang may problema.

"Sir Cairo, si Ma'm Tathi po. Kanina pa iyak ng iyak. Si Calli din po, kanina pa po ata gutom. Ayaw po niyang ibreastfeed" nagaalalang sumbong nito sa akin.

Wala na akong sinayang na oras. Kaagad kong tinakbo ang papasok sa bahay namin at tinungo ang hagdan paakyat sa aming kwarto.

"Shh...Tama na!" umiiyak na sigaw ni Tathi.

Pagkabukas ko ng pinto ay kaagad ko siyang naabutan na nakatayo sa paanan ng kama. Umiiyak na nakatingin sa anak naming umiiyak din.

Kaagad kong niyakap si Tathi para aluin. Sinabihan na ako nina Mama at Mommy tungkol dito. Ganito daw talaga pag bagong panganak, lalo at first time.

Kaagad siyang yumakap sa akin. "Hindi ko alam, iyak siya ng iyak. Ayaw niyang tumahan" sumbong niya sa akin.

Hinalikan ko siya sa noo at mahigpit na niyakap. "Shh...Tathi gutom siya" marahang sabi ko sa kanya.

Pilit akong kumalma kahit pa rinig na rinig ko ang iyak ng anak namin na nasa may kama.

"Baby, you need to feed Calli" marahang sabi ko sa kanya.

Humikbi siya. Kaagad ko siyang dinila patungo sa kama. Nang maiupo ko na si Tathi ay kaagad kong binuhat ang anak namin, pulang pula na ito kakaiyak.

Habang karga sa isang bisig ang anak namin ay muli akong tumabi sa kanya. Niyakap ko si Tathi at paulit ulit na hinalikan sa ulo.

"Andito na ako..." pagpapatahan ko sa kanya.

Nang huminahon na ay maingat kong inabot sa kanya ang aming anak. Tsaka lang ito tumahimik ng maipabreast feed na siya ni Tathi. Hindi ko siya iniwan habang ginagawa iyon. Nanatili ang yakap ko sa kanya habang nakasuporta din sa pagbubuhat niya sa anak namin.

"I'm sorry" paos na sabi niya sa akin dahil  sa pagiyak.

"It's ok, Baby. I understand" pagaalo ko sa kanya. Paulit ulit ko siyang hinalikan aa ulo. Mariin akong napapapikit sa tuwing naririnig ko ang munting hikbi niya. Ayokong umiiyak si Tathi, doble ang sakit nuon sa akin.

Mula sa pagkakapikit at muling bumalik sa akin ang mga alaala.

Isang putok ng baril ang nagpatigil sa aming paguusap. Napahawak kaagad ako sa aking braso ng maramdaman kong tinamaan ako duon. Nagkagulo ang paligid.

"Cairo!" tawag ni Daddy sa akin at kaagad akong niyakap para saluhin ang balang dapat na sa akin.

Nanalamig ako, lalo na ng makita ko kung paano bumagsak ang Daddy ko sa aking bisig, sa akin mismong harapan. Sa ambulansya pa lang ay halos hindi na ako makausap ng maayos. Wala na siyang malay at ang dami ng dugo na nawala sa kanya.

"Alec, please...hindi ko kakayanin. Lumaban ka" umiiyak na pakiusap ni Mommy. Wala akong nagawa kundi ang panuorin siya.

Hinayaan kong ang mga kapatid ko ang magpatahan sa kanya. Hindi ko pa kaya, hindi naproseso ng utak ko ang mga nangyari.

"Dadalhin kita sa emergency room. May tama ka" madiing sabi ng kapatid kong si Kenzo sa akin. Tsaka lang ako bumalik sa wisyo dahil aa kanyang paglapit. Duon ko lang din napansin ang patak ng dugo sa sahig na nanggagaling sa sugat sa aking braso.

We almost lost Dad. Hindi naging madali iyon para sa pamilya namin. Ako ang sumalo ng lahat ng naiwang trabaho ni Daddy.

"Aalis ako. Aasikasuhin ko ang kaso" paalam ko sa kapatid kong si Kenzo.

Kumunot ang kanyang noo. "Ang kaso ba talaga ang puputahan mo duon, o ang anak ng kriminal?" tanong niya sa akin.

Naikuyom ko ang aking kamao. Kaagad kong hinigit ang collar ng damit niya. Wala siyang karapatang sabihin iyon kay Tathriana.

"Bawiin mo yan!" galit na asik ko sa kanya.

Sandaling nakipagtitigan si Kenzo sa akin hanggang sa napabuntong hininga siya. "I'm sorry" paumahin niya.

Marahas ko siyang binitawan. Alam ko, pare pareho lang kaming pagod at nasaktan sa nangyari. Balita ko din ay may hindi sila pagkakamabutihan ng girlfriend niyang si Sera.

Pabalik balik ako ng Bulacan para makipagkita kay Tathi. Hindi ko iyon ipinaalam sa aking pamilya bukod kay Kenzo. Walang kasalanan si Tathriana sa nangyari. Kung ano man ang meron sa aming dalawa. Labas kami dito.

Nahirapan pa ako nung una na makipagkita sa kanya. Ramdam ko, alam kong takot siya sa akin. But, Baby I won't hurt you.

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya ng muli kaming magkita. Wala na akong pakialam.

"Tathriana, wala kang kasalanan" sabi ko sa kanya. Halos hindi niya ako matingnan sa mata, para bang takot siya sa akin. Pakiramdam niya may kasalanan siya sa nangyari kahit wala naman.

"Pero anak ako ni..."

"Wala akong pakialam kung kaninong anak ka" madiing sabi ko. Mahal ko siya, hindi iyon nabawasan sa pagiging anak niya ng taong nagtangka sa amin ni Daddy.

Pareho kaming naging abala habang lumalakad ang kaso. Siya sa pagaaral at ako naman sa companya. Kahit papaano ay nababalance ko ang oras ko sa kanya, sa pamilya at sa trabaho hanggang sa tuluyang bumaba ang hatol. Guilty.

"Hindi ito pwedeng malaman ng Daddy mo. Hindi pa ngayon" nagaalalang sabi ni Mommy sa akin ng ibalita ni Abuela na wala na si Lolo Austin.

Kailangan kong pumunta ng spain sa lalong madaling panahon. Walang ibang aasahan kundi ako lang. Kahit pa pinagmamadali na ako ng lahat ay nagawa ko pang bumyahe patungo sa Bulacan.

Malakas na ang buhos ng ulan. Pero wala akong ibang nasa isip kundi si Tathi. May usapan kaming magkikita, ayoko siyang biguin. Hindi ko siya bibiguin.

Nanghina ako at hindi na tumuloy sa paglapit sa kanya ng makita kong kasama na niya ang Kuya Cayden niya. Kahit alam kong kapatid niya iyon sa tunay niyang ama ay nakaramdam pa din akong selos. Ako dapat iyon, ako dapat ang yayakap at magpapatahan sa kanya.

Kinailangan kong umalis ng sumunod na araw ng hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Wala akong magawa, ang sabi ni Attorney Santos at Cayden, mas makakabuti kung lalayuan ko muna si Tathi. Masyado pa siyang bata para sa ganitong klase ng gulo.

Inabala ko ang aking sarili sa pagaaral at pagtratrabaho. Don't worry Baby, ang lahat ng ito ay para sa atin. Akala ko makakaya kong baliwalain ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi ko nagawa.

"Gusto ko siyang makausap" sabi ko kay Eroz ng tawagan ko siya. Hindi ko na kaya, miss na miss ko na si Tathi.

Pinilit ko siya. Nainis pa ako dahil parang may ipinaglalaban din siya. Ang sabi ko aa kanya, bantayan niya. Bakit parang may iba? Hindi ako kuntento sa mga impormasyong ibinibigay ni Cayden sa akin. I want to know more, I want more of my Baby.

"Hello..." mariin akong napapikit ng marinig ko ang malambing niyang boses. Damn, I miss her so much.

"Baby..." tawag ko sa kanya. Narinig ko kaagad ang paghikbi niya sa kabilang linya.

"Baby, I miss you so much" paos na sabi ko. Ang bigat sa dibdib, sobrang sakit para sa akin na marinig ko ang mga hikbi niya sa kabilang linya. Tangina Cairo! Pinaiyak mo!

"Iniwan mo ako. Iniwan mo ako!" umiiyak na sabi niya sa akin. No Baby, hindi ko yan gagawin sayo.

"I'm sorry..." sabi ko. Hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa kanya. I can't lose her, I can't afford to lose her. Mahal ko siya.

"Kaibigan ko lang si Cayden" umiiyak na sabi niya sa akin ng sabihin ko sa kanyang nagselos ako sa nakita ko.

"Uh huh, I know" sambit ko. She is your brother Tathi. Mabuti na lang, dahil kung hindi ko pa nalaman ay baka nasuntok ko na siya.

"Baby, I miss you so much" sabi ko sa. Hindi ako magsasawang ulit ulitin iyon. Sana talaga ay nanduon ako ngayon, sa tabi niya.

Narinig ko pa ang pagsinghot niya sa kabilang linya. "I miss you too...pero galit pa din ako!" laban niya kaya naman napapikit ako ng mariin. Damn, Tathriana binabaliw mo ako.

Kahit papaano ay gumaan ang loob ko ng nagrereply na siya sa mga messages ko. Sumasagot na din siya sa video call. Nung minsang pinadalhan ko siya ng bulaklak sa school nila ay natawa pa ako ng mamorblema siya kung paano iuuwi iyon dahil malaki.

"Hoy! Hindi mo makukuha ang kapatid ko sa bulaklak mo. Kayang kaya ko siyang ibili ng ganuon!" galit na sabi ni Cayden sa akin ng tawagan ko siya. Sinabi kong ihatid niya sina Tathi, ayokong mahirapan siya.

"Mahal ko ang kapatid mo" sabi ko sa kanya.

"Tangina ka, Herrer" malutong na mura niya sa akin at kaagad akong binabaan ng tawag.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa screen ng mag video call kami. Sobrang ganda, lalo sa personal. Napapangiti na lang ako minsan, mabuti na lang at hindi masyadong marunong magayos, baka marami na akong nasuntok kung nagkataon.

Pinagalitan ko siya ay pinagbantaan. Tuwang tuwa pa ng ikwento sa akin na may booth sila sa school at may free hug galing sa kanya. Gusto ata niyang atakihin ako sa puso sa kakaisip.

"What are you looking at?" nagtatakang tanong ko ng mapansin kong titig na titig din siya sa akin mula sa screen.

Kakalabas ko lang ng shower. Hindi na din ako nagabala pang magsuot ng pangitaas na damit. Excited akong makausap at makita siya.

Tumaas ang isang sulok ng labi ko ng makita ko nanaman ang pag nguso nguso niya.

"Mas lalong lumaki ang muscles mo. Paano mo na ako mayayakap niyan...baka mamatay ako" pamomorblema niya na ikinatawa ako. This girl!

Nagtaaa ako ng kilay. "Naging mabait ka ba diyan para yakapin ko?" tanong ko aa kanya.

Pinanlakihan din niya ako ng mata. "Baka nga mahalikan mo pa ako sa sobrang bait ko" laban niya sa akin. Hindi talaga magpapatalo.

Pinilit kong tinapos ang mga modules ko para makauwi kay Tathi kahit isang araw lang. Nagtagal ang titig ko sa binili kong Cartier bracelet para sa kanya.

"Uuwi ka talaga para lang panuorin siyang kumanta?" tanong ni Nicole sa akin.

Kaagad kong itinago ang bracelet at ipinagpatuloy ang pageempake. Alam niya ang tungkol sa amin ni Tathi. At alam kong hindi din siya pabor dito. Pero wala akong pakialam sa sasabihin ng iba.

"Cairo, hindi siya nababagay para sayo!" giit niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Kung hindi lang siya kabilang sa group of friends ko dito ay hindi niya na ako makakausap o malalapitan ng ganito. Ayoko sa lahat ng kontra sa amin ni Tathi.

"Nandito ka! nandito ka..." emosyonal na sabi niya sa akin ng tinakbo niya ang distansya namin para mayakap ako.

Hinalikan ko kaagad siya. Mabait daw siya kaya naman hahalikan ko. Sobrang bitin ng isang araw lang na kasama siya. Hindi na ako makapaghintay na dumating siya sa tamang edad, maging abogado at maging misis ko.

Araw araw akong gigising na kasama siya. Pagkagaling sa trabaho ay uuwi ako sa kanya, naghihintay siya sa akin kasama ng mga anak namin. Siya lang ang gusto kong makasamang bumuo ng pamilya.

Ako mismo ang nagsuot ng bracelet sa kanya. Itatago ko ang screw nuon, hinding hindi niya iyon matatanggal hanggang sa bumalik ako.

Pagkabalik ng Spain ay naging busy ulit ako para sa mga major exams namin at ilang mga requirements.

"Magparty na tayo!" yaya sa akin ng mga kaibigan namin. Sa isang malaking bahay ay apat kaming mga lalaki, tig isa isa kaming kwarto. Mga pinoy kaming lahat kaya naman every after exams ay nagkakaroon ng party. Pool party ang gagawin nila ngayon.

"May kailangan akong asikasuhin sa companya" pagtanggi ko.

Tatapusin ko ang lahat. Pag maayos na, uuwi na ako ng Pilipinas. Uuwi ako kay Tathriana.

"Cai, come on. Kakatapos lang ng exams" si Nicole. Kagaya ng iba ay handa na din siyang mag swimming. Nakapatong pa sa kanya ang silk na roba.

Marahan akong tumango. "Kayo na lang muna" pagtanggi ko at umalis na.

Hindi ko na naicheck pa kung napatay ko ang laptop ko. Sa pagmamadali ay nakaligtaan ko na iyon.

Nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang pagdududa ni Tathi ng sumunod naming paguusap.

"Baby anong iniisip mo? Tell me, I want to know" pakiusap ko. Nagaalala ako aa kanya, ayokong ganito siya.

"Siya ang sumagot ng tawag ko kanina. Magulo ang buhok niya at roba lang ang suot. Anong ginawa niyo? Gusto mong mamatay?" sunod sunod na tanong niya bago tuluyang naiyak.

Matapos ang tawag na iyon ay kinompronta ko si Nicole. Halos mawala ang lasing nilang lahat ng tumaas ang boses ko.

"Tigilan mo si Tathriana! Wag mo siyang bigyan ng kung anong dahilan para pagdudahan ako!" asik ko sa kanya. Pumagitna lang sa amin ang mga kaibigan namin kaya kami natigil.

Buong akala ko ay maayos na ang lahat. Hanggang sa magulat na lang ako ng isang araw, hindi na sinagot ni Tathi ang mga tawag ko, maging ang chat. Ganuon din si Charlie. Halos mabaliw ako kakaisip, ano na bang ang nangyayari duon.

"Bakit? Anong problema, galit siya sa akin, anong nagawa ko?" tanong ko kay Cayden.

Hindi niya ako sinagot. Pinagmumura lang niya ako at binantaan na wag ng lalapit at kausapin pa ang kapatid niya. Sa sobrang frustration ay naibato ko ang cellphone ko sa pader.

Tangina. Ano na bang nangyayari?

Nasagot ang lahat ng malaman kong ipinost ni Nicole ang lumang video namin nuon sa bar. College pa lang kami nuon, hindi ko pa kilala si Tathriana. Nagawa ko iyon dahil sa alak, wala pa si Tathi ng mga panahong iyon. Iniisip ba niyang bago ang video na iyon? Hindi ko iyon magagawa sa kanya. Damn.

Sinubukan kong icontact siya. Pero walang sumasagot sa akin, maging si Cayden. Hanggang sa nalaman kong namatay ang Papa ni Tathi. Gustong gusto kong umiwi. Alam ko, kailangan niya ako. Gusto ko siyang damayan. Gusto ko, nanduon ako para sa kanya.

"Ano naaman ba ang kailangan mo? Maa sobra ka pa sa girlfriend ko kung makapagmisses call ah!" pambungad ni Cayden sa akin ng sa wakas ay sinagot niya ang isa sa mga tawag ko.

"Sabihin mo naman sa kapatid mo, kausapin ako. Wala akong ginagawa, hindi recent ang video" pakiusap ko sa kanya.

"Sorry ka, wala na akong magagawa diyan. Hindi ka niya naaalala" sabi niya sa akin at kaagad na pinatay ang tawag.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Iniwan ko ang lahat ng trabaho sa Spain. I know I'll fail everything, My Family would be disappointed, pero kailangan ako ni Tathriana ngayon.

Isang malakas na suntok ang isinalubong sa akin ni Cayden ng makipagkita ako sa kanya pagkabalik ko ng Manila.

Sa kanya ko nalaman ang lahat, na nagkaroon si Tathi ng selective amnesia at ako lang ang hindi niya naaalala. At ang mas masakit pa duon ay mukhang nagkakagusto na siya sa pinsan kong si Eroz.

Kaagad akong sumugod sa rest house nila sa Bulacan. Sinubukan pa akong pigilan ng ilan sa mga kasambahay nila ng sabihin nila sa aking may sakit si Eroz.

Anong sakit sakit? Bubugbogin ko siya. Traydor!

"Eroz!" tawag ng kararating lang na si Tathriana.

Kung kanina ay gumaan kahit papaano ang dibdib ko ng masaktan ko ito, ngayon ay mas bumigat.

Baby, I'm here. Ako dapat ang una mong tinawag, ako dapat ang una mong nalapitan. Hindi ka ba masayang nandito na ako? Hindi mo ba ako na missed? I miss you so much.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sakit. Selos na selos ako ng makita ko kung paano siya nagalala kay Eroz. Ako dapat iyon. Sa akin lang dapat siya ganuon. Baby, ako lang dapat.

"Please tama na. May sakit siya" pakiusap niya sa akin. Ako pa ngayon ang masama? Ako pa ngayon ang nananakit?

"Cairo. Hindi ka niya naaalala" si Eroz. Tangina! Wala akong pakialam!

"Tathriana" madiing tawag ko sa kanya. Naiintindihan ko, comw here. Alam kong nalilito ka lang. Come here, Baby napatawad na kita.

"Baby come here. You're making me fucking jealous" mariing tawag ko pa.

Kinausap ko siya. Pinilit kong alalahinin niya ako pero paulit ulit niya lang akong itinatanggi. Hindi niya daw ako kilala, hindi ko daw siya Baby, ofcourse you are.

"Alalahanin mo naman ako" pakiusap ko. Napakaunfair naman nuon. Bakit sa lahat ng pwedeng makalimutan ay ako pa?

Hinimatay siya pagkatapos nuon kaya naman lumayo ako at naglasing. Nagulat na lang ako ng lumapit siya sa akin.

"At sinong nagsabi sayong pinayagan kitang magkacrush sa iba?" galit na tanong ko sa kanya.

"Eh ano naman sayo? Sino ka ba? Papa ko?" laban niya sa akin. Umigting ang aking panga, ang tapang talaga at ang tigas ng ulo!

"Boyfriend mo ako!"

"Nagaaral ako para sa atin. Baby, kasama ka na sa mga plano ko. Wag mo naman akong kalimutan ng ganito" pakiusap ko sa kanya.

Hindi ako tumigil. Nakipagsabayan ako kay Eroz. Gagawin ko kung anong gusto niya, basta ba ay magustuhan niya ako ulit.

"Mas importante ito Kenzo. Mas importante ito sa akin" madiing sabi ko sa kanya ng tawagan niya ako at piliting bumalik ng Spain.

Pumasok ako sandali sa opisina para magpahinga. Hindi ko na kaya yung pagbibigay niya ng atensyon kay Eroz tapos sa akin ay hindi. Sanay akong nasa akin ang buong atensyon niya. Ako lang dapat, ako si Senyorito Baby.

Bigo ako ng bumalik ako sa Spain. Matapos kong talikuran ang lahat ay itataboy lang din pala niya ako. Ang babaeng iyon! Luminis lang ay kinalimutan na ako! Mas gusto ko ang dugyot na si Tathi. Yung Tathi na ako lang ang gusto.

Galit na galit ako sa kanya, sa kanilang dalawa ni Eroz. Nilunod ko ang sarili ko sa trabaho. Ginawa ko ang lahat para malibang ako. Pero mahal ko talaga, sobra.

Umuwi ako nung 18th birthday niya. Tangina, naabutan kong kasayaw ang pinsan ko. Gusto kong sumugod at magwala. Sobrang ganda niya sa ayos niya ngayon pero hindi naman ako ang kasayaw niya. Duon pa din talaga ako sa dugyot na si Tathi.

Mabagal na dumaan ang walong taon para sa akin. Walang nagbago sa nararamdaman ko, marami lang akong narealize, na kahit gaano mo kamahal ang isang tao kailangan mong pakawalan. Para iyon sa kanya. Nagkahiwalay kami para matupad naming pareho ang mga pangarap namin. We did, it's worth it. It's all worth it.

Pagbalik ko ng pilipinas ay nautusan akong itrain si Gertrude. Naging mag kaibigan kami, duon ko nalaman na bata pa lang ay gusto niya na ang pinsan kong si Eroz.

"Senyorito Baby" tawag niya sa akin.

Kaagad akong naalimpungatan dahil sa mahimbing na pagkakatulog. Matamisna ngiti ni Tathriana ang sumalubong sa akin.

"Gising na si Daddy" sabi niya sa anak naming karga karga niya.

Kaagad akong tumayo para yakapin silang dalawa. Ang bilis ng panahon, isang buwan na lang ay magiisang taon na ang anak namin.

Matapos kong halikan ang matambok na pisngi ng anak namin ay si Tathriana naman ang hinalikan ko sa labi. Ramdam ko ang pag ngiti niya ng kaagad kong inatake ang labi niya.

Natawa kaming dalawa ng umiyak ang anak namin. Kaagad siya humiwalay sa akin at isinayaw ito para patahanin.

"Baby naman, magkikiss lang si Mommy eh" pagkausap niya sa anak namin. Napahalakhak ako dahil duon. Hindi pa din talaga siya nagbabago, siya pa din si Tathriana na minahal ko.

Niyakap ko siya mula sa likuran. "Dahil mabait si Mommy. Hindi lang kiss ang ibibigay ni Daddy" pangaasar ko sa kanya.

Ngumisi siya ng lingonin ako. "Teka, ibibigay ko muna si Calli sa yaya niya" pangaasar din niya pabalik sa akin na pareho naming ikinatawa.

Kamukha niya ang anak namin. Siguradong sasakit talaga ang ulo ko sa kanilang dalawa. Pero ayos lang, mahal na mahal ko sila.

"Salamat naman at malinis ang inaanak ko!"  si Charlie ng bumisita siya sa amin kasama ang boyfriend na si Augustine. Kakauwi lang din nilang dalawa galing sa bakasyon sa Japan.

Nahatulan ang pamilya Coronel. Nakakulong na ngayon ang mag ama. Dahil sa pagkapanalo ni Daddy sa kaso ay bumaba ang sintensya nina Tito Edu. Ilang buwan na lang ay makakalaya na din sila.

Nanatiling magkaibigan ang mga magulang ni Tathriana. Wala naman silang  problema sa set up na iyon.

"Ang ganda ganda sa Japan!" kwento ni Charlie dito. Hawak niya na ngayon ang anak namin ay isinasayaw sayaw ito.

"Ah, kaya pala ang kuripot mo pasalubong!" asik ni Tathi sa kanya. Napangisi na lamang ako.

"Shuta ka! Choosy ka pa. Ang yaman yaman mo" laban ni Charlie.

Napagod si Calli sa pakikipaglaro sa ninang Charlie niya. Iyon daw ang itawag sa kanya. Nang masigurado naming mahimbing na ang tulog ni Calli ay si Tathi naman ang patutulugin ko, medyo malalate nga lang.

"Aw. Cairo" daing niya ng ipatong ko siya sa may sink sa loob ng banyo namin sa kwarto ay kaagad kong pinagisa ang sa amin.

Mahigpit siyant yumakap sa akin sa takot na mahulog. Hindi ko na napigilan at mabilis, madiin at marahas ang ginawa kong paggalaw.

Mariing nakapikit si Tathi. Kagat kagat ang kanyang pangibabang labi, bumaba ang tingin ko sa kanyang magkabilang dibdib. Kahit papaano ay naachieve naman na niya ang gusto niyang size. With my help, ofcourse.

"Ugh! Aw...dahan dahan" daing niya ng halos dumulas na ang pangupo niya sa may sink.

Marahan akong umiling. Hinigpitan ko ang yakap ko aa maliit niyang bewang. Mas lalo kong diniinan. "I can't" bulong ko sa kanya. At bahagya pang kinagat ang tenga.

Halos bumaon ang kuko niya sa aking likuran. Napuno ng daing at ungol naming dalawa ang banyo. Kusang bumagsak sa ere ang kanyang magkabilang binti ng marating namin ang sukdulan sa pangalawang beses sa ganuon posisyon.

Sumubsob siya sa aming dibdib. Ramdam ko ang maliliit niyang halik duon. Habang habol ang aking paghinga ay paulit ulit ko siyany hinalikan sa ulo. Mahal na mahal ko siya.

"Pagod ka na?" bulong ko.

I heard her giggles. Damn, this girl.

"Hindi pa" nakangising sagot niya sa akin.

Marahan kong pinadausdo ang palad ko aa kanyang pangupo at marahang pinisil iyon. Napadaing siya dahil duon.

"Good" matigas na sabi ko at kaagad siyang binuhat pababa sa may sink.

"Shuta, Cairo!" daing niya ng padapain ko siya sa may sink. I take her from behind.

Every sunday ay nasa kila Mommy pa din kami. Buong araw kaming magkakasama, kumpleto kaming lahat kaya naman iyon daw ang paboritong araw nila ni Daddy.

"Masakit na ngang mangagat eh" Kwento ni Tathi kina Amaryllis, Castellana at Sera. Pansin na sin kasi ang patubong ngipin ng anak namin.

Paulit ulit niyang hinalikan ang pisngi ng anak namin. Hindi ako magsasawa na panuorin silang dalawa. They are my world.

"Cairo ang hina!" pangaasar ni Sera sa akin.

"Mag hintay ka!" balik na pangaasar ko sa kanya. Kaagad niyang tinukso si Tathi kaya naman nakita ko kaagad kung paano pumula ang pisngi nito.

Kanina pa nila kami inaasar kung kailan masusundan si Calli.

Masaya ako kung anong meron kaming lahat ngayon. Mas sasaya kung madadagdagan at kung sana ay magkakayos na kami ni Abuela. Alam ko, darating ang araw na matatanggap niya din kami.

"Lalaki dapat ang next!" Si Piero.

Inirapan ko siya. Kahit anong ibigay ay mamahalin ko, mamahalin namin ni Tathriana.

"Gayahin mo itong si Tadeo, hindi sinasayang ang lahi natin" pangaasar ni Kenzo sa kanya.

"Pahinga muna, ayokong nahihirapan si Castel" sabi niya. Kaagad siyang nakatanggap ng mura kay Piero. Hindi daw ito naniniwala.

"Hali na kayo. Kumain na tayo" tawag ni Mommy sa aming lahat, sa kanyang likuran ay si Daddy katulong niya sa paghahanda ng lamesa.

Kaagad na nagtakbuhan ang aking mga pamangkin. Our family is growing.

Nilapitan ko si Tathi para kuhanin ang anak namin. Kaagad na sumama si Calli sa akin. Natawa kaming pareho ng nanggigil itong humalik sa aking pisngi.

Marahang pinunasan ni Tathi ang laway nito sa aking pisngi. "Nangangagat na" natatawang sabi niya sa akin.

Hinapit ko siya sa bewang. "Mana sa Mommy" bulong ko kaya naman kaagad niya akong hinampas sa braso.

"Ikaw din naman!" laban niya sa akin. Hindi talaga magpapatalo.

After ng first birthday ni Calli ay nagpasya akong dalhin si Tathriana sa Spain. Kagaya ng pangako ko sa kanya nuon.

"Hindi ba talaga natin isasama?" malungkot na tanong niya sa akin.

"Sa susunod. Ngayon, tayo muna" sabi ko sa kanya kaya naman muli niyang binuhat ang anak namin at pinaghahalikan. Ganuon din ang ginawa ko.

"Mag enjoy kayo" si Mama.

Kaagad na lumabas si Cayden, sa kanyang likuran ay si Jasper. Pareho na din silang may nga girlfriend. Hindi pa din natatapos ang pagbabangayan nilang dalawa.

Pareho din silang humalik kay Tathi para magpaalam. Maya maya ay humahangos na lumabas si Charlie.

"Pasalubong!" sabi nito sa amin.

"Wala!" pangaasar ni Tathi sa kanya.

Pagkasakay sa eroplano ay kaagad siyang umupo, ramdam ko ang excitement niya. "Ang kaunti dito" puna niya.

"Business class" tipid na sagot ko sa kanya  bago ko siya hinalikan sa labi.

Nakibit balikat na lamang siya at inabala ang sarili sa hawak na listahan. "listahan ito ng mga pasasalubungan ko" sabi niya sa akin na ikinatawa ko. Damn, Baby.

"Bumalik ka naman na sa trabaho kaya may pangbili na tayo" sabi pa niya sa akin. Napangisi ako, ang babaeng ito talaga.

Hinigit ko siya at hinila paupo sa aking kandungan. "Anong pasalubong natin kay Calli?" tanong ko sa kanya.

Bumaba ang tingin niya sa listahang dala para hanapin. Sa pagkainip ay ako na ang sumagot.

"Baby brother, made from Spain" nakangising sabi ko na ikinalaki ng mata niya.

"Hmp! Cairo pasalubong mo iyon para sa sarili mo. Dinamay mo pa ang anak natin!" sita niya sa akin. Hindi ko napigilang mapahalakhak.

Humigpit ang yakap ko sa kanya. "I love you, Tathriana" malambing kong sabi.

Napanguso siya at kaagad akong hinarap. "I love you too, Senyorito baby" sagot niya sa akin bago ko inangkin ang labi niya.

I am so damn inlove with her. And she's inlove with me too, eventhough...I am the Ruthless CEO.










The End






(Maria_CarCat)

Continua a leggere

Ti piacerΓ  anche

7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...