Love Series 1: The Selfless L...

By Inkspiring_B

16.1K 848 504

Choose between sacrifice and Selfishness. ***** This story is work of fiction, names, character, places and i... More

Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13:
Chapter 14:
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36:
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54:
Chapter 55
LAST CHAPTER
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

Chapter 42

158 6 2
By Inkspiring_B


"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.

"Gusto lang kitang makausap Cassandra," mahinahong wika niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata saka napairap sa kawalan.

"Ace wala na tayong pag-uusapan," naiinis kong wika bigla namang may humawak sa baywang ko. Pagtingin ko ay si Drei na ang sama ng tingin kay Ace.

"Please mag-usap tayong dalawa lang," pagmamakaawa niya.

Pumikit ako ng mariin bago nilingon ang magulang ko.

"Uhm... Mauna na po kayo sa loob."Lumingon naman ako kay Drei. "Sa loob mo nalang ako antayin love,"

Bigla naman siyang napalingon ng marinig niya ang sinabi ko sa kanya.

"What!? Mag-uusap kayo na kayong dalawa lang? No way!" nakasimangot na wika.

"Drei please. Susunod ako sayo," ani ko.

"Love pwede naman kayong mag-usap ng nandito ako ah?" Tinignan ko lang siya kaya sa huli ay napapayag ko din siya.

Nagdadabog siyang pumasok sa bahay namin. Binangga niya pa ang balikat ni Ace pero inilingan ko nalang ito.

"Diba sinabi ko sayong wala na tayong pag-uusapan? Sa ginagawa mo binibigyan mo nanaman kaming dalawa ni Drei na mag-away," naiinis kong wika sa kanya.

"Gusto lang kitang makausap Cassie,"

"Talk about what!? Nilinaw ko na sayo ng paulit ulit na wala na tayong pag-uusapan,"

"About us! Hindi ba natin pwedeng pag-usapan yung sating dalawa?" aniya.

Bumuntong hininga muna ako saka naiinis na hinarap siya. "Us? Ace walang tayo at walang naging tayo. Oo may mutual feelings tayo but that was 7 years ago and I already moved on! Ilang beses ko bang dapat ulitin sayo yan ha!?"

"Mahal padin kita! Siguro nga tama yung first love never dies kasi hangang ngayon ikaw padin, Ikaw padin ang mahal ko!" hiyaw niya sakin.

"I love my boyfriend Ace. I don't want to hurt you because you don't deserve it but you have to know the truth that Sandrei is the one I love already." Naglakad na ako papasok ng hinawakan niya ang braso ko.

"Bigyan mo naman ako ng pag-asa oh? Please Cassie!" Sabay yakap niya sakin. Tinulak ko naman siya lalo na't naamoy kong nakainom siya.

"Please stop Ace! Just stop! You are drunk!"

"Maybe I'm drunk but I'm saying the truth! I love you okay! Iniiwasan mo ako kasi nagagalit yung boyfriend mo diba? Wala siyang karapatang kontrolin ka!" naiinis nitong wika.

"Oh, He has the right Ace! He's my boyfriend and he has the right to control me. Nilalayuan kita hindi lang dahil kay Drei. Nilalayuan kita kasi ayoko ng gulo dahil si Sandrei ang boyfriend ko at ang mahal ko,"

Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Tinignan ko ulit siya na puno ng sakit at pagmamakaawa sakin. Ayokong nakikita ko siyang ganito dahil kahit papano naman may pinagsamahan naman kami pero hindi rin tamang ipilit niya ang sarili niya sa taong ayaw na sa kanya.

Hinawakan ko siya sa pisngi saka nagsalita. "You really have to move on Ace. Hindi ako yung babaeng para sayo,"

Tumalikod na ako sa kanya pero hinatak niya naman ako pabalik para mayakap niya ako. Panay tulak ko sa kanya pero hindi niya ako binibitawan.

"Ace ano ba! Let me go!" sigaw ko sa kanya nang biglang may humila sa kanya saka siya pinagsususuntok.
"Omg! Drei stop it! Drei!"

Kahit anong pigil ko kay Drei ay ayaw niya paring tumigil kaya wala akong choice kundi tawagin sila Daddy para pumigil.

Yakap ko na sa baywang si Drei ngayon habang si Ace ay duguan na pero hindi naman ganon kalala.

"I warned you! I told you to stay away from my girlfriend! Hinayaan ko kayong mag-usap kasi gusto ni Cassie pero yung siraan mo ako sa girlfriend ko ay ibang usapan na yun!" malamig na wika ni Drei.

Hinahatak kona si Drei papasok ng bahay habang akay ni Dad si Ace na nakasunod namin. Pinasundo kasi namin si Ace kay Tita Lucy.

Ginagamot ni Mommy Ria si Ace nang dumating si Tita Lucy.

"Tita I'm really sorry for what my boyfriend did  to your son," paumanhin ko na kinasimangot ni Drei sakin. "Hindi kasi ako tinitigilan ni Ace Tita,"

Tumingin si Tita Lucy kay Ace habang yung anak niya ay sakin lang nakatingin pero mapungay na ang mata sa kalasingan.

"My son loves you so much. 7 years ago, Noong nireject mo siya kahit may feelings ka din sa kanya pero dahil gusto siya ng ate mo ay sobra siyang nasaktan. You are so selfless of letting go the man you loved for the sake of your sister and I understand that she's your sister but we can't blame Ace for not understanding you, for hurting because of your decision," paliwanag ni Tita Lucy.

Napayuko nalang ako sa sinabi niya. Hindi nga naman maiintindihan ng  lahat ng tao ang naging decision ko nun pero masisisi niyo ba ako kung ang nasa isip ko nun ay ang maging okay kami ni Ate.

"Walang araw na hindi siya umiyak sakin dahil hindi mo siya magawang ipaglaban sa ate mo. Then now, Akala ko nakapag-move on na siya. Na nakalimutan kana niya pero hindi padin pala. He still love you! Siguro nag-assume siya na baka ngayon pwede na? Na ipaglalaban mona siya? Miski naman ako boto ako sayo para sa anak ko eh. Lagi kong sinasabi sayo yan lalo na sa anak ko pero mali ata yung ginawa ko kasi sa ginawa ko mas binigyan ko pa ng lakas ng loob yung anak ko," pagpapatuloy niya sa sinabi niya.

"I'm really sorry for hurting your son Tita. Ayoko rin siyang saktan pero may mahal na akong iba. We cannot back those time that I'm inlove with your son. He really need to moved on,"

"Don't worry, Pagsasabihan ko siya iha at pasensya na rin sa nagawang gulo sainyo ng anak ko," wika nito.

Tumango nalang ako saka hinayaan silang umalis ng bahay namin. Tumingin naman ako kay Drei na nakasimangot padin.

"Love galit ka ba sakin?" tanong ko pero hindi padin siya nagsasalita. "Sorry na love. Nakipag-usap lang naman ako saka nilinaw kona sa kanya na ikaw ang mahal ko,"

"Bakit kasi kailangan mo pa siyang kausapin?" naiinis niyang tanong.

"Drei nasasaktan ko yung tao. Yung katotohanang nireject ko siya dati ng dahil sa ate ko ay hindi madali para sakin. Sandrei ayokong nakakasakit ng ibang tao pero ngayon may nasasaktan ako. Hindi porket nakokonsensya ako sa nangyare dati ay nabawasan na yung feelings ko sayo," paliwanag ko.

Nakatingin lang siya sakin habang nagsasalita ako pagkatapos ay bumuntong hininga niya saka hinila ako payakap sa kanya.

"I love you," malambing wika ko.

"I love you too,"

Tinulak ko siya palayo sakin saka tinanong about sa gift ko sa kanya.

"Nakita mo na ba yung jeep commander mo?" ani ko. Umiling siya kaya hinatak ko papunta sa garahe namin kung saan nakaparada yung sasakyan niya.

"Do you like it?" tanong ko.

"I love it love kahit hindi ko naman kailangan ng bagong sasakyan syempre love ko yan dahil galing sayo at yan yung sasakyang gusto ko,"

Pagkatapos niyang tinignan yung loob ng sasakyan ay kinuha niya yung reviewer sa isang sasakyan niya saka nag-review sa kwarto ko.

Habang ako ay tinutulungan si Mommy Ria na maghain ng pang-hapunan namin.

"Sabi ko naman sayo iha hindi mo kailangang tumulong dito eh," ani Mommy Ria.

"Wala naman po kasi akong gagawin at para narin makapag-focus si Sandrei sa pagrereview,"

Tumango siya sakin at nagpatuloy na sa pagluluto.

"Mommy Ria bukas pupunta ako sa umaga sa shop ha? May lakad kami sa gabi nila Sandrei eh," paalam ko.

Tumango lang siya sakin saka sinerve yung ulam. Pinatawag ko naman sa katulong si Drei at Alvin habang naglalagay akong pinggan sa lamesa.

Mula sa kusina naririnig kona yung boses ni Drei at Alvin na masayang nagkwekwentuhan.

"Alvin upo na kayo para makakain na tayo at uuwi pa yang Kuya Sandrei mo," ani ko.

Pagkatapos naming kumain ay nagsalita si Sandrei habang nakasandal sa upuan.

"Tito ipagpapaalam ko lang po si Cassie bukas? Mag-celebrate kaming magkakaibangan sa bar?" panimula ni Drei.

Tumingin ako kay Daddy na nakataas ang kilay sakin. Ngumiti nalang ako sa kanya ng alanganin.

"Bar? Hindi pa nakakapasok ng bar si Cassie kaya hindi ba delikado na pumasok siya doon?"

"Hindi ko naman po hahayaang mapahamak si Cassie Tito,"

Inaantay kong magsalita habang kumakain kami pero hindi siya sumagot uli.

Ni hindi ko tuloy alam kung pinapayagan niya ba ako o hindi.

"Hon, Sa tingin ko naman ligtas kay Cassie na pumasok sa bar at sigurado naman akong di siya pababayaan ni Sandrei," pagkukumbinse ni Mommy Ria kay Daddy.

Tumingin si Dad kay Mommy Ria saka linipat sakin ang tingin kaya nginitian ko siya. Bumuntong hininga muna siya bago siya nagsalita.

"Sige papayagan na kita basta sisiguraduhin ni Sandrei na hindi ka niya pababayaan," ani Dad.

"Talaga Dad?" Nakangiting tanong ko.

Tumango naman sakin si Dad kaya tumayo ako saka lumapit saka para bigyan siya ng yakap. "Thank you Dad,"

"Hindi lang kita matiis,"naiiling na wika nito saka nilingon si Drei. "Wag mong pababayaan ang anak ko ha?"

"Opo Tito,"

Pagkatapos naming kumain ay hinatid ko narin si Sandrei sa labaa para makauwi na siya.

"Love hindi porket niregaluhan kita ng sasakyan ay hindi ka na mag-iingat ha?" paalala ko sa kanya.

"Oo naman love saka hindi ko naman hahayaang mabanga yung sasakyang bigay mo sakin,"

Inantay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok sa loob ng bahay namin. Naabutan ko si Dad na nakasandal sa pintuan habang nakatingin sakin.

"Bakit hindi ka pa po natutulog Dad?" ani ko.

"Inantay lang kita princess." Sinasarado niya ang pinto habang nagsasalita.

"Thank you Dad ha?"

Lumingon siya sakin na tila naguguluhan saking binigkas. Nginitian ko naman siya sa bago ko pinagpatuloy ang aking sinasabi.

"Your always supporting me Dad. Study, Dream and even my relationship with Sandrei kahit alam kong nahahati ka sa decision dahil parehas kami ni Ate ng lalaking minamahal,"

"Princess sinusuportahan kita about your relationship with Sandrei kasi alam kong kayong dalawa ang nagmamahalan pero parehas kong sinusuportahan yung pag-aaral at pangarap niyo ni Candice,"

Yinakap ko naman siya ng mahigpit saka niya ako hinalikan sa ulo.

"I just wished that your Ate can forgive me already,"

"Let's give her a time Dad. Later on, She'll finally accept the fact that you and Mom will never get back together,"

Pagkatapos naming mag-usap ay pumasok narin kami sa kanya-kanya naming kwarto para magpahinga.

•••••••••

Mula sa kusina ay rinig ko na agad ang masayang kwentuhan nila Alvin at Daddy.

"Good Morning," bati ko habang umuupo sa pwesto ko.

Binati rin nila ako pabalik saka pinagpatuloy ang pag-aagahan namin.

Pagkatapos namin kumain ay umalis narin kami papunta sa school ni Alvin bago kami ihatid ni Dad sa shop.

"Buti hindi ka sinundo ni Sandrei ngayon Princess?" tanong ni Dad.

"Ako po ang ayaw magpasundo sa kanya Dad para makapag-review siya saka magkasama naman po kami mamaya,"

Binalik na ni Dad ang focus niya sa pagmamaneho kaya pumikit nalang muna ako habang nakasandal.

Pagdating namin sa shop ay naabutan naming madaming customer kaya tumulong nalang ako sa pag-assist sa mga staff namin.

Maghapon kaming busy ni Mommy Ria sa pag-aasikaso sa shop hangang  umalis saglit siya para sunduin si Alvin habang ako ay nagpahinga muna dito sa office namin.

Bumukas naman bigla ang pinto ng office ko at dumungaw ang isa sa staff namin.

"Ma'am may naghahanap po sainyo," aniya.

"Sino?" tanong ko sa kanya.

"Boyfriend niyo raw po Ma'am. Sandrei ang pakilala po,"

Ngumiti naman ako sa kanya bago sumagot. "Papasukin mo na siya dito,"

Lumabas naman agad siya kaya inaayos ko muna gamit ko saka nag-ayos ng sarili.

"Love." Halik niya sa pisngi ko paglapit niya sakin. "Nandon na sila Ulysses sa Bar,"

"Kausapin ko lang saglit mga staff ko tapos diretso na tayo don," aniko. "Gusto mo bang kumain muna?"

Hinawakan niya ako sa baywang habang palabas kami sa office bago siya nagsalita. "Busog pa ako love,"

Lumapit naman ako sa store manager namin.

"Ma'am kayo na ang bahala dito ha? Tawagin niyo nalang kami ni Mommy Ria kapag may kailangan kayo tapos yung pagsarado niyo ay siguraduhin na na-lock ang lahat," bilin ko sa kanya.

"Opo Ma'am,"

Pagkatapos kong bilinan yung mga staff ko ay dumiretso na kami sa bar.

Kasalukayan kaming nandito sa may couch sa loob ng bar habang inaantay yung inorder naming inumin.

Nagkwekwentuhan lang sila habang ako tumitingin sa paligid at sa mga tao na nasa loob ng bar.

Sanay na sanay sila sa ingay at usok na nasa loob ng bar. Napaka-wild ng mga tao dito at kahit saan ay may makikita kang naghahalikan.

Nagulat nalang ako ng may brasong pumulupot sa aking baywang kaya napalingon ako sa katabi ko.

"Okay ka lang love? O gusto mo ng umuwi?" malambing bulong ni Drei sakin.

"Okay lang ako love,"

Tinignan niya ako ng maigi kaya tinawanan ko siya. "Okay nga lang ako love. Naninibago lang siguro ako dahil sa environment,"

Sa huli ay sinulit at inenjoy namin yung oras dito sa loob ng bar lalo na't celebration namin ito dahil naka-graduate na kaming lahat.

Inaantay nalang namin ay ang matapos ang board exam nila Drei para maging ganap na lisensyado silang engineer.

Nung bandang hating gabi na ay naagaw ang atensyon namin dahil sa kaguluhang naganap sa gitna ng dance floor. Nakatingin lang kami kahit madaming nakaharang at hindi namin nakikita yung nag-aaway.

"Gago ka! Ano bang problema mo ha?" sigaw ng isang lalaki.

"Problema ko? Problema ko ay mahal ko yang babaeng pilit mong nilalayo sakin gago!" sigaw naman ng pamilyar na boses.

Tumayo naman ako dahil sa boses na narinig ko pero bago pa ako makapaglakad papunta sa pwesto ng kaguluhan ay hinawakan na ako sa braso ni Drei.

"Saan ka pupunta?" Nakataas ang kilay niya habang tinatanong ako.

"Feeling ko kilala ko yung lalaking nagsalita kanina?" Nakaturong wika ko sa dance floor.

"Away nila yan love kaya bakit ka makikialam,"

Bago ako makasagot ay narinig ko na yung sigawan nung mga tao kaya napalingon uli ako saka humarap uli sa mga kaibigan ko at kay Drei.

"Titignan ko lang love. Paano kung kilala ko talaga yung tao?"

Sa huli ay sumama din sila sakin papunta sa gitna para tignan ang nangyayare.

Pagdating ko sa harapan habang hawak ako sa baywang ni Drei ay bigla akong nagulat na makita yung taong binubugbog.

Kahit lumalaban siya ay talo padin siya dahil sa kalasingan niya. Nagpapalitan lang sila ng kamao at salita bago maawat ng mga kaibigan nila ay lumapit na agad ako para humarang sa kanila.

"Tama na!" Hawak ko sa dibdib niya bago humarap sa kaaway niya.

××××××××××××××××××××××××××××××××

Konting push nalang matatapos ko na ang TSL ♥️ Nawa'y samahan niyo ako hangang ending ng aking kwento. Maraming Salamat!




Continue Reading

You'll Also Like

Forced By .

Romance

17.9K 526 60
Complicated Series #1 Gneiss Hanie and Kian Rio were childhood best friends at the age of eight they already had an intimate relationship, Kian sees...
1.5M 2.9K 5
Del Rio's Selfless Wife Note: You can read the whole story on Dreame App and Yugto App R-18+ TEASER: Marriage is a sacred sacrament. God bless us as...
19.2K 261 50
"Kakalimutan ko na may isang Ryan Cortez na dumaan sa buhay ko." Aela S.