When a Man Loves

By MxGchef

493 327 34

Heirry Cumorfe, lalaking nanggaling sa isang Boy's school, kung saan tahimik at masaya ang buhay niya bilang... More

PLAGIARISM IS A CRIME:
PROLOGUE:
Chapter 1: Our Little Mom
Chapter 2 : UNRELATED
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 3 : THE TRIO AND QUEEN

19 5 3
By MxGchef

      Papasok pa lang siya sa gate ng paaralan nang masilayan ang grupo ng kababaihan at kalalakihan na nakatambay gilid ng Plant box. May nag-ska-skateboard, naka-earphone, nagbabasa at nagtsi-tsismisan, mga gawaing hindi na bago sa kaniya ngayong nasa ika-huling yugto na siya ng Highschool.

    Lumipat lang naman siya rito sa kalagitnaan ng klase noong 3rd year highschool siya kaya naman naging tampulan siya ng isyu kung bakit mukhang malakas siya sa may-ari ng eskwelahan pero binalewala na lang iyon kahit pa siya na ngayon ang tagapagmana ng lahat kahit hindi naman niya gusto ang mga iyon.

     Gusto lang naman niyang maging malaya sa lahat ng sama ng loob na nararanasan mula pagkabata pero mas lalong unti-unting nawala ang kalayaang iyon ng mawala ang Kuya Adreen niya at para manatiling maayos ang sitwasyon ng mom at dad niya, ginawa niya ang lahat upang maging mabuting anak kahit pa maaring siya ang maging dahilan ng pagkakagulo ng mga ito. 

     Ayaw na niyang makitang saktan ng daddy niya ang mommy niya at ayaw niyang magkagulo sila dahil sa kaniya. Alam din niyang sobrang mahal ng daddy niya ang mommy niya kahit pa isa siyang pagkakamali sa lahat ng nangyari sa mga ito. Minsan hindi niya maiwasang sisihin ang sarili pero pinipilit niyang isipin na hindi niya gusto ang nangyari sa pagitan ng mga mali sa buhay ng mga magulang.

      Naging bunga man siya ng pagkakamali pero ayaw niyang maging dahilan sa kaguluhan at maging magulo ang lahat sa buhay niya. Gusto niyang ibahin ang mundong ginagalawan niya at ayaw niyang maging wasak ang pamilyang mayroon pa siya kahit hindi naman talaga siya kabilang sa mga iyon.

      Nawala lang siya sa mga iniisip nang biglang makatapak siya ng bato na siyang pagdaing niya at muling napabaling sa mga nakatambay sa plantbox. “Damn it.”

      Hindi na bago sa kaniya ang senaryong iyon. Madalas pa nga gulo ang nakikita niya tuwing dumarating sa paaralan. Lalo na kapag ang grupo nila Drench Augustus ang nandoon; paniguradong siya na naman ang pagtri-tripan ng mga ito.

      “Hi, Heirry, ikaw iyong bago ‘di ba? I’m Nicole Ash, but you can call me, Nics for short." Lapit sa kaniya ng isang babaeng nakasuot ng maiksing dark-blue na palda habang may puting damit na may halong kakulay rin ng pang-ibaba.

      Ang isang pasaway rin sa buhay niya simula ng makapasok dito. “Nice meeting you. Sige, una na ako. May klase pa ako,” aniya kahit matagal na niyang tanda kung sino ang babaeng ito. Pang-50 times na ata itong nagpakilala sa kaniya at mukhang hindi napapagod sa pagpapa-Getting to know each other sa kaniya.

      “Miss, excuse me. Mauuna na ako,” magmamadaling aniya sabay lagpas dito. Hindi puwedeng malaman ni Drench ang paglapit niya rito este ang paglapit na naman nito sa kaniya lalo pa’t binalaan na siya nitong layuan ang babae.

       “Wait lang.” Harang sa kaniya ni Nicole. “Nilalayuan mo ba ako? Fourth Year na tayo. Nagsisimula na naman ang klase but you still ignoring me. Why?” Halukipkip nito sa harap niya.

      “Miss—”pagbuntong-hininga niya. “Talagang mala-late na ako sa klase. I’m sorry,” aniyang agad naglakad paalis.

      “Wala si Ma’am Pestanio ngayon,” sigaw nito dahilan upang mapahinto siya sa paghakbang pero agad din naglakad nang maisip niyang maaring may ka-apelyido lang ito at iba ang tinutukoy ng kausap.

      “Araling Panlipunan, right? Well, nagpalipat ako para maging kaklase ka. I used my power para makuha ko ang gusto ko. I owned this school, Hierry, I can do whatever I want,” seryoso sabi pa nito pero tuluyan na siyang naglakad, ’di alintana ang pinagsasabi nito.

      Ayaw niya ng gulo at ayaw niyang maging magulo ang buhay dahil sa lintik na panggugulo ng isang Nicole Ash. Aminado siyang maganda ang babae, nasa 5’3 ang height at talagang kutis manikang sobrang puti nito. Maganda rin ang pangangatawan na sadyang mababakas ang pagiging anak mayaman.

       Gaya ng sabi nito, alam niyang anak ito ng principal ng eskuwelahan. Bagamat hindi niya kinumpirma ang sinabi nito pero sigurado siyang totoo ito dahil na rin sa tsismis na naririnig sa paligid.

       Patuloy lang siyang naglakad sa daanan na purong Plant box sa paligid. Naggagandahang Yellow bell din ang nandito na talagang namumukadkad sa sobrang laki at aliwalas dahil laging na-tri-trim. May mga Euphorbia din na sadyang nakahilerang idinesenyo sa buong paaralan. May isang malaking bench din na sadyang naging malakihang tambayan ng mga estudyante tuwing resis at may mga programang ginaganap.

      “’Di ba siya iyong transfery noong 3rd year? Infairness guwapo si Kuya ah. Wait, saan school daw ba siya galing?” tinig mula sa tingin niya ay binabae.

       “Ewan pero kumakalat na galing daw siya sa isang Boys School. Ang sabi pa nila, honor student iyan. Tingin ko, kaya nagustushan siya ni Nicole dahil doon,” anang tinig ng isa pang tingin niya ay binabae rin.

       “Naku, tigil-tigilan ninyo na nga iyang kaka-tsismis ninyo. Pag-usapan ninyo iyong assignment natin kay Catulin hindi iyong buhay ng transfery ang trip ninyo,” tinig na siyang tingin niya ay babae na talaga.

       “Alam mo, An. Ang Killjoy mo, parang pinag-uusapan lang namin si Mr. Transfery e.” sagot ng naunang binabae na siyang alam niya dahil sa tinig nito.

        “Naku, Mamang, anong expect mo riyan? Walang jowa, kaya nga pamatay lagi ang trip niyan e, palibhasa, out of the ground ang peg,” segunda naman ng pangalawang binabae.

       “Huwag ninyo nga ’ko pagtulungan. Common sense mga damuho,” pinagdiinan pa ang huling sinabi. “Hindi na tsismis iyang ginagawa ninyo, naka-megaphone na kayo. Tangyna, rinig na rinig niya nga ata kayo, e.” maktol ng babaeng kausap ng mga ito.

      Napa-iling na lang tuloy siya sa mga pinagsasabi ng mga ito. Tama nga naman kasi ang babae, parang naka-megaphone ang mga ito habang nag-uusap. Kaya naman, nagtuloy-tuloy na lang siyang hindi pinansin ang mga sinasabi ng mga ito kahit pa rinig na rinig niya ang patuloy na pagtatalo ng mga ito.

      Pagkarating sa klasrom agad niyang nakitang may mga kaklase ng nakaupo sa kaniya-kaniyang puwesto. May nagtsi-tsimisan, nagtatawanan, mga walang pakialam at may mga masamang tumititig sa kaniya.

      “Yow, what’s up! Nandito na pala si Boys School,” tinig na siyang nagpalingon sa kaniya sa dulong bahagi ng klasroom.

      “Oo nga, Drench, balita ko nag-usap sila ni Nicole kanina. Akalain mo iyon, D, ayaw makinig sa ’yo. Binalaan mo na pero lapit pa rin nang lapit kay Nics,” sulsol ng pandak na lalaking may eyeglasses sa mata.

      “Matigas nga ang ulo, Paul, akala siguro niya madadala niya tayo sa pagiging Boys School niya,” nag-u-umi-echo na tinig ng payat na lalaking matangkad na may eyeglasses din.

      “Antayin niyang mapuno si Ralph. Tingnan natin ang galing niya,” nang-uuyam na tinig muli ng pandak na lalaking rinig na rinig niya kahit nasa puwestong inuupuan na.

     “Tama na, Paul, gawin ninyo na lang ang mga iyan. Masakit ang ulo ko,” seryosong pananalita ng matabang lalaki. May suot din itong eyeglasses na may malaking tiyan. Sa madaling sabi sila ang Eyeglasses Trio na hindi niya nga ba alam kung totoo bang malabo ang mata o sadyang trip lang nilang magsuot ng gano’n. 

     “Hays, hindi ko maintindihan kung bakit ang hilig nilang pagtripan iyang si Heirry. Wala naman ginagawang masama iyong tao. Kung tutuusin si Nicole ang lapit nang lapit kay Heirry, e,” tsismisan ng dalawang babaeng katabi niya ngunit patay malisya na lang siyang hindi narinig ang mga ito.

      Muling na lang niyang itinuon ang pansin sa pagbabasa ng librong hawak kahit pa walang pumapasok sa isip kundi ang gulong puwedeng dalhin ng babaeng anak ng principal. Hindi naman siya puwedeng lumipat ng school dahil nasa mismong baryo sila na tanging iyon lang ang paaralang dapat pasukan, mas nadagdagan tuloy ang mga problemang dapat niyang kaharapin.

      Maagang natapos ang klase niya ng hindi inaasahan, kaya pagkauwi sa bahay agad siyang nagkulong sa kuwarto. Mabuti na lang at natakasan niya ang grupo ni Drench na rinig niyang hinahanap siya.

      Pagkalabas sa silid agad siyang nagtungo sa C.R upang magbawas ngunit nang palabas na siya. “Nasa’n si Cumorfe?” magordong boses ni Drench na ’di bumagay sa payat na pangangatawan.

      “Hayaan muna, marami pang oras diyan,” seryosong tinig naman ng mahinahon at ’di makatawag pansin na pananalita na sa tingin niya ay si Ralph.

      “Hayaan mo na, D, masyadong mabait si Ralph,” wika naman ng sa tingin niya ay si Paul base sa parang paos na pananalita.

        Dahil doon tuluyan nang umalis ang tatlo patungo sa kung saan. Pagkakataon naman niyang pumuslit paalis. Mabuti na lang at pagkalabas sa gate ng San Nicholas Highschool, siyang dating ng driver nilang si Mang Isidro. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid at siniguradong walang makakakita sa kaniya bago sumakay sa kulay itim na BMW X1 nila.

       Maaga siyang pumapasok tuwing umaga at sa pag-uwi naman sinisigurado niyang walang makakakita sa kaniya dahil kung hindi, magiging tampulan na naman siya ng isyu na simula noon ayaw niyang maranasan, kahit pa noong nasa Boys High pa siya, liban na lang sa kaibigang si Cape na alam ang tungkol sa kaniya pero balita niyang nasa U.S na ito, a weeks ago matapos siya lumipat sa San Nicholas Highschool.

       “Sir Heirry, may naghahanap sa ’yo.”

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
28.4M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
631K 39.5K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...