"Re-write." (sequel)

By LaysaChaan

110K 6.3K 3.5K

🔴 Read the first book - " stay with me " before step in this story. thanks! 🔴 ✨" FANFICTION."✨ Ps: pl... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
"Under."
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35.
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52

10

2.5K 137 45
By LaysaChaan

"Hindi kaya? manlabo naman yung mata mo niyan, Gabo." Alalang tanong ni ate sela.





"Okay lang, sanay na ako."  Sagot ko.







Mag aalas-tres na ng madaling araw at narito ako ngayon, gising na gising at hindi pa rin dinadalaw ng antok.
Pinapalipas ko na lang ang oras sa pagbabasa ng libro.

Paubos na ang pahina ng libro na hawak ko. Sumulyap ako sa bintana at may liwanag na nanggagaling dito.

Alas singko na pala at naabutan na ako ng umaga, Agad akong nag-unat ng katawan. Dumeretso ako sa kusina at nagtimpla ng kape para kay ate Sela. Alam kong napuyat rin siya dahil maya maya chinecheck niya ko.







"Wakie wakie, tamagochie." Paggising ko sa kaniya.







Agad kong inabot sa kaniya yung kape.
"Gustong gusto ko talaga tong timpla mo." Aniya bago higupin ito.







And after nun, usual morning routine. Kakain, maliligo, magaayos then gora sa school.

Agad kaming nakarating, Habang naglalakad sa campus pinagtitinginan ako ng ibang estudyante, Normal na sakin yon dahil araw araw ganito ang nangyayari.

Siguro dahil transferee student ako, dahil sa kakaibang kulay ng buhok ko, at dahil gwapo ako. No humble aside.









"Oh gabb, sela." Bungad ni ate sheki.

Agad akong naupo sa pwesto ko.
Wala pang teacher kaya naisipan ko munang magbasa basa, agad kong binuksan yung bag ko,  nalimutan ko palang magdala ng books.







Tss.








Pakiramdam ko may kanina pa nakatingin sa bawat galaw ko simula nang pumasok ako sa room na 'to.
Mabilis akong tumingin sa pakiramdam kong nanggagaling yung titig. Mabilis naman umiwas si Coleen.





Tinitingnan niya ba ko?
Tss. At bakit naman?
Just don't give her a fuck, gabb.






Remember may Cole na siya?










Agad akong tumayo at naisipan na lang lumabas sa room na'to.

"San ka pupunta Gabb?" Tanong ni ate sela.







"Library." Maikli kong sagot.






"Sige bumalik ka agad ah."



Agad akong nagtungo sa library. Pagpasok ko, napansin kong bago na yung naka assign na librarian.

"Hi." Ngiting bati niya.







"Hello." Sinuklian ko rin siya ng matamis na ngiti, ang ganda niya.







"Mmm, bago ka lang dito right?" Tanong niya.





"Uhm transfer student, ikaw? Bago ka rin dito? I mean dito sa library." Balik na tanong ko.


"Ahh oo, ako na pala yung bagong librarian dito btw, I'm Jamie." Sabay abot niya ng kamay niya at hindi na ko nagdalawang isip pang tangapin ito.


"Cool, I'm Gabb." Siya pala yung gustong gusto ireto sakin ni brei nung intrams. Mas maganda pala siya sa malapitan.







Bahagya akong tumingin sa desk nito at nakita ko yung paborito kong libro na mukhang binabasa rin niya.

"Ooh, That's my favorite book." Pagtukoy ko sa libro.




"Really?! Actually hindi ko pa siya tapos basahin, pero feeling ko magiging favorite ko rin siya." Masayang sambit niya.






Naupo ako sa isang bakanteng upuan sa tabi niya, I want to aproach her more. She got my interest from the first time we've met at the court stadium.

"I've read that book four times becuz of boredom." I started the convo.





"Really!?"










COLEEN's POV.

"Woah? Coleen? Bat andito ka?" Tanong ni Cole.





"Actually nandito ako para kumain, wala ba kayong pork stew diyan na lasang libro?" Irap ko dito.





"Pilosopo amp, bakit ka nga andito, ang rare lang kasing makita kita dito sa library ng ikaw lang mag isa." Sambit niya.


"M-may hahanapin lang akong libro." Palusot ko.

Nilibot ko ang tingin sa loob ng library at nakita ko si Gabb na kausap yung nerd genius na librarian na yon.


"Anong klaseng libro ba hinahanap mo?" Tanong ulit ni Cole.




"Masungit, kuripot, babaero, na may pagkamalandi rin minsan." Wala sa sariling sagot ko.



"Hoy? Libro ba talaga hanap mo dito?"
Tanong ni Cole.

Titingin na sana si Cole kung saan direksyon ako nakatingin kaya agad ko siyang hinatak papasok sa loob ng shelf.



"Huy! Coleen!" Sigaw nito, tss.



"May iba ka bang gagawin?" Tanong ko.



"Uh, magbabantay dito sa library, diba assistant librarian ako dito?" Aniya.





"Good, samahan mo ko." Sambit ko.


Hinatak ko ulit siya at nagmadaling nagtago sa bawat shelf. Habang ako todo tago siya naman tinitignan lang ako na parang tanga.

"Anong ginagawa mo? May tinataguan ka ba?" Tanong niya, diba obvious?




Di ko na pinansin yung tanong niya at kumuha na lang ng libro na kunyari babasahin ko.

Sunod, nag hanap ako ng mauupuan namin kung saan tanaw na tanaw yung babaero na nakikipaglandian sa nerd genius na yun.






Bakit ko ba siya tinatawag na babaero? Its not like nambabae siya or what? Sadyang bagay lang talaga sa kaniyang itawag yun, aishh ewan ko ba.






"Ano bang meron sa librong yan at interesado ka diyan?" Biglang tanong ni Cole.





Hindi ko pinansin ang tanong nito at deretsong nakatingin pa rin kela gabb at jamie.

"Coleen?" Tawag ulit niya.






"What?" Tanong ko.





"Ba't kako yan yung kinuha mong libro." Tanong niya ulit.





Tinignan ko yung hawak ko at nagulat na lang ako sa title nito.
"Tips how to make girl fall inlove with you easily."




Bigla na lang naginit ang magkabilang pisngi ko, sa dinami daming libro ito pa yung nakuha ko.

"Coleen?" Tawag ulit ni Cole kaya agad kong tinakpan ng kamay ko yung title.







"W-wala, gusto ko lang tong basahin."
Sagot ko.






Naisipan ko munang buksan ang libro dahil curious rin ako , literal na mga tips lang ang nakasulat dito.

Tips #1 : compliment her.

Tss! Compliment ba kamo? Marunong ba siya nun! Besides That monkey always call me maarte and idiot.







Tips #2 : treat her to her favorite resto, food.


Huh? Treat? As in libre? Ha! Wala sa bokubularyo niyang manlibre. kuripot pa siya sa kuripot.








Tips #3 : always laugh to her joke.

Tss! Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ko napahiya tuwing nagjojoke ako sa kaniya. Minsan tinititigan niya lang ako hangang sa bawiin ko yung sarili kong joke. Arggg!







Tips #4 : make her feel like she's the most special person.

Special huh?






Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa at Sinara na itong libro.

This book are full of shit.





Muli kong binasa ang title.
" Tips how to make girl fall inlove with you easily huh?"



Ni isang wala siyang nasunod sa mga tips na to but... she already did.

She made me fall for her easily.








"OMOOOO! ANOo bang sinasabi ko dito, anoba! Coleen!" Pabulong na sigaw ko habang tinatapik tapik ang mukha ko.






"Huy? Okay ka lang ba talaga diyan?" Alalang tanong ni Cole.




Agad akong huminto sa pagsampal ko sa sarili ko at umayos nang upo.

"I'm fine, don't worry."






Muli kong tinignan sila jamie at Gabb dahil rinig na rinig sa bawat sulok ng library na'to yung paghalakhak nila.







Ha? she's laughing? For real? Haha ni minsan hindi nga siya tumawa sa joke ko?









Muli silang nagtawanan na parang sila lang yung tao dito, hindi ko na naipigilan kaya agad akong tumayo.

"Excuse me? We're trying to study here? Library to diba? So bat ang ingay?" Mataray na sambit ko.







Sabay silang napatingin, naiilang na ngumiti sakin si jamie, habang walang emosyon naman yung kay Gabb.

"Huy, chill." Hila ni Cole sakin pabalik sa upuan.







Ang akala ko hindi na sila maguusap but no, they continue just by whispering to each other.

Yung pagdikit dikit ni jamie na halos halikan niya na yung tenga ng ungoy na to.





Mabilis akong tumayo, kaya muli kong naagaw ang atensiyon nila, habang si Cole takang nakatingin sakin.

"Magsi cr lang ako." Paalam ko kay Cole.







"Samahan na kita." Sabi ni Cole.







"No, dito ka na." Agad akong umalis papalabas ng library na'yon, dahil baka kung ano na naman magawa ko.





para bang nawalan ako bigla ng gana kaya naisipan ko na lang lumayo doon.





"Coco, Yung libro wag mong dalin!" Rinig kong Boses ni Cole na hindi ko na lang pinansin.

Nagtungo na ako pabalik sa room namin. Nakita ko si Mr. Shok at mukhang kanina pa nagstart yung klase niya. Tinignan ko yung time sa relo ko 30mns late na ko sa klase niya. Agad akong yumuko at nagtago.





Yare nanaman ako dito, pag nahuli ako.





Dalidali akong tumakbo pataas ng rooftop dahil ito lang yung lugar na sa tingin kong walang makakahuli sakin.

Bawal rin ako magstay sa corridor dahil makikita rin ako ng mga dumadaan na teachers doon.

"Ughh! Salamat!" Hinihingal na sambit ko nang sawakas makatungtong na ako sa rooftop na 'to.







Hindi ko namalayang kanina ko pa dala 'tong libro, kaya siguro tinatawag ako ni Cole bago umalis sa library na yun.

Naupo muna ako sa tabi at sinandal ang likod ko para magpahinga. Hindi ko rin dala yung phone ko kaya no choice ako kundi basahin na lang 'tong libro na hawak ko kahit na hindi ko hilig magbasa.





Muli kong binuksan ang pahina ng libro at sinimulan ulit ito basahin.

Tip #5: lend an ear for her.

Nang mabasa ko ito, biglang nagflashback sa utak ko yung mga sinabi niya nung unang araw na nagkausap at nagkakilala.


"Fine, share your problems to me,
makikinig ako."





Pati nung naiwan kaming dalawa sa mall.

"Fine, I'm willing to lend my ear to all of your rants and problem."




Nilipat ko na ang sunod na pahina.

Tip #6: stay by her side when she really need someone.

Naalala ko naman yung time na nag brownout sa unit ko, at inis na inis akong kinukwento sa kaniya yung tungkol sa phobia ko.

"I hope this hugs can help, because sometimes, when I'm mad, I'm craving for hugs."



Hangang ngayon tanda ko pa rin ang init ng pakiramdam nang pagyakap niya.




Tip #7: protect her at all cost.

Naalala ko rin yung muntik na kong marape ng bastos na lalaki na'yon sa bar at siya lang yung dumating at tumulong sakin.


"Wag mong sisihin ang sarili mo, kahit anong isuot mo wala silang karapatan at hindi iyon sapat na dahilan para bastusin ka nila."


She also taught me how to defense myself when I'm in danger.





Tip #8: bring the best version of herself.

Bigla umukit ang malawak na ngiti sa aking labi nang maalala ko kung pano niya ko chineer para lang mapakanta ako sa entablado nung gabing iyon.


"Don't worry, walang makakakilala sayo dito, so its fine to get embarrased."


"Show us what you've got! The Great coleen trinidad!"






Sinara ko na ang libro at tumingala na lang sa langit ng may suot na ngiti sa aking labi, napabuntong hininga na lamang ako.

"She done all of these things without me, realizing it huh?"





Nilapag ko ang palad ko sa aking dibdib dahil hindi na naman normal ang bilis ng pagtibok nito.




Simula pa lang ng araw na nakita ko siya, alam ko ng may kakaiba. Hangang sa lumipas ang ilang araw na kasama ko siya, unti unti kong naintindihan kung ano yung kakaiba na yun.



"Ang akala ko, sumasama lang ako sa kaniya dahil masarap lang siyang kasama."



No, Sinasadya ko talagang Sumama sa kaniya, para mas makilala siya, para masagot ko yung katanungan kung bakit lagi ko siyang napapanaginipan.




"Ang akala ko, kinakausap ko lang siya dahil madali siyang kausap. "

No, I always talk to her because I love to hear her cold voice, may side rin sakin na parang sabik na sabik marinig yung boses niya.



"I thought, I always share my problem to her because she's just a good listener."




No, I shared my problems dahil ganon kalaki ang tiwala ko sa kaniya.





"I thought, I let her kissed and touched me, because I'm just curious and starve to get touch."



No, I dared her to kissed and touched me, ako yung pumilit sa kaniya.
Kaya laking pagtataka ko kung ba't ako pa yung unang umiwas. the aUdacity lang coleen.






Lahat ng nangyaring yun hindi lang nagkataon, hindi lang aksidente at hindi lang nangyari ng walang dahilan.

Lahat ng iyon sinadya ko ng hindi ko napapansin. I just made Those excuses to hide this feeling.

And yet I'm here trying to avoid her. Because I don't know how to deal with this weird feelings.







Ang duwag.







Bat ba kasi ang duwag duwag mo?







Unti unti mo ng nakukuha yung babaeng nasa panaganip mo.






Ngayon mo pa ba papakawalan yung chance?









Sela's POV.

Mygod, magstart na yung klase wala pa rin si Gabb.




"S-sir, may I excuse?" Kabado kong sabi biglang kumunot ang ulo nito at tinignan ako mula ulo hangang paa.

"Huh? Kanina pa libreng libre ang oras niyo? Ngayon mo pa gusto lumabas? Sige lumabas ka and you're absent for today." That's mr. Shok for you.




"S-sorry sir, wag na po pala." Agad akong bumalik sa upuan ko.




Tsk! Ang dami pang sinabi pwede namang sabihing hinde.





"Babe? Bakit?" Bulong ni abby.




"Si Gabb kasi, wala pa." Pabulong na sagot ko.







"Si Coleen rin e." Sabi niya.






Tumigil na kami sa pagbubulungan nang magsimula ng mag attendance.



"Ms, skribikin?" Tanong nito habang nililibot ang mata sa buong classroom.


"Asan si Ms, skribikin?! Wala manlang bang magsasalita sainyo?"

"S-sir, cutting po ata." Biglang salita ng president.

"Wow! Ang lakas ng loob!?" Sabi na lang nito at pinagpatuloy na ang attendance.

"Ms, terrado."

"Present po!"






"Ms, trinidad?" Tawag nito at tumingin sa pwesto namin.

"Bat napipi nanaman kayo? Wag niyo sabihing cutting rin si Ms, trinidad?"






"A-ako po andito po ako!" Biglang tayo ni abby.




"I'm not talking to you Ms, old trinidad." Pambabara nito. Bumalik na lang sa pagkakaupo si abby habang nakayukom na ang kamao nito.






"Kung makita niyo man yung dalawang nag cutting na yon, tell them na I need to talk their parents." Huling bilin nito bago simula ang klase.









COLEEN's POV.

Nakatulog pala ako dito sa rooftop. Chineck ko yung time malapit ng mag uwian. Agad akong bumababa at pumunta sa room namin, sinalubong agad ako ni ate abby.

"Coleen!?"





"What?" Tanong ko.





"San ka ba kasi nagpunta? Kala tuloy ni Mr. Shok Nag cutting ka, pinapatawag nanaman yung daddy mo." Kwento niya.





"Ha!?"



Feeling ko sinasadya na ng teacher na yun na kitain yung parents ko, Crush niya ba si dad? Bawat pagkakamali ko bring parents, wala na siyang ibang alam na punishment. Kaumay.

"San ka pupunta?" Tanong ni ate abby.






"Ibabalik ko lang tong libro sa library."
Ani ko at nagtungo na roon.





Papasok na ko sa loob ng bigla na lang akong nauntog sa kung sino.

"Ouch!" Sigaw ko habang kinakapa ang ilong ko.




Pupulutin niya na sana yung libro na nabitawan ko, kaya agad ko itong tinulak. Napaatras siya kasama ng libro.




"Aray!"sigaw niya.





"Wag mong hahawakan yan." Tukoy ko sa libro.





"Pupulutin ko na nga para sayo!" Kunot noong sambit nito.





"Wag!"

Kukunin ko na sana ng bigla niya itong inagaw. Tinaas niya pa ito para hindi ko maabot.





Habang nagpapakahirap akong tumalon talon dito para abutin yung libro sa kamay niya, hindi ko namalayang nakatitig lang siya sakin. At as usuall wala siyang reaksiyon.

Tumigil na ko sa pagtalon dahil mukhang wala siyang balak  ibigay.
Sinubukan niyang tingnan ito habang hindi pa rin binababa ang libro.







"Tips to make girl fall for easily huh?"
Pagbasa niya sa title, binaba niya na yung libro at deretso akong tinitigan.

"You don't need to read or follow whats written here." Sabi niya at inabot na sakin yung libro.





"I think she's already inlove with you."
Bulong nito. Halos manlambot ang aking tuhod nang maramdaman ko ang mainit na paghinga nito sa aking tenga.






Pinilit kong magsalita kahit halos mabuhol na ang dila ko. "S-sino?"





"Who else? Edi si Cole." Huling sambit niya bago  iwan akong tulala dito.








COLE's POV.

Habang nag aayos ng libro nakita ko si Coleen na pilit na inaagaw yung libro kay Gabb, lalapitan ko na sana ito pero agad naman binigay ni Gabb yung libro at umalis. Pero bago ito umalis nakita kong may binulong muna ito kay Coleen na nagdulot ng pagkamula ng pisngi nito.





Parang may mali sa nakikita ko, parang may mali sa kilos ni Coleen simula ng dumating yung transferee na yon.






Papalapit na si Coleen sakin, at mukhang isosole niya na yung librong tinakbo niya kanina, at saktong naman ako yung nakaassign ngayon dito.





Agad niyang inabot ang libro ng hindi manlang inangat ang mukha sa pagkakayuko. Napansin kong namumula rin ang tenga nito.





Nang makuha ko ang libro dere deretso lang siyang umalis, nang hindi manlang nagsalita.







Agad kong tinignan ang libro na kanina pa ko kating kati makita, bakit ba interesado siya dito? Bakit ba nila pinagaagawan to-



Napahinto na lang ako nang mabasa ko ang titulo na nakasulat sa libro.





"I knew it, she likes that transferee."








GABB's POV.

"Gabo! San ka pumunta?!" Salubong na tanong ni ate sela.



"Diba sabi ko sa library?" Sagot ko.





"Alam mo bang cutting ka ngayon?" Sambit ni ate sela.






"Ha!?"




Shit, napasarap yung usap namin jamie nalimutan kong may subject pa pala.





"A-ano daw? Ano sabi niya?"tanong ko.




"Kakausapin kayo bukas at yung parents niyo." Sagot ni ate sela.





"No way!"

Kahit kaylan, hindi ko papapuntahin sila dad dito, at mas lalong sa ganoong dahilan, so pathetic gabb.







Kinabukasan.

Nandito kami ngayon sa office ni Mr. shok. Hindi ko alam kung ba't nandito rin 'tong babaeng 'to. Nag cutting rin ba siya?





"Miss, trinidad and Miss Skribikin." Striktong salita nito.




"Yes, sir?" Sagot ko.



"Sir?" - coleen.





COLEEN's POV.

"Anong pumasok sa kokote niyo para maisipang niyong mag cutting sa klase ko? Nanadya ba talaga kayo? Lalong lalo ka na Trinidad?"





nanatili kaming nakayuko rito habang deretso pa rin siya sa panenermon.

"Both of you? Where's your parents?hindi ba pinapapunta ko sila dit-"



"Sir, Im willing to take any punishment, just don't let my parents know this." Biglang sabi ni Gabb.




"Seryoso kaba skribikin?" Tanong ni Mr. Shok.





"Yes, sir!" Deretsong sabi nito.




"A-ako rin sir! Ibang parusa na lang po." Hindi ko alam kung saan parte ako ng katawan humugot ng lakas ng loob para masabi to.

Bahala na, pagod na rin akong masermonan ni dad. Kasalanan ko rin naman kung bat ako mapaparusahan dahil nag cutting ako.






Bakit nga ba ako nagcutting? Ah dahil nga pala sa babaeng 'to.







"Dapat tinawagan mo na lang yung parents mo." Biglang bulong ni Gabb sa akin.





"Ayaw mo rin naman ipatawag parents mo ah?" Balik na tanong ko.





"Tss! Bahala ka." Bulong nito.






Lumapit na samin si Mr. Shok na may dala dalang gabundok na papel.

"Eto yung mga papers ko, ang kaylangan niyo lang gawin, i-retype dahil napadaming error na ginawa ang ibang estudyante diyan."






Huh? Gawain mo ipapasa mo sami-"






"Fine, gagawin ko po." Biglang sabi ni Gabb.






"How 'bout you trinidad?"










Mygab titingnan ko pa lang yung mga papel gusto ko na magback out. Dapat pala sinunod ko na lang yung sinabi niya, na tawagan na lang si dad. But kaylangan ko tong gawin, sawa na kong mapagalitan, kaylangan kong harapin yung parusa, sounds dramatic but it is.







"Gagawin ko po." Taas noong sagot ko.




*after class*

"Tawagan mo na lang ako Coco, pagmagpapasundo ka na ah?" Sabi ni ate abby at tuluyan nang umalis.


Naiwan kaming dalawa sa room na'to kasama ng mga gawaing papel at laptop. Hindi nman masyadong mahirap ito dahil ireretype lang siya, sadyang nakakapanghina lang yung dami.






Walang nagsasalita sa amin, tanging tunog lang ng keyboard ang nagsisilbing ingay.

Lumipas ang ilang oras bigla siyang tumayo.

"I'm done." Makling sambot niya at agad na inayos ang laptop at ang mga papel.




Gusto kong sabihin na "tulungan mo ko." Or " hintayin mo ko." Pero sino ba naman ako? And the way she aproached me, its just like I'm stranger again.






Pinilit kong ibaling sa laptop ang tingin, habang naglalakad na siya palabas ng room, Wala na talaga siyang pake.






I'm not being dramatic because she leave me here? Nor she didnt lend a hand to help me. I just hate to be alone.








At eto na ko ngayon mag isa kasama 'tong mga papel.

Bakit ba kasi ako nag desisyon na tangapin yung letcheng mga papel na 'to. Kung pwede ko namang ipatawag na lang si dad.





I bit my lip while avoiding to shred my tears. It feels like every decision I make nothing but a failure.

Biglang bumukas ang pinto, napatigil ako sa aking ginagawa habang pinapanood siyang maglakad papalapit sa akin.

Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Nakatalikod siya sakin habang Iniinom ang isang can ng ice coffee.





I suddenly felt relieve. Finally may kasama na ako. She came back.







I continued my work faster.
I ignore the annoying lump in my throat. I just want to ended this papers





Habang nagtatype, May mga tanong pa rin na tumakbo sa isip ko.

"Why she comeback?"



"She still care about me?"




"Bat niya ko hinihintay?"






Bigla niyang inabot patalikod yung kapeng hawak niya sakin, patalikod kaya hindi pa rin siya humaharap

"I know you're thirsty already." She said.





Para bang natuwa ang puso ko. kahit na galit siya sakin dahil iniwasan ko siya nung isang araw, she still care about me.









"Ano ba ayaw mo ba?" Biglang salita nito kaya agad kong kinuha sa kamay niya.




"Wag ka na lang umarte, libre na lang yan so atleast you don't owe any single thing from me." She said with a cold voice. I guessed she still mad at me.





"T-thank you."








Agad kong tinunga ang ice coffee dahil kanina pa ako mamatay matay sa uhaw. Parang nabanlawan ang buong pagkatao ko sa lamig ng kape na ito dumapo sa lalamunan ko. Nagising rin ako at mas ginahan.






"She put her mouth on this thing too, right?" I said in my mind while starring at the mouth of the can.




Why I'm fluttering like this? mga tanga lang yung kinikilig sa indirect, indirect kiss na yan.

But sadly I'm that kind of stupid kaya ngiting ngiti ako dito na parang baliw.







Binaling ko ang tingin kay Gabb na nakayuko na sa lamesa. She's sleeping.

Pano niya nagawang matulog ng nakaupo lang? And specially sa gantong lugar?





At naalala ko she said she's suffering to abnormal type of insomnia?







But I've always saw her sleeping when I'm with her? So anong insomnia pinagsasabi niya?





I guessed she's just lied about that.








Tinuloy ko na ang pagtatype ko dito at mas napabilis pa ito. Hangang sa finally, natapos ko na ang pinaka last page. Nagsasayaw ako dito. Feeling ko ang sipag sipag kong magaaral.






Tinabi ko na sa bag ko yung laptop at dinala na yung nagkakapalang papel.
Agad akong lumapit sa pwesto niya.
Dahan dahan ko siyang ginising, but she just ignore me.






"Gabb, wake up." Marahan kong tinapik tapik ang mataba nitong pisngi para magising na siya. Sa bawat tapik ko ganun rin ang pagkunot ng kaniyang noo at nanatili pa ring nakapikit.





"Gabb anong oras na." Sambit ko at sa wakas dumilat na ang mga nata nito.




" Anong oras na!?" Pikit na tanong nito.






"Almost 6pm?" I answered.





Bigla itong dumilat at nilibot niya ang tingin sa paligid.

"T-tapos ka na?"







"Hmm." Tango ko.





"T-tara na." Aniya at pinagpagan ang skirt niya.







Agad kaming lumabas at nilock yung pinto ng room. Naglakad na kami papuntang office para ipasa tong mga natapos namin.

Tulad nga ng dati, napakabilis niyang maglakad, halos magkanda tapilok na ako dito, kakahabol para lang mapantayan siya.






Tumatakbo pa rin sa isipan ko yung kanina, kaya hindi ko na mapigilan itanong sa kaniya.

"Gabb." Tawag ko, pero deretso pa rin itong naglalakad.





"B-bakit ka pa naghintay doon? K-kahit tapos ka na sa gawain mo?"



Huminto na siya sa paglakad at humarap na sakin sa wakas.

"Sarado na yung office, itabi mo na lang yan sa locker room mo at bukas mo na ipasa." Tanging sagot niya.




Hindi niya sinagot yung tanong ko.





I was expecting na sasamahan niya rin ako hangang locker room, pero hinde.





Feeling special coleen?







GABB's POV.

" Bakit ka pa naghintay doon? Kahit tapos ka na sa gawain mo? Blah blah! As if naman na kayanin mong maiwan mag isa doon?" I mumbled.






"Oh gabb? Still here?" Jamie.




"Uhm, just done  some errands." Ngiting ani ko.




"We're about to close the library na rin, kami na lang rin naiwan dito." Sambit niya







"Kami?" Tanong ko.






"Kami ni Cole." Sagot ni jamie.







Sunod na lumabas sa pinto si Cole, binigyan lang ako nito ng usual cold na titig. Nararamdaman kong parang may galit siya sakin, like I steal something from her.

"Kung sabay sabay na kaya tayong lumabas ng campus?" Biglang salita ni jamie kaya agad naputol ang tensyon.





"Coleen?" Biglang sabi ni Cole at dumeretsyo sa likuran ko, nasa likod ko si Coleen, nakatayo.

"Uuwi ka palang?" Tanong niya dito at tinulungan buhatin yung bag niya.




"Uhm, ang daming ginawa e." Sagot ni Coleen.





Inunahan na namin sila maglakad, dahil wala akong balak maghintay.

"Hey, jamie." Tawag ko dito habang naglalakad.






"Hmm?" Lingon nito sakin.





"Let me help you for that." Tukoy ko sa bag niya.





"Sure, if you insist." Ngiting sambit niya at inabot na sakin yung bag niya.







Jamie, bat ambigat ng bag mo? Nagdala ka ba ng libro o dinala mo na yung buong library sa loob nito.





But somehow I feel cool while carrying her sandbag. Ito pa lang yung pakiramdam ng ibang guy tuwing nagbubuhat ng bag ng girl. I feel proud to myself and amazing at the same time.




Napansin kong nuunahan ko na siyang maglakad, ako kasi yung tipo na laging nagmamadali tuwing naglalakad kaya.

Nag dahan dahan ako at niliitan ang hakbang ko para mapantayan siya, napansin niya rin yun kaya binigyan niya ko ng isang matamis at mala anghel na ngiti.





Her smile can make someone burst their heart out of their chest but it did'nt affect me at all. Sobrang ganda nang ngiti niya pero wala itong epekto sakin.








Maybe dahil may kilala akong mas maganda ngumiti. Then I caught myself glimpsing at the girl in the back.





COLEEN's POV.

Huh? Tama ba tong nakikita ko? Binuhat niya yung bag ng jamie na yan? she even adjust the way she walk?




Nung nakain niya?





Pero nung magkasama kami, halos tumakbo na ko para mapantayan yung lakad niya.



I can't help, but to compare myself to that jamie. Ang obvious naman kasi ng treatment niya. Tf.






"Coco, dahan dahan lang." Biglang sabi ni Cole.





"Ha?"






"Dahan dahan lang sa paglalakad, para ka nang tumatakbo e." Aniya.






"S-sorry, nasanay lang." Sagot ko.









Binalik ko ang tingin sa dalawang babae sa harap at nakangiti na ngayon si jamie, tinignan ko naman si Gabb.
I caught her, She glimpse at me.






What was that?









GABB's POV.

"Can you tell me about Cole?" Tanong ko kay jamie.




"Why? You're interested to her?" Pabalik na Tanong niya.






"Not really." Pag iling ko.






"Sure, she's Nicole zomera, she's one of the member of volleyball team name "black mamba." She's the youngest there along with frances."

"she's good at acads too And she's my assistant librarian."






Yung way nang pagkwento niya about cole, parang proud na proud siya, halata sa ngiti nito. Did she likes cole too?

"She's one of the popular student here for being athletic, honor student, and friendly."





"I see, no wonder she easily catch the heart of that bratt." I mumbled.





"What?"










"Nothing."




COLEEN's POV.

"Uhm? She like books? She's smart and kind?" She answered honestly about jamie.





"What the hell is that? I'm asking about her flaws? Imperfection?" Iritang sambit ko.






"E-ewan, she's too perfect kasi e." Sagot ni Cole at napakamot na lang sa batok niya.





So gusto talaga ng ungoy na yun, yung mga kasing talino niya? Huh?






"Bakit natanong mo si Jamie?" Cole.





"Nothing, I'm just curious."







Finally, nakarating na kami sa gate. At naghihintay na lang.

"Coleen, hindi ka pa sasabay?" Tanong ni Cole.





"Uh? Hintayin ko na lang si ate abby."
Sagot ko.





"Sure ka?" Pag ulit niya pa.






"Uhm yeah." Tango ko at nagthumbs up na lang sa kaniya.

Pinaandar na ni Cole yung car niya at nauna nang umalis.






"Nandiyan na pala yung driver ko, bye Gabb, bye Coleen." Biglang sabi naman ni jamie.



So kaming dalawa na lang ni Gabb ang naiwan dito- ay mali, ako na lang pala yung naiwan. That bastard left me here and went to the parking lot.






I knew it, talagang hinintay niya lang makaalis si jamie.







"Omoo bat ba kasi dinala pa ni ate abby yung kotse ko, tsk!" Sigaw ko dito.






"Hoy, sumakay ka na dito." Biglang sabi nito hindi ko namalayang nasa harap ko na yung kotse niya.





"N-nagpasundo na ko kay ate abby." Pagpakipot ko, may pride pa namang natitira sakin kahit papaano.






"Eoy! Eto na eto na! Sasakay na." Sigaw ko nang walang atabuli niyang sinara ang bintana ng kotse niya.

Muntik na kong iwanan ng mokong na to. Mygod.








"Dun ka sa backseat." Sabi niya kaya napairap na lang akong umupo doon.

Hinarurot niya na ang kotse, lagi siyang sumisingit sa ibang kotse at napakabilis niya pang magmaneho na parang last day niya na'to sa mundo.





At buti naman nag red lights na kaya naisipan niya ng ihinto ang sasakyan.

"G-gabb!! Ano ba! Ihatid mo muna ako samin, bago ka magpakamatay!" I started to have a conversation with her.





"Gusto kitang kasamang mamatay e? Anong magagawa mo?" Palaban na sagot nito.








"A-ayoko muna, may pangarap pa ko."
Ani ko.






"Ano?" Kunot noong tanong niya.






"Ikaw, pangarap pa kita. wag mo munang patayin sarili mo." Biro ko pero hindi 'to biro.







Ang akala ko matatawa siya pero tinitigan niya lamang ako, kitang kita ang lungkot sa mata niya.

Agad niyang binalik ang tingin sa kalsada, nang mag green lights, agad niyang pinaandar ang sasakyan at sa  tamang bilis na.







Nanatili kaming natahimik sa buong byahe, walang umiimik, walang nagsasalita.

Nagsisimula na namang maglaro sa isip ko yung mga bagay na gustong gusto kong itanong sa kaniya hangang sa hindi ko na mapigilan ilabas sa bibig ko.

"Y-you like jamie? Aren't you?"







"Hmm, yeah." Mahina niyang sagot.






Aray?







Mas saktan natin sarili natin, diba malakas ka self.

"I t-think she likes you too." Dugtong ko.






"You think? we've just met yesterday."
Sagot niya, pero nanatiling blanko ang mukha nito.





"T-then try to court her? Ligawan mo siya." sambit ko.







Unti unti nanaman bumibilis ang andar ng kotse. Napansin kong pinanggigilan niya ang silinyador.
Halos lumabas na rin ang ugat sa kamay niya sa sobrang higpit sa pagkakahawak sa manibela. Kitang kita sa salamin sa harapan ang salubong nitong kilay at pagigting ng panga nito.

I think she's mad.

She's mad as hell.


Did I say something that made her upset?"





"Bat kaylangan mong sabihin kung anong dapat kung gawin?" Taas kilay nitong sambit.




"Ewan, s-suggestion lang." Ani ko at
binaling ang tingin sa bintana.








Huminto na kami sa tabi, nilibot ko ang tingin sa paligid, nandito na pala kami sa tapat ng condo.

Bumaba na ako dahil gustong gusto ko nang umuwi at tumakbo sa kama ko at magiiyak doon.






"Coleen." Biglang tawag niya kaya agad ko itong nilingon.





"I will start courting jamie, if you finally confess your feelings to cole." Huling sambit nito bago umalis.






Naiwan akong tulala dito, nanlalamig, at hindi makapaniwala.






Fuck.






She really think I have a feelings for Cole?





Forgodsake! Cole is just a best friend to me! thats all!




Ugh!




This is so messed up.






GABB's POV.

"T-then try to court her."


"Tsk! Talagang ganon kadali na lang sabihin yun para sayo huh?" Taas kilang na tanong ko sakaniya.



Dapat talaga niligawan ko na si jamie, simula nung araw na nirereto siya sakin ni brei. Kung hindi lang sana siya umepal, kung hindi lang sana niya ko ginulo.

The first time, I saw jamie it feels like heaven because of her smile and her great attitude, Parehas kami ng gusto, hobbies at lagi kaming magkasundo But—



And seeing that bratt face it feels like, she always show me her fake smile, she have annoying attitude. Wala siyang alam sa mga gusto ko which is siya, at hindi kami laging magkasundo but—





Even jamie had it all I want.. I still want to choose that bratt! I don't know what's wrong with me!







And now, she told me to court jamie. The fuck?




Sumangayon naman ako, at pag umamin siya kay Cole talagang liligawan ko si jamie? The fuck?







Whatdafuvk with you Gabrielle!






Aaargh!!







Tangina!








Nababaliw na ko.









This is so messed up.

















Saglit na explanation lang ito hehe:

Kung pano mapanaginipan ni Gabb si Coleen, Ganon rin si Coleen. Madalas niya rin mapanaginipan si Gabb.
Ang pinagkaiba lang sa kanilang dalawa.

Blurred/malabo lagi yung panaginip ni Gabb, sa sobrang labo hindi niya na makilala yung mga tao sa panaginip niya, at tuwing gigising siya ang tanging naaalala niya lang ay yung bawat detalye at pangyayari.

Malinaw naman yung panaginip ni Coleen, sa sobrang linaw, nakikilala niya yung mga taong nasa panaginip niya, pero nalilimutan niya yung nga pangyayari sa tuwing gigising siya.

Yun lang. Ang gulo diba?

Ayoko sana iexplain, kase nakafocus lang kayo sa romcom part eh. Hehe.











Still... salamat sa pagbabasa 💕

Continue Reading

You'll Also Like

97.1K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
1.1M 27.4K 127
A story made for Jedean Gawong Fan🌈 If you're against the LGBT Community please skip the story😊 Godbless everyone😇
12.9K 720 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
13.5K 101 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...