Hiding The Billionaire's Heir...

By bitchymee06

6.5M 191K 75.8K

R18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. Jandie Mendoza is a typical secretary... More

HTBH
BLURB
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
FINAL CHAPTER
GET YOUR COPIES!

CHAPTER 10

201K 7K 2.2K
By bitchymee06

Puting silid ang una kong nakita sandaling iminulat ko ang aking mga mata. Sa amoy at itsura pa lamang ng paligid ay nasisiguro kong nasa ospital ako. 

"Hey," someone spoke beside me.

Marahan kong ibinaling ang aking paningin sa kanyang direksyon. "Caster," namamaos kong sambit.

Matipid niya akong nginitian bagamat bakas ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. "How are you feeling? May gusto ka bang kainin?" magkasunod na tanong niya.

Umiling ako at saka sinubukang bumangon mula sa pagkakahiga. Agad naman siyang tumayo at inalalayan ako sa aking pagkilos. Isinandal ko ang aking katawan sa headboard ng hospital bed at saglit na pinasadahan ng tingin ang sarili ko.

"Ano'ng nangyari?" usisa ko at inangat ang kamay kong may nakatusok na s'wero.

"You passed out last night because of too much fatigue and stress," he started explaining.

Last night? Ibig sabihin ay umaga na ngayon.

"Don't worry the doctor said that your baby is fine. Wala kang kailangang ikabaha—"

"What? C-Come again?" nauutal na pagsingit ko sa kaniyang pagsasalita nang narinig ko ang katagang hindi ko inaasahan.

Nangunot naman ang kanyang noo. "I said you don't have to think too much because the doctor said your baby is fine, although you really need to avoid stress," pag-uulit niya na ikinahigit ko ng hininga.

"Baby?" usal ko at marahang ibinaba ang paningin sa aking tiyan. "Buntis ako?" hindi makapaniwala kong paninigurado.

Tiningnan niya ako ng may pagtataka. "Hindi ba kayo nagkaayos ni Villa Forca? I thought... he's the father," alanganin niyang sambit.

Mabagal akong umiling at napatulala sa kawalan kasabay ng paghawak ko sa manipis kong t'yan. 

May buhay sa loob ko? Paano nangyari 'to?

"Are you okay? You look bothered. Hindi naman sa nangingialam ako pero baka lang makatulong."

Napalunok ako at tumingin sa mata ni Caster. Asta kong ibubuka ang aking bibig para magsalita, pero hindi ko alam kung ano ba dapat kong sabihin. Kung saan ako magsisimula at kung paano ako magpapaliwanag. Dahil maski ako ay walang alam. Mukhang nahalata niya ang kahirapan kong magsalita kaya naman marahan niya akong tinapik sa balikat.

"Don't force yourself," tipid niyang sabi at saka ngumiti.

Napabuntonghininga ako. "How the hell did this happen?" naguguluhan kong tanong at tumitig kay Caster na para bang makakakuha ako ng kasagutan sa kanya.

"Seriously, to be frank, I haven't had sex with anyone since Achetbir and I broke up. That's why I kept asking how did I become pregnant?" pagbubukas ko sa aking isipin.

Nangunot ang noo ni Caster sa aking sinabi. He even stared at me for a long time like he's searching for a joke. I'm freaking serious!

"Seryoso ka?" usisa niya at saka umupo sa upuan na nasa tabi ng aking hospital bed para mas makapag-usap kami nang maayos.

Simpleng tango lang naman ang aking nagawa bilang tugon. "Hindi rin ako naglalasing kaya imposible na may nakatalik akong hindi ko alam," sabi ko.

Sa sobrang pahirap na ipinararamdam sa akin ni Achetbir mula no'ng naghiwalay kaming dalawa ay palagi lamang akong lagpak sa aking kama pagkakauwi.

"Kailan mo ba naramdaman ang mga pangingiba sa 'yong sarili?" kuryosong tanong ni Caster.

Napaisip naman ako roon. "Isang linggo pagkatapos kong magpa-check-up sa hospital ay napansin ko ang malimit kong pag-ihi. No'ng sumunod na mga linggo naman ay nagsimula akong maging antukin. Then this past few days I found myself being meticulous at my foods."

"Ano ba'ng ginawa sa 'yo noong nagpa-check-up ka?"

"The Dra injected something—" napatigil ako sa pagsagot nang naalala ang kakaibang likido na aking naramdaman noon.

Could that be?

Marahil ay napansin ni Caster ang aking pagkakatigil kaya huminga siya nang malalim. "I think you need to go back to that hospital so your questions would be answered," aniya.

Magkakasunod akong napalunok kasabay nang pagkabog ng aking dibdib sa kaba.

"So, what's your plan about that?" usisa niya sa 'kin at saka sumilip sa bandang tiyan ko.

Ano nga ba?

"Hindi ko rin alam. Sobrang nabibigla ako sa mga nangyayari, pakiramdam ko ay napaglaruan ako ng tadhana," tugon ko.

Naramdaman ko naman ang muli niyang pagtapik sa aking balikat. "If you need anything 'wag kang magdalawang isip na tawagan ako," sinserong wika niya at tipid akong nginitian.

Matipid na ngiti na lamang din ang isinukli ko. "Palagi ka na lang nand'yan sa tuwing napapahamak o nangangailangan ako ng tulong," nahihiyang sabi ko.

He chuckled softly and pinched my nose. "You're like a sister to me, Jandie, medyo incest nga lang kasi hinalikan mo ako." Pagbibiro niya na ikinapula ng aking mukha sa hiya.

"Caster!" I hid my face using my palm.

He burst in laughter. "Now, you're smiling." He gave me a genuine smile.

Natigilan ako at napahawak sa aking tiyan. "Salamat," sinserong sabi ko kasabay ng aking tipid na pagngiti.

"It's my pleasure to help," he answered.


TULAD nang napag-usapan namin ni Caster ay bumalik ako sa hospital na aking pinagpatingnan. Nag-take ako ng sick leave para maasikaso ang mga bagay na dapat kong malaman. Kinakabahan man ay kailangan kong alamin ang totoo.

"You looked pale. Can you relax for a bit?" he asked as we both wait for my turn to be called by the nurse.

Yeah, Caster was with me. Bukod sa hindi siya pumayag na hindi ako samahan ay kailangan ko rin talaga ng kasama ngayon para harapin lahat ng 'to.

"I can't help it." I bit my lower lip and tried to shake my hands.

He sighed and held my hands, then caressed it. "I am with you, okay?" he assured.

Mapait na lang ako na napangiti. Kung sino pa ang tao na ngangayon ko lang nakilala ay siya pang naging sandigan ko. Hindi ko maiwasang isipin na kung sakali na maayos ang sitwasyon namin ni Achetbir at nangyari ang lahat ng ito, will he still stay with me?

"Miss Mendoza, turn niyo na po," pagtawag ng nurse na siyang nakapukaw ng aking atensyon.

Caster and I looked at each other before we stood up. Pinauna niya ako sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang bungad ng pintuan. I took a deep breath and glanced at Caster who's behind me. Tipid niya akong nginitian at tinanguan na tila sinasabi sa akin na nariyan lamang siya.

Slowly, I turned the doorknob to open. Sumilip muna ako bago marahang pumasok. Ramdam ko naman ang pagsunod sa akin ni Caster mula sa likuran.

My brows furrowed as I looked at the Dra who's currently writing something on her white paper sheets. Umangat ang kaniyang paningin sa 'ming direksyon at saka itinuro ang upuan na nasa kanyang harapan. 

"Have a seat," nakangiting usal niya.

Hindi naman ako agad nakakilos at inilibot ang aking paningin sa loob.

"What's wrong?" usisa ni Caster at naglakad sa aking tabi.

I looked at him and glanced back at the doctor who's curiously looking this time at my action. "She's not the one who accompany me that day," I murmured.

Mabilis naman na naintindihan ni Caster ang aking punto. He held me on my arm and gently walked me to the doctor's place.

"Sorry for asking, Ma'am. Is there another doctor assigned to this room besides you?" magalang na tanong ni Caster nang nakaupo kami sa parihabang upuan.

Nangunot naman ang noo ng doktora sa kanyang tanong. "Wala, hijo. May kanya-kanya kaming space ng mga doctor dito. Why did you ask? Ano nga pala ang ipapatingin niyo?"

"Ahmm, nagpunta po kasi ako rito noong nakaraang buwan, Ma'am, para sa check up ko for my irregular menstruation..." pagsingit ko sa kanila na ikinatuon sa akin ng atensyon ng doktora. "Pero hindi po kasi kayo ang doktora na nagtingin sa akin. May problema po kasi ako kaya bumalik ako rito para kausapin siya," magalang na paliwanag ko.

Napasandal ang doktora sa kanyang upuan. "That's impossible. Ako lang naman ang doktorang pumapasok dito sa aking silid," aniya. "Ano ba ang naging problema?" dugtong niya kapagkuwan.

Nakagat ko naman ang ibaba kong labi at humigit ng hininga. "B-Buntis po kasi ako..." panimula ko. "Hindi ko po alam kung pa'no nangyari iyon dahil wala naman po akong nakakatalik. Naramdaman ko lang ang sintomas ng pagbubuntis ilang linggo pagkatapos kong magpatingin."

The doctora's forehead creased. "You are saying that she did something to you which caused your pregnancy?" paglilinaw na tanong niya.

Marahan akong tumango bilang sagot. 

Napaawang ang kaniyang labi at mabagal na napailing. "I can't utter any words. Kung doktora iyan sa hospital na 'to pa'nong nangyari na silid ko ang napasok niya?"

Natigilan ako roon at napaisip. May punto siya, kung matagal ka ng nagtatrabaho sa isang lugar paano nangyari na ibang silid ang napasok mo?

"Don't worry, magtatanong ako sa iba kong kasamahan kung sino sa kanila ang pumasok sa aking lugar at sasabihin ko sa 'yo nang makapag-usap kayo nang maayos."

Tipid na lang ako na napangiti, nawawalan ng pag-asa. "Salamat po."

"Pasensya ka na, hija, ito lang ang maitutulong ko. Wala akong alam sa nangyari sa 'yo, wala rin namang nauulit sa akin ang aking mga kasama na pumasok sila sa aking silid habang wala ako."

"Naiintindihan ko po," magalang kong tugon kahit nanlulumo ang aking kalooban.

Paano na ito? Wala akong sagot na makukuha sa mga nangyayari sa akin.

Namaalam na kami sa doktora at nagpasalamat. Humingi na rin ako ng dispensa sa abalang naidulot ko sa kanya bago kami lumabas ng silid.

"What now?" bulong ko at napatingin kay Caster habang naglalakad kami sa hallway palabas ng hospital.

"Did you recognize her?"

Tumango naman ako bilang sagot. We are about to turn to our way when I saw a familiar image.

"That's her!" I shouted lowly as I held on Caster's arm while pointing at the doctora's direction. Kasalukuyan siyang naglalakad palabas ng ospital. 

"Tara, dali!" sigaw ko at hinila si Caster para makasunod sa ginang.

"Hey, slow down baka madapa ka at mapaano ang bata," Caster reminded.

Natigilan ako nang naalala ang sitwasyon ko. 

Oo nga pala, may inaaalagaan na ako ngayon.

"Let's go. We don't need to rush, mabagal naman ang lakad niya," he said and tapped my head.

Siya naman ang kumalikad sa akin ngayon sa mabagal na paraan. Ilang segundo pa ay nakarating kami sa parking lot at ilang distansya na lamang ang layo namin mula sa ginang. Asta niyang bubuksan ang kotse niya nang kuhanin ko ang kanyang atensyon.

"Doktora!" I called.

Natigil siya sa kanyang ginagawa at napalingon sa akin. Recognition shot through her face as she looked at me. Sinalubong niya ako ng abot tainga na ngiti.

"Doktora naaalala niyo po ba ako?" tanong ko nang tumigil kami sa kaniyang harapan.

"Yes, ikaw 'yong pasyente ko noong nakaraan," tugon niya.

Nakagat ko ang ibaba kong labi at napatingin kay Caster. Tinanguan niya lang naman ako bilang senyales ko sa pagsisimulang magtanong.

"Doktora, hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Buntis po ako ako, Ma'am," I said.

Nakita ko naman ang kasiyahan ng ginang dahil sa aking sinabi. "Congratulations then!" masayang sambit niya.

Napaawang ang aking labi. Ilang beses pa akong napakurap bago nanumbalik sa reyalidad.

"Pero doktora wala po akong nakakatalik na kahit sino. Nagpunta po ako ng ospital para maging maayos ang aking regla hindi para mawala," puno ng frustasyon na paliwanag ko.

Namilog naman ang kanyang bibig dahil sa aking sinabi. "You mean, you did not come there to be pregnant?" paglilinaw na tanong niya.

"Po? Syempre po hindi," sagot ko.

"Oh shit! What have I done?" namomroblemang tanong niya kasabay nang paghilot sa kanyang sintido.

"Mind to explain what's happening, Doc?" pagsingit ni Caster.

Tumingin naman siya rito bago muling ibinalik ang paningin sa akin. "I am sorry, miss, but I accidentally inseminated the billionaire's sperm in you," she stated.

Nanigas ako mula sa aking pagkakatayo at napakapit sa braso ni Caster. Ramdam ko ang paghaplos niya sa aking likod bilang suporta. Hindi agad ako nakaimik sa sinabi ng doktora.

"Can we know whose sperm it was? May karapatan naman siguro kaming malaman. Besides we can sue you for this, Doctora," malamig na banta ni Caster sa huli.

I saw how her face paled. Kahit papaano ay naramdaman ko ang takot niyang mawalan ng trabaho kaya naman marahan kong pinisil ang braso ni Caster. He looked at me curiously, I shook my head slowly for disapproval. Nagpakawala naman siya nang malalim na hininga dahil doon.

"Sino po ang ama ng batang dinadala ko?" mahinahon kong tanong bagamat kinakain ako ng kaba.

Tumingin naman sa akin ang ginang at napalunok. "Achetbir Villa Forca," tugon niya.

Tila nanlambot ang aking tuhod ng sandaling 'yon, mabuti na lamang at mabilis na nakaalalay sa akin si Caster.

Dinadala ko ang anak ng dati kong nobyo!

Continue Reading

You'll Also Like

2M 12.2K 9
Hiding Series #2: Billionaire's Twins (Completed) - Soon to be Published SYNOPSIS Fayre is a promdi girl who has a simple dream. And that dream is on...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
179K 9.8K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
34.9K 1.9K 32
Samantha Eliza Lavega, a 21 years old daughter of Mr. Ismael and Mrs. Joyce Lavega is suffering for being an unwanted bride of a well known businessm...