Hiding The Billionaire's Heir...

By bitchymee06

6.5M 191K 75.8K

R18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. Jandie Mendoza is a typical secretary... More

HTBH
BLURB
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
FINAL CHAPTER
GET YOUR COPIES!

CHAPTER 9

194K 6.5K 2.6K
By bitchymee06

"Jands. Uy, Jandie."

Nagising ako sa marahang pagtapik sa aking balikat. I opened my eyes slowly and saw Serah curiously looking at me.

"Okay ka lang?" may pag-aalala niyang tanong.

Nangunot naman ang aking noo at saka unti-unting pumasok sa aking isip ang lahat. Napabalikwas ako ng bangon at tumingin sa aking relong pambisig. Ang trabaho ko!

"Fvck!" mahinang pagmumura ko nang nakita na malapit nang mag-uwian.

"This past few weeks palagi ka na lang inaabot ng antok dito sa opisina. Nagpupuyat ka ba?" kuryosong tanong ni Feya.

Mabilis kong inayos ang mga natitirang papeles sa aking lamesa at binuhay ang aking PC upang i-encode 'yon.

"Hindi ko rin alam kahit ako naninibago sa sarili ko, hindi naman ako nagpupuyat," sagot ko habang nanatili ang tingin sa aking kompyuter.

"Baka naman bumababa ang dugo mo kaya ka nagiging antukin," sambit ni Serah.

Nagkibit-balikat ako at kagat-labing nagtipa nang mabilis. "Mabuti na lang at hindi lumalabas si Achet—" I heaved a deep breath because I almost called him by his name again. "Boss sa kanyang lungga kung hindi lagot ako," mahinang bulong ko.

"Talaga!" mabilis na pagsang-ayon ng dalawa.

Ramdam ko pa rin ang kagustuhan kong matulog ngunit pinigilan ko ang aking sarili na magpadala. Bukod sa may mga nag-aantay sa aking trabaho ay naroon ang takot sa aking dibdib na madatnan ni Achetbir.

Baka hindi lang maging tigre ang isang iyon, halimaw na.

Hindi na muli ako nakipag-usap sa dalawa kong kasama upang mamadali ang aking ginagawa. Luckily, Achetbir didn't gave me a bunch of files this time. Natuon ang kanyang pagpapahirap sa pagpapabili sa akin ng kung anu-anong bagay sa tindahan sa labas. Minsan hindi ko maiwasang mag-isip na magdala na ng stocks at magtayo ng groceries store rito sa departamento para sa akin na siya bumili, bwiset.

Come here.

His deep baritone voice lingered in the speaker.

Napahinga ako nang malalim at saka inayos ang aking lamesa.

"Hanga rin naman talaga ako sa isang 'yan. Hindi nga nangangaltas ng sahod, nangangaltas naman ng pangalan," Feya murmured.

I chuckled at her statement. Napansin ko rin 'yon, habang nagtatagal ay unti-unting nawala ang pagiging pormal niya sa akin. Mayroon mang munting kirot na idinudulot iyon sa aking sistema ay pinipili ko na lang na huwag pagtuunan ng atensyon.

"Sige na, pumunta ka na, ako na ang tatapos nito para makasabay ka sa 'min umuwi." Itinaboy ako ni Serah.

Tipid akong ngumiti at nagpasalamat bago tumayo. Naglakad ako patungo sa opisina ni Achetbir, tulad ng normal kong ginagawa ay kumatok muna ako ng tatlong beses saka pumasok sa loob.

I bowed my head before looking at him. "Ano po'ng maipapaglingkod ko, Sir?" magalang at pormal kong tanong.

"Bilhan mo ako ng turon sa labas, 'yong bagong luto."

Kung dati-rati ay nagugulat ako sa kaniyang mga utos, ngayon ay inaasahan ko na ang lahat ng ito.

Turon naman ngayon ang trip niya. Kaunti nalang ay iisipin kong nagpapraktis na siyang maging mahirap.

"Iyon lang po ba?" Wala sa sarili akong napahawak sa segundura ng pinto na nasa aking likuran nang bigla akong atakihin ng pagkaliyo. 

Saglit akong pumikit at mabilis na nagmulat para hindi niya mapansin ang aking sitwasyon.

Kumain ba ako kaninang tanghali?

Nakita ko ang pag-angat ng kaniyang kaliwang kilay habang nakatitig sa akin pagkatapos ay nagpakawala nang mabigat na hininga. "Iyon lang, sige na makakaalis ka na," aniya.

Yumuko naman ako ulit bilang paggalang saka lumabas ng silid. Sumilip ako sa pwesto ng mga kaibigan ko at isinenyas na bibili lang ako sa labas. They both rolled their eyes with annoyance flashed through their faces. Tamad silang tumango sa akin at tuluyan ko na silang tinalikuran para umalis.

Ilang minuto ang lumipas at nakahanap na nga ako ng magtititinda ng turon. Muli naman akong nakaramdam ng liyo kaya mariin akong pumikit at namahinga. Mabuti na lamang at nakuha sa pahinga ang pagkatapilok ko noon kung hindi ay siguradong putol na ang aking paa ngayon dahil sa paglalakad sa tuwing may inuutos siya.

"Kailangan ko na rin sigurong magmeryenda," bulong ko sa hangin bago ako lumapit sa tindera.

Tulad ng gusto ni Achetbir ay pinili ko iyong babagong luto, bumili rin ako ng para sa akin bago ulit naglakad pabalik sa kumpanya. Hindi ko alam kung bakit nitong nakaraan ay napapadalas ang aking pagkaliyo, ganoon na rin ang aking pag-ihi, at pagiging antukin. Naisip ko rin na epekto siguro ito ng gamot na inilagay sa akin ni Doktora noong nakaraan kaya ipinagkibit-balikat ko na lamang ang lahat.

Halos labing limang minuto rin ang lumipas bago ako nakabalik sa loob ng opisina ni Achetbir. Magtatatlong araw na ring hindi napapadpad si Patriza rito sa kumpanya dahil sa isang photoshoot nito sa labas ng bansa. I am lowkey thankful because of it. Dahil kahit papaano isa lamang ang nagpapahirap sa aking sa pagbili ng kung anu-ano.

Tahimik kong inilapag sa tabi ni Achetbir ang pinabili niyang turon. Inilagay ko 'yon sa isang platito at nilagyan ng tinidor pati na rin isang munting kutsilyo. Tiningnan niya naman iyon bago bumalik sa inaasikasong papeles. 

"Ikaw na ang kumain niyan," usal niya.

Natigilan ako sa aking pagkakatayo. "Po?" pagpapaulit ko.

He stopped doing his thing and took a deep breath before giving me a cold glare. "Sabi ko ikaw na ang kumain niyan, nawala na ang gutom ko," walang emosyong paliwanag niya.

Gustuhin ko mang ipakita sa kaniya ang pagkaasar ko ay pilit ko iyong itinago. Wala na akong nagawa kung hindi ang kuhanin muli ang pagkain at yumukod bilang paggalang. Hamit na hamit na umalis dahil baka kung ano na lamang ang masabi ko sa inis.

"May kailangan pa po ba kayo?" iniwasan kong magtunog sarkastiko 'yon ngunit talagang kumakawala ang pagkainis sa aking sistema.

He raised his left eyebrow at me and leaned on his swivel chair. "Ibibigay mo ba ang hihingiin ko?" naroon ang mapaglarong tinig sa kanyang tanong.

I secretly gritted my teeth. Pinaglalaruan na naman ako ng isang ito.

"Kung kaya ko po."

He smirked and continued to focus on his work. "You can now leave," aniya.

Mabilis ko namang sinunod ang kaniyang utos dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili na irapan siya at pagtarayan.

"Oh, bakit dala mo iyan?" puna ni Serah.

I gave out a deep breath and sat on my chair. "Tinopak ang depungal at sa akin nalang ipinapakain," tugon ko.

Napangiwi naman siya dahil doon. "Kung hindi lang siya tigre ay iisipin kong gusto ka lang niya talagang pakainin kaso imposible iyon," aniya.

Natawa ako nang mahina sa kaniyang sinabi. "Imposible."

Itinabi ko ang ibang papeles upang hindi marumihan nang kakainin ko. Hinati ko ang turon at tinusok ang maliit na parte at saka ko iyon astang isusubo, ngunit mabilis ko iyong nabitiwan kasabay nang pagtakip ko sa aking bibig.

Tngna ang baho!

"Huy, okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Serah kasabay nang paghagod sa likod ko.

Hindi naman ako makaimik dahil sa pagpipigil ko sa 'king loob na huwag sumuka. Mangiyak-ngiyak kong itinabi ang turon sa malayong pwesto. Marahil ay napansin iyon ni Serah kaya inilipat niya iyon sa kaniyang lamesa.

"Hala! Jandie, buntis ka?" nagugulat na usisa ni Feya na siyang ikinatigil ko.

Nawala sa aking sistema ang kagustuhang sumuka dahil doon. Napatingin ako sa kaniya kasabay nang pag-awang ng aking labi. Ilang beses pa akong napakurap bago nakapagsalita.

"Pinagsasabi mo?" lutang kong tanong, nanlalamig sa isang ideya na ipinasok niya sa isip ko.

"Antukin ka, napapansin ko rin ang madalas mong pagbabanyo tapos ngayon ay ito at mukhang nasasamaan ka sa amoy ng turon," pagdedetalye niya.

Mabilis namang kinuha ni Serah ang turon at inamoy, hindi pa siya nakuntento roon kaya kumagat siya ng kaunti. "Okay naman," aniya.

"Hindi ako buntis, imposible iyon," sabi ko sa kanila.

"Paano mo nasabi ay may nobyo ka? Hindi ba kayo nagtatalik ng nobyo mo?" tanong ni Feya.

Namula naman ako dahil sa pagiging direkta niya. Kahit pa nasa mga wastong edad kami ay hindi ko pa rin maiwasang mahiya.

"Hindi nga kami ni Caster, wala akong nobyo at wala akong lalaking kinatatalik kaya imposibleng mabuntis ako."

"Pero nasisigurado kong nagdadalang tao ka, Jandie," giit ni Feya.

Si Serah naman ay tahimik lang na nakamasid sa akin.

"Paano mangyayari iyon? Imposible rin naman na may gumahasa sa akin ng hindi ko nalalaman."

"Mag-PT ka pagkauwi," suhestyon ni Serah.

Natahimik ako at kinabahan. Hindi ko maiwasang mapahawak sa aking tiyan at binalikan ang mga kakaibang nangyayari sa akin nitong nakaraan.

Simpleng tango na lang ang aking nagawa sa kanila.

Pareho naman silang napabuntonghininga at magkasabay na tinapik ang aking balikat. "Nandito lang kami," sabi ni Serah at binigyan ako ng sinserong ngiti ganoon din naman ang ginawa ni Feya.

"Pero hindi ko talaga maintindihan. Imposible talaga," mahinang bulong ko.

"Sa ngayon kailangan muna nating malaman kung buntis ka o hindi bago natin alamin kung paano nangyari ang lahat," ani Feya, mabilis siyang tinanguan ni Serah bilang pagsang-ayon.

Napahinga ako nang malalim at napatulala sa aking monitor.

Nagahasa ba ako?




ORAS na ng aming uwian ay hindi ko pa rin maiwasang mapaisip sa 'king sitwasyon.

Paano kung totoo nga na buntis ako?

Tila nawalan ako ng dugo nang isipin ko iyon. Iniwaksi ko iyon sa aking isip at pilit pinaniwala ang sarili ko na stress lang ang dahilan ng lahat. Wala naman akong nakakatalik buhat nang naghiwalay kami ni Achetbir. Imposible rin na may nakapasok sa condo dahil mahigpit ang seguridad doon. Isa pa ay kaming dalawa lamang ni Achetbir ang nakakaalam ng password ng pintuan.

Hindi rin naman makakatakas sa aking pakiramdam kung gagahasain ako ng isang iyon. Sa laki ng kanyang sandata ay imposibleng hindi ako magising.

"Tara na, Jandie, sumabay ka na sa amin," pagyaya ni Feya.

Wala akong nagawa kung hindi ang sumabay sa kanila ngayon pababa ng gusali dahil muli na naman akong nakaramdam ng liyo. Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit nang narinig ko ang pagbukas ng opisina ni Achetbir.

"Mendoza," pagtawag niya.

Doon ko pa lang iniangat ang aking paningin sa kanya.

"Tngna talaga, tinopak na naman ang isang iyan," pakinig kong bulong ni Serah.

Mabilis ko namang ipinatong ang aking mga gamit at naglakad palapit kay Achetbir.

"Sir." Marahan at tipid akong yumuko.

"Staple the files in my office," he said, then turned his back at me.

Napabuntonghininga ako at tumingin sa direksyon nina Feya.

"Mauna na kayo sa pag-uwi," I mouthed and went inside our boss' office.

Ipinagpapasalamat ko na hindi iyon karamihan kaya agad ko ring narapos sa loob ng limang minuto. Napatukod pa ako sa lamesa ni Achetbir nang muli na naman akong maliyo.

"Tngna," I cursed and heaved a deep breath, trying to calm my system.

Nang naayos na ang aking sarili ay lumabas na rin ako ng opisina at kinuha ang mga gamit ko sa aking pwesto saka lumabas ng departamento upang umuwi.

Nanlalagkit ako sa pawis habang naghihintay ng taxi na masasakyan. Pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga kasabay nang pag-ikot ng aking paningin. Nasa ganoon akong sitwasyon nang may tumigil na pulang kotse sa harapan. ko. Marahan na bumaba ang kaniyang bintana at mula roon ay nakita ko ang nakangiting si Caster.

"Want a ride..." pakinig kong wika niya ngunit hindi ko na nasundan pa ang mga sumunod niyang sinabi dahil unti-unti nang nandilim ang aking paningin.

"Jandie!" I heard him shouted as my body dropped on the cold road.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 44.8K 58
[Book 2 of 3] Tears shed, sacrifices has been made, complications hindered. After the long story of chase and heart breaks, Derick and Erica managed...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
1.9M 47.1K 37
Belle certainly didn't want to be late for her Inorganic Chemistry 1 class. Running an errand for a friend from UPD, she knew she would be late give...