Hiding The Billionaire's Heir...

By bitchymee06

6.5M 191K 75.8K

R18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. Jandie Mendoza is a typical secretary... More

HTBH
BLURB
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
FINAL CHAPTER
GET YOUR COPIES!

CHAPTER 8

192K 6.8K 4.7K
By bitchymee06

Tulala akong naglakad patungo sa 'king pwesto at pabagsak na umupo.

"Uy, ayos ka lang?" tanong ni Serah.

Marahan akong lumingon sa kanya at napalunok kasabay nang pamumuo ng aking luha. "H-Hindi ko alam," garalgal kong sagot.

Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha, si Feya naman ay napalingon din sa aking gawi sa kalagitna ng kanyang pagta-type sa kompyuter. Mabilis na tumayo ang dalawa at saka ako mahigpit na niyakap.

"Nandito lang kami, Jandie," bulong ni Serah.

Naramdaman ko ang paghagod ni Feya sa aking likod dahilan para pumatak ang mga luha kong pinipigilan mula pa kanina. Tahimik akong napahikbi kasabay nang pag-alala sa nakaraan namin ni Achetbir.

Ganito pala ang naramdaman niya no'ng panahon na humalik ako sa ibang lalaki, napakasakit.

Ilang minuto pa akong nanatili sa mga bisig nila bago ako kumawala at inayos ang sarili ko. "Salamat," pilit ngiti kong usal habang pinupunasan ang mga luha ko.

Naroon pa rin ang kalungkutan sa kanilang mga mata habang nakatitig sa 'kin. Dumadamay. Nag-aalala.

"Sige na, bumalik na kayo sa ginagawa n'yo. Maabutan pa tayo ni Boss na nagdradramahan dito pare-pareho tayong malalagot," pagbibiro ko.

Sabay naman na napabuntonghininga ang dalawa. "Gusto mo ba tulungan na kita riyan para naman hindi ka gabihin ng sobra?" anas ni Feya.

Marahan akong umiling at ngumiti sa kanila. "Ako na, mamaya malaman pa ni Achet—" I trailed off. "Boss na tinulungan niyo ako at pati kayo ay madamay pa sa init ng ulo niya," I continued.

"Naku! Sasapakin ko lamang siya. Nanggigigil na talaga ako riyan sa Boss natin, ha. Daig pa ang buntis at ikaw ang pinaglilinhan," asar na sabi ni Serah.

Hindi ko maiwasang tumawa sa kanyang sinabi. "Sige na, aayusin ko na ito. Salamat," sinsero kong wika sa dalawa.

"Sure ka, ayaw mong tulungan ka namin? I won't mind being scolded by that freak," pagpupumilit na sambit ni Feya.

Tipid akong ngumiti at saka tumango. "Day off ko rin naman bukas kaya ayos lang kahit mapuyat ako ngayon," ani ko.

"Mabuti naman at hindi niya napapagtripang alisan ka ng rest day." Si Serah habang salubong ang kilay sa inis.

Agad naman s'yang hinampas ni Feya sa balikat. "Ano ka ba? Baka marinig ka ng demonyo at dinggin pa yang sinabi mo!"

Napailing ako sa kakulitan ng dalawa at sinimulang ayusin ang mga papeles na pina-e-encode sa 'kin ni Achetbir.

"Hindi ba at naulit mo kahapon na magpapa-check-up ka bukas?" Si Serah habang hinihila ang kanyang swivel chair patungo sa pwesto niya.

"Hmmm, nag-i-iregular kasi ang regla ko kaya magpapatingin ako baka mamaya may masama na palang nangyayari sa loob ng katawan ko," paliwanag ko at inayos ang aking PC.

"Naku! Stress 'yan dahil sa pagpapahirap sayo ni boss kaya naaapektuhan pati regla mo, minsan ko na 'yang nabasa sa isang article," subat ni Feya sa kanyang pwesto.

Napangiwi naman ako dahil doon. Hilig talaga ni Feya ang magbasa ng iba't ibang uri ng panitikan kaya naman hindi nakakapagtaka na marami siyang alam. Matalinong maarte.

"Hala sige! Magpa-check up ka, gamitin mo health card mo nang ma-feel mo naman ang bunga nang pagpapahirap sa 'yo ng tigre nating amo," segunda ni Serah.

Mahina akong tumawa at sinimulan ang aking trabaho, marahil ay napansin nila ang pagseseryoso ko kaya bumalik na rin sila sa kanilang mga gawain.







ORAS na ng uwian ngunit mahigit kalahati pa lamang ang natatapos ko sa mga papeles na ibinigay sa 'kin ni Achetbir. Ngalay ang aking balikat at nananakit na rin ang mga mata ko kakatitig sa monitor. Bahagya akong uminat pasandal sa aking upuan at saka iniikot nang marahan ang aking leeg para hindi ako pagbarahan ng ugat. 

"Una na kami, Jands," pamamaalam ni Serah kasabay nang pagtapik sa balikat ko.

"Hmmm." Tipid akong tumango.

"Sure ka talaga na ayaw mong magpatulong?" pangungulit ni Feya nang dumaan siya sa likuran ko.

Nginitian ko siya. "Ako na ang bahala rito, salamat sa pag-aalala. Sige na, umuwi na kayo at baka abutin pa kayo ng traffic," pagtataboy ko.

Napabuga na lang sila ng hininga at magkasabay na kumaway sa 'kin saka naglakad palayo.

Muli akong tumingin sa aking PC at bumungtonghininga. "Kaya mo 'yan, Jandie. Ikaw pa ba," pagpapalakas-loob ko sa aking sarili.

Hindi ko naiwasan na mapabaling ng tingin sa direksyon ng opisina ni Achetbir.

Mukhang busy rin ang isang iyon.

Muli kong naalala ang nangyari kanina. Napailing ako dahil pakiramdam ko ay muli na namang tutulo ang aking mga luha. Pilit kong iwinaksi ang mga gumugulo sa isip ko at nag-focus sa natitirang papeles na kailangang i-encode. Halos dalawang oras pa ang lumipas bago ko narinig ang pagbukas ng pintuan ng opisina ni Achetbir. Gusto ko sanang iangat ang paningin ko sa kanyang direksyon, ngunit natatakot ako na mabakas niya ang itinatago kong emosyon.

Maayos na ang kalagayan niya, Jandie. Ikakasal na siya at lalo pang naging matunog ang kaniyang kumpanya. Hindi pwede na muling magulo ang lahat.

I heard his footsteps walking away. Nakagat ko ang ibaba kong labi at unti-unting itinunghay ang aking mata. Tanging likod niya na lang ang nakita ko habang naglalakad siya palayo.

Mapait akong ngumiti. "Mag-iingat ka palagi," bulong ko sa hangin at saka muling bumalik sa pagtatrabaho.

Pasado alas-dose na nang natapos ko ang lahat ng mga papeles na binigay ni Achetbir. Is-in-ave ko iyon sa aking flashdrive at ipinasok sa drawer ko. Kumuha ako ng post-it-note at saka iyon sinulatan.

Serah
Pakikuha na lang ang flashdrive sa drawer ko kapag hinanap ni boss. Salamat.

Simpleng sulat ko at idinikit sa monitor kung saan niya madaling mababasa. Ramdam ko ang pagod at puyat sa sistema ko habang nag-aayos ako ng aking mga gamit. Naghahanda sa pag-uwi.

"Mang Samuel," nagtatakang tawag ko sa kaniya nang nakita ko siyang pumasok sa aming departamento.

Tila nagulat pa siya sa aking presensya kaya alanganin siyang kumamot sa kaniyang batok.

"Ikaw pala iyan, Jandie. Gabi na, bakit nandito ka pa?"

Isinukbit ko ang aking bag at tipid na ngumiti sa matanda saka naglakad palapit. "May tinapos lang po akong trabaho," tugon ko.

"Naku! Halika at bumaba na tayo para makauwi kana. Mabuti nalang at nakatawag este nakita kita rito. Sakto at nagpaantay pa naman ako ng taxi sa baba para sa mga mag-o-overtime ngayon."

Nangunot ang aking noo nang tila magtunog kinakabahan si Mang Samuel sa kaniyang pahuling linya, ngunit ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. Masyado akong napagod sa buong maghapon para intindihin ko pa ang nangyayari sa paligid ko. 

"Salamat po, Mang Samuel," iyon na lang ang aking nasabi sa mahaba at magulo niyang istamento.

Magkasabay kaming lumabas ng departamento at bumaba ng gusali. Tulad nang sinabi niya ay mayroon ngang taxi na naghihintay sa parking.

Pupwede palang paghintayin ang taxi? Hindi kaya malaki ang ibayad ko rito? Isip-isip ko.

"Salamat po ulit, Mang Samuel." Ngumiti ako bilang pasasalamat sa matanda at bahagyang yumuko nang nasa tapat na kami ng sasakyan.

"Walang anuman, hija. Sige na sumakay ka na at nang makauwi ka agad sa iyong tinutuluyan."

Tumango naman ako at sumakay sa sasakyan na nakaabang. Tipid pa akong kumaway kay Manong bago nagsimulang umandar ang taxi. Sinabi ko sa driver ang address ko at saka isinandal ang aking sarili sa upuan para maipahinga ang likod ko na maghapong nakatuwid dahil sa pagta-type.

Kailangan ko na 'atang bumili ng Salonpas.

Parang kailan lang napapagod ako sa araw-araw naming pagtatalik ngayon ay sa pagpapahirap na niya ako napapagod ng husto. Napangiwi naman ako sa isipin kong 'yon.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan na nga akong nakarating sa gusali na aking tinutuluyan. Nagbayad ako sa driver at saka bumaba ng kaniyang sasakyan. Nangunot pa ang aking noo habang naglalakad papasok sa building nang natanawan ko ang guard na pabaling-baling ng tingin sa kaliwa't kanan na animo'y may binabantayan.

Natigil lamang iyon nang nakita ang aking presensya. Bahagya pang nanlaki ang kaniyang mata 'tsaka umayos ng tayo.

Ano'ng mayroon sa mga sekyu ngayon at tila kakaiba ang mga trip nila sa buhay?

"Oh, Jandie, ginabi ka na," salubong niya sa akin.

"Oo nga po," magalang kong tugon.

"Siya sige na at umakyat kana sa unit mo para matawaga—makapagpahinga kana," sabi ni Manong habang tumatawa sa huli.

Tulad kanina ay ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon at tipid siyang nginitian saka ako tumuloy sa pagpasok.

"Finally!" sigaw ko nang ibinagsak ko ang aking sarili sa kama.

Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit dahil talagang kinakain na ako ng antok, ni kahit ang kumain ay wala na rin sa aking isip.

I took a deep breath and slowly closed my eyes.

Hindi pa rin ba nababawasan ang galit mo sa akin, Achetbir? Pagtatanong ko sa aking isip bago tuluyang nakatulog.





HALOS pasado alas dyis na nang nagising ako. Matindi na ang sikat ng araw at naririnig ko na rin ang ingay ng s'yudad.

"Goodmorning sunlight," nakangiwi kong sambit.

Tamad akong bumangon at naligo. I did my daily routine and ate my breakfast. Saglit pa akong nagtingin ng mensahe sa aking telepono para tingnan kung may importante roon. Tanging sina Serah at Feya lang ang aking ni-reply-an na nagtatanong kung tuloy ba raw ako sa aking check-up saka ko iyon isinara.

Inilagay ko sa lababo ang aking pinagkainan at hinugasan. Isinunod ko naman ang pagsesepilyo at saka ako muling bumalik ng kwarto. I fixed my hair and got my bag. Pinasadahan ko pa ng saglit na tingin ang aking kabuuan saka tuluyang lumabas ng silid.

Nasa labas na ako ng condo nang biglang mag-ingay ang telepono ko kaya naman saglit akong tumigil para kuhanin iyon sa dala kong bag. My forehead knotted when I saw Achetbir's grandmother on the screen. Naroon din ang munting kaba sa aking dibdib sa pag-iisip na baka sinabi na rin sa kaniya ng nanay si Achetbir ang relasyon namin noon.

I heaved a deep breath and anwered the call. "Hello, Madam," magalang kong sabi sa linya.

"I told you to call me Lola, right?" may bahid ng pagtatampo niyang wika.

Natigilan ako saglit.

Hindi niya ba alam?

Alanganin akong tumawa. "Sorry po. Bakit po kayo napatawag?" tanong ko at nagpatuloy sa aking paglalakad.

"Napansin ko kasi na wala ka rito sa kumpanya. Nasaan ka, hija?" usisa ng ginang.

Pumasok ako sa elevator at pinindot ang ground floor. "Day off ko po ngayon kaya wala po ako sa kumpanya, Mada—" Natigilan ako sandali at tumikhim. "Lola," pagtatama ko sa aking sasabihin.

"Oh! I see, are you busy? Do you have some schedule today?"

"Ahmm, mayroon po. Magpapa-check-up po kasi ako ngayon," I answered and leaned my back on the elevator as I stared on the blinking number.

"Check up? Why? Are you sick?" sunod-sunod niyang tanong, bakas ang pag-aalala sa kaniyang tono.

"Hindi naman po, medyo nag-i-iregular po kasi ang menstruation ko kaya magpapatingin ako. D'yan lang po ako sa Farron Hospital magpapatingin."

Natahimik saglit ang ginang sa kabilang linya.

"Mada—" Mariin akong napapikit. "Lola?" pagtawag ko at tiningnan ang screen dahil sa pag-aakala na wala na siya sa linya.

"Oh! Sorry, may iniisip lang ako. Sige na, hija, ibababa ko na ang tawag. Mag-iingat ka sa 'yong pupuntahan."

Tipid akong napangiti at lumabas ng elevator nang bumukas iyon. "Kayo rin po, salamat," usal ko bago namatay ang linya.

Napabuntonghininga ako at marahan na napailing. "Akala ko trabaho na naman," bulong ko at tuluyang lumabas ng gusali upang maghanap ng sasakyan.






"MS. Mendoza?" the nurse addressed me formally.

Mabilis akong tumayo at lumapit sa kaniya.

"Pumasok na po kayo sa loob at pakihintay na lang po si Doktara. Nasa lobby lamang po siya at may inaasikaso saglit," magalang na paliwanag niya.

Tumango naman ako. "Salamat," ani ko.

Tulad nang sinabi niya ay pumasok na ako sa loob ng silid at umupo sa isang upuan na nasa gilid para doon hintayin ang doktora na magtitingin sa 'kin. Ilang saglit pa nga ay tuluyan nang pumasok ang isang babae sa loob. Bahagya pa akong nagtaka dahil akala ko ay matatagalan pa siya sa lobby. I stared at her. Kung susumahin ang kaniyang edad ay nasa k'warenta anyos na siya pataas, may hawak siya na tila isang syringe sa kaliwang kamay.

Mabilis akong tumayo at yumuko para magbigay galang.

"Sige, hija, tanggalin mo na ang pang-ibaba mo."

"Po?" nagugulat kong tanong.

"Sabi ko, maghubo ka na at humiga sa hospital bed," paglilinaw niya.

Hindi ko alam ang uunahin ko. Mahihiya ba ako o magtatanong ulit. Sa huli ay pinili ko na lamang gawin ang iniuutos niya. Mabuti na lamang at pencil skirt ang aking nasuot at hindi pantalon kung hindi ay labis na kahiya-hiya ang sitwasyon ko.

"Part your legs," pag-uutos ng ginang, animo'y nagmamadali.

Ibinuka ko ang aking hita tulad ng gusto niya. Umupo naman ang doktora sa ilalim bago ko naramdaman ang pagbuka niya sa aking pagkababae. Napakislot ako ng may bagay siyang ipinasok doon hanggang sa may naramdaman ako na likidong dumaloy papasok sa loob ko.

Anong klaseng gamot kaya iyon?

Bahagya niya pang minasahe ang aking kaselanan habang unti-unting inilalabas ang bagay na ipinasok niya. She looked at me and gave me a simple smile. 

"Get up after five minutes," she stated and then closed my thighs.

"Ahmm, magiging okay na po ba ako after?"

"Don't worry it will work."

Nakahinga naman ako nang maluwag kahit pa naroon ang kakulangan sa aking ginhawa.

Ang lagkit naman ng gamot na itinurok ni Doktora.

Continue Reading

You'll Also Like

34.9K 1.9K 32
Samantha Eliza Lavega, a 21 years old daughter of Mr. Ismael and Mrs. Joyce Lavega is suffering for being an unwanted bride of a well known businessm...
56K 609 8
Stefano's Obsession Stefano Montemayor is a well-known business magnate who owns a variety of enterprises around the world. He is also renowned as a...
2.4M 154K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
480K 7.6K 24
Charlotte dreamed of building a family that she could call her own; she imagined it to be happy and peaceful. But apparently, her dream did not come...