When You Smile (Engineering S...

Da eraeyxxi

74.3K 2.5K 458

Trust Issues. Iyan ang problema ko kaya natatakot akong pumasok sa isang relasyon. Nakita ko kung paano nasak... Altro

When You Smile
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Epilogue

Chapter Eleven

1.7K 64 15
Da eraeyxxi

Chapter 11


"Oy, Casper, nasaan na si Lei ngayon?" I was busy ordering my food for lunch when someone talked to me. He's familiar to me, manliligaw ata ito ni Lei dati?


My eyes went back to my ordered food. Before I went to take a seat, I answered him.


"New York." I didn't entertain him anymore even though he wants to ask for more. I am actually irritated when someone asked about where's Lei now. I don't know if they're concern, hindi sanay na makitang hindi kami magkasama... o sadyang gusto lang nila makitsismis.


Hindi naging tago at kumalat ang balita na hiwalay na sila Lei at Thirdy. Of course Lei is kinda popular in this campus, same through as Thirdy. Mabuti na lang magba-bakasyon na nang maghiwalay sila. Hindi na masyadong pinag-usapan pa.


As much as I want to punch that asshole's face, I don't want to create another scene again. I got a warning from the student's council after I confronted Thirdy. Isa pa... para saan pa? Wala naman na si Lei.


Pero hindi ko inaasahan na uusbong na naman ang balita na hiwalay na sila. One time I heard a group of students talking about Thirdy with another girl again.


"Kita mo iyong bagong girlfriend ni Thirdy?"


"Hindi eh, taga-dito ba?"


"Hindi. Nag-aaral siya sa kabilang university. Tourism student."


I want to roll my eyes. Ano pa bang bago sa gago na iyon? Oo, inamin niya sa akin... at kay Lei na gago siya, pero ang loko, pinanindigan talaga! Ngayon, bali-balitang papalit-palit na naman siya ng girlfriend. Wala na rin akong pakialam sa kanya.


"Hindi pa ba kayo sanay kay Thirdy?" now their voices became more evident.


"Akala ko nga seryoso na siya kay Lei noon." I paused when I heard Lei's name.


"Hindi rin," the girl shrugged. Binalingan ko sila. Tatlo silang nag-uusap sa mga benches habang ako ay nasa kabilang side ng bench, nagbabasa.


"Paano mo naman nasabi?"


"Nafe-feel ko lang, pero kasi naaawa rin ako kay Lei."


"Bakit ka maaawa?"


"Kasi pinaglaruan lang siya," she innocently said. I gritted my teeth. Kumuyom ang kamao ko. Why are they still talking about this huh? Last sem pa ito ah?


"Kasalanan din naman ni girl," her friend remarked. Hindi ko na nakayanan iyong sinabi niya at agad akong tumayo at inayos ang gamit. Tumayo ako sa harap nila, halatang nagulat sa presensiya. I am glaring at them intently. Bakas sa mukha nila ang takot.


"Why don't you try to have some advance reading in some of your subjects? Hindi lang puro tsismis ang pinagkaka-abalahan niyo?" I raised my brows but I maintain my posture.


"You don't know the whole story... just shut up," masungit kong sabi at saka umalis. I even heard one of them saying 'ang sungit'.


Why are they still bothered anyway? Hindi naman sila ang nakipaghiwalay ah? Bakit parang napaka-problematic nila sa buhay ng iba... eh hindi naman nila buhay iyon? Maiintindihan ko pa kapag kaibigan sila ni Lei pero, hello, baka nga minsan lang nilang makasalubong si Lei pero bakit ganoon na lang sila magconclude ng mga bagay-bagay?


Nakasimangot akong naglalakad patungo sa library. I am pissed and I can't calm down. I want to read to divert my irritation.


I sighed as I sit at the backmost study table here in library. I was about to open my book when someone whispered to me.


"You looked irritated."


I was shocked when I saw King looking at me. He's sitting just right beside me. Hindi ko  inaasahang makikita siya rito... sinusundan ba ako nito?


I was about to hiss at him when I saw his plates in his table. It looks like he's busy. Napahiya ako nang konti doon dahil mas nauna pala siya sa akin dito. Nag-iwas ako ng tingin at binalik ito sa libro.


"Nakakagulat ka naman," mahinahon pero may diin kong sabi.


I heard him chuckled. He leaned more and whispered something to me again...


"Ibig sabihin ba niyan... shocken ka na?"


Marahas akong tumingin sa kanya at nakita na naman ang nakakaloko niyang ngiti. His eyes were sparkling... tila nasisiyahan siyang asarin ako ah?


Ah, gano'n?


I glared at him, "Gusto mo sirain ko 'yang plates mo?" pagbabanta ko sa kanya at saka tiningnan ang plates niya na nasa harapan niya lang.


His eyes widened. Agad niyang hinarangan ang plates niya mula sa akin gamit ang katawan niya. Parang tanga... He's defending his dear plates.


I rolled my eyes and then I open now my book.


Naramdaman ko ang pag-ayos niya ng upo. Nagsimula na rin siyang gumuhit sa tracing paper. Pinapanood ko lang siya paano niya ito gawin.


"Alam kong guwapo ako, huwag mo akong titigan."


I blinked twice.


"Ha?"


"Hatdog," he mumbled.


I gritted my teeth. Nakakainis talaga kausap ang lalaking ito...


"Hampangit mo!" I hissed and then I put my earphones on. Ayoko na makipag-usap sa kanya. Sana ng maging hotdog na lang siya!



I don't know how many hours I stayed in the library. Hindi pa sana ako tatayo kung hindi ko lang naramdaman na nagugutom na ako. Ito ang mahirap kapag 1st week pa lang ng klase, walang masyadong ginagawa... nakakabored. Tanging hihintayin mo lang ay kung paano mo tatapusin ang oras mo... pero ang isang ito, 1st week pa lang, pero busy'ng busy na siya.


Nagliligpit na ako ng gamit. Sakto rin nagliligpit na ng gamit si King. I glared at him one more time before I marched out of the library.


"Hey..." he called.


I paused. Tiningnan ko siya, ang kanyang blueprint tube ay nakasampay na sa kanyang balikat. He's already wearing our school's uniform... as well as me. One thing I admired the most to him is he's a very neat person. Magmula sa ayos ng buhok niya hanggang sa kinis ng kanyang sapatos, walang kapintasan.


"I think it's too rude to stare at my handsome face..." he confidently said.


"I think it's too windy here," I snapped back.


He looked around and lifted his both hands.


"Nasa open area tayo, Casper, at nasa ikaapat na palapag ng building, talagang mahangin," pilosopo niyang sabi.


"Huwag mo ako kausapin," malamig kong sabi.


"Ikaw naman hindi ka na mabiro." sinundan niya ako sa pagbaba sa hagdan.


"Huwag mo nga akong sundan!" iritado kong sabi. Tumawa lang siya nang marahan pero nasa tabi ko pa rin ito. Hinayaan ko lang siya dahil mauubos ang lakas at pasensiya ko sa taong ito.


"Sabay na tayong kumain," aya niya nang makababa na kami. Hinihingal pa ako dahil sa pagbaba sa hagdan. King is looking at me, waiting for my response. I raised my right hand and waved it, saying 'shooo'.


"Mauna ka n-na..."


"Wala kang tubig na baon?"


Umiling ako.


"You should have one," he commented.


I didn't reply anymore, busy catching my breath. King stayed with me until I can catch up with my breathing already.


Umayos ako ng tayo at mag-uumpisa na sana maglakad nang makita ko sina Sam at Zion na naglalakad din patungo rito sa kinaroroonan namin. Nakita rin nila kami. Nanlaki ang mga mata ni Sam, ngumisi pa nga ito. Pupunta sana siya rito sa amin nang hilahin siya ni Zion pabalik at naglakad sa ibang direksiyon... palayo sa amin.


Tumingin ako kay King na nakatingin sa akin. Nagtaas ako ng kilay.


"Tara kain na," he offered again.


"Libre mo?" I joked. Wala naman akong balak makisabay na makipaglunch sa kanya.


He chuckled, "Tara na kung ganoon."


"Ayoko." Nag-iwas ako ng tingin.


"Kakain na din naman ako kaya sabay na tayo, Casper." His voice is very gentle...


He's right though... I have no choice. Sabay naming tinahak ang daan patungo sa canteen. Some students were looking at us... and I don't like it.


Bahagya akong lumayo nang kaonti kay King pero ang loko mas lumapit sa akin nang madaanan namin ang kumpulang estudyante. May mga nagtutulakan at nagsisigawan. What the hell is happening?!


But then I realized those students were freshmen. Maybe it's their orientation day and that's why they're having fun. Usually kasi bawat department may mga pakulo sa mga first year students yearly—serves as their orientation and meet-and-greet at the same time.


"Are you okay?" he checked on me.


Tumango ako. I am not sure what to fix first, iyong shoelace ko ba na hindi na nakasintas o iyong buhok ko na nagulo dahil sa kumpulan kanina? Parang may humila sa buhok ko ah.


King sighed as he kneeled in front of me. I was shocked with his sudden action. I couldn't move. I was just staring at him while he's tying my shoelace. When he's done, he quickly stood up but this time, he reached for my hair and fix it.


I gulped.


Hindi pa ako nakakabawi sa nangyari nang magsalita siya.


"Let's go?"


I blinked twice coz I couldn't hide my nervousness this time. My face feels hot. This feeling for me is kinda new... so I don't know. I bit my lower lip and looked away.


"Kaya ko naman... na mag-isa," mahina kong sabi.


He didn't reply for few seconds. I just heard him chuckled afterwards.


"I know," he said. "You're hella strong woman. But you're alone... and you look lonely."


"Hindi ko kailangan ng makakasama."


"Alam ko na rin iyan... pero bakit ba? Gusto ko mag-stay, Casper, eh," seryoso niyang sabi. Umawang ang mga labi ko.


Mama's voice popped out in my mind suddenly... Malay mo may mag-stay...


"Bahala ka," sabi ko.


Nakarating kami sa canteen nang walang nangahas na magsalita. Now, the atmosphere between us suddenly changed. Ah, I hate this. Tahimik lang kaming kumakain. Nasa harap ko siya. Bigla niyang inangat ang tingin niya sa akin kaya nagtama ang aming mga mata.


Nagtaas siya ng kilay at saka ngumisi... uhh... I was wrong. Ako lang ata itong hindi makabawi sa nangyari.


"Bakit?" he innocently asked. I rolled my eyes again. Nakakainis. I heard him chuckled with my reaction.


When we finished our lunch, we immediately left the canteen. Nasa tapat na kami ng civil engineering building nang magsalita ako.


"Wala ka bang klase?"


"Meron, pero mamaya pang alas dos." tumingin ako sa relo ko, 1:15 pm.


"Ikaw?" he added.


Bumalik ang tingin ko sa kanya. Bahagya akong nasilaw dahil sa araw na nasa kanyang likuran lang. 


Umiling ako. Wala na eh.


 Hinawakan niya ang braso ko at iminuwestra sa lilim na bahagi ng gusali.


"Uuwi ka na?" tanong niya muli.


I shook my head.


"Saan ka kung ganoon?"


"Library."


He chuckled, "Sige... sana maabutan kita doon mamayang uwian namin."


Kumunot ang noo ko.


"Mamayang alas kuwatro pa ako uuwi." I don't know why I am telling this to him. I shut my mouth and lowered my head. Napatingin ako sa sapatos ko lalo na sa kanang bahagi kung saan inayos niya ang shoelace.


"Sige."


Tumango ako at nag-umpisa na maglakad pero nakakailang hakbang pa lang ako ay tinawag niya muli ako.


"Casper..."


Lumingon ako sa kanya. Papalapit na siya muli sa akin.


"Anong tipo mo sa isang lalaki?" out-of-nowhere he asked.


He's now in front of me. My eyes narrowed. Hindi muna ako nagsalita ng ilang segundo, nakatingin lang sa kanya...


Sa totoo lang, hindi ko naman iniisip 'yan sa ngayon eh. Ni wala nga akong natitipuan. Kung mayroong isang katangian lang... siguro...


"Gusto ko iyong matalino at masipag mag-aral," sabi ko. That, I am not sure with that... pero sige, para may sagot na rin ako sa tanong niya.


"Ha." kumunot ang noo niya.


"Anong ha?"


"Hala, ako ata iyan," sabi niya at saka siya tumawa nang malakas.


Hindi ko na naiwasan ang sarili at hinampas ko siya sa tiyan gamit ang likod ng palad ko. Nakakairita talaga. Puro kalokohan ata alam nito eh.


"Ouch!" he grunted. Hinihimas niya ang tiyan niya pero nandoon pa rin ang ngisi sa labi niya. Nakakunot ang noo ko pero habang tinititigan ko siyang ngumingisi... para akong nahahawa. For the first time in my life, I said to myself... I want to smile like that, too.


"Alis na nga ako, kairita ka," sabi ko na mas lalo pa niyang ikinatawa.


"Damn, ang sungit mo talaga. Iba ka," nailing-iling niyang sabi. "Pero mas maganda na rin iyan para mas lalong walang magkagusto sa iyo... hindi na ako mahihirapan."


Tumitig ako sa kanya ng ilang segundo. Isinawalang-bahala ko ang huling kataga na sinabi niya.


"You know what? Niloloko lang kila no'ng sinabi ko na gusto ko ng lalaking matalino at masipag mag-aral. Maraming taong matalino at masipag, mga katangian na dapat ibilang sa matitipuan mo sa isang tao. Pero para sa akin, may gusto lang ako sa isang lalaki..." seryoso kong sabi.


"Ano iyon?" kuryoso niya akong tinitingnan habang naghihintay sa sasabihin ko.


"Gusto ko lang ng taong maiintindihan ako kasi mahirap akong intindihin na babae, King." This is my problem ever since... Maybe because I got lot of trust issues in life. I have lots of fears in life too, that's why... I am not easy to understand. Most of the time people don't understand me. Tanging sina Mama at Lei lang ang nakakaintindi sa akin... pero si Lei, umalis na.


"... at taong mananatili sa buhay ko," dagdag ko.


~~

Continua a leggere

Ti piacerà anche

752K 15.8K 47
Selah Juliana always wanted to please her father after their brother's death. Batas ang salita ng kanyang ama at para sa kanya ay walang makakaputol...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
280K 10.2K 40
Phaedra Divinagracia always lived her life in a selfless way. Nang maghiwalay ang nga magulang niya, she let them marry other people for the sake of...
13.8K 292 54
TIME SERIES #02 In the intricate tapestry of desires, a once-coveted marriage unraveled unexpectedly, leading to a profound hurt. Fueled by a desire...