A/N: Dalawa lang muna...
Maraming salamat sa paghihintay ng UD kahit matagal. Maraming salamat din sa pagmamahal sa AMNSE.
Maraming salamat din sa mga gumawa ng kanta para sa AMNSE.
Kyle Antang
Ayradel
This talented kids deserves a lot of subscribes and share. 🥰🥰
Wag niyo kami kakalimutan kapag sikat na kayo!!!
Ligaw
Jay-jay's POV
Naiiyak ako. Gusto kong umiyak ng malakas. Malakas na malakas tapos ngangawa ako ng parang sanggol.
Mas malakas sa iyak ni Baby Grazel.
"Kita mo yan?" Tanong ni Kuya Angelo habang nakaturo sa isang pangalan ng tindahan. "'Happy Bread' ang basa dyan."
Dinig ko ang mahinang pagtawa ni Aries kaya napa-nguso ako.
"Yan! 'On sale' ang basa dyan!" Dagdag pa ni Kuya habang nakaturo sa isang billboard na may nakalagay na Sale para sa isang clothing line.
"Alam ko naman basahin." Halos pabulong kong sagot.
"Alam mo? Amazing! Kailan ka pa natuto ng lengwahe namin? Matagal ka na ba dito sa planet earth?" Mapang-asar na tanong niya at malakas na tumawa ang kapatid kong horoscope.
"Kuya naman!"
"What?" Inosenteng tanong niya.
"Akala mo lulusot yang kalokohan mo." Parinig pa ni Aries.
"Alam ko kasing hindi kayo papayag." Mahina kong sagot.
"Narinig ko na yan kagabi. And I'm giving you the same answer. Still unsafe Jay, unsafe."
Hindi na ko sumagot at pinili nalang manahimik. Lalo lang iinit ang ulo ni Kuya Angelo sakin. Baka magkaroon pa ng continuation ang sermon kagabi. Kung pwede lang sanang palit pagkain ang bawat sermon niya, edi sobrang saya ko.
Pagdating namin sa school, nagpahabol pa siya ng banta bago ako hayaang lumabas ng kotse.
"Jay, magtino ka!"
Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse at kulang nalang tumakbo ako papasok ng school makalayo lang ako sa kanya.
Tama na! Dumudugo na tenga ko sa kakasermon ni Kuya!
Aminado naman akong makalokohan ako pero may maganda naman akong dahilan minsan. Alam ko din kasing wala silang tiwala sakin o kaya hindi nila ako papayagan kaya kinakailangan kong gumawa ng mga dahilan at kakaibang paraan.
Madalas tanggap nalang ako ng tanggap ng sermon ni Kuya. Kayalang nakakapagod din pala kapag sobra na. Sobra-sobra din ba ang kalokohan ko para maging sobra-sobra ang sermon niya sa mismong muka ko?
Natigilan ako sa paglalakad ng may humarang sa harap ko. Sandali pang nabunggo ang muka ko sa dibdib niya.
"Esushme!" Sabi ko at akmang iiba ng daan pero humarang na naman.
Agad ko siyang tiningala at tinignan ng masama pero isang labi ang sumalubong sakin. Mabilis akong umiwas pero nahagip pa rin ang noo ko. Agad akong lumayo at hinanda ang kamao kong isapak sa muka ng Hari ng mga Ulupong.
"Siraulo ka ba?" Inis na tanong ko pero matamis na ngiti ang sinagot niya sakin. "Wag mo kong idamay sa kabaliwan mo ah?"
"Good morning too."
Matalim ko siyang tinignan. Hindi ko gusto ang tabas ng ngiti niya. Para bang meron siyang gagawing kalokohan. Muntik na niya kong mahalikan pero nabigo siya kaya malamang na may kasunod pa.
"Anong kinain mo at ganyan ka sumalubong sakin?" Tanong ko.
Bahagya siyang tumawa. "Masama ba kung salubungin kita?"
"Gago, hindi mo ko sinasalubong!"
Biglang nawala ang ngiti niya. "Profanity."
Whut?
Nanlaki ang mga mata ko. Bago pa niya ko mahablot agad akong tumakbo palayo.
Akala ko tapos na ang lintik na profanity na yan. Hanggang don nga lang pala sa isla ang exception ng batas Ulupong na yan.
"Wag ka lalapit sakin!" Sigaw ko habang tumatakbo palayo.
Malalaki ang hakbang ko pati sa pag-akyat sa hagdan para lang hindi ako maabutan ng lintik na kumag na yon. Hahalik na naman siya, eh hindi naman kami.
Malapit na ko sa room namin ng may biglang yumakap sakin mula sa likod. Sisigaw na sana ako pero naisandal na niya ko sa pader at naiharang ang dalawang braso para hindi ako makaalis.
"Where do you think you're going, wife?" Nakangising tanong niya.
"Muka mo wife!"
"Would you like me to remind you that you call me Hubby back in the island?"
Powta! Pinaalala na nga!
"Hindi ko alam ang sinasabi mo!" Pagtanggi ko.
Unti-unti niyang nilapit ang muka sakin kaya agad akong umiwas. Ginamit ko din ang kamay ko para itulak siya palayo sakin.
"You can't deny it. You even hug and kiss me!"
Agad akong dumiretso ng tayo at hinarap siya. "Ay hindi na totoo yan."
Kukuhanin na sana niya ang pagkakataon para halikan ako pero biglang lumitaw si David sa tabi namin.
"Seriously? Ang husay mo sa panlalamang kay Jay-Jay." Sabi niya at humalukipkip.
Lumayo naman si Keifer sakin habang nakangising humarap kay David.
"Nakita ko sa internet, sakit daw ang inggit. So, get well soon David." Sabi niya at lumakad paalis pero bago pa siya makapasok sumenyas siya ng isa gamit ang daliri habang nakatingin sakin.
1 profanity.
Nagbibilang na naman siya. Bilangin niya ng bilangin. Sisiguraduhin kong hindi naman siya makakasingil. Mamuti na ang mata niya sa kakahintay.
Hinarap ko si Dabid na mahinahon nang nakatinign sakin.
"Good morning." Bati ko at ngumiti.
"Good morning din. Hanggang kailan mo hahayaan si Keifer na lamangan ka?"
Umiling ako. "Hindi naman. Kaya ko sarili ko, wag ka mag-alala."
"Alam kong kaya mo sarili mo, pero hindi sa kaniya."
Napanguso ako. "K-kasi..."
Napabuntong hininga siya. "Bato nalang yata ang hindi marupok ngayon."
Tumalikod siya at nauna ng pumasok sa room. Sumunod naman ako at mabilis na sinalubong ng mga Ulupong. Halos kumpleto na kami maliban lang kay Denzel na malamang ko ay hindi maiwan ang bagong panganak na asawa.
Si Yuri naman ay nasa pwesto na niya at nakikipag-usap kay Keifer. Pinili kong wag muna siyang batiin dahil baka maghinala siya na may kakaiba sakin at may alam ako.
Pag-upo ko sa pwesto ko, matamis na ngumiti sakin si Ci-N.
"Good morning, Kokey." bati niya.
Matalim ko siyang tinignan bago ngumiti ng peke. Sinamahan ko pa ng pekeng pagtawa at sinabayan naman niya.
"Kingina mo, hindi kita ililibre miryenda." Sabi ko at nawala ang ngiti niya.
"Joke lang. Eto naman hindi na mabiro." Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero nilayo ko sa kaniya. "Wag ka mag-alala mas maganda ka kay Kokey. Mas sikat nga lang siya."
Inis ko siyang inambaan ng hampas. "Lakas mo mang-asar."
Malapad siyang ngumiti habang nakalabas ang gilagid. Alam na alam talaga niya kung paano magpa-cute kapag may ginawa siyang kasalanan.
Mabuti nalang at malakas siya sakin.
"Jay..." Tawag sakin ni Eman. "Gusto mo sumali sa bigayan? Balak naming regaluhan si Grazel."
"Sige." Mabilis kong pag-sang-ayon. "Anong balak niyong iregalo?"
"Bahay at lupa." sagot niya at nawala ang ngiti ko.
"Anong palagay mo kay Grazel? Baka sanggol palang yon."
Mahina siyang tumawa. "Mga baby things. Crib, walker, stroller tsaka mga laruan na din."
Napatango naman ako. Maganda nga yun. Hindi rin kasi nabili ni Grace ang lahat ng kailangan niya para sa bata. Malaking tulong kung magreregalo kami.
"Balak din naming mag-bigay ng cash kay Denzel." Dagdag pa niya.
"Sige. Sali ako, magkano ba ang bigayan?"
"Kung magkano ang kaya mong ibigay."
Napa-isip naman ako sandali. 200 lang dala ko ngayon pero pwede pa naman sigurong humabol ng bigay sa mga susunod na araw.
"Cash ba ang kailangan?" Tanong ni Keifer na nagpalingon sakin. "Ipapa-cash ko ang 10 million."
Howtangina! Million ang ambag ng gago.
Para gusto ko na ring mag-anak. Magbibigayan din kaya sila ng ganito? Bibigyan niya kaya ako ng 10 million?
"Relax lang Pre, pang-baby lang ang bigayan." pinagpapawisang sabi ni Felix.
"Hindi pa kailangan ng baby ang ganyang halaga." kamot ulong sabi ni Eren. "Buti yung matanda kailangan yan."
Tama! Tama!
"Samin mo na lang iambag." suggestion ni Rory.
"Alam mo Keifer, nakabuntis ako. Ambagan niyo din ang magiging baby ko. Masaya na ko sa 1 million." nakangiting sabi ni Drew pero agad siyang binatukan ni Calix.
"Pang-baby nga ang presyo na yon. Kung matanda na siya bibigyan ko siya ng 100 million." inosenteng sagot ni Keifer. "Wala naman sigurong masama, Ninong naman niya ko."
"W-wala naman." pagsang-ayon ni Eman kahit halatang pilit.
Narinig ko ang pagtawa ni Yuri kaya napatingin ako sa kaniya. "Baka awayin ka ni Grace kapag nagbigay ka ng ganung halaga."
Kahit papano napangiti ako ng makitang kaya pa din naman niyang tumawa sa harap ng mga kaibigan niya. Hindi ko naman itatanggi na natatakot akong totoo ang sinabi ni David na parang hindi kaibigan ang turing sa kanila ni Yuri.
Mali siya. Mali ang instinct niya.
"Tama si Yuri. Tsaka bakit pa kami mag-aambag kung magbibigay ka na ng malaking halaga." may inis na sabi ni Mayo.
"Sabayan mo nalang ang halaga na ibibigay namin." suggestion ni Kit.
Mabilis namang sumang-ayon ang mga kapwa nila Ulupong.
"Magkano ba ang ibibigay niyo?" Tanong ng Hari nila.
"15,000." sagot ni David at mabilis kaming umapila.
Kulang nalang lumipad ang mga gamit namin papunta sa muka niya. Parang mas namroblema pa kami kesa sa 10 million ng Kumag.
"Gago! Hindi kami mayaman."
"Teka, ibebenta ko lang kidney ko."
"Sana 15 pesos lang tinutukoy mo."
Agad ko siyang hinampas para mahimasmasan sa presyong binitawan niya. Nakalimutan yata niyang mahihirap ang karamihan samin at hindi kayang maglabas ng ganung halaga.
Considered na ba kong mayaman kung may isla na ko pero hindi pa rin kayang maglabas ng malaking halaga?
Feeling ko dukha pa rin ako.
"Pwede namang kanya-kanya nalang ng halaga ng kayang iabot." sabi ni Ci-N at napatango naman ako.
"Magkano ibibigay mo?" Tanong ko.
"Kung babayaran ako ni Drew, magbibigay akong 10 pesos." Sagot niya hinarap si Drew. "Bayaran mo na yung 7 pesos. Iaambag ko yon kay Grazel."
Napasibangot naman agad si Drew. "Anak ng..."
Namangha naman ako sa dami ng ibibigay niya. Balak pa sana naming pagtalunan ang halaga ng iaabot pero dumating na si Sir Alvin. Sinabi din ni Eman sa kaniya ang balak namin at maluwag sa puso niyang sinabi na sasali siya sa bigayan.
Natuwa naman kami. Hindi lahat ng teacher kayang gawin yon. Talagang matingin si Sir samin kahit minsan nasasagot na namin siya at nap-prank.
Nagsimula na kami ng klase. Hanggang sa mga sumunod na subject napag-uusapan pa rin ang bigayan. May mga teacher na nagpapa-abot nalang ng 'congratulation' sa ligtas na paglabas ni Baby Grazel. Halata namang si Grace lang talaga ang binabati nila at hindi kasali si Denzel.
Ganun ba kasama si Denzel?
Hindi kasi nila nakikita na nagbago na siya at handa ng ko maging ama kaming sa murang edad. Oo, pinagtabuyan niya si Grace non pero makikita lang nila ang mga ginagawa niya ngayon. Masasabi pa kaya nilang masamang tao siya?
Pagdating ng lunch, kanya-kanya ng takbo ang mga Ulupong papuntang cafeteria. Walang pahanda ngayon ang Hari. Ayos lang dahil kailangan ko din maglakad-lakad sa labas ng classroom.
"Sabay ako." Sabi ni Ci habang humahabol sakin.
"Hindi ka sasabay sa Lolo mo?" tanong ko patukoy kay David.
Tinuro niya ang likod namin. "Kasunod lang natin siya."
Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Pababa na kami ng hagdan ng sumabay samin si David at isa pang Ulupong. Taas kilay akong nakatingin sa kaniya habang puno naman ng pagtataka sina Ci.
Umandar na naman ang sira ng ulo niya.
"What?" Tanong ng Hari ng mga Ulupong.
"Bakit ka sasabay samin?" Tanong ko naman.
Ngumiti siya. "I just want to."
Napangiwi ako. Hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Dahil nakakailang ang pagiging tahimik namin sinimulan ng batang kumag na magtanong at magkwento.
Buti nalang...
"Pwede ko naman siguro ibigay ang ilan sa mga laruan ko kay Baby Grazel?" sabi niya.
"Your toys are expensive collectable items. Ang iba nga don hindi naman talaga laruan." sagot ni Dabid at naalala ko ang mga laruang madalas niyang ipagyabang sakin.
"Syempre, ibang laruan ang ibibigay ko."
"Anong laruan naman yon?" tanong ko.
"PS4."
Ibang laruan nga.
Pareho-pareho kaming tumingin sa kaniya at halos wala na siyang naintindihan sa sunod-sunod naming sermon.
"Sira ba ulo mo?"
"Grazel is too young for that kind of game."
"Hindi yan para sa kanya."
Pagtawa lang naman ang sagot niya samin habang naka-peace sign. Talagang hindi pwede na wala siyang hirit.
Bumalik kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa cafeteria. May mga taong lumingon sa gawi namin at mabilis na nagbulungan. May mga nasa lubong naman kaming mga babae na mabilis nagpa-cute kay Keifer at David. May mga bumati naman kay Ci-N at binati din niya.
Napatingin ako sa pila ng mga istudyante. Talagang hindi papahuli ang mga Ulupong pagdating sa kainan. Nakasingit na sila sa pila at halatang maraming nagagalit sa ginagawa nila.
Ang sarap nilang bikwasan.
"Jay! Tara na dito!" malakas na tawag sakin ni Edrix kaya pinagtinginan kami.
Gusto ko siyang sampalin dahil sa pang-aagaw niya ng atensyon. Agad kaming lumapit sa kanila at habang nasa pila nakaramdam ako ng kakaiba na para bang merong nakatingin sakin ng masama.
Bahagya kong niligid ang paligid na hindi mahahalata ng iba. Kuwaring naniningin lang ako ng mga istudyante o kaya agiw sa kisame. At saktong lingon ko sa bandang dulo ng cafeteria, nasa lubong ko ang masamang tingin ni Freya.
Agad akong umiwas. Hindi ko pa nga pala nakakausap si Edrix tungkol sa bagay na yon. Malamang kong naghihintay na ang babaeng impakta.
Mukang excited ang loka.
Sandali kong kinagat ang ibabang labi ko. Pinagmasdan ko sandali si Edrix at tinaas ang kamay ko para sana abutin siya pero binawi ko din agad.
Hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya. Pero kailangan ko ng masabi sa lalong madaling panahon. Naiinip ang bruha baka awayin niya ko.
Wala akong pagpipilian kaya naman kinalabit ko si Edrix na nasa harap ko. Tumingin siya sakin at mapang-asar na ngumiti.
"Hindi kita papasingitin. Pare-pareho lang tayong gutom."
"Hindi yon, akala mo naman." inis na sagot ko at tumawa siya.
"Joke lang. Hindi ka na mabiro dyan." Lumapit siya sakin at bumulong. "Hindi ka pa siguro nilalambing ni Keifer."
Sinukmuraan ko siya dahil sa huli niyang sinabi. Agad siyang napasigaw sa sakit. Napayuko din siya habang hawak ang tyan. Mabilis kaming pinagtinginan ng mga tao.
"Whats going on?" tanong ni Keifer.
"A-Ayaw niya kasing magpasingit sa pila." pagdadahilan ko.
"Grabe, nakakatakot hindi ibigay ang gusto ni Jay." sabi ni Rory at tinapik-tapik si Edrix sa balikat.
Bigla nalang ngumiti ng nakakaloko si Eren, kulang nalang kumislap ang mga mata niya.
Humarap siya sa mga nakapila at bigla nalang sumigaw. "Ganyan ang sasapitin niyo kung hindi kayo aalis sa pila!"
Mukang natakot sila at agad na lumayo ang iba para lang bigyan kami ng daan. Gusto ko sana sila pigilan pero umiwas na ng tingin ang ibang istudyante. Merong umalis sa pila dahil wala silang choice. Meron namang pinaalis talaga ng ibang Ulupong.
Nasampal ko nalang ang noo ko dahil sa ginawa nila. At ng mawala ang mga nakapila parang tigre na nagtakbuhan sa harap ang mga lintik na Ulupong. Hihingi sana ako ng pasyensa pero tinulak na ko ni Ci-N papunta sa harap para makapili ng bibilin.
Kung ano-ano nalang ang tinuro ko para lang makaalis agad at makabalik na sa pila ang mga pina-alis nila.
"Mga sira-ulo kayo!" inis na sabi ko habang palabas kami ng cafeteria.
"Blessing in disguise pagkakasuntok mo sakin." nakatawang sabi ni Edrix.
Hinawakan ko siya sa braso bago pa siya makalayo sakin. Taka niya kong tinignan.
"Usap tayo." seryosong sabi ko.
"Ano ka ba? Okay lang ako. Hindi ako galit sa pagkakasuntok mo." sabi niya pero umiling ako.
"Hindi tungkol don."
Naging seryoso siya. "May nangyari ba?"
Pati ibang Ulupong napatigil din at napatingin sakin.
Masyado silang kabado.
"Tungkol kay Friend." sagot ko at ngumiti.
Bigla nalang tumango ang mga Ulupong. Napa-ahh pa sila na parang alam na alam nila ang ibig kong sabihin.
"Walang problema mga pare. Balik na tayo sa room at kumain." sabi ni Eren at nakangiting naglakad paalis.
"Si Friend lang pala. Kayang-kaya na ni Edrix yan." Sabi ni Blaster at agad siyang tinignan ng masama ni Edrix.
"Tara na... Naway pagpalain siya ng tapang." parinig ni Josh at tumalikod.
Mahinang natawa ang ibang Ulupong habang napapailing. Sandaling ngumiti si Keifer at lumakad na rin paalis. Sumunod na rin ang iba pang mga Ulupong sa kanila.
"Sino si Friend? Hindi ba niya tayo friend?" tanong ni Ci-N habang pilit siyang hinahatak palayo ni David.
Kitang-kita ko ang nakakalokong tawa ni Rory habang lumalakad paalis.
Bakit pakiramdam ko may mga alam na sila?
"Wala silang alam. Di ba?" kabadong tanong ni Edrix sakin.
"W-wala... yata."
Naglakad kami at humanap ng lugar na kakaunti ang mga istudyante. Sa parking kami napunta. Tinignan ko pa ang paligid bago magsalita.
"Anong tungkol kay Freya?" inip na tanong niya sakin.
"Ganito kasi, may napag-usapan kasi kami ni Freya." panimula ko at parang mas lalo siyang nainip. "Ano... kasi..."
"M-may sinabi ka ba tungkol sakin?"
Umiling ako. "Pero nabanggit ko na may nagkakagusto sa kanya."
Bigla nalang naging malungkot ang mga mata niya. "Ayaw niya, tama ba?"
"Tinanggap niya." sabi ko at nagliwanag ang muka niya. "Magbibigay siya ng chance."
"NICE!" sigaw ng kung sino at muntik ko ng mabitawan ang nabili kong pagkain dahil sa gulat.
Nang lingunin namin, ang todo ngiting si Rory ang bumungad samin.
Tsismoso din nito.
"Ang galing mo Jay. Eto na ang pagkakataon ni Edrix." sabi niya na parang nagpapasalamat sa natanggap na donasyon.
"Sira! May nangyari lang kasi kaya ko nabanggit pero hindi pa alam ni Freya na si Edrix ang tinutukoy ko." paliwanag ko.
"Ayos lang yon, basta may pagkakataon na ang tropa natin."
"Ang kailangan nalang natin gawin ay ihanda ang panliligaw-."
"Hindi ko gagawin." putol ni Edrix sa sasabihin ko.
Sabay kami ni Rory na lumingon sa kanya. Kulang nalang sampalin namin siya para lang mahimasmasan siya sa sinabi niya.
Kingina! Pagkakataon mo na!
"Mali ka ng salitang ginamit." sabi ni Rory.
"Hindi. Tama ang dinig mo." sagot ni Edrix at parang bumagsak ang balikat ko.
"Pero bakit?"
"Hindi ba obvious? Kasi ako lang ang meron ako. Wala ng iba. Wala na kong pwedeng ipagmalaki sa kaniya." sabi niya at nagsimulang lumakad paalis.
whaaatttt?
Malilintikan ako kay Freya. Anong sasabihin ko? Umatras na ang manliligaw niya? Magagalit sakin yon at baka isipin niyang sinungaling ako.
Nasabunutan ko ang buhok ko gamit ang isang kamay. "Umayaw siya."
"Hindi, Jay. Hindi siya pwedeng umayaw." seryosong sabi ni Rory. "Pagkakataon na niyang maging masaya." tumingin siya sakin at ngumiti ng mala-impakto. "Leave it to me."
Mahina ko siyang sinampal. Muka siyang magnanakaw ng panty sa sampayan.
Lakas maka-manyak ng itsura.
"Aray naman." reklamo niya.
"Muka kang sira-ulo." sandali kong tinignan si Edrix na nasa malayo na. "Anong balak mo?"
Tinignan din ni Rory ang tinitignan ko. "Alam mo maraming sikreto ang closet ng isang tao."
Napatingin ako sa kanya. Marami nga palang alam si Rory. Mas lalo na siguro ang sikreto ng kaibigan.
Gaano kaya karami ang alam ng Ulupong na to?